Falling in Reverse (Saint Ser...

By gereyzi

99.6K 3.5K 1.7K

4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two bro... More

Falling in Reverse
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 7

2.6K 122 51
By gereyzi

Chapter 7
Pustahan

Alas nuebe ng gabi nang makabalik kami sa aming mga tinutuluyan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang mapairap sa sobrang inis kay Payton. Hindi ko naman alam kung bakit.

Narito ako ngayon sa veranda ng bahay ng magkapatid. Abala si MM sa kaniyang binabasang libro habang si  Miranda naman ay sa laptop at nagyoyosi pa. Nakaupo naman ako sa single couch at abala sa pagce-cellphone. I pouted when I saw Payton's IG update. Some of his 'fan pages' posted our picture. Some were from the beach and the restaurant. Hindi ko iyon pinansin. Kasunod kong nakita ay ang mismong post ni Payton. Magkasama kami roon at nasa tabing dagat. His caption was just the emoji of a bunny. Pinagkakaguluhan iyon ngayon.

Umiling ako at pumikit saka tumingala sa mga bituin na ngayon at tanaw na tanaw dahil sa liwanag ng kalangitan.

"Kayo ba ni Payton?" bigla akong tinignan ni Miranda na ngayon ay kunot noo at nakatitig sa akin. Umiling ako. She nodded. "Good. Huwag ka magpauto sa isang iyon. Ang alam ko, hindi pa iyon nakaka move on."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Mira. Napaayos ako ng upo at tumango na lang. Si MM ang nagsalita. "Malay mo naman naka move on na."

"Tumigil ka nga d'yan, Margarita! You're just gonna let your cousin to be fooled again?" umirap si Mira. I pouted.

"I wasn't fooled," paglilinaw ko pero parang walang narinig si Mira. "He has priorities. Hindi n'ya ako niloko," I added. Tumawa si Miranda.

"And now you're defending him. Have you seen yourself when you were completely lost just because of that stupid piece of shit?" like a dagger, Miranda Cristeta fired. Hindi ako nakaimik doon at ganoon din si MM na hindi na ako madepensahan.

"I... I was just taking things as practical as it should be," lumunok ako nang samaan ako ng tingin ni Miranda.

I was broken then, and now, she's still. After a year.

"Quit it, Shawntelle."

Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Mira dahil tama naman siya. Ang hindi ko lang maunawaan, sino? Kanino hindi maka move on si Payton? Kay Ria ba? Akala ko ay magkaibigan lang sila? Pero... Bakit ko nga ba iniisip ito? Tsk. I think, I should stop this.

Nakatulog ako ay pasado alas dos na ng madaling araw dahil may mga nakaligtaan pa pala akong gawin na schoolworks. Mabuti na lang at alas dyes pa ng umaga ang aking unang klase. Pumasok ako at inabot ng hanggang ala una ang klase doon. Sumaglit pa ako sa banyo ng mga babae kung saan may nachismis ako.

"Why naman so weird? I thought it's Shawny na this time? Eh bakit may Ria na ulit? Sayang! They looked cute pa naman!" the girl said. Pinili kong huwag lumabas sa cubicle nang hindi nila ako mahalata.

"What can you expect, Girl?! P'wede na ginawa lang ni Payton na rebound si Shawny! Marami silang similarities ni Ria kaya baka ganoon!" another girl.

"Ria's a racer and so as Shawntell. Ria's playing drums too. Kahit sa pagsu-surf ay parehas sila!"

Natigilan ako doon. Hindi ko maunawaan. Baka kasi totoo nga. Pero hindi naman dapat ako apektado, eh.

Hindi ko mawari kung ano ang tinutukoy nila pero siguro ay pilit ko na lang na binabalewala. I mean, what for? We just hung out and nothing more!

Pero kasi...

"Ang sabi kanina sa may parking lot, binasted daw ni Shawny si Payton!"

What the heck?! Where did they get that?!

But, anyways, maybe that's one of the main reasons why I'm feeling this way.

Bakit kasi sasabihin na may gusto, tapos sa huli ay bigla na lang aayaw? Can't they just be sure and stop torturing someone's mind?

"OMG, true?! Kailan daw nag confess si Pay? Gosh, he's one of the hottest pa naman!"

"Duh, girl! Yes, he's Payton but it's Shawntelle Clarisse we're talking! She's hell of a catch! I don't want to admit this but she's the coolest here, for me."

