Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 21

306 86 169
By night-firefly


Craig pov:

"Craig." mahinang tawag ni Miracle sa akin. Nilingon ko naman siya, nakangiti siyang nakatingin sa akin pero hindi iyon abot sa mata niya.

"Problem?" nagtataka kong tanong. Hindi ako sanay na makita siyang malungkot.

Nagkibit-balikat lang siya at nakisabay na din sa akin papasok sa room. Tatanungin ko pa sana siya kung ano talagang problema niya pero natuon nalang ang mata ko ng makita kong nakatingin si First sa amin mula sa malayo. Hindi ko mabanaag kung anong emosyon niya dahil agad din niyang nilihis ang paningin niya sa iba.

"Can you stay away from her Craig?" pabulong na sambit ni Miracle na nakatanaw na din pala sa kinaroroonan ni First. Kunot-noo ko siyang tinignan dahil nagtataka ako sa sinabi niya ngunit nakapako pa rin ang titig niya at mas lalo pang naging malungkot ang mga mata niya.

"Why?" tanong ko.

A faint smile scape from her lips. "I'm just kidding.. Let's go baka malate pa tayo." napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Let's stop our arrange marriage Miracle." sambit ko bago siya makalayo sa akin. Natigilan siya at ilang minuto ding hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. Masyado ko ba siyang nabigla?

"W—why?" basag ang boses na tanong niya pagkalipas ng ilang minuto. Kahit hindi siya nakatingin, alam kong umiiyak siya at hindi ko gustong nasasaktan siya ng ganito kaya habang maaga pa dapat putulin ko na ang maling pagpapakasal namin. I love her pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Hindi ko siya magagawang mahalin tulad ng nararamdaman ko kay First. "Is it because of First again?" hikbi niya paring sabi.

Napabuntong hininga akong lumapit sa kanya at masuyo siyang niyakap. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak lalong lalo na kapag dahil sa akin.

"You already know why, Miracle." bulong ko. Mas lalo lang siyang humikbi at nagpipigil ng hagulhol sa sinabi ko pero kailangan kong gawin ito to let us free."I'm sorry." mahinang sabi ko sa kanya.

"Bakit? ... —-bakit hindi mo ko kayang mahalin katulad ni First, Craig. I love you, I always love you, pero bakit hindi mo nakikita iyon?" natigilan ako sa sinabi niya. Kahit kasi alam ko na naman ito kahit noong una pero hindi ko inaasahang aaminin niya sa pagkakataong ito. Pinunasan niya ang basang mukha niya at malamlam ang matang napatitig sa akin. "Please stay away from her Craig. —kahit mahal mo siya, she will never stay with you!" natulos lang ako sa kinatatayuan ko kahit naglakad na siya palayo sa akin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Miracle. Bakit ko naman lalayuan si First? Nagalit ako sa kanya,—oo . Pero hindi ko kayang lumayo na naman sa kanya.


Lutang ang isip kong pumasok sa room. Hindi ko nga namalayang nakaupo na pala ako sa upuan ko. Hati ang isip ko; gusto kong sundan si Miracle na naglakad kanina palabas ng school at kausapin siya pero nanaig sa akin ang bigyan muna siya ng space dahil alam kong lalo lang siyang masasaktan kong ipagpipilitan ko pa ulit ang sinabi ko sa kanya kanina.

"Are you okay?" pansin ni Clover sa akin. Mahina lang akong tumango sa kanya.

Bahagya ding lumingon si First sa akin kaya napatingin ako sa kanya pero mabilis lang din siyang umiwas at kunot-noo nang tumingin kay Clover. Inungusan niya lang ito at tsaka binalik ang tingin sa harap.

"Tuloy ba tayo mamaya First?" rinig kong tanong ni Acid sa kanya.

"Oo. Ano bang gusto ni Peni? —gusto niya bang first aid kit? Hihi— jowk! Posters na lang kaya ng kpop artist o kaya korean book tutal mahilig namang magkorean yung kapatid mo."

"Haha.. Ikaw bahala First, hindi naman mapili si Peni."

"Human stand na lang kaya ng crush niyang koreano,. si Butter kasi ganyan ang nilalagay niya sa kwarto niya, pinapractisan pa niyang e-lips to lips iyon. Hihi. Minsan ginagaya ko nga eh."

"Pffft.. what the— bakit doon kayo nagpa-practice? —pwedi mo kong praktisan First.. Hihi!" tatawa-tawang sambit ni Acid. Gusto ko siyang batukan sa sinabi niya pero hindi ko na nagawa dahil inunahan na ako ni Clover.

