I FOUND THE ONE IN PASIG

By Mapphinslove

77 3 4

Nasubukan mo na bang mangutang ng halik at gusto ng iyong naging 'biktima' na ibalik ang utang na halik na i... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten

Chapter Nine

2 0 0
By Mapphinslove

Hello! Thank you for waiting for the update.  Enjoy reading


"It was a great night with you Zai", anang binata ng pababa na siya sa kotse nito. He was about to get out from the car and open the door for her, pero pinigilan niya. Mukhang tama na ang mga narinig niyang confessions nito ngayong gabi.

"Thank you, thank you for the ride", she gave him a quick smile before moving out from the car. Matulin niyang tinungo ang kanyang kotse. Nasa loob na siya ng kanyang kotse pero tanaw parin niya na hindi pa umalis ang binata. She starts the engine and started to manoeuvre her car palabas ng compound ng kumpanya.

Pagkarating niya sa lobby papasok sa kanyang private office ay kuntodo ngiti ang mga nakakasalubong niyang mga empleyado, parang kilig na kilig ang bawat isa. May espesyal bas a araw na ito na ganito nalang ang reaksiyon ng kanyang mga tauhan.

"Gwen? Ano ang schedule ko sa araw na ito?", baling niya sa kanyang assistant ng madaanan niya ang cubicle nito.

"Bukod po sa meeting niyo with the board ngayong 9 am ay wala na po ma'am", pormal na sagot nito.

"Okay, thank you", aniya bago siya pumasok sa kanyang opisina.

"Ma'am, ahm.. si mayor po", pagkarinig niya sa salitang mayor ay kaagad na nag-iba ang tibok ng kanyang puso. Trumiple.

"B-bakit, what's with him?", ano naman kaya ang tungkol sa kanya? Bakit parang may hindi maganda sa kanyang pakiramdam?

"Nagpapadeliver po siya sa inyo ng mga bulaklak, nasa loob po ng opisina niyo", kinikilig na wika nito. Pagkarinig niya sa sinabi ni Gwen ay mabilis pa sa alas kwatrong pumasok siya sa kanyang opisina. Tama nga si Gwen, hindi lang isang basket ng bulaklak ang nasa loob ng kanyang opisina, kundi lima, magkakaibang kulay ng mga roses at tulips. Nahagip ng kanyang mga mata ang pulang card na nasa ibabaw ng kanyang mesa. A message from Vico, wishing her to have a good day and reminding her of how much he likes her. Hindi niya alam kung ano ang eksakto niyang naramdaman, basta ang alam niya ay pinagpapawisan siya, kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Naoverwhelm siya sa ginawa ng binata, hindi pa nga siya nakarecover sa nangyari kagabi ito at may pasabog na naman.

"Nagpadeliver ka raw ng buong flower shop dude", kasama niya ang kanyang mga kaibigan sa isang lunch meeting sa gaganapin nilang launching ng foundation nila.

"Saan mo na naman ba nakuha ang balitang iyan?", patay malisyang wika niya. Imposible nga naman na hindi malaman ng mga ito ang ginawang halos pagpakyaw sa mga panindang bulaklak sa kapatid ni Thyago. Malamang nagtaka ito at naibalita sa kapatid ang tungkol doon.

"Wag mo na kasing alamin, ang sabihin mo sa amin ngayon ay kung ano na ang status niyo ngayon ni Zailyn?", si Cloud.

"I confessed her".

"And?".

"Did she say she likes you too?".

"Or did she turn you down?".

"Kahit saan naman diyan sa dalawang choices bro, suportado ka parin namin", natatawang wika ni Ricos.

"She did not give her word about it", aniya rito. Nakamata lamang ang mga ito sa kanya.

"Sigurado ka bang hindi mo kami kailangan sa lagay na iyan?", pangungulit ni Cloud.

"Kalalaki mong tao dude, pero ang hilig mong sumawsaw?", si Francis.

"Helping a friend ang tawag diyan", palusot nito. Gabi na ng matapos sila sa kanilang meeting. Isang buwan nalang kasi at mangyayari na ang launching nila sa kanilang foundation.

"I already made clear to Roque not to involve your name on the article", pagkarinig niya sa pangalan ng binata ay biglang bumangon ang panibugho niya dito. Naalala niya kung paanong tinitigan nito si Zailyn nung magkaroon sila ng dinner kasama ang mga kaibigan ito at siya. Bilang lalaki, alam niya ang paraan ng titig na bilang kaibigan lang sa titig ng may gusto. Right at that time, all he wants to do is to keep Zailyn away from that man, she's off limit.

