Reincarnated As One Of The Tr...

By theblackescaper

308K 14.9K 373

Isa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako... More

PROLOGUE
CHAPTER 1:THE ACCIDENT
CHAPTER2:THE BABY
Chapter 3:THE TRIPLETS VILLAIN
CHAPTER4:APPRENTICE
CHAPTER 6: WEEK OF FOOLISHNESS
CHAPTER 7:THE SKY ANGER
SPECIAL CHAPTER 8:THE SHADOW
CHAPTER 9:THE LETTER
CHAPTER 10:THE ANNOUNCEMENT
CHAPTER 11: UNEXPECTED
CHAPTER 12:THE ILLEGITIMATE BROTHER
CHAPTER 13:MISSING
SPECIAL CHAPTER 14:HATRED
CHAPTER 15: ABDUCTED
CHAPTER 16: SLAVE TRADER'S
CHAPTER 17: BUYER
CHAPTER 18:PALACE
CHAPTER 19:THE CURSED PRINCE
CHAPTER 20:FRIENDS
CHAPTER 21:TRUTH
CHAPTER 22: GRAND TUTUER ROYAL
CHAPTER 23:DECISION
CHAPTER 24: CHANGES
CHAPTER 25:Académie Mystique de Cristal
CHAPTER 26:OPENING CEREMONY
CHAPTER 27:MAGIC AFFINITY TEST
CHAPTER 28:THE GIFT
CHAPTER 29: MESSAGE OR CURSE
CHAPTER 30: MYSTERIOUS BRACELET
CHAPTER 31:8 BEADS,8 CHANCES
CHAPTER 32:THE BATTLE
SPECIAL CHAPTER 33: THE PUPPET
CHAPTER 34: DONT JUDGE!
CHAPTER 35:COMBAT DUEL
CHAPTER 36:THE ANNOYING PRINCE
SPECIAL CHAPTER 37: TALE OF THE PERFECT PRINCE
CHAPTER 38: MISSION
CHAPTER 39:JOURNEY TO THE TEMPLE OF THE GREEN VALLEY
CHAPTER 40:THE RIDDLES
CHAPTER 41:THE MYSTERIOUS ANCIENT CLOCK
CHAPTER 43:WHY???
CHAPTER 44:WHAT IS HAPPENING?
CHAPTER 45:I'M BACK
CHAPTER 46:MYSTERY I
CHAPTER 47:MYSTERY II
CHAPTER 48: CLUE
CHAPTER 49:SMOKE
CHAPTER 50:THE GIRL WITH THE GOLDEN SHACKLES
CHAPTER 51:REASON
CHAPTER 52:THE TOWER
CHAPTER 53: THE THRONE IN THE CLOUDS
CHAPTER 54:DARKNESS
CHAPTER 55:CAVE
CHAPTER 56:THE WHITE AND BLACK BUTTERFLY
CHAPTER 57:THE LAST BEAD, THE LAST CHANCE
EPILOGUE
AUTHORS NOTE:

CHAPTER5: DUKE DIAMOND MANSION

10.2K 436 3
By theblackescaper

Chapter 5:Duke Diamond Mansion

Charlotte/Daisy POV

Ito na ang araw na magsisimula ang training ko sa Diamond Mansion. Ito na ang araw baka magsimula ang bangungot ko.

Hindi ko maisip ang mga masasamang pangyayari na kakaharapin ko sa loob ng tatlong buwan. Confident naman ako na hindi ako gagawa ng kahit anong kapalpakan sa loob.

Andito ako ngayon sa loob ng karwahe papunta sa Mansion. Taimtim akong nagdarasal na hindi sana ako mapahamak. Alam ko na ikakarangal to ng pamilya ang magkaroon ng isang family member na apprentice ng isang makapangyarihan na taon.

Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili.

"Miss andito na po tayo"

Dahan dahan binuksan ang pinto ng coachman. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mala palasyong mansion. Ngunit panandalian lang yun biglang napalitan ng takot ang aking pagkamangha.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may naalala ako. Ang picture na sinend dati sa akin ni Catherine na isa sa mga ending ng villains. Kung saan sila ay pinarusahan.

Sa ilalim ng mansion na ito ay may kulungan. Kung saan ang mga villain ay paulit ulit nilalatigo hanggang sa mamatay sila. Nanlalamig at nangingilabot ako ng maalala ko yun.