"What the fxct dude! Bakit ka ba nambabatok?" nasasaktang angal niya kaya binatukan ko na din siya.

"Tang-ina Craigy boy! Bakit gumaya ka din!!?" malakas niyang bulyaw sa akin. Himas-himas pa niya ang ulo niyang mukhang naalog ata sa pagkakabatok namin. "Anong problema niyong dalawa?" patuloy niyang angal pero kibit-balikat ko lang siyang sinagot kaya simangot siyang bumaling ulit kay First na natatawa lang na nakatingin sa kanya.

"Ako din pagaya!" sambit ni First at aakto nang babatukan siya pero agarang tumayo si Acid kaya hindi na natuloy ni First ang binabalak niya.

"What are your problem people?!!" simaktong nitong tanong sa amin. Sinigurado niya munang hindi siya babatukan ni First bago siya umupo ulit. Himas-himas niya ang ulong nasaktan at nakapangalumbabang nakaharap na naman kay First. Gusto ko tuloy siyang batukan ulit.

"Masakit?" tanong ni First sa kanya. Tumango lang siya habang naka-pout na nakaharap dito. Hilahin ko kaya nguso nito.

Pansin kong napangiti si First sa kanya at kinurot pa ng mahina ang pisnge niya. "Ang cute mo Acid." sambit nito na agad nagpapula ng tenga ng loko. Nag-blush ang hudyo. Ngumisi si First dahil sa reaction niya. "Libre mo na lang ako maya sa mall.. Hihi." dagdag ni First na nginitian lang ng uto-uto. Hindi ata niya napansing inuto lang siya.

Natapos ang klaseng bugnot ang mukha ko. Naiinis ako sa pinag-gagawa ni Acid. Maghapon kasi siyang kinikilig sa pagiging cute niyang uto-uto buti na lang sinisipa ni Clover ang upuan niya sa tuwing lumalapit na naman siya kay First. Hindi ko lang alam kung bakit ginagawa iyon ni Clover.

Andito kami ngayon sa field dahil dito ang community service ni First ngayong araw. Tutulungan daw siya ng mga kasama ko kaya sumama na din kami ni Clover.

"Oi, may bagong back up na sumama." sambit ni Krys patungkol sa amin ni Clover.

"May bago kang katulong First." si Race ang nagsabi na inungusan lang ni First.

"Sana huwag gumaya sayo'ng moral support lang ang ginagawa." ingos nito.

"Mahalaga ang moral support Uno alam mo ba yun?" pagmamalaki pa nitong sambit.

"Hindi at ayaw kong malaman! At huwag mo ngang tagalugin ang pangalan ko!" bulyaw niya dito.

"Bakit? Mas maganda naman ang Uno, unique. Diba? —diba?" tanong pa nito sa amin. Pansin ko ang pag-iba ng reaction ni First. Biglang nagkaroon ng hindi matantong emosyon mula sa mukha niya pati na din ang mata niya.

"Tsk! Tumahimik ka karera!" maya-maya ay bwelta niya.

Napangiwi si Race sa pagkatagalog ni First ng pangalan niya.

"Ganda din ng Karera, masyadong unique! Haha." tumatawang sabi ni Acid na nilapitan na si First. "Pagod ka na ba? Umupo ka na lang." malambing nitong suhestiyon. Kumukulo na naman ang dugo ko sa lalakeng ito.

"Hindi pwedi Acido, makita pa ako ng Dean baka dagdagan pa ang araw ng punishment ko." sambit nito habang nagpupulot pa rin ng basura sa field.

"Bakit ka naman kasi binigyan ng parusa ng dean First? 2 buwan? Potcha!" si Krys.

"Masyado na daw kasi akong mabait kaya dapat dagdagan ko pa." tamad lang na sagot nito.

"Pero sino kaya talaga ang may kasalanan nung pagkasira ng upuan ni Miracle.? Nagtataka lang kasi ako kung bakit tinaon pang nasira ang cctv ng room nung araw na yun." nagtatakang tanong ni Mickey. "Ikaw Craig, alam mo ba? May nasabi ba si Miracle sayo?"

Napatingin silang lahat sa akin ngunit kibit-balikat ko lang silang sinagot. Mula kasi nung araw na yun hindi na din nila inalam dahil nasuspend na din si First.

Napatingin naman kaming lahat ng biglang humagalpak ng tawa si First..

