STS #2: Give Me More

By Missflorendo

2.2M 47K 12.8K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57

Kabanata 45

20K 654 127
By Missflorendo

Kabanata 45

"Z-zeno... Captain... paanong nakalabas siya? Non-bailable 'yung kaso niya, 'di ba?"

Agad akong napasugod sa presinto kung saan nakakulong si Pablo. Kaso hindi ko na siya inabutan. Nakaalis na ang hayop! Kung kelan naghahanda na kami sa pagharap ni Kairo, saka naman biglang nangyari 'to.

Mga demonyo talaga! Sigurado akong matagal na nilang plano 'to! At talaga tinaon pa nila kung kelan gumising na si Kai!

"Sorry, Portia. I may have overlooked something," nakahawak sa ulo niya si Zeno. Sinulyapan ko ito at kita ko kung gaano rin siya ka-disappointed sa nangyari.

Hindi ko naman siya magawang sisihin. Nakita ko naman kung gaano niya pinagtuunan ng panahon ang pagta-trabaho sa kasong ito. Nasaksihan ko ang pagpapagal niya. Kaso sadyang mga kampon talaga ni Satanas ang mga kalaban namin. I have already expected this actually, but I was still not able to prepare myself.

They were able to pull some strings right before we even took him out of chance. Sobrang nakakapanlumo at nakakagalit!

"Hey, don't be too hard on yourself." Hinawakan ako ni Easton sa balikat. "Hindi pa naman tapos ang laban. Nakapag-bail lang siya pero tuloy pa rin ang kasong kinakaharap niya." Marahan niya 'kong tinapik doon at pakiramdam ko kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa sinabi niya.

Tama si Easton. Marahil pansamantalang nakalabas nga siya ngayon, pero hindi niya matatakasan ang kahayupan niya. May laban pa kami. Hindi kami pwedeng panghinaan ng loob nang dahil lang dito.

"Portia, magpahinga ka muna ngayon." Nag-aalala ang mga mata ni Captain na tumingin sa 'kin. "Gusto mong ihatid na muna kita pauwi?"

"Can't you see I'm with her?" Hinatak ako ni Easton palapit sa tabi niya. Sinamaan ko agad siya ng tingin dahil sa inasta niya.

"I can go home myself." Tinignan ko si Zeno. "Alam na ba 'to ni Sam?"

Tumango siya. "Sinabihan ko agad siya pagkatanggap ko ng balita."

"H-hindi ba siya nag-insist na sumama?"

"May inaasikaso kase silang bagong kaso ni Jenny. Nagmamadali rin sila kanina kaya hindi ko na natanong kung gusto niyang sumama."

"Ahh..." Tumango-tango na lang ako. Sobrang laki at importante siguro talaga no'n kaya ang busy niya.

Humingi ako ng pasesnya kay Captain before ako nagpaalam. Wala naman akong choice kundi sumabay dito kay Easton dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi na 'ko nakapagdala ng sasakyan. At saka wala rin naman ako sa huwisyo para mag-drive. Baka mabangga lang ako.

"Ayaw mo pa rin bang bumalik sa bahay niyo?" he asked, while driving.

"Hindi ako babalik doon hangga't naroon pa 'yung isa pang kampon ni Satanas."

"So wala ka pa rin pa lang balak umalis sa condo ng abogadong 'yon?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Wala naman akong balak umalis. Don't tell na pati ang pagtira ko sa unit ni Fyuch ay issue sa 'yo? Baka nakakalimutan mong siya ang tunay kong fiance?"

"I just don't want you to get in trouble with your Dad if he finds out."

"He won't find out unless you tell him."

"Do you think I'll do that to you?"

"Malay ko. Pero kahit malaman naman niya, so what? He knows I'm engaged with Sam."

Habang nasa byahe kami ay hindi ko pa rin magawang alisin sa isip ko ang nangyari. Patuloy akong binabagabag ng mga posibleng kahinatnan nito. Paano kung may ibang plano pa silang binabalak para manalo?

Paano kung matalo kami?

