THREE: OVERNIGHT
Pagkatapos ng ilang araw, matapos kong mabasa ang naiwang note ng taong basta basta nalang pumasok sa kwarto ko ay natatakot na akong mag-isa sa bahay. Kaya sa tuwing may duty yung papa ko kina katy ako nakikitulog, tuwing weekends lang ako matutulog ng bahay kapag walang work si papa feeling ko kasi mas safe eh, unti unti na akong natatakot at nagiging curious sa kapitbahay naming hindi normal.
FRIDAY NIGHT.
nandito ako ngayon sa kwarto ni katy at nagbabasa ng magazine habang busy siya sa buhok niya sa harap ng salamin. Biglang may kumatok kaya agad kaming napatingin sa pinto, maya maya bumungad ang mukha ni tita gwen na may dalang pagkain para sa amin.
"girls kumain kayo, bawal ang diet sa bahay nato" at inilatag niya yung pagkain sa may table "aalis muna ako ha?"
"bakit mom, saan ka naman pupunta? hindi kaba natatakot lumabas?"
"ano ba anak? nakalimutan mo bang night shift ako ngayon sa call center na tinatrabahuan ko? biglaan eh may umabsent sa team namin" at ngumiti si tita sa akin "oh hayley, huwag kang mahiya kapag magugutom ka marami pang pagkain sa ref tapos nasa sala yung extrang kumot at unan na para sayo, pinalitan ko na yung ginagamit mo" bilin niya at tumango ako.
"mommy naman eh! bakit pa kayo mag wo-work ng gabi" katy at napa pout.
"hindi ka naman mag iisa eh, nandito na si hayley tsaka sayang naman kasi kung hindi ako papasok ngayon alam mo na malapit na ang finals mo, iniisip ko lang yung paparating na tuition mo"
"oo na, ingat po kayo mom" at hinagkan niya si tita gwen, napangiti nalang ako ng tahimik sa nasasaksihan kong pagtatalo ng mag inang to, parang kami lang ni dad eh, nagpaalam na si tita sa amin para umalis kaya naiwan na kami ni katy, agad kong nilock yung mga bintana at mga pinto na ikinagulat ni katy.
"okay kalang?"
"ye-yeah? ba bakit mo natanong?" nasabi ko at kinuha yung unan at kumot sa sala.
"mukha kang napaparanoid dahil lang sa notes na nabasa mo tsaka ngayon lang wala si mom at hindi malapit yung creepy house dito, siguro naman hindi yun basta basta papasok dito" pagsasalita niya habang papunta kami sa loob ng kwarto niya.
"alam mo katy, hanggang ngayon kasi hindi ko pa nakakalimutan ang araw na yun kaya parang ... natatakot na ako" at natawa siya.
"yun! natakot ka rin, sinabi ko na sayo diba? talagang nakakatakot yang kapitbahay natin, hmmm ano? magbabalak ka nabang umalis sa village nato?"
napakain nalang ako sa tanong niya tsaka napatingin sa bintana.
"hindi naman basta basta papayag si papa na aalis nalang kami dito, ewan bahala na basta ayaw ko nang mapag-isa sa bahay"
pagkatapos naming kumain ay nakipagbabad si katy sa telepono kay arthur, nalaman ko rin na may crush tong si katy kay arthur hindi na ako magtataka kasi panay papansin to sa mayabang na yun. Napatingin ako sa phone ko at nabasa ko yung text ni jayden, sa mga nagdaang araw parang lumalabo din kami ni jayden tss totoo nga yung sinasabi nila na mahirap ang long distance relationship.
"hay nako" rinig ko kay katy at tumabi sa akin sa kama.
"bakit? tapos na kayong mag usap ni arthur?"
"gagadruate na kami pero hanggang ngayon sila parin ni Alessa" malungkot na sabi niya.
"huwag kana kasing umasa"
"hmmm sana sinabi ko nalang sa kanya noong isang taon eh bago naging sila nang alessang yun!" at napayakap siya sa teddybear niya, tahimik lang akong nakatingin sa kisame nang biglang may narinig kaming ingay sa labas ng bahay.
"ano yun?!" kaya sabay kaming napabangon para sumilip sa bintana.
