Stuck Forever with You (Stuck...

By NerdyIrel

16.3M 184K 62.6K

Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's... More

Stuck in the Moment (book 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue
Author's Note

Chapter 25

308K 3K 757
By NerdyIrel

Chapter 25

Kathryn’s POV

“As in? Teka, hindi ba pwedeng mag-double deck na lang? Or di kaya isa satin sa sahig?”

Isipin ko pa lang na magkasama talaga kami sa iisang bahay, nawiwindang na ko.

YUN PA KAYANG SA IISANG KAMA?

Baka kung ano na lang gawin ko.

Delikado!

>_< 

Hoy ah! Iba na naman iniisip niyo! Hindi yun!!

Pero pwede rin yun!

Pero hindi naman talaga!

“Okay. Sige, diyan ka sa sahig matulog ha!” He smiled tapos pumasok na siya sa comfort room.

I heard the shower opened.

I sat slowly sa kama.

*Blank Mind*

Oo, first time yun.

As in, wala akong maisip.

*silence*

Bakit ba para akong pinarurusahan?

Ano bang nagawa kong mali?

I’m gonna spent most of my time with someone I love, who unfortunately doesn’t love me anymore.

It’s like, trying to live in a cage where you’re the pet and your master doesn’t care for you. Gets?

Tumayo na lang ako.

Pagod na rin naman ako.

I want to get some sleep.

Pumasok ako sa closet and I made sure that I locked it.

Nagpalit na ko ng shorts and long sleeves.

Paglabas ko ng closet, bumaba muna ako to lock the doors and windows pati na yung lights.

Wala na rin naman akong magagawa kung talagang magkasama kami matulog.

Hindi naman pwede na dito ako sa sofa matulog!

Ano siya, sinuswerte?

Tsaka di rin naman ako pwedeng makitulog sa mga friends ko. Nakakahiya.

Pag-akyat ko, nakita kong naka-open na yung door ng CR.

Siguro nasa closet siya…

Nag-CR muna ako, syempre tanggal tanggal din ng make-up sa mukha!

After nun, lumabas na ko kaagad.

I saw Daniel on the study table, checking his twitter account.

Di na ko nagsalita, nag-climb na ko kaagad sa bed.

Tapos pinatay ko yung lamp sa may gilid ko.

SYEMPRE, di ako bastos para patayin yung light sa gilid niya.

Dun ako sa right side kasi dun ako sanay.

Niyakap ko yung unan ko ng sobrang higpit tapos nag-kumot na rin ako.

Yung abot leeg yung takip.

Pano, ang lamig kaya ng aircon!

“Huy! Matutulog ka na?” Tanong niya. I had my eyes closed at wala akong balak imulat yun.

“Ay hindi. Magtatatalon ako dito sa kama para masaya”

 

“Ang ayos-ayos ng tanong ko tapos pinipilosopo mo ko”

 

“Bakit? Maayos din naman sagot ko ah!”

 

“Anong maayos dun? Teka, di pa tayo nagdi-dinner ah! Tumayo ka nga diyan, kumain muna tayo”

I groaned tapos tumalikod na ko.

“Ikaw na lang. Pagod na ko” Sabay takip ng unan sa mukha.

Ang heavy na kasi ng mata ko.

As in, inaantok na talaga ako!

Buti na lang Sunday bukas.

Walang pasok.

>_<

“Tayo!” Utos nitong makulit na nilalang.

Naramdaman kong pinipitik niya yung braso ko pero di naman ako gumalaw.

Pretending ako na sleep na ko.

“Hoy babae, tayo na nga! Kumain muna tayo sa baba! Hindi pwedeng walang laman yang tiyan mo! Magkaka-ulcer ka niyan!” 

“Wag ka ngang makulit! BUSOG AKO! BUSOG!”

 

“Anong busog! Eh hindi ka nga kumain kanina sa restaurant eh! Ano ba! Ang tigas naman ng ulo mo eh!”

 

“Matigas na kung matigas! Ayoko nga sabi!” Tinanggal ko na yung unan sa mukha ko para mairapan siya.

“DANIEL, AYOKONG KUMAIN! Tsaka I can assure you na hindi ako magkaka-ulcer! Mas mabuti ngang wag akong kumain ng dinner kasi papayat ako! Kailangan ko yun”

“Anong kailangan? Sakto na yang katawan mo! Pag pumayat ka, para ka ng buto-buto ng di oras!”

“Ayoko nga kasi kumain” Angal ko.

“As in ayaw?”

 

“Oo! Ayaw talaga!”

“Oh di sige, kumain tayo” Hinila niya bigla yung kumot ko sabay binuhat ako. Pa-bridal style.

O_O

“DJ! Ibaba mo nga ako!”

 

“Ayoko!” Patuloy pa rin siyang naglalakad pababa. Nakakatakot kaya!

>_<

Nasa hagdanan pa kami!

Pano kung matapilok siya, eh di tumalsik naman ako!

Tsaka…

Ang awkward promise!

Nakakahiya!

Binaba niya ko dun sa may chair tapos tinignan ako ng masama.

Yung look niya nagsasabi na wag-kang-matulog-kundi-lagot-ka-sakin.

“Aish!” Angal ko.

Naglakad na siya para tignan yung laman ng refrigerator.

Pinanuod ko lang siyang kumuha ng lasagna na nasa bowl then nilagay niya yun sa oven.

Ako naman, napapapikit na ang mata.

Ganito naman kasi talaga ako.

Maaga na kong natutulog kaya hirap akong matulog ng late.

Well, hindi pa naman late ngayon pero kasi…INAANTOK nga talaga ako.

“Huy freak, wag ka nga pumikit diyan”

Minulat ko yung isang mata ko para tumingin kay DJ.

Nakita kong umupo siya sa may harapan ko.

Pumikit na lang ako ulit.

Freak ka diyan.

>_<

“Sinabi ng wag kang matulog eh! Ang kulit ng lahi mo!”

 

 

Ang ingay naman nito! Palengkero lang eh!

Ang daldal!

“Isa! Pag ako pinagbilang mo pa ng dalawa, ikaw ilalagay ko sa oven”

 

 

As if naman na natatakot ako sayo!

Bakit? Kasya ba ko dun?

Tsss. OA much lang.

“Hay nako. Ano ba kath! Kumain ka muna bago ka matulog. Wag mo nga sanayin sarili mo na hindi kumakain ng dinner”

 

 

Pakielamero pa.

Ano ba kasing problema niya kung hindi ako nakain ng dinner?

Siya ba yung mamatay sa gutom?

Di naman ah!

“Kath, imulat mo yang mga mata mo”

 

 

I heard his voice na serious na ngayon.

Psh.

Hindi ako matatakot---

“Or else....”

 

 

Agad kong minulat yung mata ko.

Automatic eh.

Ayoko ng mga or else or else na yan!

Susme!

Baka pagsisihan kong hindi imulat ang mga mata ko!

Tinitigan niya lang naman ako kaya napa-frown ako.

“Pasakit ka sa buhay Daniel. Ang sakit na talaga ng ulo ko oh!”

 

“Sumasakit yan dahil walang laman ang tiyan mo!”

 

“Tss Hindi! Pagod ako! Pagod!”

 

“Eh di kailangan mo talaga ng energy Kath”

Napa-groaned na lang ako.

Wala na man akong laban sa kapreng yan noh!

“Oo nga pala, bukas pinapapunta tayo ng mga magulang natin sa bahay ni Mama. Dun daw tayo kumain ng breakfast. Tapos after nun, sasamahan mo ko”

 

“Teka, may bahay ang mama mo dito?”

 

“Malamang. Nandito kami palagi eh”

 

“Kung may bahay kayo dito, bakit kailangang magkasama pa tayo sa iisang bahay?”

 

 

Bigla siyang natawa as if may sinabi akong sobrang nakakatawang joke.

“Nasaan na ba ang utak mo? Naiwan sa pinas? Hahahaha Di mo talaga alam?”

 

“Pwede ba! Magtatanong ba ko kung alam ko? Gamit gamit din ng utak dre!”

 

“Kath, you really don’t get it, don’t you?”

 

 

Paulit-ulit? Putek!

Uso ba yun?

“I already told you earlier, they want us to get along. Alam nila na nagbago na yung pakikitungo natin sa isa’t-isa. Gusto nila, bumalik yung dati. Well, I know it’s impossible pero para sa kanila, hindi”

 

 

Impossible?

