High School Undercover Files

By erthou

862 23 13

Different story cases solved, divided per chapters. Inspired by detective movies and anime series. "A true De... More

Case Opening
Case 1: Social Media Celebrity
Case 1: Part 3

Case 1: Part 2

132 5 4
By erthou

Continuation...

Sa madilim na kwarto na tanging ang ilaw lang mula sa screen ng computer ang nagpapaliwanag ay may nakaupong tao, abala ito sa pagtatype sa keyboard ng kanyang computer.

Sa screen ay may nakalagay na:

Facebook
Username/ E-mail : YujiOfficial@gmail.com
Password : ********

Pinindot nya ang log-in button at lumabas ang account na may pangalang Yujiro Himeno.

Tumambad sa kanya ang almost 700+ notifications, friend request na 1,200+ at 450+ na private messages.

Napangiti ito, kaya dali-dali nyang tinype sa search ang pangalang Ako si Yujiro. Kinlick nya ang nag-iisang result na lumabas dito at tinignan nya ang profile, may nakita syang bagong post na picture. Stolen shot ni Yujiro na tag mula sa classmate sa isang tea-coffee shop. Sinave photo nya ito at saka bumalik sa kanyang account na ang pangalan ay Yujiro Himeno.

Inupload nya ang picture at nilagyan ng caption: "Enjoying my favorite drink :) #LibreAko #DOTD"

Natuwa sya sa kanyang ginawa. Ilang saglit lang ay tumunog ang notification nya, isa, dalawa, tatlo hanggang sa pataas ng pataas na ang bilang ng likes sa kanyang post.

Mababakas sa labi nya ang tuwa at saya na may nakapansin sa kanyang bagong upload na picture.

Nang biglang may nagpop-up na chat box, may gustong makipag-usap sa kanya. Sinubukan nya itong pansinin.

Trixie: Hi :)
Yuji: Hello ;)
Trixie: TFTA ah? Ang cute, cute mo po! :3
Trixie: buti na lang hindi ka snob tulad ng iba.
Trixie: may gf ka na po? :p

Tinignan muna nya ang profile ni Trixie. Maganda ang babae at nag-aaral sa isang kilalang school.

Yuji: LOL, i wont snob that kind of beauty. :)
Trixie: Ayiiieee! Kinikilig naman ako. Tnx
Trixie: di mo pa sinasagot tanong ko?
Yuji: ano po yun?
Trixie: kung may gf ka na? Hihihi...
Yuji: single po
Trixie: ay bakit? o_O
Trixie: ang gwapo gwapo mo kaya, tapos wala kang gf?
Trixie: sinungaling! xD fc lang.. lol
Yuji: kasi i'm waiting for you ;*
Trixie: HAHAHAHAHA

Hanggang sa tumagal ang kanilang usapan at inabot na ng magdamag.

