The Senator's Woman (Publishe...

By LadyClarita

3.8M 90.5K 32.4K

(Delilah Series # 1) "Sigurado ka ba na ipapalaglag mo, Winona?" Boses na naman ng walang pusong ama niya na... More

The Senator's Woman
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Wakas
Announcement
Reprint Announcement

Chapter 18

86.4K 2.2K 934
By LadyClarita

Chapter 18

Heartbeat

Ipinagpatuloy ko ang buhay. Iginugol ko ang lahat ng oras sa pagtatrabaho. Pinilit kong kalimutan na si Caleb. Hindi na niya ako ginulo sa nakalipas na isang buwan. Siguro nga ay nasaktan ko siya nang todo.

"Win, may beauty contest sa barangay namin. Baka gusto mong sumali!" si Ate Jelay nang mabisita ako sa kusina. Hindi naman masyadong abala ang cafè.

"Naku, hindi na po ako sumasali sa mga ganyan."

"Nagretiro ka na? Ang aga naman."

"Wala na po kasi akong hilig."

Tumango-tango siya. "Sayang naman ang ganda mo kung titigil ka."

Nginitian ko na lang ang sinabi niya. Kinuha ko ang sobrang icing na ginamit niya kanina. Halos maduwal ako nang maamoy ito. Mabilis akong kumuha ng tubig at uminom.

"Oh! Anong nangyari sa'yo?"

"Nasira na po yata 'yang icing, Ate," sabi ko matapos mailapag ang baso sa mesa.

"Huh?" Nagtagpo ang kanyang kilay at kaagad na kinuha ang icing. Inamoy niya ito. "Hindi naman, ah! Kakabili ko lang nito kahapon."

Huminga ako ng malalim at bahagyang gumanda na ang pakiramdam dahil medyo nawala na ang amoy na nasinghot ng ilong.

Nagpatuloy na siya sa ginagawang pagbe-bake ng cookies.

"Baka naman may naamoy kang panis na pagkain kanina at naihalo mo lang."

"Baka nga po..."

Lumabas na ako ng kusina para asikasuhin ang mangilan-ngilang costumers. Bumalik ako sa counter para kunin ang order ng costumer.

"Kabado bente na talaga iyang mga senador na 'yan. Napakalapit na ng eleksiyon eh! Ilang araw na lang," ang aming cashier na si Lyn habang nakatingala sa monitor ng TV.

Napatingin na rin ako sa palabas. Kaagad na kumirot ang puso ko nang makita si Caleb na ngumingiti at kumakaway sa mga tao. Pakiramdam ko, napakarami ng nagbago sa kanya sa loob ng isang buwan. Mas nagmukha siyang istrikto. Mas lalo siyang nagmumukhang mahirap abutin. Noong tuluyan na nga kaming naghiwalay ay biglang nagbago ang lahat. Umarangkada ang pangangampanya niya. Nagseryoso siya sa politika.

"Pakiramdam ko 'yang Senator Del Fuego na 'yan ang magnu-numero uno sa senatorial ranking. Grabe 'yong pagpalo niya sa boto no'ng bagong survey, eh!" pagpapatuloy ni Lyn.

Lumapit sa amin sa may counter ang isang kasamahan ko pang waitress. Nakisali na rin siya sa usapan.

"Siya lang naman talaga ang maraming nagawa. Ang dami niyang foundations at projects kahit na noong governor pa siya. Mabuti nga at may amendment na ang batas dito sa Pilipinas sa age requirement ng pupuwedeng senatorial candidates. Mas pinababa na ang edad ng mga pupuwedeng tumakbo bilang senador. Nakatakbo siya."

"Shh! 'Wag kang maingay. Magsasalita na siya," sita sa kanya ni Lyn.

Hindi na ako nanood. Kinuha ko na ang dalawang tasa ng mainit na kape na nakahanda na at inilagay sa tray. Inihatid ko na ito sa naghihintay na costumers.

