Teenage Greek gods: The Dark...

By invadersim

15.3K 474 112

[THE FINAL BOOK OF THE SAGA] Nakabalik na si Amber, Zeus at Poseidon, pero hindi pa tapos ang lahat. Ang espi... More

Teenage Greek gods: The Dark Spirit
Chapter 1 : White Page
Chapter 2: A Gloomy Dinner
Chapter 3: The Riddle
Chapter 4: Icarus
Chapter 5 : Prophecy 2.0
Chapter 6 : Take the Reins
Chapter 7 : Puppet
Chapter 8 : Rest in Peace
A NEW BEGINNING
Chapter 9: The Funeral
Chapter 10: Letters
Chapter 11: The Lone Poseidon
Chapter 12: The Prisoner
Chapter 13: Under

Chapter 14: Mentors and Helpers

130 14 7
By invadersim

AFTER ALMOST A YEAR! I'M REALLY SORRY YOU GUYS! :(

The story so far...

Matapos ang pagkawala ni Hestia ay tumungo si Poseidon sa templo ni Mentor, isang dating kaibigan....

Nalaman ni Zeus, Pan, at Kat na ang Labyrinth ni Daedalus ay pwedeng maging lagusan patungo sa lair ng Fates...

Si Hestia ay buhay sa Tartarus. Naalala niya ang lahat at kailangan niyang humanap ng paraan para makatakas dito at harapin ang mga Fates...


Chapter 14 – Mentors and Helpers

"Tsaa? Sure!"

Ito ang sinabi ni Poseidon sa tanong ng kanyang kaibigan. Nakangiti itong naglakad papalayo, patungo sa isang mababang mesa kung saan may teapot at maliliit na ceramic na baso. Nang makita ni Poseidon ang pusyaw na berdeng tsaa na nanggagaling sa teapot ay bumalik siya sa nakaraan. Noong madalas siyang bumisita rito upang matikman ang tsaa at marinig ang mga payo ng kanyang kaibigan.

"Heto, Poseidon.", inabot sa kanya ito ng matanda. Kinuha ito ni Poseidon at humigop.

"Katulad ka pa rin ng dati, Mentor."

"Masyado ka namang mabait sa akin, Poseidon.", sabi ni Mentor habang paupo sa tabi ni Poseidon.

Binaba ng sea god ang tsaa at umayos nang upo. "Ah. Ang sarap. Ganun pa rin ang lasa at ganun pa rin ang lugar. So peaceful, so calming. It reminds me of the sea."

"At tulad ng dagat, this place can be also dark and rough.", dagdag ni Mentor. "Bakit ka nandito, Poseidon?"

"Hindi mo pa alam? Knowing you --"

"Of course I know, sea god. Ngunit gusto kong manggaling mismo mula sa iyong puso palabas ng iyong mga labi."

Umubo si Poseidon at huminga nang malalim. "I suddenly can't take it anymore, Mentor. Parang –parang biglang bumagsak sa mga balikat ko ang lahat ng sakit. I thought I could make it, but the pain – it's unberable. Hindi ko na kaya – si Guardian, our family. It's like after eons, napagod na lang ako bigla. Ayaw ko na. Ayaw ko na ng responsibilidad."

Tumango si Mentor at umahon mula sa pagkakaupo at naglakad-lakad sa harap ni Poseidon. "Naiintindihan ko ang mga hinaing mo, Poseidon. At walang mali na maramdaman mo ang mga bagay na iyan. Ang pagiging imortal ay parehong regalo at sumpa, pero nasa sa iyo kung ano mas mararamdaman mo."

"Ano ba ang kailangan kong gawin?"

"Hmm. Wala naman, kaibigan. Madalas, kapag pinipilit mong maramdaman ang maging normal ay mas lalong nagiging abnormal ang pakiramdam. Hayaan mong panahon ang maghilom. Walang madaling paraan. Pero matutulungan kita sa pamamagitan ng isang bagay upang mahanap ang kailaliman ng iyong pagkatao."

"Paano? At bakit ko naman kailangan ito?"

