Seven Days Of Heartbeats

بواسطة dimwitlivid

1.8M 59.9K 12.5K

COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more... المزيد

00 : Prologue
01 : Skip a Beat
02 : Her life
03 : Break Up
04 : The Deal
05 : Day One
06 : Mysterious Guy
07 : Bestfriend
08 : Day Two
09 : Text
10 : Sponsors
11 : Day Three
12 : Day Four
13 : Camping
14 : Day Five
15 : His Name
16 : The Donor
17 : Day Six
18 : The Heartaches
19 : The Operation
20 : Wish Granted
21 : Day Seven
22 : The Promise
01 : The Last Day | SC1
02 : A New Beginning | SC2
00 : Recommendations

23 : The Letter | FINALE

71.4K 2.3K 319
بواسطة dimwitlivid


IAN

Gabi na nang makarating ako sa lugar kung saan gaganapin ang selebrasyon matapos ang kasal ni Aaron at ang girlfriend niyang modelo. Masaya akong sinalubong ni Song at Lance.

"What the hell, dude?! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?!" nagagalak na ani Lance. Niyakap ako at ganu'n rin si Song.

Lumapit sa amin si Dom kasama ang long-time girlfriend niyang si Heidi. Si Owen at si Aaron na kahit abala sa pakikipag-usap sa mga bisita ay nagawang magpaalam sa mga ito para magtungo sa kinaroroonan namin.

"How's life?" ngising untag ko matapos naming batiin ang isa't isa.

"Kasal na kami," ani Dom kasabay nang pagtaas niya sa kamay nila ni Heidi na mayroon nang singsing. Akalain mong ang tibay ng relasyon nila. Naging sila sophomore pa lang si Dom pero ngayon ay kasal na sila.

"Congrats!"

"Ikaw lang naman ang single dito," biro ni Song sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa. Gusto ko sanang sabihing mas gusto ko pang mag-isa kaysa bugbog araw-araw sa asawa ay hindi na ako nagsalita. Baka sapakin ako bigla. Mahirap na.

"Huh? Bakit kinalimutan niyo itong si Owen? Takbuhan ba naman ang bride niya," singit naman ni Lance.

Masama siyang tinignan ni Owen na siya namang ikinatawa naming lahat.

"I guess, first love never works---"

"Pat is my first love," inosenteng putol ni Song kay Lance. Gulat naman kaming napatingin sa kaniya. Hindi namin inaasahan ang sinabi niya. Hindi kapani-paniwala, lalo na't hindi lumipas ang araw na hindi sila nagbabangayan.

"The hell?! Seryoso?!" bulalas ni Lance.

"Ah. Hindi niyo ba alam na MU nitong si Song si Pat noong highschool? Nu'ng ma-break sila, para na silang aso't pusa. But look at them now? Aso't pusa pa rin!" ngising pag-aasar ni Dom.

"Ugh! Sinabi mo pa. Lagi akong nabu-bully nu'n, lalo na ngayong pinagbubuntis niya ang panganay namin," pagsang-ayon ni Song.

Habang nagkukuwentuhan kami ng mga naging buhay namin sa loob ng apat na taon ay lumapit sa amin ang asawa ni Aaron.

"Guys. This is Skylar, my wife," pagpapakilala ni Aaron sa asawa. Maganda ang asawa ni Aaron. No wonder, one of the well-known models.

Naalala ko noon na nahulog noon si James Aaron sa girlfriend ng kambal niya. Ilang taon din siyang hindi kumausap ng babae dahil hindi maka-move on. Okay naman siya doon kasi tanggap na niyang hindi sila pwede noong gusto niya, lalo na nagkaroon ng anak ang babae sa kapatid niya. Nagkagusto ulit siya sa isang babae four years ago. Sa babaeng gusto ni Owen. Hindi nila napapansin iyon dahil ako ang laging kasama niya noong palihim niyang pinagmamasdan iyong babae. Binibigyan pa niya ng kung ano-anong sweet na pagkain. Kaso lang, hindi rin siya nagkaroon ng chance na magtapat dahil bukod sa paghanga lang ang nararamdaman ay mukhang alam niyang gusto ng babaeng iyon si Owen.

