TNPR Book 2: Love will lead u...

Mjlovesberry13 tarafından

217K 4.7K 472

What will you do if both of you will see each other again? Aminadong hindi ka kinalimutan ng taong minsan ka... Daha Fazla

TNPR Book 2: Love will lead us Back
Chapter 1. [She's back]
Chapter 2.[The feelings]
Chapter 3.[Reunited?]
Chapter 3.1 [Drunk]
Chapter 4.[The Decision:Gonna win her back]
Chapter 5.[The Call: Date me or i'll blackmail you]
Chapter 6.[The Date]
Chapter 7.[Unwanted]
Chapter 8.[Terrence]
chapter 9.[Him or Him?]
Chapter 10.[Burst out]
Chapter 11.[flashbacks]
Chapter 12. [He still loves me]
Chapter 14.[Confessions]
Chapter 15.[Day1/Explaination]
Chapter 16.[In the right time]
Chapter 17.[Third day]
Chapter 18.[The wish]
Chapter 19.[Complicated]
Chapter 20.[Sparks]
Chapter 20.1 [A day with kian]
Chapter 21 [Not giving up]

Chapter 13.[kidnapping]

7.4K 150 4
Mjlovesberry13 tarafından

wala kaming pasok bukas kaya eto napahaba update ko.hahaha

Please vote! lablab <3

----

Owy POV

Matapos kong asikasuhin ang mga iilang papeles kanina sa opisina ay napagdesisyonan kong umalis na sa opisina.Hindi ko pa rin natatawagan si cassy babes. Ewan ko ba bakit hindi rin nagtetext sakin o nakuhang man lang tumawag.

Papasok na ako sa elevator at pinundot ang basement button.Ilang minutong lumipas ay bumukas na ito at dumiretso na ako sa sasakyan ko.I started to switch the engine pero bigla tumunog iyong phone ko kaya dinukot ko muna ito sa bulsa dahil baka si cassy na iyong nagtext pero nagkamali ako dahil galing kay kian ang mensaheng natanggap ko.

1 message received.

Kian:Fetch me in my house at exactly 8am sharp.i’ll be waiting outside.Wear something that pam won’t recognize your identity included your buddies. We’ll go to Pam house and  after that we’ll wait for her until she shows up.In case she will bring her car then we’ll follow her and by the time she’s out,Your buddies will grab her then you’ll drop us in Rosales. Money is ready.

Pucha! Hindi ko paman nagagawa pero kinakabahan na ako sa mangyayari.Paano pag nabisto kami nito? Lagot talaga sakin ang monticillo na to! Aysh.Bahala na nga! Mautak naman ang kian nato. Sisiguroduhin ko nalang na hindi ako mabibisto ni cassy nito dahil sa oras na malaman niya ang lahat ng ito,Bugbog at pasa ang aabutin ko sa Girlfriend ko.May pagka amazona pa naman si cassy noong highschool kami.

Nagmaneho na ako paalis sa C’Wine Asia Corporation Building.Pupunta ako doon sa hideout ng mga dating kaibigan ko.Magbabasakali akong andoon pa rin sila sa dating hideout nila.kung andoon nga sila,ang tanong papayag kaya sila sa ipapagawa ko sakanila?Paano pag nagbagong buhay na pala ang mga ugok na iyon? Malaking problema to pagnakataon dahil malamang aayawan nila ang trabahong to.

Naalala ko pa noon.Ang tawag sa grupo nila ay The Black Scorpions.Madaming alam kasing kalokohan ang mga iyon.Muntik na rin ako mapasabak sa grupo nila pero hindi ko tinuloy dahil nakilala ko na noon si cassy.Naalala ko pa nga hiningi ko ang number niya agad.Sobrang bulok pa iyong style ko noon.

Napahinto ako sa tapat ng isang abandonadong garahe.Napansin ko naman medyo bukas iyong pintuan.Bumaba ako sa kotse at hinanda ang sarili ko.

“Pag hindi ako nakalabas ng buhay dito kian,Ikaw una kong mumultohin.tsss.” humakbang na ako papalapit sa hideout nila at ingat na ingat akong pumasok roon sa loob.

