WHAT WAS GOOD ABOUT TODAY? (E...

Від MeiCh3nSi

2.5K 519 750

[COMPLETED] You're the sinoatrial node of my heart. Without you, even a defibrillator won't save me. WHAT WA... Більше

WHAT WAS GOOD ABOUT TODAY?
PROLOGUE
EPIGRAPH
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
EPILOGUE

CHAPTER 30

35 7 31
Від MeiCh3nSi

"Doc! Gising na ang pasyente!" narinig kong sigaw ng kung sino

Inilibot ko ang aking paningin sa isang puting kwarto na kung saan maraming akong nadidinig na tunog ng aparato. Sinubukan kong igalaw ang aking buong katawan pero ako lamang ay nabibigo dahil hindi ko 'yon maigalaw ng lubusan dahil sa mga aparato na nakalagay sa'kin. Ilang sandali pa, may mga Doctor ang lumapit sa'kin at sinusuri ako. 

"Mr. Ronan, Did you hear me?" tanong sa'kin ng Doctor matapos niya akong suriin. "Move your thumb kung naririnig mo ako." utos niya sa'kin na agad ko naman sinunod.

Gusto kong bumangon sa pagkakahiga dahil gusto kong makita si Hyacinth. Sabi ko na nga ba na isa lamang iyon panaginip. Alam ko naman na hindi ako iiwan ni Hyacinth. Naririnig ko siya t'wing gabi na kinakantahan niya ako at narinig ko din siya na sinabi niya na nandito lang siya sa tabi ko at hindi niya ako iiwan. Kaya napaka-imposible 'yon.

Napatingin ako sa isang Doctor ng bigla niyang sinuri ang mga mata ko. Inip na inip na ako gusto ko na talaga makita si Hyacinth. Maya-maya pa nang matapos niyang suriin ang mga mata ko sumenyas ako na tanggalin ang nakalagay na oxygen mask sa'kin. Agad naman iyon sinunod ng Doctor. 

Nang maitanggal na iyon, aasta sana akong magsasalita nang maramdaman na tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Hindi ko alam kung ilang araw ba ako nakatulog para manuyo ng ganito ang aking lalamunan.Subalit, sinubukan ko pa rin magsalita.

"Where's Hyacinth?" I asked, hoarsely

Hindi nakasagot ang Doctor sa tanong ko, napansin kong tumingin siya sa may kaliwang direksyon ng kama ko, hindi ko alam kung sino ang tinitignan niya na para bang base sa itsura nito ay humihingi siya ng tulong. Pagkatapos ng ilang saglit ay bumaling ito sa'kin.

"You have to rest, Mr. Ronan, you're not fully recovered." aniya

Umiling ako. "Nasaan si Hyacinth?" seryoso kong tanong kahit hirap na hirap akong magsalita, napatingin ako sa likuran ng Doctor nang dumungaw ang bulto ni Daddy. 

Payat na payat siya at mukhang hindi siya natulog buong magdamag, linapitan niya ako at saka hinawakan ang aking kamay. Nangingilid ang kaniyang mga luha sa mata habang pinagkakatigan ako na tila bang hindi siya makapaniwala na nahahawakan niya ako ngayon.

"Son." malambing na sabi niya habang kumikibot ang labi nito upang pigilan ang luha na kanina pa nangigilid.

I reached his hand and gripped it tightly. "Dad, where's Hyacinth?" this time I asked him dahil alam kong masasagot niya ako sa tanong ko. 

Pinagkatitigan ako ni Daddy habang nagsisimula ng magsituluan ang kaniyang mga luha, umiling-iling ako, ayaw kong isipin ang tumakbo sa isipan ko ngayon. Unti-unti nagsituluan ang aking luha. 

"D-dad, nasaan si Hyacinth? Patawag naman oh, sabihin mo gising na ako."  para akong batang nagmamakaawa kay Daddy pero sa halip na sagutin at sundin ako ni Daddy, yumuko lamang siya. "D...d...a...d pl...e...ase." akma na mag-aangat muli siya sa'kin ng tingin nang biglang mangibabaw ang boses ni Kendra, napatingin ako sa kaniya.

