REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

125K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 3

2.2K 134 17
By spirit_blossom

Sa makalipas na dalawang araw na pamamalagi ng rebelde sa amin, wala pa akong nakikitang ni isang tao na nabubuwisit sa kaniya maliban sa akin.

People in our house seem to like the idea of having him around. Naiinis ako lalo na pag nakikita ko silang pinaglilingkuran si Gino. Hindi ko malaman kung bulag ba sila para 'di makitang 'di naman nila ito amo o sadyang sipsip lamang sa tatay ko. Tulad kanina, nang maghaing ang isang katulong ng aming almusal, nakangiti pa ang bruha sa kaniya nang ilapag ang mga lutong ulam.. tapos nang ako na ang tingnan parang humaharap sa patay.

I really can't get over with the audacity of that maid. Pasalamat siya at nahaharangan ako ng presensiya ni Papa kanina. I can only glare at her in the distance.

Hindi pa rin ako kinakausap ni Papa magmula ng alitan namin noong hapunan. Nalulungkot man dahil para bang natitis niya ako, ngunit sumasagi rin sa isip kong wala naman akong kasalanan. Hindi naman ang nagpasimula. Si Gino.

What's new? I'm a rebel in his eyes, anyway.

Bumuga ako ng hangin habang nakapangalumbaba sa tanawin ng bintana. Napakagandang tingnan ng luntian naming hardin. Napakayapang pakinggan ng huni ng mga ibon. Ganunpaman, hindi ko makuhang lumigaya.

Gusto kong kausapin si Papa para sa akin na ulit mabuhos ang atensiyon niya, kaso sa tuwing nakikita ko silang nag-uusap ni Gino umiigting ang pride ko. I can't deny the budding jealousy in me. Yes, I admit; I'm jealous over the treatment my father is giving towards his new son.

What is special with that jérk, anyway?

Renz:
Punta ka ha?

Hindi ko maiwasang mapangiti ng mag-isa rito sa sala, isang hapon. Parati ko namang ka-text si Renzo pero sa tuwing makikita ko ang pangalan niya sa cellphone ko.. ugh.

Me:
Ok :)

Wala pang segundo nang marinig ko agad ang notification tone ng aking cellphone.

Renz:
Talaga? Yes!

Tumunog uli bago pa man ako makatipa ng reply.

Renz:
Can I introduce you to my friends? Future syota :)

Wala akong mapaglagyan ng nararamdaman kong kilig. Umarko lalo ang ngiti sa labi ko. Pakikilala niya raw ako sa mga tropa niya. Gosh!

Me:
Sira. Hihi

Renz:
Seryoso. Sana nga sa bday ko sagutin u na ko e. Been wanting to call u mine. Hehe :)

Sumubsob ako sa cushion bago tumili ng paimpit. I have a big crush on Renzo. Well, he's only the basketball captain of our varsity team. Hindi pa ba sapat iyon para 'di ako mangisay sa kilig?

"Hoy! Brat, ba't sabi ni Manang ang sabi mo raw 'wag niyang lutuin 'yung pinapaluto ko, ha?"

Bumangon ako sa pagkakasubsob. Nakakunot na agad ang noo. Narinig ko pa lang ang pamilyar na boses ni Gino pero sumilab na agad ang inis ko!

Tumingala ako. Ngunit agad ring natigilan. Sa hamba ng pintuan, nandoon si Gino, nakasandal.. hubad-baro.

Nakabalandra ang moreno at makitas niyang katawan habang nakasabit ang namamasang sando sa kaliwang balikat. Nakasuot naman siya ng pulang jersery shorts, pero sa 'di ko malamang dahilan napako lamang ang paningin ko sa matipuno niyang dibdib. 

Hindi siya ganoon ka-macho pero humuhulma na ang ilang muscles; lalo na sa dibdib at magkabilang braso. Siguro bunga ng kalalaro niya ng bola. Walang dudang lalaki itong buwisit na ito sa tindig pa lang; para bang anumang oras manununtok ng kaaway.

Hindi nga nagkamali ng inampon si Papa.

"Hoy."

Natauhan ako. "Don't 'hoy' me, kalbo. I'm not like Papa na pumapayag sa kung anu-ano lang matawag mo!"

"Ba't mo sinabihan 'yung katulong na 'wag magluto ng merienda namin, ha? Wala kaming makain ngayong tapos na kaming mag-basketball."

"Bakit sa'yo ba 'yun?" sabi ko sabay irap; tumuon ang paningin ko sa nakapatay naming telebisyon.

