Chase and Courage (Youth Seri...

By _Seulrenity

67.7K 2K 323

YOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope... More

Chase and Courage
Simula
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Wakas
M.G.A

25

820 29 0
By _Seulrenity

#CAC25

"When the demand increases and the supply remains the same, then it leads to a higher equilibrium price and higher quantity."

Andito kami ngayon sa classroom at nagsasaulo ng laws of supply and demand.

It's our subject in Economics and we have a recit today.

"Hay nakakahilo naman ito," saad ni Margo

"Ano ka ba, madali lang 'yan," wika ni Mae na kaklase namin

"Madali siya pero nakakalito," sagot ni Margo

Ang atensiyon ko ngayon ay nasa libro na hawak ko. Kanina pa ako nagbabasa dito at inaaral ang laws ng supply and demand.

Since, our prof is still not around. I'm eating snickers bar while studying. Nagugutom na kasi ako at pagkatapos pa ng subject na ito ang lunch break namin.

"Nag-aral ka Talliah?"

Inangat ko ang tingin kay Margo. "Ako? Oo."

Bumuntong hininga siya at binalik ang atensiyon sa libro. "Ako din eh, pero bakit parang walang pumapasok sa isip ko? Hindi naabsorb ng utak ko itong binabasa ko."

Tumingin siya ulit sa'kin. "Nagegets mo ba?"

I licked my lips and slowly nodded. "Medyo."

I saw her glanced at the chocolate on my hand. "Tamang kain ka lang diyan ah."

Binaba ko naman ang snickers bar na hawak at tumingin sa paligid. Nakita kong nag-aaral ang ilan sa'min pero ang iba ay nagdadaldalan lang.

"Huwag kang mag-aalala, may sariling mundo sila," aniya

I chuckled softly. "Mag-aral ka na nga diyan. Huwag mo kong guluhin."

"Wow eh kanina ka pa nga diyan sa page na 'yan," sabi niya sabay turo sa libro ko

Inalis ko ang kamay niya sa libro ko. "Stop it, I can't focus anymore."

She scoffed. "Pakagat nga ako, baka sakaling tumalino ako."

Nagulat nalang ako noong kinuha niya sa'kin ang snickers at kinagatan.

"Hey, akin 'yan eh!"

She looked at me while chewing. Binalik niya iyon sa'kin at agad akong umiling.

"Sige na, sa'yo na iyan." I replied

She smiled sweetly. "Thanks! Gutom nadin kasi ako. Tagal ni mag lunch tapos ang tagal din dumating ni sir."

I checked my watch and it's almost time for lunch. "Baka absent."

"Sana nga," she said and took a bite of the chocolate.

Tumalikod na siya sa'kin at hinarap si Mae.

"Mae, paturo naman oh."

Nakita kong naghihighlight si Mae sa kanyang libro.

"Saan ka ba nalilito?" she asked

"Dito sa graph. Hindi ko alam kung increasing ba ito o decreasing. Tsaka ang daming factors, may price, quantity of goods, supply tsaka demand."

"Kaya nga may iba't ibang kulay nung arrows sa graph eh," saad ni Mae

"Ayun na nga eh, nakakalito."

Hindi ako makafocus sa binabasa ko dahil sa usapan nila ni Mae. I took my highlighters out in my pencil case and started highlighting important details.

Ilang sandali ay biglang pumasok ang isa naming kaklase.

"Guys, absent si Sir!" he abruptly said

Nagcelebrate ang ilan sa mga kaklase ko. They cheered and I heard them sigh in relief.

"Buti nalang, di pa naman ako nag-aral."

"Bagsak ka na talaga sa subject ni sir pre."

"Ha? May recit pala ngayon?"

Ilan lang 'yan sa mga narinig ko nilang usapan. Tumingin ako sa katabi ko na si Margo na ngayon ay nagliligpit na ng gamit.

"Pero guys, may iniwan siyang activity. Kailangan ipasa na bukas."