"ay shet sila na naman?!" katy at tiningnan ng maiigi yung mga maingay sa labas.
"kilala mo sila?"
"WOOOOOO!! HALIKA KAYO!!" sigaw nung tumatawa na bitbit yung skateboard niya.
"mga skater boys! schoolmate namin at grupo yang mga yan, minsan na silang pumunta dito at ang ginawa lang naman nila, pagbabatuhin yung creepy house! tapos mag va-vandal sa gate nun, kita mo yun?"
at tiningnan ko yung tinuturo niya, may mga vandals nga hindi ko lang napansin.
"sila ang may gawa nun?"
"oo! at hindi pa sila makokontento, papasok pa sila sa bakuran para basagin yung mga bintana, sana nga magpakita sa kanila yung may-ari diyan para matakot"
"bakit hindi paba nagpakita sa kanila?"
"ewan? ang sabi hindi naman sila pumasok sa loob hanggang sa labas lang ang kaya ng mga yan, hindi katulad sa ginawa natin kaya siguro ganyan sila"
"eh mas matapang pa pala tayo pero hindi naman tama na ganun ganunin nalang yung bahay dyan, napaka bastos nila"
"ganyan talaga sila, sila yung mga siga dito eh! hayaan mo na, matulog nalang tayo"
"paano tayo makakatulog sa ingay nila?!"
at napansin kong lumabas si mr. lim sa bahay nila at parang sisitahin yung mga kolokoy.
"wait! nandyan pala ang matatanda sa kabila, na ingayan siguro si mr. lim kaya lumabas, matatanda talaga" rinig ko kay katy, hindi naman talaga tama ang ginagawa nila dis oras ng gabi.
"lalabas ako" nasabi ko at nagulat si katy habang tinitingnan niya akong nagsusuot ng jacket.
"no way! huy hayley! umayos ka nga!"
"ang gawin mo nalang, tawagan mo yyng guard nitong village at e report mong may mga sira ulong nanggugulo banda rito"
"hello?? walang guard na pupunta dito kasi kilala nila ang leader no! anak lang naman ng may-ari nitong village!"
"kaya naman pala, ang lakas ng loob gumawa ng kabastusan" nasabi ko at lumakad hindi na ako napigilan ni katy kasi ganito ako eh, ayaw ko nang mga kolokoy.
"mga bata pwede bang magsi-uwi.an na kayo, dis oras na nang gabi yung asawa ko hindi makakatulog sa pag iingay niyo" rinig ko kay mr. lim nang buksan ko ang gate.
"hayleyyyy!" mahinang tawag ni katy sa akin, sumunod din pala.
"ano pong problema dito?" tanong ko at napatingin ako sa nakangising lalaki na nakahawak ng skateboard niya, siya yung maingay na maingay.
"hayley iha, pumasok na kayo ako na ang bahala dito" mr. lim
"hoy tanda! wala kang pakialam kung anong gagawin namin ng dis oras nang gabi! tsaka hindi mo ba ako kilala?"
"oo nga" sabi nung mga kasama niya.
"teka diba schoolmate ka namin?" sabi niya at itinuro si katy kaya napahawak siya ng mahigpit sa braso ko "ahhh at ikaw" at itinuro ako "bago ka ah? sisitahin mo din ba ako?"
"pumasok na kayo mga iha" mahinahon na sabi ni mr. lim
"hindi po! hindi po namin kayong hahayaang bastusin ng mga gusgusing mga batang to" nasabi ko at pinagtuturo sila isa isa kaya yung mga mukha nila gulat na gulat parang mga pinagalitan, narinig ko naman yung mga mahihinang tawa nila mr. lim at katy.
"hayup! sino bato?!" turo niya sa akin "hot ikaw babae" sigaw niya kay katy "anong pinaghahawakan ng babaeng kasama mo para magsalita ng mga ganyan sa amin?!"
"ano ba kayo iho, e re-report namin kayo sa guard" mr. lim at tinalikuran niya lang kami at sumunod yung mga kasama niya tsaka nag sigawan at nagtawanan.
"GUARD DAW?! HAHAHAHA! ANG LO-LOSER! HINDI ATA MARUNONG RUMESPETO!" sa mga narinig ko sa kanila lalong uminit yung ulo ko.