Wala si Papa ngayong Sabado. Pumunta siya sa kumpanya ng tiyuhin ko. Kaya siguro may lakas ng loob itong magyabang sa  akin, eh. Naalala ko ngang nagpaalam si Gino sa tatay ko kanina bago ito umalis. Papapuntahin niya raw ang mga kaibigan niya para maglaro sila ng basketball sa bakuran. Siempre, pagkatapos, kakain sila ng merienda.

Hindi umalma si Papa. Siempre! Si Papa.. aangal? Gosh, kulang na nga lang siguro buong bayan na namin tumira rito sa mansyon; kaya, ako na ang nagkusa na pagsabihan ang katulong; na malilintikan siya sa akin pag pinaghandaan niya ng merienda sila Gino.

"Gusto mo bang isumbong kita sa tatay mo, brat?"

Pumalatak siya ng ilang ulit. Bumaling ako sa kaniya upang masulyapan siyang umiiling. Humalukipkip si Gino sanhi para umigting lalo ang matikas niyang dibdib.

"Paano kaya pag sinabi ko 'yan sa tatay mo mamayang hapunan? Siguro bagong sermon na naman," sabi niya at umismid.

Oh, this jérk. I menacingly looked at him. "Hala, sige. Ubusin mo lahat ng pagkain namin; magpakabusog kayo!"

Sa unang beses, narinig ko siyang tumawa. Sa mga nakalipas na araw, wala kaming ibang ginawang dalawa kundi magpalitan ng masasamang titig at ismid, ngunit ngayon.. iba ang nasaksihan ko.

Hindi ko alam ngunit nabahala ako. "Get lost nga, Gino. Wag mo rin akong kausapin. We're not close!"

Hindi naman siya umalis. Sa halip, mas pinili niya pang makipag-usap sa akin.

"May boyfriend ka na ba?"

Natigilan ako saglit. "Ba't ko naman sasabihin sa'yo?"

"Wala pa," sagot niya;

"Wala pa, sigurado. Wala namang magkakagusto sa mga spoiled brat na tulad mo, e. Sakit kayo sa ulo."

The nerve!

"Excuse me, huh? For your information, may mga sumusuyo sa akin," sagot ko sa kaniya, at totoo naman, dahil isa sa mga dahilan kaya marami akong kaaway dahil sikat ako sa escuelahan; dahil ang mga crush ng mga nang-aaway sa akin, madalas sa akin nagpapapansin at 'di sa kanila.

Hindi nga lang yata naniwala si Gino. Umigting ang magkabilang panga niya. Hala?

"Sinong magkakagusto sa spoiled brat na tulad mo?"

"Wag mo nang alamin.. kasi unang-una it's not going to be you," irap ko na naman.

Walang hiya ito pakialamanan ba love life ko? Humanda siya, pag naging kami ni Renzo, sa kaniya ko siya unang pakikilala!

Tumahimik si Gino. Tumitig ako sa mga mata niya. Panandalian, nakita ko ang pagkinang ng mga ito ngunit kaagad ring nawala.

"Wag mong babaguhin ugali mo para walang magkagusto sa'yo," sabi niya sa akin bago dumiretso sa kusina.

Hindi ko alam kung nagiging sarkastik ba siya o concern sa akin, ngunit dahil ayoko sa kaniya kaya mas pinili ko ang una. Muli, sumubsob ako sa unan at impit na tumili. Hindi na nga lang dahil kay Renzo kundi dahil na kay Gino.

I so hate him!

Ava and I went shopping in a nearby mall, late afternoon. Wala naman akong magawa sa bahay. Nabuburyo lang ako sa presensiya ng binatang kasama ko kaya napagdesisyunan kong ayain na lamang ang kaibigan na mamili.

Pumasok kami sa iba't ibang boutiques. Namili ng samu't sariling accessories at iba pang matitipuhan namin tulad ng mga sapatos, make-ups, at skincares na paniguradong itatambak lang din naman namin katagalan. Pagkatapos, pumunta naman kami sa isang foreign barbeque house para magpahinga at kumain na rin.

"Alam mo.. the way you kuwento gusto ko na tuloy makita 'yan si Gino," ani Ava nang maikuwento ko na naman sa kaniya ang walang hiyang iyon.

Napairap ako. "God, Ava. Wag na."

"Girl, ikaw ba naman kasi kuwento ka ng kuwento sa kaniya. There, nagiging interesado na tuloy ako."

"Nakakainis naman kasi talaga siya. Alam mo, pakiramdam ko nananadya siya sa pangisi-ngisi niya sa akin. Gusto niya akong inisin parati. Seryoso," sagot ko.

Tumawa naman ang bruha. "Guwapo siya, 'no?"

Nabilaukan ako sa ininom kong iced tea. "H-hindi, 'no!"

"Hm?" echos ni Ava.

"Ava," I called.