I heard them groaned and sighed.

"Biglang bawi, hay."

"Tomguts na ako eh."

"Pakopya nalang pre."

I looked at the front and saw our classmate writing the activity on the board.

"Huy, may gagawin pa tayo," sabi ko sabay kalabit kay Margo

"Assignment ko nalang 'yan tutal ilang minuto nalang lunch na eh," sagot niya

I sighed and took out my notebook instead. I opened it and start to copy the activity on the board.

After thirty minutes, narinig namin ang bell hudyat na tapos na ang klase.

"Hay salamat makakakain nadin," si Margo sabay inat.

Tinignan ko ang notebook ko at napansin kong wala din pala akong naisulat na sagot.

I couldn't concentrate because every minute, my stomach keeps growling. My mind was already empty, in dire need of food.

"Tara na Talliah."

Hindi ko napansin na nasa pintuan na pala si Margo. Tumayo na ako at iniwan na muna ang gamit ko na nakakalat.

****

"Isa pong order ng sisig," sabi ko sabay abot ng bayad

"Ako din po, isang order ng sisig with egg," saad ni Margo

Kasalukuyan kaming naghihintay ngayon sa order namin. Paborito ko lagi kainan ang mga ulam ni Aling Criselda, maslalo na ang specialty niya na sisig.

Marami ding food stalls dito sa campus namin. Madalas ay mga on the go meals tulad ng sandwiches, pansit, shawarma, waffle, hotdog on stick, empanada at iba pa. May stall din kami para sa mahilig sa milktea.

"Sa lahat ng gusto kong kainan, kay Aling Criselda ang binabalikan ko," wika ni Margo

I nodded in agreement. "Ako din, mas gusto ko yung lutong bahay eh."

"Same tsaka affordable pa, sulit na sulit."

"Masarap din kasi mag luto si Aling Criselda, tsaka kahit noong highschool pa ako paguwian, tumatambay kami ng kaibigan ko sa karenderya, doon kami kumakain."

Tumingin siya bigla sa'kin. "Ako din! Ang dami nating similarities, nakakainis."

I chuckled. "I guess we're destined to meet."

She looks disgusted which made me laugh. "Ang cheesy."

"Eto na mga order niyo hija," tawag sa'min.

Agad kaming tumingin sa food stall. Kinuha ko muna ang akin at ganun din si Margo.

Nakalagay sa tray ang pagkain namin at natatakam na agad ako sa amoy ng giniling at ng garlic fried rice. Naramdaman ko ulit na kumulo ang sikmura ko.

"Salamat po!" saad namin

"Salamat din dahil lagi kayo bumibili sa'min," sambit ni Aling Criselda

Nagkatinginan kami ni Margo at ngumiti. "Hindi po kami talaga magsasawa sa luto niyo."

"Baka sa susunod may pa extra rice po kayo," wika ni Margo

Bahagyang nanlaki ang mata ko at siniko siya. Marahan siyang tumawa at nagpigil ng tawa.

"Biro lang po!" sambit niya sabay nag-peace sign.

"Ay sige, hija. Para sa'yo dadagdagan ko na ng extra rice sa susunod na bumili kayo dito."

Umawang ang labi ko at muli kaming nagkatinginan ni Margo.

"Joke lang po-"

"Ay naku! Ayos lang," ngiti-ngiting sambit ni Aling Criselda

Tipid akong ngumiti at tumango. "Sige po, kayo po bahala."

"Salamat po!" wika ni Margo

Nagpaalam na kami ni Margo sa kanya at tumalikod. Puno ang cafeteria at mukhang wala na kaming mauupuan.

"May nakita kang bakante?"

Palinga linga ako sa paligid at nagulat ako ng mahagip ng mata ko ang mga lalaki na nambully kay Cole noong isang araw, dahil doon ay humigpit ang hawak ko sa tray.

"Talliah?"

