My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Reklamo

312 31 3
By HEYNEENAMOR

Ken's POV





AFTER work, dumiretso ako sa bahay ni Feliciano. Aminado akong mas magaan ang trabaho ko ngayon sa Ka-vogue compared sa kumpanya ni Dad. Mas nagkakaroon ako ng oras para sa mga hilig at ibang bagay bukod sa trabaho.







Pagkaparada ko ng kotse ay natatanaw ko na agad si Feliciano sa taas ng balcony nito at sinalubungan agad ako ng dirty finger. Napailing at natawa ako... Abogado ba talaga tong kaibigan ko? Tss.














"Anong pinunta mo dito?" bungad na tanong nito.










"Para namang hindi na ako welcome sa bahay mo hah?" inis na sabi ko dito sabay upo sa paborito kong couch dito sa kwarto niya.. Inabot ko ang binigay nitong beer..














"May problema ba?" tanong ni Feliciano kaya natawa ako.









"Kailan ba ako nagkaroon ng problema hah? Anong tanong yan? Nakakagago Dude!"








"Eh ano bang pinunta mo dito? Don't tell me nakabuntis ka?" binato ko agad yung unan sa loko-loko..










"Paano ako makabuntis? Hindi naman ako bumibili ng butas na condom." sagot ko dito.









"Umuwi ka na nga, pinipilosopo mo tong Abogado mong kaibigan.."










"Abogago!"











"Loko-loko.."









Tumayo ako at lumapit sa side table ni Feliciano na punong-puno ng mga makakapal na libro..








"Yung property na pinaayos ko sayo sa Batangas? Kamusta na?" tanong ko dito habang isa-isa kong binabasa ang mga title ng libro nito na nasa mesa.







"Ken, bakit mo ba minamadali yung pagbili sa property na yun sa Batangas hah? Tsaka bakit ba ang hilig mong mag-invest ng mga lupa at ibang property eh wala ka namang balak mag-asawa. Hindi mo naman masasama yung mga lupang iyon sa impyerno pag namatay ka."





"Tarantado! Alam ko namang magkikita din tayo sa impyerno!" natatawang sabi ko dito.








"Sagutin mo ang tanong ko, bakit ka bumibili ng mga lupa hah? Wala ka namang pagmamanahan niyan.. or else , nagbago na ang mga plano mo sa buhay.. May balak ka na bang mag-asawa?"









"First, pumunta ako dito para mag follow up about sa property ko sa Batangas. Second, hindi ako aware na imbestigador na din pala yung Abogago kong kaibigan."









"Siraulo! Abogago ka diyan!! Highest paid lawyer ako ng bansang ito. Galangin mo ako."









"Hindi mababago ang mga plano ko sa buhay. Bumibili ako ng lupa dahil iyon ang mga bagay noon na wala ako, na wala kami. Hindi naman ako pinanganak na nakukuha ko ang gusto ko. Lahat ng meron ako ngayon ay pinaghirapan ko, magkaroon lang ng tiwala at maging proud yung Dad ko at ang pamilya niya sa akin."







"Proud ako sayo Dude. Kahit na hindi normal yung pamilyang meron ka—"







"Hindi ko naman ikinahiya na anak lang ako sa labas ni Dad. Hindi naman ako pinabayaan ni Mama noon. Hindi din sila nagkulang ng pagmamahal sa akin.."






"Mukhang mabigat ang problema mo. Paano ba kita madadamayan diyan?"






"Gago. Easy lang yun. Sisiw. Naging mahirap lang yung time na ipinasok na ako ni Dad sa kumpanya ng pamilya niya. At first, akala ko magiging okay eh. Pinagsumikapan kong makapag-aral at magkaroon ng mataas na grades.. Kasi gusto kong maging magaling. Para maihanda ko yung sarili ko na makapagtrabaho sa company ni Dad. Pero narealize ko, ang hirap. Ang hirap palang makisama sa original niyang pamilya. Sa mga kapatid kong hanggang ngayon ay mababa parin ang tingin sa akin.."



"At Kaya ka lumipat ng Ka-Vogue dahil sa mga kapatid mo?"






"Nagkakagulo na sila sa posisyon ng kumpanya ni Dad. Ayoko ng makisali sa kanila. Hindi ko kailangan ng yaman ni Dad.. Kaya kong magtrabaho at paghirapan ang mga bagay na gusto kong bilhin para sa sarili ko. Sakto nga ng pag-alis ko sa company ni Dad, pinakiusapan ako ni Tito Greg na palitan si Oliver sa posisyon niya sa Ka-Vogue.."









"Oliver—- Yung pinsan mo?"











"Yes. Alam mo ba, umiyak pa si Tito Greg sa harap ko dahil kay Oliver."





"Wait— What? Ano bang ginawa nung Oliver na iyon?"









