Lost and Found

By Cristinalicious__05

45.8K 1.2K 30

[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pamb... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Epilogue

CHAPTER FOURTEEN

1.3K 37 0
By Cristinalicious__05

Serenity's POV

Napakurap-kurap ako ng mata dahil sa ginawa niya. Napatingin ako sa kaniya na pinagpatuloy ang paglapat ng damit na may yelo.

Huwag ko daw siyang iwasan, pero paano ko malalayo ang anak ko? Paano kung malaman niya?

"Pansin kong iniwasan mo ako ng simulang may...nangyari sa atin. Bakit?"

Mas nanatili nalang akong tahimik. Hindi niya bang alam na napaka-awkward. Uncomfortable ang pakiramdam.

"Hindi ko naman alam kung anonang nagawa kong mali para iwasan mo ako. Alam ko namang pareho natin ginusto yun.." sabi niya habang patuloy sa pagdampi ng damit.

"Pwede bang isipin nalang natin ang sariling buhay natin dito. Ang nangyari doon sa resort ay sa resort lang. Kung gusto mong hindi kita iwasan ay huwag mo nang ipaalala ang nangyari."

"Pero mahalaga para sa akin yun, hindi ko basta-basta malilimutan yun.."

"At bakit?"

Napatingin siya sa akin at napatingin sa hawak niya bago ipinagpatuloy ang pagdampi. Hinawakan ko yung hawak niya para ihinto.

"Bakit Draco? Marami kang babae at siguradong may nangyayari sa inyo. Importante sayo ang lahat ng mga pangyayaring iyun--"

"Sayo lang.."

"Kung ganun bakit? Dahil special ako?"

"Parang ganun na nga.."

"Then kalimutan nalang natin ito.."

Nakita kong nag-igting ang panga niya bago niya binitawan ang hawak niya.

"H-Hindi ko kaya..."

"Anong hindi mo kaya, magkaibigan lang tayo Draco, at hindi tago talo.."

Hindi siya sumagot pero tumayo at tumalikod. Napahawak siya sa buhok niya at sinabunutan iyun. Para siyang nagwawala sa sarili.

"Draco--"

"Sa tingin mo ba ay gusto ko ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ako sayo. Minsan pinipilit kong huwag! Ang lahat ng atensyon ko ay pinuntahan ko nalang sa mga babae ko pero hindi ko mapigipan na puntahan ka. Puntahan ka sa lugar mo para makita. Ginugulo kita dahil gusto kong makita ka. Inaagaw ko ang atensyon mo sa iba dahil gusto ko ako lang ang makausap mo o nasa isip mo nalang. Hindi ko alam.... "

Napatingin siya sa akin ng seryoso at bahagyang lumapit sa akin.

"Ayaw ko itong nararamdaman ko pero mas ayaw kong mawala ito"

"Hindi ko alam, pero mas magandang iwasan din kita. Draco, naiisip mo ba ang gusto ko. P-para sa akin ay pagkakamali yung nangyari sa atin. Pagkakamaling ginusto ko nung sitwasyon yun. At yun ang klase ng pagkakamaling hindi ko na gugustuhing ulitin pa.."

Napatingin ako sa ibang direction ng nakatingin siya sa akin.

"Anong oras na, baka gusto mo nang umuwi. Pagod ako at masakit ang katawan ko. Baka dito lang din ako bukas dahil hindi ako makakapagtrabaho..."

"Hindi ka nga rin masyadong makatayo..."

"Kakayanin ko at pakiusap, huwag mong sasabihin ito kay Nicole.."

"Hindi, dahil hindi naman ako aalis rito.."

"Anong--"

"Isipin mo nalang na nandito ako dahil nag-aalala ako sayo...bilang kaibigan "

Napatingin ako sa kaniya at hindi ako naniniwalang bioang kaibigan lang. Kakasabi niya lang kanina ng lahat-lahat tapos bilang kaibigan.

