Lay A Glance On Me 1 (Lost an...

By julliacath

29.9K 463 354

Elegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil do... More

Lay A Glance On Me
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 8

625 16 15
By julliacath

Kabanata 8

Brave


Nagising ako dahil sa sakit ng ulo at sinag ng araw. My head is aching at kailangan ko nang bumangon para hindi masuka. I feel like I'm in my most miserable state. I feel like shit. Hindi ako makapag-isip nang tuwid.

Hirap na hirap akong bumangon. Nang sa wakas ay nakaupo na ay naabutan ko si Manang na tinatagilid ang kurtina sa kwarto ko para pumasok lalo ang sinag ng araw.

Lumingon siya sa akin. ''Oh! Buti naman at gising ka na, hija. Anong oras ka na nakauwi kagabi! Buti na lang at hinatid ka noong kaibigan mo. Nag-alala pa naman ang Daddy mo at hindi na kayo macontact kagabi,'' aniya at pumiling nagpunas. Umiling-iling pa.

Agad na kumunot ang noo ko at sinubukang alalahanin ang nangyari kagabi. My face heated when I remembered kissing Lionel last night! Not just a simple kiss.. we made out! Sa harap pa ng blockmates ko! Paano na ako haharap sa kanila nito?!

Napapikit ako at napahilamos sa mukha. Such a dumb bitch, Lucy! Hindi porket nasaktan ka kagabi ay sapat na dahilan iyon para gumawa ka ng kagagahan!

''Nahihilo ka ba? Nagluto ako ng sabaw sa baba. Naku! Lasing na lasing ka kagabi. Buti na lang at maayos pa iyong kasama mo noong inuwi ka rito. Mabait na bata,'' ani Manang ulit. ''Kaso mukhang may tama rin, e. Namumula ang mukha pati ang bibig! Nakipag-away ba iyon?''

Napalingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo. ''Anong ibig mong sabihin, Manang?''

''Kako, e namumula iyong kaibigan mo. Parang nakahalik sa pula, e,'' halakhak niya. Nag-init ang pisngi ko. I'm sure its because we made out! ''Oh siya at mag-ayos ka na. Hindi ka ba papasok? Nasa baba ang mga Kuya at Daddy mo. Sabihan mo, hija.'' 

Sinubukan kong tignan iyon ngunit hindi ko makita. Imbis na pagtuunan pa iyon nang pansin ay nahagip ng mata ko ang suot ko. Agad akong kinabahan. I'm wearing a shirt! Sino ang nagpalit nito?!

Nagtaas ang tingin ko kay Manang. ''Manang, sinong nagpalit ng damit ko?'' kabado kong tanong.

''Ako. Bakit, hija?''

Parang may bigat na nawala sa balikat ko. I thought Lionel changed my clothes! I almost got scared! Sapat na iyon para kumpirmahin na walang nangyari sa amin. Kung mangyari man iyon ay sigurado akong hindi ko na siya kakausapin! Nakakahiya!

Hindi ko na pinansin ni Manang at tumayo na. Agad akong napapikit dahil nandilim ang paningin ko. Probably because of too much alcohol I drank last night. Hindi ko na nabilang kung ilang shot iyon but I know its alot. Kaya nga nakahalik, e!

''Papasok po ako. I'm.. just going to eat, Manang. Pakilinis na lang po rito.''

Halos pikit mata akong bumaba. This has got to be the worse drinking session I did. Sobrang sama ng pakiramdam ko at parang hirap akong kumilos. Gusto hindi ko mang lumiban but I have no choice but to attend my classes later dahil delikado ang grades ko. My exam scores were low and I can't afford to miss my attendance. Malakas pa naman ang kutob kong mababa ang mga grado ko.

Although I'm already running late, I still have to try. Sa attendance na nga lang ako bumabawi.

