Reincarnated As One Of The Tr...

By theblackescaper

309K 14.9K 373

Isa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako... More

PROLOGUE
CHAPTER 1:THE ACCIDENT
CHAPTER2:THE BABY
CHAPTER4:APPRENTICE
CHAPTER5: DUKE DIAMOND MANSION
CHAPTER 6: WEEK OF FOOLISHNESS
CHAPTER 7:THE SKY ANGER
SPECIAL CHAPTER 8:THE SHADOW
CHAPTER 9:THE LETTER
CHAPTER 10:THE ANNOUNCEMENT
CHAPTER 11: UNEXPECTED
CHAPTER 12:THE ILLEGITIMATE BROTHER
CHAPTER 13:MISSING
SPECIAL CHAPTER 14:HATRED
CHAPTER 15: ABDUCTED
CHAPTER 16: SLAVE TRADER'S
CHAPTER 17: BUYER
CHAPTER 18:PALACE
CHAPTER 19:THE CURSED PRINCE
CHAPTER 20:FRIENDS
CHAPTER 21:TRUTH
CHAPTER 22: GRAND TUTUER ROYAL
CHAPTER 23:DECISION
CHAPTER 24: CHANGES
CHAPTER 25:Académie Mystique de Cristal
CHAPTER 26:OPENING CEREMONY
CHAPTER 27:MAGIC AFFINITY TEST
CHAPTER 28:THE GIFT
CHAPTER 29: MESSAGE OR CURSE
CHAPTER 30: MYSTERIOUS BRACELET
CHAPTER 31:8 BEADS,8 CHANCES
CHAPTER 32:THE BATTLE
SPECIAL CHAPTER 33: THE PUPPET
CHAPTER 34: DONT JUDGE!
CHAPTER 35:COMBAT DUEL
CHAPTER 36:THE ANNOYING PRINCE
SPECIAL CHAPTER 37: TALE OF THE PERFECT PRINCE
CHAPTER 38: MISSION
CHAPTER 39:JOURNEY TO THE TEMPLE OF THE GREEN VALLEY
CHAPTER 40:THE RIDDLES
CHAPTER 41:THE MYSTERIOUS ANCIENT CLOCK
CHAPTER 43:WHY???
CHAPTER 44:WHAT IS HAPPENING?
CHAPTER 45:I'M BACK
CHAPTER 46:MYSTERY I
CHAPTER 47:MYSTERY II
CHAPTER 48: CLUE
CHAPTER 49:SMOKE
CHAPTER 50:THE GIRL WITH THE GOLDEN SHACKLES
CHAPTER 51:REASON
CHAPTER 52:THE TOWER
CHAPTER 53: THE THRONE IN THE CLOUDS
CHAPTER 54:DARKNESS
CHAPTER 55:CAVE
CHAPTER 56:THE WHITE AND BLACK BUTTERFLY
CHAPTER 57:THE LAST BEAD, THE LAST CHANCE
EPILOGUE
AUTHORS NOTE:

Chapter 3:THE TRIPLETS VILLAIN

12.4K 579 82
By theblackescaper

Chapter 3:The Triplets Villain

Charlotte POV

Sa nagdaan na isang taon.  Ang masasabi kulang ay parang tinotorture ako. Iniisip ko pa lang ang hirap na pinagdadaanan ko diaper at breastfeeding.

Nangingilabot ako kapag naalala ko yun. Hindi ko lubos na naisip kung paano ko yun natagalan.

Nahirapan talaga ako sa nagdaang mga buwan parang paralisado ang katawan ko. Hindi ako makaupo dahil mabigat ang ulo ko.

Ngayon nasa crib ako. Sinusubukan kung tumayo at humakbang. Hindi ko na matitiis ang ganitong kalagayan ko.

Dati natatawa ako kapag may mga palabas na nagiging baby ang bida. Ngayon alam ko na hindi pala to nakakatawa. Tingin ko pinaparusahan ako.

Dahan dahan akong umupo.  Susubukan ko naman ngayon ang tumayo ng maayos.

'Sa wakas successful.  Next step naman ang maglakad.

Nanginginig ang mga tuhod ko. Hinahakbang ko ang maliliit kung mga paa ng dahan dahan. Kompyansa na ako na hindi ako tutumba kaya sinubukan ko ng bumitaw.

Ng bigla na lang akong natumba sa kalagitnaan. Pasalamat ako malambot ang higaan ko. Kung hindi may malaki na akong bukol sa ulo pag nagkataon.

Sinubukan ko ng paulit ulit kahit na natumba tumba ako. Nung kaya ko na tingnan ko ang paligid.

Tulog naman ang aking mga kapatid. Kaya dahan dahan kong inakyat ang crib ko. Pasalamat ako na kahoy to kaya madaling akyatin.

Ng matagumpay akong makababa. Gumapang ako palapit sa pintuan. Ayokong makalikha ng kahit na anumang ingay na gigising sa kanila.

Tinulak ko lang ang pintuan. Iniiwan kasi nila tong bukas para marinig nila kung umiiyak kami.

Pakabukas ko ng pintuan. Tumingin muna ako sa kanan at kaliwa.  Baka may makakita sa akin at biglang sumigaw.