"Para gumaling ka ay kailangan mong malaman ang sakit. At kadalasan ang sakit ay nasa kaibuturan ng iyong espiritu."

"Gagawin mo ba ang tulad ng dati? Noong panahong pumupunta ako rito para tumakas sa gulo ng palasyo at mahanap ang kasiyahan na nakatago sa sarili ko?"

"Tama, kaibigan."

Umupo muli si Mentor sa tabi ni Poseidon at tumingin dito. "Handa ka na ba?"

Huminga nang malalim si Poseidon at hinawi ang kanyang buhok. "Handa na ako."

Walang anu-ano'y itinaas ni Mentor ang kanyang kamay at binagsak ito sa ulo ni Poseidon.

Tila may napakatingkad na ilaw ang iniharap sa mga mata ni Poseidon. At biglang wala na siya sa templo.

***

Malakas na nagkukuskos ng inidoro si Hestia nang tumabi sa kanya si Mouse na may dala ring sponge para maglinis ng kabilang inidoro.

"Kumusta ka?", tanong ni Mouse. "How's cleaning toilets like?"

"Sanay naman ako sa ganitong bagay.", sabi ni Hestia. "Mahirap lang minsan madatnan yung mga inidorong hindi nagflush yung huling gumamit."

"I know the feeling.", lumunok si Mouse. "So, handa ka na ba para mamaya?"

Napatigil si Hestia at tumingin sa paligid para masiguradong walang nakikinig. Walang tao maliban sa kanila.

"Handang handa na ako.", giit niya.

"Good. The plan will go as we talked about. Pupunta si Regina sa control room para nakawin ang susi --"

"Teka, paano naman niya gagawin --"

"She uses her sexuality. But don't judge her for it. She will only do it to help you. Si Regina ang isa sa pinakamaganda dito. At ang Warden ay tipo siya matagal na."

"Okay, naiintindihan ko. Sana maging maayos lang siya."

"For sure! Dahil saglit lang ang pagkuha niya sa susi at ibabalik niya rin sa Warden."

"Bakit ibabalik? Hindi ko maintindihan."

"During my time at the workshop here, I've made some sort of a 3D printer. We'll scan the key and make a replicate."

"Paano niyo malalaman kung anong susi?"

"Isa lang naman ang lagusan dito palabas. Napupunta tayo dito gamit ang old magic at hindi sa pintuan. At ang nagiisang lagusan dito ay nasa lugar ni Hera."

Lumubog ang puso ni Hestia. Paano na ito? Kailangan niyang pumasok sa headquarters ni Hera para makalabas dito?

"Sigurado akong madaming guwardiya doon. Paano akong --"

"Yun lang ang problema. Tila hindi ka namin matutulungan doon, Hestia. Dahil abala kami sa ibang bagay para madistract ang lahat. Si Charlotte ay gagawa ng away sa mess hall para mas madali kang makaalpas."

Napalunok si Hestia. Napansin niyang puno na siya ng pawis. "Sige, pagiisipan ko kung paano makalagpas kila Hera at --"

"HOY!"

Tumindig ang balahibo ni Hestia. Sa pintuan ay isang guwardiya. Minotaur ito na nakausot ng uniform. Kulay itim at tila galit na galit. "Sinong nagsabing magdaldalan kayo, ha? Balik sa trabaho!"

"Uh, opo!", nakangiting sabi ni Mouse. Tumingin siya kay Hestia nang nawala na ang Minotaur at bumulong. "We'll start at 6pm. Dinnertime."

***

"Anong lagusan ang papasukan natin?", tanong ni Zeus.

Nakatayo pa rin silang tatlo, sa animo'y isang malawak na atrium na gawa sa bato, kaharap ang apat na lagusan na magkakapareho lang itsura. Bilog at may mainit na hangin na dumadaloy mula rito.

"Ang alam ko is we should never split up.", sabi ni Pan.

"Nasa surface pa lang tayo ng Labyrinth. Pag mas lumalim tayo, mas matindi ang mga kakaharapin natin. At tulad ng sinabi mo, Pan, we should never split up.", sabi naman ni Zeus.