Hindi ko yata kakayaning makita na madurog ng husto si Kairo. Pero paanong gagawin ko? I know na gumagawa naman ng paraan si Tita Hilda, pero pakiramdam ko kahit na pagsama-samahin pa namin lahat ng magagaling na abogado sa bansang 'to, kung hawak nila ang batas, wala ring kwenta.

Napabuntong hininga ako at kinuha na lang ang cellphone ko. Nag-check ako ng mga messages at napangiti ako nang makita ang message ni Boss Amara. Nabalitaan na rin pala niya ang nangyari and she tried to cheer me up. I know she still feels sorry about my suspension, pero never ko naman siyang sinisi roon. Alam ko namang hindi niya 'yon ginusto at wala rin naman siyang magagawa kung utos 'yon ng mga nasa taas.

Napatigil ako sa pag-s-scroll at huminto ang mga mata ko sa artikulong may mukha ni Fyuch. The best and bravest lawyer in the country. Hindi ko napigilang mapangiti. Bagay na bagay ito sa kanya! Ang galing galing talaga ng bb ko! Wala siyang kaalam alam na kahit sa ganitong maliit na bagay lang tungkol sa kanya ay napapasaya na niya 'ko.

Pinakatitigan ko ang picture niya sa screen ko at pakiramdam ko'y ako ang nagluwal sa kanya sa sobrang pagka-proud ko.

Hanggang ngayon nga ay napapahanga pa rin ako sa tuwing may mababasa ako tungkol sa kanya. Sa kung papaano niya naipanalo ang kaso ng ama ni Adara. Siya lang ang nag-iisang abogadong naglakas loob na kumalaban sa pinaka-makapangyarihang pamilya sa Sorsogon. Kilalang malulupit ang mga Almendras sa lugar nila kaya walang nagtatangkang magsalita dahil sa takot.

But Sam was able to put a stop to their wickedness. Napaka-swerte ni Adara nang mga panahong iyon dahil may isang Sam na handang gawin ang lahat para sa kanya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, 'no?

Sana ol. Chos.

Kung si Fyuch din kaya ang mag-represent kay Kairo? Di kaya mas malaki ang chance na manalo kami? Parang pakiramdam ko kase, kapag si Fyuch na ang may hawak, walang kaso ang hindi niya kayang ipanalo. Wala pa kayang talo 'yun ni isa! Sobrang nakakabilib talaga siya.

Napailing na lang ako habang nangingiti dito sa pumasok sa isip ko. Minsan kasi sa sobrang panghihina na ng loob ko, naiisip kong tumakbo na sa kanya at magmakaawa. Kaso kapag kaharap ko na siya, nawawala na lahat ng lakas ng loob ko. Matapang lang yata talaga ako sa kanya kapag landian. Pero pagdating sa ganito ka-seryosong bagay, napupuno ako ng hiya.

Gusto kong subukan kausapin siya. Kase 'di ba nagawa niya 'yon kay Adara noon dahil sobrang mahal niya 'yung best friend ko? Kaya baka sakaling makaya ulit niyang gawin ngayon dahil ako naman ang sobrang mahal niya?

Kaso tangina naduduwag ako. Natatakot ako sa posibilidad na tanggihan niya ako—na baka hindi niya magawa sa 'kin 'yung nagawa niya kay Adara. And I will be 100% destroyed if that happens that's why I'm so fucking scared to beg.

Marahil kung handa naman na siguro siya ay hindi ko na kailangang magsabi pa na tulungan niya 'ko. Pero sa halip ay si Zeno ang ibinigay niya. Ibig sabihin lang no'n ay hindi pa talaga siya ready sa ganitong kaso.

"Please don't skip a meal, okay?"

"Thanks for the reminder," sagot ko kay Easton habang pababa. "Ingat ka." Kinawayan ko siya bago tuluyang sinarado ang pinto. He smiled and waved back at me before he left.

Wala sa sarili akong naglakad papasok ng building. Pinindot ko ang 10th floor pagsakay ko ng elevator at dumiretso sa unit ni Kairo. Hindi naman magulo since wala namang nakatira pero naglinis pa rin ako para kuskusin ang mga alikabok.

