Lost and Found

By Cristinalicious__05

45.8K 1.2K 30

[Completed] A hunk, handsome, womanizer Draco Scott na nawalan ng mahal sa buhay kaya dinadaan nalang sa pamb... More

Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Epilogue

CHAPTER TEN

1.2K 33 2
By Cristinalicious__05

Serenity's POV

Napatingin ako sa babae na basta nalang pumuluput sa braso ni Draco. Tsk! Nakakainis tignan na may naglalandian sa harap ko.

"Nandito pala kayo Draco, what a coincidence!" Sabi ni Lucas at lumapit sa akin.

"Yahh, nandito nga kayong dalawa.." walang ganang sabi ni Draco at napatingin sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin at humawak sa kamay ni Lucas.

"Maligo na tayo.." mahinang sabi ko, wala na ang pananabik dahil sa nakita ko.

"Maliligo din kami.." masayang sabi ng babae ni Draco.

Maliligo din kami..Ang lamya ng pagkasabi niya doon.

"Sakto! Sabay-sabay na tayong pumunta sa pool." Sabi lang Lucas.

Napatingin ako sa babae na proud na proud sa suot nitong pink bikini. Yuck! Pink! Girlie....

Napatingin ako sa suot ko dahil nakasuot ako ng malaking t-shirt at maong short. May bikini naman akong panloob pero ayokong tanggalin ang suot ko.

Hinawakan ko ang laylayan at binuhol ang isang gilid ng damit. Nakita nun ang part ng bewang ko.

Para magmukhang pormahan naman kahit papaano. Si Lucas at si Draco ay halos parehas lang ng suot na naka-trouser at polo na hindi naman nakabutones kaya nakikita ang dibdib at tiyan nito.

Pareho na may binubuga ang katawan nila pero mas naagaw ng atensyon ko ay ang kay Draco. Nakakainis pero mas naa-attract ako kay Draco.

Napatingin ako kay Draco na masama ang tingin sa suot ko. Ano na naman ang problema niya, baka pakikialaman na naman niya ako. Dati ay yung iniinum kong alak sa bar tapos ang damit ko naman. Baka makakasapak ako rito..

Nauna na kami ni Lucas na pumunta sa pool. Agad na umagaw ng atensyon ko ang mahabang slide na ang babagsakan ay napakalalim na. Halos ang mga sigaw ng tao ang rinig na rinig sa lugar. Talagang masaya ang slides na yun.

Ang nakakainis lang ay ang kaya ko lang lagunyin ay kung ano lang ang height ko. Kapag lumagpad na sa height ko ang taas ng tubig ay hindi ko na kaya.

Nakakainis kasi dahil yun lang ang kaya ko. Mukhang ang babagsakan ay mahigit 8 to 9 feet ang taas. At halos puro lalaki ang nandoon. Ilan ang nakikita kong matapang na babae.

Nakakainggit, gusto ko ring magslide.

"Draco, can you teach me how to swim?.."

"Sure..." sabi lang ni Draco at gumawa na ng sariling mundo. Tinanggal niya ang polo niya at nilagay sa tabi ng pool at sabay na silang sumulong sa pool.

Napatingin ako sa buong paligid at wala akong nakikitang pareho sa suot ko. Halos lahat na nandito sa adult pool ay nakabikini at trouser lang.

Napatingin ako kay Lucas na wala na ding polo.

"Tara na, maligo na tayo.."

"Para kasing....nakakahiyang maligo na ganito ako, ako lang ang nakaganito ohh. Tignan mo sila, nakatingin na sa akin dahil sa suot ko." Sabi ko habang nakayuko.

"Amm gusto mo bang sa private poo nalang tayong maligo..."

"Gusto ko dito kasi may slides..." sabi ko sabay turo sa slides. Walang ganun kasi sa private pool. Simpleng pool lang..

"Amm..ano, anong gusto mong gawin ko" sabi ni Lucas. Napatingin ako sa lahat ng tao at sa dalawang tao na nakakainis na sa mata ko at tawa ng tawa.

Agad kong hinawakan ang laylayan ng damit ko at tinanggal yun. Nakakarinig ako ng sigawan ng mga lalaki sa kabilang dulo ng pool.

"God! Serenity, ok lang sa akin na gayan ang suot mo." Sabi ni Lucas at parang hinaharangan ang mga tao sa akin. Binaba ko na din ang suot kong maong short. Lalong lumakas ang sigawan ng mga lalaki. Kitang-kita ang kaputian ko dahil sa itim na bikini.

Nawala ang naririnig kong tawa ng dalawang yun kaya napatingin ako sa kaniya at masamang nakatingin sa akin si Draco at parang gustong lumapit sa akin pero pinipigipan ng kasama nito.

Humawak ako sa braso ni Lucas.

"Tara na, maligo na tayo..."

"Wala ka palang sinasabi na may magandang katawan kang tinatago. Una palang ay alam ko na, na maganda ang katawan mo." Sabi ni Lucas kaya hinampas ko siya sa braso. Dami pang sinasabi ehhh.

Naging tahimik na ulit ang paligid. Habang naliligo ay napapatingin ako sa slides. Gusto ko doon.

"Lucas, marunong kang lumangoy sa ganuung kalalim?"

"Amm hindi ko alam kung kaya ko, ang tagal na kasi noon ng maligo at lumangoy ako sa ganuung kalalim."

"Gusto ko kasing magslide..."

"Sige, sasalubin kita doon sa dulo.."

"Talaga, gagawin mo yun.."