"hayley, pumasok nalang tayo baka pag initan ako sa school ng mga yan"
tiningnan ko si katy at mr. lim.
"pumasok nalang po kayo, katy ako na ang bahala sa kanila" at inalis ko yung kamay ni katy tsaka sinundan sila, nagulat ako sa mga ginawa nila sa gate kasi nagsimula silang mag vandal tapos yung iba pumasok at binasag yung mga naka on na ilaw like wtf?! kailangan ba talaga nilang gawin ang mga yun?! napatingin ako sa may balcony ng bahay at mukhang may napansin akong gumalaw sa may bintana, yung butas ng newspaper naka-angat yun ng kaunti kanina.
"ANO PABANG MAGANDANG GAWIN SA BULOK NA BAHAY NATO!" sigaw nung hambog kanina.
"ITIGIL NIYO YAN!" sigaw ko kaya nahinto sila sa mga ginagawa nila lalong lalo na yung lalaki at tiningnan ako.
"matapang ka talaga no? hindi mo talaga kami titigilan?"
"hindi! hanggat di kayo aalis dito!"
"saan kaba nakatira? doon?" at itinuro niya ang bahay nila katy "guys, doon naman tayo!" kaya agad akong kinabahan bigla akong tumakbo papunta sa kanya at tinadyakan siya sa ibaba niya na ikinagulat nilang lahat.
"aray!!!"
"Zac!!!" sigaw nilang lahat at nagsipuntahan malapit sa amin agad namang tinaas ni zac ba yun yung kamay niya at tumawa.
"haha ang galing, matapang ka nga!" at bigla niyang hinila yung braso ko papalapit sa kanya tsaka hinigpitan ang paghawak nito, napapigil ako sa pag aray dahil ayaw kong maging mahina habang nakangiti siya sa akin na nakakairita.
"HAYLEY!!" rinig ko kay katy at kasama na niya sina arthur at louis na mukhang handa nang makipaglaban yung mga itsura.
"zac bitawan mo si hayley"
"hayley? ito?" at tiningnan niya ako "nice to meet you" tsaka siya ngumiti sa akin "zac nga pala"
"hindi ako interesadong makilala ka" nasabi ko at binitawan niya ako tsaka namulsa at linapitan si arthur at louis, agad naman akong nilapitan ni katy.
"may bago pala kayong kaibigan, hmm mukhang matapang pa katulad niyong mga tanga!" at itinulak niya si arthur yun bang naghahamon.
"umalis na kayo dito! bago pa dumating yung mga pulis na tinawagan namin" galit na sabi ni louis, ngayon ko lang nakita si louis magalit kasi napakatahimik niting bunso namin.
"tara na zac baka may pulis nga" sabi nung isang kasama niya at biglang kinwelyuhan si arthur ni zac kaya agad naitulak ni louis si zac , napatingin siya sa aming apat at ngumiti.
"hindi pa tayo tapos!" sabi niya at kinuha yung skateboard niya tsaka ginamit yun para umalis sila kaya naiwan kaming apat doon sa tapat ng creepy house.
"totoo bang tumawag kayo ng pulis?" tanong ko nang lapitan namin ni katy yung dalawa.
"hindi, joke lang yun" louis at ngumiti sa akin kaya ginulo ko yung buhok niya.
"mabuting joke yun!"
"takot sila sa pulis kaya mabilis silang umalis" arthur at inayos ang sarili niya.
"okay kalang arth?" katy
"okay lang naman ako" at napatingin siya sa creepy house "sana hinayaan niyo nalang kung anong gagawin nila zac hindi niyo naman problema kung may masisira sa bahay na yan"
"nako! sabihan mo tong si hayley, siya tong matapang at nag iisang taong hinarap si zac, mabuti nalang hindi nila nasaktan si mr. lim"
"hindi naman bahay yung inaalala ko, hindi ako makatulog sa ingay nila! tsaka tinulungan ko lang si mr. lim na sitahin sila kasi ang babastos"
"kahit na, pinapahamak mo lang ang sarili mo" sabi niya at iniwan kaming tatlo.
"bakit ang sungit niya?!" tanong ko kay louis at nag shrugged lang siya.
