At The End Of The String (Ins...

By serendipitynoona

4.5K 236 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... More

Prologue
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41

5

153 12 62
By serendipitynoona

Nakatitig lamang ako sa tatlong maleta at apat na backpack na nakasalansan sa gilid ng higaan ko. Parang sa abroad ako pupunta dahil sa sobrang daming dala! "Wow, pang walang uwian na bitbitin na 'yan, ah?" Tumawa ng malakas si Kuya Kel sa gilid ko habang sinasabayan akong titigan ang mga 'yon.





Siya ang tumulong sa'kin mag impake dahil simula mamayang gabi ay sa bahay na ako ng mga De Vera tutuloy para malapit na lang ako sa Womenscape. Kapag nanatili akong nakatira rito sa amin ay sobrang layo ng iba-byahe ko araw-araw. They want it less hassle for me. Even Joaquin's father asked permission for this.





"Eia, ayos na ba ang mga dadalhin mo, anak?" Rinig ko sa paakyat na si Mrs. Risma. "Jusmiyo! Aba'y mukhang hinakot mo na ang buong kwarto mo papunta sa bahay ng mayor, Eia!" Napahawak siya sa dibdib niya nang makita ang mga dadalhin ko. Inilibot ko rin ang tingin ko sa buong kwarto ko at halos maubos na nga rin talaga ang laman nito.




"Hindi ko po kasi alam kung hanggang kaylan ako mananatili ro'n kaya mainam na pong dala ko ang lahat. Hehe."




"Para namang hindi ka na uuwi rito, anak. Bumisita ka kapag may oras ka, ah? O kung hindi man, tawagan mo lang ako." Hindi pa ako umaalis ay sobra na ang pag-aalala niya. I hugged her tight and assured her that everything will be fine there. Nang makabitaw ay saktong tinawag na rin ako ni Kuya Kenzo dahil dumating na ang susundo sa'kin.




"Just call when you need me," huling pasabi sa akin ni Kuya bago tuluyang isara ang pintuan na malapit sa shotgun seat. Nasa compartment na rin ang mga gamit ko. Kinausap niya pa si Joaquin at nang makatapos ay saka na siya sumakay sa driver's seat.



Mga hapon na kami nakarating sa kanila. Hindi naging ganoon katagal ang pagpunta namin pero noong nilakad namin ito ni Gianna nakaraan, it took us forever. Muli kong nasilayan ang mga makalumang gamit sa loob ng bahay nila. Ang madalas kong tignan sa mga iyon ay iyong mga paintings.




Puro historical, iyong iba naman gawa ng mga kakilala nila o 'di naman kaya mga binili nila. Sa bawat lakad ko rin talaga ay para akong nasa isang museum. Sinimulan na rin akong ilibot ni Joaquin sa buong lugar. Itinuturo niya lang kung ano ang mga nasa ganitong parte pero hindi man lang niya 'ko binibigyan ng historical background. If he's gonna be a tour guide someday, well, he's the worst already. I'll be rating him three over ten.



Hindi na niya tinagalan pa 'yon at dinala na rin ako sa magiging kwarto ko. The design was kind of a vintage with the shades of beige and red colors. It was the same color as my room back home. Huh, looking at it feels like this room was really meant for me to stay with.



Iniwan na ako ro'n ni Joaquin kasama ang mga gamit ko. Pagkasara niya ng pintuan ng kwarto ay agad kong initcha ang sarili ko sa higaan. Pinagmasdan ko ang buong paligid at kinuhaan iyon ng mga litrato. Nang i-check ko sa gallery ay halos lahat ay Instagram story worthy.





Lumabas ako saglit sa maliit na terrace para silipin ang labas. There's a view of the sea not really that far away from this place. At hindi rin sa kalayuan no'n ay may natanaw din akong field ng mga bulaklak. It looks like a garden. Agad ko iyong kinuhaan ng litrato at isinend kay Solene. I'm sure she'll love this place when she get to visit here.



"Hindi ba iyon 'yong kasama ni Sir Joaquin sa video?"





"Hala, baka girlfriend na niya iyong kahalikan niya noon sa club?"