"May suggestion ka ba para sa pagpapapublish natin sa magazine dude? O baka may gusto kang bagohin", si Ricos. Biglang siyang bumalik sa kasalukuyan. He's too carried away.

"Nope, I don't have any problem with the publication of the article", labas sa ilong na wika niya.

"Ang lalim kasi ng pagkakakunot ng noo mo", pansin naman ni Thyago.

"Uy, saan galing yang mga bulaklak mong iyan Zai? Ang dami naman. Sana nagsabi ka na bumili ka pala ng maraming bulaklak, hindi na sana kami nakapamili pa ng maraming tulips", nadatnan niya ang mga kaibigan sa opisina ng The Creations.

"I did not buy those stuff", inilapag ng isang tauhan niya ang basket ng bulaklak sa may center table.

"Eh kung hindi mo iyan binili, eh ano yan?", tanong ni Jhonna. Nagkalingunan ang mga ito at sabay sabay ng tumikhim. Hindi na niya dapat pang mag explain ng isang one whole sheet of paper, matalas ata ang mga ito. Magaling magcomprehend sa mga bagay bagay sa paligid.

"Asan ang card? Patingin nga, ano ang laman?", ani Marcha.

"Ano ka ba naman, bigyan natin sila ng privacy, basta ang mahalaga, may taga supply na tayo ng mga bulaklak, iyan ang importante, at dalangin nalang natin na maliwanagan na iyang kaibigan nating iyan", si Dianne.

"Okay, pasensiya na ho. Wag mo na kasing patagalin pa kung feeling mo naman pareha din kayo ng nararamdaman".

"Baka naman sa sobrang confident mo na may gusto yung tao at pinapatagal mo pa ang lahat eh baka dumating ang araw na malaman mo nalang na may kaagaw ka na pala sa kanya. Mahirap pa namang magsisi sa bagay na alam mo naman sa una palang na wala ka namang ginawang hakbang", what Hanna said strikes her hard.

"Seriously girls, I am confused. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin, a big part of me wants him to give a chance. Gusto ko naman siya eh, I mean, I've learned to like him. Hindi ko lang talaga inexpect na ganito kabilis. I want to makes things sure and clear. Ayaw ko naman kasing magsisi sa huli dahil sa padalos dalos na decision. Hindi naman siguro pagpapakaselfish ang ginagawa ko diba? I am doing this for the both of us. I want to make sure and I want him also to realize what he really felt towards me", ngayon lang talaga siya nag open sa mga kaibigan tungkol sa nararamdaman niya kay Vico.

"We understand you; it's a gamble indeed, pero siguro isipin mo nga, may nararamdaman ka naman para sa kanya diba? At saka nakikita naman namin na sincere si mayor sayo. And he is not the type of guy who will play a woman's heart, iyan ang pagkakaalam ko", payo ni Marchalita. Ou nga naman. Hindi niya kailanman nabalitaan na nalilink sa kung kaninong babae si Vico.

"Alam mo ang maitulong lang talaga namin sa iyo ay hanggang advice lang, saka tama naman si Marcha, Vico is a good person, atleast iyon ang nakikita namin. The decision is all yours to make kung bibigyan mo ng chance iyang pagsintang pururot mo sa kanya, kaysa naman magsisi ka sa huli dahil may another character na darating sa story niyo", talking of which ay bigla niyang naalala ang magandang babae nung gabie nag-usap sila ni Vico tungkol sa proposal niya. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng panibugho ng makita niya kung paanong ngumiti ng matamis ang dalaga kay Vico.

"Hindi ka naman namin ipupush sa isang lalaking hindi ka deserve, siyempre no, hangad din namin ang kaligayahan mo. Try to believe your heart, follow your heart, iyan ang sabi nila, you can validate it if you think may pagdududa ka sa nararamdaman mo at sa mga ipinakita sa iyo ni Vico", ani Dianne. Parang nagkaroon siya ng lakas ng loob na tuluyang papasukin sa buhay niya si Vico. Wala naman sigurong masama diba?

"So ano na?", halos sabay sabay na tanong ng mga ito.

"Pag-iisipan ko pang mabuti", sagot niya.

"Baka naman gawan mo na naman ng memorandum of agreement iyan ha?", biro ni Dianne. Napuno na naman ng tawanan ang buong opisina.

Pagkarating niya sa bahay nila matapos ang tawag ng kanyang ina ay nadatnan niya sa dining area si Carlin. Masayang nag-uusap ito at ng kanyang ina. Ng makita siya ng huli ay mas lalong lumapad ang ngiti nito. Mukhang alam na niya ang dahilan ng pag-iimbita nito ng hapunan sa kanilang bahay.