"Obviously, this is a trick. Kahit ano sigurong pasukin natin ay may kakaharapin pa rin tayo. Hindi ako makapaniwala na nasa loob tayo ng Labyrinth. All my years exploring, ito talaga ang pinakaaasam kong mapuntahan at ngayong nandito ako hindi ko alam ang mararamdaman ko..."

Tinignan siya ni Zeus. Naiintindihan niya. Mahirap ipaliwanag. Mabigat ang lahat. Wala si Hestia, si Poseidon, at hindi biro ang kanilang mga kalaban...

"So, ano sa tingin niyo?"

"Kahit ano naman siguro ang daanan natin dito ay may hatid pa rin itong panganib.", ang sagot ni Pan.

"Okay, magsimula tayo sa gitna.", desisyon ni Zeus.

Nagbuntong hininga si Pan at Kat at sinundan si Zeus sa malagim na lagusan. At tulad ng inaasahan nila ay madilim dito at basa ang pakiramdam. Mabuti na lang ay may dalang matches si Pan at gamit ang kahoy at ilang tuyot na dahon ay nakabuo si Kat ng torch. Ang mga pader ng tunnel ay gawa sa bato at punong puno ng lumot at gumagapang na mga baging. Nagpatuloy sa paglalakad. Ang mga minuto ay humaba sa oras pero tila hindi nauubos ang tunnel. Hangga't sa huminto si Zeus.

"Mukhang walang katapusan ito." Tumingin siya sa dalawa niyang kasama. "Magpahinga muna tayo para mag-ipon ng lakas at mag-isip ng stratehiya."

"I miss the wild." bulong ni Pan.

"Hindi ko na mabilang kung ilang tunnels ang napuntahan ko para sa eksplorasyon." sabi naman ni Kat sa hangin.

Bumuo sila ng apoy at umupo, ang kanilang mga likod ay nakadikit sa pader.

"Anong iniisip mo, Master Zeus?" tanong ni Kat habang nililinisan ang kanyang kukri knives. Napantingin naman si Pan na may hawak na journal at tila ginuguhit ang lugar kung nasaan sila.

"Lahat. Hindi ko na alam kung anong uunahing isipin. It's just – may isang bagay lang ang bumabagabag sa akin."

Naghintay si Kat at Pan ng kadugtong.

"It feels like we wouldn't survive this."

"Bakit napaka-negatibo?" tanong ni Pan na sinara na ang journal.

"Fates. Fates ang kaharap natin dito. Hindi lamang si Minos. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin once makaharap natin ang tatlong hukluban. Pasensya na at hindi ko ma-boost ang inyong morale."

"Naiintindihan namin." sabi ni Kat na dumampi ang mga kamay sa kamay ni Zeus. "Basta nandito lang kami para lumaban katabi ka."

Gustong bumuhos ng luha ni Zeus. Sa tipikal na pagkakataon ay si Hestia ang kausap niya dito at nakatayo si Hades nakikinig habang si Poseidon naman ay may kalokohang ginagawa. Oh, what he would give to get back to those simpler times.

"Salamat. Basta sa oras na ito ay magpahinga tayo para makapagisip tayo kung paano natin malalakbay ang maze na ito ng maayos at kung paano natin mahahanap ang lagusan patungo sa Fa --"

Napatigil sila sa isang pagyanig. Walang anu-anong tumayo ang tatlo.

"May paparating." sabi ni Pan. "Nararamdaman ko."

"Get ready." sabi ni Zeus sa kanilang dalawa.

"Lagi akong handa." sagot ni Kat na nakataas na nga ang mga kukri knives at naka-stance.

"Whatever it is. It's big." bulong ni Pan.

Biglang may mainit at masangsang na hangin at humampas sa kanila. Yumanig ang mga pader – na animo'y nagcracrack na. May malakas na kaluskos. Parang kung anumang papalapit sa kanila ay gumagapang at ang balat nito ay tumatama sa pader at sa lapag.

