South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.4M 744K 403K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!

Chapter 24

153K 9.8K 2K
By JFstories

MAGKAHAWAK-KAMAY kami habang naglalakad sa gilid ng madilim na kalsada. Para kaming nagdi-date sa ilalim ng buwan. Nalulunod sa pakiramdam ang puso ko kaya kahit paano ay nakalimutan ko na baka last na namin ito...


"Ayos ka lang?" pabulong na tanong ni Arkanghel sa akin.


"Alanganin pala makasakay sa ganitong oras," pabuntong-hiningang comment ko. "Ganito ka ba palagi tuwing umuuwi ka ng one and two am? Delikado pala..."


Inakbayan niya ako. "Di naman. Noong di pa grounded si Isaiah ay siya ang tagahatid sa akin. Nitong nakaraan ay motor naman ni Miko ang service ko. Kung wala ka lang ngayon at kung hindi lang ihahatid ni Isaiah si Carlyn ay baka si Isaiah ulit ang mag-aangkas sa akin."


Pagbalik namin sa loob ng Kiss Bar kanina ay naka-order na pala si Carlyn ng isang boteng Redhorse. Nakakainis iyong waiter kung bakit hinayaan si Carlyn na maka-order ng alak. Saka nakakainis din kung bakit may tindang ganoon sa Kiss Bar kapag madaling araw. Hayun, nalasing tuloy ang best friend ko kaya kailangang ihatid ni Isaiah pauwi sa kanila.


"Ayos lang naman na walang masakyan," mayamaya ay sabi ni Arkanghel. "Noon kapag naglalakad ako nang ganito pauwi, namimiss kita. Gusto ko na agad umuwi." Nilingon niya ako. "Ngayon, okay lang kahit walang masakyan. Kahit pa nakakangalay maglakad pauwi, ayos lang. At least sa palakad, mas matagal kitang makakasama."


Namulsa ako sa suot kong hoody jacket na pinasuot niya sa akin. Gusto ko rin naman ito, iyong ganito. Ang kaso, worried ako sa kanya dahil mapapagod siya. Mapupuyat siya.


"Bakit pagod ka na ba?"


Umiling ako.


"Magsabi ka lang, kaya naman kitang ipasan."


Nanulis ang nguso ko. "Mabigat kaya ako. Baka mamaya magreklamo ka riyan e..."


Nakangisi siya nang silipin niya ang mukha ko. "Kahit gaano pa kabigat, kakayanin ko."


"Ewan nga!" marahan ko siyang tinampal. "Maglakad na lang tayo!"


Hinuli niya ulit ang kamay ko para i-holding hands. Hindi naman ako umiwas. Hinayaan ko lang siya.


Tini-treasure ko itong holding hands namin. Feel na feel ko na akin si Arkanghel. Akin. Napapangiti na naman ako. Aki. Akin. Ang Anghel ko.


Tuwing sumasagi sa isip ko ang bagong name niya na nakasaved sa phone ko ay hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. Kinakailangan kong tumingin sa ibang direction para hindi niya ako mahuli.


"Sussie, pasan na kita," pangungulit niya. Pumuwesto siya sa harapan ko.


Mahinay na hinampas ko naman siya sa likod. "Ano ka ba? Papagurin mo lang sarili mo! Maaga ka pa bukas e..." Pero parang gusto ko ngang magpapasan...


Isang owner jeep na open ang huminto sa tabi namin. Bata pa ang driver. "Need a ride?" Nakangiti ito. Mukhang friendly. Familiar.


Tiningnan ko si Arkanghel na agad tumanggi.


"Sakay na kayo." Sa akin nakatingin iyong lalaki. "Susana Alcaraz, right?"


"Kilala mo ako?" gulat na tanong ko.


"Yup! Only son ni Kap, tropa ng tatay bear mo noon. Schoolmate rin tayo noong elementary bago ako mag-transfer sa Bethel Academe. Anzel, remember?"


Napatango ako. "Ah, oo!" Napangiti na ako.


Natatandaan ko na si Anzel. Siya iyong nakasuntukan ni Hugo noong Grade 6 kami. Nagkainitan sila noon sa flag ceremony sa dahilang hindi ko na matandaan. At hindi ko rin matandaan kung bakit noong na-guidance silang dalawa ay pati ako kasama.


"So ano? Hop in na! Magkakilala naman tayo e. Saka padaan din naman ang drive ko sa bahay niyo."