Napangiwi ako nang marinig ko ang sinabi ng babae.

Saglit pa akong nanatili sa banyo at hinintay na makaalis ang mga babae. Pilit kong inaalis sa aking utak ang mga narinig dahil nakakainis lang iyon. Lumabas lang ako nang masigurong wala ng tao. Papunta ako ngayon sa meds area dahil sa napag usapan ng klase.

I can't help but think of what I've heard and what just Miranda said last night.

Hindi ko rin naman kasi alam... kung bakit may kaunting pag-asa sa akin kahit hindi naman ako sigurado kung nagustuhan nga niya ako.

At some point, I was scarred. A bit.

"Nasaan sila? Akala ko ba ay marathon ng Grey's Anatomy?" tanong ko nang makarating ako sa headquarter ng mga med student. The building is called Grata. A place where all the med students can hang out for as long as it's class hour. If you're cutting classes, you can still go here. I've done that thrice already.

It's like a normal bungalow house with its octagon style. Punong puno ng couches at foams ang paligid. Tila ito ay ginawa para lang talaga maging pahingahan. May Professor din na naka assign dito kaya hindi p'wede ang loko-loko. Lahat ng courses ay may kaniya-kaniyang ganito. Hindi pa lang ako nakakapasok sa iba.

"They're buying foods," Deo replied. Tumango ako at tahimik na naupo sa kaniyang tabi. I pouted and just stares at the floor. "You sad? Himala!" pang aasar niya kaya itinaas ko ang aking middle finger. I rolled my eyes.

Kinuha ko ang aking cellphone dahil nag vibrate iyon. May text si Kuya.

Kuya: You free this Saturday?

I pouted. Ano na naman ba ang mayroon? May klase ako. Hays.

Ako: hapon lang. Class sa umaga.

Hindi kaagad nagreply si Kuya kaya naman umayos na lang ako ng sandal sa couch habang si Deo naman ay abala na sa kaniyang laptop para i-set up ang palabas na aming panonoorin.

Masakit ang ulo ko. Palagi naman. Palagi rin kasi akong puyat. Nakakainis naman!

Bukas naman ay magiging abala na kami sa gagawing field day kaya mas magiging hectic ang schedule namin. Sana lang ay wala mas'yadong ipagawa sa amin ang mga Professor dahil irereklamo ko sila. Well, as if I can.

Ilang saglit pa ay nagdatingan na ang mga kasamahan namin. Medyo nagtatawanan sila kanina bago makalapit sa aming pwesto, pero nang makita ako ay tila may dumaang anghel. Ngumiwi ako.

Mukhang alam ko na kung bakit sila ganito.

Maya maya pa'y nag vibrate uli ang aking cellphone. A text from Kuya.

Kuya: Tara! Sunduin kita! Bike raw tayo.

Napabuntong hininga ako sa text ni Kuya saka hinayaan ang sarili ko na mahiga sa couch. Kaagad namang naupo si Vilma sa aking tiyan kaya napairap ako. I typed my reply.

Ako: okay.

"Bakit ganoon? Ang alam ko ay nagdate pa kayo kahapon, ah?" Hannah fired. Doon napalingon sa akin ang buong samahan namin.

I sighed. Si Vilma naman na nasa aking tiyan ay kunot noong nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at tinapik sa likuran kaya tumayo s'ya. Ako naman ay naupo sa couch para harapin sila.

"We just hang out. What date are you talking—"

"Payton's a private type of guy, Shawny," putol sa akin ni Sauna. "He's not even posting his family's pictures. Ikaw ang kauna-unahang p-in-ost niya," she added. I nodded.

Carl cleared his throat. "Payton's not the kind of guy that would share those stuffs, Shawntelle. Huwag ka namang magpaloko."

Biglang kumunot ang noo ko sa sinasabi nila. Ano bang akala nila? Na nagpapaloko ako kay Payton? Porket nakasama ko? Hindi ko nga sineryoso ang mga sinasabi noon! I mean, well, at times.

"Ria's his ex, Shawn. They've been together for two years," Hannah informed me. Tumango ako dahil wala akong maunawaan sa kanilang mga sinasabi.

"She's his first girlfriend," dagdag naman ni Vilma.

Lumingon ako sa paligid nang dumarami na ang ang mga med students sa loob ng Grata. Ang ilan ang napalingon pa sa aming gawi nang makita ang aming hitsura. Mga mukhang nagchichismisan.