Nakita ni Zeus na nilabas ni Pan ang kanyang harmonica. Gagamit ito ng nature magic. Kung ano man ang paparating ay mukhang seryoso. Si Zeus naman, sa isang pihit niya lang ng kanyang braso ay lumabas ang kanyang lightning bolt. Nagliwanag ang lugar – electric blue. At dahil sa ilaw na ito ay nakita na nila ang mukha ng papalapit sa kanila. Tila isang higanteng ahas at nakanganga na ito.

"Ilag!" sigaw ni Zeus nang animo'y kumagat ang higanteng ahas na mayroong matutulis na sungay sa mukha. Ang ulo nito ay sakop ang buong lagusan. Kumagat ito sa direksyon ni Kat na mabilis na dumapa. Hindi na siya naghintay pa, sinaksak niya ang kukri knives dito pero mabilis din ang serpent dahil nakailag ito pero nadaplisan ang gilagid nito. Mukhang nagalit ito dahil ito'y bumulahaw. Ang laway nito ay tumalisk sa kanila.

"Move!" command ni Zeus.

At sila'y umurong, habang ang halimaw ay papalapit sa kanila. Ang kanilang mga gamit ay natabunan na ng katawan ng serpent, ang mga basang scales nito ay dumampi sa apoy na ginawa nila. Nawala ito at ang tanging source of light na lang ay mula sa lightning bolt ni Zeus na ginamit niya para kuryentehin ang halimaw. Napahiyaw ito muli sa sakit. Nagsimulang tumugtog si Pan ng kanyang harmonica at may mga simulang tumubong baging mula sa lupa at pumulupot sa serpent ngunit malakas ito, kaunting galaw lamang nito ay natatanggal niya ang kanyang katawan mula sa pagkakabigkis. Sumaksak muli si Kat at sa oras na ito ay natamaan na ang serpent sa mata, may dugo. Napahinto at ang mga sungay nito sa mukha ay tumaas, mas tumulis. Uh-oh. Mukhang mas galit na ito.

"Oras na!" sabi ni Zeus, wala nang hinihintay pa. Tinaas niya ang kanyang lightning bolt upang tupukin muli ito pero mas nauna ang serpent na buksan ang kanyang bibig at mula rito ay isang mainit na likido. Tumama ito sa kanilang mga damit at balat. PSHHHHH! Mahapdi ito at umuusok.

"Ah!" sigaw ni Pan. "Asido!"

Napaluhod si Kat habang ang asido ay kumakain sa armbands niya.

Masakit ang ulo ni Zeus. Kinapa niya ito ay napansin na wala na siyang buhok sa isang parten ito.

"Bwisit ka!" galaiti ni Zeus. Tinaas niya muli ang kanyang lightning bolt at tila may hawak siyang baril na paulit-ulit binaril ang serpent. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Wala nang oras pa para kumagat o magpatalsik ng asido ang halimaw dahil sa pagtama ng kuryente sa kanya. Sa pang sampung tama ay napabulahaw ang halimaw bago ito bumagsak. Nangitim na ang mukha nito at ang ulo niya ay umuusok.

"Ayos lang ba kayo?" sabi ni Zeus, hinahabol ang kanyang hininga.

"Good thing the acid didn't cut through the skin." sagot ni Pan.

Tumayo na si Kat at bumuntong hininga. "Parang buhay pa ang isang ito."

"Subukan niya lang at tutustahin ko pa siya. Hindi ako makapaniwalang ginawa mo iyon sa god the sky!"

"Now what? Should we just head --"

Hindi na natapos ni Pan ang sinabi niya dahil humaba ang ulo ng serpent at ang mga pangil nito ay nasa balikat ni Pan. Napasigaw si Kat sa gulat. Nanlaki ang mata ni Zeus pero agad itong kumilos. Lumutang ito sa ere at sinipa ang ulo ng serpent paalis sa pagkakakagat niya kay Pan. Tumalsik at tumama ang ulo ng halimaw sa pader.

"Back off. Tatapusin ko na ito."

Tinutok ni Zeus ang kanyang lightning bolt dito. "Arghhh!"