Napansin ko agad ang nakakalat na mga latang beer at mga plastic ng mga chichirya.

Habang papalapit na ako doon sa kwartong tinatambayan nila noon ay may naririnig na akong mga boses na nagtatawanan.

Pipihitin ko na sana iyong pintuan na biglang may dumaan sa harap ko na malaking daga!

“Pucha! Tangna dagang iyon!” napabulaslas kong sabi kaya napalakas iyong boses ko.

Pucha! Nababakla ka na ba Owy dahil lang sa malaking daga na iyon?Malaking kaduwagan! Matuturn off si Cassy kung sa daga palang takot ka na! Umayos ka dela cruz!Wag kang bakla!

“Fvcking rats!”mura ko nalang sa sarili ko.

Papasok na sana ako na may narinig akong kumasa ng baril at tinutok iyon sa ulo ko.

“Who the hell are you?!” tama nga ako. Andito pa rin ang Black scorpions. “Talk or you’ll die.” Muli naman ito nagsalita.

Tangna! Papakasalan ko pa si cassy!

“I came here to discuss about something.”

“No one fvcking idiots knows about our hideout.”tila galit nitong sabi.

Hindi pa rin sila nagbabago.sobrang bangis pa rin nila.

“Open the door and move.” Utos nito.sinunod ko naman ang sinabi niya.Nang makapasok ako,agad kong nakita ang tatlong lalaki na nagyoyosi at mukhang magsisimula pa silang uminom.

Lahat sila nakatingin sakin.

Katapusan ko na ba?

Nakipagtitigan naman ako sakanila hindi ko pinahalata na natatakot ako.Kilala ko ang tatlong to.Si Nathan,Julius,Greg at posibleng si Hans tong nasa likod ko.Ang lider ng grupo nila.

“Sino iyan hans?” narinig ko pang sabi ni Greg.bahagyang pinatong pa nito ang isang kamay sa taas ng upuan.

“Ang lakas ata ng loob mo na  pumasok sa teritoryo namin pare.” Walang ganang sabi ni Nathan pero bakas sa mukha nito ang galit.

“Who the fvck----“

Hindi ko na pinatapos pasalitain si Julius at agad akong nagpakilala.

“Owy dela Cruz. President/Ceo of C’wine Asia Corporation.”

“what the fvck are you doing here?!”narinig ko pang sabi ni hans.Inalis niya naman ang pagkatutok ng baril niya sa ulo ko at nakiupo siya doon sa mga kasama niya.

“Hindi niyo ba ako nakikilala?” ngumiti ako.

Napahinto naman sila at napansin kong inoobserbahan nila ako mula ulo hanggang paa.

“Ang lalaking muntik na mapasama sa Black scorpions.Hindi ko makakalimutan iyon.”sabi pa ni Nathan na mukhang naalala na nito.

“Natatandaan mo pa pala ang lugar na to.” Wika ni greg at nag smirk sakin.

“what do you need from us?”sabi naman ni Julius.

“May trabaho akong ibibigay sa inyo.”

“What kind of work?”wala pa rin ganang sabi ni Nathan.Tahimik lang naman nakikinig si hans.

“Kidnapping with no harm involve.Kasama ako at kasama rin kung sino ang nagpa-utos sakin.” Sabi ko.

“You mean---“

“I’m not the boss kundi ang kaibigan ko.”paliwanag ko.

“So how about the money?” napangiti naman ako sa tanong ni Julius.I smirked at him.

“He’ll pay 10million.”nagkatinginan naman sila tatlo maliban kay hans na prente lang naninigarilyo.

“ano hans?10million raw.” Binalingan ng tingin ni Nathan si hans.

“fvcking Deal.”saka tumayo si hans at tinapon sa sahig ang sigarilyo at tinapakan ito.

Salamat naman madali pakiusapan ang apat na tarantadong to! Makakauwi na ako ng buhay nito!

“So what’s the plan?” tanong ni hans.

---

Kian POV

*flashback*

Prente lang akong naupo rito sa backseat kasama tong ama ko pero habang tumatagal pamilyar ang daan ang tinatahak namin.Kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanungin tong ama ko kung saan kami papunta.