Nanatili na lang akong tahimik hanggang sa napagpasyahan nilang magsimula nang manood. Marahil ang nakita sa aking hitsura ang pagka inis.

Inabot kami ng alas quatro ng hapon sa Grata bago namin napagpasyahan na magsiuwi na sa aming mga dorm. We have to prepare for tomorrow. Kailangan naming ihanda ang mga materials na kakailanganin namin dahil malapit na ang event.

Ang unfair lang. Saka lang sinabi sa amin kung kailang malapit na. Kailangan pa tuloy namin pumunta sa mga performers para masabihan sila kung p'wede ba.

The next following days ay maaga akong pumapasok sa trabaho dahil morning shift naman ako buong week. Mabuti na lang talaga at hinahayaan ng may ari ng shop ang mga ganitong adjustment. Karamihan kasi sa mga trabahador nila ay katulad kong estudyante pa rin. We can change our shifts on both morning or night shift. Depende sa schedule namin ng pasok

"Shawn, table three!" utos sa akin ni Kuya Jeboy.

Mabilis akong kumilos at dinala ang tray sa table three. May iilang estudyante na dito nag uumagahan. Maraming saints pero may iilang non-saints.

"Hi, Ate Shawny! Kailan po uli kayo magkaka gig?" bati sa akin ng ilang senior high na mga taga St.Clark lang din.

I smiled at them. "Baka sa field day kami uli tutugtog kasi marami pang dapat asikasuhin, eh."

Ngumiti sila at tumango. Ang ilan pa ay mga nahihiyang magsalita para kausapin ako.

"Nako, Ate, we're excited and we miss your band na po! Sana lang po ay p'wede ang mga highschool kapag gabi."

"We'll ask for the admin's permission about that," huli kong sabi bago ko dinaluhan ang ibang costumers.

Dumami ang tao nang mag alas nuebe ng umaga. Naging abala na ang lahat sa amin at kailangan pang mag double time sa pagkilos dahil sa dami ng tao.

Nitong mga nakaraang araw ay madami ang costumers tuwing umaga dahil nagsisimula na ang preparations para sa nalalapit na field day. Lahat naman halos ay abala, dahil ayon sa aking narinig, lahat ng sections ay may mga performance. Magkakalaban lahat. Maliban lang siguro sa amin na s'yang mga punong abala.

"Oh my, narito sila Kuya Chano!" rinig kong bulungan ng mga estudyante na mga highschool.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka ako dumeretso ng lakad papunta sa kusina para makuha ang next orders.

"That's a reserved order. Table seven, Klary," utos ni Kuya Jeboy. Tumango ako at kumilos na.

Dalawang tray ang dala ko. Mabuti na lang ar tinulungan ako ni Franco sa pagdadala kaya magkasama kaming pumunta sa... table nila Payton.

"Here's your order, Sirs!" masigla kong sabi. Nasa tabi ko si Franco. Sabay kaming ngumiti at nag bow bago kami tumalikod.

"Hey, Shawny," Reego called.

Napabuntong hininga ako bago muling humarap sa kanila. Pinauna ko naman na si Franco pabalik sa headquarters.

"Bakit?"

"We've got the invitation," Reego lift a piece of paper which obviously an invitation coming from our school.

Tumango ako. "P'wede raw kaya ang banda n'yo?" tanong ko. Reego pouted and signalled me to sit down... beside Payton.

Mabilis akong umupo doon at umakto na naka focus lang kay Reegs, kahit ang totoo ay alam na alam ko ang suot na uniporme ngayon ni Payton. He's wearing his dark blue coat that is folded up to his forearm. Naka neck tie siya kasama ng puti niyang long sleeves. Ang pang ibaba ay dark blue rin na slacks at kulay itim na formal shoes. He's... staring at me.

"P'wede naman daw. Basta raw ay kayo ang pumunta sa San Lazaro," Reego nodded.

Tumango ako. Saglit kong nilingon si Chano na singkit mata na nakatingin sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Humalakhak siya kaya mabilis siyang siniko ni Jacos.

"Kailan kaya? P'wede ba? Or we need to make a sched for it?" tanong ko.

"P'wede kang pumunta today. Samahan ka namin," tumango si Reego. Napalingon ako kay Chano nang tila kuminang ang mata n'ya.

He's weird.

By the way, wala na naman si River, huh. Madalas tuloy sabihin ng iba ay hindi siya kabilang sa squad.