May matinding pagsabog. Ang halimaw ay nagkalasug-lasog. Ang laman loob nito at apoy ay naghalo at nagpatalsik ito sa mga katawan ni Zeus, Kat, at Pan. Inaasahan nilang babagsak sila muli sa lupa ngunit sa lakas ng pagsabog ay lumusot sila palabas ng tunnel at sila'y nahuhulog. Isang segundo lang nakita ni Zeus ang itim na tubig bago siya bumagsak dito at naramdamang magkabali-bali ang kanyang mga buto.

***

Sobrang tingkad ng ilaw na akala ni Poseidon ay naglalakad siya sa kwartong ang lapag at ang bawat pader ay puti ang pintura. Ano bang nangyayari?

"Mentor!", sigaw ni Poseidon. "Nasaan ba ako?"

Narinig ni Poseidon si Mentor na sumagot, na para bang may boombox sa paligid. Napayuko siya sa gulat.

"Kaibigan, maglakbay ka."

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

Ngunit hindi na sumagot pa si Mentor. Napakamot naman ng ulo si Poseidon at napasipa sa lapag. At pagkasipang pagkasipa niya ay nagbago ang lugar. Hindi na ito puti. Nasa lugar siyang hindi na niya maasahang makitang muli.

May tahimik na ingay ng dumadaloy na tubig at pagaspas ng mga ibon sa mga puno. Ito ang courtyard ng Mount Othrys. Pero bakit siya nandito? Ito ang tirahan nila noong bata pa sila...anong ibig sabihin nito? Bumalik ba siya sa nakaraan?

Nakarinig siya ng tawa. Lumingon si Poseiodn at naglakad at habang naglalakad siya ay mas lumalakas ang tawa – tawa ng isang bata. Isang tawang pamilyar sa kanyang utak at puso.

Tumatakbo ang batang Poseidon. Tila may humahabol dito at siya'y tuwang tuwa. Ang kanyang maiiksing mga paa ay pilit tumatakas sa babaeng matangkad na mayroong kulay kahoy na buhok at mukhang parang perpketong nililok.

"Mahuhuli na kita, Poseidon!"

"Huwag!", sigaw ng batang Poseidon habang tumatawa.

Ang batang Poseidon ay nakasuot ng maliit na armor at may hawak na espadang gawa sa kahoy. Di kinalaunan ay nahuli siya ng babae at binuhat siya nito at kiniliti. Napasigaw na lang ang batang Poseidon sa tuwa at sila'y gumulong sa damuhan.

"Mama, tama na!"

"Oh sige, basta kakagatin ko ang pisngi mo! Rawr!", kinagat nga ito ng babae at si Poseidon ay napatili na naman sa tuwa.

Matapos nito ay nahiga lang sila sa damuhan, ang kanilang mga dibdib ay tumataas baba dahil sa hingal.

"Napagod ako, Mama Rhea."

"Ikaw pa ba, anak? Ni tila hindi ka nauubusan ng enerhiya.", sabi ni Rhea na tumayo na at inabot ang kanyang kamay kay Poseidon upang itayo rin ito. Naglakad ang dalawa patungo sa ilalim ng isang puno at sila'y umupo.

"Mama?", pagtawag ni Poseidon kay Rhea.

"Ano iyon?"

"Hmm, makakasama ba kita habang buhay?"

"Maaari. Kakaibang nilalang tayo, Poseidon. Pwede tayong mabuhay nang walang hanggan o kaya'y mawala na walang kahit isang makaalala sa atin."

"Pero, mama, gusto ko kasama kita habang buhay!"

"Makakasama mo naman ako habang buhay, anak. Diyan sa mga ngiti mo. Sana iyan ang maging lagi mong alaala sa akin."

Napahikab ang batang Poseidon at maya-maya pa'y nakapatong na ang ulo nito sa lap ni Rhea, at si Rhea naman ay nagsimulang humuni. Isang paghele, habang sinusuklay ang buhok ng nakapikit nang si Poseidon gamit ang kanyang mga kamay.

"Si Mama...", sabi ng Poseidon na nanonood sa kanila. "Bakit ko ito nakikita? Mentor?!"