“Dad.where are we going?” tanong ko pero hindi ako lumingon.

“Chua’s Residence.” Dun naman ako napalingon sa ama ko na marinig ang sagot niya.Napansin ko naman na mukhang malalim ang iniisip niya.

“what the hell are we----“

“We’ll just have our dinner there.In fact,ako talaga nagyaya kay vien na sa bahay sila mag dinner but he refuse instead doon nalang raw tayo sa bahay nila.”

Ilang sandali naman ay nakarating na kami sa mansion ng mga chua.Agad naman ipinarada ng driver ang kotse namin sa malaking solar na iyon.

Inayos muna nitong ama ko ang necktie niya bago bumaba.

“Sumunod ka  sakin kian.” Tumango lang ako.Pababa na sana ako na biglang tumunog iyong cellphone ko.

Binasa ko ang text ni Owy.Nakausap na raw niya ang mga bata niya at pumayag ito.Well I just gonna pay 10million to be exact.

Muli ko nilagay ang cellphone ko sa bulsa at bumaba sa kotse.Di kalayuan ay agad ko naman nakita si Tito vien at tita Elaine na kausap na ng ama ko.Napalingon naman ako sa gawi ni Pam.

God! She’s really gorgeous!

Napatingin naman ako sa suot niya.Long sleeve black dress with a little bit revealing in the both sides.Too perfect for her.She is such a sexy woman.

Napamura nalang ako na may kung anong tumigas sa ibabang parte ng katawan ko.

Shit!Not now!

Papasok na sana sila Pam na mapansin ako ng ama ko.

"Son.what did you took so long inside the car?"sabi ng ama ko.

"Sorry dad.My secretary Lanie just called me.I need to answer it." Paliwanag ko.Hindi naman totoo na tinawagan ako ni lanie dahil ang totoo si owy ang nagtext sakin.Nagsisinungaling lang ako.

Napatingin naman ako kay Pam.Hindi pa siya tumitingin sakin pero nang nakuha na niya akong tingnan ay nakatingin na ako sakanya.

"Goodevening Mr.Chua and Mrs.Elaine." bati ko sakanila.

"Scratch that Mrs.Elaine.You can always call me tita elaine iho."

"Yes. Just tito Vien. Just like the old times." tumango lang ako at ngumiti.Nakay Pam naman iyong atensiyon ngayon at tumingin sakanya.

"Goodevening Pam.You look beautiful tonight." Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

"ah hehe Goodevening rin."sabi ni Pam at agad naman nito binawi ang kanyang kamay.

"so let's go inside at ng makakain na tayo.I bet everyone is already hungry."

Pumasok na kaming lahat sa bahay at dumiresto sa mesa.

"Kian."tawag ni tito vien sakin.

"Yes tito?"

"Sit beside with my daughter." Nakita ko naman na agad napatingin si Pam sa ama niya ngunit hindi siya pinapansin nito.His dad is not looking at her kundi sa mga pagkain.Wala akong magawa kundi tumabi kay Pam na gustong gusto ko naman.hehehe

"Let's eat everybody and enjoy the food." 

Nagsimula naman kaming kumain lahat.

After we finished ate our dinner ay nag yaya naman si tita elaine na doon kami sa garden.Sinundan ko lang ng tingin si Pam pero hindi na ako makapagpigil pa at nagsalita na ako.

"Can i talk to you for a minute?" napalingon naman siya sakin na halatang nagulat pa.

"anong pag-uusapan natin?" she asked.

"Any."

"O-kay.Bahala ka nga." Payag niya.

Naglakad lakad lang kami dalawa hanggang sa maupo kami doon sa swing.

"How are you?" I asked her but she’s not looking at me.

"I'm perfectly fine." Sagot niya.

I saw she brushed  her arms repeatedly.Alam kong nilalamigan siya kaya hinubad ko iyong coat ko at ipinatong sa balikat niya.

"Next time don't wear sexy dress.you might catch a cold." Sabi ko.

"Hindi naman to sexy. Sexy lang talaga ako."pagtatama niya.

"Silly." i chuckles.