Nang tingalain ko si Arkanghel ay nakatingin lang siya kay Anzel. Wala naman siyang kahit na anong reaction.


"Sige," desisyon ko. "Tara na, Arkanghel." Mas maganda na makauwi na nga kami para makapagpahinga pa siya bago bumyahe mamaya papunta sa Manila.


Hinila ko sa braso si Arkanghel. Sa backseat kami ng owner ni Anzel pumuwesto.


Lumingon sa amin si Anzel. "Galing ako sa tropa sa Santiago e. Napainom onti kaya inabot ng ganitong oras. Pero okay lang, nagkita tayo. 'Musta ka na pala?"


"Okay lang..." Parang gusto ko na agad pagsisihan ang pagpayag sa pagsabay sa kanya.Ang akala kong payapang saglit na byahe ay hindi nangyari. Nagpa-gas pa si Anzel kaya medyo natagalan kami. 'Tapos ang dami rin niyang sinasabi.


"Dito na pala ulit kayo sa Cavite, ano?" ani Anzel habang patingin-tingin sa akin mula sa rearview mirror. "Kung alam ko lang sana hindi ako sa Manila nag-aral para schoolmate tayo."


Kiming ngiti lang ang sagot ko sa kanya para hindi na sana niya ako kausapin. Hindi ko pala siya feel. He's handsome, yes. But he's obviously a playboy. And if ever I've to choose between him and Hugo, kung sino sa kanila ang kakaibiganin ko, I think kay Hugo na ako. Mas mata-tyaga ko si Hugo kaysa sa kanya.


"Sino pala siya?" tukoy ni Anzel kay Arkanghel.


Naramdaman ko ang paninigas ni Arkanghel sa tabi ko.


"Nakita ko rin siya sa gate niyo one time. Pinsan mo? Foreigner 'yan? Ang ganda ng mata e!"


"Ha? Hindi." Nang sulyapan ko si Arkanghel ay seryoso siyang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Sa itsura niya, alam ko na nagtitimpi lang siya.


"Anyway, lalo kang gumanda, ah? Pumayat ka rin." Pangiti-ngiti sa akin si Anzel sa rearview mirror.


Sa dilim ng loob ng kotse niya ay kapansin-pansin ang glow in the dark na feature ng suot na relo ni Anzel. Mukhang mamahalin iyon.


"Ang ganda ng watch mo, ah? Saan mo nabili?" biglaan kong sabi. Nilangkapan ko pa ng paghanga ang tono ng boses ko. Gusto ko lang ilihis ang topic hanggang makarating na kami sa amin.


Sumakay naman si Anzel. "Sa Manila. Sa Mega. Alam mo iyon? Nakapunta ka na ba roon? Pag nagawi ka sa Manila, ipapasyal kita. O kaya kahit pag trip mo lang, roadtrip tayo."


Napangiwi ako. Hindi pa rin yata lilihis dahil nakakalusot ang mga diga ni Anzel sa kahit anong topic.


"Ah, ano bang model 'yang watch mo?" tanong ko ulit.


"Di ko na matandaan. Basta G-shock ito. Balak mo ba ibili tatay mo nitong relo? Meron din naman nito sa mga legit online shop."


Nakahinga ako nang maluwag nang nasa tapat na kami ng gate. "Dito na lang kami. Thank you, Anzel!" Binuksan ko agad ang pinto sa tabi ko at hinila palabas si Arkanghel.


May sasabihin pa si Anzel pero tumalikod na ako. Hinarap ko na ang gate at ako na mismo ang nagbukas niyon. Hindi na rin ako lumingon pa hanggang makapasok kami ni Arkanghel sa sala.Si Arkanghel ang naglock ng pinto. Nang harapin ko siya ay wala siyang kangiti-ngiti.


"Hmn, gutom ka? May ulam pa. Initin ko ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya para may mapag-usapan.


Hindi siya sumagot.


"May avocado riyan, baka gusto mo?" Ngiting-ngiti pa ako sa pag-aalok.


Wala pa rin siyang sagot. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig mula sa ref.


Mukhang galit siya. Siguro naasar siya kay Anzel kanina. Hindi ko naman kasi nagawang sabihin kay Anzel na may boyfriend na ako at siya iyong boyfriend ko. Hindi ko alam kung paano maisisingit sa usapan na taken na ako. Baka friendly lang si Anzel at isipin niya na masyado akong assuming. Ayoko ring sabihin na boyfriend ko si Arkanghel dahil baka ikwento ni Anzel sa daddy niya tapos ikwento ng daddy niya kay Tatay Bear.