"Tsk! Hahahaha.. Sinipa ko yung upuan niya mula sa kinauupuan ko kaya nasira! Haha.. galing ng powers ko no!" sarkastikong sambit nito sa amin habang patuloy pa ring tumatawa pero wala man lang sa amin ang nakitawa sa sinabi niya.

"Stop it First! Walang nakakatawa." saway ni Clover sa kanya.

"Oh come on! Nakakatawa kaya 'yun.. Biruin niyo ang layo ko tapos ako ang pinagbintangan dahil tumawa ako. Hahaha! Tangina lang diba?" natahimik kami sa sinabi niya. Nanumbalik sa akin ang araw na yun na inisip ko ding siya ang may kasalanan. Wala man lang nagtanggol sa kanya nung araw na yun at alam kong sobra siyang nasaktan nun.

Umiiling lang si Clover sa sinabi niya at nag-iwas din ng tingin.

"Tsk! Bakit kayo natahimik? Guilty din ba kayo?" natatawang tanong niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sobra akong naguilty. Hindi ko man lang siya pinaniwalaan nun.

"We're sorry First." mahinang sambit ni Mickey. "We're sorry dahil hindi ka namin napagtanggol noon."

"Yeah. Hindi naman kami naniwala sa bintang sayo non First. Ayaw lang namin na isipin nung mga kaklase natin na kinakampihan ka namin." paliwanag ni Race.

"We plan to get the cctv footage to clean your name pero wala kaming nakita dahil sira ang cctv sa room." si Krys. Binalak talaga naming kunin ang footage nun pero wala kaming nakita sa monitor. Nakakapagtaka na sumakto pa talaga sa oras kung kelan nahulog si Miracle sa upuan.

Lumapit si Acid kay First at hinawakan ito sa dalawang braso. "Sorry na First. Libre na lang kita ng maraming pizza para hindi ka na magtampo."

Tamad niya lang itong tinignan at maya maya ay unti-unti na siyang ngumiti. Pagkain lang talaga ang katapat niya.

"Let's go!" excited pa nitong yaya sa amin at nagpatiuna ng maglakad.

Kamot-ulo kaming sumunod sa kanya palabas ng campus. Ang bilis talaga magbago ng mood niya basta pagkain na ang pinag-uusapan. Sana ganoon na lang siya palagi kadaling kausapin.

Convoy kami papunta sa mall dahil pare-parehas lang naman kaming may sasakyan. Nauna na si Race na umalis dahil halata naman sa pangalan niyang mahilig siya sa karera.

Sumunod na din kami nung magmaneho na si First. Sa isang Grannier City Mall ang napag-usapan naming pupuntahan.


"Tara kain muna tayo!" yaya kaagad sa amin ni First.

"Let's go babe!" kaagad na sambit ni Acid na tinawanan lang ni First pero inis ang hatid sa akin nun! Babe? What the fuck! Kanina pa ang Acid na to ah.

Pumasok na kami sa isang pizza house at kaagad na umorder ng family size si Acid. Harapan kaming nakaupo ni First na parang hirap pang tumingin sa akin. I know awkward pa rin ang feeling sa pagitan naming dalawa dahil may tampo pa rin ako sa kanya pero hindi ko naman magawang lumayo. Ako na ang marupok.


Pansin kong may tinitignan siya sa kabilang lamesa kaya napatingin na lang din ako doon. Nakangising magandang babae ang nakikita ko at batay sa reaksyon niya, kilala niya si First. May kasama pa itong babae din na naka-suot ng uniform.—taga San Sebastian Academy ang isang to habang ang nakangising babae naman ay sa Montella High ang suot na uniporme.

Binalikan ko ng tingin si First na umirap lang naman sa mga babae. Ang taray talaga niya kahit kailan.

"Woi Uno, kilala mo ba yung mga magagandang chix doon sa kabilang lamesa?" tanong ni Race na nahalata na din pala ang tinitignan niya.

Matalim lang siyang tinignan ni First, dahil na naman siguro sa pag-tagalog niya ng pangalan nito.

"Hindi!" pabulyaw niyang sagot.

"Tsk! Eh bakit kanina ka pang nginingitian ng cute na babaeng yun?"

"Hindi yun ngiti. Ngisi yun! baliw!" halos pabulong na lang ang sinabi niya sa huling salita niya pero sa babae niya ata iyon sinasabi.

Hindi na nakatiis ang magandang babaeng nakangisi sa kanya at kinawayan na siya.