Bakit sa tingin niya hindi pwede?

Sabagay…hindi ko na nga pala pwedeng ibalik yung feelings niya sakin.

I sighed. “Matagal pa ba yang lasagna? Nagugutom na ko”

Iniba ko na yung usapan.

Wala na rin namang kwenta pagusapan yun eh.

“Akala ko ba inaantok ka? Bakit ngayon gutom ka na?” Sabay nag-smile ng pangasar.

“Eh ano ba gusto mo? Ayaw mo kong matulog pero ayaw mo rin akong magutom? Lakas ng trip mo noh?”

 

Tumawa na naman siya.

Napatitig lang naman ako sa kanya.

Ang cute niya talaga tumawa----Aish! Kath, stop na!

Diba kinalimutan na niya feelings niya sayo?

Gantihan mo na lang din!

Pilitin mong wag mo na siyang mahalin!

*Ting*

Sa wakas, uminit na rin yung lecheng lasagna na yan!

Tumayo na si DJ tapos kinuha na niya yun.

 

 

“Aray---Shit! Ang init nga pala! Putek”

 

 

O_O

Napaso pa pala siya.

Bigla tuloy akong natawa. “Ang shunga mo naman! Nasaan na yang utak mo? Naiwan sa Pinas?” Asar ko sa kanya.

Abay, inulit ko lang yung asar niya kanina sakin!

HAHAHA.

I thought he’ll laugh pero di niya ko pinansin.

Hinahawakan niya pa rin yung kamay niya kasi namumula na yata.

Tsk tsk tsk.

Tumayo na ko then lumapit ako. “Patingin nga” Bigla siyang tumalikod sakin.

Aba! Ayaw pa talaga ipakita ah!

“Daniel, ang kulit mo! Patingin sabi”

Hinawakan ko yung wrist niya tapos medyo hinawakan ko yung kamay niya.

Napa-flinched siya ng kaunti.

Ang shunga kasi eh!

Without saying something, hinila ko siya papunta sa sink tapos binasa ko ng running water.

After nun, pinanusan ko gamit yung towel sa gilid.

“Umupo ka saglit dun” Utos ko. Kumuha na ko ng ice cubes tapos nilagay ko sa cold compress.

Buti na lang at may ice cubes na kaagad.

Pagbalik ko dun, inabot ko sa kanya yung cold compress. “Mawawala na rin yang sakit niyan mamaya”

 

 

He just looked at me.

Ano kayang iniisip niya?

Na ang shunga shunga niya?

SANA!

Tumalikod ako kaagad kasi feeling ko, namumula na yung mga pisngi ko.

Kinuha ko na yung bowl ng lasagna tapos kumuha ako ng 2 fork.

Eh kasi, nakakatamad na kumuha pa ng platito.

Dadami pa huhugasan eh!

Paglapag ko nung pagkain, umupo ako sa harapan ni DJ. “Oh” Abot ko ng fork sa kanya.

Then I started eating.

Napansin kong hindi siya nakain.

Pagtingin ko sa kanya, he was staring at me.

“Anong problema mo?” Pasungit kong tanong.

“Mukha mo” Asar niya.

He laughed then he started eating.

(-_-) 

Nung naubos na namin yung lasagna, kinuha ko na yun pati yung fork niya tapos pumunta na ko sa sink para hugasan yun.

“Wag mo na hugasan yan Kath, ako na”

 

“Are you kidding me? Namumula pa rin yang kamay mo oh! Okay lang, napaka-onti lang nito eh”

 

“Eh kasi diba…model ka? Yung kamay mo?”

 

Ang daming alam ni Daniel.

“Asus. Kukulubot ba kamay ko sa isang hugas ng kamay. Teka teka, may naalala nga pala ako, san tayo punta bukas after mag-breakfast sa mama mo? Di mo nabanggit kung saan”

 

“Photoshoot ko” Bulong niya or siguro, sadyang mahina lang boses niya.

Tapos na yung paghuhugas ko ng plato kaya kumuha muna ako ng baso at uminom ng tubig.

“Photoshoot? Saan?”

 

“For a magazine”

 

Wait lang…may naalala lang ako.

“DJ, can you do me a favor? A very big favor?”

 

He immediately frowned. “Ano yun?”

 

 

Nilapag ko muna yung baso sa may counter tapos lumapit ako sa kanya.

“Don’t tell anyone na ie-engaged tayo. I mean, sa lahat ng magtatanong kung bakit mo ko kasama”

 

Mas lalong nagbago yung itsura ng mukha ni DJ. “At bakit?”

“Eh kasi it’s very complicated. Kakagaling lang natin sa panggugulo ng media diba? Nung nalaman nila na…na….na nagbreak up tayo…di nila tayo tinigilan until they realized na wala talaga tayong sasabihin sa kanila. Bukas, alam kong madami ng kakalat na pictures natin kasi magkasama ulit tayo. Ayoko lang na guluhin nila tayo ulit. Pagfe-fiestahan na naman nila ang buhay natin once they knew na we’re engaged. Kaya sana, ilihim muna natin ito. Kahit sa friends natin. Kung okay lang?”

 

 

“Pero malapit na rin yung engagement party natin”

 

“Kailan?”

 

“After 2 or 3 months? Months dahil pinaghahandaan nila Mama at Tita Min. Malaking party eh”

 

 

“Well, atleast…let’s keep it for 2 or 3 months. Look, I’ll talk to our parents. Mas maganda na parang official na yung pagiging engaged natin sa isa’t-isa bago tayo magsalita sa media”

 

 

I really hope na pumayag siya.

I just…

Ang daming magtatanong sakin sa school.

Si Julia Baretto!

Yung bestie ko na super kung magtanong!

As in, fan daw siya ng KATHNIEL noon at halos maiyak siya nung malaman niyang wala na kami.

Tapos yung barkada sa pilipinas.

Baka dumalaw pa sila dito kaagad kapag nalaman nila na engaged na kami ni DJ.

Then si Dom na I’m sure, malulungkot dahil…nililigawan niya ko eh.

Yup, he’s courting me.

And I’m not stopping him kasi dun siya masaya.

Sinabi ko na rin naman sa kanya na I’m still not ready for a new relationship pero sabi niya, okay lang daw.

And of course, Enrique.

Na laging nandiyan when I felt so down dahil sa break up.

He’ll be upset at me dahil pumayag akong makipag-engaged kay Daniel.

Tapos baka…lumayo na naman siya.

Dahil ayaw niya ng gulo.

“Is that the only reason Kath?” Tanong niya.

“Oo naman”

He stared at my eyes, longer than the usual. “Kung diyan ka masaya” Sabi niya sabay alis.

Ano nangyare dun?

Bakit parang nagbago mood niya?

Kanina lang, uber kung makapangasar.

Tapos ngayon, parang….parang ewan! Hirap i-explain eh.

I bit my lip.

May sinabi ba kong masama?

Wala naman ah.

Tss. Matutulog na nga ako. Kaantok.

Pinatay ko na yung lights dito sa baba then umakyat na ko kaagad.

Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si DJ na nakahiga na dun sa left side ng bed.

Okay na kaya yung kamay niya?

Siguro…yun yung dahilan kung bakit siya nawala sa mood.

Humiga na ko sa gilid niya, parehas kaming magkatalikudan.

I mean, nakaharap ako sa lamp shade sa gilid ko, siya naman…ganun din.

Ang laki pa ng space sa gitna ng kama.

Tulog na ba siya? Aish!

Pakiealam ko naman kung tulog na or hindi.

Niyakap ko yung unan na isa tapos nag-kumot na rin ako then I closed my eyes.

One day down. Forever to go.

Habang buhay na kaming ganito.

Magkatabi pero…parang hindi magkasama.

Daniel’s POV

 

 

Nakakainis lang.

Hindi niya pa ko dineretso.

Alam ko naman na si Enrique lang ang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin namin sa lahat na engaged na kami.

For sure, ayaw niya lang na maghiwalay na kaagad sila. Tsss.

EH DI MAGSAMA SILA!

ITALI KO PA SILA SA PUNO EH!

NAKAKAINIS!

Hmmph!

Tapos itong kamay ko, sumabay pa! Lintek!

Ano bang buhay toh!

Bakit ba ko minamalas ng sobra?

Ex-girlfriend ko na may mahal na iba, naging fiancee ko ngayon!

Lechugas.