Yuji: baby, tulog na ko ha? Late na kasi, may pasok pa tayo bukas. :*
Trixie: mornyt baby! Iloveyou! Mwuah! :* :)
Yuji: nyt :)

~~~

Kinabukasan sa school gymnasium.

Magkasamang naglalaro ng basketball si Yujiro at Dittz at ang iba nitong mga kaklase nang may lumapit na naman sa kanila na isang grupo ng mga babae.

Napasin ni Dittz na may mga babaeng kumakaway sa kanila matapos nitong makapag-shoot ng three points sa ring, lumingon sya kay Yujiro na nakatukod ang mga kamay sa tuhod. Pawisan sila ng mga oras na yun dahil sa matagal na paglalaro.

"Yu!" Tawag ni Dittz sa kaibigan sabay nguso sa direksyon ng mga babae.

Malayo si Yujiro kay Dittz pero mababasa mo sa bibig nito ang gusto nyang sabihin sa kaibigan.

"Ano na naman?" Sabi ni Yujiro.

Ngumiti si Dittz sa mga babae at kinawayan ito pabalik, kaya mabilis na naglakad ang mga babae papunta sa kanila. Napailing naman si Yujiro.

Sinenyasan ni Dittz na lumapit ito sa kanya. Kahit labag sa kalooban ng binata ay napilitan itong lumapit.

Nagtilian naman ang mga babae.

"Oh, Yu, may itatanong daw itong mga kaibigan natin sayo?" Sabay kindat ni Dittz sa mga babae. Natawa naman ang mga ito.

"Kaibigan? Kailan pa natin naging kaibigan ang mga yan? Kahit kailan Dittz mabilis ka pa sa alas kwatro pagdating sa mga babae" sabi ni Yujiro sa sarili.

"May problema ba?" Pilit na nginitian ni Yujiro ang mga babae.

Hindi naman mapakali ang mga babae ng marinig nila itong magsalita. Nagbubulungan at kilig na kilig sa simpleng ikinilos ni Yujiro.

Bigla namang napasimangot ang mga ito at nagseryoso ng mukha.

"Uhmm.. Totoo ba?" Sabi ng isang payat na babae.

Nagtaka si Dittz. "Totoo ang alin?"

Sumingit naman ang matabang babae mula sa likod. "Totoo bang may girlfriend ka na?!"

Nanlaki naman ang mata ng dalawang binata at ikinagulat ang narinig.

"Ha?! Teka? Saan nyo naman narinig yan? Si-sino nagsabi?" Nalilitong tanong ni Yujiro.

"Nakita namin sa wall mo! May nagpost dun na babae, Trixie ang pangalan! Girlfriend mo daw sya!" Sabi ng babae sa gitna, ang tumatayong lider ng grupo.

"Oo nga! Akala pa naman namin mabait ka! Inuuna mo pa pala yan paglalandi mo kasya sa atupagin ang pag-aaral!" Segunda ng isa.

"Girls! girls! Teka lang! Baka naman nagkakamali lang kayo? Hindi ganyan si Yu." Depensa ni Dittz, nakaharang na ito sa harap ni Yujiro dahil sa tensyong namamagitan sa kanila at sa grupo ng mga babae.

"Wala akong girlfriend." Matipid na sagot ni Yujiro.

Natigilan naman ang mga ito sa pagtatalo, napalingon si Dittz sa likuran.

"Wala akong girlfriend kasi torpe ako, hindi ko magawang lapitan ang babaeng nagugustuhan ko." Dagdag pa ni Yujiro.

"Sus! Sinungaling ka! Kunwari walang girlfriend to win us back? Ano ka sinuswerte? Unfollow and unfriend ka na namin! Tse!" Sabi ng lider.

"Oo nga! Block ka pa namin!" Segunda ng mataba.

"Let's go girls!" Aya nito sa mga kasama, inirapan ang dalawa at iniwang nakatulala ang mga ito habang papalayo sila.

Nang makalayo ang mga ito ay humabol pa ng banat si Dittz.

"Nagkagirlfriend lang yung idol nyo, masamang tao na agad! Ang papanget nyo!" Sigaw ni Dittz.

Natatawang inakbayan ni Yuji ang kaibigan. "Chill lang, hahaha.. tama na yan. Pahinga na muna tayo."

"Bakit kasi nagpopost ka pa ng ganun?! Hindi na tayo lalapitan ng mga chicks nyan!" Sabi ni Dittz.

Itinulak ito ni Yujiro palayo.

"Langya ka! Akala ko pa naman seryoso ka! Tsk..tsk.." Dismayadong si Yujiro.

"Seryoso naman ako ah? Hahaha.." nakakalokong sagot ng kaibigan.

Sa di kalayuan ay naroon si Nana, nakatingin sa kanila at nasaksihan nya kanina ang mga nangyari.

"Ano kayang nangyari dun? Bakit nagagalit sila kay Yujiro?"

