Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Om...

Por PsychopathxXx

2.3M 71.2K 32.7K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... Más

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Dull Rainbow
2. Second Time Around
4. Sugar Daddy
5. Allergic Reaction
6. What Happens in the Island...
7. . .Stays in the Island
8. Island's Secret
9. First Date
10. Naked Truths
11. H-ha?
12. Yours, Always
13. Perfect Two
14. Nice One...
15. Superman's Weakness
16. Disastrous Meeting
17. Innocent Seductress
18. Mask of Deception
19. Love is a Sacrifice
20. Letter of Truth
21. The Dose Makes the Poison
22. Departure
23. Knight in Dashing Suit
24. Wedding Invitation
25. An Alpha's Repercussion
26. After the Rain
27. Que Sera, Sera
28. Change of Heart
29. Good Things Come to those Who Wait
30. His Ultimate Downfall
Epilogue: Forever and Always
SPECIAL CHAPTER

3. Sly Price

64.1K 2.6K 1.8K
Por PsychopathxXx

CHAPTER THREE

My stomach made a gurgling sound for the fifth time. Evident na iyong gutom ko ng ilang oras. Hindi pa ako kumakain ng breakfast simula kanina sa pagmamadali kong makarating ng pier. Ni hindi ako nakabili ng kahit anong snacks. No food, nothing.

I just pouted. Wala naman akong ibang magawa kung hindi tiisin ang gutom. Ito yata ang ikamamatay ko. Ang baby monsters ko sa tiyan, gutom na rin. Huminga ako nang malalim.

If there is going to be the most malas in the Guinness world records, siguro ako iyong top one. Tama nga siguro si Reign. Maybe, not. Baka kasali lang sa top ten or top one-hundred.

Ako iyong may kasalanan. Ako rin ang nagdala sa sarili ko sa kapahamakan. Kung tao ang kapahamakan, hindi naman niya ako pinilit, kusa pa nga akong sumama sa kanya.

Mas lalong tumulis ang nguso ko. Every random and nonsense things come in my mind. Ganoon yata kapag gutom at nag-iisa. I secluded myself from the rest of them --- ng mga hindi ko kilalang tao.

All I could remember vividly is that green intimidating orbs. I wonder, why do we have to meet in extraordinary and shameful ways? Lagi kong napapahiya ang sarili ko kapag kaharap siya.

Hindi ko kilala iyong mayroong berdeng mga mata. Hindi ko kilala ang mga tao sa yate o kung ilan silang kasama ko. They were basically strangers to me.

Hindi naman ako natatakot sa kanila, I taught myself not to judge anyone especially someone or people I didn't know the depth, even people I knew, ayoko lang magpakalat - kalat sa yate kaya kinuha ko na ang oportunidad nang mabuksan ko ang kwartong mukhang storage room. Para akong nasa room ni Harry Potter.

It wasn't big. But it was enough to accommodate me. Kasama ang mga gamit ko at isang uncomfortable couch na mukhang hindi pa nagagamit. Wala akong ideya kung anong silbi ng kwarto. It was just dusty all over the place.

Almost immediately, I heard a knock on the door. Once. When I had not move, I heard a knock again. It was somewhat impatient. Ramdam ko kahit hindi ko iyon nakikita sa barrier na pinto.

Binuksan ko ang door. Bumungad sa akin ang matangkad na bultong mayroong hawak na tray ng pagkain. Kilala ko ang kabuuan ng binata.

Sinadya kong hindi tumingin sa mga mata niya. May kung anong spell iyong taglay, baka mahulog ako sa patibong.

The green-eyed man was wearing a presko sando ang board shorts. Pinamulahan ako ng mukha nang maaninag ko ang muscles niya. Hindi naman iyon kagaya noong iba na halos pumutok na. Sakto lang. Yet was hard and sturdy. Well, it made him look so manly.

I bit my lip. I diverted my gaze on the food, instead of eyeing him thoroughly. It does not do me any good. Natakam ako sa pagkain kasabay ng pagkulo ng aking tiyan kahit hindi naman pamilyar ng mga pagkaing nakalatag sa tray. I wanted to ask him about the food.

"A-a-are... a-are these food m-mine?"