Habang pababa ay parang gusto kong iumpog ang ulo ko. The fuck did you do, Lucy? Kiss your senior? Make out with him in a club? Ang tanga lang! Paano na ako haharap sa kanya ngayon? I'm sure it would be awkward at siguro rin akong uulanin ako ng asar galing kay Lionel. I need to avoid him!

Nang nasa huling hakbang na ako ay nakasalubong ko si Kuya Roman na may dala-dala na cup ng kape at pancake. Mukhang aakyat sa kanyang kwarto para roon mag breakfast.

Ngumiwi siya. ''You look like shit. What happened to you?''

I rolled my eyes. ''Nag-aral,'' sagot ko at nilagpasan siya.

''Not gonna happen.'' I heard him chuckled.

Umirap ako sa kawalan at saka dumiretso sa mesa. Hindi ko alam kung kailangan ko bang matuwa na mukhang hindi busy si Kuya Roman sa school o hindi. He insulted me and I think it's better if he busy na lang siya! Hindi iyong kung ano-ano pa ang sinabi.

Nasa table na si Daddy at nagbabasa ng newspaper. Kumpleto na ang agahan sa mesa. Bago ako umupo roon ay dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Mukhang hindi naman ako napansin ni Daddy dahil nagbabasa siya.

Naabutan ko si Kuya Ismael na nagtitimpla ng kape. Nang nakapasok ako ay agad na sumilay ang ngiwi sa mukha niya. 

''What happened to you?'' he disgustedly asked.

I rolled my eyes. ''I think I know what you are going to say.''

Dumiretso na ako sa ref at kinuha ang pitcher ng tubig at sinalin iyon sa baso. Ininom ko iyon. I heard it from Kuya Roman at ayoko nang marinig iyon galing sa kanya. I'm aware that I look awful and they don't have to shove it on my face!

Oo na at mukha akong.. tae! The fuck?

I saw Kuya Ismael eyeing me after I placed the glass on the sink. Hinahalo niya ang kutsara sa cup.

''You heard this from me the first time you got drunk but I'm going to say it again. You look like shit, Lucy,'' he shook his head, looking so disappointed. ''Next time, comb your hair and wash your face kung bababa ka na at kakain. You look.. terrible.''

Pagkatapos noon ay umalis siya bitbit ang kape at dumiretso sa dining table. Itinali ko ang magulo kong buhok at naghilamos. In a span of an hour, ilang tao na ang nagsabi na mukha akong miserable! That's what you get for being dumb and wreckless, Lucy! I swear I'm never going to drink again!

I went out of the kitchen. Dumireto na ako sa mesa at naramdaman ko ang tingin ni Daddy.

''Morning, Dad.'' 

Kinuha ko ang toasted bread at sinubo. Masakit pa rin ang ulo ko. Maybe I should drink some meds later? I don't want to feel this headache later at school. Magmumukha lang akong bangag.

Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin ni Daddy sa kilos ko. Tumingin ako sa kanya. He looked shocked.

''Why po?'' nagtataka kong tanong.

Tumikhim siya. ''You look--''

Tumigil ako sa pagnguya. I know where this will lead. 

''Like shit, Dad. I know,'' I pursed my lips. Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya Ismael na nasa gilid ni Daddy.

I saw it coming. Kahit na naitali ko na ang buhok ko at nakapaghilamos na ay sigurado akong bakas pa rin na mukha akong katawa-tawa. I had alot of drinks more than I can bear. Hindi na iyon nakakapagtaka.

''That's not what I meant, hija,'' Daddy laughed. ''Anyway, are you going to class? Anong oras na. You can skip if you want. Magpahinga ka muna.''

Tumango ako. ''No, Dad. Papasok po ako. I can handle it,'' I deeply sighed. I wish my grades were high para sana ay pwede akong umabsent. ''Pwede pong pahatid? I have a hangover. I can't commute..''