"Wala na si Hyacinth, Gavyn, matagal kang na coma at isang taon na nakakalipas ng mawala siya, hindi naging matagumpay ang operasyon sa kaniya. Habang nasa kalagitnaan siya ng kaniyang operasyon, nag cardiac arrest siya." umiiyak na sabi niya  "Wala na siya, Gavyn, wag mo na siyang hanapin dahil hindi mo na siya makikita at dahil 'yon sa'kin kaya siya-" 

Hindi ko na pinatapos si Kendra sa iba niyang sasabihin dahil hinablot ko na agad ang kwelyo niya. Luhaan kaming pareho habang nagkakatigan sa isa't-isa. Ang mga Doctor doon ay pinipigilan ako pero wala silang magawa.

"W-what did you do?!" I shouted, angrily

"I-I'm s-sorry, Gavyn, I didn't mean to hurt her..."

Pagkasabi niya niyon, hindi na ako nagsayang pa ng oras, binitawan ko siya at kasabay nang paghablot ko sa lahat ng mga nakalagay sa'kin na aparato. Nagmamadali akong bumaba ng kama, naramdamam ko agad ang malamig na sahig nang maitapak ko ang aking mga paa doon at patakbong lumabas ng aking kwarto.

Nanginginig ang buong katawan ko, sabayan pa ng sobrang bigat nang nararamdaman ko. Hindi ako naniniwala kay Kendra, alam ko nasa kwarto lang si Hyacinth, kasi 'yon ang sinabi niya sa'kin. Mas binilisan ko pang tumakbo para hindi nila ako maabutan hanggang sa makarating ako sa floor kung nasaan ang kwarto ni Hyacinth. Nakita ko si Nurse Ken kaya lumapit ako sa kaniya, umiiyak at hingal na hingal.

"N-nurse Ken, nasaan si Hyacinth?" pilit kong pinapakalma ang sarili ngunit wala akong matanggap na tugon mula sa kaniya kaya naman patakbo akong binuksan ang kwarto ni Hyacinth at hindi ako makapaniwala na wala na ni kahit anong gamit ang nasa loob.

Hingal na hingal akong napaluhod  sa sahig habang umiiyak. "No!" sigaw ko habang hawak-hawak ang aking dibdib. "Hin...di ma...ari!" humahalgulhol na sambit ko, ilang sandali pa naramdaman kong may humawak sa aking magkabilang balikat kaya napa-angat ako ng tingin. Si Nurse Ken kaya naman humarap ako sa kaniya. "Sa...bi...hin mo na...man na hi.ndi to...too ang si...na...sabi ni...la, ple...asee." pagmamakaawa ko sa kaniya habang nakahawak ako sa kaniyang kwelyo.

"S-sorry, Gavyn..." nanginginig ang boses niya. "Totoo ang sinasabi nila, wala na si Hyacinth." dagdag niya at sa hindi mabilang na pagkakataon naramdaman ko nalang na may tumusok sa'kin na nakapagpawala sa'kin ng malay.

Lumipas ang ilang buwan simula ng malaman kong wala na si Hyacinth, nakakalungkot lang isipin na sa mga oras na kailangan niya ako sa tabi niya ay wala ako, hindi ko lubos na maisip na yung akala kong panaginip na 'yon ay totoo, kung alam ko lang na ganun, hindi na sana akong pumayag na bumalik pa. Edi sana niyakap ko siya ng napakahigpit. Madami akong sana pero siguro nahuli na ako, wala na siya at iniwanan niya talaga ako.

Sa bawat araw na dumaan mas mahirap sa'kin ang tanggapin na wala siya, ginawa na ni Daddy lahat-lahat para lamang unti-unti kong matatanggap na wala na nga si Hyacinth pero ang hirap talagang kalimutan yung tao nagbigay sa'yo ng pag-asa na maging mabuting tao.

Bumuntong-hininga ako bago buksan ang kwarto ni Hyacinth. Last day ko na dito sa hospital kaya naman sa huling pagkakataon gusto ko manlang makita ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan nabuo ang pagkakaibigan at pagmamahal ko sa kaniya. Mapait akong napangiti nang tuluyan akong makapasok, isinuyod ko ng tingin ang bawat sulok nitong kwarto at lahat nun ay may memorya kay Hyacinth.