Bago umuwi ng apartment ay dumaan muna ako ng mall para mamili. Sa grocery store na rin kami nagkita ni Raffa. Noong isang linggo pa ako naubusan ng stocks. Sinigurado kong bilhin ang bigas at mga gulay. Bumili na rin ako ng hipon para lulutuin mamayang gabi at para na rin sa agahan.

"Busog lusog na naman ako nito mamayang gabi," ani Raffa habang itinutulak ang grocery cart. Nasa frozen goods section na kami ng grocery store.

"Sigurado ka bang may masasakyan ka pa pauwi mamaya? Kung sa apartment ka na lang kaya matulog?"

Napaisip siya bigla. "Pwede rin. Sa sala ako. Bili na rin tayo ng beer. Tuturuan kitang uminom dahil Sabado naman bukas."

"Ikaw ang bahala. Pero isang baso lang ang iinumin ko, ha."

"Ay, ang lamya, day!" reklamo niya.

Mahina akong natawa.

Kinagabihan, matapos maghapunan ay nag-inuman nga kami sa sala ng kaibigan ko. Kaagad kong napuna na balak talaga ng kaibigan kong maglasing.

"Cheers to the love that we can't have..." nag-angat na si Raffa ng kanyang baso ng beer. Ginaya ko na rin siya.

Sumimsim ako sa baso at agad na napangiwi sa pait nito. Natawa naman ang kaibigan ko.

"Broken hearted ka ba?" Inilapag ko na ang baso sa center table habang tinitingnan siya.

Malungkot siyang bumuntonghininga.

"Nakakaimbiyerna naman kasi. Motor lang ang kaya kong bilhin, eh gusto niya yata kotse. Wala nga ako no'n..."

"Jowa mo?"

"Hindi, day. Baboy ko. Gustong magpabili ng kotse!" panunuya niya.

Humagikgik ako at pinagmasdan ang mahaba na niyang buhok na hanggang dibdib na. Nagtalo pa sila ni Nanay Lolit dahil dito.

Nilagok niya ang beer at nagsalin ulit.

"Grabe si Gov ngayon 'no? Umaarangkada na talaga kahit bago pa lang siyang naging active ulit sa pangangampanya.  Ang galing din niya sa senatorial debate."

Tulala ako na napatango at muling sumimsim sa baso ng beer.

"Hindi ka na ba talaga niya kinontak?"

"Hindi na. At saka sigurado akong galit 'yon sa'kin dahil sa ginawa ko."

"Pero wala naman talagang nangyari sa inyo ni Fafa Ben. Palabas lang lahat 'yon."

Muli akong napatingin sa kanya.

"Hindi naman alam ni Caleb 'yon. Ang alam lang niya, niloko ko siya at ipinagpalit kay Ben. Ginusto ko naman 'yon para matapos na ang lahat."

Ilang minuto pa siyang natahimik.

"Alam mo, minsan naiisip ko na paano kaya kung sinabi mo na lang noon kay Caleb ang totoo na may sakit ang asawa niya kaya ka makikipaghiwalay?"

Tinitigan ko siya nang deretso sa mga mata.

"Tingin mo iiwan niya ako kapag nalaman niya?"

Unti-unti siyang umiling. Tila nauunawaan na ang lahat. Ang dahilan kung bakit humantong ako sa ganoong paraan.

"Hmm. Sabagay. Mahal ka niya at alam ko kung gaano katigas ang bungo niya. Sigurado akong ipaglalaban ka pa rin niya. Pero infairness ngayon, laging nasa tabi niya si Fatima. Minsan nga naiisip ko kung si Fatima ba ang tumatakbong senador. Laging nasa TV kasama ni Gov, eh. Mukha siyang walang cancer ha."

Parang may pumiga sa puso ko. Pinigilan ko ang sariling masaktan dahil wala naman akong karapatan.

"May cancer nga 'di ba... Laging pino-promote ang bagong foundation na gusto niyang itayo for breast cancer patients..."

Napangiwi si Raffa.

"Sabagay. Ano na kaya ang nangyari kay Ben? Tinanggal na siya ni Gov 'di ba? Hindi ko na rin siya nakikita sa mga kasamang bodyguards ni Gov tuwing nasa TV."