Daddy nodded. The breakfast proceeded and they told me how respectful Lionel was. Noong hinatid daw ako ay humingi pa ng tawad dahil lasing ako. Ang hindi nila alam ay ako dapat ang humingi ng tawad dahil ako ang namperwisyo sa kanya! I can still vividly remember the kiss we shared. Mas tumatak pa iyon kesa sa nakita ko kina Jarrell at Nicka!

Late na ako nakarating sa university. I wore a white turtle neck and a hipgoddess pants. Tinali ko rin ang buhok ko para naman umaliwalas ang mukha ko.

Nakapasok ako ng second subject na. Naabutan kong nasa labas sina Cyrille at mukhang may inaabangan habang nakasandal sa may bintana ng hallway. Like me, they look like they have a hangover, too. Ang pinagkaiba ay wala silang pinoproblema dahil hindi naman sila humalik ng senior nila!

Nakakainis.

Agad akong nakaramdam ng hiya ng kumaway si Cy sa akin, nakangisi at mukhang natutuwa. Sigurado akong aasarin ako ng mga iyan! How am I going to reason out, then? Telling them that I got hurt for seeing Jarrell and Nicka kissing isn't an enough reason. But then, it is my feelings involved. I don't want to invalidate my it. 

Kahit alam kong hindi naman kami ni Jarrell at puro pagpapapansin lang ginagawa ko, hindi ko pa rin pwedeng sabihin na hindi mali iyong ginawa ko. I got hurt. I acted based on impulse. The least I can do for myself is to console myself, too. Valid ang naramdaman ko.

The only thing I don't like with what I did last night is kissing Lionel. Magkaibigan kami at dinungisan ko iyon. Kahit na sinuklian niya ang mga halik ko ay ako pa rin ang nagpasimula. I could have just went home but instead, I kissed my friend. That's just.. low.

I can still remember how he reprimanded me about chasing after Jarrell. Nakatatak iyon sa isip ko. Na sinabi niya sa aking alamin ko ang halaga ko. Na mahalin ko ang sarili ko. But I can't do that. I like Jarrell and I have to act on it.

Love is patient but I'm not. Kaya kahit masakit na makita si Jarrell at Nicka, patuloy ko pa ring gugustuhin si Jarrell. Even when he lied to me.

''Good morning to you, Lucy! Kumusta naman ang namamaga mong labi dahil sa halikan ninyo ni..'' she coughed. ''Ni Lionel? I can't believe it! Akala ko ba si Jarrell ang gusto mo?''

Nakatambay kami sa labas ng classroom. Wala pa ang professor namin para sa subject na ito. Kaming tatlo lang kasama si Bea ang narito sa labas para tumambay. Liana's inside, reading some papers.

Ngumuso ako, hindi alam ang sasabihin.

''Alam mo, kung si Lionel naman talaga ang gusto mo, okay lang 'yon! Mukha namang hindi interesado si Jarrell sa 'yo, e! And Lionel's hot! Hindi ka lugi!'' ani niyang muli.

''No.. Si Jarrell ang gusto ko. Ang kulit," I rolled my eyes.

"Its just that..'' I bit my lips. Paano ko ipapaliwanag ito? ''I got carried away last night.''

Natawa silang dalawa ni Bea. ''You were carried away?! I saw na ikaw ang nag initiate! Anong sinasabi mo?'' natatawang ani Cy.

I deeply sighed. ''Nakita ko yung tinitignan mo kagabi sa likod ko, Cy.''

Agad na nagbago ang timpla ng mukha niya. I knew it. Kaya siya biglang napatigil sa pagsayaw kagabi ay dahil nakita niya rin si Jarrell at Nicka. She knew how much I like him and seeing him sensually doing things with Nicka means I'd be hurt. Alam niya iyon.

''Oh.. I'm sorry. But.. why did you kiss Lionel? Damage control?'' 

Napatayo ako nang tuwid. No way! Lionel's too good to be a damage control. Hindi ko kayanb gawin 'yon sa kanya. Ang bait-bait nung tao, e.