Teka, anong oras na ba?

Kanina pa ko di makatulog ah!

Tinignan ko yung clock sa may table.

O_O

2 am.

Grabe, ang tagal ko na palang gising.

Ang dami ko kasing iniisip.

I rolled to my side, uncomfortable kasi eh.

Tsaka onti na lang, mahuhulog na ko.

Pagka-roll ko, nagulat ako kasi nakaharap na pala sakin si Kathryn.

Sa itsura pa lang niya, alam kong mahimbing na tulog niya.

“Daniel…” She spoke in a low voice.

I stared at her.

Teka…bakit niya ko tinatawag?

“Oh?”

Di siya nag-reply.

Wait lang..

Ginalaw-galaw ko yung kamay ko sa tapat ng mukha niya pero di siya gumalaw.

Hala! TULOG NA TULOG!

Pero nagsalita!

Teka, binanggit niya pangalan ko?

Daniel daw eh!

Diba ako naman si Daniel?

Oo, ako nga!

I smiled. So iniisip niya ko?

Hanggang sa panaganip niya, ako pa rin iniisip niya?

^_^

Pero impossible.

Bakit naman niya ko iisipin diba?

Eh kinalimutan na niya nga ako tsaka baka naninibago lang kasi siya dahil after 3 months, nakita niya at nakausap ulit ako.

I stared at her.

Tapos hinawi ko yung buhok na tumakip sa mukha niya.

Ang ganda mo talaga.

Dyosa.

Na-gayuma mo ba ko kaya hindi kita makalimutan?

Or sadyang mahal lang kasi talaga kita?

Well, alam ko na naman sagot dun eh.

Alam na alam ko.

“Kath, lahat gagawin ko para mapasaya kita. Oo, alam kong si Enrique ang gusto mo pero…hindi talaga ako papayag na kayo ang magkatuluyan dahil akin ka. AKIN KA LANG. Selfish na kung selfish pero mahal kita eh. Alam mo yan. Binabalik ko lang ang dati para MAALALA mo kung ano tayo dati. Dahil deep inside me, kahit galit ako sayo dahil pinagpalit mo ko, alam ko na may chance pa rin ako na mahalin mo ulit. Yung game ko? Ito talaga yun. Ito yung tunay na game ko. Alam ko na kung nag-start tayo sa asaran at napunta sa pagmamahalan…pwedeng umulit yun. And I’ll prove na pwede yun”

I closed my eyes then I slowly pulled her to me. So can I hug her…

Sana...

Sana gumana lahat ng ito.

Mahaba naman time ko eh. I have FOREVER with me.

Kathryn’s POV

 

^_^

*smile*

“Hmmmm”

*inat-inat*

Teka, bakit di ako makapaginat?

Wait ah! I’m pretty sure na nandito pa rin ako sa kama kasi naman…ramdam ko pa rin yung kama.

Pero bakit parang pinipitpit ako ng unan?

o_O

I slowly opened my eyes….

O_O 

“HALLLLLAAAAAAA!” Sigaw ko sa sobrang pagkakagulat!

Halos malaglag naman sa kama si Daniel dahil mukhang nagulat din siya at nabigla.

“Putek na bunganga yan! ANO BA KATH! ANO BANG PROBLEMA MO? Kita mong natutulog ako eh! Tsk! Kabanas naman oh!”

Angal ni Daniel sakin.

Tumayo siya tapos parang nagdabog pa.

“Aba! WALA KANG KARAPATAN MAGALIT! AKO NGA DAPAT NAGAGALIT SAYO EH! Bakit mo ko niyayakap? Huh? Tsaka bakit ang lapit lapit mo sakin? Minamanyak mo siguro ako habang tulog noh!”

 

 

“FREAK! Bakit naman kita mamanyakin? Bakit? May mamamanyak ba diyan sa skeleton body mo?” Asar niya sabay lapit sakin.

>=/

 

“Hoy! Hindi ako payat! Sexy sexy ko nga noh kaya nga naging model ako eh! At tinatanong ko dito, BAKIT MO KO NIYAKAP?”

I’m so shocked.

As in sobra!

Pag-mulat ba naman kasi ng mga mata ko, mukha niya kaagad nakita ko!

Syempre, magugulat ako!

NAPAKALAPIT NG MUKHA NIYA SAKIN!

Tapos…3 months na rin na hindi ko nakikita yung mukha niya everytime na gumigising ako kaya hindi na ko sanay.

“HINDI KITA NIYAYAKAP KATH! At pwede ba! Wag kang sumigaw! Nandito lang ako sa harapan mo noh! Ano tingin mo sakin? BINGI?”

“Sinisigiwan kita para pakinggan mo ko! AT FYI, NIYAYAKAP MO KO! Sisigaw ba ko ng ganun kung hindi mo ko niyakap?”

 

 

“Tsss…Okay, sabihin na nating niyakap kita, do you think alam ko yun? Malamang sanay akong niyayakap unan ko! Baka napagkamalan lang kitang unan”

 

 

“Lokohan tayo Daniel? Kakasabi mo lang na may skeleton body ako eh! Pano mo namang mapapagkamalan na unan ako? Aber!”

 

 

Magpapalusot pa siya eh!

Sabihin niya na kasi na gusto niya talaga akong yakapin.

Hindi naman ako magagalit eh. ^_^

AISH! Stop it kath! Behave!

“Ano bang gusto mong sabihin ko kathryn? Na sinadya ko yun? Psh. Atsaka ano bang big deal dun? Eh dati, niyayakap na rin naman kita----niyayakap ng walang damit?”

 

 

He smiled playfully at me.

(>/////////<)

“A-ano? Putek! Manyak ka talaga!!!”

 

 

Iniwas ko kaagad tingin ko sa kanya!

SHEMS! Pag naaalala ko yung take-your-shirt-off thing naman dati.

Tapos yung naka-bra lang ako then papansinin niya!!!

LECHUGAS!!!!

T_T

Naiiyak ako sa sobrang kahihiyan!

“Ano naman kayang manyak doon? Sinasabi ko lang naman yung katotohanan kath ah!”

 

“Eh kailangan ipaalala? Tss. Ewan ko sayo!”

Agad-agad akong pumasok sa may CR.

Tapos halos manlambot ako.

Nadagdagan na naman ang mga embarassing moments in my life.

Tumingin ako sa salamin and I immediately groaned.

Namumula ang mukha ko eh!

>_<

Hay nakow kath!

Masanay ka na dapat at don’t let yourself remember things like those.

For sure, sinasadya niya yun para mapahiya ka ng mapahiya.

Eh kasi naman eh! NAKAKALOKA!

Naligo na lang ako para ma-relax.

Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko.

Pagkaligo ko, may na-realize ako bigla.

O_O

“Omg! Yung towel ko” Bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko kung may extra towel dito sa loob pero wala eh!

Kahit bathrode wala!

PUTEK! Ang shunga ko talaga!

May hindi ko man lang naisip yun!

Ano ng gagawin ko?

May 3 options akong naiisip.

Yung una ay mag-stay dito hanggang sa mawala si Daniel sa loob ng bahay.

Pero mahirap yun!

Tagal kong maghihintay dito ng di oras.

Pangalawang option ko ay lumabas tapos tumakbo papunta sa closet?

Eh pano kung makita ako ni Daniel? 

Shems! Nakahubad pa ko nun!

Baka mahimatay na lang ako bigla.

What if sumigaw na lang ako para bigyan niya ko ng towel?

Pero…manyak yun eh!

Baka kung ano gawin niya sakin!

Huhuhuhuhu.

“Hoy freak, matagal ka pa diyan?” Katok ni Daniel.

O_O

Hala! Di ko pala na-lock yun!

“Ay uhmmm…..wala kasi akong towel dito….uhmmm…pwede mo ba kong kuwanan?”

 

*silence*

Please! Pumayag ka naman!

Kasi kung hindi, sisirain ko talaga itong shower curtain para makalabas lang ako ng CR na toh!

“Tsss ang shunga talaga eh” Rinig kong bulong niya.

>_<

Maya-maya, kumatok ulit siya. “Pasok na ko?”

 

“Sige”

 

 

Nag-make sure ako na natatakpan ng shower curtain ang katawan ko.

Yung ulo ko lang yung nakasilip.

Nakita kong pumasok siya sabay hagis ng towel sakin.

(-_-)

Wala talagang ka-gentle gentleman nito!