Tumalikod si Poseidon sa eksena at nagsimulang tumakbo. At nagbago na naman ang lugar. Nasa harap siya ng isang higanteng mga pintuan. Nakabukas ito nang bahagya. Madilim sa loob at tanging ilaw lang mula sa maliliit na apoy ang nagpapaliwanag dito. May dalawag pigurang gumagalaw sa loob, na parang mga aninong sumasayaw sa dilim.

"Huwag mo akong didiktahan, Rhea! Ako pa rin ang King of the Titans!"

"Alam ko, Kronos. Tanging binibigyan lamang kita ng payo. Bilang asawa mo, bilang kaibigan."

"Hindi ko kailangan iyan, Rhea. Ang kailangan ko ay manahimik ka at alagaan ang mga bata. Madami akong hinaharap na problema – sa mga Titans na yan na pilit umaagaw sa aking trono. Huwag ka nang makisabay! Ang tulong mo na lang sa akin ay huwag makialam."

"Kung gayon ay hindi mo pala ako kailangan. Hindi ako alila, Kronos. Kung gusto mo mamuno mag-isa. Ibibigay ko sayo."

May mga pagyabag papalapit sa mga pintuan. Napaurong si Poseidon.

"Saan ka pupunta?!", rinig ni Poseidon na sigaw ni Kronos.

"Bitiwan mo ako!", sigaw naman ni Rhea.

"Walang aalis! Sa akin ka!"

Nakarinig si Poseidon nang matinis na tunog ng balat na tumama sa balat at isang pagkalabog. Sumilip siya at nakita si Rhea na nakahandusay sa lapag. Tumingala ito.

"Hindi ko na kaya ito, Kronos, kung di ka magbabago ay ako'y lilisan na lamang."

Katahimikan. Tila nagiisip si Kronos. Hanggang sa...

"Patawarin mo ako. Nadala lamang ako ng emosyon."

"Pasensya na, Kronos, pero magpapadala rin ako sa aking emosyon."

Bumukas ang pinto. Napaurong si Poseidon ngunit natamaan pa rin siya nito. Ngunit hindi siya nasaktan o kung ano pa man dahil ang pinto ay tumagos lamang sa kanya. Lumingon siya at nakita si Rhea na tumatakbo palabas habang si Kronos ay nakatayo sa loob ng throne room, mukhang tinatraydor ng oras habang tumatagal.

"Bakit ko ito nakikita? Mentor!", sumigaw muli si Poseidon. Ngunit kagaya nang kanina ay wala pa ring sagot ang kanyang kaibigan.

Nagsimulang maglakad palayo si Poseidon at ang kanyang paligid ay naging parang pinunit na pahina mula sa isang libro. Nagbago na naman ang eksena. Naamoy niya ang mabangong halimuyak ng dagat at narinig ang ingay ng mga seagulls. Nasa dock siya ng Mount Othrys at sa hindi kalayuan ay kita niya si Rhea at ang 12 year old niyang sarili.

"Mama, wag mo akong iwan!", umiiyak si Poseidon at yakap yakap ang kanyang ina.

"Poseidon! Man up! You are of age. Kailangan mo nang mabuhay bilang isang god."

"Hindi! Ayoko nito! Gusto ko lang ikaw ang makasama, mama!"

Tinanggal niya ang pagkakayakap ni Poseidon at isinuot sa ulo ang suot na balabal.

"Kalimutan mo na ako, Poseidon. Iyan ang makakabuti sa iyo."

"Sabi mo habang buhay tayong magiging magkasama, pero bakit mo ako iiwan?"

"Hindi fairy tale ang buhay natin, Poseidon. At ang sinabi ko noon, na sana maaalala mo ako sa iyong mga ngiti? Kalimutan mo na iyon. Paalam."

Nagsimulang maglakad si Rhea patungo sa barkong nakadaong. Napaluhod ang 12 year old na Poseidon, may mga malalaking patak ng luha na dumadaloy sa kanyang pisngi.