Pakatapos kong maglinis ay humiga ako sa sofa. Hindi ko trip manood ng kahit ano kaya nahiga lang talaga ako. Parang ganitong katahimikan lang ang kailangan ko ngayon. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako.

Dahan-dahan akong nagmulat dahil sa walang tigil na pagva-vibrate ang hawak kong cellphone. Naniningkit ang mga mata kong tinignan ito at mas lalo akong napapikit dahil sa pagkasilaw sa liwanag nito. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang bilang ng missed calls ni Fyuch.

57 missed calls.

Napamura at napabangon agad ako pagkakita niyon. Agad na chineck ko ang oras at magkakasunod na mura na naman ang nasambit ko pagkakitang alas dos na ng madaling araw! Shuta gano'n ako katagal na nakatulog?!

Halos mapatalon ako nang mag-vibrate ulit ang phone ko at tumatawag na naman si Fyuch! Shocks, hindi pa siya natutulog! Napahawak ako sa leeg ko at hindi ko pala suot 'yong kwintas kaya malamang ay hindi niya alam kung nasaan ako. Ugh!

Kabado akong lumunok muna bago ito sinagot.

"F-Fyu—"

"What the fuck?! Nasaan ka?! Bakit ngayon ka lang sumagot?!" Agad na nailayo ko ang phone ko sa tenga.

"Sorry, Fyuch, nakatulog ako hindi ko namalayan ang oras. Nandito lang ako sa unit ni Kairo."

Sunod-sunod na malulutong na pagmumura ang sinambit niya pagkatapos ay narinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto bago tuluyang namatay ang tawag. Maya-maya pa ay may kumakatok na. Humihikab pa 'kong tumayo. At pagkabukas ko sa pinto, nagulat ako nang biglang yakapin niya 'ko ng mahigpit.

"Akala ko may nangyari nang masama sa 'yo."

Tipid akong napangiti.

"Ang praning mo. But sorry for making you worried."

"Please, don't ever do this again. Papatayin mo 'ko sa sakit sa puso," aniya at para akong tanga na nangingiti pa kahit na napakaba ko siya ng ganito.

"Am I that important to you?"

Humiwalay siya at bahagyang nangunot ang noo sa tanong ko. Maging ako ay medyo na-wirdohan din sa sinabi ko. Bakit ko tinanong 'yon? Bangag pa yata talaga ako.

"Of course you are important. You're my fiancee, Portia."

Yeah right. I'm his fiancee. Ako ang babaeng inalok niya ng kasal. Ako ang babaeng nakita niyang makakasama sa habang-buhay. I shouldn't have doubted my importance to him.

Sa kwarto niya 'ko pinatulog dahil 'yun ang gusto niya. Hindi ko alam anong meron pero bigla siyang naging super clingy. Halos hindi ako makagalaw sa pagkakahiga dahil sa higpit ng yakap niya.

"Dudurugin mo ba 'ko?" natatawang tanong ko. "Para naman akong mawawala sa higpit ng yakap mo."

"I just want you to feel you're not alone. That I'm always here beside you to support you," pabulong na tugon niya.

"Alam ko, Fyuch. At tandaan mong gano'n din ako sa 'yo. Hindi ko man nasasabi dahil sa pagiging abala ko sa maraming bagay, know that I'm very proud of your achievements, my best and bravest lawyer."

Nakangiti ko siyang tiningala ngunit hindi ko makita ang tuwa sa mga mata niya. Ang lungkot ng mga ito. Tila ba hindi masaya sa sinabi ko.

"May problema ba, Fyuch?"

He just smiled and shook his head. "I'm really worried about you. Sigurado kang okay ka lang?"

"Bakit? Mukha ba talaga akong hindi okay?" Pinaningkitan ko siya ng mata. Tanging ang liwanag lang ng lamp sa gilid namin ang ilaw. Pero sapat na 'yon para maliwanag naming makita ang isa't isa.

"No, but I know you're not okay."

"And why would I be not okay? Dahil kay Pablo?" He looked at me straight in the eye before he slowly nodded. Tahimik kong isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at saka ko iniyakap. "Do you think Zeno can win it?"