“Salamat ah!”

 

“Bilisan mo na lang kundi ako hihilahin na kita palabas! Wala akong pakielam kung walang saplot yang patpatin mong katawan. Wala naman kasing makikita diyan eh. Arte arte”

 

 

Nilagay ko na lang kaagad yung towel sa katawan ko tapos lumabas na ko sa shower curtain.

“Sungit” Bulong ko.

“Sayin’ something freak?”

 

>=/

“Teka nga! Freak ka ng freak! Unli tayo?”

 

“So what freak? Bagay naman sayo yung name ah! FREAK!”

 

“Manahimik ka nga DJ! Or else---”

 

“Or else what?” Bigla niyang nilapit yung mukha niya sakin kaya napatigil ako sa pagsasalita.

“Or else….I-I’ll….I uhmmm…gonna…”

 

 

Shit.

Nabablanko utak ko!

Pano, nakaka-distract yung mga mata niya.

“You shut up Freak. Or else I’ll take your towel off your body”

 

 

O_O

I bit my lip.

Grabe!

SUSPENSE AH!

Sa sobrang takot na baka totohanin niya yung sinasabi niya, tumalikod na ko tapos naglakad palabas ng CR. Paglabas na paglabas ko, tumakbo ako kaagad sa closet.

HUHUHUHUHU.

HEEELLLLPPP!

TT_TT

Yung buhay ko po!

I-save niyo naman!

Nakaka-ilang oras pa lang ako na kasama siya pero parang di ko na kakayanin.

 Eh bakit ba kasi FREAK ang tawag niya sakin?

Ang panget naman ng pet name niya sakin!

Well fine, may itatawag na rin ako sa kanya.

^_^

Dahil nga makikipag-meet ulit kami sa parents namin, dapat mag-mukha akong presentable.

Nag-suot lang ako ng pants and long-sleeves.

Pano, ang lamig ng weather ngayon.

Malapit na kasi yung christmas kaya mag-start ng mag-snow.

Nag-lagay na rin ako ng scarf then di na ko nagmake-up.

Wala naman akong pupuntahan eh.

Papalabas na sana ako nung biglang bumukas yung pintuan sa may closet.

Pagtingin ko, si Daniel…

O_O

Si Daniel…

SI DANIEL NA SOBRANG HOT KUNG TIGNAN-------naku! Behave kath!

Eh kasi naman, yung towel!

Oo, yung towel naka-hang medyo below his waist pa! Grabe noh?

Kitang-kita yung sexy body niya!

>///////////////<

Masyado ng exposed mata ko!

Nakatalikod na siya ngayon kasi naghahanap siya ng susuotin niya.

Siguro dapat umalis na ko!

Magbibihis pa siya eh!

Naglakad na lang ako ng tahimik palabas ng closet then kinuha ko na yung phone ko and atm card tapos nilagay ko yun sa maliit na pouch lang.

Bumaba na rin ako kaagad.

Teka, di ko pa pala nakikita kung ano meron sa back door.

So, binuksan ko yun tapos paglabas ko, napangiti ako.

Ang lamig ng simoy ng dagat pero…

NAKAKAFREEZE sa lamig!

Pero ang sosyal lang kasi may hagdanan pababa dun sa sand.

Tapos lakad lakad ka lang, dagat na kaagad.

“Hoy freak, ano tinitignan mo diyan-----”

 

“Ay anak ng sangkatutak na palaka! Putek naman oh! Kailangan manggulat?”

 

“Tsss. Drama mo. Sara mo na yan, alis na tayo freak”

 

“Okay Jerk. Sabi mo eh”

Sinara ko na yung pintuan at pagharap ko, mapapasigaw sana ako pero pinigilan ko yung sarili ko.

Susme!

Ilang beses na ba kong sumisigaw simula kaninang pag-gising ko?

Hindi pa kasi naalis itong si DJ.

Malay ko bang nandito pa rin ito.

And guess what?

He’s frowning at me.

“Anong tawag mo sakin?”

 

 

I smiled at that. Affected much? Haha.

Nauna ka eh!

Gumaganti lang ako.

“Jerk”

 

“I’m not a jerk, Kath”

 

“Yes, you are!”

 

“Stop calling me a jerk”

 

“Well then stop calling me a freak!”

Ang sama na ng tingin niya sakin pero who cares?

Ganyan naman siya eh!

Pikon!

“No way. I love calling you freak”

 

“Okay then JERK!”

 

 

“Tsss. Parang bata eh” Sabay kamot sa ulo niya.

Naglakad na siya palabas ng bahay.

Talagang iniwan pa ko!

Hay naku!

Ni-lock ko na yung pintuan ng bahay pati na yung gate tapos sasakay na sana ako sa kotse ko nung hinaranagan niya yun gamit ng kotse niya.

“Where the hell do you think you’re going?”

Naka-top down car kasi siya kaya naririnig ko siya.

“Sa house ng parents mo. Don’t’worry, di ako tatakbo”

 

“Magda-drive ka papunta dun? Bakit? Alam mo na ba kung saan yun?”

 

“Eh di sabihin mo kung saan!” Angal ko.

“No. Hop in para makaalis na tayo”

 

“Ang kulit ng lahi mo Daniel! Mag-drive ka na, susundan na lang kita”

 

 

“Papahirapan mo pa sarili mo? Sumakay ka na! Parehas lang naman tayo ng pupuntahan eh. Pag ikaw, hindi sumunod sakin, sasabihan ko si Tita Min na alisin yang kotse mo. Bahala ka…”

 

 

*groans*

 

“ARGH! THIS IS SO UNFAIR!” Pagalit kong sabi at umupo na ko sa shotgun seat.

Tumawa lang naman ang mokong.

Tita Karla’s POV

“OMG! Min!! Kamusta na kaya mga anak natin? Nag-usap na kaya sila?”

 

“Haha, malamang! Sila lang nandun sa loob ng bahay eh! For sure, maguusap yun”

 

“Pero tingin mo….okay na kaya sila?”

 

Min sighed then she placed the knife down.

Kami kasi yung nagluluto ng breakfast.

Pinagpahinga ko muna yung chef namin.

“Ewan ko ah. Alam kong mahal na mahal ni Kath si DJ and ganun din si Daniel kay Kath. Kaso…nag-break up na sila diba? So siguro, tingin ko…medyo may awkwardness pa”

 

 

“Tama ka diyan. At parang may bago sa kanila. Kasi kahapon,  yung anak mo…sobrang nagulat at ayaw pa talagang mag-agree diba? Tapos parang galit din si Daniel”

 

 

 

“Naku Karla, hayaan na muna natin na sila ang magayos ng problema nila. Basta tayo, nandito lang naman tayo for them. Pero, nice idea ba talaga yung ginawa nating dalawa? Kasi 17 pa lang si Kath. 18 si Daniel. Tapos pinagsama na natin kaagad sila sa iisang bahay”

I laughed. I get what she’s trying to say.

“Min, I don’t think Daniel and Kath would do something they’ll regret. I trust my son at alam kong hindi niya gagawin yun. Besides, diba nga? Parang awkward pa sila sa isa’t-isa so there’s no chance na magka-apo tayo ng maaga”

 

 

She also laughed then we continued cooking.

Matatapos na rin naman kami.

“Do you think my daughter hates me?” Bigla niyang tanong.

“Huh? Bakit mo naman iisipin na kamumuhian ka ni Kath?”

 

 

“Because I’m doing the choices in her life. Tinanggal ko yung condo niya tapos pinag-engaged ko siya for the company. Parang ang selfish ko naman yata…”

 

 

“You’re doing the right thing. My company needs to help you. Tsaka diba? Promise na natin yan simula bata pa tayo? Na yung mga magiging anak natin, ikakasal natin sa isa’t-isa. I do think that’s sweet”

 

 

 

We both laughed.

Sa mga movies lang kasi nangyayare yan eh!

Pero kami? Guston namin sa real life!

“Sana nga hindi galit sakin si Kath”

 

 

“Don’t worry. I know Kathryn. Tingin ko, hindi siya mahilig magtanim ng sama ng loob. She forgets easily unlike my son. Yung si Daniel? Kapag may ginawa kang masama dun, matagal bago niya makalimutan. Diba dati playboy yang anak ko? Minsan may narinig akong balita na nakipagbreak daw yung babae sa kanya. Eh hindi siya sanay na ganun. Ugali niya kasing siya ang nakikipagbreak. Alam mo ginawa niya?”