"Honey, this is Ian, one of my college friends, and Owen. You already know these three idiots," dagdag niya, pertaining to Song, Dom and Lance. Masama namang tumingin kaniya ang tatlo.

"Sige. Ganyanan na ah? Babawiin ko na regalo kong ticket pa hongkong," ani Lance.

"Sapakan na lang tayo oh!" angil naman ni Song. Naging maingay ang buong paligid dahil sa amin. Natigil lang kami nang mapunta ang tingin namin sa bagong dating.

"Honey, Jirsten is here," masayang saad ng asawa ni Aaron. Nagpaalam siya sa amin bago pumunta sa bagong dating.

"That's Jirsten I knew, right?" tanong ko sa kanila.

"Oo nga, siya iyon," tugon ni Song.

Napatingin kami kay Owen na nakatulala lang din na nakatingin sa kaniya. Jirsten was the only woman who caught Owen's attention back in college. And the woman I mentioned earlier, iyong babaeng hinangaan ni Aaron. She was beautiful back then but she's more beautiful now. Half dutch siya kaya't kakaiba ang ganda niya.

Ang alam ko ay gusto nila ang isa't isa. I don't really know what happened to them. Hindi ako nakapasok ng ilang buwan noon dahil sa pagluluksa kay Lyn. Buti ay pinayagan nila akong mag-special exam nang bumalik ako sa pag-aaral. Sa kabutihang palad, gumraduate ako kasama ng mga ka-batch ko.

"Lapitan mo na," pagtulak ni Lance kay Owen.

Pansin ko naman ang pagbuntong hininga ni Owen. Tumingin muna siya sa amin bago tumingin sa dating nobya niya.

"Lapitan mo na," pag-uulit ko sa sinabi ni Lance. Sigawan kami nang unti-unti siyang nagtungo sa direksyon nina Jirsten.

Makalipas ang isang oras ay naiwan akong mag-isa sa table namin. Kinailangang umuwi ni Song dahil sa asawa niya habang inabala ni Lance ang pang-eentertain sa mga babaeng bisita. Bumuntong hininga na lang ako bago tumayo para magtungo sa terrace. Gusto kong magpahangin.

The sky is too peaceful right now. Bilog na bilog ang buwan at napakaraming bituin ang nakapaligid dito. Nilabas ko ang isang sobre na nakatago sa bulsa ko. A letter from Lyn. She hid it in her diary. I didn't open it until now. Nakalagay kasi na buksan ko ito sa oras na makalimutan ko na ang lahat, sa oras na mawala ang sakit na dala-dala ko ilang taon bago ko maayos ng buo ang sarili ko.

Sa loob ng ilang taon ay paulit-ulit kong binasa ang diary ni Lyn. Doon ko nalaman kung ano ang pinagdaanan niya noon, lalo na sa huling pitong araw ng buhay niya. Habang binabasa ko iyon ng paulit-ulit ay parang nararamdaman ko din ang sakit na pinagdaanan niya noon. It was my way to punish myself until I slowly forgive myself. Iyon na din siguro ang dahilan kung bakit nagawa kong mag-move on ngayon.

Bumuntong-hininga ako bago buksan ang liham niya.

Dear Ian,

How's life? I hope you're doing fine now. Hindi ko alam kung sa oras na ito ay nasa tabi mo pa ako. O kung magagawa pang tumibok ng puso ko matapos ang operasyon ko.

Isa lang ang gusto kong sabihin, sana ay okay ka ngayon....

Thank you for more than 10 years we've spent together, Ian. Alam mong isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko ay ang makilala ka. Alam mo bang matagal na kitang gusto? Hindi mo pa ako nakikilala ay gusto na kita. First year pa lang. Hindi mo kasi ako kilala noon kasi hindi tayo classmate.

Kakaiba ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita ka. Hindi ko maipaliwanag noon but now it makes sense after I've learned that the owner of my heart was belong to someone important to you.