Pakiramdam ko tuloy isa akong ninja na nasa misyon. Ang kailangan ko lang naman malaman kung nasaan ako.

At may isang lugar lang na makakatulong sa akin ang library. Sa tingin ko  sa lawak ng mansyon na to  may library naman siguro dito.

Hindi ko mapigilan na mapahanga sa paligid. Pagtingin mo sa paligid  makikita mo na nasa Europhian style ka na bahay.

Mula sa mga kisame hanggang sa mga gamit. Malalaman mo agad na mamahalin at gawa sa magandang materyales.

Alam kong may bisita kami ngayon sa mansyon. Kaya nakakasiguro na walang masyadong tao ang ngayon na nasa pasilyo. Lahat sila ay nasa bulwagan ng mansyon.

Napapagod na ako kahit hindi pa naman ako masyado na kakalayo mula sa pinang galingan ko.

May natanaw akong malaking pintuan. Marahil ito na ang hinahanap ko.  Lumapit ako sa pintuan pero hindi ko maabot ang doorknoob.

"Minamalash nga naman"
       Nag aaral talaga akong tuwirin ang salita ko. Kahit kulang kulang ang mga ngipin ko.

"Anong ginagawa mo dyan?? "

Nagulat naman ako ng may narinig akong boses sa likod ko. Sigurado naman akong hindi yun boses ng kahit sino dito sa mansyon.

Bumungad sa akin ang batang lalaki na sa palagay ko walong taong gulang. May pula syang buhok at brown na mata.

"Sino ka??" tanong ko sa kanya.

Hindi sya nagsalita kaya tinuro ko na lang ang pintuan. Nakuha naman nya ang gusto kong sabihin sa kanya. Binuksan nya ang pintuan.

"Halika sasamahan kita sa loob"
"Salamat"
    Tumango lang sya. Pinaghihirapan kong maging tuwirin ang aking salita.

Bumungad sa akin ang malawak na aklatan. Maraming libro akong nakita sa loob.

CONTINUATION
~~~~

Nilibot ko ang paningin ko. At hinanap na ang pakay ko ang libro ng history.

Nilapitan ko ang bata kanina na tumulong sa akin. Kinalabit ko sya at bahagya syang nagulat ng ituro ko ang libro ng history.

"Gusto mong kunin ko? "

Tinanguan ko sya dali dali naman yun na inaabot at binigay sa akin. Agad ko yun kinuha at nagsimulang maghanap ng impormasyon.

"Marunong kang magbasa? "
"Opo"

Pagkatapos nun hindi na sya nagsalita. Pero ramdam ko ang titig nya.

Base dito sa libro na binabasa ko ay nasa Imperyo Isania kami.  Ito ay isa sa pinakamalakas na imperyo. At higit sa lahat ay nalaman ko rin  na nasa mundo ako na may mahika ang bawat tao dito. Marami pa akong nakuhang impormasyon.

Nilingon ko ang lalaking tumulong sa akin. 

"Ano ang pangalan mo?"
"Tawagin mo na lang akong Paragon, Ikaw sino ka? "
"Ako si Daisy Ashley Garnet so Friends"

Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Medyo nag aalangan pa sya pero nginitian ko sya.

"Uhm...  Sige friends"

May narinig kaming nagkakagulo sa labas.

"Dalian nyo hanapin nyo si Young Miss kong nasaan!!"
"Masusunod po"
"Young Miss Daisy asan na po kayo"
"Anak lumabas ka na"

Nagkatinginan kami hinawakan nya ang kamay ko. Inalalayan nya ako palabas. Nakita ko agad sila papa. Ng makita nya ako agad nya ko binuhat.

"Daisy! Andyan ka lang pa la. Pinag alala mo kami kung saan saan ka nagpupunta"

"Sorry po" Yumuko ako at humingi ng tawad. Nagulat si papa ng magsalita ako.

"Ang galing naman ng anak ko." Tuwang tuwa si papa habang karga karga ako.

"Ang galing ni Young Miss Daisy"
"Isang child prodigy"

Kung ano ano pa ang narinig ko bago ako pinasok sa kwarto ko. Kung alam lang nila kung ilang taon na talaga ako.

"Mahulog ka na, Goodnight Daisy "

Hinalikan nya ako sa noo bago sya umalis. Nakaisip ako parang nabasa ko na kung saan ang pangalan ng lugar na to.

"Isania"

Naalala ko na doon sa poster na pinakita sa akin ni Catherine. Bago ako mamatay yung may triplets villain.

"Ano nga ulit pangalan nun. Daisy,Rose at Lavander."

Teka nga lang triplets kami. Parehas ng name at place. Ngayon ko lang napagtanto.

I AM UNLUCKLY REINCARNATED AS ONE OF THE TRIPLETS VILLAIN!!

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
49.1K 2.7K 50
Ada Clarisse Hawking was a granddaughter of a scientist name Gilbert Hawking and she will becoming a doctor of present time. Ang kanyang lolo na si...
156K 6K 35
Isang babaeng napadpad sa ibang mundo. Ang mundo ng imahinasyon kung saan makikilala niya ang apat na Prinsipe na siyang male leads ng storya. Makaka...
69.1K 4.4K 23
She can't remember anything.