REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 1

5.5K 182 27
By spirit_blossom

Nakahalukipkip kong pinagmasdan ang pagpasok nina Papa at ng kasama niyang binata. Nakatayo ako sa pinakaitaas na baitang ng hagdan at tanaw ko kung paano sila salubungin ng mga katulong namin para kunin ang mga bagahe nilang dala.

Bumaling ang mga mata ko sa estranghero. Napabagsak ang noo ko. Bakit naman ganitong klase ng tao ang dinala ni Papa?

Mayabang ang tindig na parang laging makikipag-away; semi-kalbo ang buhok; seryoso ang mukha. Sa unang tingin, naalala ko agad sa binata ang mga presong binibisita naming mag-ama. Maluwag ang suot niyang t-shirt, at maski malinis mang tingnan, mukha pa ring pangit dahil sa kalumaan.

I knew I've been a rebel in his eyes. Sa mga nakalipas na taon at hanggang ngayon, wala akong ginawa kundi pasakitin ang ulo ni Papa. Ditching classes and picking fights with my classmates are one of my many special talents. Noong nakaraang araw, may sinabunutan akong kaklase dahil sinabihan niya akong maarte, kaya napatawag na naman siya sa opisina. It's not like I am proud of myself being a brat, but it's the only way I know to gain his attention. Pumangit man ang paningin niya, napapansin niya naman ako.

But this, I mean, just look at that boy. Bulag na lang ang magsasabing 'di siya rebelde!

Humalukipkip ako lalo. Dumapo ang paningin ng morenong binata sa akin. Nahuli ko ang pananalim ng titig niya nang magkasalubungan kami ng tingin. What is he glaring at, huh? Why this jérk –

"Rhiannon," tawag sa akin ng nakatingalang si Papa.

Parati, pag tinawag ako ni Papa kasunod noon ang panenermon, o paninimangot dahil sa mga ginawa kong kalokohan. Wala alinman ang mga iyon ngayon nang tawagin niya ako. Bagkus, nakangiti pa si Papa.

"You're late, Papa. Gabi na," sabi ko.

"Pasensiya na, anak. Marami kasi akong inasikasong papeles. Matrabaho pala itong adoption," aniya.

Matrabaho pala pero ba't niya pa rin itinulak? Mabuti na lang nasa kalayuan ako kundi mahuhuli niya ang pag-irap ko. Ugh!

"Hali ka, Rhiannon; may ipakikilala ako sa'yo."

Sa kung paano magsalita si Papa, para bang ngayon lang sumulpot sa gilid niya ang binata, na hindi ko ito pansing nakatayo sa tabi niya. Hindi niya lang alam na hindi pa man tumatapak ang maduming sapatos ng lalaking iyan sa pamamahay namin, siya na talaga ang pinagbubuhusan ko ng inis at atensyon!

Labag man, bumaba pa rin ako ng grand staircase. Nakamasid sina Papa at ang binata sa aking pagpanaog na para bang debutante ako sa isang birthday party.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. In fairness, matangkad siya. Napagtanto ko ito dahil halos magkapantay na sila ni Papa. And speaking of my father, he was still smiling ear to ear, oppositely to what this stranger is giving me. Wow, huh? Siya pa ang nakasimangot! 

"Rhiannon," tawag uli ni Papa.

Bumaling naman ako.

"Gusto kong ipakilala sa'yo si Gino, anak. Siya ang batang napili ko para sa aking proyekto bilang alkalde na matagal ko nang balak simulan," aniya.

Oh, that dámned project again, I see. San Bartolome was governed by our family for decades and my father was the current elected ruler. Marami na siyang naisatupad na mga proyekto kahit pangalawang termino niya pa lamang. Scholarships, Tourism projects, Facilities that catered aged citizens and foster kids.

Wala akong hilig sa public service, pero sa dami ng proyekto niya, ito ang pinakaayoko. He's going to adopt someone less fortunate, someone from the slums!

