South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 23

168K 9.1K 4.7K
By JFstories

Nasa kusina si Arkanghel. Nakaupo siya sa upuan at nakatanghod sa mesa. Busy siya sa pagse-send ng resume gamit ang laptop ko na pinagamit ko sa kanya. Sobrang desidido siya kaya ni hindi niya man lang napapansin na kanina pa ako sa kanya nakatingin.


"Sana may kumagat," bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko.


Malungkot na lang akong napangiti. Masyado siyang seryoso sa pag-a-apply, halos oras-oras siya magpasa ng resume at mag-check ng e-mail.


Nilapitan siya ni Tatay Bear at inabutan ng kapirasong papel. "Sendan mo rin ito ng e-mail, Totoy."


Napatingala si Arkanghel mula sa laptop. "Ano po iyan, Mang Andres?"


Matipid na nginitian siya ni Tatay Bear. "Sige na, sendan mo na ng e-mail 'yan. Kuwan..." Napatingin pa nang ilang segundo si Tatay Bear sa kawalan bago itinuloy ang sinasabi. "Trabaho 'yan sa Maynila... Basta, sendan mo ng e-mail..."


Napangiti si Arkanghel nang tanggapin ang papel. "Talaga po? Kilala niyo po ba ito, Mang Andres?"


"Hindi." Kumunot ang noo ni Tatay Bear. "Basta, sumubok ka riyan. Sendan mo ng e-mail. Lagyan mo ng picture mo, wag mong kakalimutan..."


"Salamat po!"


Tango na lang ang sagot ni Tatay Bear. Iniwan niya na ulit si Arkanghel at saka siya bumalik at nagkulong na naman sa kanyang kwarto na nasa gawing kusina ng bahay. Ni hindi niya rin ako sinulyapan man lang ng tingin.


Mula rito sa sala ay minasdan ko si Arkanghel kung paano niya binasa ang nakasulat sa kapirasong papel na ibinigay ni Tatay Bear sa kanya. Ngiting-ngiti siya na kinopya ang e-mail sa laptop.


"Susana Alcaraz!" sigaw na mula sa gate ng bahay namin.


Panandaliang nawala ang aking atensyon kay Arkanghel. Tumayo ako mula sa sofa at lumabas ng pinto dahil kilala ko ang matinis na boses na tumawag.


Sa gate ay isang babae ang nakatayo. Naka-fitted ripped faded jeans siya at white polo na nakatali ang laylayan sa bandang tiyan, ang buhok ay naka-bun at sa mga mata ay halata ang eyeliner at check eye. May dala siyang small backpack na kulay black. 


"Susana, girl!" tili niya nang makita akong papalapit. Kumakaway siya.


"Carlyn!" Mabilis ko siyang pinagbuksan. Ang tagal niyang hindi nagparamdam matapos ang gabi ng graduation naming lahat. Mahigit dalawang linggo na rin iyon.


Nilusob niya ako nang mahigpit na yakap. "I missed you so so much, beshy ko!"


Pinapasok ko siya sa bahay namin. "Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Ni hindi ka nagtetext!" nagtatampong ani ko.


"Sira na iyong SIM ko. Hayaan mo, itetext kita using my new number." Umupo siya sa sofa at dumi-quatro. "Sa CVSU ka na ba talaga?"


Tumango ako at naghawi ng buhok. "Ikaw ba?"


Umiwas siya sa akin ng tingin. "Hmn, isasama ako ng ate ko sa Singapore." Ang mga mata niya ay iginala niya sa paligid ng sala namin. 


Tinabihan ko siya sa sofa. "Ha? Hindi ka na rito?"


Malungkot siyang tumango. "Saglit lang ako sa Singapore tapos pupunta na ako sa Las Vegas, doon sa lolo ko. Doon na ako mag-aaral."


May lolo siya sa Las Vegas?


Bumagsak ang balikat ko. "Carlyn, iiwan mo ko..." Aalis na nga si Arkanghel, pati ba naman siya? I know, napakaselfish ng iniisip ko, pero anong gagawin ko? Hindi pa sila umaalis, nalulungkot na ako nang sobra.


Mula sa kusina ay lumapit sa amin si Arkanghel. Nagpapatunog siya ng daliri sa kamay. Mukhang tapos na siyang magpasa ng resume. "Uy, Carlyn. Padala kang chocolate, ah? Tapos sapatos ko, size 14."