"hayaan niyo na yun, baka inaway ng gf niya"
"at dadamayin kami sa kasupladuhan? tss"
"oy chill" katy at tinapik ako , tinawanan ako ng dalawa kaya natawa narin ako, napatingin ako sa bahay at lumapit ako sa may gate.
"oh? ano pang gagawin mo? umuwi na tayo nakakatakot na, wala pa namang ilaw, nanlalamig ako" katy
"tara na!" louis
"isasara ko lang ang gate" nasabi ko at isinara yun, napaka walang modo talaga ng mga kolokoy na yun, bago ako umalis tiningnan ko yung bintana kung saan may nakita ako kanina "pasensya kana"
kinabukasan.
"hayley gising! nandyan na si tito" katy at hinay hinay akong bumangon.
"hirap mag overnight dito sainyo, ang ingay mong matulog" nasabi ko, kaya natatanghali.an akong gumising eh ang lakas humilik nitong si katy parang hindu babae.
"wow? masanay kana, wala kang choice no!" sabi niya at tinawanan ako, sabay na kaming bumaba at nadatnan ko si papa na kumakain sa kusina nila tita gwen habang naghahanda pa ng ibang ulam si tita kaya napakamot ako sa ulo at binati sila.
"kumain na kayo dito, tong mga bata to ang tagal gumising, katy naman umabsent ka na naman ngayon" nasabi ni tita, napatingin ako kay katy na parang wala siyang narinig dahil kumain lang siya.
"papa, may extrang ilaw pa po ba tayo?"
"bakit anak? hindi naba gumagana yung ilaw sa kwarto mo?"
"hindi po para sa kwarto ko, doon sa kapitbahay natin, kagabi kasi" at napatingin ako kay katy na napanganga sa narinig niya.
"anong meron kagabi?" tita gwen at umupo na para kumain.
"kagabi kasi tita may mga loko lokong nagbasag ng ilaw malapit sa main door doon, sinilip kasi namin ni katy yung mga grupo ng kabataan na ang iingay tapos yun napansin naming nag vandal sila sa may gate tsaka nagbasag" nasabi ko at napatabon sa bunganga si tita.
"nako! yung mga gangster yan dito"
"talaga? bakit di mo binalita sa akin anak? para mapuntahan namin para mahuli namin ang mga yan, yung mga guards dito sa village pala? delikado pa naman ang mga ganyang bata" papa
"umalis din po naman sila pagkatapos manggulo" nasabi ko nalang, ayaw kong sabihin ang buong pangyayari baka ano pang gawin ni papa.
"sa susunod ibalita niyo sa mga guards ng village nato o di kaya tawagan mo ako baka hindi lang yung kapitbahay natin ang gagawan nila ng masama baka madamay pa ang ibang bahay dito, wala pa namang tao sa atin anak" at tumango nalang ako, naramdaman ko naman na sinipa ako ni katy ng mahina sa paanan kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti lang ako ng mabilis.
"buti naman at sumilip lang kayo" tita gwen.
"sige mamaya, aayusin natin yung ilaw" at napangiti ako sa narinig ko kay papa.
"lagi nalang walang tao sa bahay na yan pero bumubukas ang ilaw pag gabi, sa tinagal kong pagtira dito ni minsan talaga hindi ko pa nakikita ang may ari diyan" salita ni tita gwen tapos nag usap na sila ni papa tungkol doon at nakikinig lang kami ni katy.
umuwi kami ni papa pagkatapos naming kumain kina tita gwen, agad naman siyang naghanap ng extrang ilaw at salamat naman dahil meron kaya agad kaming pumunta sa kabilang bahay, syempre nagpaalam kami bago pumasok tapos sinabihan ako ni papa na mag ingat sa mga basag na ilaw. Sinimulan nang inayos ni papa at yun nga umilaw na, nag ngiti.an kami tapos nang bumaba na siya sa dala naming hagdan bigla itong namatay. Kaya nagtinginan kami at sabay na napatingin sa pinto.
"papa,bago po ba yang ilaw?"