"Kamusta lakad niyo ni terrence?" I asked her.ewan ko ba bat naitanong ko pa ito sakanya.Well,Gusto ko lang naman malaman.

" Masaya naman.He is funny and sweet." Sagot niya. "why did you ask?" tanong niya naman.

"Nothing.Do you like him?"

"What are you talking about kian?"

"I'm just asking if you like him." Tumayo ako.

"Are you jealous?"

"If you like him then i'll have the reason to be jealous." Totoo ang sinabi ko.Ayoko kasing mapunta siya sa iba.Gusto ko akin lang siya.Am I selfish?

"Look kian. wala kang pakialam kung sino man ang lalaking gugustuhin ko.It's my life." Naiinis na sabi ni Pam.Humarap ako sakanya.

"I just--- "

"Just what kian?!" naiinis nanaman nitong sabi.Magkasalubong nanaman ang kilay nito.Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang dalawang kamay niya.

"I don't want you to like anybody." napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"now you are acting as if you are my boyfriend?!" naiinis nitong sabi.Pilit niyang kumawala sakin pero hindi ko hahayaan mangyari iyon.

"Mas lalo akong naiinlove sayo pag nagsusungit ka." inirapan niya lang ako.Lihim akong napangiti.

"are you still mad at me?" I asked her seriously.

"Kian. It's already been 6 years had passed.Kinalimutan ko na iyon pero kung tatanungin mo sa akin kung nawala na iyong sakit na nararamdaman ng puso ko,Oo masakit pa rin.Pinatawad na kita matagal na pero hindi ibig sabihin nun maibabalik pa ang dati kung anong meron tayo noon.

"I guess i never really got over you,because in the back of my mind i still hope that someday,we'll get another chance pam." Hindi ko siya narinig sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"P-lease always remember that no matter how far you hate me.I won't let myself get tired on loving you cause I know someday  you will find  how to love me..again." I said and ended up my speech.I didn’t hear her say anything kaya napabuntong hininga nalang ako.I lift her hands up and kiss her soft hands.

"Aalis na ako." Pagpapaalam ko. I stood up and walk away without looking at her.

*end of flashback*

Hindi na ako nagpahatid sa driver namin at basta nalang ako umalis at sumakay ng taxi.

--

Pam POV

Kinabukasan..

Ang aga kong gumising at ang aga kong inistorbo si cassy.Bakit? sinabi ko lang naman sakanya na mag gigym kami sa Metro Fitness Center.hehehe Feeling ko naman kasi tumataba na ako.Simula kasi na nakauwi na ako sa pilipinas nakalimutan ko na magexercise.Kain nalang ako ng kain. TOT

I want to stay physically fit and Healthy.

I’m wearing nike blue shorts and black sando and I paired it with my black nike shoes.Ang sexy ko talaga tingnan.Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko mamaya ko nalang siguro to tatalian.

Kinuha ko na iyong jansport bag ko at lumabas mula sa kwarto ko.

Nadatnan ko naman si melay habang pababa na ako sa hagdan.

“Melay.”hinto ko sa paglalakad.

“Goodmorning po ma’am pam.Y-es ho ma’am?”bati nito sakin at tumigil naman ito sa paglalakad habang hawak hawak nito ang walis,dust pan at feather duster.

“kindly tell mom and dad na mag gigym lang ako.”

“masusunod po ma’am.”

“Good. Go back to your work now.” Tumango lang ito at nagpatuloy naman ako sa paglalakad.Sakay ng kotse ko ay nagmaneho na ako papaalis sa bahay.

--

Kian POV

Pagkatapos kong magbihis napabuntong hininga naman ako habang nakaharap sa salamin. I’m wearing black leather jacket with a black tshirt on the inside and black pants.Sa itsura ko ngayon,Hindi pa rin magbabago ang paniniwala ng iba at sariling kong paniniwala na kahit mag mukhang kidnapper ako ubod pa rin ng gwapo to.

Napatingin ako sa isang maleta at isang bag pack ko.

Psh.I’m already ready.Lumabas na ako ng bahay at nagtataka pa tong mga katulong namin sa akin.Siguro naninibago lang sila sakin sa suot ko.Lagi kasi nila akong nakikita na nako business attire tuwing umaga hanggang sa makauwi ng bahay.