I've been telling him for weeks it's not a good idea. Sino ba namang nasa katinuan ang magpapatuloy ng isang estranghero sa pamamahay nila? Paano kung sunugin niya ang bahay namin? Paano kung nakawan niya kami? Paano.. paano kung patayin niya kami? Siguro nga masama ang manghusga ng kapwa pero wala akong pakialam. We don't even know him! 

Hindi ko alam ba't hindi iyon maintindihan ni Papa. Ugh!

"Shake hands with him, anak. Welcome him to our home," ani Papa.

Tumirik ang kilay ko. "Huh? No way!"

"Rhiannon," pag-iba kaunti ng tono ni Papa na para bang anumang oras makikita ko na naman siyang sumimangot.

Bumuga na lamang ako ng hangin nang makita ko sa mga mata niya ang pamilyar na tingin—iyong 'di dapat ako gumawa ng mali sa harap ng ibang tao. Hindi maganda ang kasunod nu'n kung magpupumilit ako. Talunan, humarap ako sa binata at nilahad ang sariling kamay.

"Hello, my name is Rhiannon. Welcome home," tila gusto kong masuka sa binanggit.

Bumaba ang mga mata niya sa nakaunat kong kamay. Pagkalipas ng ilang segundong paninitig sa akin, tsaka ko naramdaman ang paghawak niya sa aking palad.

"Maginoo."

Hindi ko maiwasang pagkumparahin ang mga kamay naming dalawa. Our complexes were noticeably different. Mala-kape sa kaniya, samantalang mala-gatas naman ang akin. Hindi lang din sa kulay kami nagkakaiba. Napakagaspang rin ng palad niya.

Walang pambili ng lotion?

Bumaling ako sa mga mata niya. Napukaw ko ang paniniklab ng mga iyon. Dumagundong ang dibdib ko. I'm a politician's child. I'm used being stared at by people wherever I go but not like this one this jérk is giving me. Never in my life have I seen a pair of eyes with such hate, with such fury for no reason at all.

Bakit ganito makatitig itong kalbong ito?

"Ouch!" umaray ako nang diinan niya ang hawak.

Tumawa siya ng mahina ngunit sapat na para marinig ko. Jérk. Binawi ko ang kamay at na-insulto.

"What's your problem, huh?"

"Rhiannon," suway na naman ni Papa.

Tinuro ko si kalbo. "Pa, he held me forcefully; masakit kaya!"

"Sinungaling." panananggi nito.

Bumaling akong kunot-noo sa direksyon niya. I looked at him from head to toe. "Huh, ako pa talaga ang sinungaling sa atin?"

Bumuntung-hininga si Papa. "Siguro mga antok na tayo. Lalo ka na, Rhiannon. Siguro antok ka na kakahintay sa amin kaya kung ano-ano na ang naiisip mo."

Hindi ako nag-iimbento! Hindi ako nagsisinungaling; talagang diniinan niya kanina! "Pa!"

"Gino, naiutos ko na pala sa mga katulong kanina na ihanda ang silid mo. Gagamitin mo na mula ngayon ang kuwartong kasunod ni Rhiannon," patuloy ni Papa na hindi man lang dininig ang tawag ko.

Pumintig ang dalawang tainga ko. "What?"

Bumaling naman sa akin si Papa.

"We have guestrooms! Ba't siya matutulog sa kuwartong kasunod ko? No!"

Umangat ang noo ni Papa. "Ba't siya sa guestroom, anak? Hindi naman bisita si Gino. Gaya ng sabi ko kanina, parte na siya ng pamilya natin at simula ngayon maninirahan na siya kasama natin."

The words sounded nightmares to my ears. Me, living together in one roof with this stranger, with this jérk, with this rebel. No~!

"Papa –"

"Rhiannon, please. No more complains, anak. The day had me exhausted. Gusto ko na talagang matulog at may pasok pa ako sa opisina bukas. We can resume our talk tomorrow. Sama-sama tayong mag-agahan. Good night, boys."

Bumuntot na lamang ang paningin ko sa direksyon ng grand staircase kung saan pumanhik si Papa. Hindi na muli ako tinapunan ng tingin. Ako, naiwang nakatanga at hindi makapaniwala.