"Ang swerte niya naman..."



Halos dinig ko ang bulung-bulungan ng mga kasama ko ngayon sa unang araw ko sa trabaho. Naabala ako sa pinag-uusapan nila at hindi ko maiwasang mapairap tuwing naririnig kong naghahagikgikan sila kapag binabanggit ang pangalan ni Joaquin at kapag ako naman ay may halong inis.





Akala ko ba ay naghahanap din sila ng taong kayang mag-lead? Bakit pinag-uusapan nila ako ng ganoon? At kahit kaylan ay hindi man lang nabanggit sa'kin ni Joaquin na talaga ngang kumalat ang senaryong iyon. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang uunahin kong damahin, ang inis ba o ang hiya.






"Don't mind them." Rinig ko sa boses ng isang saleslady na halos ka-edad ko lang. Matamis itong ngumiti sa'kin at binati ako. Ganoon din ang ginawa ko saka ako nagpatuloy sa trabaho ko, wala ng balak makipag-usap o ano.
"I'm Agatha Ramirez, Ma'am," salita niya ulit kaya nilingon ko.





"Keira Monteza." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at kinuha niya 'yon para makapag-kamayan kami. Tinitignan ko pa lang siya ay halata na agad na sobrang layo ng personality naming dalawa. Mukha siyang mabait habang ako ay mukhang palaging may kaaway. She was very soft spoken and I can already feel that she's fragile.





"Monteza?" Napatakip siya ng bibig. "Kapatid ka po ba ni Kenzo? Hala, fan na fan niya ako!" Parang gusto niya na ako hampasin sa kilig pero nagpipigil lang siya.




"Hindi. Hindi kami magkapatid." Agad kong pagtanggi. Palagi ko iyon ginagawa kapag may nagtatanong sa'kin ng ganoon. Ayokong pagkaguluhan. "Aw, gano'n ba? Medyo may hawig ka rin kasi sa kanya, Ma'am, eh." She giggled. "Pasensya na po."





Aalis na rin sana siya para magpatuloy sa trabaho nang tawagin ko agad. "Agatha, madalas bang mag-chismisan ang mga kasama natin dito?" pabulong kong tanong.





"Ah, madalas po mag-chismisan pero hindi naman po talaga palagi na pinagchi-chismisan nila ang ibang tao. Madalas nilang pag-usapan ang kani-kanilang buhay. Siguro po ay nabigla lang din sila sa pagdating niyo ngayon bilang manager namin kaya po ganoon pero mababait naman po sila." Matamis siyang ngumiti sa'kin ulit.





Tumango-tango na lang din ako at hinayaan na siya sa gagawin niya. I'll get use to this. Pagbalik ko sa atensyon ng mga saleslady ay abala na rin sila. Tapos na ang break time kaya naging busy na ulit lahat. I tried to keep a smile on my face the whole time. Minsan ay mayroong mga pumapasok lang pero hindi bibili pero dudumog sa'kin.





Hindi ko bilang kung ilang beses naitanong sa'kin kung girlfriend ba ako ni Joaquin, kung ako nga raw ba talaga ang nasa video na napanood nilang kahalikan niya at kung kapatid din ba ako ni Kenzo Monteza. Parang mas napagod pa ako sa kasasagot no'n kaysa sa mismong trabaho ko.





"How's your first day?" Salubong agad ng Daddy niya sa'kin nang makauwi na ako sa kanila. Bumeso pa ito sa'kin at inakay ako papasok ng bahay. "It was all good, Sir!" I lied. My first day at work wasn't good at all! His son didn't warn me about the news and how invasive his fans were! Halos hindi ako tigilan ng mga tao ro'n kanina. Laking pasasalamat ko na lang talaga na walang dumating na media ro'n.




"Good to hear, hija. I'll just pick up my father from his meeting and we can have our dinner. Joaquin's at the pool area if you want to see him." He patted my back before leaving. Oh, I really want to see him, alright. Ngumiti at kumaway ako kay Mr. De Vera bago tuluyang puntahan si Joaquin.