Hindi na ako nagdala ng kotse.May tatlong kotse pa naman doon sa resthouse ko sa rosales.Pinagawa  ko ang resthouse na iyon malapit sa dagat last 3 years ago. I’ve been there for only twice.Ngayon lang ako muli makakabisita sa resthouse na kasama na si Pam.Someday, She will be the Queen in our own Castle.

Nang mapagbuksan ako ng gate ng gwardiya namin ay nakita ko na sa di-kalayuan sila Owy.Pa kaway kaway pa ito.

Muli ko naman binalingan ang gwardiya namin.

“Lock the gate.” Utos ko.

“Yes sir.” Agad naman nito sinunod ang sinabi ko.

Marahang nilakad ko ang daan kung saan naka tambay sila owy habang hawak hawak ko ang gamit ko.Habang papalapit naman ako agad naman bumaba ang 4 na lalaki may dala dala pa itong mga baril at kinakasa nila ito.

Nanlaki naman ang mata ko dahil wala sa usapan namin ni owy ang fire arms.

“Magandang araw boss kian.” Saludo naman ng isang lalaki.

“Names?” tanong ko.

“I’m Nathan.”

“Julius.”

“Greg.”

“Hans.”

Pagpapakilala nila sakin.

“Sila ang Black scorpions pare.They are not mafias nor gangsters  but just a kind of assholes who have no direction in life.”napangisi naman na sabi ni owy.sinamaan naman ng tingin ni Greg si owy.

Ang ayos naman kasi mag introduce ni Owy. -___-

“I’m kian Migs Monticillo,Ceo of Monticillo real Estate and your boss today.” Pagpapakilala ko.

“Big time pala tong boss natin.” Napangisi pang sabi ni julius.

“Pshh.” Smirk naman nung Hans.

“By the way pare,This is Hans.Leader ng grupo.” Sabi ni owy.

“Yow.”sabi ko.

“Sup.” Sabi naman ni hans.

That’s our exchange of greetings.

“I just want to remind you no fire arms included. Babae iyong kikidnapin niyo.”

“Maganda ba o sexy?”nakangising sabi ni Julius.Si nathan naman mukhang nabobored habang hawak hawak iyong baril niya.

“don’t you dare touch her.Aagawin ko iyang baril mo at sabog iyang bungo mo.” Banta ko sakanya.

“whoaaa chill lang naman boss.Pinaalala na iyan samin ni Owy na hindi kami mananakit pero hindi namin alam na babae pala dudukotin namin.” Paliwanag na sabi ni Julius.

“Just don’t hurt her.Pag nawalan siya ng malay, I want her to lay beside me.Ako ng bahala sakanya.”

“Areglado boss.” Sabay na sabay nilang sabi lahat.

Binalingan ko naman ng tingin si Owy.

“let’s go to Pam’s house.”utos ko.Tumango naman si Owy.

“ikaw na ang magmamaneho hans.” Utos naman ni owy kay hans.Tumango lang si hans at isa isa kaming sumakay sa van at ng makapwesto kami inutusan ko nanaman ulit sila.

“wear you fvcking shades.” I said with a bossy tone.

Sabay naman namin sinuot ang mga shades namin.

“Ang gwapo ko talaga.” Narinig ko pang sabi ni Greg.

Nakita ko naman binatukan ni Julius si Greg.

“Ulul!sinong may sabi? Pasensya na pare pero mukha kang unggoy.”sagot naman ni julius.

Ingay ng mga black scorpions -___- dapat ang tawag sakanila black parrots.Mabuti pa tong si nathan di umiimik.Problema ng isang to? Walang bakas na emosyon sa mukha nito.

Ilang sandali malapit na kami sa bahay nila pam na mapansin kong may lumabas na kotse.

“stop the car.” Utos ko.Hininto naman ni hans.

Lumingon naman si owy sa direksyon ko.“Cassy texted me mag gigym sila ni Pam.I think siya ang sakay ng kotseng iyan.”

“Follow her.”