"Patient No. 1, long time no see!" pasigaw nitong sabi. Siniko naman siya nung babaeng taga-San Sebastian Academy at ito na ang tumingin ngayon kay First. Padabog na tumayo si First at tamad na tamad na naglakad papunta sa dalawang babae na nasa kabilang lamesa.

Tahimik lang kaming nakatingin sa kanila. Gustuhin mang lumapit ng mga kasama ko upang makipagkilala din sa dalawang babae, naunahan na kami ni Clover sabihang huwag makisali sa pag-uusap nila. Batay kasi sa reaction ng mukha ni First at nung babaeng taga-San Sebastian, seryoso ang pinag-uusapan nila.

Simaktong siyang nakikipag-usap sa dalawa habang ang mga ito ay ngingisi-ngisi lang sa harap niya. May dumating pang isang babae na lalong nagpasimangot kay First. Sino ba sila? Ngayon ko lang ata nakita ang mga mukha nila.

"That beautiful girl from San Sebastian Academy was Sabrina Lorraine Park." sambit ni Krys kaya napatingin kami sa kanya.

"Kilala mo?" tanong ko.

"Not really.. idol ko lang siya sa larong bilyar. Dude ang cool niyang maglaro nun. Ang ganda niya din. Hayst! Ideal type ko siya pero hindi na siya available." nanghihinayang niyang sabi.

"Bakit naman?" tanong ni Mickey.

"She's related from the leader of Dark Knights." sagot niya.

"Dark Knights?" singit ni Race. Sa aming magkakaibigan si Race ang may alam sa mga gangs. Ang hilig niya kasing makipag-karera kaya nakakakilala siya ng mga grupo na kasali sa mga gang.

"Yeah! Kilala mo siguro ang mga yun."

Hindi siya sumagot pero nakatutok na ang tingin niya sa babaeng taga-San Sebastian. Napatingin lang ulit ako sa pwestong kinauupuan ni First na ngayon ay nagkakamot na ng ulo na parang pinapagalitan ng ina. Ilang segundo ang nagdaan at pagod na pagod siyang bumalik sa lamesang inukupa namin.

"Nakakagutom." nanghihina niyang angal.

"How did you know them?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Napatingin siya sa akin at bakas sa mukha niyang nag-aalinlangan kung sasagutin ba niya ang tanong ko. Dumating si Acid dala-dala ang pizza na order niya kaya mas lalong hindi niya nasagot ang tanong ko. Napatingin ulit ako doon sa tatlong babae na nakasuot ng iba't ibang uniporme indikasyon na nanggaling sila sa iba-ibang school.

First pov;

Where in the Grannier City Mall kasama ang anim na impakto. Kami lang sana ni Acid ang magmamall at mamimili ng regalo para kay Peni pero sumama ang mga impaktong ito.

Nagmadali kaming pumasok sa isang pizza house, pampalubag loob ni Acid sa akin dahil sa tampo ko sa kanilang nanariwa kanina sa school field. Pinaalala pa kasi ni Mickey ang naging kasalanan nila sa akin noon. Nagutom ako sa community service kaya kaagad na akong naging marupok sa panglilibre ng pizza ni Acid. Ako na ang marupok, foods eh! Ipagpapalit ko pa ba yun sa tampo ko eh lalo lang akong magugutom nun.

Nakaupo kami habang naghihintay sa family size pizza na oorderin ni Acid. Kaharap ko pa si Craig na pinagtataka ko pa rin kung bakit naisipan niyang makisama sa amin ngayon. Pati si Clover ay sumama, pero hindi na ako magtataka sa isang to, —kabute naman siya kung saan-saan sumusulpot. Bigla-bigla na lang kasing kumakatok sa pintuan ng unit ko. Doon na naman kasi ako nakatira mula nung makabalik ako galing sa La Carlota dahil nasa isang business trip na naman si Dad, hindi na naman niya alam na wala ako sa mansyon.

Ramdam kong nakatingin si Craig sa akin pero hindi ko siya magawang tignan. Nahihiya pa rin ako. Narealized ko kasi nung mga nagdaang araw ang laki ng kasalanan kong pag-iwan sa kanya ng walang paalam. Akala ko kasi hindi siya gaanong masasaktan na sa pagdaan ng ilang araw makakalimutan niya din ako, pero naghintay siya sa pagbalik ko na hindi ko na nagawa pa habang andun siya.

Naagaw ang pansin ko sa dalawang babaeng nakaupo sa kabilang lamesa. Ngingisi-ngisi pa ang isa habang nakatingin sa akin. Halatang iniinis ako ng isang 'to. Hindi na sana ako tatayo pero ang talim ng tingin ni Blue. Lalo tuloy akong nagutom.