Nagyuko ako ng ulo. Gusto kong kagatin ang baluktot kong dila. Walang improvement ang pagsasalita ko. Andoon pa rin pautal - utal na bigkas ng salita. Mas lalo yatang lumalala kapag kaharap siya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Sa halip, may kalakasan niyang itinulak sa akin ang tray. Muntik na akong ma-out of balance sa may kalakasang impact. Hindi magkanda-ugaga ang kamay ko para saluhin ang tray. Wala man lang softness.

"Ang m-mean mo naman." bulong ko. "N-nagtatanong lang naman a-ako."

My head was still bowed to the ground. Alam kong narinig niya iyon. I could tell his intense stare, hindi man ako nakatingin sa kanya. Nase-sense ko iyon.

Ang buong akala ko, aalis na siya sa harapan ko matapos ang ilang sandaling wala akong narinig mula sa kanya. But his icy tone caught me off guard.

"How do you want me to treat you? Treat you like a princess?" Hindi ko alam kung sarkastiko ang pagkakasabi niya, it certainly appeared like that. Aloof and cold and sarcastic. Bedroom voice pa siya.

I shook my head and avoided my eye contact with him. Sa colorful soup ako tumingin na nasa tray.

"N-no." I said not firmly enough. Muli akong napailing. "You don't have to treat me like a p-princess. I am no p-princess, but at least, some decency. T-treat me like how a h-human should be treated. H-hindi ko naman i-ikaw inaano."

Nanginginig na ang buong kalamnan ko. Tunaw na rin iyong ice cream na dessert. I just want to devour them all. Mukhang masarap kasi ang mga pagkain kahit hindi ako pamilyar sa marami. It wasn't like Manang's recipe. Hindi adobo, or normal na Filipino food.

My mouth formed an o-shape when he lifted my chin up. Parang lalagnatin ako sa mainit niyang palad. I don't even know why it felt hot. kasabay noon ang pamumula ng pisngi ko. Alam kong visible iyon sa kanya, bahagyang sensitibo ang aking balat.

Kahit gusto kong iwasan ang paninitig niya, my eyes were glued on his. Kaharap ko na ang lalaking may berdeng mata. His dominating green eyes were penetrating me deeper, but I can't even see his surface.

Ang rough niyang tingnan. Perfect ang features niya. Para siyang rogue na anghel na bumaba mula sa langit. But that could not be my description, hindi naman siya si Lucifer. Then, my mouth formed an o-shaped again. He can't be Lucifer, right?

Well, no.

"It's two-way. If you want to be treated how you want to be treated, learn the basics first, make a proper eye contact." It was authoritative and I pouted.

How can be his voice cold but hot at the same time? Posible ba ang ganoon? Hindi ko siya magawang tingnan nang matagal. It wasn't a flame, but I get burned with it. Nagha-hyperventilate ang buong pakiramdam ko. Maibabagsak ko ang hawak kong tray.

"H-ha?" That was all I could say. My stupid mind was not functioning right when he was around.

Alam ko naman iyon, pero masyadong naiilang ang pagkatao ko sa kanya. Maybe, because he has green eyes and they are so beautiful. Or the fact that he is downright handsome and attractive? Naa-attract ako.

"Halik," he answered icily. Hindi pa rin niya binibitiwan ang chin ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Nanuyo rin ang lalamunan ko. H-ha? Halik? Kiss? Even my lips parted a bit. I looked comical. Mas lalo yata akong aatakehin sa puso. His lips twitched suddenly.

"Ha?"

"It means stupid in my language."

Literal na nalaglag ang panga ko. Akala ko... why would I even think of that? Wala pa naman akong first kiss. Nakakahiya. To even think of that was embarrassing. Mayroon pa lang language barrier sa pagitan naming dalawa. Iniisip ko kung anong nationality niya. Well, with his green eyes, he's certainly foreign.

Kagaya nang nakagawian niya, iniwan niya ako roon nang nakatanga. Ni hindi ko narinig ang footsteps niya papalayo. I just blinked. At least, he gave me food. Hindi ako mamatay sa gutom.

"T-thank you," I murmured, not sure, if he hears me.