Mula kung saan naka-pwesto ang kama niya na doon nangyari ang pangalawa namin pagkikita, yung couch niya na kung saan papaluin niya ako ng kaniyang ukulele dahil sa gulat at kung saan kami naka-upo para pagsaluhan ang slice bread at liver spread na sinasabayan namin ng inom ng yakult. Yung IV stand niya na lagi kong hawak-hawak sa t'wing maglalakad kami sa hallway or tatakas kami para mag road trip. 

Napasulyap ako sa bintana at dahan-dahan na naglakad patungo doon, sumulyap ako sa malawak na hardin... at itong bintana kung saan kami sabay tumitingala at tinatanaw ang mga bituin at buwan sa langit habang dinadama ang malamig na hangin. Itong pwesto na 'to kung saan kami nagbibiruan, nagtatawanan at unang beses na sinabihan ko siyang mahal ko siya. Hindi ko ito malilimutan, hindi ko makakalimutan na may isang kwarto dito sa hospital ang nakapagpabago sa buhay ko.

"Mr, Ronan?" naputol ang aking pag-iisip nang mangibabaw ang boses ni Nurse Ken, napalingon ako sa kaniya, nakangiti siyang naglakad papalapit sa'kin, nginitian ko din siya. "Balita ko last day mo na daw ngayon?" aniya

Tumango ako. "Oo, bakit mamimiss mo ako?" pagbibiro ko sa kaniya

Napangiwi siya. "Asa! Hindi no..." nakakalokong tugon niya sa sinabi ko.

"Eh, ano ang ang ginagawa mo dito, Scammer?" tumawa siya sa sinabi ko at ilang sandali pa ay may inabot siya sa'kin nakalagay ito sa isang pink na lagayan. "May nagpapabigay pala 'yan sa'yo." napatingin muna ako sa likuran niya para sana tignan kong sino iyon nang siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at ipinatong ang pink na lagayan, nagugulat akong napabaling sa kaniya. "Doon muna sa inyo 'yan buksan, anjan na kasi ang Daddy mo hinahanap ka na." aniya, kaya naman sa halip na magsalita pa, tumango nalang ako at saka sumunod sa kaniya palabas ng kwarto at bago pa man 'yon tuluyan na maisara, sumulyap muli ako doon.

Nang nasa labas na kami ng kwarto napatingin ako kay Nurse Ken ng magsalita muli siya. "Alam mo, pag nakikita ko ang mga mata mo, naalala ko ang alaga ko," nakangiting sambit niya, tinapik niya ang balikat ko. "Ingatan mo ang mga matang 'yan ha, tulad ng pag-iingat mo sa may-ari niyan nung nabubuhay pa."

Sunod-sunod ang pagtango ko. "Oo naman, ito ang bagay na sobrang iingatan ko dahil ito nalang ang meron ako na nanggaling mula sa kaniya." pinaghalong ngiti at lungkot na giit ko at ilang sandali pa lumapit na sa'min ang isang body guard ni Daddy para yayain na akong bumaba sa lobby.

"Maiwan na kita dito, Anak, tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka." sabi ni Daddy nang makarating kami dito sa kwarto ko. 

"Sige po, Dad, thank you." nakangiting tugon kaya tumango siya saka tuluyan ng lumabas ng kwarto. Napatitig muna ako sa pintuan dahil nakakatuwa lang isipin na dahil sa pangyayari na iyon malaki ang pagbabago ni Daddy, mas naging maalalahanin na siya sa'kin na noon ay hindi niya manlang magawa at na a-appreciate ko ang pagbabago niyang 'yon. Siguro, 'yon din ang isang bagay na naituro ni Hyacinth sa'kin. Ang magpatawad.

Nang maiwan na akong mag-isa, napatingin ako sa pink na lagayan at pagkatapos ay kinuha ko 'yon at naglakad papalapit sa balcony ko. Napapikit pa ako ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Umupo ako sa sahig at dali-daling binuksan ang pink na lagayan. At nagulat ako nang maalala na kay Hyacinth ang mga 'yon. Yung pink headseat niya at saka Ipad pro niya. Kinuha ko 'yon at binuksan at saka inilagay ang headset sa tenga ko para makinig ng music, habang nag s-scroll ako may isang title ng kanta na nakapangalan sa'kin kaya naman agad ko iyon tinap. Isa pala iyong voice record, umayos ako sa pagkaka-upo at maya-maya pa nagsimula ng magsalita si Hyacinth



Hi, Coffee Mate!