Pero masyadong nang masakit ang katawan ko para makipagtalo pa.

Humiga ako at inalalayan naman ako ni Draco at kinumutan pa ako.

"Huwag mo rin sasabihin kay Lucas, baka mag-alala pa."

"Hindi talaga, dahil pupunta pa siya rito.."

"Ayaw ko ring mag-alala siya sa akin"

"Iniisip mo ang pakiramdam ng iba tapos ako hindi.."

"Dapat ko bang alalahanin ang nararamdaman mo?"

"Oo kasi....kasi....dapat" sabi niya at tumayo na.

Akala ko ay aalis siya o matutulog siya sa maliit na sofa dito. Pero umikot siya at hinawakan ang kumot bago tumabi sa akin. Hinawakan niya ba ang ulo ko bago pinag-unan ang braso niya.

Niyakap niya ako sa bewang at pumikit.

"H-Hoy! Doon ka, bakit ka tumatabi sa akin?"

"Hmm...para namang wala pang nangyayari sa atin na mas higit pa dito. Come on Serenity, pagod ka at pagod na din ako. Syempre nakipaglaban pa ako kaya pagod ang knight in shining abs at face mo. Matulog na tayo..."

"Hambog, hindi ko naman din kasalanan kung bakit ka napaaway.."

"Shh...shh...tulog na"

Tumahimik nalang ako at hinayaan siya. Para ngang wala pang nangyayari sa amin ng mas higit pa dito nga.

Ang dami naming dalawang pinag-uusapan kanina lang. Na dapat ko siyang iwasan pero eto kami. Kayakap niya ako at parang walang hindi magandang nangyari kanina lang. Nagkakasagutan kami kanina pero heto kami, tahimik na magkasamang nakahiga sa kama.

Iniiwasan ko na rin ang sarili dahil unti-unting may nabubuo sa puso ko na kinatatakutan ko dahil baka masaktan lang ako sa huli.

May mga manliligaw naman ako pero hindi ko naramdaman ang ganito. Ngayon palang at kay Draco pa.

Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may anak kami. Siguradong magagalit siya at magagalit din ako sa kaniya. Magkagalitan na kami sa isa't-isa, pero hindi niya mahihiwalay ang anak ko sa akin.

Kahit na gusto o ano ko siya, hindi ko ipagpapalit ang anak ko. Mahal ko ang anak ko at siya ang unang lalaking minahal ko.

"Sleep na...." Napatingin ako kay Draco na nakapikit parin. Nagsalita kasi siya o nagsalita siya habang tulog. Hindi na ako nagulat ng dumilat siya. Pero ang kinagulat ko ay bigla niya akong hinalikan.

"Hindi mo naman kasi sinasabi na kailangan mo ng goodnight kiss.."

Bahagya ko siyang siniko. Etong lalaking to.

"Sige na, sige na. Tulog ka na. Ilang oras nalang at umaga na..." sabi niya at pumikit na ulit.

Napatingin ako sa kisame. Minsan ay gusto kong matulog sa labas dahil gusto kong magstar gazing pero sakitin naman ako. Matagal tuloy akong makatulog kasi may katabi ako.

Nabigla ako ng umupo si Draco at medyo pinatalikod ako. Ngayon ay nakatagilid ako. Nakatalikod ako kay Draco.

"Anong ginagawa mo?"

"Para makatulog ka.."

"Huh?"

Nabigla ako ng dumampi ang kamay niya sa likod ko at ilang segundo lang ay nagsimula na siyang magkamot sa likod ko pero hindi ganuung kadiin.

Ganito ko pinapatulog ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakakatulog sila kapag ganuun. At ngayon na ginagawa ni Draco ito sa akin ay ganito pala ang pakiramdam. Nakakaantok yun.

Nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng mata ko at talagang inaantok na ako.