Thankful talaga ako kahit medyo mean siya, masungit at nagha-hyperventilate ang katawan ko kapag nasa paligid siya. Ngayon lang tuluyang pumasok sa utak ko ang sinabi ng lalaki kanina. He called me stupid in his language. Hindi naman ako halik.

Muli akong bumalik sa kinatatayuan ko kanina. I closed the door with my foot. Ginamit ko ang flat surface ng de-gulong kong bag para doon ilagay ang tray ng pagkain.

The food looked foreign to me. Shems, nalimutan kong itanong sa lalaki kung mayroong seafoods na lahok ang pagkain. I can't eat them if they have. Allergic ako sa pagkaing dagat. And they were so severe, I might die. Hinimay ko ang pagkain, inamoy ko rin ito bago isubo. I haven't tasted these flavors. Hindi iyon pamilyar sa dila ko.

When my allergy didn't show any sign, nagpatuloy ako sa pagkain. Ang dami. Parang inmate akong nasa death row at ito na ang magiging last meal ko. I can't stop myself from consuming all the food. Hindi pa ako nangangalahati ng muli akong nakarinig nang pagkatok sa pinto.

Hinipid ko ang mahaba kong palda bago ako tumayo para pagbuksan ang salarin sa pagkatok. The same man was standing tall and proud, napaka-lean niyang tingnan. This time, mayroon siyang hawak na iba't ibang beverages. May iba't ibang flavor ng juices doon. But there's no water and milk!

Napakamot ako sa ulo. Maamo ko siyang tiningnan. I wanted to look away, but he locked his gaze with mine. "M-may I have w-water and m-milk? S-sorry..."

I saw his brow arched. Pinag-aaralan niya ako gamit ang kanyang berdeng mga mata.

Wala siyang binitiwang salita, basta siyang umalis sa harapan ko. Napanguso ako. Am I too demanding? Pero gusto ko lang ng tubig at gatas.

Nang makalayo siya ng ilang hakbang, lumingn siya sa gawi ko. "What are you staring at? Come with me, I'm not your maid."

"Should I b-bring my food? O-oh, okay..." I bit my lip, muli akong pumasok sa maliit na kwarto para kuhanin ang tray na ibinigay niya sa akin kanina. Mukhang naiinis na siya sa akin, kaya tumigil na ako sa pagsasalita. I almost stumbled walking towards him. I saw him shook his head, not just once.

Naglagay ako ng distansya sa pagitan naming dalawa. Kung papalarin, baka makita ko ang kabuuan ng yate. My eyes were looking everywhere. Things and furniture were expensive. Naalala ko ang kapatid ko sa mga mamahaling gamit na nakikita sa kabuuan ng yate. Kung ako, allergic sa seafoods, Reign is allergic to cheap things and cheap people.

I almost bumped into him when he stopped walking. Hawak ko pa naman iyong tray na may lamang pagkain. "S-sorry..."

Wala akong narinig na sagot. Mukhang bibingo na talaga ako sa kanya isang pagkakamali ko pa. We went to the pantry area. Napakalawak noon. I was in awe. Well, Papa has a huge pantry and kitchen. Para na naman akong batang namamangha.

Naupo ako sa isang stool.

He got something on the fridge. His back was on me, nagfe-flex tuloy iyong muscles niya. Ano ba itong iniisip ko? Inilapag niya sa counter ang fridge at milk. "T-thank you." sinsero kong sabi. Muli siyang bumalik sa fridge.

I cleared my throat. "I am R-rainbow, by the way. And, um, I am supposed to be in an i-indie show but I happened to board in the wrong y-yacht. S-sorry, I knew it sounded s-stupid. K-kailan kayo babalik sa city?"

Para akong nakikipag-usap sa hangin. Ganoon ba kahirap sumagot? Sabagay, iyon din naman ang nararamdaman ko madalas kapag kinakausap ako ng tao. I pouted. "Do you s-speak Tagalog? P-pwede ko bang malaman ang p-pangalan mo?" pahina nang pahina ang boses ko.

Humarap ito sa akin. His face was passive. Wala akong maaninag na emosyon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot, but every time, I look in his eyes, it was calming a part of me.