T-shirt na puti, jersey shorts na red at nakayapak lang si Arkanghel. Magulo rin ang buhok niya at feel at home kumilos kaya hindi mapagkakailang rito na nga siya nakatira.


"So totoo nga ang chika na boarder ka na rito? Ayos, ah! Talagang binabakuran mo na beshy ko!" Inirapan siya ni Carlyn.


Natawa lang naman si Arkanghel. "Punta kayo sa bar mamayang nine pm. Libre ko kayo ng nachos saka softdrinks."


Three pm pa lang kasi ay umaalis na si Arkanghel. Nagwi-waiter pa kasi siya tapos diretso na siya sa bar hanggang gabi. Nine pm naman ang session nila ng tugtog doon.


Naupo si Arkanghel sa katapat naming upuan. Nakabukaka. "Sige na Carlyn, o. Papayagan lang kasi si Sussie ng tatay niya pag may kasama. Ano? Sunduin mo naman."


"Aba, ginawa pa akong tagasundo. Ano ko, grim reaper?!"


"Sige na," pamimilit ni Arkanghel sa kanya. "Pag mayaman na ako, ibibili kita ng kotse."


Nagpalit de-quatro si Carlyn. "Ayoko! Di ako materialistic, 'no! Saka paano ka yayaman e nakikitira ka nga lang?"


Napakamot ng ulo si Arkanghel. "Nag-aapply na ako sa iba. Aalis na rin ako rito kaya wag ka magsalita ng tapos diyan. Baka magulat ka na lang isang araw na mayaman na pala ako."


Nakakalokong ngumiti si Carlyn. "So kung yumaman ka?"


"Bibilhin ko si Isaiah para alipinin mo!"


Itinirik ni Carlyn ang mga mata. "Ew! Yuck! Cash na lang baka pwede pa. May papakidnap ako!"


"Tumigil nga kayo. Baka mamaya nakain iyong tao, mabulunan," awat ko sa kanilang dalawa.


"Ano, punta kayo, ha?" pilit pa rin ni Arkanghel. Gusto niya talagang makanood ako ng last tugtog niya sa bar.


"Try ko," ako ang sumagot. Hindi ko kasi alam kung paano magpapaalam kay Tatay Bear mamayang gabi.


"Sussie, sabay naman tayo pauwi." Umupo si Arkanghel sa sofa sa tapat namin ni Carlyn. "Last tugtog ko na kasi mamaya. Nakapagsabi na ako sa manager."


"Manager?" ulit ni Carlyn. "Iyong ate ni Zandra ang manager ng Kiss Bar na pinagtratrabahuan mo di ba? Ay, yari! Malamang alam na rin ni Zandra na aalis na itong si Arkanghel."


Napatingin naman ako kay Carlyn. Nandoon kaya si Zandra mamaya sa bar?


Parang nabasa naman ni Carlyn ang nasa isip ko. "Malamang nandoon si Zandra. Di nun palalampasin ang last night ni Arkanghel."


Sandali ako napaisip.


"Girl, ano? Punta na us? Sige susunduin na kita. Baka kasi pag di ka pumunta, pikutin na lang bigla roon ni Zandra 'yang si Arkanghel."


Nang tingnan ko si Arkanghel ay ngiting-ngiti ang loko.


"Okay," nakasimangot na sagot ko.


Sabagay, never ko pa namang napanood si Arkanghel na tumugtog sa bar. Ito na iyong last kaya hindi ko ito pwedeng palampasin.


Saktong nine pm nang bumalik si Carlyn sa amin. Black na crop tank top na pinatungan ng checkered grey and black jacket ang suot niyang pang-itaas. Sa ibaba ay high waist ripped denim shorts na mas mahaba pa ang nakalitaw na bulsa. High cut black boots naman ang sapin niya sa paa. Nakabun ang buhok niya, wala siyang ibang kolorete sa mukha maliban sa check eyeliner at wala rin siyang suot na accessories, at tanging bitbit lang ay ang phone niya at wallet.


"Chill uy." Nakatawa siyang bumaling sa akin. Naipagpaalam niya na ako kay Tatay Bear. Naghihintay kami ngayon ng dadaang tricycle rito sa tapat ng labas ng gate namin. "Mga ten pa naman nags-start yung night music session sa Kiss Bar."


