Capturing Hue

By haneehany

4.7K 920 993

WATTYS 2021 SHORTLIST UNDER THE YOUNG ADULT CATEGORY! He kept his love in their photograph. *** Tanniah Hazel... More

Capturing Hue
Foreword
Episode 01
Episode 02
Episode 03
Episode 04
Episode 05
Episode 06
Episode 07
Episode 08
Episode 09
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 14
Episode 15
Capturing Hue Playlist
Dearest Writer, Cassy

Episode 13

155 40 44
By haneehany

╔═════ ∘◦ ✾ ◦∘ ══════╗

"Like a photo, love leaves a memory no one can steal."

╚═════ ∘◦ ❈ ◦∘ ══════╝

Episode 13


What if you're about to lose someone that you loved dearly?


"North! Kapit lang, ah. . . P-please. . . Don't give up. . ."

I was holding North's hand while he was in a stretcher, still unconscious. Walang lumabas na luha sa mga mata ko. I feel numb. Wala akong nararamdaman kun'di takot at kaba. 

Nanginginig ang kamay kong napahiwalay sa pagkakasalikop nang sinabi ng nurse na bawal nang pumasok sa Emergency Room.

Napaupo na lang ako sa malapit na bench habang umiiyak pa rin dahil hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Bakit siya hinimatay? Bakit niya gustong makipagkita? Anong sasabihin niya?

Cycles of questions ran through my mind for almost three hours while I'm sitting near the Emergency Room. My hands are stuck together for a prayer. I am not that faithful when it comes to the Lord, but for some reason, I know that He will be the only one who'll grant my wishes.

God, I know that I haven't been a good child all my life. Even though I'm obeying my parents, I know that You know that there's something wrong with me, and deep inside, I wanted to hate them, but I can't. But Lord, I wish for North's safety and his fast recovery. I don't know what happened to him, the reason why he fell unconscious, but I pray that you'll keep him safe. In Jesus, Mighty name We pray. Amen.

I closed my eyes to take a nap for an hour. I immediately dozed off to sleep because of tiredness.

---

"Guardian of Mr. North Lacuesta?" 

Pupungas-pungas pa ang mata nang dumilat ako at may nagtatawag na nurse na mukhang kakalabas lang sa Emergency Room. Agad akong tumayo at lumapit sa nurse.

"Ako po ang nagdala rito kay North. K-kumusta na po siya?" Hindi ko napigilan ang pagkautal dahil sa kaba. The nurse smiled at me.

"Matagal na pong pasyente rito si Mr. Lacuesta at may room na po siya for his personal use. He's stable now and within this day, gigising na rin po siya."

Tinanguan ako ng Nurse kaya dahan-dahan akong pumunta sa ward na sinasabi ng Nurse kanina. I stopped in front of its door like I'm about to enter the gates of hell. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

After three weeks of no communication with him, we've met again and this is what had happened. Papasok na sana ako sa k'warto nang maunahan ako ng isang babaeng mukhang kasing tanda na rin nila Mommy.

"Excuse me. . . This is my son's room. Anong kailangan niyo?" she politely asked me.

My eyes widened when I didn't easily recognized her face. She looked exactly like North! 

"Uhm. . . s-sorry, Ma'am. . . I'm his. . ." napahinto ako at napaisip. Anong sasabihin ko? Kaibigan? Eh totoo namang magkaibigan lang kami. Ano bang mga iniisip mo Tanniah Hazelle?

"Kaibigan niya po. . ." nahihiya kong tugon.

Tumango ang Mama niya bago ako iginiya papasok din sa k'warto ng anak niya. Mukhang hindi siya mahirap pakisamahan kagaya ni North na approachable rin sa lahat ng bagay.

"Anong pangalan mo, hija?" tanong ng Mama ni North nang pinaupo niya ako sa malapit na sofa sa ward ni North. I quickly glanced at North's state and saw that he was sleeping soundly with all the machines connected to his body.

Umupo na rin ako. "Tanniah Hazelle Mesina po. . ." Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng Mama niya habang nagtitimpla ng inumin namin.

"So you're the girl. . ." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko bago ako inalok ng maiinom. "Hot chocolate?" She smiled at me that made her eyes form crescent like how North smiled at me before. That's when I realized that I really missed him. Sa hindi namin pagkikita ay siya lang ang laman ng isip ko.