Well, in actual, he is. Gino is.. handsome but I definitely do not want others to know that. 

Sa dami ng lalaking nakilala ko, siya pa lang ang may mga matang napakatapang; sing-itim ng mga uling o ng malalim na gabi ang mga balintataw niya. Hm, lahat naman ng aspeto ni Gino matapang—iyong gupit na semi-kalbo, iyong itim na stud earring sa kanang tainga, iyang matikas na postura.

"Believe me, he's not pogi." tanggi ko uli bago kumuha ng pork belly upang i-ihaw.

I stared at the charcoal, making me remember again the color of his eyes. I can even imagine his eyes staring at me right now. Ganoon katapang. Hindi ko nga alam kung ba't ni minsan 'di ako pinapatulan ng binatang iyon sa mga pagtataray ko.

Siguro takot siya kay Papa?

I shrugged the thought. Hindi na umimik ang kaibigan ko ngunit tanaw ko ang makahulugang ngisi sa labi niya habang kumukuha rin ng karne sa lutuan. Oh, please.

"I just hate his presence so much that irritates me. Swear, Ava." sabi ko na lamang sa kaibigan.

Good thing she caught my intention that we should stop talking about Gino. "Wait, I remember. Malapit na ang birthday ni Renz. I saw you bought stuff kanina.. pero parang 'di ko nakita na may binila ka sa kaniya."

I stopped eating for a moment. Then, "I'm going to give him my Scrambler."

Bumalik ako sa pagkain ngunit naramdaman ko ang pananahimik ng kaibigan. Bumaling uli ako sa kaniya kaya nakita ko siyang nakatingin sa akin na parang nabingi sa sagot ko; nakatangá.

"What?"

"Girl, no way. Half a million ang presyo ng ireregalo mo!"

"So?"

"So? Gosh, Rhiannon. Gusto mong magalit si tito?"

"Hindi ko rin naman ginagamit," sagot ko.

Papa surprised me a Ducati Scrambler during my sixteenth birthday. I remember staring at his gift with a fake smile plastered on my lips. Hindi ako na-surprise na taliwas sa inaasahan niya. Wala naman kasi akong hilig sa mga ganiyang bagay. Hindi ko lang talaga siya matanggihan dahil galing mismo sa kaniya—at pumatak nga ng mahigit kalahating milyon ang motorsiklong iyon.

Hindi ko rin naman kasi alam sa tatay ko kung ba't bili siya ng bili ng mga ganiyan. Hindi ko naman magamit kaya nakatambay lang sa garahe namin. There's a reason why boys rhyme with toys. I'd rather choose expensive make-ups over that expensive vehicle.

"Please tell me you're joking lang. You're really getting him mad this time," panakot ni Ava.

I made up my mind, though. Too bad. I gave Ava a very bratty smile. "I don't care, Ava. Papa's already half-way there."

The sun was already setting after we decided to go home. I silently stared at the orange sky in the comfort of my seat. Hindi na sumabay sa akin si Ava dahil sinundo siya ng kuya niya. Pupunta yata sila sa hotel nila na taliwas sa daan ng village namin.

Siguro nga buo na ang desisyon ko tungkol sa ireregalo kay Renzo, pero 'di ko pa rin mabura sa isip ang sinabi ni Ava. Pag nalaman ni Papa ang plano ko, paniguradong magagalit siya. Sa huli, inilingan ko na lamang ang nasa isip.

I'm used to him being disappointed with me, being mad at me. So what?

Bumaling ako sa harapan nang makapasok kami sa village. Bumagsak ang kilay ko nang masilayan ang pamilyar na motorsiklo sa labas, sa tapat ng gate namin.

"Was that my bike?" tanong ko sa family driver.

"Ah, opo, ma'am."

"Ba't nasa labas?"

"Si Mayor po.. pinagamit po kay Sir Gino," sagot nito.

"What?"

"Lumibot po kasi sila kanina sa mansyon. Tapos nakita po iyan sa garahe niyo. Naku, mahilig rin pala sa motorsiklo iyang binatang iyan, gaya ni mayor. Napakagaling magmaniobra!"

Bumaling ako sa rearview mirror pero ni isang beses 'di dumaplis ang paningin niya sa akin. Hindi niya nakita kung gaano katalim ang titig ko sa banggit niya.

Bakit pinahiram ni Papa sa kaniya? Hindi ko naman pinayagan iyang binatang iyan!

Bumaba ako ng kotse bago pa man ito maipasok sa loob. Pagkatapak sa semento, siya namang eksaktong paglabas ni kalbo galing sa loob ng bahay namin. Wala na naman siyang saplot pang-itaas. Ngayon, imbis na jersey shorts, checkered boxers naman ang suot niya.