"Miss Miss Miss" naramdaman kong tinapik tapik ako kaya napalingon ako.

"Ha... Bakit po? "

"Kanina ka pa po tulala. Lumakad na po kayo nag hinintay na po nila kayo sa loob"

Nakayuko ako habang naglalakad hindi ko matago ang panginginig ng mga kamay ko.

'Paano kong magyari yun sa amin?'

Nasa malalim akong pag iisip ng may narinig akong tumikhim. Napa angat ang aking tingin ng makita ko ang duke at ang anak nya.  Napabalik ako agad sa aking pustura.

"Good afternoon Duke and his son"

"Maupo ka muna pag uusapan natin kung ano ang gagawain mo dito sa mansion" Naupo ako agad sa sofa sa harap nila.

"Tulad ng napag usapan magiging apprentice ka ng bunso kong anak pero hindi lang yun. Alam kong nagulat ka ng pagpili namin sayo.  Tama ba ako? "

"Opo medyo nagulat nga po ako sa desisyon nyo"

"Dahil yun sa panganay kong anak. Sya ang nagrekomenda sayo. Maid ipatawag mo na si Paragon"

"Si Paragon po? " Siguro hindi naman sya yung nakilala ko noong bata pa ako.

"Kilala mo sya? Oh andyan na pala sya" dahan dahan bumaba sa hagdanan ang isang lalaki na may pulang buhok.

"Ashley andito ka na pala"

"Paragon ikaw na ba yan?"
       Nagulat naman sila Duke Diamond at si Luis.

"Magkakilala kayo?"
 
"Yes dad actually kaya ko sya nirekomenda kasi napakatalino nyang bata. At tiyak na maraming matutunan si Luis sa kanya kahit na mag kaedad lang sila. Higit sa lahat may tiwala ako sa kaibigan ko" pagsasabi nya ay kinindatan  nya ko.

"Daisy alam mo naman ang gagawin mo?"

"Opo alam ko po"

"Pero hindi yun ang gagawin mo hindi kita kinuha bilang apprentice ng anak ko"

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Kinuha kita para maging guro ni Luis at sya ang magiging apprentice mo"

"WHAT!!! No way dad hindi ako papayag na maging apprentice ng isang babae. Na mas mababa pa ang katayuan kaysa sa atin"

"Luis wag mong ginaganyan si Ashley. Gusto namin matuto ka kung paano rumespeto at maging isang mabuting tao"

"Pero kuya"

"Wala kang magagawa susunod ka sa amin ng kuya mo"

"Opo dad akyat na po ako"
           Pero bago sya umalis sinamaan nya muna ako ng tingin.

"Pabayaan mo na yan si  Luis. Ganyan talaga yan simula noong bata pa. Good luck sayo Ashley bukas paalam"

"Thanks Paragon paalam" Pagkatapos noon ay umalis na sya.

"Sana talaga matulungan mo si Luis. Umaasa kaming matulungan mo kaming ayusin ang baluktot na ugali ni Luis"

"Makakaasa po kayong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Mauna na po ako aayusin ko pa po ang mga gamit ko"

"Sige maari ka ng umalis"

Umakyat ako agad sa magiging kwarto ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko. Pumunta ako sa study table kumuha ng papel at ballpen. 

'Luis Vincent Diamond'
         Sa palagay ko isang hard headed na lalaki. At sigurado na ako kung paano ang magiging ending ko sa kanya.Hindi maganda yun kaya dapat umisip ako ng paraan.

'Operation gawing isang maginoo at mapagpatawad na tao si Luis'

'Pero paano ko naman yung gagawin?'

Marami pa akong gagawin kaya kailangan kong na matulog.

'Good luck na lang sa akin bukas. Magiging maganda kaya ang araw ko o sasakit ang ulo ko'



Continue Reading

You'll Also Like

116K 4.1K 86
basahin niyo para masaya:^)
39.2K 5.2K 118
Kenni and Snow died together by felling from a rooftop building while fighting with each other. At the same time they both were reincarnated in a dif...
367K 16.6K 68
"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na an...
156K 6K 35
Isang babaeng napadpad sa ibang mundo. Ang mundo ng imahinasyon kung saan makikilala niya ang apat na Prinsipe na siyang male leads ng storya. Makaka...