"Hi", aniya sa dalaga. Tumayo naman ito at binigyan siya ng halik sa pisngi.

"Yes hi, napabisita ka sa amin", aniya matapos halikan ang ina sa pisngi at maupo sa kaharap na silya ng babae.

"I invited Carlin to come hijo, matagal na panahon din ng huli kong makita itong batang ito. Hindi mo siya inimbitahang magpunta sa bahay kaya ako na ang gumawa", lampas tainga na ata ang pagkakangisi ng kanyang ina. Saka lang niya naalala ang sinabi nito sa kanya na kung wala siyang maipakilalang girlfriend ay ito na ang hahanap para sa kanya. At parang hindi sumunod sa usapan itong ina niya. Bigla siyang kinabahan sa paraan ng pagngiti nito.

"Carlin is a busy person ma", aniya rito. Ng sulyapan niya ang kaibigan ay nakangisi lang din itong humarap sa kanyang ina.

"Tita, wag mo ng pagalitan si Vico, he's a very busy person. Alam niyo naman po diba na paboritong personality ng buong Pasig City itong kaibigan ko", masiglang wika ni Carlin.

"Kahit na, matalik naman kayong magkaibigan", pagpapatuloy ng kanyang ina.

"Yun na nga po, kaya kahit hindi pa ako imbitahin nitong si Vico dito sa bahay niyo ay pupunta parin ako", mabuti naman at nakinig ang kanyang ina sa sinabi ng babae. Habang kumakain ay nabanggit niya dito ang launching ng foundation nila sa susunod na buwan. Hindi naman nagdalawang isip ang kaibigan na maging sponsor ng foundation nila.

Nagmamadali siyang umibis mula sa kanyang kotse at halos patakbong tinungo papasok sa Foundation na ilalaunch ng mga kaibigan ni Vico. Ang The Creations ang kinuha nitong mag-organize ng naturang event. Nauna na ang kanyang mga kaibigan sa naturang lugar para isupervise ang event, kagagaling lamang niya sa isang importanteng meeting. Kaya naman medyo natagalan siya sa pagsunod sa mga kaibigan.

"Hi", nabigla siya ng pagbukas ng elevator ay nakangiting mukha ng isang magandang babae ang bumungad sa kanya. She know this woman.

"H-hi", pasimple niyang pinasadahan niya ng ito tingin, she's wearing a white off-shoulder dress. She looks so pure and elegant. She even had that kind aura with her. Palaging nakangiti. Kahit sinong lalaki na makakakita nito ay siguradong mapapalingon. Ang mas lalong nakakainis sa kanya ay wala siyang karapatan para pagselosan ito dahil wala namang ginawa sa kanya ito. She is being nice to her.

"Papunta ka rin ba sa launching ng Foundation?", magalang na tanong nito.

"Yes", maikling tugon niya. Siya namang pagbukas ng elevator.

"See you around", anito ng pareho silang nakalabas sa elevator. The woman walks with confidence away from her, napasunod siya ng tingin sa papalayong babae. Hindi niya alam, pero nakaramdam siya ng selos. She knows that she's being way too unfair towards her. Sa katotohanang hindi niya pag-aari ang binata. Ang hirap lang te! Bakit ba ganitong kahirap magmahal?

Kaagad niyang nakita ang mga kaibigan sa function hall ng building. Halos mapuno ng mga taong nabibilang sa matataas na antas ng lipunan ang buong lugar. Pagkatapos ng inauguration speech ng apat na kaibigan ni Vico ay kaagad sinimulan ang engrandeng salu-salo.

"You guys should grab some food, kanina pa kayo busy halos hindi maupo sa pag-aayos nitong event", nilapitan sila ni Francis.

"Yeah, thank you, wag mo na kaming alalahanin sir, kakain din kami ngayon", nakangiting wika niya dito.

"Drop the formality Zailyn", anito. Nagpaalam ito ng may kakilalang tumawag dito.

"Kanina pa kita napapansin na nagkandahaba na iyang leeg mo, siya ba ang hinahanap mo?", ani Dianne ng maupo na sila sa mesa para kumain.

"What?", kunot noong hinarap niya ito.

"Hindi ko nga rin siya nakita simula pa ng event", nagsecond the motion naman kaagad si Marcha.

"Alam niyo naman na hinding siya ordinaryong tao, baka naman busy lang", komento naman ni Jhonna.