Bakit ba napakahilig maghubad ng lalaking ito?

"Sinong nagsabi sa'yong puwede mong gamitin iyan, huh?" bungad ko sa kaniya nang malapitan.

Maginoo was busy texting somebody with his cheap looking phone. Wala akong ideya kung sino ang ka-text niya ngunit nakangisi siya habang kausap ito. Hindi ko rin alam kung anong brand ang gamit niya. Basta, alam kong 'di mamahalin. Bumaling siya sa direksyon ko. Umusbong lalo ang ngisi ng damuho.

"Magandang gabi," bati niya—peke gaya ng pagbati ko sa kaniya noong unang beses kaming mag-almusal.

Sumilab na naman ang inis sa kaibuturan ng damdamin ko. I was right. Nananadya ang buwisit na itong inisin ako!

"Wag mo kong iniikot, kalbo. Sino nagsabi sa'yong puwede mong gamitin 'yan?"

"Si manong. Bakit may problema ka, ha?"

Oh, that mouth of his. "Puwede ba? Hindi nga manong ang itatawag mo sa tatay ko. At oo, may problema.. ikaw. Wala kang permiso sa akin!"

"Ba't pag nagpaalam ba ako sa'yo papayagan mo ko?"

"Hindi, siempre. Gágo ka ba?" mura ko nang 'di ko na talaga mapigilan ang pagkamuhi sa kaniya.

He doesn't seem to mind me badmouthing him. Sa halip, humalakhak siya. Gino's laugh was deep and captivating that it bothered me. Tumawa siya ng ilang segundo bago maisipang huminto. The ghost of his laugh remained on his lips.

Lumapit siya sa motorsiklo. Sumunod ang paningin ko. Nang makaupo, ibinalik niya uli ang tingin sa akin.

"Naks, ibang klase rin 'yang bibig mo, ha? Wala sa itsura mong marunong kang magmura," sabi niya;

"Gusto mo ayusin natin 'yan?"

Natigilan ako. Hindi ako makasagot sa kaniya na nakatitig lang sa akin ang dalawang itim na mga mata. Nakahalukipkip, nakaabang sa aking sasabihin.

Hindi ko maintindihan pero tumibok ng mabilis ang puso ko sa narinig. Hindi ko matanto kung natatakot ako, kung nababahala, o iba na 'di ko lang maintindihan.

Was that a threat? Why is his tone so playful, so different from imposing danger? Was.. it? 

I shooked my head vigorously. Gosh, Rhiannon.

"Lumayas ka nga sa h-harapan ko!" sabi ko.

Lumayas ka nga sa pamamahay namin talaga ang dapat kong sasabihin pero ganoon na ang una kong naibigkas. Hindi pa rin kasi kumakalma ang puso ko. Bakit ba kasi ako nababahala? Ugh!

"Masusunod, prinsesa."

I frowned.

Tumuon na siya sa inuupuang behikulo, sa behikulo na niregalo sa akin ni Papa, sa behikulo na balak kong iregalo sa aking magiging nobyo. Umayos siya ng upo. Bumaling naman siya sa akin nang tumunog ang makina ng motorsiklo.

Bumagay sa kaniya ang itim na motorsiklo. Napasimangot ako sa nasaksihan. Gino looked like a rebellious teenage boy on that big bike. Hindi rin nagsisinungaling ang driver namin kanina nang magkuwento siya. Marunong nga ang damuho.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa tatay mo na sinungitan mo ako. Mamaya magtampo ka na naman pag sinermonan ka," inis niya bago paharurutin ang sinasakyang motor sa kalsada.

"Mahuli ka sana ng pulis!" tili ko at umasang maririnig niya kahit alam kong malayo na siya.

Pumasok ako sa loob na nakasimangot, nagdadabog, nakakuyom ang dalawang kamao. Napakayabang niya! Bakit parang utang na loob ko pang 'di niya ako isusumbong kay Papa?

Siguro nga tama si Gino. Ibang klase nga ang bibig ko. Nang oras ng hapunan, naisip ko ito nang hindi pa rin siya bumabalik para saluhan kami ni Papa. Hanggang sa tumawag ang istasyon ng kalapit na presinto, ipinapaalam sa amin ang isang balita ukol sa ampon ng tatay ko.

Nahuli nila si Gino.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 316 5
SCARLET ELISSE X HUGO ALEXANDRE II WARNING: THIS IS A TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY. MINORS AND HOMOPHOBICS ARE NOT ADVISED TO READ THIS STORY. RE...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
3.7K 182 55
Meet Axl Givonecharee, a son of a well-known billionaire. Some says he's torturing himself. Some says he's killing himself. Some says it's better to...