⚔Chapter 8⚔
🗡Compast Star🗡
••Vladimir Lereg's POV•
I got inside para hanapin si Aristia but then i saw her holding the necklace that i gave her before on our anniversary.
I don't know kung paanong nasa kanya ulit yan dahil nawala nia yan noon pa pero hindi na yun importante sa ngayon dahil ang mas importante ay ang makausap ko sya.
"Rain, can we talk?" I asked na kinalingon nia agad sakin at seryoso rin akong tinitigan at ilan sandali pa ay tumango na rin.
"Hmm, I want to talk to you too anyway."she replied at walang maski anong expression na makikita sa mukha nia.
I just walked away heading outside the mansion at dama ko ang pagsunod nia sakin.
Nung nakalabas kami ay tumigil ako sandali at tumingala sa langit kung saan walang mga bituin akong nakikita.
Sensyales na ba ito na mawawala na ang nag iisang bituin na pinagkaingat ingatan ko?
Agad akong napatungo at nagpatuloy nalang sa paglalakad at patungo kung saan kami nag date ni Aristia dati.
Kung saan naging girlfriend ko syang muli.
Umupo ako sa damuhan at nilatag ko yung suot kong coat sa pwestuhan nia para makaupo sya.
"Take a seat Rain." Tipid na ngiting utos ko na ginawa nia naman at nanatili lang kaming tahimik at nagpapakiramdaman.
"Vlad/Rain" sabay na sabi namin at agad kaming nag kalingunan.
"Go ahead first." Sabi ko at nginitian sya ng tipid at humiga sa damuhan habang nakatingin sa madilim na langit.
I just waited for her to talk pero hindi parin sya nag sasalita kundi nakatingin lang din sa kalawakan gaya ko at kita ko sa mga mata nia na nahihirapan sya sa sasabihin nia na alam na alam ko kung tungkol saan.
Yesterday I waited for her para makapag explain pero hindi na sila nakabalik ni Grey hanggang sa ginabi nako sa classroom kaka antay dahil baka bumalik sya hanggang sa tinawagan nako na nakauwi na daw si Aristia at may kasamang lalaki na kahit hindi nila sabihin kung sino ay alam na alam ko.
Umuwi ako at agad syang pinuntahan sa kwarto nia na mahimbing na natutulog at amoy ang alak sa kanya kasabay non ay nananaginip na naman sya at pinagpapawisan ng malamig.
I woke her up but it looks like she's still not in her right mind dahil hindi nia ko matitigan ng maayos.
I told her to wait for me dahil nauuhaw raw sya ngunit walang tubig sa kwarto nia kaya't napagpasyahan kung kumuha sa baba at ng bimpo para mapunasan na rin at pagkatapos ay dali-dali akong umakyat ngunit hindi ko inaasahan ang maabutan at narinig ko ang mga sinasabi nia kay Grey.
~I love you more than words. Nothings change no matter how many years past i-ikaw parin.. Ikaw at ikaw parin yung inaantay ko d-dahil alam kong babalik ka, na magiging maayos pa tayo.~Sambit nia habang naiyak sa harap nito.
Napatingin sakin si Grey dahil nasa bandang likod lang ako ni Aristia.
~Please..tayo nalang.. T-tayo nalang uli, bumalik kana saken~ nahikbing sabi ni Aristia na kinabalik ng tingin ni Grey sa kanya at agad syang halikan ni Aristia hanggang sa pumasok na sila sa kwarto nia.
Agad tumulo mga luha sa mga mata ko ng maalala ko mga nangyari kaya't agad kong tinakip yung braso sa mga mata ko para di nia mapansin.
"Vlad.." she called na parang bulong dahil sa hina nito.
"Hmmm?" Ako habang nakikinig lang sa kanya.
"Don't court me again Vladimir.I'm sorry.. I can't be with you kaya wag mo ng ituloy panliligaw mo." direstyahang sabi ni Aristia na nag pabigat lalo sa dibdib ko.
Her words broke me into tiny pieces.
Durog na naman yung buong pagkatao ko dahil sa kanya.
I heard her deep sighed at ramdam ko na nakalingon sya sakin at ilan sandali pa ay naramdaman ko ng patayo na sya kaya agad kong hinawakan ang kamay nia para pigilan syang lumayo..