Yeah! I know them. — Sabrina Lorraine Park from San Sebastian Academy and Dew Villary from Montella High. — si Dew talaga ang kilala ko sa dalawa dahil minsan na kaming nagkasama nito. Tinawag pa akong patient no. 1 ng gaga buti hindi nahalata ng mga kasama ko. Literal na baliw kasi ang isang to.

"What's up!" tanging malamig na tanong ni Blue. Napatungo lang ako sa tanong niya. Alam kong alam na niya ang nangyari sa akin sa Nueva Ecija pati na din ang pagkaka-ospital ko sa La Carlota. Kung nagtataka kayo kung paano niya nalaman, hintayin muna natin ang pagdating ni Ivory dahil alam kong kasali siya sa sabonang ito.

"Are you crazy? Muntik ka ng mamatay dahil sa kabaliwan mo!" si Dew ang unang sumita.

Nagkamot lang ako ng ulo. Inaamin ko namang nagpadalos-dalos talaga ako nung puntahan ko si Mr. Mariano sa Nueva Ecija na naging dahilan pa ng muntikan kong mabawian ng buhay.

"Next time kasi matuto kang humingi ng tulong. Masyado mo ng dinibdibdib ang pagiging loner mo eh mas malaki naman dibdib ko sayo!" dagdag pa niya. Napatingin tuloy ako sa dibdib niya. Not bad— hindi naman kami nagkakalayo. Napunta lang kasi doon ang dapat na ikinatangkad niya. Tsk! Ang cute ng height niya.

Nakangangang napabaling si Blue sa kanya. Hindi din siguro niya maintindihan kung bakit napasali ang dibdibang labanan sa pagsisita ni Dew sa akin.

"What?!" inosente pa niyang tanong dito kaya inikutan lang siya nito ng mata.

"Stop using that little boy First, baka mapahamak pa siya." baling ni Blue sa akin patungkol sa pagtulong ni Tork. Tatanungin ko pa sana siya kung paano niya nalaman pero dumating na si Ivory kaya hindi ko na lang sinayang ang laway ko dahil sigurado akong siya ang nag-chismis nito kay Blue.

"Tsk!" palatak ni Ivory bago umupo sa bakanteng upuan. "Buti buhay ka pa!" sarkastikong sambit nito sa akin. "Hindi mo lang nakuha ang tulong ko, nanggamit ka kaagad ng iba! Gaga ka talaga, kung akala mong madali lang ang paghack ng database ng kulungan ay sobra kang nagkakamali First. Maaring mapahamak si Tork kung hindi siya kaagad makalabas ng site! Buti nga magaling ang batang iyon! Masyadong mautak."

Napangisi ako sa kanya. Talagang magaling si Tork! Baby ko yun eh.

"Huwag kang ngumisi! Hindi ka nakakatuwa First. Muntik ka ng mamatay sa ginawa mo. Buti hindi ka natuluyan at inatake ka ng pagkabaliw mo kaya nalabanan mo ang taong iyon." si Dew naman ang nagsalita.

"Hindi ko na po uulitin inay!" nakanguso kong sambit sa kanila. Hindi ko na din naman uulitin dahil hawak ko na ang kasagutan, —nasa libro na ni Mommy na hindi ko pa nagawang basahin. Natatakot kasi ako sa mga malalaman ko pa doon. And speaking of libro. Ilang araw ko na din itong hinahanap pero hindi ko talaga makita ulit.

"Don't do stupid things again First! Alam mo kung saan ka na naman ipapatapon ng Daddy mo kung ipagpapatuloy mo yan." paalala ni Blue sa akin. Napatungo ako, alam ko na naman iyon. Nasabi na din niya sa akin sa La Carlota pa lang na ibabalik niya ako kung saan talaga ako nababagay. Sa lugar na may mga sakit sa isip. —Ok Psychiatric Hospital. Kung saan ko nakilala si Dew. —and Dew is psycho too.



——————————

Authors note:

Sabrina Lorraine is from —She is Love .. one of my story.

Dew Villary is from— Sweet but Psycho.

and..

Ivory is from —- Lost in the wild

Continue Reading

You'll Also Like

113K 5.3K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1.9M 95.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
482K 10.3K 72
Siya si Crystal Ice Lee. Isang babaeng cold,Hindi nagpapakita ng emosyon, walang awa,brutal at kinatatakutan ng lahat. Isa siyang gangster queen at m...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...