“after 8mins we’ll overtake and stop the car in front of her para huminto siya.”

“wag niyong takutin.Wag niyong ilabas mga baril niyo.” Utos ko sakanila.

“Okay boss.”sagot naman ni Julius.Nakita ko naman na muli nila nilagay ang mga baril nila sa secret pocket ng kanilang jacket.

Pagkalipas ng walong minuto gaya ng sinabi ni hans ay nag overtake siya sa sasakyan ni Pam at nakita ko naman na huminto ang kotse ni Pam.

---

Pam POV

“baby baby you’re the rainbow in my sky.”Pakanta kanta pa ako na naka earphones  habang nakikinig ng music sa cellphone ko.

Napatigil ako sa pakikinig ng kanta na biglang may bwisit na van ang mabilis na nag overtake sakin pero laking gulat ko na bigla itong humarang sakin kaya napalakas ang pag preno ko at pagtapak sa brake.

Napayuko ako dahil natakot ako bigla.Mas domoble iyong takot at kaba ko dahil nakaharang iyong van sa harap ng kotse ko.

“Shit!I’m trap!” pagmumura ko at napahampas sa steering wheel ko.

“shit! Anong nangyayari---“ napahinto naman ako sa pagsasalita na biglang bumukas ang pintuan ng van at lumabas ang apat na lalaki.

Lahat sila naka itim pero hindi ko naman mamukhaan ang mga itsura nila dahil naka shades sila.

Hindi ko naman maiwasan mapahanga dahil lahat sila ang gugwapo. >________<

Naalarma naman ako na napansin kong palapit na palapit sila sa direksyon ko.Wala na akong choice.Lumabas ako ng kotse.Letshe ganito pa naman suot ko.Paano pag nahuli ako?rerape-in ba ako ng mga kidnapper na to? TOT

Tumakbo ako papalayo sakanila.Mabuti nalang naka rubber shoes ako at hindi naka heels.

“wag niyong hayaan na makalayo satin ang babaeng iyan!” sigaw nung parang lider nila.Natatakot na talaga ako.kinapa ko cellphone ko sa bulsa.

“Shit!” napamura nalang ako na maalala ko na naiwan ko iyon sa kotse.

Ano nang gagawin ko?

“pucha! Ang bilis tumakbo pare!” narinig ko nanaman sigaw nung isa.

 Lord! Tulungan niyo po ako.(pananalangin ko habang tumatakbo)

“Tangna mo kasi tol! Ang laki kasi ng tiyan mo!”

“ulul! Abs iyan!”

Grabe na mga kidnapper to! Nakuha pa nilang magbiruan sa isa’t isa.

“Hoy babae!tumigil ka!”Hindi ako huminto.Hindi ako lumingon.Ang kailangan ko ay makalayo sakanila.Shit! bakit walang dumadaan na mga kotse?

“t-ulooooong!” pagsisigaw ko.shit! nawala sa isip ko ang humingi ng tulong dala na rin sa tindi ng kaba at takot na nararamdaman ko.

“T-tulungan niyo po ako!” naiiyak na ako.Wala kasing nakakarinig sa akin.

“AHHHHHHHHHH!”napasigaw ako na mahuli ako ng isang kidnapper.Nahablot niya iyong braso ko.

“sumama ka sa amin ng maayos kung ayaw mong masaktan!” sigaw nito sakin na may halong pagbabanta.

“P-akawalan mo ako! Ayokong sumama sa inyo! Shit! Get off your hands on me!”patuloy ako sa pagsisigaw ko.Hinampas hampas ko naman siya sa dibdib.Sinipa ko pa siya sa tuhod pero parang hindi naman nasasaktan ang isang to.

Wala na ba akong pag-asa na makawala rito?

“P--asensya na miss.U--tos lang ni boss.” Sabi nung isang lalaki na sapo ang tuhod nito na hingal na hingal pa.

“Boss?! I didn’t do anything! I’m innocent!” maiyak iyak kong sabi. Huhuhu Lord! Please help me! TOT

“Sinusunod lang namin ang utos ni boss.” Sabi naman nung isang lalaki.Nakapamulsa lang ito habang naglalakad.He’s so serious.