"Please stay.. Wag mo kong iwan Rain, n-nangako ka saken." sambit ko habang nakatakip parin mga mata ko at yung isa ay naka kapit sa kamay nia ng mahigpit kasabay ng patuloy na pagpatak ng luha na hindi ko na mapigilan.
"I can pretend that I didn't know, I'll try to forget what happened between you two. Pakiusap wag mo lang akong iwan ulit.."pagmamakaawa ko.
Dahan-dahan akong umupo ng hindi tumintingin sa kanya.
"P-please stay..." Umiiyak na sabi ko at tumingin sa mga mata nia at hindi ko inaasahan na ganun rin sya.
"I do love you.. I really do.." She said at umiiyak si Aristia habang nakatingin sa mga mata ko.
"But I'm sorry... I can't be with you.." She added at nakita ko ng dahan-dahan nyang tanggalin ang singsing na binigay ko sa kanya noon.
"Rain p-please wag.." agad kong hinawakan kamay nia para pigilan sya.
"R-rain wag mong tanggalin..N-nag mamakaawa ako." I kneeled in front of her and begged between my sobs.
I don't care anymore if I look stupid now in front of her. I don't care anything as long as i can make her stay at huwag lang syang malayo saken ay handa akong mag bulag bulagan ulit.
I waited and suffered for too long while waiting for her and this time, i know I can do it again.
I can try to forget.
"K-kaya kong kalimutan yung nangyari sa inyo, Pero yung kalimutan ka p-please Rain, hindi ko yun kaya."Naluhang pagmamakaawa ko at niyakap nia lang ako ng sobrang higpit.
"F-find someone better Vladdy, but that better person.. H-hindi ako yon.. " she's sobbing when she saying those words.
"H-hindi magiging ako yon.."
"M-magulo yung mundong ginagalawan ko and i know that the deeper we fall, the more danger and heartbreaks we gonna face so p-please... Find someone who's better than me..Ok?? Someone who can return the love you can give.. You deserve someone better for you Vladdy b-but I'm sorry if I can't be that one.." She held my face at pilit pinapatingin sa kanya ..
"I don't deserve you..." She's saying those words and i can see how hurt she is gaya ko.
"So please let's stop this.. before i hurt you more." She whispered habang pinupunasan luha sa mga mata ko.
Naluhang hinagkan ni Aristia noo ko at mahigpit akong humawak sa mga kamay nia na nasa pisngi ko.
"I love you so much Vladimir Augustin Lereg." Sambit nia kasabay ng mga hikbi at ramdam ko ang mga luha ni Aristia..
I just closed my eyes ang hugged her tight cause i can feel that this might be the last.
"But I'm so sorry, I can't continue this." She whispered at nilagay sa kamay ko yung singsing nia at tuluyan na syang tumayo at naglakad palayo sakin.
Napatungo nalang ako at hindi na sya hinabol pa dahil hindi ko na kaya.
Hindi ko na kayang mag habol pa...
I looked down where she was sitting before ng makita ko ang kwintas na nahulog nia at dinampot ito at binasa ang nakaukit dito.
Rainy (The Star) ❤ Vladdy (My Star Compass)
Hinayaan ko na ang masaganang luha sa mata ko habang nakatitig sa kwintas habang hawak yung singsing na binigay ko sa kanya noon.
I remembered that day when she's flashing her genuine smile habang sinusuot ko yung kwintas sa kanya at agad akong niyakap ng sobrang higpit.
Sobrang saya nung mga araw na magkasama kami noon at pakiramdam ko'y wala ng hihigit pa.
Kasalanan ko na pinakilala ko sya sa kanya..
Kung hindi ko sana siguro pinagkatiwala sya sa kanya noon, siguro hindi mangyayari lahat ng yon.
"You made a promise to me Rainy.. why you can't remember and keep even just a bit?" I whispered habang nakaluhod parin at nanghihinang napayuko.
'I'm trying my best to be your compass but it hurts... It hurts more than i can bare.'
I smiled bitterly at tinitigan ulit yung kwintas at sa kanya na naglalakad na palayo hanggang sa tuluyan na syang naglaho sa paningin ko.
Because of him..
For the second time.
I lost you again....