"Oo naman, kung doon ka masaya.."

"Sige.."

Lumakad kaming dalawa ni Lucas paalis sa pool. Nadaanan pa namin ang dalawa na parang wala lang. Nakatingin lang sa akin si Draco at salita ng salita ang kasama nito. Parang nawala ang interest nito sa kasama. Sama talaga ng lalaking ito.

Nang makarating kami sa slide ay binitawan na ni Lucas ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin na holding hands kaming dalawa na pumunta dito.

"Aabangan kita sa dulo, akyat kana."

Sabi niya kaya tumango ako. Totally ay kinakabahan ako na nananabik dahil first time sa ganito. Kung may masamang nangyari man sa akin ay alam kong nandoon si Lucas sa dulo saluhin ako. Experience is the best teacher, ika nga..

Sobrang taas pala ang slide nito at talagang it takes time sa pag-akyat.

Umupo na aako hindi ko alam kung nagbabantay pa sa dulo si Lucas, pero alam kong nandoon siya gaya ng sabi niya.

Bumitaw na ako sa hawakan ko at dahil may tubig na nilalabas ang slide ay talagang madulas ito.

"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" Sigaw ko sa sobrang bilis nun. Ilang beses pa ang ikot na nangyari. Para akong nasa isang racer track at talagang nakakapanindig balahibo. Masaya pala ang slides dahil sa pakiramdam na nagpapadulas ka pababa. Sa playground talaga noon ay ang mga slides ang gusto ko. Wala pa akong halos kaibigan doon dahil binully ako. Ang kaibigan ko lang ay ang mga slides sa playground.

Nang nakikita ko na, na malapit na akong bumagsak ay umigop na ako ng hangin at nang bumagsak ako sa tubig  ay medyo masakit sa balat ang impact nun at talagang deretso ka sa ilalim.

Dahil sa bilis ng pagdulas ko sa slide ay malalim talaga ang lubog ko.

Napatingin ako sa paligid ay purong blue lang ang nakikita ko at sa ilalim naman ay ang daming kumikinang doon. Mga coins siguro. Balak ko pa sanang kunin dahil sayang pera din yun.

Napatingin ako sa tiyan ko na may humawak doon. Alam kong si Lucas yun pero ang hindi ko inaasahang na si Draco yun.

Napakunot ang noo ko at may mga ilang hangin na lumalabas sa bibig at ilong ko. Umiling-iling siya na parang sinasabi na huwag kong ubusin ang hangin sa loob ko. Pansin kong walang lumalabas na hangin sa kaniya. Talagang tinitipid niya ang hangin. Pero ang akin talaga ay unti-unting nawawalan kaya ang isa yata sa pinakasolusyon ay ang makakuha ng hangin sa kaniya.

Mukhang alam niya din yun kaya agad niyang hinawakan ang leeg ko at hinila niya ako palapit sa kaniya.

Sinasalinan niya ako ng hangin sa bibig. Pero ang isiping hinahalikan niya ako ang pumasok sa isip ko.

Nang makakuha ako ng sapat na hangin ay binitawan niya na ako.

Nangamba agad ako dahil lumayo na siya. Napatingin ako sa taas ng may bumagsak din.

Si Lucas na iyun at hinawakan ako sa kamay at inangat na.

Nang makarating kami sa taas ay agad na kinapos ng hininga si Lucas habang ako naman ay.....ok lang.

Napatingin sa akin si Lucas at hinawakan ang pisnge ko.

"Ayos ka lang, sorry dahil hindi ko napansin na ikaw na pala ang tumalon. Kung hindi ko pa narinig na may nagslide yung magandang nakabikini ng itim ay hindi ko malalamang nasa ilalim ka na ng tubig."

Hinihingal na sabi niya. Napatingin siya sa akin at agad na nagtaka.

"Pero nung naabutan kita ay parang ok ka, nang umahon tayo ay ako lang ang kinapos ng hininga. Magaling ka palang magtipid ng hangin at magtagal sa ilamin ng tubig."

"Ahh...ammm.." Napatingin ako kay Draco na nakangisi sa akin. Alam niyang nakascore na naman ang hayop sa akin pero nagpapasalamat pa din ako dahil nasagip nun ang buhay ko.

"Amm...ang dami kasing coins sa ilalim. Sayang nga eh.." pagpapalusot ko pero totoo din naman dahil sayang yun. Ang daming coins nun. Swerte yung mga naglilinis ng pool dahil ang daming coins sa ilalim.

Nakapaglinis na nga, nagkapera pa, tapos may sweldo pa. Sa mga ganitong resort ay sa tingin ko ay mahal ang sweldo ng mga tao nagtatrabaho dito. Dito na yata ako magtrabaho.

Umahon na kami sa pool at agad naman akong inabutan ng robe ni Lucas na hindi ko alam kung saan niya kinuha iyun.


Napatingin ako kina Draco at sa babae nito na umahon na din.

"Ang lakas mo naman girl doon sa slide. Eto naman si Draco ay akala ko naman na nalunod na kasi lumangoy siya then ang tagal bumalik. Yun pala ay nasa likod ko na.." at tumawa na nga.

"Sa susunod ay marunong ka nang lumangoy sa ganuung kalalim.para hindi ka sinasalinan..." sabi ni Draco at talagang ngumisi pa....

Nakakainis!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

16.1K 591 37
She wants to forget the past and live the life she wants.. But still it hunts her,the mere fact that he left her memories she can't resist. Thinking...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
429K 10.4K 47
Book3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niya...