Dahan-dahan akong umiling. Hindi ko rin alam. Sa tuwing naaalala ko ang kasunduan namin ni Ben, hindi ko maiwasan na makonsensiya. Kahit naman pareho naming ginusto na matapos na ang ugnayan ko kay Caleb, naiisip ko pa rin na sana hindi ko na siya dinamay pa.

Pasado alas nuwebe na ng umaga nang nagising kami ni Raffa. Iinitin ko lang naman ang ulam kagabi kaya hindi na nangangailangan ng mahabang oras para sa paghahanda. Matapos maligo at makapagbihis ay nagpunta na ako sa kusina para mailagay na ang natirang ulam kagabi sa microwave. Sumunod na rin si Raffa at nagtimpla ng mainit na kape.

Kinuha ko ang tupperware na pinaglagyan ng natirang hipon kagabi mula sa cabinet. Binuksan ko ang takip nito at inamoy ang natirang ulam. Mabilis ko itong ibinaba at agaran akong napapunta sa lababo at nasuka ng tatlong beses dahil sa panis na naamoy.

"Sira na, day?" Dinig kong sabi ni Raffa. Lumapit siya sa cabinet at kinuha ang tupperware. Inamoy niya na rin ito. "Okay naman, ah. Hindi naman panis."

"Ewan ko. Basta mabaho," sabi ko at pinunasan na ang bibig gamit ang tissue.

Natahimik bigla si Raffa kaya unti-unti ko siyang nilingon.

Mariin niya akong pinagmamasdan.

"Hindi ako babae at wala akong matres... pero hindi kaya... buntis ka, Win?"

Umawang ang labi ko. Nang makabawi ay mabilis akong umiling.

"Hindi! Hindi. Baka... baka dahil sa beer kagabi kaya... ganito."

Hindi nagbago ang tingin ng kaibigan ko sa akin.

"Win, isang baso lang ng beer ang ininom mo kagabi. Hindi ka nga nalasing no'n."

Naging tulala na ako habang naiiling. Napakapit ako sa gilid ng lababo bilang suporta.

"Niregla ka na ba no'ng isang buwan o ngayong buwan? Basta regla! Hindi ko naman alam sistema ng katawan ninyong mga babae 'pag nabubuntis."

Mabilisan kong sinuri sa isip ang petsa. Nanigas ang katawan ko nang maalala na hindi pa pala ako nadadatnan.

"Bumili tayo mamaya ng PT, day, at para na rin makasigurado magpakonsulta ka sa doktor. Sasamahan pa rin kita."

"H-hindi ako b-buntis," pilit na pagtanggi ko.

"Oo na. Hindi ka buntis. Pero magpi-pregnancy test ka pa rin."

Bumili nga kami ng pang pregnancy test kinahapunan dahil sa pagpupumilit ni Raffa. Dinig ko ang atat na katok ni Raffa sa pinto ng banyo.

"Ano na, Win?! Ilang guhit? Kapag dalawa, juntis ka talaga!"

Napatingin ulit ako rito. Hindi pa rin nagbabago. Dalawang guhit pa rin. Buntis nga ako. Hindi pwede ito.

"Winona Arabella Santibañez?!"

Sa nanginginig na kamay ay binuksan ko ang pinto ng banyo. Natutulala kong tiningnan ang matalik na kaibigan.

"Buntis ako. Buntis ako, Raffa." Bumuhos na nga ang mga luha ko.

Napasulyap siya sa hawak ko. Marahan siyang tumango at niyakap ako.

"H-hindi pwede 'to. H-hindi p-pwede..." hagulgol ko.

Hinaplos niya ang likod ko. "Kaya mo 'to, Win. Magiging isang mabuti kang ina. Nandito lang ako. Kayang-kaya mo 'to..."

Limang linggo na akong buntis. Ito ang sabi ng doktor noong nagpakonsulta kami ni Raffa. Namanhid ako habang nagsasalita siya sa harap tungkol sa pagbubuntis. Tanging si Raffa lang ang nagbato ng tamang mga tanong. Mistulang siya pa ang buntis.