"Uh... I can't make it today," biglang sali ni Payton. "Ria's preparing for her race today—"

"Okay, bro. Okay," mabilis na putol ni Romulo at matatalim na tingin ang ipinukol kay Payton.

Magkakaaway ba sila? Bakit sila magkakasama?

Umubo ako at ipinatong ang aking palad sa aking hita. Para akong hindi mapakali habang nasa tabi ko s'ya bigla. Hindi naman ganito dati. Saka... ilang araw lang naman kaming hindi nagkakita.

I mean, we sees each other everyday... hindi ko lang alam kung bakit bigla na lang niya akong hindi na kinakausap.

Palagi siyang nakatingin sa akin pero tuwing susuklian ko iyon ay kaagad siyang umiiwas na tila galit palagi.

Dahil ba iyon sa pagkaka basted ko sa kaniya? Hindi ba't dapat na mas mainis ako kasi 'awts gege lods'' lang ang sagot niya sa sinabi ko?

"Sige. Anong oras ba p'wede?" pagbaling ko kay Reego na kunot noong nakatingin kay Payton.

Mukhang lahat sila ay mainit ang ulo kay Payton. Si Feliciano lang ang mukhang walang pake. Tahimik ko silang pinanood isa isa. Lahat sila ay mukhang may tensyon. Pormal ang pagkakaupo nila Reego, Rom, at Jacos. Habang si Chano naman ay nakapangalumbaba at si Payton naman ay tamad na nakasandal sa upuan at naka de quatro pa. Tinatap niya sa lamesa ang kaniyang mga daliri.

"We can go after your shift. You have classes today?"

"Attendance lang. Excuse kami sa mga klase buong week," sagot ko kay Reegs saka lumunok. He nodded seriously.

"Sige. We'll go with you," si Jacos ang nagsalita na tinanguhan nila Rom at Reegs. Si Chano ay kailangan pang sikuhin bago tumango ng sunod sunod.

"Sige. Salamat. Uh... balik na ako sa trabaho ko," I pointed our headquarters. Tahimik na tumango sila kaya naman tumayo na ako.

Naglalakad na ako palayo nang marinig ko si Jacos. "You can't just act like that, Pay. You're what? Asshole?"

"I am," tanging sinabi ni Payton. I heard them groaned. Si Feliciano naman ay humagalpak at pumalakpak pa.

Hindi ko na narinig ang kanilang usapan dahil tuluyan na akong nakabalik sa aming headquarters.

Tinapos ko ang shift ko bandang alas onse ng umaga. Sinabi ko sa kanila na makikipagkita na lang ako sa crossing dahil medyo same route ang papunta sa San Lazaro.

Pumunta ako sa school at humingi ng excuse letter. Kaagad naman akong pinayagan ng dean na hindi ko alam kung bakit nakangisi sa akin nang iabot sa akin ang letter.

"Feel avoided, eh? Never trust a Meiran, especially Andrew. He's a dick," he said playfully.

Tumaas ang isang kilay ko saka siya pinangunutan ng noo. Tumango ako.

"Then, I won't trust you... Sir," I smiled at him. "Parehas lang po kayo ng pinsan mo."

"Pinsan? Payton? Pinsan ko?" he asked curiously.

"Good day, sir."

Tangi kong sagot saka tuluyang umalis ng office.

Dumeretso ako sa dorm saglit at naabutan doon si MM.  Kaagad ko siyang hinigit nang makitang nagbabasa lang siya ng libro.

"W-where are we going?" gulat niyang tanong pero sumakay din naman sa sasakyan. I shrugged.

"San Lazaro. Nahihiya ako kila Reego. Ako lang ang babae, eh."

Matapos marinig ni Maria Margarita ang aking sinasabi ay kaagad nanlaki ang kaniyang mga mata. With her pure and few moves, she shook her head.

"A-ayaw ko sumama," she replied hesitantly. Mabilis na kumunot ang aking noo.

Bigla siyang naging iwas. I raised a brow. "Don't tell me you like someone? You're just eighteen."

"Can't I like someone because of that?" nag aalangan niyang sabi. Natutop ko ang aking labi. Umiwas ako ng tingin saka umiling.

"You can. Huwag lang sa samahan nila dahil... mga mangloloko sila. Playboy," sabi ko. Kumunot ang noo ni MM. She pouted and nodded.

"Let's go?" pagpayag na niya.