Naramdaman konpang hinalikan ako ni Draco sa gilid ng noo ko bago magsalita.

"Goodnight, Serenity..."

....

...

Nagising ako sa amoy ng bawang na ginigisa. Dahan-dahang umupo ako at medyo ok na yung sinuntok ako sa sikmura pero masakit ang ulo ko.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at 10:00 na pala.

Dahan-dahan lang ang bawat galaw ko dahil baka matumba ako. Masakit ang ulo ko, sobra. Parang ngayon konlang naramdaman ang pagkasuntok sa pisnge ko at nang mauntog ang ulo ko sa semento.

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Draco na nakatopless at nakaapron.

Kailan ako nagkaroon ng apron?

Naramdaman niya siguro na may taong nakatingin sa likod niya kaya humarap siya at nang makita ako ay ngumiti ito.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ito ang bungad sa akin ng umaga. Hindi ko maiwasang isipin na kapag mag-asawa kami ay ganito lagi ang bubungad sa akin sa umaga.

"Morning! Pinagluto kita. Nagising kanina ako ng mga 7 kaya nagsaing ako. Pero tulog ka pa kaya nagkape nalang ako. Lumabas ako kanina para bumili ng mga ulam. Pinainit ko nalang ang kanin. Nagluluto ako ng ulam. Kumakain ka naman ng adobo diba?"

"Sino naman ang taong hindi kakain ng adobo. Unless kung marte ito..."

"Sabi ko nga..."

Sabi niya at pinapatuloy ang pagluto.

Pumunta muna ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Napatingin ako sa salamin at napakunot sa namumula at may kunting violet sa pisnge ko. Hinawakan ko yun at medyo napangiwi ako. Mabuti nalang at hindi nagkasugat at talagang babalikan ko yung lalaking yun at talagang mapapatay ko.

Nang matapos na akong magtoothbrush ay talagang nagtagal pa ako sa paghilamos. Masakit kasi sa pisnge.

Nang makalabas na ako ay saktong naghahain na si Draco. Nakasandok na siya ng kanin at nakahanda na ang juice at kutsara. Ang ulam na nalang ang hinihintay.

Umupo sa upuan at napatingin sa kaniya. Naka-apron parin siya. Siguro binili niya na.

Inalis niya na nag apron at sinabit sa may sabitan na ginawa niya pa yata dahil ngayon ko lang nakita yun.

"Alam mo, ang swerte ng mapapangasawa mo. Marunong kang magluto.."

"Talagang swerte siya kaya sikapin mong maging asawa ako.." sabi niya at humarap sa akin at sumandal sa lababo.

Pinagmamalaki niya pa sa akin ang katawan niya.

"Hmm....gusto ko sa lalaking marunong magluto dahil hanggang itlog at hotdog lang ang kayang kong lutuin. Hmmm...mabuti na lang din at marunong magluto si Lucas..."

Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya.

Umayos siya ng tayo at tinignan ang niluluto niya at hinalo bago tinignan ako.

"Marunong siyang magluto..."

"Oo, nakatikim na ako ng niluto niya..."

Yun yung nagbirthday ako tapos may dala siyang niluto niyang kaldereta. Talagang masarap.

"Mas magaling akong magluto sa kaniya.." sabi niya at finlex pa ang muscle niya sa braso...." at mas hot pa"

Natatawang napailing nalang ako sa kaniya. Wala na siyang nagagawa sa buhay kundi buwisitin ako at guluhin ang puso't isipan ko.

....

....

Continue Reading

You'll Also Like

123K 4.9K 38
Two men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matim...
16.1K 591 37
She wants to forget the past and live the life she wants.. But still it hunts her,the mere fact that he left her memories she can't resist. Thinking...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
10.2K 260 15
Makita kang masaya sa iba ay sapat na... makita kang pinapasaya ng iba ay masaya na ako... ang makita kang nasasaktan ay mas masakit sa akin.. Nandit...