Pakiramdam ko para akong nananaginip. Nanood sa buhay ng isang tao na hindi naman ako. Unti-unting nawawalan ng lakas. Habang nakasakay na kami ng taxi pauwi mula sa ospital ay inabala ko ang sarili sa pagsulyap sa bintana. Normal naman ang lahat. Wala namang nagbago. Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko magbabago na ang lahat sa buhay ko?

"Ipapaalam mo ba kay Gov?" si Raffa.

Napakagat ako sa ibabang labi habang iniisip kung ano ang maaaring maging reaksiyon ni Caleb. Nilingon ko ang kaibigan. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Hindi ko alam. Kung ipapaalam ko sa kanya na buntis ako, may magbabago ba?" anas ko.

Mabigat siyang napabuntonghininga.

"Pero atleast 'di ba? Alam niya..."

Hindi ako sumagot. Pumikit lang ako at nagpakalunod sa iniisip. Ano kaya ang sasabihin ni Caleb? Galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Maniniwala kaya siya? Parang okay na naman sila ulit ni Fatima. Sisirain ko pa ba 'yon? Hindi ba iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagsinungaling? Para magkabalikan sila...

Kahit na medyo sensitibo ang pagbubuntis ay nagpatuloy ako sa pagtatrabaho sa cafè. Kailangan kong kumayod hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa batang nasa sinapupunan ko. Hindi dapat sarili lang ang iniisip ko dahil hindi na ako nag-iisa ngayon.

Mabilis na naman akong napatakbo sa CR para sa staff ng cafè dahil sa pagsusuka.

"Pang-ilan mo na 'yan ngayong araw, Win?" si Ate Jelay habang pinagmamasdan ako.

"Pang-apat p-po yata..."

Bumuntonghininga siya at napahawak sa baywang. Mariin niya akong tinitigan.

"Ilang buwan na?"

Kaagad kong nakuha ang deretsahan niyang tanong. Alam ko naman na may nakakapansin ng mga kasamahan ko sa trabaho pero ito iyong unang beses na may nagtanong sa akin.

"Mahigit isang buwan na po."

"Tatay?"

Marahan akong umiling.

Tumalim ang tingin niya.

"May mga lalaki talagang sarap lang ang alam pero kapag hirap na mas mabilis pa ang takbo papalayo kaysa sa kabayo," aniya at ipinagpatuloy na ang paggawa ng cheesecake habang naiiling.

Maaga akong umuwi ng apartment. Siguro nga ay naawa na si Ma'am Caitlyn sa akin. Lagi na lang kasi akong nagsusuka at napakasensitibo pa ng pang-amoy ko. Habang nakaupo sa may sala, humigpit ang pagkakahawak ko sa numero na bigay ni Raffa noong nakaraang araw. Numero ng opisina ni Caleb dahil hindi ko na siya makontak sa dating private number niya.

Huminga ako ng malalim at sinimulan na itong i-dial. Mas kinabahan pa ako nang may sumagot na.

"Governor Del Fuego's office. How may I help you today?" anang boses ng babae sa kabilang linya.

Pumikit ako. "P-Pwede ko bang makausap si G-Governor?"

"I'm sorry, ma'am. Governor Del Fuego is currently unavailable today because of his very hectic schedule since the election is fast approaching. May I know who is calling?

Naitikom ko ang bibig. Ilang segundo pa akong natahimik.

"Ma'am?" untag niya, " Pwede ko bang makuha ang pangalan ninyo?"

"Who is that, Ireen?... Anyways, can you also reschedule...?" Dinig kong boses ni Caleb sa background. Sa nanginginig na kamay ay mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagputol ng tawag.

Lumakas ang kabog sa dibdib ko. Para akong tumakbo ng milya-milya dahil sa matinding kaba. Hindi ko pa kaya ngayon...pero susubukan ko ulit bukas. Pangako ko sa sarili.

Sa pangatlong pagsubok ko na makausap si Caleb ay muntikan na akong mahimatay dahil siya mismo ang sumagot nito.

"Hello?" baritonong boses niya sa kabilang linya.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Ngayong kausap na siya ay parang hindi ko na maibuka ang bibig. Ilang segundo lang akong natahimik. Hindi naman niya ako binabaan.