Inirapan ko siya. "Kahit na. Late ka pa rin."


Nakaayos na ako eight pa lang kaya sinabon ko siya kung bakit siya late. Ang sabi lang niya nagka-emergency sa bahay nila.


Tumawa siya. "Ayaw mo nun? Dramatic entrance ka mamaya sa bar kasi late ka. Pak na pak 'yang get up mo ngayon, dapat masulit iyan!"


"Sira!" Na-conscious tuloy ako bigla dahil pinuna niya pa ang ayos ko.


Simple lang naman ang ayos ko. Kaunting lip and cheek tint lang, kilay, saka eyeliner sa mata ang nilagay ko. Tapos iyong buhok ko, kinulot ko iyong laylayan. Black long sleeve mesh top na see through tapos sa loob ay black fitted sleeve less dress na ang haba ay hanggang kalahati ng hita. Kahit chubby ay hindi ako matabang tingnan sa black, saka malaking bulas lang ako pero walang alon-alon sa katawan ko at may bewang ako kaya okay sa akin kahit fitted dress. But to be sure, nagsuot na rin ako ng slimming munafie sa loob. Sa accessory naman, isa lang ang suot ko, stainless na short and long layered pendant necklace. Ang sapatos na isinuot ko to complete my looks for tonight ay iyong luma kong low cut Chuck Taylor na black.


"Di mo naman pinaghandaan no?" tukso ni Carlyn sa akin.


Pasimple kong inayos ang curled na laylayan ng buhok ko. "Hindi."


"Kaya naman pala umaalingasaw ang Ellips cologne kasi hindi pinaghandaan!"


Nang may dumaang tricycle ay pumara na agad ako para manahimik na siya. "Ayan na, may tricycle na." Kinaladkad ko na siya pasakay.


Hanggang sa loob ng tricycle ay hindi naman ako tinantanan ni Carlyn. "Pero girl, ang ganda mo tonight. Siguradong maninigas daliri niyon ni Arkanghel pag makita ka. Di iyon makakapag-gitara nang matino."


"Baka ikaw ang manigas kapag nakita mo roon si Isaiah," ganti ko sa kanya. Hindi ko lang alam kung may talab pa ba si Isaiah sa kanya.


"Nandoon ba siya?" parang balewala naman nang magtanong si Carlyn.


Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Baka..."


Hindi na siya kumibo pa. Dahil siya ang nasa bandang pinto ng tricycle ay inabala niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga nadadaanan namin.


Pagdating namin sa tapat ng Kiss Bar ay halos magtulakan kami papasok sa glass door. "Una ka na!" utos niya sa akin.


"Ikaw, mauna!" Kulang na lang sabunutan ko siya.


"Sabay!" pakikipag-deal niya.


Para matapos na at makapasok na kami ay sabay nga kaming pumasok. In all fairness, kumasya naman kami sa pinto. Nagkatawanan pa kami pagkatapos.


Medyo puno ang mga tao sa loob ng bar dahil hindi naman ito gaanong kalakihan. Mabuti na lang talaga ay mag reserved na mesa na para sa amin. Mukhang pinaghandaan ni Arkanghel ang pagpunta namin.


Sa stage ay madali kong natanaw si Arkanghel. Kitang-kita agad siya. Kahit simpleng porma, takaw pansin kasi agad siya. Naka-white t-shirt siya na pinapatungan ng black hoody jacket, fitted dark jeans saka high cut na black Converse na pula ang sintas. Hawak niya ang nakasabit sa kanyang white electric guitar at abala siya sa pagtotono niyon. Nang mapatingin siya sa amin ay ngumiti siya at kumaway.


"Pawisan siya..." nakalabing sabi ko. Parang gusto ko tuloy siyang lapitan para punasan ng pawis at pulbuhan. Hay.


Siniko ako ni Carlyn. "Landi."


"Ex bebe mo rin pawisan."


Nalukot ang mukha ni Carlyn dahil sa sinabi ko. Nasa tabi lang ni Arkanghel si Isaiah. Naka-black t-shirt na may print ng mukha ni Bob Marley saka jogger pants tapos may suot na black na sombrelo. Katatapos lang yatang kumanta. Nabanggit ni Arkanghel sa akin na minsan nga ay kumakanta si Isaiah rito sa bar. Nakiki-jamming pag bored at napagti-tripan.


