Crossing the Line

By YGDara

438K 17.8K 3.4K

Barkada Babies Series #7 "I tried really hard to keep my distance. I have too much to lose if I cross that li... More

Crossing the Line
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine

Thirty

8.7K 314 140
By YGDara

Good morning! I hope these flowers make you smile, I'll see you when I get back. Eat on time!

- Connor

Instant na napangiti si Mella habang binabasa niya ang card na nakakabit sa isang box of roses. It's been two weeks since they started their relationship and she never thought that she'd be this happy.

Inayos niya ang mga bulaklak at kinunan ng litrato kasama ang card na sulat ng boyfriend niya.

Boyfriend.

Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na may boyfriend na siya. Kinikilig siya. Wala pa silang pinagsasabihan ni Connor dahil gusto nito na ipaalam muna sa parents niya. Nasa isang medical conference lang ito sa Cebu at tatlong araw pa bago ito babalik.

Naupo siya sa high chair sa may kitchen counter niya at tinawagan si Connor sa Facetime. It's already 7pm so sure siya na nakabalik na ito sa hotel room nito.

"Hey, babe."

Umupo siya ng tuwid nang sagutin agad ni Connor ang tawag niya. Bumungad sakanya ang gwapong mukha nito, basa ang buhok, halatang bagong ligo. Wala itong suot na pantaas at lantad sakanya ang malapad nitong balikat.

Tumikhim siya bago sumagot. "Hello! Kauuwi mo lang?"

"Yes po. Nakuha mo na iyong flowers?"

Tumango siya at nginitian ito. "Oo. Ang ganda. Salamat! Araw-araw mo nalang ako pinapadalhan ha, kapag talaga ako nasanay."

Connor chuckled. Nahiga ito at nakita niya ng pahapyaw ang dibdib nito. "Masasanay ka talaga because I'm in for the long run, babe. Hanggang kamatayan na 'to."

Shit. Kinikilig nanaman siya.

"Kinikilig ka?"  pang-aasar nito sakanya.

"Epal ka."

"Yiee, am I making you blush?"

Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang pisngi. "Leche ka. Kapal ng mukha. Tumigil ka nga diyan."

Connor laughed. "Call me babe muna."

Natigilan siya at sa tingin niya mas lalo pa ata siyang namula. Connor's been calling her "babe" or "baby" and sa totoo lang, sa tuwing tinatawag siya nito ng mga iyon ay sobrang kinikilig siya, ewan ba niya kung bakit. Dati naman eh cringe para sakanya kapag nagtatawagan ang mga nakikita niyang magkasintahan. Iyon pala, masaya pala matawag na ganon. Iba sa feeling. Bitter lang pala siya dati kasi single siya.

"Aww, my baby is getting shy again."

"Tsk. Nang-aasar ka nanaman."

"I'm not. How's your day?"

She smiled at how he changed the topic because he knows that she's still adjusting. Gusto din naman niya maging sweet, pero hindi niya alam paano. 24 yrs of her life, single siya at never siya nakipag-date. Kahit nga M.U ay wala siya kaya she's so thankful to Connor that he's understanding and patient with her.

"My day went well! Wala naman masyadong trabaho dahil na-deliver naman na iyong iba. Binulabog ko din si Vera then umuwi na ko. Ikaw? Mukhang pagod ka?"

"Hindi naman masyado." he answered pero kumawala ang isang hikab nito.

Natawa siya. "Rough day?"

Connor smiled. "Hindi naman. Ang aga lang kanina nung conference kaya medyo kulang ako sa tulog."

"Why don't you sleep na?"

Umiling ito na parang bata. "I still want to talk to you. What are you eating?"

Swinitch niya ang camera para mapakita kay Connor ang kinakain niya na tinake-out niya sa isang fast food chain. "Nag-drive thru nalang ako kanina."

"Dapat pala pinadalhan kita ng mas healthy food."

Binalik niya ang camera para tapat na ito sa mukha niya. "Minsan lang naman po ako mag-fast food."

"Yeah because you prefer not to eat in some days. Which is more unhealthy."

"Sorry na po, dad."

"Call me daddy."

"Asa ka."

"Mamili ka, babe or daddy? I don't mind if ano piliin mo."

"Alam mo, kulang ka talaga sa tulog, kung anu-ano iyang sinasabi mo."

"I miss you."

She sighed and smiled at him. He looks so handsome with his disheveled hair and his "antok" face. Nagiging singkit na ito kasi alam niya na papikit na ang mga mata nito sa pagod at antok.

"I miss you too. We'll talk tomorrow, okay? Sleep ka na."

Tumango ito at naghikab nanaman. "Good night. I'll sleep na."

She smiled. "Good night, babe," she said and quickly ended the call.

Napatalon siya ng biglang tumawag ulit si Connor pero tinubuan na ulit siya ng hiya at hindi sinagot iyon. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Maya maya ay nag-pop sa screen niya ang isang message nito.

Huminga muna siya ng malalim bago tinignan ang message ni Connor.

Good night, babe. I can't wait to go home to you and hear you call me that in person.

