Strange Love (Vampire Series...

By YourUndefeatedAuthor

5.1K 291 47

They say vampires and werewolves are only in fiction. Yeah I agree with it but some still believes with those... More

AUTHOR'S NOTE
Strange Love
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 (under editing)
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Chapter 16

70 5 0
By YourUndefeatedAuthor

Chapter 16: Enrollment

Sabrina's P.O.V

Kakauwi palang namin ng Tenement at sinalubong naman kami nila Tita Cassandra kanina kung maayos naba ang lagay ko.

Alam kong hindi naman masyadong malala ang tama ko at mabuti nalang hindi ako nagka pasa sa mukha.

Naka higa na ako dito sa kama ko. Nakaharap ako sa kisame at nag iisip.

"Sabrina, just chill. It's all right" pagpapagaan ko sa sarili ko. Bakit kasi palagi ko nalang napapaginipan ay tungkol sa mga lobo at bampira?

Lumabas nalang ako ng kwarto namin para uminom ng tubig. Abala silang lahat ha. Ano kaya yun?

"Girls, abala yata kayo? " Tanong ko sa kanila habang umiinom ng tubig.

"Malapit na diba ang pasukan." Ani Cail habang abala sa pag-kakakalikot ng phone nya

"So?" I asked.

"So, hindi pa tayo nakapag pa-enroll. Like next month na talaga ang pasukan."

Shit lang. Akala ko pa naman wala na kaming problema. Nakalimutan ko pala ang enrollment.

"Oo nga! Saan ba tayo this year?" Tanong ko at umupo sa tabi nya.

"Wait, naghahanap pa kasi ako."

Sana lang talaga makahanap na agad kami ng University na hindi naman masyadong mahal ang tuition.

"Girls! Tingnan nyo to dali!" Tawag sa amin ni Layt.

Lumapit naman kami sa kanya at ipinakita nya yung screen ng phone nya.

"Manila International School or MIS. Open for enrollment anytime you want. All you need is to kindly fill up the forms and submit your files... We're delighted to educate you at all cost." Basa ni Cail.

"So, ano na guys. Pwede tayo dito nalang mag aral." Exited na tugon ni Layt. Pwede nga naman.

"Magkano ba ang tuition?"

"Wait, tingnan ko."

Binasa nya ulit ito at nag antay kami ng tugon nya "Twenty thousands pesos kada semester. Saka libre na ang mga libro."

"Talaga? Tingnan mo pa nga ulit kung kailan ang enrollment." Tanong ulit ni Cail.

"For senior-high-school students... Saturday and Sunday." Bukas na yun ha.

"Bukas na. Ihanda nyo na girls lahat ng mga documents nyo. Aalis na tayo bukas."

Lahat sila ay sobrang bibilis kumilos habang ako, lakad zombie lang. Sa totoo lang, hindi pa ako handa para dyan. Ngunit, kailangan. Tumatanda na nga ako. Malapit na ako nang legal age.

Pumunta nalang ako sa kama ko at nahiga. "Bakit naka higa ka pa dyan Sab. May iba ka pa bang nararamdam?" Tanong sa akin ni Kim. Tumingin naman ako sa kanya.

"Wala naman." At bumaling ulit ako sa taas ng kisame.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango naman ako. "Syempre naman." At umupo na muna ako sa kama ko.

"Sige, basta huwag kang mahihiyang mag sabi sa amin ng mga problema mo Sab. I'm always here for you." She said so I reached her arms and hug her.

"Thanks," I said softly.

"Mag aayos na ako ng mga gamit na dadalhin ko bukas. Mag ayos kana rin."

Napatango naman ako. Kinuha ko na muna yung phone ko. Matagal ko na rin pala itong hindi ginagamit. Baka may mga messages pa akong hindi pa nababasa.

Pagka open ko nito ay sunod sunod naman itong tumunog.

"Sabi ko na nga." Pumunta agad ako sa messages. Bumungad sa akin ang sandamakmak na messages ni Kuya Sevi. Shocks.