Narinig ko ang pagbuga ni Carlyn ng paghinga. Kapansin-pansin na dinadaan niya lang sa pagliligalig, pero may kung anong gumugulo sa isip niya. Hinawakan ko siya sa kamay.


"Nagkita na ba ulit kayo ni Jordan?"


Dinampot niya ang laminated menu sa ibabaw ng mesa namin. "Ano nga pala oorderin natin?"


Napailing ako. Ang galing talaga nitong babaeng ito mag-iba ng usapan. "Burger na lang sa akin," sagot ko sa kanya. Pag foods na, nawawala na talaga ako sa concentration.


Sa tagal ko na kakilala si Carlyn, ni minsan ay hindi pa ito naglabas ng sinasaloob sa akin. Nakikita ko na hindi pa siya handang mag-open up kaya naman ayaw ko rin siyang pigain. Alam ko lang na may dinaramdam siya kapag nagiging clingy siya masyado. Siya kasi iyong tao na warmth lang ang gusto. Ibinibigay ko na lang iyong presence at pagmamahal na kailangan niya. 


"Alcaraz?!"


Napaangat ang tingin ko nang may humintong babae sa tabi ng mesa namin ni Carlyn. Si Zandra na nakangiti at ang sexy-sexy sa suot na white deep V-neck mini boho dress. Para siyang nasa beach lang dahil nakalugay rin ang buhok niya na hinayaan niyang mukhang messy. Maliban sa pink lipstick ay wala na siyang iba pang kolorete o accessories.


"Ikaw nga, Sussie!" Ang ganda ng pagkakangiti niya sa akin. Yumuko pa siya para i-beso ako. "Nandito ka pala? Alam ba ni Arki na nandito ka?"


Tumikhim si Carlyn kaya napatingin sa kanya si Zandra.


"Oh, Carlyn, right? Thank you sa pagpunta niyo sa bar namin. Enjoy the night, ladies. Puntahan ko lang muna sina Arki, ha?" Nagpaalam na si Zandra.


Nang tumugtog na sila Arkanghel ay nanahimik na ang paligid. Maski nga ako ay tumigil sa pagnguya ng burger dahil nakatitig lang ako sa stage.


"Ang guwapo ni Arkanghel, no?" bulong ni Carlyn sa akin. "Dapat 'yan sumasali sa PBB o kaya Star Struck e."


Hindi ko pinansin ang sinabi ni Carlyn dahil focus lang ako sa panonood kung paano magitara si Arkanghel.


Nang matapos ang tugtog ay tumanggap sila ng mga request songs sa mga customers. Yayayain ko sana si Carlyn para mag-request din kami ang kaso ay umakyat si Zandra sa stage. Lumapit kay Arkanghel at bumulong.


Kinalabit ako ni Carlyn. Malakas na kalabit na malapit na sa tulak. "Anong drama niyan ni Zandra?!"


Nag-isang guhit ang bibig ko.


"Anong binubulong-bulong niyan? Alam namang nandito ka, gumaganyan siya! Naghahanap ng gulo ang lecheng 'yan, ah!"


Mukhang mainis nga talaga ang ulo ni Carlyn kasi ang bilis niyang maasar. Pero sabagay, kahit ako man din ay nakaramdam ng paghihimagsik sa dibdib dahil sa ginawa ni Zandra.


Nang matapos bumulong si Zandra kay Arkanghel ay bumaba na ito ng stage. Mayamaya, umakyat ulit tapos hinila si Arkanghel sa braso. Hindi sumama si Arkanghel pero hindi niya rin pinaalis si Zandra.


"May request pa?" Iyong vocalist na nasa stage ang nagsalita. "Mamayang one am ituloy natin."


Umungol ang audience.


Hindi na ako nakatiis. "Tara na, Car." Tumayo ako.


Napatingin si Carlyn sa akin. "Uwi na?"


"Di na natin hihintayin si Arkanghel?"


"Hindi na," mapait na sagot ko. "Saka mamaya pa siya rito, ang importante naman pumunta tayo." Dinampot ko ang kamay niya sa ibabaw ng mesa at hinila. "Tara na."


Nagpatianod siya sa akin kahit mukhang ayaw niya pang umalis. Sa labas ng bar habang naghihintay ng tricycle ay nagbeep ang phone ko.


Baby:
Saan ka? Bat ka umalis? Di kita makita.