"Every question has a price." Malamig nitong tugon.

"Ha? What p-price?" I scratched my forehead. "Hindi ako m-mayaman. At kung hindi ako pwede rito, baka pwede niyo akong ibaba kung saan pwede. Hindi ko naman s-sinasadya. Promise!" I swore on my left hand.

Nagtwitch na naman ang labi niya, tapos kinagat niya ang kanyang lower lip. Right at the moment, I knew what the word sexy meant. Pinaypayan ko ang sarili ko, I could feel my blood going up to my face.

"I'll have to ask for another method of payment, then,"

Namilog ang mga mata ko. A realization hit me. Alam ko ang tinutukoy niya.

"Oh, do you w-want me to p-paint you for f-free?" tanong ko. My eyes were twinkling as I asked him.

Then, I remember my painting of him. Mas lalong nag-init ang pisngi ko. He became my subject without him knowing. Sa akin lang naman iyon, hindi niya iyon malalaman kahit kailan.

Tumaas ang kanyang perpektong kilay. Ang kapal noon. "You paint?"

I nodded, almost aggressive. "I d-do!"

He eyed me from head to toe. For the first time, I saw him smirk. "Then, you're a bore. I'm not interested."

May ibinagsak siyang kumakalansing na bagay sa harapan ko. Wala roon ang atensiyon ko. Hindi naman niya ako sinampal pero nasaktan ako sa kanyang sinabi. The words hurt, too. Sometimes, they cut deep.

Nagyuko ako nang paningin. I love to paint, and him saying it was boring pained me. Parang niyurakan niya ang pagkatao ko.

"That's the keycard to your room." He was back being icy cold again.

Umalis siya sa harapan ko ng walang ibang sinabi. My tears just fell. Sobrang babaw ng luha ko. I was too enthusiastic about telling him I paint. And I got that as his feedback. Ang rude at mean niya para sabihing isang malaking bore iyon. Hmp! Insensitive.

Hmp talaga!

"Do not ever cry in front of me."

"I am not even c-crying. You're just mean!" Pinahid ko ang luha ko ng gamit ang aking palad. Tahimik akong umiyak. I'm easily targeted and preyed, I am so weak just like Reign claimed to be. Madalas akong umiyak na parang isang bata. Ni hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.

He's probably gone. Wala akong narinig na anumang pagkilos.

Pinaglaruan ko ang keycard na ibinigay ng lalaking mean na may berdeng mga mata. "I'd rather be panget my whole life than be pogi o maganda na masama ang ugali, at least, hindi ako nanakit ng feelings ng iba." I murmured to myself. Nawalan akong ganang kumain.

I snatched the keycard and stood. Babalikan ko pa iyong mga gamit ko sa maliit na storage room. Nang gumawi ako sa pinto, laking gulat ko nang makita siyang nakasandal doon.

Does that mean, hindi talaga siya umalis? Nag-eavesdropping ba siya sa monologue ko?

My face reddened with embarrassment.

"D-did you..." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang gusto kong itanong. "N-nevermind. I am not gonna t-talk to you." I declared.

Nilampasan ko siya. Dumiretso ako sa maliit na kwarto kung saan ako nanatili kanina. Wala na roon ang gamit ko. As in, lahat. Kilala ko iyong salarin. I looked at my keycard. And I haven't asked where the room was located. Napa-face palm ako. Stupid, Rainbow!

It means, I have to talk to him. Kasasabi ko lang na hindi ko siya kakausapin, ang bilis ko namang bawiin iyon. Napailing ako nang matagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad pabalik sa kanya.

"H-hi, um, a-ano... the r-room, I don't know how to f-find it." Sigurado akong mukhang kamatis na naman ang kabuuan ng aking mukha. Nakakapaso pa ang kanyang mga tingin. I have to look away.

He didn't speak. Hinigit niya ang braso ko, naglakad siya sa isang direksyon habang hinihila ako. Halos matapilok ako sa bilis niyang maglakad. Ang daming rooms naming nadaanan, tumigil kami sa pinakadulo.

I looked at him asking permission to swipe the keycard. Hindi na naman siya umimik. Napanguso ako. Ni-swipe ko na lang iyong keycard. The door unlocked. Unti - unti ko iyong tinulak.

Nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin. The room was enormous and luxurious. Everything was fancy. Lalo na iyong glass walls with white curtains. Ang ganda ng view ng dagat. Mayroon din itong glass sliding doors and terrace-like space. Wow!

"I-is this... ang g-ganda!" I ran towards the bed and made a small jump. I landed in the soft mattress. This was too good. Bumaling ako sa kanya na nakasunod ang tingin sa akin. "T-thank you!"

Then, I went to the glass walls. The waves were alluring and the blue shade of the sky reflecting on the sea was perfect. It was a treat to my eyes. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Gaganahan akong magpaint sa ganitong klase ng lugar. Satisfying ang view kahit saan ako tumingin.

Lumingon ako sa rouge na anghel na bumaba mula sa langit. Medyo mean siya, pero hindi naman siya bad. I walked towards him, smiling. "T-thank you. I never had a r-room like this in my life. Ang g-ganda! I... um, mai-inspire akong mag-p-paint dito..." I bit my lip. Inilahad ko ang kamay ko. "We met in the w-wrong way and um, m-my name is R-rainbow. What's y-yours?"

Hindi niya shi-nake ang hand ko. He just looked at my hand as if it was dirty. "Knowing my name has a price,"

Kumunot ang noo ko. "Bakit iyong name ko nalaman mo naman ng walang bayad?"

Pinasadahan niya ako ng tingin bago siya umiling. Humalukipkip siya sa harapan ko. Defined na defined tuloy iyong rough features niya pero clean. Fixated na naman ako sa mga mata niya. "N-name lang naman ang hinihingi ko. I will not s-stalk you on your social media a-accounts. Promise! W-wala naman akong facebook or instagram!" I even raised my hand to swear. With this guy, I am being so talkative. Hindi kasi siya madalas sumagot, kailangan laging mayroong back up question.

Inilang hakbang niya ang pagitan namin. Tumama pa ang kanyang muscled stomach sa kamay kong nakalahad. Agad kong binawi ang kamay ko.

"It's not expensive."

He leaned on closer to me. Gusto ko sanang umatras pero hindi ko magawa. Naka-fix na iyong mga mata ko sa kanya.

"W-why are y-you so c-close... I can s-smell your b-breath. P-parang minty s-strawberry, masarap ba iyong..." Napakamot ako sa ulo. I felt like being hypnotized by his stare. Kung ano - anong sinasabi ko.

I tried to move away, but it was too late. Naramdaman ko na lang ang pagdampi nang malambot na bagay sa labi ko. It was too soft, parang gusto kong kagatin. I did. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung ano iyon. The soft thing was his lips! And his lips was on mine.

For a soft kiss. For my first kiss...

Umayos siya ng tayo. Tinakpan ko ang labi ko. First kiss ko iyon! Masyadong naghaharumentado ang puso ko sa nanagyari. Parang lalabas iyon sa cage. How can I be so oblivious? Paanong ninakawan niya ako ng halik? He did not just call me stupid earlier, hinalikan niya rin ako sa labi. That's two halik.

My eyes landed on his lips. May dugo ang labi niya, sigurado akong sa kagagawan ko iyon. Nakagat ko kasi malambot.

Nakita ko ang pagngisi niya. He has that boyish bad boy charm and rouge appeal. "You taste like sweet mint. Intoxicating."

"Um, y-you taste not so b-bad." I wasn't sure what to say.

Umiling siya habang nakakagat sa labi, his lips twitched in more likely smirking way. Muli niya akong iniwan sa kinatatayuan ko. He walked away just like that. He walked away after getting my first kiss! Hmp!

Sinundan ko lang ang matipunong bulto ng tingin. My fingers were still on my lips. Dinadama ko pa rin iyong ginawa niyang pagdampi ng labi. I know, I should be freaking out because he stole my first kiss. But I don't know!

Bukod sa naghuhuramentado kong puso, wala akong ibang makapang emosyon. It was probably not sinking in yet. One thing, I just knew, hindi na virgin ang lips ko. That's yikes! Ang lambot ng labi niya.