"oo naman, baka may pumatay lang sa switch sa loob" at kumatok siya sa may bintana. " tao pooo?? inayos nga po pala namin yung ilaw niyo, nasira kasi to kagabi sabi ng anak ko, huwag po kayong mag-alala okay na" sigaw ni papa kaya nagtinginan nalang kami dahil walang sumasagot.
"tara na papa baka automatic tong ilaw niya" at tumango si papa, aalis na sana kami ng biglang bumukas yung pinto kaya kinabahan ako at nahinto kami tsaka agad na lumapit si papa sa may pinto.
"hello? may tao po ba?" biglang may sobreng inilabas ito mula sa loob at isinara agad yung pinto, napatingin ako sa paligid at napansin ko ring nawala na yung mabahong amoy.
"ano yan papa?" at agad niyang kinuha yung sobre, nagulat kami kasi may maliit na note katulad noong note na naiwan sa kwarto ko tapos may pera.
"thank you, lalong lalo na sa anak niyong si hayley, bayad ko sa ilaw na pinalit niyo" pagbabasa ni papa kaya napatingin siya sakin at ngumiti "ano bang ginawa mo anak at mukhang malaki ang pagpapasalamat niya sayo?"
"wala naman" nasabi ko at kinuha ko yung sobreng may pera at ipinasok ko pabalik sa loob yun "hindi namin kailangan ng bayad ng papa ko, tulong kapitbahay na namin to sayo" sigaw ko at nag ngiti.an kami ni papa kaya napakatok ako para magpaalam kami, umalis kami doon at umuwi sa bahay namin para makapagpahinga buti nalang day off nang papa ko ngayon hanggang bukas kaya may makakasama ako at dahil sa nangyari kanina, nabawasan yung takot sa kabilang bahay mukhang harmless naman ata yung may-ari doon.
"papa! kina arthur lang ako" sigaw ko habang busy si papa sa t.v
"sige, mag ingat kayo"
nakita ko naman sa labas ng gate na kumakaway si katy habang pinaglalaru.an ang buhok niya, tinawagan niya kasi ako na maglalaro daw kami ng baraha kina arthur at dahil bored ako agad akong pumayag.
"huyy! bakit ang bait mo?!" biglang sabi niya ng makalabas ako sa gate, tumingin siya saglit sa kabila at tiningnan ako.
"anong ibig mong sabihin?"
"may pa repair kapang nalalaman sa ilaw ng kabila"
"alam mo bang" pero nahinto ako, sasabihin ko ba? wag nalang. "ahhh oo mabait kami ni papa sa mga kapitbahay namin"
"edi kayo na! mabuti naman kung ganun kayo" nasabi niya at tumawid na kami para mag doorbell sa gate nila arthur.
"andyan naaa!" rinig ko kay arthur at pinagbuksan kami, nakangiti na siya ngayon.
"okay na siguro kayo ng gf mo" nasabi koa t pumasok kaya nagtaka yung itsura niya.
"sana all" bitter na sabi ni katy at sumunod sa akin, nadatnan ko naman si louis na may niluluto sa kusina kaya napa-upo sa mga stool doon at pinanuod siya, sila arthur at katy nasa sala at parang nagtatalo sa channel na panonoorin.
"ayus , okay na yung mood ni arthur" paninimula ko kasi tahimik lang si louis at seryoso sa ginagawa niya.
"oo nga"
"buti hindi ka ganyan, nag-aaway rin ba kayo ng gf mo?"
"ha? a-ano? ako? may gf?" tarantang sabi niya at tumango nalang ako "nako! wala akong gf!" sabi niya at nagulat ako, diba sabi ni arthur meron daw psh.
"weee? eh bakit nung v-day? may pa bulaklak ka tapos umattend ka?"
"wala yun, basta wala nga" nasabi niya at may nilagay siya sa platong bitbit niya tapos binigay sa akin. "tikman mo?"
tinikman ko naman, napangiti ako sa kanya kaya mukhang nahiya yung mukha niya.
"masarap chef" nasabi ko at kinuha niya yung kutsarang ginamit ko at tumikim din sa niluto niya, nagulat ako at napatingin sa kanya na parang ninanamnam yung lasa, bakit nakaka attract yung itsura niya pag nag iisip.
"sakto lang" nasabi niya at umalis sa tabi ko, di ko din namalayan na magkatabi kami, napa inom ako ng tubig dahil biglang kaba ng dibdib ko.