Ayokong mawalan ng pag-asa kaya kahit paulit-ulit, lagi akong nagtatanong kung kakayanin ba naming manalo. I feel too desperate sometimes, pero kase...sa tuwing naririnig ko kay Fyuch na may pag-asa, lumalakas ang loob ko. May kung ano sa mga salita niya ang hindi ko kayang hindi paniwalaan.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya sumagot. Biglang nanikip ang dibdib ko sa bawat segundong pananahimik niya. Bakit? Anong nangyari? Maging siya ba ay nalalabuan na sa laban namin sa mga Vasquez?

Mariin akong pumikit kasabay ng mga luha kong patagong nagbagsakan. Damn! Why does his silence hurt so bad? Pumikit ako nanatiling tahimik hanggang sa kusa na lang na namanhid ang puso ko.

'You will win it, baby. I will make sure of that.'

I unconsciously smiled in my deep sleep with the words I heard. I don't know if they were real or just my dream, but they made my hurting heart a little calm.

"Kumain ka na ba? May dala akong takeout from your favorite resto," sabi ko pagdating sa unit ni Kairo.

"Hindi pa."

"O sige wait ihahanda ko na 'to." Tumango lang siya at umupo sa harap ng TV.

Bumalik na nga pala si Kairo sa unit niya. Gusto sana ni Tita Hilda na sa bahay muna nila ito umuwi kaso mapilit siya na dito na lang ulit. Gusto ko rin muna sanang bumalik dito para may kasama siya at mabantayan ko. Pero kakausapin ko muna si Fyuch kung papayagan niya 'ko.

Speaking of Fyuch, may problema kaya siya? Dalawang araw pagkatapos naming makapag-usap ng matino, napansin kong parang ang lalim lagi ng iniisip niya. Kapag tinatanong ko naman, ngingiti lang siya at iiling. Ayokong mag-isip nang kung ano, pero minsan hindi ko maiwasan ma-praning.

I'm afraid he might be hiding something from me. I was afraid of being disappointed. And I was even more afraid to know if he was lying to me.

"Ang sama yata ng mukha mo?" tanong ni Kairo nang sulyapan ako habang kinakain iyong dala ko.

Itinaas ko ang mga paa ko sa sofa at niyakap ang mga tuhod ko. "Tingin mo ba kung kakausapin ko si Fyuch na i-represent ka... papayag siya?"

"No. Don't do that, Portia," mabilis na pagkontra niya.

Nagatataka akong tumingin sa kanya. "You know what he can do kung siya ang tutulong sa 'tin. Wala pa siyang kasong natatalo," pangungumbinse ko.

"The help you're giving me is more than enough already. Magtira ka naman para sa sarili mo."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Susubukan ko lang naman, e."

"Bakit mo pa susubukan kung alam naman natin na matagal na siyang tumigil sa paghawak ng mga kasong kriminal?"

"Malay mo naman pagbigyan niya 'ko? We're getting married soon baka nakakalimutan mo?" Pinakita ko pa sa kanya ang suot kong engagement ring.

"Wag mong ipilit ang bagay na malabo."

"What if pumayag naman siya for me?"

"Eh paano kung hindi? Ma-di-disappoint ka tapos masasaktan ka?" Lumambot ang mga tingin niya sa 'kin. "I can't afford to see you get hurt again by someone you love."

Natigilan ako sa sinabi niya. Nakita ko na naman 'yung mga tingin niya sa 'kin na puno ng awa. 'Yung mga tingin niya noong tumakbo ako sa kanya pagkatapos kong masaktan kay Easton.

Tangina, ayoko na ulit makita 'yang ganyang tingin na 'yan. Pakiramdam ko ang tanga tanga ko sa tuwing ganyan na ang tingin sa 'kin ng mga tao sa paligid ko.

Naka-sad face akong umusog palapit sa tabi niya at niyakap ang braso niya. "Paano na lang ako kung wala ka? You're so sweet and caring. Buti na lang at nailuwal ka ng nanay mo bago siya nagpaka-independent woman."

"Tss. Ayoko lang na marinig ka na namang ngumangawa d'yan na parang tanga. Kaya makinig ka, okay?"

Tumango-tango ako habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa braso niya. Tinuloy lang niya ang pagkain niya.

