Lost and Found

By Cristinalicious__05

45.8K 1.2K 30

[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pamb... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Epilogue

CHAPTER EIGHTEEN

1.3K 35 0
By Cristinalicious__05

Serenity's POV

"A-Ate......Daddy?"

Agad kong naitulak si Draco. Natatarantang lumapit ako kay Drake at hinagod ang buhok niya.

"Tulog ka na baby boy, sorry nagising ka. Tulog ka na ulit..."

"Ate, b-bakit niyo po kiniss si Daddy, magagalit si mama.."

Napangiwi ako sa sinabi niya at tinignan siya sa kamay at balik sa mukha nito.

"Bukas ka nalang makipag-usap, magagalit ang D-Daddy mo kapag hindi ka pa matutulog pati rin ako, ayaw mong magalit ako diba?"

"Opo..."

"Sige, tulog ka na..."

Pumikit naman ito kaya hinagod ko ulit ang buhok niya. Habang hinahagod ko ang buhok ni Drake ay tinignan ko ng masama si Draco na nakaupo ulit sa sofa. Nakasandal ito doon at nakapikit.

Sus..nagkukunwari lang yang tulog dahil nakangisi siya. Narinig niya siguro na sinabi kong daddy.

Sapakin ko kaya ito.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa anak ko. Pagaling na siya at masaya ako doon. Mabuti nalang at nasama ko si Draco dahil malaki ang problema ko kung saan ako maghahanap ng ka-match ng dugo niya. Pero naisiwalat naman ang lihim ko. Pero dapat kinakabahan ako o natatakot pero hindi. Nakaramdam ako ng ginhawa sa loob-loob ko. Siguro nailabas ko na ang lihim na yun kaya gumaan ang loob ko.

At mas maganda siguro kung nasabi ko na din yun. Maghihintay nalang ako sa mga mangyayari sa amin dahil sa lihim na nasabi ko na.

...

....

"Huwag kang maingay Drake, magigising ang mommy mo."

"Hindi po ako maingay, maingay ka po daddy.."

"You, silly boy.."

"Don't laugh, magigising ang mommy--ay nagising na nga.."

"Sorry Daddy..."

"It's ok Drake.."

Namulat ko ang mata ko dahil na rin sa ingay at magalaw.

"Morning mommy!!"

"Baby boy.."

Hinalikan niya ako sa pisnge pero hindi parin ako makareact sa sinabi niya. Tumayo mun ako at pumunta sa CR. Nagmumug muna ako at naghilamos doon bago lumabas sa pinto.

"Hindi galit ang mommy mo Drake.."

"Pero po umalis siya ng tinawag ko siyang mommy, siguro dapat lang na ate..."

Agad na nakaramdam ako ng lungkot kaya lumapit ako at umupo ulit sa pinanggalingan ko.

Napatingin ako kay Drake na nakasimangot ito.

"Morning! Oh bakit ganyan na mukhan mo. Naghilamos at nagmumug lang ako..."

Agad na nagbago ang mukha nito at naging maaliwalas na.

"See Drake, hindi galit ang mommy mo.."

Napatingin ako kay Draco sa sinabi niya, siya pala ang nagsabi sa kaniya ng lahat. Hindi man lang ako hinintay. Itong lalaking to...

"Hindi ka po galit dahil tinawag kitang mommy..."

Napangiti ako at hinawakan siya sa mga pisnge nito. Hindi ko na maiwasang mapaluha dahil kay tagal kong gustong marinig nito na tinatawag niya ako mommy o mama man lang. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat pero hindi pa dahil kapag sinabi ko ay hahanapin niya ang ama niya sa akin.

"Hindi ako galit baby boy, masayang-masaya ako dahil nasabi mo yun sa akin. Sorry kasi nilihim namin saiyo iyun ni mama. Ayaw ko lang na husgahan ka ng mga tao. Gusto kong mabuhay kang normal na walang naghuhusga sayo kung kanino ka mang galing. Sorry kasi nagsinungaling ako sayo na kapatid mo ako. Sorry kasi nagsinungaling si mommy sayo, a-anak.."

Tumingin si Drake kay Draco at tumango lang si Draco. Kahit hindi ko alam kung ano yun.

"Ok lang po sa akin mommy, kahit na yung sinabi mo ay nasabi na din ni Daddy ay ok lang po, hindi ako galit mommy.  Sabi ni daddy ay dapat daw maging masaya ako kasi napalaki niyo daw ako ng tama at nailuwal sa mundo. Dapat akong magpasalamat para doon. Thank you mommy..."

Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya kaya agad kong niyakap ang anak ko pero hindi madiin dahil baka masaktan ito.

"Nasabi niyo na din pala.."

Napatingin kami sa pinto at nandoon si mama. May dala itong plastic bag na agad namang kinuha ni Draco at inilapag sa tabi ng sofa.

"Masaya ako at wala nang pagsesekretong nangyayari dito. Si Nicole nalang ang walang kaalam-alam sa nangyayari. Matalik mo siyang kaibigan kaya dapat mo iyung sabihin. Pupunta pala sila dito para bisitahin si Drake. Hindi ko pa nasasabi na nandito ka."

Tumango nalang ako sa sinabi ni mama. Lumapit si mama kay Drake.

"Kamusta ka na Drake, maayos na ba ang pakiramdam mo.."

"Ok na po ako lola.." Napatingin ako kay mama na mukhang natigilan ito. Napatingin ako kay Drake na nakangiti lang.

"Sinong nagsabi sayo na lola ang itawag mo sa akin." Tanong ni mama.

"Diba po anak niyo po si mommy at anak po ako ni mommy at kayo po ang lola!"