Mas nagulat ko noong makita ang pamilyar na mukha. Naningkit ang mata ko at nakitang si Stella iyon, nakaakbay ang kanyang boyfriend na si Ivan at...kasama nila iyong mga lalaki.

Bumalik ang diwa ko noong mahina akong binunggo ni Margo sa siko. Agad ko siyang tinignan.

"Huy! Ayos ka lang? Sino yung tinitignan mo?" she said

My lips parted. "Yeah, I'm fine. It's nothing."

Binalik ko ulit ang tingin sa kanila. Hindi kalayuan ang lamesa nila pero sigurado ako na sila iyon. Madami sila sa lamesa at nagtatawanan.

Nakita kong nakipagapir si Ivan sa mga lalaking iyon. Tumabi siya sa isa sa kanila at nagkwentuhan.

So they're his friends.

They're all, I think third year and fourth year students on one table.

Umiwas ako ng tingin at hinarap si Margo. "Uhm. Margo, pwede bang mauna ka na? May kailangan lang akong gawin."

"Ha? Ano naman yun? Di ba gutom ka na?" sabi niya na may halong pangdududa

I chuckled nervously. "Saglit lang ako, okay?"

Inangat niya ang kanyang kilay. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Bago pa siya magsalita ay maingat ko ng nilagay ang plato ko sa tray niya.

"Wha- hey!" she protested

"I'll be quick," I said and turned around

I put back the tray on the top counter of the foodstall. Nagsimula akong maglakad palapit sa kanila.

Just when I was about a few meters away from them, I stopped.

What am I doing?

Plano ko sanang kausapin si Stella tungkol sa kaibigan ng boyfriend niya tutal ay magkakakilala naman sila lahat at close pa.

But then, how am I suppose to do that?

Hindi ko siya pwedeng basta basta lapitan dahil una ay hindi ko naman siya close. Magkakilala lang kami.

Yes, she seems friendly and all. I even bought her fragrance but not to point that I'd casually talk to her. Isa pa ay mas matanda siya sa'kin.

Pero sabi naman niya kung may kailangan ako, pwede ko siyang lapitan.

I don't think I have the guts to approach my seniors. I barely interact with them.

Wala akong lakas ng loob at nahihiya din ako pero kailangan ko 'tong gawin para sa kaibigan ko at para wala na silang madamay na ibang estudyante.

I'm not just gonna wait for them to do something like that again especially when it's completely wrong and unaacceptable. Hindi ako basta basta mananahimik lang.

"Excuse me."

I was startled when I heard voices from behind me. Lumingon ako at nakita ang ilang estudyante na may hawak na tray at mga pagkain.

"Ay sorry, sorry," nahihiya kong sabi

Hindi ko napansin na nakaharang pala ako sa daan at sa lamesa nila. I moved away and continued to apologize.

Nakita kong umupo na sila sa lamesa at nagsimulang kumain. Binalik ko ang tingin sa harap at nagulat ako noong magtama ang tingin namin ng isa sa mga lalaki na nambully kay Cole.

Agad akong tumalikod at kinagat ang pangibabang labi.

"You can do it Talliah. Kakausapin mo lang naman si Stella diba? I mean she's completely harmless so what could possibly go wrong? I'm sure some of her friends are nice as well."

I took a deep breath and sighed.

I'm doing this for Cole because I don't want to see him get bullied again. It pains me to him in that situation especially when he told me his story.

He had a painful past and I'm sure he's still affected by it even if he told me otherwise.

He has a pure soul and he didn't deserve to be treated like that.

Humarap na ako at nakita kong hindi na siya nakatingin sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag at unti-unting humakbang palapit sa lamesa nila.

I can already hear their conversations from a distance. Napaatras ako noong malakas silang nagtawanan.

"Hey," panimula ko

Mukhang hindi nila ako napansin dahil panay padin ang kwentuhan nila.

"Excuse me!" I exclaimed

Huminto sila at agad na tumingin sa'kin.

Napalakas ba yung boses ko?

Their stares are quite uncomfortable so I immediately glanced to Margo.