Hindi na siya nagreply dahil alam niya na kapag nagreply pa siya, hindi na matutulog iyang si Connor. Tinapos lang niya ang dinner niya at nag-ready na din matulog.

Mabilis lang naman lumipas ang three days. The next thing she knew, Connor's already in her kitchen, cooking her breakfast.

Wait.

Kinusot niya ang kanyang mata at tinampal ang pisngi. Baka kasi nagha-hallucinate siya baka kasi dahil bagong gising palang siya.

"Hey, sleepyhead."

Oh shit. Totoo nga!

"Con?"

He placed the plates on the table and went to her. "The one and only."

"What — you're real!" Hindi na niya naitago ang saya at tumalon nalang at yinakap si Connor. Good thing he has good reflexes and he caught her.

"Someone missed me so much."

"Akala ko mamayang gabi pa dating mo!"

"My flight got rescheduled so I thought of surprising you." She felt his hug tightened. "I miss you, babe."

"I miss you too!"

Tinignan niya ng maigi ang mukha nito habang buhat buhat pa rin siya nito. "Nangayayat ka ba?"

He laughed at her observation. "Oo. Hindi kasi ako makakain ng maayos kakaisip sayo."

Natawa siya at mahinang sinampal ito sa pisngi. "Gago mo."

Napapikit nalang siya bigla nang halikan siya ni Connor. God, she missed his kisses. Ilang araw din niya hindi natikman iyon. She opened her mouth to welcome his kisses. It was getting deeper and intense as he pushed his tongue inside her mouth which made her moan.

"Con..."

"Hmm?"

"I think... we should stop." nahihirapan niyang sabi.

Connor chuckled and gave her one hard peck before carrying her to her seat. "Sorry, babe. Na-carried away lang."

She cleared her throat. "It's okay. I'm sorry too."

He smiled and kissed her forehead before sitting beside her. "After breakfast, sama ka sakin."

"Saan tayo punta? May meeting ako sa mga interns mamaya. Matatapos na kasi sila sa OJT nila."

"We'll just get Choco from Kiel. I know you want to see him already."

Nabuhayan siya nang marinig ang pangalan ng aso niya. Yes, Choco's hers. She adopted him officially nang wala naman lumitaw na owner ito. Since nagpunta nga si Connor sa Cebu, iniwan muna nito si Choco kay Kiel na isang vet din.

Matapos nilang kumain ay nag-ayos siya ng mabilisan at kinuha si Choco sa bahay ni Kiel. When her dog saw her, he barked and wagged his tail.

"Baby!" she called her dog. He's still slightly limping because of his leg but he'll recover soon as what Connor said.

"Buti pa aso, tinatawag mo na baby." komento ni Connor.

Natawa naman si Kiel sa sinabi nito. "Tahol ka muna daw, Con. Baka sakaling matawag ka na baby."

"Talaga ba? Kasi tatahol talaga ako."

Inirapan niya ang lalaki. "Tara na at naghihintay na sila Heather sa workshop." aya niya rito at nagpasalamat kay Kiel.

When they arrived at her workshop, nandon na lahat ng interns niya. Last week na nila sakanya dahil tapos na ang OJT hours ng mga ito.

"Mamimiss namin kayo, Ms. Mella!" sabi sakanya ni Heather.

She smiled at them. "You're always welcome naman dito. Pagka-graduate ninyo, you can apply here or huwag na kasi all of you guys are so talented and you all deserve bigger breaks!"

Hindi na siya nagbigay pa ng maraming trabaho sakanila dahil isang linggo nalang naman na sila maglalagi. Ngayon, nag-iisip siya kung saan kaya siya kukuha ng assistant dahil sa susunod na mga buwan ay may mga papasok na projects siya.

"Mamimiss mo sila?" Connor broke the silence. They're on their way to her parent's house. Dumaan lang muna sila sa isang cake shop to buy a cake.

"Oo naman. Pero kailangan ko talaga ng assistants, need ko mag-hire pagkaalis nila."

"I'm sure you'll find one. Do you want help?"

Umiling siya. "Kaya ko na iyon. Kinakabahan ka ba?"

She noticed that Connor's been quiet throughout their drive. Baka kako kinakabahan dahil ipapaalam na nila sa parents niya na sila na.

He scoffed. "Me? Kinakabahan? Never. Your parents love me."

Napangisi siya. Totoo kasi. Especially her mom, she adores Connor. Pero syempre, hindi niya iyon sasabihin sakanya.

"Kapal ng mukha natin ah. Sige ha, tignan natin mamaya."

When they pulled up in front of their house, inasikaso niya si Choco dahil kasama nila ito. Bago siya makababa, kinuha ni Connor ang kamay niya. Nagulat siya na pawis na pawis ang palad nito.

"They'll like me, right?" nag-aalalang tanong nito sakanya.

She was shocked when she saw the worry etched in his face. Na-realize niya na importante ito para kay Connor. He really wants her parents to like her.

She caressed his face and kissed his cheek. "You'll be fine. They'll like you."

"You sure?"

"I'm sure, babe."

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...