''Hindi. Maybe alcohol got into me kaya..'' I bit my lips. ''Kaya ngayon, hindi ko na alam kung paano siya pakikisamahan. Pumasok na ba siya? Did you guys see him?'' 

Kinabahan ako sa pag-iisip na makikita ko si Lionel. It would be awkward, I'm sure! Kung dati ay komportable ako sa kanya, ngayon ay mukhang hindi na. The memory of kissing will always be on my head. It will bug me! At nakakahiya iyon!

''Yup! You know where he is?'' tanong ni Cy.

''Bakit? Nasaan ba siya?''

Ngumuso siya sa akin, parang may tinuturo sa likod. I turned around and saw Lionel, standing firmly with papers on his hands, looking all clean and attractive.

Agad nanlaki ang mata ko nang nagtama ang tingin naming dalawa. He smirked at me. Mukhang nang-aasar.

Dali-dali akong tumalikod sa kanilang lahat at pumasok sa room. Narinig ko ang pagtawag ni Cyrille sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon. Baka maabutan pa ako ni Lionel! I can't face him yet! Nahihiya ako!

Napahilamos ako ng mukha pagkatapos umupo. Maliit lang ang pagitan ng classroom at hallway pero sobra ang pagtibok ng dibdib ko. I shouldn't have kissed him! Edi sana ay hindi ko kailangang umiwas!

''Anong nangyari sa 'yo?'' tanong ni Liana sa akin. Mukha siyang kulang sa tulog.

''May nakita lang akong nakakatakot,'' sagot ko at napapikit.

Mabilis na natapos ang klase. I can't understand things at tila lumilipad ang isip ko kung saan. I'm occupied with what happened last night. Iyong paglapit ko kay Jarrell at walang hiyang pagtanong kung may girlfriend ba siya. He told me that he's single. Why did he kiss Nicka, then? Ano iyon? Nag sinungaling siya sa akin?

Idagdag pa ang kagagahan na nagawa ko kagabi. I don't want to mention it again. The fact that Lionel told me to stop chasing after Jarrell and minutes after, nakita niyang may kahalikan ang gusto ko e nakakahiya. Bwisit na kalbo at oras!

Magkasama kami ngayon ni Liana sa garden dahil lunch break. Buti na lang at nagkukwento siya sa akin tungkol sa kanilang dalawa ni Toran para naman ay malibang ako. Kaya naman pala mukhang puyat ay dahil lumabas silang dalawa kagabi! Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong may gusto sa kanya ang isang iyon. Ganoon din siya. Sandali ko tuloy nakalimutan si Jarrell at.. si Lionel.

''May ibang gusto yung tao..'' she said, sounding so sad.

''Huh?!'' I answered.

Tumango siya. ''Oo..''

''Hindi ikaw?!'' muli kong tanong. I can't believe it!

Paanong may ibang gusto si Toran e halos sambahin niya nga si Liana?! I have seen how he looked at her everytime they are together and I'm sure he likes her! He's smitten! The eyes never lie!

Ilang minuto kaming natahimik pagkatapos niyang tumango. Nakatulala lang siya habang tinitignan ang mga studyante na dumadaan.

I suddenly felt sad for her. Hindi agad nagkakagusto si Liana sa isang lalaki. She doesn't really care about the looks. Matalino kasing tao. Kaya ngayon na nagkakagusto siya sa isang tao na hindi kayang suklian ang nararamdaman niya, nalulungkot siya. She's pretty and alot of men likes her. Kahit na gwapo naman si Toran e kung 'di niya gusto ang kaibigan ko, 'wag na lang! 

''Gusto mong kape? Bilhan kita,'' I offered. ''Libre ko na. Namiss kita, e!'

This is the least I can do. Baka gumaan ang loob niya kung sakaling magkape siya. And I need coffee, too. Nararamdaman ko ang bigat sa talukap ng mga mata ko. I need something to keep me awake.