"Na-disappoint si Tito Greg sa ginawa———" kinapa ko yung bulsa ko ng mag tumatawag sa phone ko..















Unknown number..














"Hello."









"Hoy! Ken ! Puntahan mo ako dito sa barangay!!" kunot noo kong iniisip kung sino yung tumatawag sa akin..









"Ken Chan na manyak sa gabi—ay mali, araw-araw pala.. Nakikinig ka ba hah? Ang sabi ko puntahan mo ako dito sa barangay hall dito sa gilid ng village natin now!!!!!"












Wtf? Yung babaeng Machine gun ang bibig! Paano niya nalaman ang number ko?












"Anong ginagawa mo sa barangay hall hah?? Rita!?"










"Pumunta ka na lang dito ! Now na! Dali!" inend ko ang phone ko at inis na ibinalik ko ito sa bulsa... Pagtingin ko kay Feliciano, nakangiti ito ng nakakaloko.






"Napaano ka?"









"Di na lang pala kayo housemate! Callmate natin? Nakss! Improving !"










"Gago!"








"Oh bakit daw siya napatawag?"






"Ewan ko ba dun. Lapitin yata sa gulo. Nasa barangay hall daw siya. Hindi ko alam kung bakit pati ako is pinapapunta niya. Tsss."








"Puntahan mo na! Baka naman pina-Tulfo kana dahil ayaw mong i-let go ang bahay—-"










"Bahay ko iyon! Alam mo namang ang tagal kong pinag-ipunan para mabalik sa akin yung bahay diba? Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ng bahay na iyon!"








"Relax Ken. Wag kang magalit sa akin. Alam kong importante pa sayo yung bahay. Sa ngayon.."










"Anong ibig mong sabihin hah?"













"Wala. Sige na! Lumayas ka na ng makatulog na ako."
































Pagdating ko sa barangay hall, medyo natagalan pa ako sa pagpark ng kotse ko. Inis akong pumasok sa loob at hinanap kung nasaan yung babaeng iyon. Pagkaliko ko sa kabilang dulo ay nakita ko agad itong nakaharap sa isang pulis. Parang kinakausap niya ito or may pinapaliwang siya.










"Rita."










"Oh! Ayan na siya. Ito. Ito siya!" nagtataka ako dahil tinuturo niya ako at tumango-tango ang pulis.







"Anong bang problema hah? Bakit mo ako dinuduro?" pabulong na tanong ko dito. Nagulat ako ng hatakin ako ni Rita palapit sa pulis at tiningnan ako ng pulis mula ulo hanggang paa.



"Siya ang kasama ko sa bahay—-"










"Ano bang atraso nito?" tanong ko sa pulis.










"Nakita kasi namin yang pamangkin mo na nagkakalat ng basura sa tapat ng bahay niyo at malapit na sa kalsada.. Nakita siya ng mga tanod na rumoronda sa buong village—-"







"Pamangkin?" nagtatakang bulong ko kay Rita.








"Oo, sinabi ko kasing Tito kita at ikaw ang magpapatunay na hindi ko talaga intensyon na magkalat sa tapat ng bahay.."







"Tito? Anak ng——"






"Wag kang magmura dito Ken! At sumang-ayon ka na lang sa drama ko para makaalis na tayo dito. Grabe na exposure ng ganda ko dito sa barangay hall! Baka maligawan pa ako ng mga tanod dito! Mahirap na!"






"Bakit ka naman kasi nagkakalat ka?"









"Ipapaliwanag ko sayo pag-uwi. Lumapit ka kay mamang pulis at pirmahan mo yang logbook niya na para makaalis na tayo dito!"
irita kong kinausap ang pulis para mapauwi na itong babaeng ito...























Rita's POV

Dahan dahan kong sinasalat ang salamin ng bintana ng kotse ni Ken. Kasalukuyan kasi akong nakasakay sa kotse niya. It was my first time na sumakay dito at ang comfortable talaga. Sa pagkakaaalam ko ay mamahalin ang ganitong uri ng kotse, wala lang akong time i-research pa kung magkano ito.










"Bakit ka ba kasi nagkalat sa tapat ng bahay hah?" inis na tanong nito.









"Pakialam mo ba hah?" sagot ko dito at inis siyang huminto sa pagmamanaeho at tiningnan ako.








"Magpapaliwanag ka o ibabalik kita sa Barangay hall?" inirapan ko ito at humugot ako ng malalim na buntong hininga para magsalita..






"Fine. Ito na. Sasabihin ko na! hmmmm.." medyo matagal bago ako muling nagsalita dahil sinasadya ko talagang bitinin ang sasabihin ko. Iniinis ko lang tong lalaking ito.. Ito naman, todo hintay sa paliwanag ko.






Hinawakan ko si Ken sa kamay niya ng akmang papaandarim niya muli ang sasakyan at ibabalik niya yata ako sa barangay hall.