I sighed and started the engine.

Gaya ng sabi ni Payton, wala nga siya doon. Ayos lang naman. At least, ano... uh, I can be comfortable, right? Mas maayos na pati ito. Malayo siya.

Naiinis kasi ako. Bakit biglang ganito? Hindi kami close in the first place pero palagi kaming magkasama nitong mga nakaraang linggo. Normal niyang sinasabi na gusto niya ako. Sinabi pa niya noong una na wala siyang balak mangligaw pero 'yong mga ginawa niya sa Siargao? Ano iyon? Hindi ba't nagtanong pa siya kung p'wede mangligaw? Did I step on his ego? Hindi naman siguro dahil ayos lang sa kaniya noong sinabi kong ayaw ko, 'di ba?

But, ghaddamn! Do I really have to feel this? Bakit bigla na lang ako naghahanap sa kaniya?! Nakakainis ka naman, Shawntell!

"I will approve your proposal, Manzanilla. Just send me the request via email, okay?" sabi ng dean ng San Lazaro kaya naman mabilis kong kinopya ang kaniyang email address.

Si MM naman ay tahimik lang na nakaupo sa single couch sa may gilid. Nasa labas sila Reego. Nagtaka pa nga ako dahil biglang nagkasundo ang lima na huwag nang pumasok dito sa loob. Si Payton lang ang kulang sa kanila.

"Thank you, Ma'am. I will send it to you immediately."

Matapos namin magpaalam sa dean ay lumabas na kami ni MM. Kanina pa s'ya hindi mapakali simula nang i-meet namin ang magkakaibigan sa milktea shop. Tapos, itong lima naman ay maya't maya nagtitinginan.

Siguro ay isa sa mga ito ang may gusto sa pinsan ko. Of course, bukod kay Reegs, ha.

"Salamat sa pagsama," tumango ako sa lima na magkakahanay na nakatayo sa harapan naming magpinsan.

"Walang ano man. Ayos na ba? Ihahatid namin kayo," Jacos offered.

Natigilan ako doon pero tumango na lang din.

Kanina pa tahimik na nakakapit sa braso ko si MM habang palabas kami ng school. Ang magkakaibigan naman ay tahimik na nagkukuwentuhan sa aming likuran. S'yempre, si Chano ang nangunguna sa daldalan.

"Shawny, libre na ticket namin, ha! Medyo gipit kami ngayon, eh," biglang sumabay sa amin si Feliciano kaya napaatras na kaagad si MM.

Tumango ako kay Chano. "Sige. Bayad ko na rin sa tulong n'yo."

Ngumiti si Chano bago sinulyapan si MM na ngayon ay sinusulyapan siya kanina pa. Uh-huh?

"Ano ka ba naman? Maliit na bagay lang iyon. Hindi naman mahirap makiusap sa dean nila Reegs, eh," sagot ni Chano na siyang nagpangiwi sa akin.

"Hoy Bobo, ako ang nakiusap sa dean! Huwag ka bida bida!" bwelta no Reego.

"Manahimik kang torpe ka! Kaya ka nasasalisihan, eh!" sagot ni Chano at umiling pa.

Natawa na lang ako nang magkagulo na ang lima. Hinigit ko naman na sa braso si MM. Hinarap ko na lang ang lima na nagpapayabangan pa nang makarating kami sa parking lot.

"Huwag n'yo na kami ihatid. Kaya na namin," I smiled. Doon natigil ang gulo sa lima na magsusuntukan na yata dahil lahat sila ay bida-bida.

"Sure? Baka madisgrasya kayo?" si River ang nagsalita. Tahimik lang s'ya pero maloko rin kapag kasama ang mga kaibigan.

Tumango ako. Si MM naman ay dali-daling pumasok na sa sasakyan. Hindi ko mawari kung sino ba ang iniiwasan sa limang ito.

"Ayos lang. Malapit lang naman pati," tumango uli ako.

Nagkatinginan sila bago isa isang tumango. Nagulat pa ako nang mabilis na lumapit sa akin si Chano at humawak sa dalawang braso ko.

"Mag iingat kayo, ha? Saka si Pay, gago talaga 'yon kaya huwag mo nang pansinin kahit kailan—"

"Hoy gago, walang siraan! Ang usapan sa pustahan ay walang gan'yan!" pigil ni Jacos.

"Anong pustahan?" tanong ko na ikinatahimik ng lima.