''Thank you. Hintayin kita dito?'' tanong niya.

Nilabas ko na ang wallet ko. ''Yup! Balik ako after ten minutes.''

Tumayo na ako at lumabas. The afternoon wind is hot yet calming. Sakto lang ang init galing sa araw at hindi nakakapawis. Buti na lang dahil naka turtle neck pa naman ako. I don't want to be sweaty.

Maraming studyante ang nasa paligid. Yung iba ay papasok pa lang and the others look like they are in a rush. Ganoon ang nasa paligid ko hanggang sa nakarating ako sa Tim Hortons. Compared to the people outside, kakaonti lang ang narito. Most of them are students with their laptop on the table. Malamig sa loob, siguro dahil konti lang din ang nandito.

Dumiretso na ako sa cashier para umorder. I raised my head to see the menu. Okay na rin siguro na may dessert dahil lunch break naman? Though I have no apetite to eat. Maybe just a slice so it won't be a waste?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod ko. I was about to turn when the old woman infront of me walked away with her order. Mukhang tapos na sa kanya.

Sumalubong sa akin ang cashier woman nang humakbang ako paharap. She's young and youthful while smiling. Parang kasing edad lang namin. 

''Good afternoon, Ma'am! May I know your order?'' she joyfully greeted me. 

Diretso ko siyang tinignan at ngumiti. ''Two red velvet cheesecake, please. And two iced coffee, large.''

May kung ano siyang pinindot sa computer. Habang bumubunot ng pera ay naramdaman kong may pumila mula sa likod ko. Inangat ko ang tingin ko upang iabot ang bayad ngunit sumalubong sa akin ang mukha ng cashier na tila nakakita ng anghel habang nakatingin sa likod ko. Her eyes are twinkling.

My brows furrowed. ''Miss?'' I called her out.

Napabalikwas siya at napaayos ng tayo. She coughed. ''I'm sorry, Ma'am. Is that all?'' she asked, still looking at the person behind me.

I nodded. Ano bang meron sa likod ko? Must be a cute customer, huh?

Nagpaalam ang cashier at ginawa na ang order ko. Tuwid akong nakatayo at nakahalukipkip habang naghihintay, not minding the presence of the person behind me. I'm too tired to appreciate people. Kailangan ko na ng kape.

Habang nakatayo ay nakarinig ako ng tikhim mula sa likuran. Kanina pa ito ah?

Kunot noo akong lumingon. A tall and semi bald man hugged my sight. 

Agad nanlaki ang mga mata ko at naestatwa nang napagtanto na si Lionel ay nasa harap ko! Nakangisi siya at nakapamulsa, mukhang natuwa sa reaction ko.

What the hell? Bakit siya nandito?! Sinusundan niya ba ako? Oh my shit! What should I do? Hindi ko pa siya kayang makausap!

Dali-dali akong humarap upang maiwasan siya. Pinipisil ko na ang mga daliri ko dahil sa kaba. Why do I have to see him twice today! Pwede namang next week pa! 

''Why can't you face me?'' I heard Lionel's chuckle behind me.

Mas lalo akong na estatwa. Nasaan na ba kasi ang order ko at bakit napakatagal naman! Hindi ako natutuwa at may multo sa likuran ko!

Nakita kong nilalagay na ng babae ang kapeng inorder ko. Wala pa yung cake! Ilang minuto pa ba 'to?

I felt his presence even more. Halos iumpog ko ang ulo ko sa computer na nasa cashier nang naramdaman ko ang hininga ni Lionel mula sa likod ko.

''Are you shy?'' he laughed. ''But you were brave when you initiated the kiss, though..'' he whispered sensually to me.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 455 49
ALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfor...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
10.6K 192 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
28.8K 1.1K 45
The Lost Souls on Tour: The Second Tour Wants; are something that can drive us to do everything in order to have what we desire. People frequently re...