"Kai..." mahinang tawag ko.

"Oh."

"Masakit pa ba?"

Tatlong segundo siyang natahimik bago sumagot.

"Di naman agad na mawawala 'yon. Pero kailangan kong unti-unting tanggapin. At isang bagay ang sinisigurado ko." Diretso niya 'kong tinignan sa gilid niya. "Isa lang ang matitirang malaya sa amin ni Pablo."

Kinilabutan ako ng husto ro'n sa sinabi niya kaya pagkatapos no'n ay hindi na ako nagtanong pang muli.

Nagpaalam na rin ako after niyang kumain. Bumalik ako sa unit ni Fyuch para maipagluto ko siya ng hapunan bago pa siya makauwi. Pinayagan lang akong mag off ngayon ni Daddy kaya ako nandito. Bukod kasi sa gusto kong samahan muna si Kai ay gusto ko ring bumawi ng konti kay Fyuch. Pakiramdam ko kasi ay napakalaki na nang pagkukulang ko sa kanya.

Nanood lang ako ng TV habang hinihintay siya. Naka-tatlong pelikula na nga ako sa sobrang tagal niyang dumating pero pinigilan kong makatulog talaga. I tried looking for more movies to watch nang bigla akong na-bored sa ginagawa ko at inilipat na lang sa balita ang palabas.

Sakto ay oras na ng flash report ng PBN News. Napangiti ako nang makita ang mga kasamahan kong naghahatid ng kanya-kanyang mga istorya. Sobrang miss na miss ko na 'yung trabaho ko pero hindi ko alam kung kelan nila ako balak pabalikin. O kung may balak pa ba silang pabalikin ako.

Napahilamos ako ng mga palad ko sa mukha nang maramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay ipinagkait sa 'kin ang kalahati ng buhay ko dahil sa paghinto ko sa trabaho.

My job isn't just a simple job for me. It means more than that.

Napaangat ako ng tingin sa TV nang marinig ko ang pagbanggit sa pangalan ni Fyuch. Humigpit ang kamay ko sa hawak kong remote nang makitang nagpapa-interview siya. Okay lang sana na for the first time ay pumayag siya.

Kaso bakit kailangan gano'n kumapit sa braso niya si Jenny? On national TV pa! Tangina.

Parang naramdaman kong bumulusok ang dugo ko paakyat sa ulo ko. Anong konek nang pagkapit ng higad na 'to sa fiance ko doon sa mga tinatanong sa kanila? Wala! Walang konek!

Saktong pagkatapos ng report ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Hindi ko magawang tumayo at salubungin siya ng nakangiti dahil sa napanood ko. Nang makita niya 'ko sa salas ay mukhang wala rin naman siya sa mood dahil hinagis lang niya sa couch 'yung briefcase niya at saka nagtanggal ng coat.

"Hindi ka man lang nagsabi na late kang makakauwi," I tried my best not to sound mad, but I know I failed.

Madalas naman ay late siyang umuwi, pero tinatawagan niya 'ko para sabihan. Ngayon lang hindi. Alam naman niyang nag-leave ako at hinihintay lang siya dito sa unit pero hindi man lang niya nagawang mag-send kahit isang text.

"Sorry...I got too busy today. You shoudn't have waited for me."

"Pwede ba 'yun?" mahinang sagot ko. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko kaya marahan akong huminga ng malalim. "I saw your interview."

"Can we just talk about this tomorrow? Medyo pagod ako ngayon."

Saglit na napaawang ang labi ko ngunit tumango na lang ako.

"Kumain ka na ba? Nagluto ako."

"Yeah, I already ate. We had a small dinner in the office."

"A-ah. Gano'n ba." Tumango-tango na lang ulit ako. Mukhang pagod nga siya at wala sa mood makipag-usap. "Sige magpahinga ka na."

Nauna na 'kong tumayo dahil pinipigilan ko ang sarili kong gumawa ng eksena. Nanlalabo ang mga mata kong pumasok sa kwarto ko at nilock ito. Isinubsob ko agad ang mukha ko sa unan at doon umiyak ng umiyak. Hawak ko ang kumikirot kong dibdib habang tahimik na hunikhikbing parang brokenhearted.