Masaya na panimula niya, napangiti ako dahil matagal na din na hindi ko narinig ang boses na 'yon.



Kamusta ka na? Pasensya ka na ha, kung nadadalaw lang kita sa room mo t'wing gabi, alam mo naman kung bakit 'di'ba? hehehehe By the way ginawa ko itong voice record na ito dahil wala akong magawa habang hinihintay ang gumabi at saka may gusto din akong sabihin sa'yo na hindi ko kayang sabihin ng personal kasi alam kong malulungkot kaya dito ko nalang sasabihin. 



Narinig ko sa voice record na bumuntong-hininga siya, napa-iling ako kahit talaga sa pagbuntong-hininga niya ay cute siya



Gusto ko lang sabihin sa'yo na o-operahan ako sa puso dahil may nakitang mass doon. Actually, sinabi na 'yon ng Doctor ko na kailangan kong ma-operahan sa lalong madaling panahon, pero dahil nga pasaway ako. HAHAHA hindi ako pumayag, sinabi ko sa kanila kung pwedeng after nalang ng 18th birthday ko. At dahil malakas ako sa kanila pumayag sila dahilan para makapag-celebrate ako ng Pasko at New year sa bahay.



Napaawaang ang aking labi sa narinig ko, sa kabila pala ng mga ngiting nakikita ko sa kaniya noon may iniinda na pala siyang sakit.



Kung sakaling magising ka at wala ako sa tabi mo, isa lang ang meaning nun ha, wala na ako, HAHAHA of course wala na ako dahil nasa sa iyo na itong Ipad ko. Pero sana wag kang malulungkot dahil kahit hindi mo man ako makita, nasa tabi mo lang ako.



Pinunasan ko ang ,aglabilang pisngi ko dahil punong-puno na iyon ng mga luha, pinagpatuloy ko pa rin ang pakikinig kahit nasasaktan na ako.



At para mahibsan yang lungkot na nararamdaman mo, kakantahan kita, sana magustuhan mo ha.



Ilang sandali pa narinig kong tino-tono niya ang gitara at maya-maya pa nag-umpisa na siyang tumipa at kumanta. At simula palang ng kanta alam ko na kung anong kanta 'yon.




When you smile, everything's in place


I've waited so long, can make no mistake


All I am reaching out to you


I can't be scared, got to make a move



*Unang beses palang kita nakita parang nabighani na ako sa'yo Coffee Mate. Dahil sa mga mata mong asul. 



While we're young, come away with me


Keep me close and don't let go



*At nung nagkita muli tayo, naalala mo yung pumasok ka bigla sa kwarto ko ng walang paalam, nainis ako nun sa'yo pero nung magtama ang ating mga mata, nalusaw 'iyon. And it was definitely love at second sight. Neither of us slept that night.



Napatawa ako bigla sa sinabi niya, naalala ko tuloy 'yon kung paano ako makipaghabulan sa body guards ni Daddy. Pinagpatuloy niya ang pagkanta, para na akong gago umiiyak habang nakangiti.



Inch by inch, we're moving closer


Feels like a fairytale ending


Take my heart, this is the moment


I'm moving closer to you


I'm moving closer to you



*At nung sinabi mo sa'kin a gusto mo kong halikan HAHAHA nahihiya ako pero kailangan kong sabihin 'to. Muntikan na akong atakihin dahil sa mga pinaggagawa mo sa'kin buti nalang naagapan. At alam mo sabi ni Nurse Pat, siya yung nakabantay sa'kin nung gabing 'yon kaya daw ganun ang naramdaman ko dahil in-love daw ako, at doon ko na din napagtanto na may Crush ako sa'yo.



"HAHAHAHA!" literal na napatawa ako ng malakas sa pag-amin niyang iyon sa'kin, nagtipa ulit siya sa gitara niya habang kumakanta.



Who'd have thought that I'd breathe the air


Spinning 'round your atmosphere



*Simula noon, hindi na naging matino ang pagtulog ko kakaisip sa'yo, Gavyn! Lagi ka na sa isip ko. Minsan naiisip ko nga na baka napapagod ka na dahil parati kang tumaktakbo sa isipan ko eh. 