"maswerte magiging gf mo dahil may talent ka sa pagluluto" nasabi ko nalang.
"talaga? ganun din ba mga type mo?" nagulat ako sa tanong niya tapos nakangiti pa sya sa akin, kinabahan ako at tumawa nalang.
"type? haha okay lang kapag kagaya mo, magaling sa kusina" napakamot ako sa ulo, ano batong pinagsasabi ko.
ngumiti lang siya at pumasok si katy kaya natigil yung titigan namin, nako hayley may bf kana.
"may naamoy ako! kakain naba?" katy at kumuha ng mga plato kaya tumayo ako para tulungan siya para e ayus yung kakainan naming table, hanggang sa naubos namin yun at tumambay sa kwarto nila para maglaro ng baraha, seryoso kaming tatlo sa paglalaro habang si louis nandoon sa baba naghuhugas ng plato.
"kaninong cp ang maingay?" arthur at agad kaming nagkapkapan sa mga bulsa namin ni katy, sa akin pala kaya binaba ko yung baraha ko at sinagot yun, himala si jayden.
"excuse" nasabi ko at lumapit sa may bintana kung saan makikita mo yung creepy house "hello jay" malamig na sagot ko.
"hi, kumusta? sorry kung minsan nalang akong tumawag, busy dito eh ngapala okay pa naman tayo diba?"
"oo naman, wala namang nagbabago" nasabi ko kahit yung totoo medyo nasasaktan ako kasi parang wala siyang time, laging busy basta ayaw ko lang siyang mawala.
"ako rin, ikaw parin to" napangiti ako, kahit ganun sweet niya parin, nag usap kami at nalimutan kong naglalaro pala ako kaya naabutan ako ni louis na may kausap at dahil nainip yung dalawa si louis yung nagpatuloy sa laro ko, sinulit ko lang tong tawag ni jay dahil ngayon lang ulit naging matagal yung pag uusap namin, habang nakatingin ako sa may bintana may napansin ako sa kabilang bahay, sa bintana sa may balcony, may sumisilip sa bintana, iniwas ko yung tingin ko at tinapos yung tawag ni jay.
"at natapos din" katy at ngumiti sa akin.
"yes panalo!" sigaw ni arthur "oy, bf mo ba yang jay?" at tumango ako nang mapatingin ako kay louis napansin kong yumuyuko lang siya at inaayos ng tahimik yung baraha.
"at matagal na sila!" katy, pambihira! napaka chismosa talaga.
"ganun ba" arthur at tumango tango "oy louis! bagsak ka" at tumawa siya, tinulak siya ni louis na parang HUWAG KA NGA , fishy.
"maglalaro paba tayo?" louis at this time tumingin siya sa akin ng sandali tapos umiwas na para bang kanina lang nag ngingiti.an kami.
"uuwi na ako" nasabi ko nalang, napansin ko ring dumidilim na.
"sige hatid ko na kayo" arthur at tumayo "louis magligpit ka nalang dito"
"talaga? ihahatid mo kami?" katy at ngiting ngiti.
"bye louis" pagpapa-alam ni katy , tahimik lang siyang kumaway.
"oy! bye" medyo awkward kong sabi, hindi ko alam kung bakit. Tumingin siya sa akin na para bang, ewan basta tumitig lang siya tapos bigla nalang akong itinulak para lumabas ng kwarto nila kaya napangiti ako sa kanya.
pagkatapos kaming ihatid ni arthur sa kanya kanyang bahay namin ni katy, agad akong pumasok sa loob para hanapin si papa, nakatulog siya habang tumitingin ng tv kaya pinatay ko nalang yun at pumuntang kusina para tingnan kung anong pwedeng lutu.in. Ang bilis ng oras parang kanina lang nananghali.an kami ngayon dinner na. Ano bang lulutu.in ko? kukuha na sana ako ng kutsilyo nang biglang nagpakita si papa.
"ako na anak" sa sobrang gulat ko nahulog ko yung mga dala kong gulay kaya agad akong linapitan ni papa para tulungan akong kunin ang mga yun.