I still have this animated look on my face when he suddenly turned around to see me again. May nakapaskil siyang ngisi. It was matching his green eyes. How can be a human be this handsome?

"It's Khromov Zakhar Petrovich, slow-poke."

Nag-loading na naman ang utak ko ng ilang segundo. "Oh!" My eyes widened. Is that his name? It's too long to memorize. Ang hirap pang banggitin ng pangalan. Pwede namang Juan, Jose, Pablo. Mukhang nahawa ako kay Manang.

He shook his head one more time and left me in the room alone. Ilang minuto akong nakatayo lang sa kwarto habang nakahawak sa mga labi ko. Matapos ang minutong pagkakatulala, hinanap ko ang mga gamit ko. Kompleto ang nadala nila sa room.

Ang daming nangyari ngayong araw. Mula sa pagkakaligaw ko, hanggang mapadpad ako ng maling yacht. I got so tired with the sequence of events. I decided to take a short nap. The bed was inviting with its softness. Inilabas ko ang stuffed toy na monkey, it was my favorite stuffed animal. I named it Momo. Simula bata ako, iyon na talaga ang lagi kong katabi sa pagtulog.

The supposedly short nap I took became long enough to wake up in the morning with sun penetrating my skin. I was almost choking in my sleep. Mayroong bagay na parang nakadagan sa paghinga ko.

When I opened my eyes, an innocent, mischievous eyes were staring back at me. He has that naughty smile plastered on his face.

I remember him! Siya iyong batang tumulak sa akin noon. Namula na naman ang mukha ko nang maalala ang nangyaring iyon. Nakaupo siya sa may leeg ko. Tapos may hawak siyang color pencils.

"G-good morning." bati ko sa malikot na bata. I wonder, what hes doing in my occupied room. May hawak pa siyang pencils at colorful pens.

Umalis siya sa pagkakaupo sa may parteng leeg ko. The little boy started writing on the sheets. Nang muli akong tumingin, doon ko lang napansin na halos ang kabuuan ng sheet ay mayroong drawing o kung ano pa mang vandal. Pati si Momo, ang stuffed toy kong monkey, may kung anu - anong kolorete rin sa mukha!

"Hala! Anong g-ginawa mo? B-bad 'yan! Kawawa naman iyong maglalaba! Puting - puti kinulayan mo. P-please, s-spare my Momo!" Inagaw ko sa kanya si Momo. Kawawa naman ang baby ko.

"Okay. I have a surprise for you!" He giggled.

"Ha? Anong surprise?"

Inirapan niya ako. "That's why it is called surprise. Find it yourself!"

I pouted. "Don't be m-mean. Mag-aayos lang ako ng s-sarili ko. Stop writing on the covers, okay? 'W-wag rin si Momo! L-lagot ka sa akin!"

Ngumisi siya. "I'm scared."

Napailing at tumakbo papunta sa banyo. Mas malawak pa yata ang banyo sa kabuuan ng apartment ko. I spotted a jacuzzi. And wow, the view is the blue sea. Napakaganda ng dagat pati ng alon. There is something mysterious in the sea that's drawing me to it. Sobrang swerte na yata sa oagpapala sa mga mata ko.

Nagtungo ako sa sink para maghilamos at mag-toothbrush. My stomach is making its gutom sound again. Hindi nga pala ako kumain ng dinner. Nang tumapat ako sa vanity mirror ng sink, ganoon na lang ang naging pagsigaw ko.

My face was covered with different shapes and colors. Mostly black, lalo na ang parteng mata ko. Sa sobrang itim, mukha akong mayroong black eye. I gasped loudly. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtawa sa labas ng banyo. Iyong pilyong bata na naman ang salarin.

Binuksan ko ang running water, kinuha ko rin ang facial wash sa side. I started removing those drawings on my face. Ilang ulit. Ilang ulit pa. Nothing really worked. Hindi ko iyon magawang tanggalin. Magiging permanente na yata iyon sa aking mukha.

Unti - unting namuo ang luha sa mata ko. I can't erase those funny shapes. Sobra akong frustrated. Ramdam ko na ang hapdi sa mukha sa patuloy kong pagtanggal ng marks sa mukha ko. Swollen na ang buong mukha ko pero wala pa ring pagbabago, malinaw pa rin ang mga guhit sa mukha.