Her eyes widened and a small smile rose from her lips. "Uy, Talliah!" she greeted

I smiled awkwardly. "Uhm hi, Stella."

Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Talliah right?"

I nodded. "Yes."

I swallowed hard when they were all looking at me. I saw the guy from the other day and he now has a band aid placed on the bridge of his nose. The other guys, on the other hand seems surprised by my sudden approach. Umiwas sila ng tingin at tinuon ang atensyon sa pagkain na nasa harap nila.

Meanwhile, the other girls were throwing glances at me, some didn't seem to care at all and continued to eat their food.

"Do you know her Stella?" one of the girl asked

Lumingon si Stella sa kanya. "Yup! Guys, she's Talliah by the way."

"Hi!" bati sa'kin ng isang babae na chinita at nakabraid ang buhok

"Hello." bati sa'kin ng katabi niya na mukhang may lahi

Some greeted me while the others, remained silent. Nagdaldalan nalang ulit sila at hindi pinansin ang presensiya ko.

"Is there anything I could do for you?"

Napakurap kurap ako at agad na tumingin sa kanya. "Ha? Ano, gusto sana kitang makausap kung pwede."

Umiwas ako ng tingin. "Hindi naman kailangan ngayon na pero..."

Unti-unti kong inangat ang tingin sa kanya at nakita kong hinanap niya ang mata ko.

"Oh! Sure, why not? I told you already. You can approach me anytime," she said and smiled sweetly

Tipid akong ngumiti. "Okay lang ba?"

Hinawakan niya bigla ang braso ko. "Of course!"

"But in private...sana," I muttered

She seems taken a back for a second. Her lips parted and eventually nodded.

"Okay, paalam lang ako sa kanila saglit."

I nodded and bit my lip. Humarap siya ulit sa mga kaibigan na ngayon ay masaya ulit na nagkwekwentuhan.

"Guys! I'll excuse myself for a minute. Kausapin lang ako ni Talliah," she said

Tumango ang boys habang ang girls ay nginitian siya. "Sure."

"Hoy Jasper, huwag mong subukan kumuha ulit sa plato ko. Bilang ko yung sausage ko diyan," pagbabanta niya

Tumingin ako kay Jasper na siyang medyo chubby at nakasalamin.

"Joke lang Stella. May baon ako noh!" he fired back

"Napatakaw mo talaga kahit kailan Jasper, magdiet ka na nga," sambit ng boyfriend ni Stella na si Ivan.

Inirapan siya ni Stella at muling humarap sa'kin.

She chuckled nervously. "Pasensiya ka na sa kanila medyo may saltik pero mababait naman sila."

I smiled awkwardly and nodded.

Ilang sandali ay nagsimula na kaming maglakad paalis ng cafeteria. Hindi ko na naalala si Margo dahil tanging nasa isip ko ay kauspin si Stella.

Lumiko kami at natagpuan ang sarili sa hallway ng campus. Wala masyadong tao at ang ilan ay dumadaan lang.

Sumandal si Stella sa pader at humalukipkip. "Ano yung sasabihin mo?"

I licked my lips and took a deep breath. "Ano kasi..."

Hindi ko alam kung saan sisimulan at kung paano ko sasabihin ng hindi siya maooffend at pati nadin ang mga kaibigan niya.

Hindi ko naman inaasahan na magkakakilala at kaibigan niya sila.

She's one of the popular, I suppose. The time of person who has a big circle of friends and popular in school. Kaibigan niya ang kapwa sikat din.

Inangat ko ang tingin sa kanya at nakita kong nagaabang siya sa sasabihin ko.

I sighed. "Y-your friends, I mean some of them."

"What about them?" she asked

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"The boys, specifically."

Her eyes widened. "Wait, don't tell me they-" she gasped. "Did one of them hit on you? o baka dumadamoves sa'yo? O kaya-

I promptly shook my head. "Hindi, mali yung iniisip mo."