I want to thank her if ever magkita kami sa kabilang buhay dahil binigyan niya ako ng labing-limang taon para mabuhay at masilayan ang labas ng mundong ni minsan ay hindi ko inaakalang makikita. Ikukuwento ko rin sa kaniya lahat ng mga kalokohan mo HAHA.

Ian, sorry nga pala kasi hindi ko naalagaan ang puso ng kapatid mo. Huli na kasi nang malaman ko.

But you know... At this moment, pakiramdam ko ay pagod na akong mabuhay gamit ang ibang puso ng tao. Ayaw kong may mawala na naman nang dahil sa akin. Sapat na sa akin ang labing limang taong ibinigay sa akin.

Selfish ko ba sa parteng ito? Alam ko. Madami pa kasing umaasang gagaling ako pagkatapos ng operasyon. Sina Mama at Papa, ngayon ko lang ulit nagagawang makasama sila. Tapos sina Hana, nangako akong gagawin namin lahat ng gusto namin pagkatapos ng operasyon.

Alam kong maraming malulungkot kapag wala na ako. Pero kasi naisip ko rin na parte ng tao ang mawalan. Siguro ay mauuna lang ako sa inyo. Isa pa, another operation will risk my life. Sobrang liit ng pursyento na magigising ako after.

By the way I just wished a while ago. Guess what I wished?

Hm. Hindi ko alam kung matutuwa ka dito. Nag-wish lang naman ako na sana matupad ang gustong-gusto mong mangyari sa buhay mo. Sana lang matupad. Wala naman akong ibang wish kaya sa iyo ko na lang ibibigay.

Ian, please be happy even without me. Sana sa mga oras na ito ay nagagawa mo na ang mga gusto mo. Natupad mo na ang mga pangarap na minsan na nating binuo. Hmm... Posible ring may iba nang nagmamay-ari ng puso mo sa oras na ito. Meron nang mga anak saka masayang namumuhay sa kahit maliit na tahanan.

You know I'll keep on watching you even after I'm gone. Cheer you up when you are down and loving you even in my afterlife. Mangako kang aalagaan mo ang sarili mo hah? Keep safe! I love you!

Sincerely yours,
Lyn.

Napangiti na lang ako at tumingin sa kalangitan.

Lyn, ngayon ay alam ko na kung bakit natupad ang hiling kong maibalik ang pitong araw na nawala sa akin. Nangyari man iyon sa panaginip ay para sa akin, iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Dahil sa pitong araw na iyon, ipinaramdam mo sa akin kung paano ba ang mahalin at magpatawad. Kahit sa huli mong hininga, tinuruan mo ako na pwedeng maging masaya sa pamamagitan ng pagpapatawad.

Napatawad ko na ang tatay mo. Nagkaroon din kami nang oras para pag-usapan ka. Alam mo ba kung gaano siya kasaya? Parang nagniningning ang mga mata niya habang pinapakinggan ang kwento ko. Alam kong nangungulila sila s aiyo. Bakit ka ba kasi hindi lumaban?

Bakit hindi mo ako binigyan ng pagkakataong iparamdam ulit sa iyo ang mahalin ka?

Lyn, nangungulila pa rin ako sa mga yakap mo. Gusto ko pa ring masilayan ang mga ngiti mo. Gusto ko pa ring pakinggan ang tunog ng mga tawa mo. Gusto ko pa ring hilingin na sana sa bawat paggising ko ay matatawag ko ang pangalan mo.

Lyn, walang araw na hindi ako nangungulila. Pero siguro, ginusto rin ng panginoon na kunin ka para hindi ka na mahirapan pa.

You already made me feel how to be loved. Sobra pa nga eh. And if ever there is an another life, I wish to make you feel the same. I want to love you as much as you loved me.

For now, let's just say goodbye to the story that has no happy ending.

--THE END--

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

78.8K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
26.6K 519 21
Gaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's...
150K 8.4K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
118K 2.9K 52
What will you do if you end up in someone else body?