Napaka-iyakin ko, nakakaasar! Bakit ko kailangan maiyak sa gano'n? Ineexpect ko ba na dapat lagi siyang sweet sa 'kin? Na bawal na siyang magka-bad day katulad ngayon?

Tao lang din siya, Portia. Nagagalit, naiinis, at napapagod.

Inubos ko na lang ang iyak ko hanggang sa wala nang matirang luha sa mga mata ko. Inabot yata ako ng tatlong oras sa kakaiyak dahil hindi ko mapigilan sa tuwing naaalala iyong malamig niyang pakikitungo sa 'kin kanina. Wala man lang kasi kahit kiss sa pisngi. Nakakainis siya!

Nakatulog na lang ako ng masama ang loob ko at nagugutom pa. Dahil sa paghihintay ko sa kanya ay hindi tuloy ako nakapag-dinner at nasayang pa iyong niluto ko.

"Di ba magpapasko pa lang? Bakit parang pang-byernes santo na 'yang itsura mo?"

Binato ko ng isang pakete ng sticky note ang kapapasok lang na si Mona. Kaso nailagan agad ni gaga. Sakto pa naman sana 'yun sa mukha niya!

"Kung sisirain mo lang ang araw ko, Monalisa, mabuti pang lumayas ka na at marami pa 'kong gagawin!"

"Eeew. Wag mo nga 'kong tawagin niyan." Diring-diri ang itsura niya sa sarili niyang pangalan. Nakangiwi siyang lumapit at hinila ang upuan sa tapat ng table ko. "Labas tayo?"

"Saan tayo pupunta?"

She leaned her face forward.

"Manlalake tayo." Ilang segundo ko siyang tinitigan bago pinitik at tinulak sa daliri ko ang noo niya. "Aray ko ha!!"

"Ako talaga inaaya mo sa ganyan?"

"Why not? Akala ko ba badtrip ka sa jowa mo?"

Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. Ang aga aga kasi nilang nag-ingay kaninang umaga sa gc namin. At dahil wala ako sa mood hanggang sa paggising, napansin nila ang hindi ko pakikisali. Tapos ayun, in just a snap ay nag-ra-rant na 'ko sa kanila. Feeling ko nga mas gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong makapagsabi sa kanila.

Pumasok pa 'ko nang napakaaga para lang hindi kami magpang-abot ni Fyuch. Parang hindi ko kasi kayang simulan ang araw na 'to kung ganoon pa rin sa kagabi ang mood niya.

"Di porke badtrip ako sa kanya, maghahanap na 'ko ng kalinga sa iba. You know how much I hate that."

"Yeah, yeah, yeah, St. Portia. Ang santa ng mga malalanding babaeng tapat. Siguraduhin mo lang na ganyan din sa 'yo 'yang jowa mo."

Tipid akong ngumiti. "Oo naman. Pinagdududahan mo ba si Fyuch?"

Sumandal siya sa upuan sabay pinagkrus ang kanyang mga braso. "Ewan. Alam mo namang pare-pareho lang ang mga lalake sa 'kin. No matter how good they may seem, meron at meron 'yang katiting na ka-demonyohan."

"Yieee may hugot kase."

"Sus, ano'ng hugot hugot? Wala ako nun, uy! Kadiri ha. Pero kung gusto mo ng further explanations on why you must not trust men, humingi ka ng guidance sa ating poon na si Lyra." My door suddenly swung open. "Oh, speaking of our dare devil cousin."

Humahangos itong dumating at parang hapong-hapo sa pagmamadaling makarating dito. Hawak niya ang tapat ng dibdib at halos gumewang palapit sa amin ni Mona.

"Don't tell me na aayain mo rin akong manlalake? Please lang, layuan n'yo 'kong mga demonyo kayo." Inabutan ko ng tubig si Lyra dahil mukha na siyang tutumba sa isang ihip ko lang.

Nilagok niya ng isang tunggaan lang iyong laman ng baso at saka seryosong bumaling sa amin.

"Aayain talaga kitang manlalake kapag hindi umayos 'yang fiance mo."