Napabuntong-hininga ako. Ayoko na sa iba malaman ni Tatay Bear ang tungkol sa score namin ni Arkanghel. Bumubwelo pa ako at humahanap ng timing kung kailan iyon ipagtatapat.


"Initin ko iyong ulam. Kain ka, ha?" Sumunod ako sa kusina.


Hinubad ko na ang suot kong hoody jacket niya. Hinubad ko rin ang black see through mesh long sleeve top dahil naiinitan na ako. Itinira ko lang ang suot kong fitted sleeve less black dress na above the knee length. Basta ko ring itinali paitaas ang buhok ko gamit ang aking nadampot na rubber band sa sahig.


"Hindi ako gutom." Pagkainom niya ng tubig ay mabilis niya lang akong sinulyapan pagkatapos ay tumalikod na siya.


Naku, mukhang galit nga siya.


"Bakit ka galit?" Hinarang ko siya nang pupunta na siya sa pinto palabas ng kusina.


Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "Hindi ako galit."


"Ows?" Pinamewangan ko siya. "Sige nga ngiti ka nga!" Panggagaya ko sa ginagawa niya sa akin kapag ako naman ang galit-galitan.


Kitang-kita ko ang pag-ismid ng mapula niyang mga labi.


Pigil ang tawa na nagsalita ako. "Hindi ko type si Anzel, no. Sumabay lang tayo sa kanya kanina kasi nga ayoko na mapagod ka sa paglalakad. Gusto ko na makauwi tayo agad para naman makapagpahinga ka kahit konti lang."


Kikibot-kibot lang ang bibig niya.


Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos. "Saka di hamak na mas guwapo naman kay Anzel ang Anghel ko," nakangiting sabi ko.


Namumula ang pisngi niya na nag-iwas ng tingin sa akin.


"Ang guwapo talaga ng Anghel ko. Akin 'yan e."


Nahuli ko na parang mangingiti na siya pero mabilis siyang tumalikod at tumakas sa akin para makapunta sa pinto.


"Arkanghel!" Nagpapadyak ako sa inis. Hinabol ko siya pero hindi man lang siya lumilingon.


Pagkalabas niya sa pinto ng kusina ay sumunod din ako. Dahil madilim sa labas ay hindi ko napansin na nasa gilid lang pala siya ng pinto. Muntik na akong mapatili dahil bigla niya akong hinila. Bumunggo iyong mukha ko sa dibdib niya.


Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Ikaw talaga, dinadaan mo ko lagi sa pagpapa-cute mo," napaka-husky ng boses niya.


Lumabi ako tumingala sa kanya. "Galit ka pa, Anghel ko?"


"Oo," sagot niya na obvious na nagpapabebe na lang. Nang masanay na ang mga mata ko sa dilim ay naaninagan ko ang kung gaano siya ka-cute habang nakasimangot siya.


"Wag ka nang magalit, Anghel, ikaw lang ang mahal ko," malambing kong sabi. Seloso naman pala itong baby ko.


Umirap siya. "Asus!"


"Promise ko sa 'yo, ikaw lang talaga." Itinaas ko pa ang isang palad ko bilang panunumpa.


"Kaya pala grabe ka makangiti roon sa taga Maynila na iyon. Sabihin mo na kasi, naangasan ka sa G-Shock niya."


Nangingiting yumakap ako sa bewang niya.


"Sige na, di na ako galit." Pinisil niya ang maumbok kong pisngi. "Matitiis ba naman kita? Takot ko lang na daganan mo ko pag nagalit ka sa 'kin."


"Salbahe ka talaga!" Kinurot ko siya sa sikmura.


Humalakhak siya at hinuli ang kamay ko. "Matigas 'yan, hindi 'yan nasasaktan."


"Hindi naman ako nandadagan, ikaw kaya riyan ang mahilig mandagan!" napalakas ang boses na ani ko.


Tatawa-tawa niya akong inakbayan. "Wag kang maingay, baka marinig tayo ng tatay mo!"


Magkasama kaming pumunta sa bodega namin sa likod-bahay, kung saan siya nakatira. Pagkapasok namin sa loob ay isinara niya agad ang pinto.


"Anghel, yakapin mo ko..."


Sumunod naman siya. Hinila niya ako sa bewang. Nang magdikit ang katawan namin ay naramdaman ko ang pagkatensyon niya. Ganito siya palagi kapag napag-iisa kami rito sa bodega niya. Kapag magkayakap kami.