“Ano?”

 

 

“After 5 months, binili niya yung inuupahang bahay nung babae. Grabe, iyak ng iyak yung girl kasi wala silang titirahan. Palihim ko na nga lang binigyan ng pera yung girl”

 

 

“Wow ah! Brutal naman niyang anak mong si Daniel! Pero buti na lang at nagbago siya nung nakilala niya anak ko”

 

 

“Oo nga eh! Tingin ko talaga, meant-to-be sila!”

 

“Tingin ko rin! hahaha”

*Ding dong*

 

 

“Oh! Ayan na  pala sila. Kristine, pakibukas nga ng pintuan”

 

“Yes mam!”

Katulong namin yun.

Siya yung parang caretaker ng bahay kapag nasa pilipinas kami.

Mapapagkatiwalaan yan kasi matagal na siyang maid dito.

Malaki naman pinapasweldo ko sa kanya than the usual maid we have.

Syempre, utang na loob na rin yung ginagawa niyang service sa family namin.

“Goodmorning young master. Goodmorning…Ms…MS. KATH? Omg! Fan niyo po ako!”

 

 

Natawa kami ni Min nung narinig namin si Kristine.

Kaloka talaga tong maid na toh!

“Psh” rinig kong sabi ni DJ.

Dumiretso sila dito sa kitchen dahil sinabi yata ni Kristine na nandito kami.

“Goodmorning ma” Bati ni Daniel. “Good morning tita” Sabay mano kay Min.

“Goodmorning po” Sabi naman ni Kathryn in a sweet voice.

Kaya gusto ko siya for DJ eh.

Alam kong mabait siya. Sweet pa.

“Kamusta tulog niyo?” Tanong ko sabay tapik sa kamay ni Daniel.

Pano, kumuha kaagad ng french fries sa gilid. Bilis ng kamay eh.

Tumawa lang naman siya at hinayaan na si Kathryn ang sumagot ng tanong ko. “Uhmmm maganda na man po tulog ko. Medyo panget lang ng gising”

 

 

Nakita kong tumingin siya ng masama kay DJ.

Si daniel naman, tumawa lang.

I smell something fishy!

^_^

“So, anong say niyo sa beach house? Sobrang liit ba? Panget?”

 

“Ay hindi tita, ang ganda po super” Sabi ni Kath. “Mas maganda sana kung wala yung isa” Bulong niya.

Akala niya siguro di ko narinig yun.

Nagkatinginan kami ni Min.

Mukhang hindi pa nga sila nagkakaayos pero nakakatuwa lang yung itsura nila.

Parang yung dati lang.

Nung una ko silang nakilala na laging nagaasaran.

“Ako, Ma. Ang panget ng tulog ko. Di ako makatulog ng maayos” Sabi sakin ni Daniel.

“Ang baho kasi nung isa diyan” Bulong ni DJ.

Kath glared at him.

Pigil na pigil kami ni Min sa pagtawa.

Pano, mahahalatang narinig namin yun.

“Sige na. Dun muna kayo sa sala. Tawagin na lang namin kayo kapag ayos na”

 

“Ayaw niyo po ng tulong?” Tanong ni Kath.

“Hindi na anak. Patapos na kami” Sabi naman ni Min.

“Okay po”

Tumayo na yung dalawa tapos umakbay si DJ nung medyo malayo na sila samin.

Siniko naman nung isa.

Nung nakaalis na sila, nagtawanan kami ni Min.

“Shemay! Nakita mo yun Karla? HAHAHA putek yung dalawa! Parang kayo lang ni Rommel dati!”

 

“Parang kayo din ng asawa mo dati! HAHAHA”

 

“Asaran ng asaran eh! Ang kulit!”

 

“HAHAHA tama ka min! Diyan nagsisimula lahat eh! HAHA”

 

“The more you hate…the more you LOVE” Nagkasabay pa kami sa pagsabi nung love.

^_^

I can feel it.

Onting panahon lang yan, magkakabalikan na ulit sila.

Sigura di nila nakikita na attracted pa rin sila sa isa’t-isa but sooner or later, they’ll realized it.

Daniel’s POV

“Hey freak----”

 

“Shut up jerk! Kung hindi mo ko kayang matawag sa pangalan ko, well wag mo na kong kausapin!”

 

“Sungit mo naman”

Parang akala mo, may ginawa ako sa kanya.

Ang sungit sungit kaagad.

HAHAHA eh bakit ba?

Type ko nga kasi na tawagin siyang freak!

*Baliw ringtone---Baliw na akoooo sa iyoooo*

 

 

 

“Ano ba naman klaseng ringtone yan freak” Asar ko. Hahaha.

Tinignan niya lang ako ng masama tapos sinagot na niya yung phone niya.

Kath: Dom? Bakit ka napatawag?

Whoever-istorbong-natawag: Wala man lang hi or hello diyan? Ganun agad? Haha.

Napasimangot ako dun.

Abay, naririnig ko kasi usapan nila eh!

Lakas ng boses ni Dom.

(-_-)

Kath: Sorry naman! Hahaha.

Dom: May lakad ka today? Can I ask you out? Sunday naman diba? Lagi naman tayong naalis pag Sunday.

>=/

So for 3 months, sila ang laging magkasama every Sunday? PUTEK!

Hindi lang pala si Enrique yung dahilan kung bakit ayaw na sakin ni Kath.

KAINIS AH!

Kath: Today? Uhmmm…

Napatingin siya sakin as if she’s questioning me.

Di ako nagsalita.

Tinakpan niya yung phone niya sabay tanong sakin. “May lakad ba tayo”

Well, ayokong ma-solo ka ng iba kaya kahit half-day lang dapat kitang kukulitin, lulubusin ko na until midnight.

“Yup. Madami”

She frowned.

Parang nainis?

Kath: Sorry. May lakad kasi kami nila Mama.

Psh.

Mukha ba kong nanay niya?

Dom: Nyeh. Di pwede sumama?

Putek! FC lang?

Nagfi-feeling kapamilya?

Kath: Hindi eh. Uuwi rin kasi si Mama next week sa Pinas para sa company namin doon kaya medyo gusto kong magka-bonding time with her. Gets?

Dom: Gets naman! Haha. Eh bukas? After school?

Kath: Sure

>=/

MAKA-SURE NAMAN ITO! ABA!

MAY FIANCE NA SIYA, WAG NA SIYA MAKIPAGDATE SA IBA!!!

Di na lang ako nag-react.

Baka isipin niya na nagseselos ako.

Well, oo! Nagseselos talaga ako!

Dom: It’s a date. Hehe. Okay, ingat kayo. Take Care.

Kath: You too. Bye

Dom: Bye. Mhuah.

Dapat may mhuah?

Bakla lang?

“Wala naman tayong lakad bukas diba?” Tanong niya sakin.

Nakakaloko itong babaeng ito.

Nag-sure na dun sa isa bago magtanong sakin.

Di na ko nagsalita.

Kabadtrip eh!

Psh!

May choice ba ko kung gusto niyang kasama yung isa bukas?

Pumikit na lang ako para mawala galit ko.

“DJ…si Sofia na meet ko nung isang araw”

 

I looked at her immediately. “That fucking----”

 

“Stop! Relax! Look, nag-sorry na siya. Tanggap na niya yung kasalanang ginawa niya. And to my surprise, sila na ni Khalil”

O_O

Ano daw?

“What? Yung dating nerd na bestfriend mo? HAHAHAHA bagay sila!”

 

“Nagulat nga rin ako eh but I’m happy for them. Atleast nagmamahalan sila diba?”

Tayo? Nagmamahalan din naman tayo ah....noon…

Ngayon kasi, iba na mahal mo.

May Enrique na.

May Dominic pa.

Psh.

Kaso kahit anong gawin nila, akin na si Kathryn eh.

Pero…yung puso kaya ni Kath?

Nasa iba na?

Kathryn’s POV

After naming mag-breakfast, dumiretso kami sa isang building.

Dito yata kasi yung photoshoot ni Daniel.

Grabe, ang dami na talagang nagbago samin sa loob ng 3 months.

Tignan mo siya,

Talagang endorser na siya at artista na rin yan noh!

Balita ko kasi, nasa commercial na siya.

Tapos ang dami na daw nagaalok sa kanya na mag-artista.