Hila hila na kasi ako ng dalawang lalaki habang nakahawak ng madiin sa braso ko.Nasasaktan na ako.T__T

“a-no ba! N-asasaktan ako!” daing ko.sobrang higpit kasi ng pagkakahawak nila sa braso ko.

“Bilisan niyo diyan baka may makakita satin dito.Mahirap ng malintikan.” Sabi nung parang lider nila.

Lahat talaga sila naka shades eh. Hindi ko sila mamukhaaan.

“I c-an give you a money.M-agkano ba kailangan niyo?Pakawalan niyo lang ako! “I’m already shaking because of fear.

“sorry miss.trabaho lang.” sabi naman nitong lalaki na nasa kanan ko.

“t-uloooooong!”this time sumigaw nanaman ako.

“tangna! Patahimikin niyo nga ang babaeng iyan!” utos nung lider nila.

Papatayin ba nila ako?

H—indi pwede to.

Hindi maaari.

Napansin ko naman iyong isang lalaki na walang emosyon sa itsura nito na parang may dinudukot sa bulsa nito.

Kumunot naman ang noo ko ng humarap siya  at sabay takip ng panyo mula sa akin.May kung ano akong naamoy sa panyong iyon at bigla nalang ako nawalan ng malay.

--

Kian POV

Nakita ko naman kung paano nawalan ng malay si Pam.agad naman iyon nasalo ni Julius at binuhat ito na parang isang sakong bigas.

Pucha.ang sexy pa naman ng suot ni Pam tapos ganyan ang pagkakabuhat ni julius sakanya?

Tangna! Malilintikan to sakin!

“eto na po ang mahal na reyna boss.” Sabi ni julius. Agad naman akong kumilos at inalalayan si Pam.Pinahiga ko siya sa hita ko.

“saan na tayo nito boss?”tanong naman  ni Greg na muli na sila makabalik sa pwesto nila.

“Sa rosales.sa resthouse.”sabi ko habang pinahiga ko ng maayos si Pam.dinukot ko naman ang panyo ko at marahang dinampi ito sa pawisang noo at leeg ni Pam.

“Ako na magtuturo saan ang daan hans.”sabi ni owy.

“Is she okay?”napalingon naman ako sa nagsalita.Si Owy.

Mapait akong ngumiti.”Yes.she’s okay.” Sabi ko habang pinupunasan ang pawis ni Pam sa noo.

“ang bilis tumakbo ng babaeng iyan boss ha.”sabi ni julius habang umiinom ng tubig.Hindi ko nagawang sumagot pa kay julius.

“maiintindihan niya kaya pare.?” Narinig kong tanong ni owy sakin.

“ipapaliwanag ko sakanya.Hoping she’ll forgive me sa ginawa ko.”sagot ko habang hinahaplos ko ang namumulang pisngi ni Pam.

“sana nga pare.”

“magiging okay din ang lahat.” Sabi ko habang nakatingin kay pam.

“Goodluck nalang sayo boss.” Sabi naman ni nathan.

“oo nga!Goodluck!hahahaha.” sabi naman ni Greg.

Hindi ko nalang sila pinansin at nakatuon ang atensiyon ko kay Pam.

Makalipas ang apat na oras na biyahe patungong rosales ay nakarating na kami ng ligtas sa resthouse ko.

Unang bumaba si Owy at hans.Sumunod naman si Nathan,Julius at Greg.Nag inat naman sila ng katawan at nag stretching.

Sinalubong naman agad kami ng aking dalawang caretaker.

Si mang jose at ang asawa nitong si manang juliana.Sila ang pinagkatiwalaan ko na magbantay at mag alaga rito sa resthouse habang wala ako.

Napatingin naman ako sa kabuuan ng resthouse.Malinis ang paligid.

“Magandang hapon ho senyorito kian.”bati ni mang jose.

“Magandang hapon rin po senyorito.” Nakangiting sabi ni manang juliana.

“Tulungan mo ako owy.” Kinuha muna ni owy si pam para makalabas ako sa loob ng van.

Binalingan ko naman si manang.