"Sino?" tanong ni Carlyn.


"Si Arkanghel, hinahanap tayo," mahinang sagot ko.


Bumungisngis siya. "Sus! Tayo o ikaw lang?"


Itinaas ko ang palad ko. "Sandali sagutin ko muna. Sabihin ko nagyaya ka nang umuwi."


"Gaga ako pa talaga!"


Nagsimula na akong mag-type ng reply.


Me:
Uuwi na ako. Sabay na ako kay Carlyn. Nagyaya na kasi siya.


Wala pang two seconds, nag-ring na iyong phone ko.


Nagpa-panic na tumingin pa ako kay Carlyn bago ko sagutin iyong call. "H-hello, Arkanghel...?"


"Balik ka, kakanta ako."


"Di ba gitarista ka lang?"


"E sa kakanta ako. 'Lika na, balik ka na."


Hindi na ako hinayaang sumagot ni Arkanghel dahil tinapos niya na iyong call agad-agad.


"Anong sabi?" excited namang tanong ni Carlyn. "Pinapabalik ka, no?" Tinusok-tusok niya pa iyong tagiliran ko pero hindi naman ako nakikiliti dahil makapal ang munafie ko sa loob.


"Babalik ba tayo?" Hindi ako makapag-decide kaya sa kanya ko na ibinigay ang desisyon.


"Aba, syempre!" ang agap naman ng sagot niya. "Last night na ng tugtog ng bebe mo." Inakbayan niya ako. "Ikaw, wag kang mahina loob. Hayun, inaahas na ni Zandra si Arkanghel nang harap-harapan sa 'yo pero ang solution mo lang, umuwi? Gaga ka rin talaga!"


Bumalik na nga kami ni Carlyn sa loob ng Kiss Bar. Patay na ulit ang ilaw at iyong dim light sa stage na lang iyong natitirang liwanag.


"Ay, taray! Kakanta si Arkanghel?" Sabay pa kaming huminto sa paglakad ni Carlyn.


Si Arkanghel kasi ngayon ang nasa pwesto ng vocalist kanina. Ang nasa gitara naman niya ay si Isaiah.


Hinihila ako ni Carlyn sa kamay. "Tara na, baka may umupo na sa upuan natin kanina. Hoy, Sussie!"


Hindi niya ako mahila dahil hindi ko na maigalaw ang aking mga paa sa kinatatayuan ko. Lalo nang marinig ko na ang boses ni Arkanghel.


"You are the sun, you are my light..."


Nakapikit siya habang kumakanta kaya hindi ko alam kung alam ba niyang nandito na ulit ako.


"And you're the last thing on my mind before I go to sleep at night. You're always around when I'm in need. When troubles on my mind, you put my soul at ease..."


Hindi ko na naririnig ngayon ang paligid o maski ang boses ni Carlyn. Si Arkanghel na lang ang naririnig ko ngayon habang nakatingin ako sa stage. Ngayon ko lang siya narinig na kumanta sa mic, sa ganitong paraan. Parang ayaw ko nang alisin ang mga mata ko sa kanya at ang pandinig ko sa boses niya...


There is no one in this world
Who can love me like you do
That is the reason that I
Want to spend forever with you

I'll be loving you forever
Deep inside my heart you leave me never
Even if you took my heart
and tore it apart
I would love you still forever...


Namalayan ko na lang na may namamalisbis ng luha sa pisngi ko. Kumurap-kurap ako at nakita kong nakatingin na sa akin si Arkanghel. Alam niya nang nandito na ulit ako. Alam niya na kung nasaan ako.


We've had a fun
We've made mistakes
But who'd have guessed along that road
We'd learn to give and take?
It's so much more
than I could have dreamed
'Cause you've make loving you, so easy for me...


"Sussie, okay ka lang?"


Marahan kong nilingon si Carlyn sa tabi ko. "Car, uwi na tayo..."


Hindi na siya nagtanong pa. Tumingin siya sa stage tapos nag-dirty finger siya kay Isaiah na nandoon at nagi-gitara saka niya ako hinila paalis.


Saka lang ako kumilos para sumunod kay Carlyn. Sumisinghot ako hanggang makalabas kami sa glass door ng Kiss Bar. Hindi ko maintindihan iyong sarili ko kung bakit nasasaktan ako. Kung bakit natatakot ako kahit wala pa naman akong dapat katakutan.