Inabot ko ang hot chocolate at nagpasalamat. "Lagi kang ni-ke-kwento sa'kin ni North. Sabi niya ay may nagugustuhan daw siyang babae na tinatawag niyang. . . ano nga ulit 'yun?"

"Kap. . ." mahina kong pagpapatuloy kaya napatawa siya. 

"Oo, 'yun nga. Kapitana raw. Kasi masungit at hindi namamansin. Wala atang isang araw na hindi ka niya kwinento sa'kin at pinagmalaki. Ikaw pala 'yung sinasabi niya. I'm glad that I met you." Humigop ang Mama niya sa iniinom at ako naman ay napalunok lang ng mariin. Kinekwento ako ni North?

"Hindi ko po siya masyadong nakausap sa school noong nakaraang buwan tapos nabalitaan ko po na hindi po siya pumapasok sa mga klase niya. Perhaps. . . may. . . s-sakit po ba siya?"

Napalingon sa tabi ko ang Mama niya bago napawi ang ngiti na parang ayaw sa mga sinabi ko. "I'm sorry. . . Hindi ko po s-sinasad—" I couldn't continue what I was about to day when she cut me off.

"Don't be sorry and yes. . . may sakit siya sa puso." Napayuko ang Mama niya na mukhang iniiwasan nga ang gano'ng usapan. May sakit si North? Kailan pa?

"My husband died with. . . the same illness. . . that's why North inherited his weak heart. . ." pagpapaliwanag niya. Parang may nakabara sa lalamunan ko at naramdaman ko na lang na may namumuo nang luha sa gilid ng mata ko.

"Alam niya na 'yun simula bata pa lang siya. Na may sakit siya. Lagi niyang sinasabi na magiging masaya na lang siya sa buhay niya kasi gusto niyang. . . m-masulit lahat ng oras niya sa m-mundo. . ." Tears fell from her mother's eyes and the cup almost fell from her hand. Hinawakan ko 'yun at nilagay muna sa nalalapit na mesa bago siya yakapin. 

"I-i'm sorry po. . . I didn't k-know. . ." 

Tumango siya habang umiiyak pa rin sa balikat ko kaya napaiyak na rin ako. Kung may sakit siya, e'di. . . may posibilidad na. . . No. . . that can't be. Masyado pa kaming bata para bawian siya ng buhay. No, that's impossible.

"He lived with his camera. Sabi niya kasi na gusto niya na kahit wala na siya ay maaalala ko pa rin siya sa pamamagitan ng pictures na kinukuha niya. He said that those memories will live in photos forever. Kagaya ng hilig ng Papa niya. Like father, like son."

Mas lalo akong napaiyak nang maalala ko ang photo book na nakuha ko sa kanya noon. Mahalaga pala 'yun sa kanya kaya niya nilagyan ng title na "Hues, Pains and Memories" dahil alam niya 'yung mga nakalagay sa likod ng picture na 'yun ay mga malulungkot na alaala ng iba't-ibang mga estudyante.

Humiwalay na sa yakap ang Mama ni North at hinawakan ang kamay ko. "It is the first time that he told me that he liked a girl. Sabi niya kasi ay hindi na siya magkakagusto sa isang tao kasi alam niya na. . . baka masaktan niya lang 'yun 'pag. . . u-umalis na siya sa mundo. He accepted his f-fate, that's why I feel sad for him because he knows that every journey has an. . . end. That's why he cherished every bit of it."

"Gusto mo ba na. . . iwan ko muna kayong dalawa rito? You can talk to him while he's still asleep. 'Pag nagising siya ay magloloko na naman 'yan na parang wala siyang sakit. . ." nalulungkot na sabi ng Mama niya kaya tumango ako. Tumayo siya at dumiretso na sa labas bago ihabilin ang anak niya sa'kin.

I scooted near North's side and saw that he was still sleeping like a baby like how he also slept when we were in the clinic. Kaya ko pala siya nakita rito sa ospital noong dinala rin si Clea kasi. . . may sakit din siya.

How come that I haven't noticed all of it?

Am I too self-centered that I haven't seen through his pain? He was always there for me when I needed someone the most, but where was I when he was the one wailing in pain? Wala. Wala ako sa tabi niya.

Sinungitan ko pa siya at kung hindi ako pumayag na magkita kami ay baka hindi ko pa nalaman na may sakit siya sa puso. I held his hand tightly and caressed it. Wala na akong paki kahit 12 AM na at baka hinahanap na 'ko sa bahay. I just want to be with his side to fill in the times that I was not there.