Pumatak na naman ang luha ko. They are furiously falling. Kahit paulit - ulit kong pahirin, hindi nauubos. Patuloy ang pagpatak. I went to the dry jacuzzi. Doon ako umiyak. Yakap ko ang aking dalawang tuhod.

Hindi ko pwedeng patuloy na alisin ang marka at guhit sa mukha ko, baka naman masugat. Mahapdi na. My skin was sensitive. Napaka-iyakin mo, Rainbow!

"What happened?" the voice boomed like a thunder inside the banyo.

Nakayuko pa rin ako habang yakap ang aking tuhod. I don't want to look at him. Pati ang mga mata ko, hindi pa rin matigil sa pagluha. I was a mess, ayokong makita niya ako sa ganoong kondisyon.

"Tell me what happened," maawtoridad at mapaghanap ng kasagutan ang tinig niya. I can't even bear to look at him. Umiling ako.

"Garrison Voight, come here, young man."

"Yes, uncle Lion?" a little voice asked.

"What did you do to the lady? Why were you in her room?"

Kung ako iyong batang kausap ni Mr. Petrovich, I would probably cry and hide. Pakiramdam ko papaluin niya ako anumang oras.

The boy laughed. "Oh, I was just welcoming the lady. And I thought, she n-needed make up to look more b-beautiful. I draw like this, circle, circle. Double, double. Airplane woosh, cars, panget faces and l-lines!"

Silence. I haven't heard a thing. Baka pinalo niya iyong bata, kawawa naman.

Nabigla ako nang maramdaman ko ang pag-angat ng aking mukha mula sa pagkakayuko.

"Phew! She looks like a beast and you are the beauty, Uncle Lion." Humagikhik pa ito.

Hindi ko magawang tingnan sa mata ang gwapong lalaking nasa harapan ko. A fingertip wiped my flowing tears. "S-sorry... I got frustrated. I can't take it off from my f-face..." My tears can't stop. It won't just stop.

"How does she look?" the cute little guy asked again. I know I look like an indescribable mess or maybe worse. "You know, I heard my Daddy said, when a girl is c-crying, she needs sex. I don't even know sex means. S-s-so, should I tell Daddy to sex her or are you gonna sex her, Uncle?"

"Voight, I am warning you," He was firm.

"W-what? I am just asking. Besides, I am your f-favorite. People are so b-boring. I'm out." Garrison Voight stormed out of the room like already grown up. Naiwan kaming dalawa sa banyo. Hawak pa rin niya ang chin ko. Pinagmamasdan ko lang siya.

"Stop crying." pag-uutos nitong para bang madaling gawin.

"I c-can't,"

"Why the fuck not?" may halong iritasyon ito.

Mas lalong lumuha ang mata ko. "B-bakit mo ako m-minumura?"

His lips thinned, but he did not answer. He grabbed clean wipes on the side. Dahan - dahan niyang ipinunas sa mukha ko. It was soft and tender.

He looked focused on what he was doing. Kahit yata daanin ng kahit anong sakuna, hindi mababali ang pokus niya.

"An art,"

"H-ha?"

Tumigil siya sa kanyang ginagawa at pinakatitigan akong mabuti. Naiilang ako sa hagod ng tingin niya. Masyado kaming malapit sa isa't isa. Sa pag-aakalang hahalikan niya uli ako, tinakpan ko ng bahagya ang labi ko.

For that matter, Khromov Zakhar Petovich rolled his eyes at me. Hmp, ang pogi niya! Nakakainis!

Seguir leyendo

También te gustarán

2K 378 47
《Roméo Seven Series #4》 If I was asked who I will choose between the female characters here in Roméo Seven to befriend with, it would be Sabrina Delg...
456K 6.4K 37
"They say I am a martyr for always accepting the apologies from the people who have hurt me. I believe this isn't martyrdom. This is love." -Ashley
1.1M 32.4K 40
WARING MATURED CONTENT (AVAILABLE ON SHOPEE AND ANY NATIONAL BOOK STORE)
1.9M 61K 36
Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other...