Lost and Found

By Cristinalicious__05

45.8K 1.2K 30

[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pamb... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Epilogue

CHAPTER SEVENTEEN

1.3K 40 1
By Cristinalicious__05

Serenity's POV

"Mabuti kung ganun, maaaring nang gawin ito dahil kailangan na ng bata."

Tumango lang si Draco.

Ilang minuto lang ay ginawa na ang pagkuha ng dugo. Lumabas muna ako dahil sa totoo lang ay ayaw kong makakita ng dugo.

Ilang mga minuto pa ay lumabas na ang doctor. Ngumiti lang ito at parang nagsasabing ayos na ang anak ko.

Pumasok ako sa loob at nakita ko doon na nakaupo sa sofa. Pumunta ako sa anak ko at hinawakan ang pisnge nito.

"Now. Explain...."

"Salamat sa pagbibigay ng dugo kay--"

"Humarap ka sa akin Serenity.."

Tumayo ako sa maayos at humarap sa kanya.

"Salamat sa pagbibigay ng--"

"Hindi yan ang gusto kong malaman mula sayo.."

"Anong gusto mong malaman sa akin, na nagtatrabaho ako sa club. Na nagpapanggap na boy--"

"Hindi yun, hindi ako tanga para hindi ko malaman na anak ko si Drake, mukhang sa akin mo pa nakuha ang name niya.."

Agad na tumingin ako sa anak ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko na pag-aagawan namin ang anak ko.

"Kapatid ko si Drake, kung ama ka niya, edi kayo ni mama--"

"Huwag mo ng lokohin ang sarili mo at ako. Unang tingin ko palang noon kay Drake ng dinala siya ng parents ni Nicole ay ramdam ko. Tinanong kita kung anak mo siya pero iba ang sinabi mo. Kapag pinagtabi kami ni Drake ay bulag lang ang hindi magsasabing hindi kami magkamukha. Ngayon ikaw ang magsabi sa akin Serenity, gusto ko sayo iyun marinig. Sabihin mo ang gusto kong marinig sayo dahil kung hindi ay wala akong magagawa kundi magpa-DNA test.."

Nakatingin lang sa akin si Draco, nakikita ko ang galit sa mukha niya.

"Oo..." wala na rin akong magagawa. Nagmatch ang dugo nila kaya nagbigay iyun ng kalinawan sa isip niya.

"Oong?"

"Anak mo nga siya, yun ba ang gusto mong marinig. Anak mo nga siya, masaya ka na..." sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagsalubong ang mga kilay nito. Agad na tumayo ito at lumapit sa akin.

"Masaya ako? Sa tingin mo ba ay masaya ako? Limang taon na ang lumipas at may anak pala akong nabubuhay na kung saan.."

"Bakit mo sinassabi sa akin yan, limang taon na rin ang lumipas at ngayon mo lang sinabi sa akin na ikaw yung lalaking yun..."

"Nalaman mo naman na, bakit hindi mo sinabi sa akin. Nalaman mong ako yun pero wala kang sinabi..."

"Sa tingin mo ba diyan sa ugali mo ay may magtatapat sayong anak mo. Sa dami ng babae mo ay lalapit ako at sasabihing may anak tayo. Hindi mo alam ang dinanas ko...."

"Wala kang balak sabihin sa akin ng malaman mong ako yun. Hahayaan mo talagang lumaki ang anak kong hindi niya ako nakikilala. Nakapa-selfish mo naman. Anak ko siya, anak ko din siya.."

"Oo, wala akong balak sabihin sayo yun. Wala akong balak na sabihin lahat sayo. Gayundin sa anak ko, na hanggang ngayon ay ate niya lang ako. Gusto ko siyang itago, oo. Ayaw kong maranasan niya ang dinanas ko noon. Na lahat ng paghuhusga sa akin ay nahusga na. At ayaw kong ganun din ang mangyari sa anak ko. Kaya sorry kung yun ang gusto kong gawin dahil ayaw kong masaktan ang anak ko..Wala akong balak sabihin sayo dahil alam kong sa oras na malaman mo ay ilalayo mo ang anak ko. Kukunin mo siya sa akin."

Nakatingin lang sa akin si Draco pero wala na ang salubong na kilay. Nakatingin lang siya sa akin na parang batang nakikinig sa lolang nagkwekwento.

"Gusto ko lang na mahanap ka dahil nung una ay gusto kong ipakilala sayo ang anak ko. Ayaw ko siyang lumaki na talagang walang ama pero pumasok sa isip ko na baka kunin mo lang siya kaya nagbago na. Gusto kitang mahanap para alam ko kung sino ang iiwasan ko. Nahanap nga kita, I found you. Kaya dapat ay iniiwasan na kita. Pero sunod ka ng sunod sa akin...."

Ngumisi ito na kinakunot ng noo ko.

"Sa lahat ng nalaman ko ay sa tingin mo ba ay titigil na ako. Mas nagbigay yun ng dahilan para sa akin ka lang. Come on Serenity, may anak na tayo.."

Agad na tumayo ang mga balahibo ko sa batok sa sinabi niya.

"At alam mo na na gusto kong madala niya ang apelyido ko, mas gugustuhin ko pang dala niyo ang apelyido ko..."

Alam ko ang sinasabi niya at hind ako papayag doon. Ayaw kong makasal dahil lang may anak kami.

"Anak ko lang ang pakikialaman mo, hindi ako. Hindi sulusyon ang kasal para madala niya nag apelyido mo. Pwede mo yun maiba kahit na walang kasal Draco, pwede akong ikasal.sa kahit na sinong gusto ko at wala kang pakialam doon..."

"Hindi ka mapupunta sa iba.." agad niyang hinawakan ang braso ko, mahigpit iyun. Masakit sa braso.