~~~

Sa isang table sa school cafeteria.

Kinuha ni Yujiro mula sa bulsa ang kanyang phone habang hinihintay si Dittz na bumibili ng kanilang makakain.

"Nakita namin sa wall mo! May nagpost dun na babae, Trixie ang pangalan! Girlfriend mo daw sya!" Naalala ng binata ang sinabi sa kanya ng babae kanina.

Madali nyang binuksan ang kanyang telepono at naglog-in sa facebook.

"Sa wall ko? Hindi naman ako papayag na may mag-tag ng ganun sa 'kin, tsaka paano nila nalaman ang account ko? Hindi ko naman ginamit ang tunay kong pangalan. Almost 200 lang nasa friend list ko at hindi ko rin matandaan na naging friend ko sila." Sabi ni Yujiro sa sarili.

Pagkalog-in nya sa kanyang account. Chineck nya kaagad ang kanyang profile, Ako si Yujiro. Wala namang nakapost doon na tungkol sa sinasabi ng mga babae kanina kaya nagtaka sya.

"Sino ang tinutukoy nilang Yujiro?" Malalim na napaisip ang binata.

"May gumagaya ba sa 'kin?" May poser ba ako?!" Tanong nito sa sarili.

Nag-isip sya ng paraan kung paano nya malalaman ang misteryong ito. Sinubukan nyang i-type ang buo nyang pangalan sa search box ng facebook.

Lumabas ang nag-iisang result na Yujiro Himeno. Nakita nya sa profile nito ang tinutukoy ng babae kanina, napakaraming friends nito at nakapublic lahat ng post.

Nagulat sya, sinubukan nyang i-add ito as friend. Lumipas ang isang minuto ay confirmed na kaagad ang kanyang request kaya agad nya itong kinompronta sa chat box.

Ako si Yujiro: Bro, ano 'to?

Wala syang narecieve na reply mula dito, kaya naisip pa nyang mag-message.

Ako si Yujiro: ako 'to si Yujiro, yung ginagaya mo. This is my real account.
Ako si Yujiro: please, kung sino ka man na kumukuha ng mga photos ko tigilan mo na ang panggagaya sa 'kin. Wala kang mapapala dito, napapahamak lang ako sa ginagawa mo.

Wala pa ring sagot ang poser.

Seen 12:09 a.m.

Nang makita ito ni Yujiro ay parang sasabog sya sa galit. Binasa lang ito ng poser nya na parang walang pakialam sa mga sinabi nito.

Nanginginig ang kamay nito sa galit habang nagtatype ng sasabihin.

Ako si Yujiro: hoy! Ungas! Siraulo ka ba?!
Ako si Yujiro: Gusto mo bang sumabog yang mukha mo! Tigilan mo yang ginagawa mo, kung ayaw mong ireklamo kita!
Ako si Yujiro: malaman ko lang kung sino ka!

Nang biglang, pagkasend nya ng huling message.

The account might unable to send messages...

"Sh*t! Binlock pa ko amp! Tang*** talaga!" Asik ni Yujiro sa sarili, napadabog pa ito kaya muntikan nyang mahulog ang kanyang telepono.

"Yu! Bakit?" Tanong ni Dittz ng maabutan nito ang inasal ng kaibigan.

Next...

Sino ang poser? At ano ang maaring mangyari kay Yujiro kapag ipinagpatuloy ito ng taong iyon?

Continue Reading

You'll Also Like

THE NOTE By woo

Mystery / Thriller

676 170 13
A normal high school. A series of eerie notes. A deadly secret waiting to be uncovered. It began with a single note, revealing a secret no one else s...
Trap By Blank_Jemiinii

Mystery / Thriller

1.2K 31 11
This is not a detective story or a horror story. This is all about being insane. Seven people with different professions and missions went to spend a...
37.1K 530 22
I am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries tha...
40.6K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror
Wattpad App - Unlock exclusive features