Yung umacting sa movies chu chu pero di ko lang alam kung bakit ayaw niya.

Habang nagpapalit ng damit si Daniel, naka-upo lang naman ako dun sa may gilid.

Hawak ko yung phone niya pati yung car keys niya.

Pinapanuod ko lang silang lahat na mag-ready.

“Okay daniel, punta ka na dun!” Sigaw nung photographer.

Napapangiti lang ako ng napapangiti every time he smiles at the camera.

Pano, ang cute niya tignan.

Tapos may mga maaangas na look pa siya na nakakatulo ng laway.

Hinawakan ko tuloy bigla yung lips ko.

Baka may tumutulo ng laway eh.

Nakakihaya kapag nagkataon.

“Kathryn Bernardo right?” Tanong nung babae na umupo sa gilid ko.

“Yup”

 

“Oh. So ikaw yung ex-girlfriend niyan ni fafa daniel?”

Uy! Pinoy!

Nagtatagalog eh!

“Opo”

 

“Bakit magkasama kayo ngayon? Nagkabalikan na kayo?”

Sana nga ganun ang nangyare pero…parang ganun na rin.

Kasi fiancee niya na ko eh.

Not officially fiancee but ganun na rin yun!

“Ho? Hindi po! Ano…uhmmm…friends kami. Opo! Tama! Friends po kasi kami. Sinasamahan ko lang po siya”

 

“Uy ah! Hindi ako naniniwalang pwede pang maging mag-friends ang dating magkasintahan”

 

“Po? Bakit naman po?”

 

“Eh kasi kahit ilang palit pa yan ng ka-relasyon, may matitira pa ring kaunting feelings yan sa ex niya. Ganun yun noh! Like me! May asawa na ko pero may onting feelings pa rin ako sa ex boyfriend ko”

“Pwede po ba yun?” Tanong ko.

“Yup. Especially kapag true love mo talaga siya at first love mo”

First love.

True love.

SAPUL!

Tama siya.

May feelings pa rin ako kay Daniel.

“Ewan ko lang po pero masaya naman po kami ni DJ na friends lang kami”

 

“Well, sabi mo eh. Pero di ako magtataka kung after ilang months, kayo na ulit or di na kayo friends”

 

“Ate, pa-explain naman po yung sinabi niyo sa dulong part”

She laughed softly pero nag-seryoso rin.

“After ilang months, pwedeng di na kayo ulit friends kasi maaalala niyo lang lahat ng sakit na naramdaman niyo eh. One of you will step out and give up. Isa ang lalayo para makalimot kayong dalawa”

 

 

Ahhh….

Parang move on?

“And mas may possibility kayong maging mag-girlfriend boyfriend ulit dahil kapag madalas kayong magkasama, syempre mage-evolved ulit yung feelings niyo sa isa’t-isa. Baka ma-inlove kayo ulit”

 

 

Sana nga.

Sana mahalin ako ulit ni Daniel…

“Ay, ang dami niyo naman pong alam ate. Hehehe pero sa tingin ko po talaga, pwede pa rin na until friends lang kami”

 

 

Or enemies? Yep.

I think mas appropriate yung word na enemies kesa sa friends.

“Sabi mo yan eh. Pero maaalala mo rin ako kapag isa sa mga sinabi ko yung nagkatotoo”

 

“Ate, ano nga pala pangalan mo?”

 

 

She smiled. “Gretchen Barretto” She stood up tapos nag-wink sakin.

“Kaano-ano niyo po si Julia Barretto? She’s my bestfriend”

 

“Inaanak ko siya. Hehe”

 

“Oh. Ate Gretchen po ba itatawag ko sa inyo??”

 

 

“Tita na lang. Anyway, magkikita pa rin naman pala tayo palagi especially kapag kasama mo palagi si Julia. Aalis na ko iha ha. May gagawin pa ko. Goodluck na lang sa lovelife mo, hehehe. Ingat ka”

 

 

“Sige po tita. Thank you po”

I smiled at her and waved her goodbye.

Pinanuod ko lang siyang lumabas ng pintuan.

Tapos tinignan ko ulit si DJ.

He still looked hot….cute…handsome….

And a little bored.

Magtu-two hours na kasi kami dito.

Papalit-palit lang siya ng damit tapos pose ng pose.

Kahit ako, nabobored din ako paminsan-minsan eh.

Nung tumingin siya sakin, tinignan ko siya ng masama.

That looks says bilisan-mo-kaya-uy!-bored-na-rin-ako.

Nag-roll lang naman yung eyes niya tapos pinagpalit na siya ulit ng damit.

Ano naman kayang gagawin ko dito?

Okay sana kung kausap ko yung si Tita Gretchen eh!

Atleast may natututunan pa ko!

Meron nga ba?

Hay! Kung ano-ano tuloy naiisip ko!

Ano ba kasing pwedeng pampatanggal ng boredom?

Tinignan ko lahat ng nandito sa loob ng room.

Eh kung paglaruan ko kaya yung isang camera dun at mag-pretend na photographer?

Tss. Di pwede, baka mapagalitan pa ko.

Yung drinks kaya dun?

Itapon ko kaya lahat para masaya. ^_^

Kaso madaming magagalit sakin at kay DJ.

Baka makasuhan pa kami.

Kalabitin ko kaya isa’t-isa tapos mag-pretend akong hindi ako yun?

Pero para naman akong bata nun.

ARGH! NAKAKABORINGGGGG!

>=/

Tinignan ko yung cellphone ni DJ.

Tapos napangiti ako nung walang password.

Hehehe.

Di naman siguro masamang mangielam diba?

Di naman ako manghahalungkat ng inbox niya…

Di nga ba?

Heh! Bahala na!

Bored ako eh!

Para akong sinapian ng isang katutak na bored na kaluluwa.

Tinignan ko isa-isa yung mga messages.

Mostly sa barkada tapos merong mga hindi naka-save ang contacts.

From: 0916********

Hey Baby! Ligawan mo na kasi ako please! Wala na kayo ni Kath!

 

 

From: 0917*******

Meet me at the park, 4 pm tomorrow. I’ll wait there.

 

 

>=/

Landi nito ah!

4 pm? PSH!

UWIAN NAMIN YUN AH!

Teka, magaaral kaya si DJ dito?

From: 0935*******

Psh. I don’t understand it! Dati, kung sino sino pinapatulan mo! Simula nung nakilala mo si Kath, nagbago ka! Hiwalay na kayo pero ganyan ka pa rin! NAMAN OH! I MISS YOU SO MUCH NA

 

 

I stopped at that.

Nagbago siya?

Eh bakit parang hindi naman ah!

Bumalik kaya yung dating Daniel.

Yung masungit na palaasar na nangba-black mail!

Yung lalakeng kinamumuhian ko dati!

As in parang dejavu lang.

@_@

Di ko na lang pinakielamanan yung phone niya.

Baka magalit pa eh.

Kanina pa yan nananahimik simula nung nandun pa kami sa bahay nila Tita Karla.

Biro mo, biglang nabadtrip!

Samantalang nagtanong lang naman ako kung may lakad ba kami bukas.

Hays! Ang gulo gulo niya talaga!

“Hoy freak, tara na” Yaya niya bigla.

“Tapos na kayo?”

 

“Ay hindi. Magstart pa lang kami”

(-_-)

Pinilosopo pa ko.

“Heh! Manahimik ka diyan jerk!”

 

“Tsss. Tara na sabi. Tumayo ka na kasi diyan”

Ay! Nakaupo pa pala ako!

Sabi ko nga eh, tatayo na.

*After a few minutes*

 

 

Nandito kami ngayon sa may shop.

PAMBABAENG SHOP AH!

Kaunti na lang, iisipin ko ng bakla tong si DJ eh.

Kasi tingin siya ng tingin ng sapatos…ng damit…

Tapos kapag natignan niya na, ihahagis niya dun sa mga babaeng salo ng salo ng damit.

Nakakatawa nga eh.

“Daniel, kelan pa?” Tanong ko, pigil na pigil ako sa pagtawa.

“Anong kelan pa?”

 

 

“Kelan ka pa…bumigay? HAHAHA Putek! Bakla ka pala kaya galit na galit kang kasama ako! Nandidiri ka na pala! HAHAHA Sana sinabi mo kaagad! HAHAHA”

“Tss you really are a freak. Me? Gay? Psh”

 

“I-prove mo nga na hindi ka gay!” I challenged him.