She sighed in relief. "Oh God, akala ko pinagtripan ka nila."

I then realized something out of nowhere. She seems like she's aware of their reputation. Alam niya na maaring pagtripan ako ng kaibigan niya.

"I'm sorry to ask but are they, I mean- I don't know how should I say this but-"

"Oh no, no, no. It's not like that. Yes some of them may be a bit of a playboyish, is that even a word?" she chuckled.

"I mean they are nice...but they are known to break a girl's heart. In short, wag kang magpapaloko sa kanila dahil hindi ka nila seseryosohin," she said and went closer to my ear

"Especially freshman like you," she whispered

Umawang ang labi ko at unti-unti naman siyang lumayo sa'kin.

I let out a nervous laugh. "Hindi, wala naman silang ginawa sa'kin sa mga binanggit mo."

In fact, one of them told me I was a bitch which is the worse thing you can ever say to a girl. Very disrespectul and mannerless. It was just plain rude.

She sighed in relief. "Oh good! You're a smart girl huh? Huwag kang gumaya sa iba na purket nginitian lang, binigyan na ng meaning o kaya nagwave lang sa chat, reply ka agad. In short, 'wag kang marupok."

Wow, coming from someone who has a boyfriend. I mean who am I to judge? Malay mo naloko din siya dati bago niya makilala si Ivan. Maybe their relationship is different from their past.

I smiled. "Thanks but I'm not yet ready for a relationship. It's the least of my concerns," I said

"Grabe, naalala ko tuloy nung freshman din ako kagaya mo. Magkaibang magkaiba tayo eh. Nahiya tuloy ako bigla, wag mo ko tularan," she looked away, embarrassed.

Tumingin siya ulit sa'kin at pinigilan ang tawa. "Hindi kasi nung freshman ako, landi here landi there, landi everywhere ayan sige, luhaan sa huli," she paused reminiscing the past.

"But yeah, learned my lesson and later on, found the right man. Sana nga siya na," she sighed

Nanatili lang ako nakatingin sa kanya, hindi alam ang sasabihin. I gulped and smiled awkwardly.

"Ay ano ba 'yan, ang layo na natin sa topic, biglang napunta sa'kin at yung lovelife ko. Sorry talaga ang daldal ko kasi talagang tao, hindi mapirmi itong bibig ko."

"Hindi, ayos lang. Hindi naman ako nabored," I replied

"So you were saying a while ago?" she asked

"Oh yeah right uhm...about them and I'm not trying to offend you or them it's just that," I gulped

I licked my lips. "Nahuli ko kasi na ilan sa kanila na...binully yung kaibigan ko."

"Bully? Kailan?" tanong niya

I nodded. "Nung isang araw. Pagpasok ko nakita ko sila sa may lockers, pinalibutan nila yung kaibigan ko. Nakita kong siyang tinulak tapos kinuha pa yung salamin niya. I kinda frogot what he told him but they were harsh words. Baka may nagawa pa silang mas malala kung hindi ko sila naabutan o kaya napigilan," I said

I heard her cursed under her breath. "Sino sa kanila? Do you still remember their faces?"

I nodded. "Hindi sila pero naalala ko yung may band aid sa ilong."

"Si Kean yun! Bwisit talaga yung lalaking yun kahit kailan."

"Siya tsaka yung mga kaibigan niya, hindi ko na matandaan yung iba eh," dagdag ko

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Sige ako ng bahala sa kanila. Aaminin kong hindi ko talaga sila close as in, hindi kami magka-vibe kaya naiinis din ako sa ugali nila minsan. Kung hindi lang sila kaibigan ng jowa ko eh! Ang hirap lang din makisama talaga!"

I smiled. "Thank you Stella, sorry kung naabala kita o ano-

"Ay hindi naman. Buti nga pinaalam mo ito sa'kin. Hindi sila dapat tinotolerate, especially freshman pa kayo. Kami yung nakakatanda pero nasisira reputasyon naming matitino dahil sa mga taong kagaya nila," aniya

"Thank you for being understanding," I replied

She smiled and tapped my shoulder. "No worries. If they bothered you again or your friend please don't hesitate to tell me, okay?"