"Pagod lang siguro talaga siya kagabi. Mamaya okay na 'yun," natatawa ko pang sagot. Mas affected pa kase sila kaysa sa 'kin!

"Hindi tungkol d'yan ang tinutukoy ko, gaga! May mas malaki tayong posibleng maging problema dahil sa kanya."

Nagkatinginan kami ni Mona dahil sa biglang pagseseryoso ni Lyra. Once in a bluemoon lang kase namin nakikita ang side n'yang 'yan.

"What do you mean?"

I felt like my heart skipped a beat.

"Your dear fiance has been offered a position for higher courts. But in one condition..." Naramdaman ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa noo ko. "He must take over Pablo's case and win it."

My mouth felt dry.

"Where the fuck did you hear that? I swear kapag 'yan fake news gigilitan kita sa leeg."

"Well...uhm...actually, I was with Steel kase. Nasa law firm nila 'ko and nag-inom kami ng slight sa office niya. Tapos ayun nadulas si gago. Tangina, feeling ko nga nawala lasing ko."

Oo nga pala. May sariling law firm sina Zeno, Steel, Gian, at Jenny. Si Fyuch lang ang hindi sumama sa kanila although hindi rin naman nila siya iniwan dahil magkakasama pa rin sila sa Smith Corp.

"K-kelan niya pa raw natanggap 'yung offer?"

"2 days ago."

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang hinampas ni Mona ang kamay niya sa lamesa. "Sinasabi ko na nga ba! Siguro tinanggap niya 'yung offer kaya hindi ka niya makausap ng diretso! He must be guilty of what he did!"

Napahilamos ako ng palad ko sa sariling mukha. Nakaawang ang labi kong tumingin kay Lyra.

"H-hindi pa naman niya tinatanggap 'di ba?"

"Ewan. Wala ring alam sina Steel at mga kasama niya. Pero pucha patay tayo d'yan kapag tinanggap 'yan ni Sam. Sabi ko na kasi sa 'yong hingan mo na ng tulong, e. Ayan naunahan pa tayo ng kalaban!"

"Hindi ko siya hiningan ng tulong dahil alam kong hindi na siya tumatanggap ng criminal cases. Kaya paano tayo nakakasigurong tatanggapin niya 'yung offer ng mga Vasquez?"

He knows how important this case to me. Hindi naman siguro siya gagawa ng bagay na alam niyang makakasakit sa 'kin.

"We wouldn't know that hangga't hindi nanggagaling mismo sa bibig niya na hindi niya kukunin 'yon. At saka balita ko sobrang ganda at taas nung posisyong binibigay sa kanya."

"I'll talk to him."

"Mabuti pa nga. And don't waste any more time. Ask him to help Agravante with the case. Kung 'yung best friend mo nga natulungan niya, ikaw pa na fiancee niya?"

"Lyra's right," singit ni Mona. "Unless mas mahal ng fiance mo 'yung bestfriend mo kaysa sa 'yo. Talagang hindi ka tutulungan," tumatawang biro pa nito.

Wala namang alam ang mga pinsan ko na nagka-something si Fyuch kay Adara before. Hindi naman na nila kailangan malaman 'yon. Pero dahil nga alam kong wala naman silang ideya sa mga nangyari noon, hindi ko tuloy ma-consider na isang biro iyong sinabi ni Mona—na baka mas matindi talaga iyong naging pagmamahal ng fiance ko sa best friend ko kaysa sa 'kin ngayon.

Fuck. I thought I got through this shit already. Pero tangina—heto na naman ako.

Pinagpapawisan 'yung mga kamay ko na lumabas ng office at iniwan 'yug dalawa. Bago ako nag-drive papuntang Smith Corp., tinext ko si Fyuch na darating ako. Ayoko nang may maabutan pa na kung ano sa opisina niya kaya mabuting alam niya na pupunta ako.

Sa atat kong makarating agad, inabot lang ng 15mins ang byahe ko. Kabado ako habang paakyat pero paulit-ulit kong binubulungan ang sarili kong kumalma. Paghinto ko sa tapat ng office niya, huminga ako ng malalim bago kumatok.