Hindi ba ako nananaginip lang?

"Tabi nga," utos ng isang boses.

Natauhan ako. No, this is not a dream; this is a nightmare, instead. Napagtanto ko ito nang marinig ko na naman ang baritonong boses ng binatang iniwan sa akin ni Papa. Humarap ako sa kaniya tsaka matalim na tinitigan.

"Sino ka sa tingin mo, huh? Hindi ikaw ang may-ari ng bahay na ito," sita ko sa kaniya.

The jérk had the audacity to push me. "Wala akong pakialam."

Hindi ako makapaniwala. He pushed me! Hindi man ganoon kalakas ngunit ganoon pa rin. He pushed me!  

"Sa tingin mo ba welcome ka rito sa amin? In your face, ampon!" sigaw ko.

Huminto naman ito sa paglalakad. Humarap ito sa akin at bumungad ang matikas niyang dibdib. The arrogance in his eyes was still there, as well as the hate. I didn't care. Hindi siya ang amo sa pamamahay na ito; isa siyang ampon!

"Ampon!"

The intensity in his eyes doubled. Hindi talaga ako magdadalawang-isip na sumigaw ng tulong sa mga katulong namin kung sakaling sugurin man niya ako sa kinatatayuan ngayon. Ngunit hindi. He just stood there with his jaws clenched, much to my relief.

Sa huli, nagpakawala siya ng isang mapang-insultong ismid. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, bakla."

Natigilan ako. Anong tinawag niya sa akin? Tumalikod na uli siya upang tahakin ang grand staircase, ngunit bago niya ako tuluyang iwan nang makarinig ako ng mahinang banta. 

"Humanda ka."

I find myself staring at my cream-colored ceiling this morning. Hindi pa ako bumabangon at mas piniling humilata muna sa aking king-sized bed. I still cannot believe my father let an intruder in our house!

What's more? The jérk's name won't leave my head for goodness sake!

Maginoo.

Hindi bagay! Sino kayang nagpangalan sa kaniya ng ganu'n? Hindi nga siya mukhang maginoo. Hindi rin maginoo. Bumalik na naman sa isip ko ang ginawa niyang panunulak sa akin kagabi.

Napayakap ako ng mahigpit sa sariling unan. Nakakainis ang kalbong iyon!

Huminga ako ng malalim. Gustuhin mang isipin na panaginip lamang ang lahat, ngunit kumatok ang katulong sa pintuan ko upang sabihin na ako na lamang ang hinihintay ng dalawa sa silid-kainan. Doon, nakumpirma kong totoo ang lahat kagabi. Napaungol ako sa inis nang makabangon.

Si Papa ang batas sa bahay namin. Siya lamang ang dapat na sinusunod ng mga nandito sa mansyon. Guards, maids, drivers, even his own child, myself. Wala talaga sa kagustuhan ko ang bumangon ng maaga para makisalo ng almusal kasama ng ampon niya, kaso ayoko namang malintikan ng ganito kaaga dahil sinisigurado ng ama ko na kakain kami sa hapag ng magkasama mula nang mamatay si Mama.

Si Mama ang pinakamapagmahal na taong nakilala ko. Pumapangalawa lang si Papa. Nang mawala siya, limang taon na ang nakararaan, nag-iwan ito ng malaking sugat sa ngayo'y malungkot naming pamilya. Hindi kasi kami magkasundong mag-ama.

Well, to start, I am not straight. Papa never liked the idea of having a gay child. Gusto niya iyong lalaki na tulad niya. Gusto niya iyong makakasundo niya sa maraming bagay gaya ng mga sasakyan, usaping politiko, at kung anu-ano pang maaaring i-diskusyon ng mga lalaking tulad niya.

Wala akong hilig sa alinman doon at mas gusto ko ang mga make-up, dresses, heels, at kung anu-ano pang hilig ng isang babae. Hindi niya lang ako masabihan dahil sagot ako parati ng asawa niya, kaya nga nang mawala siya akala ko'y magbabago na ang takbo ng buhay ko ngayong kami na lamang dalawa. Ngunit hindi.