"Sa akin ka lang Serenity. Akin lang. Sa akin lang kayo ng anak natin.."

...

...

"Ate, b-bakit ka niya h-hawak?"

Parehong napatingin kami ni Draco ng may magsalita. Napalaki ang mata ko ng makita kong gising na ang anak ko. Hindi sa hindi pa dapat dahil katatapos lang ng dapat na gawin sa kaniya at nagising siya.

"Baby boy! Gising ka na..." sabi ko at hinawakan siya sa kamay at pisnge.

Hindi na malamig gaya ng kanina.

"A-te, sino s-siya.."

"Ako ang daddy mo.." sabi ni Draco. Agad na napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bakit niya agad na sinabi, kakagising lang ng bata at binibigla niya ito.

"Daddy kita? Nakita kita doon dati, bakit hindi mo sinabi?"
Napatingin ako sa anak ko na malungkot ito. Agad na napatingin ako kay Draco at inapakan ang paa nito. Ayaw kong malungkot ang anak ko!

"Aray!"

Napatingin sa akin Draco at kita ko sa mata niya na nasaktan ito. Tinignan ko lang siya ng masama. Ginusto niyang magtapat na edi ayusin niya.

"Ano baby, kasi gusto ko sanang surprise yun." Sabi ni Draco at hinawakan din ang kamay ng anak ko.

"S-Surprise, madaming t-toys..."

"Oo baby, ano, dapat ka nang matulog ohh, gabi na..." ako na ang sumagot dahil gabi na talaga. Kailangan niyang magpahinga.

"Baka pagkagising ko ay wala na si D-Daddy.."

"Nandito parin ako sa paggising mo..."

Sabi ni Draco at hinawakan ko ang ulo niya at hinagod ang buhok nito.

"Goodnight baby boy..." at hinalikan ko na ito sa noo.

Nang makatulog na ito ay nilapitan ko si Draco na nakaupo sa sofa.

Agad kong sinipa ang binti niya kaya agad siyang napahawak doon.

"Kanina ka pa, nakakadalawa ka na..."

"Pake ko, bakit mo agad na sinabi. Binigla mo ang bata..."

"Wala namang masama, hindi mo ba nakita ang saya niya ng magpakilala ako na daddy niya.."

Agad kong naalala ang reaksyon ng anak ko ng magpakilala si Draco na daddy niya. Priceless yun.

"Nakita ko, pero sana ay bukas mo nalang sinabi. Alam mong katatapos palang ng lahat na ginawa sa kanya tapos binigla mo, nababaliw ka na..."

Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya sa akin.

"Baliw ka na nga.."

Agad na pumunta ako sa pwesto ng anak ko. Kumuha ako ng mono block sa tabi at doon ako umupo. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko.

Napatingin ako kay Draco dahil may narinig akong 'click' sound na galing sa kaniya.

Nakaangat ang cellphone niya at nakatingin ito sa amin.

Napatingin ako kay Draco na nakangiti pa na kumuha ulit ng litrato.

"Anong kalokohan na naman yan Draco?"

"Masama bang kunan kayo ng litrato..."

"Hindi...."

"At i-post ko at caption 'wife and son'..."

Agad na napatingin ako sa kaniya. Inumang ko ang kamao ko sa kaniya.

"Gawin mo lang, makakatikim ka ng mag-asawang sampal at anak na suntok..."

Tumawa lang siya at tinago ang cellphone niya.

"Mabuti nalang at nakapaglagay ka ng concealer tapos hindi siya nasira dahil sa luha mo..."

Naglagay pala ako ng concealer dahil nga may maliit akong pasa sa pisnge. Ok naman na ang katawan ko pero masakit pa kunti ang pisnge ko.

Napatingin ako sa kaniya ng matandaan kong nagwalk-out siya sa mga sinabi ko.

"Draco...."

"Hmm?"

"About doon sa sinabi ko habang kumakain tayo..."

Agad na sumeryoso ang mukha nito. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Hindi ko sinasadya nag mga sinabi ko doon, nakakainis ka kasi..."

"Ang sabi daw ay totoo ang mga pinagsasabi ng taong galit. Galit ka tapos sinabi mo yun.."

"Naiinis kasi ako sayo..."

"Hindi ako tumatanggap ng sorry, lalo na sa mga sinabi mo ay hindi ko matatanggap ang sorry mo..."

"Hindi ko naman yun sinasadya, at kunti naman doon ay totoo. At saka hindi ako nagsosorry kaya..."

"So hindi ka nagsosorry sa akin.."

Napatingin ako sa kaniya ng mas lumapit pa siya sa akin. Agad akong naalarma sa lapit niya sa akin.

"Oo na! Sorry na doon, hindi ko nga sabi sinasadya...."

"Alam mong hindi ako tumatanggap ng sorry Serenity..."

"Ano naman--hmmpp!!"

Agad na lumapat ang labi nito sa akin. Napalaki pa ang mata ko sa ginawa niya at dahil narin sa gulat.

....

...

"A-Ate......Daddy?"

...

..

Continue Reading

You'll Also Like

100K 2.2K 24
Si Irene ay nagmahal sa murang edad. Pero nasaktan siya. At lumipas ang taon. Ang taong minamahal niya. Syempre ay mahal niya pa rin. Pero hindi niya...
54.6K 1K 50
Clarkson Series 3.... EROS CHASE CLARKSON JOHNSON Hunk.. Handsome... Rich... Kind....Nahh! .. Stupid.. Playboy.. Magulong kausap... kulang sa aruga...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
10.2K 260 15
Makita kang masaya sa iba ay sapat na... makita kang pinapasaya ng iba ay masaya na ako... ang makita kang nasasaktan ay mas masakit sa akin.. Nandit...