"Ito na.. Ito na nga!!! Magsasalita na ako! Atat naman masyado!!!" inis na sabi ko dito kaya humarap ako sa kanya..











"Actually, nagkalat talaga ako—-"






"Nagkalat ka naman pala talaga eh, dapat lang sayong makulong—-"










"Pero nagkalat ako dahil sayo.."






"Bakit naman ako napasok hah? Mukha ba akong basurero at pupulutin ko lahat ng ikinalat mo hah??" inis na tanong nito.





"Kasi—-"







"Kasi ano!!!??"








"Hoy! Wag mo akong pagtaasan ng boses hah! Baka nakakalimutan mong nakikitira ka lang sa bahay ko!!!" sabi ko dito at tumawa ito.








"Bahay ko." may diing sabi niya.







"Alam mo, bumalik na tayo sa bahay ng makatulog na ako.. Alam mo bang minamalas na ang buhay ko dahil sayo!"









"Same. Same." umiiling na sabi nito at mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya..




















Pagdating namin sa bahay ay mabilis akong dumiretso sa kusina para initin sa micorwave yung ulam na niluto ko kaninang umaga.. Spicy pork adobo.







Napansin kong kumuha ng dalawang plato si Ken pati narin mga kutsara at tinidor.












Inisin ko nga. Haha.











Pagkapasok ko ng pork adobo sa loob ng microwave ay lumapit ako sa nakaupong si Ken . Nakaready na ang mga plato..







"Bakit ka naglagay ng dalawang plato? Sinong nagsabing share tayo sa ulam ko hah?" pang iinis ko dito. Galit niya akong tinapunan ng tingin kaya mabilis kong binawi ang sinabi ko.






"Cherret lang! To naman!" nakangiting sabi ko at hinatak ko ang isang upuan para tabihan ito sa upuan. Nakapangalumbaba ako at nakatitig sa kanya na para bang siya na ang pinakagwapong nilalang na nakita ko "syempre joke yun"








"Ano na naman? May kailangan ka?" inis na tanong nito. Ngumiti ako at nag beautiful eyes sa kanya.. Napansin kong kumuha ito ng green apple sa lamesa.. Nagulat ako ng dikitan niya ang noo ko ng sticker mula sa green apple. Napakahalimaw talaga ng lalaking ito oooh!!






"Ano ba!!" inis na sigaw ko.










"Mukha kang kuting diyan! May pa-beautiful eyes ka pang nalalaman.. Hindi bagay sayo!"





"So anong bagay sa akin? Tayo? Ayieeee!" pang aasar ko dito pero sukang-suka ako sa sinasabi ko.







"Gusto mo ba?" seryosong sagot nito kaya nanlaki ang mata at umayos ako ng upo at tinuro ko siya.








"No."








"Alam mo Rita, sa dami kong choices, wala ka doon." Napakayabang talaga!!! Akala mo kung sinong gwapo!!










"Kahit mag beautiful eyes ako? Wala parin sa choices?" pang-iinis ko pa ulit sa kanya..










"Wala. Kaya kunin mo na yung ulam para makakain na tayo.." bumalik ako sa posisyon ko kaninang nakatitig sa kanya para asarin pa ito.








"Rita! Ano bang kailangan mo hah?"









"Extend mo yung 1 month deadline mo sa project ng team ko." diretsong sagot ko.








"Wala tayo sa office to talk that kind of matter." seryosong sabi nito.








"OA kasi ng 1 month!"









"Bakit? Suko ka na? Hindi mo kaya ?"










"Kaya ko! Kaya ng team ko! Pero hindi kaya ni Miss Anne. For sure! Busy person yun eh! Paano kung may mga out of town siya? Tsk."











"Fault niyo yan. Bakit niyo kasi kinuha si Miss Anne sa project niyo." inirapan ko ito at tumayo na ako para kunin ang ulam namin at kanin..












Tahimik lang kaming pareho na kumakain. Sa inis ko ay hindi ko talaga siya tinapunan ng kahit na saglit na tingin. Kahit pa magkaharap lang kaming kumakain. Bahala siya.














Sa inis ko, kahit di siya makisuyo na huhugasan ko ang pinagkainan niya ay isinama ko na din. Tinapos ko muna ang paghuhugas ng pinggan bago simulan ang pag eedit ng content para sa magazine namin.







Nilabas ko sa sala ang laptop ko at gumawa na ako ng kape para hindi ako agad makatulog. Kailangan kong makapag edit ng kahit limang pages ngayong gabi. Tumatakbo ang oras namin. Kahit ang unfair-unfair ng length para sa deadline ay kailangan kong sundin. Ayokong mawalan ng trabaho. Ayoko.















❤️

Continue Reading

You'll Also Like

322K 10.3K 57
Princess Hazel Ancheta has no choice but to live in that house with that Perverted Man. Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang kanyang mga magu...
12.5K 98 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
6.5K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
96.2K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...