Naabutan ko siyang umiinom ng whiskey habang nakalublob ang kalahating katawan sa pool. Pasigaw kong tinawag ang pangalan niya pero 'di niya ako pinansin. Padabog din akong naglalakad papunta sa kanya.
"Mag-usap tayo," mariin kong sabi. Nang malingon niya ako ay parang wala lang sa kanya ang presensya at galit ko.




"Oh, you're here, already. How's your first day?" aniya nang makaahon siya. Dire-diretso lang din ang lakad niya papunta sa lounger para kunin ang twalya at nagpunas. If he thinks I'll be distracted by the waters dripping on his abs, I won't be. Hindi 'yon maaalis ang inis na nararamdaman ko ngayon.





"My first day wasn't that good as I expected." Siguro ang magandang nangyari lang ngayon ay may nakilala ako galing sa trabaho na 'yon. "Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na kalat na pala ang video na 'yon natin sa club?" Napahalukipkip ako.






"Oh, that. Sorry, I forgot to tell you," malamig niyang sagot saka nagsalin muli ng whiskey sa wine glass niya. Nang magtama ang tingin namin ay sinasabi ng mga mata niya sa'kin na miserable siya ngayon at wala siyang oras para makipag-usap sa'kin. I'm not buying it. I'm sure he's just making excuses. Mga lalaki nga naman talaga...






"You didn't even warn me about how terrible your obsessed fans are... I hate it. Masaya sana ako na marami ang tao ro'n kanina dahil bibili pero hindi. Madami ang tao ro'n kanina dahil sa issue." Lumapit na ako sa kanya. Napakuyom lalo ang kamao ko nang makita siyang maupo sa lounger at nakapikit.







"Joaquin!" Malakas ko siyang hinampas sa hita. He can't barely open his eyes but I know he can hear me. He can fucking hear me but he doesn't care at all! Nangangati na ang kamay ko at umamba nang susuntukin siya nang bigla niya akong hilahin dahilan para mapaupo ako sa hita niya. 





"Keira, calm down for a minute. I'll talk to you, okay? Just let me sober up, please?" His arms snaked around my waist like he's cuddling me. Sobrang lapit din ng mukha namin sa isa't-isa. Naaamoy ko na ang alak na galing sa bibig niya. Nakahawak lang ako sa dibdib niya at pilit na itinatayo ang sarili pero dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa bewang ko ay hindi ko magawa.





"Let go of me, you flirt!" Hinampas-hampas ko ng handbag ang mga kamay niya. "Hindi ako nandito para makipaglandian sa'yo! I want you to clear things up to me!"





I heard him laugh before letting me go. Nang makatayo na ako ay tumayo na rin siya. "You're cute when you're mad, Keira. But at the same time, you're loud and annoying." Nagkusot-kusot siya ng mata, mukhang nahihimasmasan na sa kalasingan niya. I wonder why he's making himself drunk? His eyes still doesn't lie, though. It looks tired.





"Okay, about the video of us kissing." Nag-unat pa nga. "Trust me, I really forgot to tell you about it. Noong pumunta tayo sa kaibigan mo ay nawala sa isip ko ang bagay na 'yon. My attention diverted on your feelings that day and how worried you are about your friend."






"That's bullshit. You had chances to tell me about it that time before we left your house."






"You panicked and that made me worried."




"Still bullshit." Napailing lang ako.






"That's the truth, Keira. I'm sorry. I'll fix this, don't worry."





"Hindi ko kaylangan ng sorry mo. I want a peaceful workplace, Joaquin. I didn't come here to be invaded, to be touched, and to be questioned by your people who know nothing about me. Call your fans out because I don't like the attention of other people lalo na kung tungkol sa mga ganoong bagay. I've been there once, and I wouldn't be risking my life getting myself out in that kind of spotlight again."

Continue Reading

You'll Also Like

226K 3.6K 48
"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat ko ang labi ko. Ayaw mong tumingin ah...
5K 72 44
Mahiyain, tahimik at walang bilib sa sarili, iyan ang mga katangian na mayroon si Sahara Graciela Torrecampo. Iniisip niyang hindi iyon ang hinahanap...
1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
157K 3.3K 50
Bargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy fa...