Napa-tsked ako at saka napatingala sa kalangitan, "May nalalaman ka din naman na banat noh." nakangiti lang ako habang pinagpapatuloy sa pakikinig sa magandang boses ni Hyacinth.



I'll hold my breath, falling into you


Break my fall and don't let go



*I am in love with your eyes, Coffee Mate...

"I am in love with your eyes too, Kape..."



Inch by inch, we're moving closer


Feels like a fairytale ending



*I am in love with your smile....

"I love your smile too, Hyacinth."



Take my heart, this is the moment


I'm moving closer to you



*I am in love with your laugh...

"I am truly in love with your laugh and I just can't help but miss you..." umiiyak na sambit ko habang nakatungo sa aking mga tuhod.



Inch by inch, we're moving closer


Feels like a fairytale ending



Narinig ko ang paghikbi ni Hyacinth sa gitna ng kaniyang pagkanta, napatingala ko, hindi ko maiwasan na tanungin ang bathala bakit sa'min pang dalawa nangyari ito.



*I am in love with your personality...Gavyn...



Take my heart, this is the moment


I'm moving closer to you



*In short I am in love with you...Gavyn...

"I am madly in love with you, My Sunshine..." humihikbing sambit ko


Moving closer...


Closer to you...


Moving closer...



I'm moving closer to you...



Pagkatapos ng huling linya ng kanta humangin ng malakas... patuloy ko lang pinapakinggan ang iba pa niyang sasabihin habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha.


Ayan tapos na ang kanta, Coffee Mate, nasabi ko na din ang mga gusto kong sabihin sa'yo. Sorry, Gavyn (naging malungkot ang tinig niya) kung hindi ko ito nasabi sa'yo ng personal, mahimbing pa kasi ang pagkakatulog mo eh, sorry din kung hindi ko natupad ang promise ko na pag nagising ka ililibre kita ng maraming slice bread, liver spread at yakult at sabay natin kakainin. Sorry.


I really genuinely wish that our circumstances could have been different. But sadly this is the path that happened and we should accept it. But don't worry because in our next life you and me will meet again and be together forever. I'll make sure of that. Thank you for coming into my life and make the flower bloom beautifully and colorful. 


Gavyn, promise me you'll achieve all your dreams in life even if I'm no longer there okay? (1 min, left, narinig ko pa ang boses ni Nurse Ken na tinatawag siya ) Sige na, bye na, Coffee Mate, tinatawag na ako... hanggang sa muli...(Mahina lamang ang boses niya sa pagkakasabi niyon.)


Then she ended the record. 

Ako naman napatingin sa kawalan, hindi ko alam kong ilang minuto akong tulala. Hanggang sa may nakapa akong matigas na bagay sa loob ng pink na  lagayan, agad ko 'yon tinignan. Isang relo... at mukhang same ng design at engraved sa binigay na regalo sa'kin ni Hyacinth. Kaya naman tumayo ako sa pagkaka-upo at naglakad malapit sa maleta at kinuha ang box na may iba't-ibang relo at iba't-ibang engraved. Sinubukan kong ilagay 'yon sa missing part ng box at nagkasya 'yon.

Maya-maya pa napatitig ako sa box na 'yon dahil kompleto na at sa hindi mabilang na sandali lahat ng mga 'yon ay binaliktad ko at binasa lahat ng mga naka-engraved.


"You are the bacon to my eggs"

"You are the jelly to my peanut butter"

"You are the milk to my cookie"

"You are the smile to my face"

"You are my Sunshine...I love you, today, tomorrow, & always, G!"

Kinuha ko ulit ang huling relo na binigay sa'kin ni Hycinth at hinaplos 'yon.

"I love you, today, tomorrow, & always too, My Hyacinth and I will wait for the time when we can be together freely, when our love is no longer taken by fate." I said it in a low voice "I love you, Hyacinth," hinalikan ko ng mariin ang relo na hawak-hawak ko. "Until we meet again at pagnangyari 'yon yayakapin kita at hindi na pakakawalan pa."


END.

NEXT CHAPTER IS THE EPILOGUE

By the way here is the full song na kinanta ni Hyacinth, baka gusto niyong pakinggan.

Продовжити читання

Вам також сподобається

823K 72.2K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
159K 7.1K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
11.5M 297K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...