"ano ba anak napaka makagulatin ka naman" at nagtawanan kami "sige doon ka nalang, tatawagin nalang kita kapag maluluto ko nato" kaya tumango ako at pumuntang kwarto, napa-upo ako sa may study table ko at tiningnan ulit yung note.
"sorry sa gulo" nasabi ko sa sarili ko nang biglang may bumato sa labas ng bintana ko kaya agad akong napasilip kung sino yun, wala namang tao at hindi pwedeng balikan ako nung zac hindi niya alam kung saan yung bahay ko, nabaling yung tingin ko sa kaharap na bintana ko, dahan dahan itong bumukas, lumakas ang tibok ng puso ko habang pinapanood ang pagbukas nun pagkatapos umilaw yung main door , tsaka sa may balcon at sa di ko inaasahan may biglang hugis taong tumambad sa bintanang kaharap ko ngayon, hindi malinaw sa paningin ko yung mukha niya dahil sa madilim ang silid nito, para akong na semento dahil sa paninigas ng buong katawan ko nang paunti unting naiilawan yung mukha niya galing sa liwanag ng silid ko dahil dahan dahan kong binuksan yung kurtina hanggang sa.
"anak?" biglang katok ni papa kaya agad akong napatingin sa pinto.
"pooo?"
"halikana! kanina pa ako tumatawag sayo"
"opo, andyan na" sigaw ko, nang ibalik ko yung tingin ko sa kabilang bintana sarado na ito kaya dissapointed kong iniwan ang pwestong yun para bumaba at kumain ng dinner.
mabilis kong tinapos yung pagkaing inihanda ni papa at bumalik ng kwarto, sinabi ko namang maaga akong matutulog kaya hinayaan niya ako kasi alam ko namang magbabad yun sa t.v hanggang makatulog sa sala. Nang makabalik ako sa kwarto, sumilip ulit ako sa bintana pero wala, ilang oras ko ding hinintay na may bumato hanggang sa makaramdam ako ng antok at napagpasyahang matulog nalang, siguro hindi pato ang tamang oras na makikita siya. Humiga na ako at pinatay yung ilaw para ma feel ko na yung antok ko nang biglang humangin ng malakas dahilan para mapikit ko yung mga mata ko, ewan natatakot ako sa lamig eh, nagtago ako sa kumot ko maya maya naramdaman kong may umupo sa paanan ko.
"sino ka?" biglang banggit ko "paano ka nakapasok?" mahinahong tanong ko hindi siya nagsalita pero ramdam ko yung pagkakaupo niya. Dahan dahan ko namang ibinaba yung kumot ko, hinay hinay ko namang idinilat ang mga mata ko hanggang sa nakikita ko yung sideview na mukha niya, yung balat niya na putlang putla at napansin kong nakayuko siya. Hindi naman nakakatakot yung... tangina bigla siyang natumba at napahiga sa sahig kaya agad akong napabangon at tinulungan siyang mapasandal sa gilid ng kama ko.
"hoy okay ka lang?" tanong ko at nang mapatingin ako sa buong pagmumukha niya, takte bakit ang GWAPO?! medyo sumisingkit yung mata niya dahil siguro sa nararamdaman niya at panay hawak niya sa tiyan niya. Tinitigan ko nang mabuti yung mukha niya, ibang iba sa sinasabi nilang nakakatakot, ang isang to ay parang gwapong bampira. amp
"hayley" sambit niya sa pangalan ko.
"teka, kilala mo ako? ikaw ba yung kapitbahay namin?" natanong ko at napahawak ako sa noo niya, takte ang taas ng lagnat! kaya nag isip ako ng gagawin kasi ayaw kong mataranta, tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.
"ako nga, ako yung kapitbahay niyo, please tulungan mo ako" mahinang sabi niya at nahimatay kaya nagulat ako at doon na ako nag-alala kasi di ko din pala alam ang gagawin. Kailangan ko nang tulong!!!
to be continue..
jennie kim as katy..
bts jungkook as arthur/ jin as louis..
and junghae in as zac the skater boy..
bts v (kim taehyung) as the not normal kapitbahay..
and kim jisoo as hayley anderson
a/n: sorry sa mga words na hindi niyo maintindihan, hindi ako nag che check hehe thank you sa pagbabasa! 🙃