From Kuya Gwapo:

Sab, Where are you?
—at 6:45 A.M.

Hey! Answer my calls!
—at 6:50 A.M.

If you don't call me back, pupunta ako dyan.
—at 7:00 A.M.

Lagot. Tiningnan ko naman ang mga calls nya sa akin at

Kuya Gwapo - 30 missed calls

"Paktay!" Tinawagan ko agad sya dala narin ng katarantahan ko.

Hindi pa nga nakaka dalawang ring ay nasagot nya agad.

"Hello! Sab!" Sigaw ni Kuya Sevi sa kabilang linya.

"H-hello k-kuya?" Kinakabahan kong sagot.

"Alam mo ba kung ilang beses akong tumawag. Ha?!" Galit na talaga sya.

Paano na yan? Ano ang sasabihin ko? Sabihin ko nalang na na low battery ang phone ko. Tama.

"Sab! Sabrina!? Hindi kaba mag sasalita? Gusto mo bang pumunta ako dyan?"

Crap, kinakabahan ako. Ayaw ko kasing mag sinungaling kay Kuya.

"Na low bat kasi K-kuya i-itong phone ko kaya hindi ko nasagot ang mga tawag mo." Sa wakas, nakapag salita narin ako.

"Sigurado ka?! Tell me the truth Sab. Impossibleng mag hapong naka charge yang phone mo." Gosh, bakit hindi ko naisip yun.

Isip Sab, isip... Aha!

"Naghanap rin kasi kami nang mapapasukan naming school." Hay, ang dami ko nang kasalanan. Sana maniwala si Kuya.

"Are you sure?" Naninigurado nyang tanong.

"Opo."

"Okay. Take care of yourself. And are you okay?"

Hindi. Hindi ako okay. Gusto ko sabihin lahat kay Kuya. Ngunit, natatakot ako kung anong gawin nya. Tsaka, kinakabahan rin ako.

Hindi ko na napansin na may mga luha na palang tumutulo sa aking pisngi.

"O-opo Kuya. Maayos ako dito." Tuloy tuloy pa rin ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Pinipigilan ko namam ito pero ayaw talaga mag patinag.

"Sige. Always remember that I will be on your side. Even I'm not there. Okay? Be safe. And I love you, little sis." Dahil sa sinabi ni Kuya, ako ay nabuhayan. Hindi na ako mag papa-api pa. Magiging matatag na ako.

"Thank you, Kuya. I will be fine here and I love you too." Pagkasabi ko nun ay tinapos kona ang tawag.

Humiga naman ako sa kama ko at doon ko na binuhos ang lahat ng luha ko. Sana naman bukas maging masaya na ang araw ko.

Natulog nalang ako mag hapon dahil bukas ay aalis kami.

———

I just woke up and sipped a cup of tea first before we leave later.

"Sab, uminom ka na ba ng gamot mo kagabi?" Tanong sa akin ni Cail habang hinihipan ang kanyang mainit na kape.

"Oo." tanging tugon ko. Wala pa kasi akong gana kaya matamlay pa ako ng kaunti.

"Good. Nga pala, naayos nyo na lahat ng requirements nyo?" Tanong nya naman sa amin.

"Syempre!" si Kim. Sana ganyan ako ka energetic gaya ni Kim.

"Opo." sagot ko. Tinapos ko naman lahat kagabi.

"Yes sir!" sabay salute ni Layt. Dahil dun muntikan ko nang maitapon itong iniinom kong tea. Natawa tuloy kaming lahat dahil sa reaction ni Cail.

Dahil doon ay nag bangayan nanaman yung dalawa.

"Tumigal ka dyan Layt. Baka ayaw mo nang masinagan pa ng araw, Light." hahaha nag aasaran nanaman sila.

"Ito na, titigil na. Hahaha." tawa nya pa.

Tinapos nalang namin lahat ng gawain namin at nauna na muna akong naligo.

"Romeo take me somewhere we can be alone, I will be waiting all I have to do is run... You'll be the prince and I'll be the princess..." Pagkakanta ko sa kantang 'Love Story' by Taylor Swift.