"Are you sure oks ka lang, girl?" Iniharap ako ni Carlyn sa kanya. "Gaga, wag ka umiyak iyong eyeliner mo!"


Lalo akong suminghot.


"Naman, Sussie!" Na-i-stress na humugot siya ng panyo mula sa bulsa ng suot niyang checkered jacket. Pinunasan niya ang pisngi ko. "Tahan na, gugutumin ka, sige ka!"


Magaan ko siyang hinampas. "Nagda-drama ako, nang-aano ka riyan!"


"E sira ka naman kasi. Dito ka pa talaga nag-drama? Kinantahan ka na nga, gumaganyan ka pa!" Inayos na rin niya pati ang buhok ko. "Tahan na, okay?"


Tumango ako. "Car, hindi ko na naiintindihan iyong sarili ko. Naiinis ako kasi ang selfish ng nararamdaman ko ngayon. Ayokong umalis si Arkanghel pero alam ko na kailangan niyang umalis. Na kailangan niyang abutin iyong mga pangarap niya, at wala ako sa lugar para pigilan siya." Suminghot ako. "Car, ayoko rin naman siyang pigilan. Car, naguguluhan na talaga ako."


Inalog niya ako sa balikat. "Bakit ba iniisip mo 'yan? Wala pa, Sussie. Wala pa, binabaliw mo na sarili mo. Saka wala ka bang tiwala kay Arkanghel? Bakit mo itutulad ang relasyon niyo sa mga nagtapos na relasyon dahil sa LDR? Magkapareho ba ang lahat ng relasyon?"


"Sussie!"


Nahinto ang pagsagot ko kay Carlyn nang mapalingon kaming dalawa sa tumawag sa akin. Nasa labas na rin si Arkanghel at papalapit siya sa amin.


"Bakit ka umalis?" sa akin siya matamang nakatingin.


"Iwan ko muna kayo," ani Carlyn. Tinapik niya sa balikat si Arkanghel. "Mag-usap kayo. Malalaki na kayo, kaya niyo 'yan." Lumakad siya pabalik sa Kiss Bar. "Lintek, titiisin ko muna pagmumukha ni Isaiah sa loob!"


"Galit ka ba?" tanong ni Arkanghel sa akin nang dalawa na lang kaming naiwan sa labas.


Umiling ako.


"E bakit ka umalis? Di mo narinig hanggang dulo iyong song ko, bumirit ako."


Lumabi ako at umirap. "Ewan nga!"


"Uuwi ka na ba talaga?" Ang lungkot na ng mga mata niya.


Yumuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. "Inaantok na si Carlyn e..."


"Galit ka." Gamit ang kanyang daliri ay inangat niya ang mukha ko. "Idinadahilan mo pa si Carlyn, galit ka lang e."


"Hindi nga ako galit," mahinang sabi ko habang sa kalsada at sa panaka-nakang dumaraang mga sasakyan doon itinutuon ang paningin.


"Sus!" Pinisil niya ang pisngi ko. "Siguro nagselos ka kay Zandra kanina?" Hindi talaga siya sumusuko sa pangungulit. "Ano? Nagselos ka ba roon?"


Tinabig ko ang kamay niya na pumipisil sa pisngi ko. "Ano ba kasi iyong ibinulong niya sa 'yo?"


"Galit nga. Selos nga." Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at pinilit akong ipinaharap sa kanya. "Nagpapatulong lang siya sa akin na ayusin iyong electricfan sa dressing room."


"Iyon lang?!" Parang biglang may pumutok na ugat sa ulo ko. Gigil na nagpakawala ako ng paghinga.


"Oo nga. Iyon lang talaga. Peksman!"


"May topak yata iyon e! Saka bakit ikaw ang kukulitin niyang ayusin iyong electricfan sa dressing room?! Gitarista ka hindi mekaniko!" Kulang na lang ay umusok ang ilong ko sa inis. 


"Huy, wag ka na magalit. Hindi naman ako sumama sa dressing room kahit hinihila niya ako."


Tiningala ko siya. "Bakit ba pumapayag kang tawagin ka niyang Arki, ha?" Dinuro ko siya sa ilong. "Feel na feel niya! May maisip lang na nickname para kunwari close na close? Arki talaga? Imbentador siya! Ano ka architect? Tapos ikaw, pumapayag ka naman na ganoon tawag sa 'yo?! Feel na feel mo rin naman!"