“magandang hapon rin manang at mang jose.This is my guest.”turo ko kay pam habang buhat buhat ni owy.

“Jusko ho senyorito! A-no hong nangyari sa mestisang ito?” gulat na sabi ni manang juliana at lumapit kay Pam.

“may hangover iyan manang.” Palusot na sabi ni julius.

Nagtataka naman si mang jose at manang juliana.

“Manang pakiasikaso mo ang aking bisita sa guest room.Pakipalitan na rin damit niya.” Utos ko kay manang juliana.

“Opo senyorito.Ako na po bahala sa mestisang ito.”

“Pare,sundan mo nalang si manang juliana.” Sabi ko. Tumango naman si owy.”Manang paki assist muna.Sumabay ka na rin sakanila mang jose.”

Nang makapasok na sa resthouse sila owy ay binalingan ko naman ang apat na nakasandal sa van.Kinuha ko naman sa tabi ko ang bag pack.

Inihagis ko iyon kay hans.tutal siya naman ang lider sa grupo nila.

“That’s 10million.” Wika ko.Binuksan naman iyon ni hans at ng makasiguro may laman ngang pera ang bag na iyon ay muli nitong isinara.

“aalis na kami ng mga kasama ko.Take care of her.” Sabi naman ni hans saka inihagis nito ang bag kay Nathan.

“Alis na kami boss!”paalam nilang lahat.Tumango lang ako at pumasok na sa resthouse habang hila hila ko ang maleta ko.

Nadatnan ko naman si owy sa living room na nakaupo na tila nagpapahinga.

“Inasikaso na ba ni manang si Pam?” tanong ko.Napalingon naman agad si owy sakin.

“Yes.Binihisan na rin siya.” Sagot naman nito.

Tumayo naman si owy at lumapit sakin.

“ilang araw kayo dito?” tanong niya.

“1 week.”sagot ko.

“What if malaman to ng daddy ni pam ?Paano pag malaman nito na kinidnap mo ang anak niya? Pare,siguradong magagalit iyon sayo.” Nag aalalang sabi ni owy at palakad lakad pa ito sa harap ko na parang hindi mapakali.

“Ako na ang bahala.There’s nothing to be worry about.” Sabi ko.

“e-wan ko nga sayo pare.Bahala ka nga.” Sabi naman ni owy.Dinukot naman nito ang cellphone.

“Paano na iyong kotse ni Pam sa daan? Iniwan lang natin iyon doon diba?” tanong nanaman ulit ni owy.

“Relax.everything  is my control.May inutusan na akong tao.”

“Psh.Mabuti nalang kahit papaano,Mautak ka rin pare.” Owy said in relief.

Napansin ko naman mas lalo hindi mapakali si owy habang nagpipindot sa cellphone niya.

“Anong nangyari?”tanong kokay owy.

“shit pare! Nawala na sa isip ko si cassy babes! Nalintikan na! Tinadtad ako ng text ni cassy!”

“hahahaha here’s my key.Use the red mercedenz.Salamat pare.” Sabi ko sabay abot ng susi kay owy.Agad naman niya iyon kinuha.

“I really have to go.Take care of Pam.”sabi ni owy at nagmamadali itong umalis sa bahay.

Umakyat naman ako papuntang 2nd floor at pumunta sa guest room kung saan ngayon ay mahimbing natutulog si pam.

Nadatnan ko naman si manang juliana na kinumotan nito si pam.

“ah s-enyorito.Nariyan na pala kayo.Natapos ko na po palang bihisan ang mestisang ito.”

“Maraming salamat manang.Kindly prepare us something delicious mamayang dinner.” Sabi ko.

“Opo senyorito.Lulutuin ko po iyong mga paborito niyong ulam.” Nakangiting sabi ni manang juliana saka lumabas ng kwarto.

Tinitigan ko si Pam.Mahimbing na itong natutulog.Hinalikan ko siya sa noo at hinaplos ang kanyang magkabilang pisngi.

“Mahal na mahal kita Pam.I’ll do everything just to win you back. Forgive me.I can’t lose you.”

 -

to be continued

Please vote and comment! hehehe Thankyouuu guys! xoxo <3

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...