"I know it's you. What do you want?" magaspang na tanong niya. "O baka naman wrong number ka. Hindi ako si Ben. Hindi ako ang lalaki mo."

Pumikit ako nang mariin dahil sa talim ng sinabi niya. Dumiin ang sugat na iyon sa puso ko.

"C-Caleb..."

Dinig ko ang marahas na pagsinghap niya. Na para bang pati pagsambit ko sa kanyang pangalan ay nagdudulot ng sakit sa kanya. Sinubukan kong magpatuloy.

"Caleb, k-kailangan ko—"

"Kailangan?" marahas na pagputol niya sa akin, " Ano pa bang kailangan mo? Ubos na ako. Inubos mo na ako."

Ang sakit. Kasalanan ko naman kung bakit ganito niya ako ituring pero ang sakit pa rin talaga.

"I'm busy. Stop harassing my secretary. Huwag mo na akong tatawagan sa opisina ko. Stop disturbing my office," matigas na sabi niya at binaba na ang telepono.

Siguro nga ay desperada na ako. Ayaw kong sumuko. Alam ko namang hindi ko ito ginagawa para sa sarili kundi para sa bata. Gusto ko lang malaman ni Caleb na buntis ako. Kung ayaw man niyang kilalanin ang anak ko ay okay lang sa akin. Hindi ako maghahabol. Hahayaan ko siya. Ang gusto ko lang, pagdating ng araw, masasabi ko sa bata na alam ng ama niya na nabuo siya. Hindi ko ipagdadamot sa kanya ang detalye na 'yon.

Kaya naman nang matapos ang eleksiyon ay sinubukan ko ulit. Nanalo naman si Caleb bilang senador kaya kahit papaano ay baka maging matiwasay ang pakikipag-usap niya sa akin? Baka kahit papaano ay mabigyan niya ako ng pagkakataon para mapakinggan?

Hindi ko na maramdaman ang mga daliri ko sapagkat mistulan na itong naging manhid sa pakiramdam. Marahan akong pumikit sabay lunok dahil natuyo na ang lalamunan ko sa kaba. Muli akong dumilat at sa nanginginig na kamay ay sinimulan ko na ang pag-dial sa telepono.

Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan nang mag-ring na ito. Ilang segundo pa ang lumipas, kaagad na may sumagot na sa kabilang linya.

"Senator Del Fuego's office, how may I help you today?" magiliw na bungad ng kanyang babaeng sekretarya sa kabilang linya. Hindi na ako nagulat pa na siya ang bumungad sa akin.

"Pwede ko bang makausap si Sen. Del Fuego?" tanong ko sa namamaos na boses.

"Pasensya na po, ma'am. Senator is currently in a conference meeting. May I know who is calling? I can just take a message."

Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa telepono. Pumikit ulit ako nang mariin.

"Tell him...Tell him it's Winona."

Kaagad siyang tumahimik sa kabilang linya. Hindi ko na masyadong inisip pa kung ano ang rason sa likod nito. Nasagot ang katanungan ko nang may nagsalita ulit.

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na huwag mo akong tatawagan sa opisina. What is it?"mababang boses ni Caleb Del Fuego.

"Buntis ako," deretsahan kong tugon. Inignora ang malupit na tono ng pananalita niya.

Natahimik siya sa kabilang linya. Marahas siyang bumuntonghininga.

"What are you saying? How did it happen?"

Parang may bumarang mapait na lason sa lalamunan ko.

"How did it happen?" Mahina akong natawa ngunit wala itong bahid ng tuwa,"Ilang beses tayong nagtalik. Ipinutok mo sa loob at nagbunga iyon... t-tapos tatanungin m-mo ako niyan?"

Tanging paghinga lang niya ang naririnig ko.

"Caleb...," sambit ko na punong-puno ng pagsusumamo.

"You know that I can't father your child," aniya sa matigas na boses.

Tuluyan ng kumiwala ang luha mula sa mga mata ko. Kahit inasahan ko naman na magiging ganoon ang sagot niya ay hindi ko pa rin maiwasang maramdaman ang tagos sa butong sakit.