Oo kumatok ako. Feeling ko kailangan, e.

He opened the door for me at nag-smile naman siya pagkakita sa 'kin. Pero nakita kong may hindi talaga tama sa ngiti niyang 'yon. Dahil hindi niya ako ganoon ngitian.

Nilagpasan ko siya at dumiretso ako sa receiving area. Tahimik akong umupo sa mahabang sofa at tahimik rin siyang pumwesto sa couch sa kanan ko. Ramdam ko ang paninitig niya kahit na hindi ko siya tinitignan.

"Why didn't you tell me?" I asked, still not looking at him.

"About what?"

Huminga ako ng malalim. "The offer..."

Sinulyapan ko siya at nakita ko ang pangungunot ng noo niya.

"How did you know about that?"

"May pakpak ang balita, Sam," tugon ko at kabadong pinagsiklop ang mga kamay ko. "D-did you take it?"

"No," sagot niya. "Not yet..."

"Not yet..." pag-uulit ko at bahagyang natawa. "Means you're thinking about giving it a chance." Mahigpit na kinuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang emosyon ko.

"That's not what I—"

"Kung gano'n bakit hindi mo sinabi sa 'kin?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw. Parang sasabog 'yung ulo ko sa kung anu-anong pumapasok dito.

Narinig ko siyang napabuntong hininga bago tumayo at lumipat ng upo sa tabi ko.

"I'm sorry." And here I go again. Sa isang sorry lang na naman niya, mabilis na naglahong parang bula ang pagtatampo at inis ko. "Ayoko lang na dumagdag pa 'yon sa mga iniisip mo."

"Pero sana...sana sinabi mo pa rin sa 'kin. Hindi 'yung gan'to na sa iba ko pa malalaman."

He wrapped his arm around my shoulder and pulled me closer to him. I burried my face on his chest. Marahan niyang hinaplos-haplos ang buhok at hinalikan din doon.

"I'm really sorry, baby. But know that I'm willing to do everything that will make you happy." He held me tighter, as if he wanted to hid me in his body, away from all the pain I was about to feel.

I wanna believe him. I wanna trust his words. Ayoko na ng mga pagdududang ito na nararamdaman ko, pero hindi ko mapigilan.

Nangingilid ang mga luha kong tumingin sa kanya at tipid akong ngumiti. "Then prove it to me. Represent Kairo in court."

Isang nakabibinging katahimikan ulit ang bumalot sa amin. Ang katahimikan na parang patalim na tahimik bumabaon sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang makalabas ng opisina niya nang hindi tumutumba sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil kahit walang salitang lumalabas sa bibig niya, malinaw sa 'kin ang tugon niya sa sinabi ko 

Pinagtitinginan ako ng mga taong nadaraanan ko dahil sa mga luha kong ayaw paawat sa pagtulo. I fucking hate those stares! Pero gusto ko mang tusukin ang mga mata nila isa isa ay 'di ko magawa dahil ayokong huminto. Ayokong huminto dahil gusto ko nang makalayo rito.

"Tangina naman kasi, Portia! Sinabihan na kita! But you didn't listen again!"

Galit na galit si Kairo pagdating ko sa unit niya.

"A-akala ko kasi—"

"Akala mo kase ano?! Na porke mahal ka niya, mababago mo na ang mga pananaw niya?"

His words were like bullets.

"Y-yeah... at some point I thought his love for me was enough already." Tinakpan ko ng mga palad ko ang mga mata ko at humagulgol na parang tanga sa harapan niya.

But at least I've proven something more clearly. And that's the real place I have in his heart.

***

Angel's note: please don't forget to vote and leave your thoughts on this chapter! ❤️❤️❤️

Kabanata 46-58 are now available in Patreon. Subscribe now for only $3!

Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 164K 58
Kelvin Nikola Aragonza's story.
173K 2.4K 23
"A boy and a girl can never be just friends, one of them will DEFINITELY fall for the other.. but in this story, where love game strikes, where fate...
2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
298K 3.5K 31
Bet... that's how every love game starts. But will it also end by just a simple love game? ---- Cover Photo Credit: https://www.pinterest.com.au/m/pi...