"Bakit kasi. . . h-hindi mo sinasabi sa'kin? L-lagi ka lang kasing nakangiti, eh. . . Akala ko w-wala kang problema," nauutal ko nang sabi kasi nagsimula na namang magsituluan ang mga luha ko.

While I was crying, nagulat ako nang mahagilap ng tingin ko ang phone niya na biglang nag-vibrate. Kinuha ko 'to at mas lalong napaiyak nang makita ko ang reminder niya para sa araw na 'to.

Happy Birthday, Kap!

Siya lang 'ata ang nakaalala na birthday ko ngayon. I never celebrated my birthday with my family for my seventeen years of existence because they were always busy with their work. They just gave me gifts and cash that I never really loved because what I need were their time. . . efforts. . . and love. 

Naiyak ako nang makita ko ang case niya na may lamang polaroid na picture ko. Hindi ko alam kung kelan niya ako kinuhanan nito but I was smiling like an idiot in it. I never knew that I smiled like this.

I got it out from the phone case and looked at North who was still sleeping. Nagulat ako nang may mabasa ako na tula na nakasulat sa likod ng polaroid kagaya noong sa mga picture sa photo book niya.

Remained silent and still with her opinions,

Love and friends for her were just distractions.

Nodding instead of further intriguing,

No one knows what's in her mind was forming.

She had always admired musical artists and instruments,

But she's scared that her dream will be stopped by her parents.

"Focus on studying. Focus on math and measurement."

She had no other choice but to leave her passion in the basement.

Napaiyak na naman ako dahil kilalang-kilala niya na talaga ako. "Nakakairita ka." Mahina kong hinampas ang braso niya dahil naiinis na 'ko sa ginagawa niyang ganito. 

"B-bakit kasi. . . hindi ko man lang napansin na sa likod ng ngiti mo ay malungkot ka rin? I thought that you are just a smiley person, but like me, you also used that mask to hide your true feelings."

Napahagulgol ako sa iyak nang maalala ko noong nagtanungan kaming magkakaibigan kung anong gusto namin na trabaho paglaki. That's why he can't answer properly that time because. . . he wasn't even sure if he'll last that long.

"Gusto kong maging photographer. . . Kung papalarin!"

I remembered how he smiled brightly that day. Hinalikan ko siya sa noo bago bumalik sa bahay namin para kunin ang photo book at gitara ko para tugtugan siya. He told me that he wanted me to sing a song for him before.

Nagulat ako nang pagpasok ko sa bahay ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Where the hell did you go this late?!" malakas na sigaw ni Daddy nang may buong-buong boses. Nanginginig ang labi ko at patuloy na umagos ang mga luha sa mata ko.

Hindi ko maramdaman ang pisngi ko sa pamamanhid dahil sa pagsampal sa'kin ni Daddy. I saw Mom crying beside him. I smiled bitterly. Putang inang buhay 'to.

"You know Mom. . . Dad. . . I'm tired of it. . . I'm tired of it all! Napapagod na 'ko sa lahat-lahat! Gusto ko nang sumuko! Gusto ko na 'yung isip na sana hindi na lang ako pinanganak kung magiging gan'to na lang din ang buhay ko!" I cried before spitting again.

"Nagtiis ako, Mom. . . Dad. . . Sinunod ko kayo kasi mahal ko kayo! Sinunod ko kayo kasi alam kong mas makakabuti sa'kin kung susunod ako. Did you know that I wanted to be a musician? Siyempre hindi! Wala naman kasi kayo sa paglaki ko at puro trabaho lang ang iniintindi niyo! You wanted me to be perfect and a top notcher in school when you didn't even think of your daughter's feelings! Hindi ba obvious na sumusuko na 'ko? Hindi ba 'ko pwedeng mahirapan? Hindi ba 'ko pwedeng magkamali?!"

"You two have always loved each other and I admired you for that. Kapag uuwi si Daddy ay kayo lagi ang magkasama at masaya lang. Tapos. . . n-nasa'n na 'ko sa kwento niyong dalawa? Robot o mannequin lang ba 'ko rito sa bahay na pang-display para may masasabi kayo sa mga kaibigan niyo?! Honestly, I'm tired. . . I-i'm really tired. I know that I will regret blowing up like this later. Hindi ko alam kung bakit ako biglang napasabi nito pero. . ." Napahinto ako at naalala si North.