Sa kinakatayuan ni Poseidon ay nakikita niya ang mukha ni Rhea. Akala niya noon ay walang emosyong naglalakad papalayo si Rhea pero ngayon nakikita niya na lumuluha rin ito.

"MENTOR!", sumigaw si Poseidon. "Ipaliwanag mo sa akin ito! Bakit masasakit na alaala ang pinapakita mo sa akin?!"

"Poseidon."

Boses iyon ni Mentor. Umikot si Poseidon at inaasahang makitang nakatingin sa kanya si Mentor. Pero hindi. Nasa templo na siya muli. Ang tanging pagkakaiba lang ay hindi ito madumi o puno ng lumot. Maaliwalas ito. At sa harap niya ay mga teenagers na nakasuot ng tunic, ang isa dito ang kanyang batang sarili – mga 15 year old yata siya nito at ito ang kausap ni Poseidon.

"Mentor?", sabi ng batang Poseidon.

"Kakaiba. Bakit ang prinsipe ng Mount Othrys ay nandito? Ang lugar ng mga monghe ay hindi para sa isang diyos."

Tumayo ang batang Poseidon mula sa pagkakaupo at tinignan ang mga kasamahan niyang naghihintay ng sagot.

"Narinig ko ang mga usapan na...na kaya mo daw humanap ng tao sa pamamagitan lamang ng isip at kaya mo itong gawin sa ibang mga tao."

"Mukhang mali ang mga balitang iyong narinig, god of the sea. Ngunit kahit ganon, gusto ko pa ring malaman kung ano nga ba ang pinunta mo dito?"

Napalunok ang batang Poseidon. "Ang aking ma – este, ang aking ina, gusto ko lang malaman kung nasaan siya. Ilang taon ko na siyang pinipilit hanapin ngunit wala akong mahagilap na kahit isang impormasyon tungkol sa kanya."

"Hmm."

Naglakad si Mentor papalapit sa kanya. "Maaari kitang matulungan, pero hindi sa paraang inaasahan mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko kayang malaman kung nasaan ang nagtatagong tao. Hindi ako saykiko, Poseidon. Pero kaya kong ipakita sa iyo ang iyong nakaraan at hinaharap at doon mo malaman kung makikita mo pa ba ang hinahanap mo o hindi."

"Paanong --"

"Hindi ito madali, Poseidon. At maaari itong sumira sa iyong isip at espiritu."

"Handa ako!"

"Kung gayon, tayo'y magsimula na."

Hinawakan ni Mentor ang ulo ni Poseidon at tila siya'y nasagasaan nang rumaragasag karwahe. May mga imahe, mga salita, mga mabibilis na pangyayari ang nakita ni Poseidon.

Nakita niya si Kronos at Zeus sa throne room. Nagsisigawan ang dalawa. Naglabas si Zeus ng lightning bolt habang si Kronos ay napatayo mula sa kanyang trono. Nakita rin niya ang madidilim na ulap sa Mount Othrys. Mga pagsabog. Mga nagtatamang mga espada.

"Ang Titanomachy.", bulong ni Poseidon.

Nakita niya ang sarili niya na lumalaban. Hinahagip ang mga kanyang katunggali gamit ang tubig. Kumulog. Kumidlat. Nakita niyang naglalaban si Zeus at Kronos sa throne room. At si Rhea, dumating si Rhea...pinilit niyang pigilan ang dalawa. Ngunit wala itong talab. May pagsabog. At nakita niya si Rhea, nakahandusay at ang kanyang sarili habang hawak ang walang buhay na katawan ng kanyang mama...

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. May mga imahe ulit – mabibilis, umeeskapo sa kanyang mga mata. Nakita niya ang pagtatapos ng giyera. Ang ruins ng Mount Othrys. Si Kronos at Zeus na nagkakamayan. Ang pagbasa ng bagong decree. Mga barkong naglalayag. Ang paglipat sa Mount Olympus. Ang kuya niyang Hades na nanonood lang mula sa mga anino. Ang kanilang paghahari sa iba iba nilang domain.