Para silang nakakita ng multo dahil sa sinabi ko.

"Ha? Ah, wala—"

"Salamat sa tulong n'yo," mabilis kong sabi at naglakad na papunta sa driver's seat.

"Oh ano kayo ngayon? Mga bobo, pusta pa!" si River na nakahalukipkip at nakatitig lang sa akin.

Nanginginig ang kamay ko habang sinusuot ko ang susi para mapaandar ang sasakyan.

"Shawny, kalma—"

"I am calm!" mariin kong sabi kay MM na ngayon ay nag aalala na sa akin.

"Hey, Shawny," tawag sa akin ni Romulo at akmang lalapit sa aming sasakyan nang paandarin ko na ang sasakyan.

Ang de puta naman! Pusta?! Puta! Pinaglalaruan ako! Akala ko pa naman mga mababait!

Nakarating kami sa boarding house. Ibinaba ko lang doon si  MM bago uli ako umalis. Hindi ko alam kung saan ang punta ko pero nakarating ako sa racing area around saint avenues lang din.

Sobrang ingay sa paligid. May nagkakarera. Naupo ako sa sulok. Rinig na rinig ang sigaw ng mga tao para kay Ria na kasalukuyang kumakarera ngayon. Si Payton ang coach n'ya.

He's wearing a plain black shirt. His bottom is his usual jeans and combat boots. Nakahalukipkip siya doon sa mga bench habang seryosong pinapanood ang laban na patapos na.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang bigla. Ano bang nangyare? Bakit ako... nasasaktan? Talaga bang noong sinabi ko na ayaw ko s'ya mangligaw ay totoo bang ayaw ko?

"Gosh, nagkabalikan na pala sila? Kailan pa?"

Napalingon ako sa babae na nagsalita. Naroon sila sa may itaas na parte pero rinig dahil halos magsigawan na sila.

"Obvious naman, Sis! Nakikita mo ba sila sa school nitong mga nakaraan? Whipped na naman si Payton!"

"Gosh, ang hirap kalaban ng first love, 'no?"

"True! Kaya hindi ako naniniwala noon nang i-broadcast n'ya sa Lucianna na si Shawny na ang gusto n'ya, eh!"

"Pero sayang din si Shawntell! Ang cool!"

"Girl, are you blind? Anong laban ng cool lang sa isang classy?"

And that shit hurts. Huwag n'yo naman sana akong i-lang lang.

Hindi na lang ako umimik. Pinanood ko ang laro kahit wala akong maunawaan. Natapos ang laro na naipanalo ni Ria. Mabilis siyang bumaba sa kaniyang saskayan at lumapit kay Payton. Kay tinignan sila doon na stopwatch. They laughed and kissed right after.

I sighed. Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad paalis.

Hindi ko alam kung ano ba ang ipinunta ko rito. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako narito. Hindi ko rin alam na sa kaunting panahon at interaksyon pala ay may sisira sa akin ng ganito.

Bagsak balikat ako na naglakad papunta sa parking lot. Medyo marami na rin ang tao dahil dumidilim na at may main event pa mamayang gabi. Naglakad na ako papunta sa aking sasakyan. Binuksan I na ito pero may mabilis na nagsara nito. Alam ko kung sino, amoy pa lang.

"I am sorry," he said seriously.

Kumunot ang noo ko saka siya tinignan sa mata. Hingal na hingal pa siya dahil sa pagsunod sa akin dito.

"Para saan?"

"This. Pasensya na kung hindi ko sinabi nagbalikan na kami. Pasensya na kung ginago kita at nagpakita ako ng motibo—"

"Hindi naman iyon big deal sa akin," I smiled. Binuksan ko na ang pintuan at sumakay. Ngumiti ako sa kaniya habang binubuhay na ang makita. "Ang sa akin lang, huwag n'yo naman akong pagpustahan na magkakaibigan. Mga gago kayo talaga, ano?" I added calmly kahit gusto ko nang pagulungin ang gulong sa kaniyang paa.

"Pustahan?" natigilan s'ya.

I shrugged. "Oo, pero ayos na iyon. Basta tangina ka," huli kong sabi at pinaandar na ang sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

53.2K 881 48
Grieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down...
1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
44.8K 1K 57
Ciudad de Escalante Series 1/8 Being an illegitimate daughter didn't hamper Klevoreign Carvajal's chance to experience a well-lived life until everyt...
105K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...