He made an exception for the very first time and that was the moment my mother told him to let me live my life, before she left us, forever.

Hindi namin ito napag-uusapan ngunit ramdam mo talagang may nag-iba sa samahan naming dalawa. Siguro kaya sa dinami-dami ng pipiliin niyang ampunin iyong tulad pa ng binatang iyon—brusko, barumbado, lalaking-lalaki. Sa kung anong hinaba ng buhok ko na dumadampi sa aking balikat, sa kung ano namang ikli ng buhok nitong semi-kalbo.

Napairap ako habang naglalakad sa pasilyo.

Ang pamilyar na boses nina Papa at ng ampon niya ang narinig ko nang makarating sa silid-kainan. Si Papa ang una kong nakita; nakaupo sa kabisera. Sumunod si Gino na nasa kanan.

Bumaling ang paningin ni Papa sa akin nang siguro'y masagap ang presensiya ko sa hamba ng pintuan. "O, anak! Hali na. Ikaw na lang ang hinihintay namin ni Gino."

The honourable mayor of this city and a delinquent young male adult, in a single table, talking happily. Oh, good morning to me!

Pumunta ako palapit sa mesa at nang makalapit sa ama'y pinatakan siya ng halik sa kaliwang pisngi. "Morning."

"Shouldn't it be good morning?" Papa and his charcoal-black eyes questioned me.

Napangiti ako ng tipid. Walang maganda sa umaga ko lalo na't iisang hangin, iisang mesa, at iisang bahay lamang ang hinihingahan, kinakainan, at tinitirahan namin nitong ampon niya!

Tumungo ako sa karaniwan kong puwesto. I always take a seat at his right, while Mama at his left. Ngayong wala na siya, ang kalbong iyon na ang nandoon at prenteng nakaupo.

Maraming taon na rin ang lumipas nang kumain kaming may ibang kasama sa malapad na lamesang ito. Minsan, tuwing bumibisita ang mga kamag-anak namin kaya nadadagdagan kami, pero sa mga karaniwang araw ay kaming dalawa lamang talaga. Hindi ko malaman kung matutuwa ako dahil may bago na kaming kasama ngayon, o malulungkot, o maiinis.

Sa tatlo, pinili kong mainis.

Bumaling ako sa harap. Wala pa man akong naririnig sa bibig ng binatang ito at hindi pa man nagsasalubong ang mga paningin namin pero nangungulo na naman ang dugo ko!

"Si Gino, anak. Go and greet him a good morning too."

Lumipat ang tingin ni Gino sa harapan, sa akin. Umindayog na ng tuluyan ang iritasyon na nararamdaman ko nang masalubong ang mga mata niya. Hindi ko talaga matukoy kung anong mayroon sa binatang ito para mag-init ang ulo ko! 

Parati, kung ako ang tatanungin at masusunod, hindi ko babatiin o maski pansinin ang mga taong katulad niya, pero dahil inutos ng tatay ko, ng batas nitong bahay namin, ng alkalde nitong bayan.. sige.

I plastered a very very fake smile before greeting him how lovely this morning is together with him. "Magandang umaga sa'yo, Gino."

Tumitig sa akin ng ilang sandali si Gino. Sumunod, bumagsak ang makakapal niyang kilay. "Plastik, amputá."

Bumagsak ang aking panga. Awtomatiko, hinanap ng paningin ko ang puwesto ni Papa. Nakatitig siya sa ampon niya. Hindi matumbasan ang pamimilog ng mga mata niya sa narinig sa binata!

"Pa," iritado kong tawag-atensyon.

Hindi talaga magandang ideya ang naisip niyang ito, eh. Nakita niya na ang punto ko? Hayan, walang habas na pinakita ng walang hiya ang tunay na ugali niya!

Tumikhim si Papa nang matauhan. Bumaling ang mga mata niya sa akin, nag-aalala.

"Rhiannon, tama ang sinabi ni Gino. Mahalaga ang pagbati sa pagtatatag ng magandang samahan. If you want to make a good impression, always set a positive tone."