Tipid akong ngumiti at tumango. "Okay."

Masaya ako dahil hindi siya nagdalawang isip na pagsabihan ang mga kaibigan niya. I actually admired her because she didn't defend them even if it's her friends. At first I thought she wouldn't believe me because it's her friends but I was surprised when she even told me what they really are, in a nice way.

Hindi siya paninira para sa'kin dahil alam niya na mali yung ginawa ng kaibigan niya at masasabi kong kilalang kilala niya ito. She didn't take sides, instead she knew that something like that would happen or maybe she's just used to it.

Ang hirap kasi ngayon kapag sa mga magkakaibigan, ang lakas nila makapuna sa mali ng ibang tao pero kapag sa sarili nilang tropa ay okay lang dahil kaibigan naman, kahit na sila mismo yung may mali. Mas iniintindi pa nila at kinakampihan. Dapat maging patas din tayo sa ibang tao.

Hindi dapat natin tinotolerate ang ganung klaseng ugali kahit na kaibigan pa natin at maslalong hindi dapat tinotolerate ang ganung mindset dahil kung ganun ay hindi mo alam na napapalibutan ka na pala ng toxic na kaibigan.

You may think it's right but it's completely wrong. It will greatly affect you and the people around you. It's not healthy and as a result, more people would dislike you.

Yes, they are your friends but it's not a bad thing if you correct them. That doesn't mean you hate them. It's called educating them.

Minsan kasi natatakot tayo dahil baka masira ang samahan na nabuo o kaya natatakot tayo mawalan ng kaibigan pero kung itotolerate mo ang ganung ugali eh wala ka ding pinagkaiba sa kanila.

A true friend knows and admits their own faults and is willing to change their bad behaviors and I hope we're not afraid to get rid of toxic people or friends in our life if you know it's not healthy anymore.

Instead, surround yourself with people who will let you grow and are healthy.

It's rare to find friends like that but if you do, then you're lucky because they are for keeps.

Pagkabalik ko sa cafeteria ay agad kong hinanap si Margo. Napansin kong umonti ang mga estudyante at nagsisibalikan na sa classroom. Ilang sandali ay nahagip ng mata ko si Margo sa dulong bahagi ng cafeteria. Kasama niya ang ilan naming kaklase. Nagsimula na akong maglakad papalapit sa kanya.

"Hey, sorry if I took long," I said as I sat down on the vacant seat right next to her.

Nakita kong nakatakip ng plastic ang pagkain ko.

"Inabot ka ng kalahating oras. San ka ba kasi galing?" she asked

I bit my lip and sighed. "Basta, maya ko nalang kwento. Kain na muna ako."

She just rolled her eyes at me. "Bumili din ako ng buko juice, haba ng pila sa milktea kanina eh. Hope you don't mind."

My eyes widened and took the plastic bottle. "Thank you Margo! Nagsawa nadin ako sa milktea kasi buong linggo, ayun lang iniinom natin."

She chuckled. "Kaya nga, hindi na healthy. Parang mas marami pang milktea sa katawan ko kaysa sa tubig."

I opened the cap and drank the buko juice. Tinanggal ko ang plastic sa plato ko at nagsimulang kumain.

"Salamat sa pagbantay," sabi ko sabay subo ng ulam at kanin

"Alam mo ba Talliah, muntikan pa niyang kainin yung pagkain mo, sakto bigla kang dumating," sabi ni Hannah na nasa tapat ko

Tumingin ako kay Margo at nakita ko siyang matalim ang titig kay Hannah. She looked at me and chuckled nervously.

"Ayos lang," sabi ko

"Hindi naman kasi talaga eh," si Margo at ngumuso. "Kainis ka talaga Hannah!"