Isang patak ulit ng luha. Dalawang patak hanggang tuluyan na ang walang tigil na pagbuhos. Pinigilan kong humikbi. Ayaw kong marinig niya ang pag-iyak ko. Ayaw kong magmakaawa na naman para sa kapiranggot na atensiyon niya.

Muli kaming tahimik. Ni hindi ko pinalis ang mga luha ko at hinayaan ito.

"Walang pwedeng makaalam niyan. I just won the senatorial election. You know that," sabi niya.

Para akong sinampal. Akala ko tapos na siya sa pananakit ngunit hindi pa pala.

"Winona, narinig mo ba ako? Walang dapat na makaalam.

Lumunok ulit ako kahit na mahirap. Tumango ako maski hindi niya naman nakikita.

"Alam ko... N-naiintindihan ko," matapang kong sinabi sa kabila ng panlulumo at pangangatog ng tuhod ko.

Dinig ko ang pagod sa pagbuntonghininga niya.

"Ano ang gagawin mo? I can give you money. I can only support you financially. That's all I can give."

Malamyos kong hinaplos ang aking tiyan na hindi pa naman kalakihan dahil wala pang sampong linggo.

"Ipapalaglag ko," malambot kong pagkakasabi. Para bang hindi imoral ang desisyon na ipinapahayag.

Minuto pa ang lumipas bago siya sumagot.

"Sigurado ka ba?"

Gusto kong matawa. Umasa na naman kasi ako. Umasa na naman na pipigilan niya. Gusto kong sampalin ang sarili upang tuluyan na talagang magising sa katangahan at bulag na pagmamahal ko sa kanya.

Hinigpitan ko ang pagkakayapos sa sarili gamit ang isang kamay. Ang pagkakayapos sa tiyan, sa isa pang buhay na nasa sinapupunan ko. Parang anyo ito ng isang ina na handang gawin ang lahat maprotektahan lang ang kanyang anak.

Huminga ako ng malalim at unti-unting pumikit. Tanging tunog lang ng mga sasakyan na nagmula sa labas ng bintana ng inuupahan kong apartment ang namayani. Ngunit sa isang iglap ay may natatanging tunog ako na narinig. Isang tibok ng puso na nanggagaling sa aking sinapupunan. Alam kong maaga pa para marinig ko ang heartbeat niya pero ...

"Sigurado ka ba na ipapalaglag mo, Winona?" Boses na naman ng walang pusong ama niya na pumukaw sa akin.

Mas hinigpitan ko ang mistulang pagyapos sa bagong buhay na dinadala. Napangiti ako sa sarili.

"Oo, Senator Caleb Del Fuego. Sigurado na ako," sambit ko at ibinaba na ang telepono.

Dahan-dahan akong lumayo na mula sa bintana at tinungo ang salamin sa sulok. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nakita ko ang isang babaeng mistulang isang multo dahil sa suot na puting bestida. Nakalugay ang mahabang napakaitim na buhok na kulot sa dulo. Wala na ang kolorete sa mukha na nakapang-akit sa isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa bansa.

Ibinaba ko ang tingin sa aking tiyan. Marahan ko itong hinaplos. Bubuhayin ko ang anak ko nang mag-isa. Magiging isang mabuting tao siya. Sisiguraduhin ko na hindi na niya kakailanganin pa ang ama na itinakwil naman siya. Mamahalin ko ang anak ko nang buong-buo. Magpapatuloy ang buhay ko. Magpapatuloy ang buhay namin ng anak ko.

Continue Reading

You'll Also Like

379K 17.2K 36
Psycho Mafia #1: A doctor fell in love with his patient? That seems very typical and romantic for others. But not for Elli. There are a lot of obsta...
43.1K 431 45
Being a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this c...
2.2K 54 6
"20 years ago, I was in love with Thomas A. Tan. 20 years later, I still love him. 20 years ago, I lost the man I love. 20 years later... I met him...
1K 81 9
"Everything must take its place. This has been written in their fates." Lahat tayo ay may kalalagyan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel dito sa b...