"Sorry na. Sige pag tinawag niya akong ganoon, di na ako lilingon."


Nagsalubong ang mga kilay ko. "Wag talaga! Sa akin ka lang lilingon, gagawan din kita ng sarili kong nickname sa 'yo! Sa akin ka lang lilingon!"


"Oo sa 'yo lang." Ngingiti-ngiti si Arkanghel.


"Totoy na lang rin tatawag ko sa 'yo gaya ng tawag ni Tatay Bear."


Nagusot ang matangos niyang ilong.


"No. Iba." Nag-isip ako. "Ayaw ko pala ng ibang tawag sa 'yo. Iimbento ako ng sarili ko. Gusto ko iyong akin lang." Tinalikuran ko na siya.


Hinuli niya ang pulso ko. "Sussie sandali, pahubad naman ng jacket ko!"


Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.


"Huy tulungan mo muna akong hubarin 'tong jacket ko... Please?"


Tiningnan ko ang suot niyang black hoody jacket. Normal lang naman iyon, maluwag, hindi rin mukhang mahirap hubarin. Sinamaan ko ng tingin si Arkanghel. "Ano ba? Bata ka ba?"


Ngumisi siya. "Bata mo."


Napanganga ako at exagerated na umatras. "Ew, ang jologs!" Pero iyong mga labi ko, hindi ko napigilan sa pagngiti.


"Sige na please?" Humakbang siya at inabot ang isang kamay ko. Ipinatong niya iyon sa dulo ng zipper ng suot na jacket.


"Hoy ang arte mo, ah!" Hinawakan ko ang zipper at hinila. Magawa na nga ang hiling ng maarteng bata. "Oh, 'yan na!"


Tinulungan ko siyang hubarin nang tuluyan ang hoody niya. Pumuwesto ako sa likod niya para hilahin iyon matapos niyang hubarin. Nang hawak ko na ang hoody niya ay saka ko nakita ang nakaprint sa likod ng suot niyang white t-shirt.


Napanganga ako nang humarap si Arkanghel sa akin. Seryoso na ang mga mata niya at hindi na siya nakangiti. "Pinagawa ko ito kahapon kasi alam kong nag-aalala ka. Wag ka na sanang magalit."


Napalunok ako at ang puso ko ay hindi na tumigil sa pagwawala. Ang nakatatak sa likod ng t-shirt ni Arkanghel ay bold letter na "ALL YOURS"


Kinuha niya ang phone ko at nang ibalik ay nasa screen na ng contacts. Binago niya ang naka-save na pangalan niya. Nakalagay roon "AKIn".


"Sa 'yo lang me."


Naluluha ako nang salubungin ang kulay abo niyang mga mata na nakatitig sa aking mukha.


"Siraulo ka talaga..." naiiyak na sabi ko.


Hinila niya ako at niyakap. Tinuyo niya rin ng mga daliri niya ang pabagsak ko na sanang mga luha. AKIN. Tama, siya si Aki. Aki ko. At magtitiwala ako na akin lang siya.


Nakangiti na ako nang tuminigala sa kanya. Habang nandito pa si Arkanghel sa Cavite, susulitin namin ang mga araw nang magkasama. At hindi ko pa naman kailangang gulihin ang isip ko sa araw ng pag-alis niya. Matagal pa iyon. Hindi ko dapat problemahin ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari.


Nakayakap na rin ako kay Arkanghel nang magbeep ang phone niya sa bulsa sa likod ng suot niyang pants. "Wait." Humiwalay siya sa akin nang kaunti.


Kitang-kita ko ang pagbabago ng emosyon ng kulay abo niyang mga mata matapos basahin ang laman ng message na natanggap.


"Ano iyon? Sino iyon?" kabadong tanong ko.


Tumingin siya sa akin. "Sussie..." Ang mga labi niya ay hindi masabi kung ngingiti o malungkot.


"Bakit?"


"Natanggap ako sa ina-apply-an kong trabaho sa Maynila. Iyong pina-email sa akin ng tatay mo." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Bukas na agad ang start ko."


Ang mga ngiti ko kanina ay parang hinangin na lang bigla at nawala. Kahit tila may bara ang lalamunan ay pinilit kong casual na magsalita. "C-congrats..."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

800K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
4.1M 241K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...