Bigla siyang tumitig ng seryoso sakin sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.

Then he slowly leaned.

“You want me to prove you I’m not gay? You really sure of that” He licked his lips then stared at mine.

Dug. Dug. DUUUUGGGG------Patay na. Patay na puso ko.

Sobrang di na ko makagalaw sa sobrang kaba.

Is he really going to kiss me?

HERE?

Tinulak ko nga siya bigla. Para kasing bumalik na yung utak ko sa ulo ko.

“Psh. Manyak ka talaga! Oo na! Di ka na bakla! Eh bakit ka ba kasi nagsha-shopping ng mga pambabae na gamit. Bakla lang gumagawa niyan eh”

 

“Shunga. Binibilhan kita ng damit”

O_O

“ANO?”

 

 

Nakita kong parang nagngitian yung mga babae.

Mga kinikilig pa yata.

“What’s wrong with that freak? You should be thankful. I’m doing you a favor----”

 

 

“No. Just stop. Ayoko ng utang na loob, besides…I don’t need those. I’m a model! May mga sponsor ako! Halos every week, may new clothes, shoes and bags ako! I don’t need those! Just stop. Hindi ko rin tatanggapin yan at hindi ko susuotin ever! Ayoko nga sabing gumagastos ka sakin diba----”

 

 

“Ano ba kath! Ang ingay! Ang dami mo namang sinabi eh! Wala naman akong babayaran dahil samin din ito. Kay mama ito”

 

“Okay sige. Wala ka ngang babayaran pero ayoko nga sabi niyan!”

 

“Ang kulit mo noh? Kailangan mo ng new things! Lagi ka nalang naka-shorts! Naka-sleeveless---”

 

“Hindi kaya! BALOT NA BALOT nga ako ngayon eh!”

 

“Psh. Just accept it”

 

“I won’t”

Inirapan ko nga siya.

Yung mga binigay niya nga noon nung binilhan niya ko sa topshop, bilang na bilang lang yung mga nasuot ko dun. Ngayon? Nakatambak na yata.

Pano, di naman ako maarte eh!

Di ko kailangan niyan!

Repeat nga lang ako ng repeat ng damit dati!

Halatang inis na inis na sakin si DJ pero napahawak na lang siya sa ulo niya.

“Just return that back” Sabi ni Daniel.

“Okay po sir”

WOW! Filipino na naman!

Ang dami palang pinoy dito!

Bakit nung ako nandito, malimit lang mga nakikilala kong pinoy.

Pero sabagay, di naman ako gumagala masyado.

Lumabas na kami ng shop.

Bongga noh?

Nagsayang lang kami ng oras dito.

Di kasi marunong magsabi itong si Daniel eh.

Naglakad kami papunta dun sa katabing shop na restaurant pala.

Pagtingin ko, may nakalagay na Padilla.

“Sa inyo rin ito noh?” Tanong ko.

“Ay hindi. Sa aso ko yan. Padilla kasi last name nun” Asar niya.

KANINA PA TOH AH!

LAKI NG PROBLEMA SA BUHAY!

“Hoy Hampaslupang nilalang, ang ayos ng tanong ko sayo pero kanina ka pa nangbabara. Ano bang problema mo?”

 

 

Tinignan niya lang ako tapos umupo na siya sa upuan niya.

“Nice talking ha!”

 

“Ang ingay ingay mo! Tignan mo Freak! Tinitignan na tayo ng mga tao”

O_O

Ngayon ko lang napansin na tama siya.

May mga nakatingin na samin.

Tsss. Delikado toh ah!

Baka makilala nila ako!

Pati si DJ.

Umupo na lang ako sa harapan niya tapos may lumapit na babae.

“Hi Mam…HELLO SIR! CAN I TAKE YOUR ORDER?” Sabay smile kay DJ.

Nakatalikod pa sakin yung waitress.

Blonde hair with annoying face.

Uhmm hello?

Ako rin costumer niyo!

Tanungin mo rin kaya ako?

Tinignan ni Daniel yung babae from head to toe tapos ngumiti.

PSH! FLIRT din itong isang ito eh!

So ganun na lang?

Isasama niya ko dito para makipaglandian siya sa iba?

He’s really a jerk.

Tinignan ko na lang yung menu.

(-_-)

Di ako makapili….ang daming masarap eh!

“Hoy freak, anong gusto mo?” Tanong sakin ni DJ.

Yung waitress, tumingin sakin ng masama.

Para bang sinasabi niya na bakit-mo-kasama-itong-pogi-na-ito?.

“Wala”

Wala ako sa mood umorder.

Baka lagyan ng lason yung food ko eh.

Syempre naiingit sila na AKO ang kasama ng isang poging nilalang na nasa harapan ko.

“Anong wala? Lunch na! Di ka ba nakain ng lunch?”

 

“Ayoko lang. Di pa ko gutom”

 

“Tsss. Two T-bone steak Ms. then mango shake and watermelon shake. We’ll order desserts later”

 

 

Daniel smiled at her.

DALAWA?

Eh ayoko nga sabing kumain eh!

Kulit naman nito oh!

“Teka lang” Sabi ko.

Bigla akong tumayo tapos naglakad papunta dun sa ladies comfort room.

Pagpasok ko, may dalawang babae.

Nagme-make up.

Ako naman, naghugas lang ng kamay tapos tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

Ugh. I looked like a mess!

Nakakunot pa noo ko!

Tapos ang pale ng lips ko.

Pano, ang lamig ng weather eh.

Naglagay na lang ako ng lipbalm tapos kaunting blush-on.

Then pinusod ko yung buhok ko.

 

“Hey girl, isn’t that Kathryn? Yung model?”

 

“Ha? Oo nga noh!”

@_@

Mga pinoy ulit?

Wow ha! Bongga!

Pero nakilala pa ko ng mga babae dito.

Anebeyeenn.

“Hindi naman pala ganung kagandahan”

 

“Tsaka di rin naman sexy”

 

“Mas may look pa nga tayo sa kanya eh”

 

“Tama! Pero teka, siya ba yung kasama ni Daniel sa labas?”

 

“Yata. Diba nag-break na sila?”

 

“Oo. Baka nagkabalikan”

 

“Baka nilandi kasi niya si DJ”

 

“Tsss. Malandi nga siguro”

>=/

Alam kong sinasadya nilang iparinig sakin yung usapan nila.

Pano, ang lakas lakas ng boses nila.

May hindi man lang tinry na hinaan yung mga boses nila.

“Uhmm Miss, are you talking about me?” Tanong ko.

Syempre kapag bigla akong nag-react, baka pilosopihin nila ako at sabihin na ‘bakit? Ikaw ba yung pinaguusapan namin’.

“Yes. So?”

I smiled.

Putek ka! Magsisisi ka ng di oras!

“Pwede ba, stop talking about my personal life. Get a life! Hindi ko nilandi si Daniel dahil hindi kami nagkabalikan!”

 

 

Biglang tumaas yung kilay nung isang girl na black hair with matching highlights.

“Oh really? Eh bakit mo siya kasama?”

 

“Pakielam mo ba?”

 

“Omg! Ang panget pala talaga ng ugali mo noh? Psh. Kaya ka siguro hiniwalayan ni Daniel kasi ganyan ka!”

Ay oo nga pala! Hindi nila alam yung real story kung bakit kami naghiwalay.

“FYI, ako ang nakipagbreak at hindi siya. Besides, kung panget ugali ko, FINE! Atleast ugali ko lang! Eh kayo? Panget na nga ugali niyo, panget pa MUKHA niyo! Putek!”

“Ikaw ang nakipagbreak? Wow ha! Haba naman ng hair mo kath! At please, don’t pretend like you’re pretty. Your fucking ugly!”

“Bitch please. Kung ako fucking ugly, ano kayo? SUPER DUPER FUCKING UGLY MONSTERS? Haha”

 

 

 

Nagtinginan yung dalawa na halatang inis na inis na!

“You’re gonna regret saying that” Sabi nila sakin.

“Oh yeah? Bite me!”

Tinaasan ko pa sila ng isang kilay.

Oh diba! TARAY!

Bigla na lang akong sinabunutan nung isa, tapos sinampal pa ko nung isa!

Syempre gumanti ako, magpapahuli ba ko sa cat fight?

Sinakal ko yung isa gamit ng scarf niya tapos sinampal ko rin yung isa.