Lumipas ang mga eons. Nakita niya council. Nagtatalo si Zeus at Hades, ngunit sa pagkakataong ito ay tila si Zeus lang ang pinakagalit. "Manatili ka na lang sa yungib mo!" Umalingawngaw ang boses ni Zeus sa tenga ni Poseidon. Sumugod si Hades kay Zeus. Tumakbo si Poseidon sa harap nila upang umawat. Dumating si Kronos.

Nakita ni Poseidon na nalalaglag sila mula sa ere. Bumagsak sila sa isang bayan. Si Amber. Si Guardian Amber. Pinatuloy sila nito sa kanilang bahay.

At dumating ang Hera-Olympians War. Ang pagkamatay ni Hades. Ang pagkasira at pagkabuo muli ng Mount Olympus. Ang pag-atake ni Daedalus. Ang pagkamatay ni Hestia. Ang paglisan ni Poseidon mula sa Mount Olympus at ang muli nilang paghaharap ni Mentor.

Akala ni Poseidon ay tapos na ang lahat pero may mga nakita pa siya, ngunit malabo ito at mabibilis ang mga imahe. May tatlong nilalang sa madilim na kuweba at kumakalaban sila ng isang serpyente. Nakita niya rin ang isang babaeng kumikinang – ang mukha nito, ito ay...ito ay si Hestia! May kinakalaban itong isang babaeng tila kuba. Napunta siya sa Mount Olympus. May mga apoy. May mga taong nagtatakbuhan. At sa isla ay may nakatayong higanteng nilalang na tila gawa sa tanso at sa braso nito ay nakatayo si King Minos, sa kanyang human form at sa tabi niya ay ang espiritu ni Daedalus na nakakulong sa isang globo.

May tumulak kay Poseidon. Masakit na tumama ang kanyang likod sa semento. Dumilat siya at nakita si Mentor na inaabot ang kamay sa kanya. Kinuha ito ni Poseiodn at siya'y tumayo.

"Anong nangyari? Nasaan ako?"

"Nakabalik ka na, kaibigan."

"Ano iyon! Anong ginawa mo sa akin, Mentor?"

"Naglakbay ka sa spiritual realm, kaibigan. Nakita mo ang mga sinulid ng iyong buhay. Ang nakaraan, ang ngayon, at ang mga darating pa."

"Kung gayon, nakita ko ang lahat ng iyon noong una kong punta sayo?"

"Tama."

"Pero, bakit, ngayon ko lang naaalala? Bakit hindi ko sinabi sa kanila noon ang mga pangyayari?"

"May dahilan, kaibigan. Naglakbay ka gamit ang iyong espiritu at pagkabalik mo sa iyong pisikal na porma ay unti-unti mo itong nakalimutan. Dahil ang naaalala ng espiritu ay nakakalimutan ng pisikal. Ngunit kahit ganoon, ang lahat ng nakita mo ay nakatago lang sa likuran ng iyong isip at espiritu, sa iyong conciousness. Tingin mo bakit ka naging masiyahin, Poseidon? Dahil alam ng isip, puso, at kaluluwa mo ang mga magaganap. Maaari mo itong tawaging 'coping mechanism'."

Napabuntong hininga si Poseidon.

"Nakita ko si Hestia! Buhay ba siya?"

"Maaari."

"Ang Mount Olympus. Magkakaroon ng atake. At si Zeus, nakita ko rin siya. Kailangan ko silang balaan."

"Maaari, kaibigan. Pero kailangan mong malaman na ang nakatahi na ay mahirap nang tastasin."

"Salamat, Mentor. Pero kailangan kong subukan. Para sa aming pamilya."

"Magiingat ka."

Tumalon si Poseidon upang yakapin si Mentor. Natawa naman ang kanyang kaibigan.

"Humayo ka na. Kakaunti na lang ang oras."

Tumango si Poseidon at sinuot ang kanyang straw hat at binigkis ang bolo sa kanyang sarili.

TO BE CONTINUED

WE GOT 4 MORE CHAPTERS TO GO BEFORE THE END :) THANKS FOR THE SUPPORT!

Continue Reading

You'll Also Like

24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
3.2M 233K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...
62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...