Inilagay ko ang mga palad ko sa ibabaw ng kanyang dibdib saka siya tiningala. "Mag-iingat ka pala roon..."


"Ikaw rin."


Sinikap kong ngumiti sa kanya. "Susunod ako sa 'yo sa Maynila kapag nakaipon ako, Anghel." Plano ko na iyon. Dadalawin ko siya roon kapag nakaipon ako ng extra.


"Hindi, Sussie. Susunduin kita rito kapag ako ang nakaipon doon."


Ngumuso ako. "Magagawa mo pa ba 'yon kapag may nakita kang mas maganda at mas sexy sa akin sa Maynila?"


Natawa siya. "May mas gaganda pa ba sa 'yo?"


"Pero chubby ako..."


"Anong chubby lang —aw!" Napahiyaw siya nang kurutin ko siya sa ibaba. Dapat sa tiyan lang kaso ang ligalig niya, doon tuloy tumama iyong kuko ko sa bandang singit niya.


"Sakit nun, a!" Ngiwing-ngiwi ang mapula niyang mga labi.


"Natatakot ako na isang araw, hindi ka na magparamdam dahil nakahanap ka na pala ng iba!"


Namilog ang mga mata niya. "Uy, anong akala mo sa 'kin, pakboy?"


"Maraming sexy roon sa Maynila!" Itinulak ko siya sa dibdib pero lumapit ulit siya.


"Si-sexy ka na rin naman, e. Kapag umalis na ako, syempre, malulungkot ka. Mawawalan ka ng gana kumain kaya mangangayayat ka na— aw!" Mahina ko lang siyang natuhod ko. OA niya lang talaga.


Nagdabog ako. "Nakakainis ka naman, e! Seryoso ako, Arkanghel!"


Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Nangangako ako sa 'yo, Susana Alcaraz, ikaw ang lang pakaiibigin ko."


Ngumiti na ako.


"I love you, Sussie ko."


"I love you, too, Aki ko..."


"Mag-iipon ako, Sussie. Mag-aaral ako habang nag-ta-trabaho. Magsisikap ako hindi lang para sa kinabukasan ko, kundi para sa 'yo."


Nang gabing iyon ay hindi na ako bumalik pa sa kwarto ko. Doon ako natulog sa kwarto ni Arkanghel dahil five am pa lang kinabukasan ay aalis na siya. Gusto ko siyang makasama dahil alam kong matagal pa ulit siyang makakabalik.


Magkatabi kami sa higaan niya. Magkayakap lang. Hindi ko alam kung katulad ko, hindi rin ba siya nakatulog nang maayos.


Saktong four am nang bumangon ako at bumalik sa bahay para ipag-init siya ng tubig pampaligo at pangkape. Hindi ko alam kung paano ko natapos ang lahat ng ginawa ko habang nanlalabo ang mga mata ko at tumutulo ang luha ko.


Sa pag-alis niya ay hindi niya na ako pinayagang samahan siya sa labas ng bahay. Sa pinto pa lang, nagpaalam na siya.


"Mag-iingat ka rito. Wag kang pasaway sa tatay bear mo. At wag kang kain nang kain kahit busog ka na, baka sikmurahin ka," sabi niya habang ang kamay ay nasa ibabaw ng aking ulo.Puro tango lang naman ang sagot ko.


Marahan ko siyang itinulak. "Arkanghel, baka matraffic ka na sa Tejero..." Iyong junction paluwas ng Manila. Mga ganitong oras kasi, traffic na roon dahil pasukan ng mga empleyadong pumapasok sa Epza.


Suminghot siya at ngumiti. "Oo nga." Tiningnan niya ako. "Mag-iingat ka rito, ha?"


"Ikaw ang mag-iingat... Mag-iingat ka palagi, magte-text at tatawag, ha? Wag mo kalimutang magpahinga roon at wag masyadong magpapakapagod—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi nang yumuko siya at halikan ako.


Nalimutan ko ang lahat dahil sa mainit na mga labi ni Arkanghel.


It was a deep and sweet kiss. Nang humiwalay siya ay pareho kaming humihingal. 


Ikinulong niya ang mukha ko sa kanyang mga palad. "Mahal kita. Mahal na mahal kita. Wag mo akong problemahin dahil sa 'yo lang ako na aalis at sa 'yo lang rin na babalik."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

13.4M 384K 41
Macario Karangalan Sandoval
737K 37.2K 21
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
47.8M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...