Marahang tumawa si Hannah at niligpit na ang pinagkainan. Tumayo na siya at nagpaalam sa'min. "Sige guys, una na ako. Bilisan niyo nadin diyan, malapit na magtime."

Tumango ako at binilisan ang pag kain.

"Una ka na Margo, huwag mo na ko hintayin at patapos nadin naman ako dito," sabi ko sabay subo ulit.

"Eh, ayoko nga. Ayos lang, mas gusto kita panoorin kumain," aniya

Masama akong tumingin sa kanya at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

"Pinagtitripan mo ko eh!" bulyaw ko sabay punas sa bibig ko. Chineck ko kung may kanin ba ako sa bibig.

"Hindi ah, tsaka ayoko pa bumalik sa room."

Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Uminom ako ng buko juice sabay sumubo ulit ng kanin.

"Dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka diyan."

Punong-puno ng pagkain ang bibig ko at muntikan ko pa iyong mabugo sa harap ni Margo dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

"Kain pa more," she teased

****

Pagkauwi sa bahay ay nadatnan ko sina Mama at Papa na nagmemeryenda sa dining area. Binaba ko ang bag sa sofa at agad silang nilapitan.

"Hi!" bati ko

Napahinto ako nang nakita na kinakain nila ang brownies na gawa ko noong isang araw.

I still haven't tasted it though because I was so damn tired, I just wanted to rest. Inabot nadin ako ng gabi sa paggawa at ayokong kumain ng matamis dahil baka hindi ako makatulog at hindi iyon pwede dahil may pasok kami kinabukasan.

"Talliah, anak. Andito ka na pala," bati sa'kin ni Mama

I smiled and sat on the chair in front of her.

Nagkakape sila habang kinakain ang brownies.

"How was it? Inunahan niyo ko ah," I teased

"It's good! Hindi ko inakala na ganito ang magiging kalabasan."

I frowned. "Ma, naman."

Her brow shot up. "Bakit? Kasi diba last time nasunog mo yung brownies na gawa mo tapos ngayon nagawa mo na ng maayos."

Tumango-tango nalang ako at bumaling kay papa. "Ikaw pa? Ano sa tingin mo?"

He continued to chew and took a sip from his coffee. "Masarap, bagay sa kape."

I smiled. "Glad you liked it."

"Pwede na bang pang negosyo?" I jokingly said

Tumigil sila sa pag kain at nagkatinginan sa isa't isa.

My lips parted and chuckled nervously. "Joke lang, hindi pa po sa ngayon."

"Hindi ko masasabing perfect na yung gawa mo kasi alam kong maiimprove mo pa ang lasa. It's still your first time anyway, still learning but I am surprised of your baking skills," saad ni papa

Tipid akong ngumiti. "I know that and I admit, brownies are a bit challenging for me. Gusto ko din itong maperfect."

Kumuha ako sa plato ng brownies at kinagatan. It was sweet and chewy. Wala akong topings na nailagay tulad ng nuts dahil kinapos ako sa budget kaya plain lang muna yung ginawa ko, though I know the taste would have been better with nuts.

I also wanted to experiment and try different steps on how to bake brownies. I know there's a lot of tutorials on the internet and it will take me a lot of time to suit my taste. And I also have to consider the preference of other people.

"There's always room for improvements Talliah," sabi ni mama

I smiled and nodded. Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa makaubos ako ng isa.

"Balak mo ba pagkagraduate eh magtayo ng business? Magtayo ng sariling shop?" biglang tanong ni papa

I know I've already told them what I want.

I looked at him and nodded. "Opo."

Sumimsim siya ulit sa kape niya bago sumagot. "Pero syempre, kailangan mo din mag-isip ng alternative."

I licked my lips and blinked twice. "Po?"

Umiwas siya ng tingin at tumingin kay Mama.

"Ang sinasabi lang ng papa mo ay pwede ka pang mag-isip na trabaho na related sa course mo, bukod sa pagpapatayo ng business," paliwanag ni mama

Tumingin ako kay papa na siyang nagsalita.