Honestly, kanina sa launching ng foundation, pero bakit hindi man lang ito nangumusta sa kanya? Hindi ba dapat consistent ito sa pagsusuyo sa kanya? Medyo nagtampo siya. Matapos niyang kumain ay nagpaalam na muna siya sa mga kaibigan niya na pupunta na muna siya sa powder room.

"She must be his girlfriend, balita ko nga mukhang tatakbo bilang representative iyon sa lungsod nila", narinig niyang usapan ng dalawang babae sa loob ng powder pagkarating niya doon.

"Mabait din ang batang iyon, bagay nga silang dalawa, sino ba namang mga magulang ang hindi sasaya kung parehong mababait ang mga anak".

"Kaya siguro hindi napabalita na may girlfriend kasi may nobya na siya".

"May balita nga na isa sa malalaking sponsor ang babaeng iyon sa foundation".

"Ay nako, ang swerti nila sa isa't-isa", lumabas na rin ang dalawa. Bigla siyang kinabahan sa mga narinig. Sana lang eh mali siya ng iniisip.

Pagkarating niya sa table nilang magkakaibigan, nadatnan niya ang isang magandang may edad na babae. Kasama nito si Catlin. Masayang nakikipag-usap ito sa kanyang mga kaibigan.

"Mrs. Zapanta, kaibigan po namin, at isa sa mga may-ari ng The Creations, si Zailyn", ng makarating siya ay ipinakilala siya ni Dianne. Pinasadahan siya ng tingin ng matanda bago nginitian.

"Hello po, please to meet you ma'am", magalang na wika niya. Teka lang, Zapanta? Wag mong sabihin na ito ang ina ni Vico. Biglang siyang natensiyon, lumipad ang tingin niya kay Dianne na sa oras ding iyon ay nakatingin din sa kanya. Nanghahamon ang paraan ng ngiti nito.

"Please to meet you too, I love how you guys organize this event, mukhang hindi na ako mahihirapang maghanap ng mag-oorganize ng kasal sa kaisa-isa kong anak", mula sa narinig ay daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi siya kaagad nakapagsalita, maging ang mga kaibigan niya ay nagpalitan ng tingin, sabay baling sa kanya.

"Po? Wala pong problema, maaasahan po ang The Creations diyan", masiglang wika ni Dianne. Buti nalang at nakabawi kaagad siya at napatango sa matanda.

"Ow, here's my son", sabay silang napalingon, sa pagkakita niya sa papasok na binata andoon na naman ang abnormal na tibok ng kanyang puso. Their eyes met.

"What took you so long? Kanina ka pa namin inantay ni Catlin", ang mommy nito.

"Medyo natagalan ako doon sa isang meeting ko", sagot naman nito. Ngayon ramdam niya niya kung paano maging awkward at magkaroon ng low self-esteem.

"Anyway, nameet ko na din ang mga may-ari ng The Creations, I told them that we can get them to organize your wedding soon".

"Mom!", pareho silang napaigtad ng medyo napalakas ang boses ng binata. He looks at her, kaagad naman siyang nagbawi ng tingin. Baka kung ano ang sabihin ng lalaking ito sa harap ng ina nito. She could sense that his mother have an eye for Catlin para sa anak nito.

"Y-you can contact us anytime ma'am", sabat niya sa usapan.

"Thank you hija, samahan mo si Catlin, Benito is looking for you, kanina pa", ang tinutukoy nito ay ang ama ni Catlin.

"Ahm, please excuse us, may iche-check lang kami sa may sound system, medyo basag", ani Dianne at hinila siya palayo sa lugar. Dinala siya ng kaibigan sa pool area.

"Are you okay?", ani Dianne ng makarating sila doon.

"Hindi", diretsahang wika niya, her tears were about to come out.

"She's a brute", anito. Ang bibig talaga nitong babaeng ito, walang ka filter filter.

"Nope, wala naman talaga akong karapatan na magreact ng ganito. As if I am her girlfriend, walang kasalanan ang ina ni Vico. She did not know anything".

"Hay, ewan ko lang talaga, ikaw naman kasi, ang snail mo".

"Snail?".

"Ang bagal mo, ayan tuloy, baka uunahan ka na ng ina niya, nako te, kung sakali, ikaw pa ang mag-oorganize ng kasal nung dalawa. Masama iyan sa negosyo natin".

"Mas lalo mulang akong sinaktan", ou, nasaktan siya. Gusto na niyang magsisi kung bakit nakilala niya ang binata. Normal pa sana ang takbo ng buhay niya ngayon.

Sabay silang nagbalik ng kaibigan sa loob ng function hall. Sa muling pagbalik nila, nakita niya ang binata, kasama si Catlin at ang ina nito sa isang table. Napapalibutan ito ng mga tao sa matataas na antas ng lipunan. As she look at them, the two look perfect together and she was hurt by that truth.