Nasabunutan pa ko pero tinadyakan ko talaga yung girl 1 bago ko sabunutan itong si girl 2.

Ewan! Ang gulo-gulo na namin dito!

Yung sampal ko dun sa isa, may kasamang scratch sa mukha!

Na-scratch din naman nila yung braso ko eh!

“OMG!” Sabi nung isang babae na pumasok ng CR.

Agad din siyang tumakbo palabas!

Yeah right!

Wag ka ng makigulo dito!

Nagsisigawan kami habang nagsasabunutan.

Putek, talo ako dito sa dalawa ah!

“MALANDI KA KATH! I BET KAYA LANG SUMASAMA SAYO SI DANIEL DAHIL KAILANGAN KA NIYA SA KAMA!”

 

 

“MANAHIMIK KA! BAKIT KAYO BA NANGINGIELAM? INGGIT KAYO DAHIL AKO ANG KASAMA NI DJ!?”

“IKAW ANG MANAHIMIK! PAKSHET KA! AMIN SI DANIEL EH!”

“YUN! LUMABAS DIN ANG KATOTOHANAN NA MAY GUSTO KAYO KAY DANIEL!”

“TALAGA! MALANDI!”

“BITAWAN NIYO SABI AKO EH! HINDI AKO MALANDI!------”

Nagulat ako nung may humila sakin.

Parang may nag-wrapped ng arms sa waist ko tapos nilayo ako sa kanila.

Sila din, may dalawang waiter na pumigil sa kanila.

Sa sobrang gigil ko dun sa dalawa, nag-try akong kumawala para masabunutan ulit sila pero sadyang epal itong pumipigil sakin. Ang lakas lakas niya, di ako makawala!

“KATH! ANO BA! TUMIGIL KA NA!”

Napatingin ako sa kanya.

O_O

Daniel.

“Sila nauna eh! Bakit ako ang pinapatigil mo?”

 

“Wala akong pakielam kung sino ang nauna! Tumigil na kayong lahat! Tignan mo nga itsura mo! Bakit ba kasi kayo nagsabunutan!”

“Ewan ko! Bigla na lang siyang nanabunot!”

 

“Tapos sinabihan pa kaming malandi!”

 

 

 

“HOY! MANAHIMIK KAYONG DALAWA! GAWA GAWA PA KAYO NG STORY! KAYO KAYA NAUNA----”

 

“KATH! TAMA NA SABI!”

Natawa pa yung dalawang babae dahil sinigawan ako ni Dj.

Tinignan ko tuloy siya ng masama.

“Ah ganun! Sige! Sila ang kampihan mo! Magsama-sama kayo!”

 

 

Tinanggal ko na yung arms ni Daniel sa waist ko tapos lumabas ako ng CR.

Inayos ko yung buhok ko habang naglalakad ako palabas ng resto.

“Kath, teka lang!” Sigaw ni DJ.

Teka mo your face!

Ewan ko sayo!

Nakakabadtrip ka!

Paglabas ng restaurant, tatawag na sana ako ng taxi pero biglang hinawakan ni Daniel yung wrist ko.

“San ka pupunta Kath?”

 

“Sa lugar kung saan malayo sayo!”

 

“Bakit ba sakin ka nagagalit? Ano bang ginawa ko?”

Wow! Grabe!

Hindi niya pa pala alam ang ginawa niya!

“EWAN!” Sigaw ko tapos tumalikod na ko.

Hindi naman niya binitawan yung wrist ko.

“Kath naman! Nagagalit ka ba dahil pinigilan kita? Nagagalit ka dahil pinapatahimik kita?”

 

 

“NAGAGALIT AKO DAHIL KINAKAMPIHAN MO SILA! AKO YUNG DAPAT MONG KINAKAMPIHAN! AKO YUNG DAPAT MONG PINAPAKINGGAN! AKO YUNG DAPAT MONG-----”

 

 

“Manahimik  ka muna saglit Kath. Alam mo ang ugali ko. Kapag ako narindi, nanghahalik ako”

 

 

*gulp*

 

Oo nga pala…

“Kinakampihan mo kasi sila eh….” Sabi ko na lang.

Bigla siyang natawa kaya napa-frown ako.

“What’s funny?”

 

 

“You! Hahaha hindi ko sila kinakampihan! Hahaha tinitigil ko lang yung away dahil baka malaman ng ibang costumers sa loob ng restaurant. Baka lumabas pa, baka ma-news pa. Sakit sa ulo yun diba?”

 

Natameme ako dun ah!

Tama naman diya eh.

“HAHAHA tsaka para kang bata kung maka-react! Hahaha”

 

(-_-)

Nang-asar pa.

Di na lang ako nagsalita.

Inayos ko na lang yung gusot sa damit ko tapos pinusod ko ulit yung buhok ko.

“Freak, bakit ka nga pala nag-freak out? HAHAHA”

 

 

Ang saya niya yata ah!

Psh.

 

 

“Eh pano, pinaringgan nila akong malandi. Nilalandi daw kita eh”

 

 

Bigla siyang nag-frown tapos babalik bigla sa loob ng restaurant.

“Hep hep hep! Hoy DJ! San ka pupunta?”

 

“Babalikan ko yung mga yun. Lulunurin ko lang sa toiler bowl ng matuto”

 

 

 

Ako na yung natawa this time.

Tignan mo toh, kung kanina sinabihan ako ng isip bata, siya rin naman pala.

“Wag na, baka ma-news ka pa. Tara na nga, kumain na lang tayo. Nagugutom na ko”

 

 

He smiled. “Sa wakas, nagutom ka rin. Feeling ko kasi, di ka na marunong magutom eh. Lagi mong sinasabing hindi ka gutom. HAHAHA”

 

 

I smiled back. Tama siya!

Simula nung nawala siya, nawala na rin yung mood ko sa pagkain.

Lagi akong walang gana kumain.

“Tara na!” Yaya ko.

Bigla niya kong inakbayan tapos naglakad na kami.

I stared at him habang naglalakad.

“Hoy, matutunaw na ko niyan freak” Sabi sakin ni Daniel sabay tumitig din sakin ng nakangiti.

“Bakit mo ko inaakbayan?”

I just want to hear na gusto niya kasi.

Na na-miss niya.

Kapag ginawa niya yun, magkakaroon na ko ng lakas ng loob na sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman ko.

Kasi ngayon?

Natatakot ako.

Natatakot akong mapahiya.

Natatakot ako na baka di niya na ko pansinin.

Na baka…layuan niya na ko.

“Huh? Ah eh…trip ko lang. Nangangalay kasi ako eh”

Biglang nawala yung ngiti sa mukha ko tapos iniwas ko na yung tingin ko sa kanya.

Sabi na nga ba eh.

I already knew na hindi niya na talaga ako gusto.

Na nawala na talaga yung feelings niya sakin.

Sabagay, nung nag-break up naman kami…ako yung humiling nun sa kanya eh.

Tinupad niya lang yung usapan.

Pero okay na siguro na ganito. 

Basta kasama ko siya, okay na.

Okay na okay na ko…

“Tsss. Hindi ako patungan ng mga braso okay?” Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sabay tingin ng masama sa kanya.

Mas gusto ko toh. Mas gusto ko yung dating kami.

Malay mo, maalala niya lahat. Mahalin niya ulit ako…

---------------------------------------------------------------------------------------

Ang magsabi ng BITIN, corny! HAHAHA. JOKE lang! Pero grabe, masakit pa kamay ko nito ah!

#3daystogo ♥

Awww! Kelan kaya nila malalaman na ang shunga shunga nilang dalawa?

Si author kasi, pinaglalaruan yung dalawa eh! HAHAHA.

Ano favorite scene niyo? Ako yung sa CR sa beach house.

Yung…asaran nila dun nung nakalimutan ni kath yung towel. HAHAHA.

Continue Reading

You'll Also Like

324 133 72
Olivia Dela Torre purchased a charming pocket notebook and filled its pages with heartfelt pictures and cherished memories. She carefully documented...
Opposites By aishi.

General Fiction

7K 112 53
We're opposites, but that won't stop us from falling. Date Started: June 24, 2019 Ginawa ko ito sa notes ng phone ko. Iba kasi talaga kapag tinamaan...
254K 17.2K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.7M 52.3K 17
Lindsey is a very liberal girl. She has this rule wherein her FBs will only last for 6 Months. Why 6 Months? And what are FBs? Read to find out. ;)