"I like someone but it was too late because he was on the verge of death. Siya 'yung nagturo sa'kin na dapat ay maging masaya lang ako sa buhay ko at sundin ko kayo pero huwag kong hahayaan na kontrolin niyo ang buhay ko. . ." I sat on the floor just to cry and cry.

I felt like I've released all the poison that has been on my toxic heart and mind in the seventeen years of my life. Hindi nga man lang nila naalala na birthday ko ngayon eh. 

Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Mommy ng mahigpit. "I-i'm sorry, Tanna. . . H-hindi ko alam na. . . nasasakal ka na pala namin. I. . . I thought that you just enjoyed studying kaya hindi ko. . . napansin na ayaw m-mo. . ." I felt tears gushing down my face again because of my Mom's words.

Inangat ko ang tingin ko at nakita na naluluha rin si Daddy but he just went to their room upstairs. Humiwalay ako sa yakap ni Mom.

"I need to go to my. . . friend. He needs me, Mom. Please. . . sana payagan niyo 'ko na samahan man lang siya. . ." I pleaded and she nodded so I walked upstairs to get the photo book and my Ukelele. Nagulat ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko.


From: Unknown Number

Akala ko ba mag-uusap tayo? :((


Napangiti na lang ako dahil kilala ko na agad kung sino ang nag-text at kahit namumugto pa ang mga mata ko, dali-dali akong bumalik sa ospital para sa kanya. Nanginginig pa ang kamay ko nang magpahatid ako sa driver namin. 

I arrived at his ward and knocked on it twice. Nakita ko siyang nakaupo na sa kama niya habang may kinakalikot sa camera niya. Napaangat siya ng tingin at nagulat na umupo ng maayos. I smiled at him but crying was still evident on his face.

"O-oy!" salubong niya nang pumunta ako para yakapin siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at para siyang naging isang tuod dahil sa yakap ko. Hindi siya gumagalaw kaya mas hinigpitan ko ang yakap at umiyak sa balikat niya.

"Thank God that you're okay now. . ." bulong ko bago nagsabi ng mga hindi ko inaasahang sasabihin kong salita kahit na bata pa lang kami.

"I love you, North. . ." 

Gulat siyang napahiwalay sa yakap at agad hinawakan ang noo at leeg ko na parang may tinatyanya siya. "What are you doing?" I asked, now smiling.

"Wala ka namang sakit?" tanong niya kaya tinawanan ko siya at niyakap ulit. 

"Sabihin mo nga ulit 'yung sinabi mo kanina kung matapang ka," pang-aasar niya sa'kin bago tumawa kaya hinampas ko nang mahina ang likod niya.

"I love you," ulit ko kaya hindi siya makapaniwala. Pero bigla akong pinagmulahan ng pisngi nang humiwalay siya sa yakap at agad pinatakan ng mababaw na halik ang labi ko.

"I love you too." He smiled.

"Do you want me to sing you a song?" tanong ko. I don't want to talk about our problems now. Gusto ko lang malaman niya na gusto ko na rin siya at wala na 'kong aakasayahing oras dahil gusto ko lang na makasama siya.

Kinuha ko ang photo book at inabot sa kanya. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya pero agad ko na 'yong pinigilan magsalita nang kumanta na 'ko."

"And I will. . . stumble and fall,

I'm still learning to love, 

Just starting to crawl."

Namuo na naman ang luha sa mata ko at nakita kong gano'n din ang kanya.

"Say something, I'm giving up on you.

I'm sorry that I couldn't get to you.

Anywhere, I would've followed you."

Binaba ko ang gitara at hinawakan siya sa kamay at nakita kong pinunasan niya na ang luha niya habang medyo natatawa. "Pakshet ka, Kap. . ." naluluha niyang sabi kaya tinawanan ko lang siya bago kinanta ang huling linya.

"Say something I'm giving up on you..."

I won't give up on this North. I will not give up on you kahit na tadhana na ang kalaban natin. Ikaw lang ang nakapagpabago sa'kin. You filled in the missing gap in my heart. Without you, I will be nothing. I love you, North.


And will always be...


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Song: Say Something

Haneehany

Continue Reading

You'll Also Like

35.7K 471 100
Collection of One Direction Lyrics. And it is perfect for directioners.
204 85 23
©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: August 9, 2023 Ended: October 21, 2023 Fictional Characters doesn't exist. From the word itself; fictional...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
647 134 63
This is a sports-romance story where Peitha 'the ace' Altamirano of arnis team and Jusffer Troilus 'the great' Mijares of sepak takraw team join forc...