Tumawa lang si mama at hinawakan niya si Drake sa pisnge.

"Tama ka nga, pero mas gusto ko yung dating tawag mo sa akin..."

"Mama!!!"

Tumango lang si mama at hinagod ang buhok ni Drake.

"Suss, ayaw lang matawag na lola--Aray! Ma!"

Agad kasi gumalaw ang kamay ni Mama na hinahagod ang buhok ni Drake at dumapo sa akin. Natamaan ako sa balikat.

"Walang maniniwala na lola na ako.."

"Hmm...ako naniniwala pati na si Drake, diba baby boy?"

"Opo, mommy.."

"Ahh siya bahala kayo, ikaw iho, mukha na ba akong matanda sayo?"

"Hindi po tita.."

"Tsk, buti pa yung asawa mo ay marunong mangilatis ng tanda. Magsama kayong mag-ina.."sabi ni mama na ikinatawa lang ni Draco at ni Drake. Pero ako ay hindi parin makareact dahil tinawag niyang asawa ko si Draco.

Magsasalita na sana ako ng bumukas ang pinto.

"Aling Syrina--oh! Nandito ka na pala Serenity!" Sabi ni Nicole kaya agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.

May sunod na pumasok doon ay ang asawa niya at buhat ang kambal nila.

"Hindi mo sinabing nandito ka na pala! Ikaw talagang babae ka"

"Bakit ko naman agad masasabi sayo, alam mong nataranta ako sa nalaman ko dito.."

"Hmmm ok!"

Sabi lang ni Nicole at lumapit sa anak ko.

"Ayos ka na ba Drake? Sa susunod ay huwag basta-basta tatawid sa kalsada ahh. Dapat mong tignan ang paligid kong may dadaan na sasakyan..."

"Opo.."

"Buti nalang hindi nagasgasan ang poging mukha mo. May dala.pala ako sayong mga pagkain.."

"Thank you po! Si Mommy at daddy po ay may regalo din sa akin! Wait ko na nga lang po.."

Agad na napakunot ang noo ni Nicole sa sinabi ni Drake.

"Mommy at Daddy?"

"Opo!!"

Agad na tinuro kami ni Drake. Agad ding tumingin sa amin si Nicole at nakakunot parin ang noo.

"Draco, you never told me na may anak kayo ni Serenity.." sabi ni Clay na mukhang alam agad ang sinabi ni Drake.

Napalaki ang mata ni Nicole at lumapit sa akin. Hinila niya ako palabas sa kwarto.

Agad namang sinarado ng asawa niya ang pinto kaya kami ay nasa labas.

"Serenity, wala kang sinasabi sa akin na may something kayo ni Draco. Limang taon na si Drake, ibig sabihin ay nagkita kayo ni Draco, naunahan mo pa pala ako."

"Dapat bang mauna ka?" Nagawa ko bang magbiro sa sitwasyon na ito na seryosong kinakausap ako ni Nicole.

"Huwag ka ngang magbiro dahil hindi ako natutuwa, ikaw ang nagsabing walang lihiman tapos ikaw itong may lihim na tinago mo sa akin ng limang taon."

"Sorry kasi naitago ko yun sayo, alam mo naman ang dinanas ko nung bata pa ako, tinutukso ako ako na anak sa labas o napulot lang sa tabi. Ayokong ganun din ang dinanas ng anak ko. Si mama ay inako niya ang mga iyun sa akin at ganun na din sa anak ko..."

"Buong buhay ko ay akala ko ay kapatid mo si Drake, kaya pala ganun nalang ang pag-aalaga mo kay Drake. Minsan ay naisip kong mas grabe kang magmahal sa kapatid mo yun pala ay anak mo. Kaya pala may namumukhaan ako kay Drake at nong sinabi mong hindi ka na virgin .."

"Bibig mo Nicole, nasa hospital tayo.."

"Yun yung sinabi mo sa akin noon, na hindi ka na virgin..." agad na tumabi kami sa gilid dahil may dumaan na dalawang nurse at nakatingin sa aming dalawa.

Nang makadaan na sila ay agad na hinampas ko sa braso si Nicole.

"Aray!! Makahampas, dapat ako ang naghahampas sayo!"

Napatingin sa akin si Nicole at hindi ito nagsalita.

"Ngayon ay wala nang lihiman ahh, dapat alam ko na lahat ng ginagawa mo kasi bestfriend mo ako..."

"Ammm...yung about sa amin ni Draco ay--"

"Nagpapanggap lang kayo, alam ko. Puro mukhang may pagtingin siya sayo. At gayun ka din sa kaniya kaya anong bago, at saka may anak kayo Serenity, anak..."

"Hindi ko alam..." sabi ko nalang at binuksan ang pinto para pumasok na. Sumunod naman si Nicole at sinalubong siya ng asawa niya ng halik at yakap. Minsan talaga ay nagpapansin sa akin ang mag-asawa na yun. Akala naman nila ay maiinggit ako...

Napatingin ako kay Draco na nakatingin lang sa akin. Napakunot ang noo ko na tumingin ito sa mag-asawa at binalik sa akin.

Agad siyang ngumuso kaya agad ko siyang inisnaban. Itong lalaking to talaga.

Ngayon na alam na ang lahat ay anong mangyayari sa amin ng anak ko na ngayo'y nandito na si Draco na ama nito.

Continue Reading

You'll Also Like

120K 2.6K 46
What will you do if you'll find out that your already married without your consent? And you will living in one roof as husband and wife? Cassandra fe...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
175K 3.8K 28
Para kang virus na unti unting kumakalat sa katawan ko. Hanggang sa ang buong sistema ko'y pangalan mo na ang sinisigaw. Akala mo ba madaling ipakita...