Pagkatapos kong maligo at makapag ayos ay pumunta na muna ako sa terrace para mag pahangin.

"Hay, sarap ng hangin. Parang gusto kong tumalon. Hahaha, joke."

Tiningnan ko naman ang mga sasakyan sa ibaba.

And the sky... It's so wonderful. I can see the clearest blue sky up here.

Mga ilang oras din akong tumambay dito sa balcony. Mas mabuti pang mag pahangin dito kaysa mag antay ako dun sa loob.

"Sab, aalis na daw tayo. Nakapag ayos nakaba ng lahat ng gamit mo?" Kim asked while walking towards me.

"Of course. Nandun na sa envelope lahat ng requirements ko. Nasaan na sila Layt? Tapos naba sila?" Tanong ko habang papasok na kami sa loob.

"Oo na. Nandun na sila sa sala."

"Okay."

Kinuha kona lahat ng gamit ko bago ako lumabas ng kwarto.

Contact lenses - check
The necklace - check
Vintage bracelet - Wala na pala
And the requirements - all check

Matapos kong I-check lahat ng dadalhin ko, pumunta na muna ako sa kusina para uminom ng gamot. Kahit na hindi na talaga masakit pa ang pisngi ko, kailang ko paring uminom, para hindi na talaga bumalik pa yung nararamdaman kong sakit.

"Okay na ba ang lahat?" Tanong sa amin ni Cail.

Tumango nalang ako.

"So let's go!... Wait, ngapala. Ihahatid pala tayo ni Luke papunta doon. Para tipid. Okay. Layt?" Saad ni Cail at dumako kay Layt. What's happening?

"Syempre. Okay lang. Tara na." Magiliw nyang sabi. Sana okay lang sya. I can see in her eyes pain that I can't explain. I guess I'm only hallucinating something.

Pagka labas namin ng kwarto ay bumungad agad sa amin si Luke na para bang hinihintay talaga kaming lumabas.

Hindi ko maitatangi na may style sya sa pananamit. Cuz, he's wearing a polo white and black striped shirt and denim black pants. And he smells good too. Hahaha, may date ba'to ngayon?

"Kanina ka pa ba Boy?" Tanong ni Cail at bigla nalang inamoy sya.

"Yieeee, may date kaba ngayon? Bakit ang bango mo?" Pati rin pala sya napansin ang amoy ng pabango nya. Sino naman ang hindi makakapansin.

"B-basta, tara na" nahihiyang sagot nya. Well, shy type rin pala sya.

"Okay." sagot naman ni Cail.

Lumakad na kami patungong elevator at sumakay na.

Tahimik lang kaming lahat dito hanggang sa makalabas na kami.

"Son! Ihahatid muna ba sila?" Tanong ni Tita Cassandra Kay Luke.

"Yes, Mom."

"Sige, mag iingat kayo ha? Lalo kana Luke. Dahan dahan lang sa pag papatakbo ng sasakyan. Okay?"

"I will Mom. We'll get go now. Take care Mom." Sabay kiss nito sa pisngi ng nanay nya. Aww, so sweet. I wish I can do that too... Sadly I don't have a mom na.

"Thanks, Son. Ingat ulit ha." Sabi naman ni Tita Cassandra.

Kumaway naman si Luke patalikod at dumaretso na sa parking lot.

"Aalis narin po kami Tita. Salamat po" Sabi nila Cail.

Ngumisi nalang ako at tumango.

Sumunod narin kami kay Luke na pinapaandar palang ang sasakyan.

Nauuna nang pumasok si Kim sa back seat, sunod si Layt at ako. Nasa unahan si Cail kung saan katabi nya si Luke.

"Wait, by the way. Okay kana ba Sabrina?" Tanong nya sa akin. He's also caring rin pala.

"Yes, thank you." magiliw kong sabi. Napatango nalang sya at sinimulan nya na ngang magmaneho.

Continue Reading

You'll Also Like

23.3M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...