Bumagsak ang panga ko. "What?!"

Tumawa naman si Gino. Dumaplis ang tingin ko sa kinauupuan niya. Hindi maitago ng buwisit ang galak sa mga mata niya. Umarko pa ang isang sulok ng labi niya. Sumunod, tinaasan niya ako ng isang kilay.

Nanginginig ang dalawang kamao ko sa inis! Paliparin ko kaya itong tinidor sa mukha niya? Ugh!

Gustuhin man, ngunit 'di ko hinayaan ang sarili na mainis. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa kaniya. Mahirap man, ngunit pinili kong kumalma. "Ganu'n po ba? Sige, Papa. I'll take note on that next time. Tara, let's eat na."

Papa busied himself, and while he's at it I then took the chance to shoot daggers at Gino. The jérk smirked wider. Ugh!

"Let's pray first. Gino, dahil ikaw ang bago, ikaw ngayon ang mangunguna sa dasal," sabi ni Papa.

Umiling si Gino. "Hindi ako marunong magdasal, manong."

Pumintig ang tainga ko. "What? Oh, gosh. Did you just call him manong? For your information, that 'manong' you are talking to holds the highest position in this town. Hindi manong ang dapat mong tinatawag sa kaniya!"

"Ah, tsong ba dapat, ha?" sagot naman niya na hindi ko mawari kung ignorante o talagang nang-iinis.

Sa kasamaang palad, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong mainis sa kaniya!

"Rebelde," insulto ko.

The jérk had the nerve to backfire. "Brat."

"Informal settler,"

"Bakla," ganti niya. Ugh!

"Stop, please. The two of you," Si Papa na sinusubukang umawat.

Walang nagpapatinag sa aming dalawa sa pakikipagtagisan ng titig. Those charcoal-black eyes registered in my mind without much effort. Hindi ko pa man nakakasama ng isang buong araw ang kalbong ito ngunit nakapagdesisyon na ako. I hate him.. I hate him so much!

"Rhiannon, ano ba?" rinig ko namang suway ni Papa.

Tumigil ako sa pakikipagtitigan. Hindi ako mapaniwalang tumingin naman sa kabisera. Papa was looking at me like I did something not right, like I was the wrong one.

"Seriously? Pa, I'm trying to correct him! I want him to address you properly. Ba't ako ngayon ang sinisita mo?"

"Rhiannon, 'di naman sa ganu'n, pero –"

Hindi ko na pinakinggan ang kung anumang sasabihin niya. Tumayo ako sa kinauupuan dala-dala ang aking mamahaling slingbag.

He reprimanded me. What is wrong with him? Sa harapan pa talaga ng ampon niya. Siya na nga ang pinagtanggol ko pero ako na naman itong mali sa paningin niya!

"Saan ka pupunta, anak?" boses ni Papa nang makarating ako sa hamba ng pintuan.

I stopped, but decided not to look back. "School."

"But you haven't eaten breakf –"

"I don't care." pinal kong tugon.

Dumiretso na ako palabas na nagtatampo ang puso. Ang una, mapapatawad ko pa; pero ang pangalawa, hindi na. Dalawang beses niyang pinakita sa akin na mas kinikilingan niya ang ampon niya. Dalawang beses niyang pinakita sa akin na ako ang mali sa paningin niya.. kahit ang totoo ang buwisit na binatang iyon naman talaga. Silang dalawa na lang ang magsamang kumain. Total, sila naman pala ang magkasundo!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 57.3K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
6.6K 669 21
HR: #1transwomen HR: #1kwentongpinoy HR: #2pinoy HR: #5pinoystories Being single made Elijah realize na hindi naman pala natin kailangan ng iba para...
28.9K 1.4K 51
Frank Matthew Fernandez is a vocalist in a famous band in their school. He's gay. Yes, he's in his last year in highschool when he realized that he's...
3.7K 251 17
In the heart of a close-knit town, where love and support flowed like a gentle river, lived a transwoman named Asia. She was a beacon of warmth and k...