"Parang back up kumabaga. Mahirap magbusiness dahil marami kang kompetensiya at kailangan mong sumugal. Kung sakali lang naman na hindi lumago yung business mo, at least meron ka pang ibang choice."

Hindi ko alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko. Tinikom ko nalang ang bibig ko at tinitigan ang brownies na gawa ko sa harap.

"Eto bibigyan kita ng choices. Pwede kang mag-apply sa kompanya. Ang magiging trabaho mo ay pwedeng sales representative, financial manager, marketing manager, o kapag tumaas pa posisiyon mo maging executive officer ka. Pwede ka ding magtrabaho sa banko, maging accountant."

"Tsaka pansamantala lang naman yun para makapag-ipon ka sa pagpapatayo ng magiging shop mo," dagdag niya

I swallowed hard and shifted my gaze on the floor.

Inangat ko ang tingin sa kanila at tipid na ngumiti. "I understand and I'll think about it."

Tumango sila at sinuklian ako ng ngiti.

"You must widen your options Talliah," wika ni papa

Ķinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin.

They have a point though and I considered it. I mean I already know the jobs offered with my course. Most of them get to work on a company but I don't clearly see myself in that position that my father mentioned.

Hindi ko nakikita ang sarili ko na magtrabaho sa isang kompanya pero gusto ko ding subukan baka sakaling magustuhan ko din.

Maybe I'm just overthinking again. Iniisip ko agad na baka hindi ako tanggapin.

Maybe I was to focused on my original plan, which is start a business and have my own shop, that I ignored all the possible jobs that my course could offer.

Like what my father said. Widen my options.

Come to think of it, I do have a lot of options but I just don't know which one I should take.

Hindi lang naman pagtatayo ng business ang ibig sabihin ng course ko.

Ilang sandali ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa. Agad ko iyong kinuha at nakita ang mensahe ni Cole.

Cole:

I'm finished with your logo! Sample lang ito, wala pang name syempre sabi mo wala ka pang naiisip. Sorry kung natagalan pero sana magustuhan mo, pinaghirapan ko 'to uy!

I suddenly felt butterflies in my stomach when he sent me the picture of the logo.

It was exactly that I have envisioned.

Kinagat ko ang labi ko at agad na pinatay ang phone. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa magulang ko.

"Can I start now?" I abruptly said

Nakita kong nagkatinginan silang dalawa. Binaba ni papa ang tasa niya at tumingin sa'kin.

"What?"

"I want to start my own business now," sabi ko habang nakatitig sa plato ng brownies.

"Like I've said Talliah, hindi ka naman agad agad makakapagtayo ng shop pagkagraduate-

"If that's the case then I'll start now," sabi ko at tumingin sa kanya

I smiled and looked at the both of them.

"Why not start early right? So that I can save up money, pang dagdag kumbaga. Wala namang masama magsimula ng maaga diba? The earlier, the better," I said softly

I swallowed hard and waited for their response. I saw their reaction but I couldn't read it. Hindi ko alam kung sang ayon ba sila o hindi.

I looked at mom and she gave me a small smile. Tumingin siya kay papa at agad kong inilipat ang tingin sa kanya.

He sighed. "Basta sana ay hindi mo mapabayaan ang pag-aaral mo."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 708 24
In the world of Jea's upbringing she unexpectedly did not expect to be trapped. It is in her hope that she will find her real parents. That's more th...
362 28 27
"You don't have to pass judgment on other people's love stories.Just accept them and treat them as who they are." (Watty's 2020 Nominated) 𝓢𝓦𝓞𝓡𝓓...
1.1K 208 28
Everyone has a dream; while some are actively pursuing theirs, Catherine Orihuela is still contemplating her own. When she was a kid, she believed t...
293K 11.2K 33
ROMANCE-ACTION ©cherryypinks •2020 [COMPLETED] Date Started: May 12, 2020 Date Finished: June 28, 2020
Wattpad App - Unlock exclusive features