"Ito na nga ba ang sinabi ko eh, paano kapag may bagong dumating na character, ang inexpect ko lang ay isa pero dalawa eh", si Marcha.

"What's with the long face girls?", napalingon sila sa likuran ng may nagsalita. Nakatutok na sa kanya ang hawak nitong camera.

"Roque", aniya ng makita ang nakangiting mukha ng kaibigan ang nakita.

"At you service", anito at lumapit sa kanya.

"Isa ka rin ba sa sponsor?", tanong niya dito.

"Nope, I am doing a special cover for this event, hindi na ako magtatanong kung bakit kayo nandito", masiglang wika nito.

Kahit pa na nagging masigla ang usapan nila dahil sa pagdating ni Roque ay hindi parin mawaglit sa kanyang isipan ang buong pangyayari. Paano nga ba niya hindi pansinin ang paninibugho niya kung nasa malapitan lang ang binata kasama ang ibang babae. Simula kanina ay hindi pa siya nito nilapitan, at kanina parin niya napapansin ang bawat pag-aasikaso nit okay Catlin. Manhid ba si Vico na hindi nito naisipan na baka nagselos siya sa ginagawa nito? Dahil ba inignore nito ang panliligaw sa kanya? Pero napakabrutal naman kung ganoon nga ang nangyari. Pumainlang ang isang malamyos na musika, naunang nagsitayuan ang mga may edad nan a mga bisita.

"O-ow", narinig niyang wika ni Jhonna, sinundan niya ang tingin nito. There, Vico and Catlin dancing on the dance floor. Parang piniga ang kanyang puso ng makita kung paanong inilibot ng binata ang mga kamay sa baywang ng babae. Hindi na talaga tama ang mga nangyayari. Kung may tamang salita man na maidescribe ngayon iyan ay ang salitang, "pinaglalaruan lamang siya". Dapat hindi siya naniwala kaagad sa kung ano ang kanyang nararamdaman. Hindi siya nagging maingat, kaya ngayon eto siya, nasaktan.

"Let's dance", si Roque. Napatingin lamang siya sa kamay nito na nakalahad sa kanya.

"Hindi ako marunong sumayaw", pero ang totoong rason, gusto na niyang umuwi at magmukmok sa kanyang kwarto.

"Trust me, ako ang bahala", anito at inalalayan siyang tumayo. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod nalang dito.

Nasa dance floor na sila at nagsimulang sumayaw sa saliw ng malamyos na musika.

"You look upset; I think I guess it right", bigla siyang napatingin kay Roque ng magsalita ito. May alam ba itong sa dahilan ng pagsesenti niya.

"Did the girls tell you?", aniya.

"No, hindi na nila kailangan pang sabihin kung ano ang nangyayari sa iyo, the moment I saw you and Vico together, alam ko na may mutual understanding kayong dalawa", napakunot noo siya.

"And your jealous now", pagpapatuloy nito.

"Ganoon ba ako kahalata?", tanong niya.

"Ou, he is walking towards our direction, hindi narin maipinta ang mukha niya. Mukhang anumang oras ay kakainin ako ng buhay ng lalaking ito. Now, would you like to take revenge?", bigla siyang kinabahan sa kaalamang papunta sa kanila si Vico. Napahigpit ang kapit niya sa braso ni Roque.

"Take me out of this place now", aniya kay Roque.

"Are you sure?", paninigurado nito.

"Ou nga sabi, please", walang sabi-sabing hinila siya ni Roque palabas ng function hall. Halos tinakbo nila ang papuntang elevator, siya na ngayon ang makabagong Cinderella, she run away not because she don't have enough time left, but she run away because she doesn't have enough courage to face him. If Cinderella left her one pair of shoes, this time she wants to leave her heart so that when she went home, she can no longer feel the pain.    

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 198K 46
This is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung...
1.4K 29 10
Kakayanin mo bang makasama sa iisang bubong ang isang lalaking isinusumpa mo sa galit? Dahil sya daw ang mabait? Siya daw ang matalino? Dahil siya an...
493K 9.2K 52
Shea desperately needed a big amount of money for her little brother's operation who was involved in a major car accident. Dahil siya na lang ang ina...
33.8K 1.1K 25
Hawak ko ang kapalaran ko. pipiliin ko ba na ibalik ang oras para makasama ko ang taong mahal ko o hahayaan ko na lang na ang hinaharap ang mag dedes...
Wattpad App - Unlock exclusive features