Jonah Complex (GL) [HSS #3, C...

By InsaneSoldier

242K 17.6K 3.8K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 1... More

Jonah Complex
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Final Chapter

Chapter 17

5K 459 158
By InsaneSoldier

"Anong nangyari sa kanya?"

Napakagat ako sa lower lip ko habang iniisip ko kung paano ie-explain sa kanya yung mga nangyari. Inalalayan ko si West nang gumalaw siya sa pagkakaakbay sa akin. Magaan lang naman siya kaso ang gaslaw. "Ate N-North, si West po, eh."

"Halika, tulungan na kita." Lumapit siya para mahawakan sa kabila si West na parang malapit nang makatulog sa lagay niyang hindi na halos tumitingin sa amin. Nakapikit na lang ito talaga pero hindi naman binibigay ang buong bigat niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang maipasok na siya sa sasakyan. Para lang siyang lantang gulay na nakasandal at hindi kumikibo. Namumula ang mukha niya hanggang balikat, halatang tinamaan. Paano kasi, ilang beses niyang tinanggap yung wine na binibigay ng mga kaklase namin. Hindi pa nakuntento pati beer pinatulan niya lalo na't napakahusay pumuslit ng mga kaklase ko dahil pati celebrant pasimuno ng inuman.

Akala ko okay lang siya pero nang napansin ko na parang nagiging talkative na si West no'n ko lang na-realize na may tama na siya ng mga ininom. Nag-drunk chat pa siya sa akin pati kay Jamaica na hindi naman nag-reply, maigi at hindi kung sino lang or else ewan ko na talaga. Ako pa nag-message sa Ate niya na sunduin ito.

"Are you going home na ba?" Narinig kong tanong ni Ate North na katabi ko pa rin pala at panaka-nakang tinitingnan ang lasing na kapatid na hindi na yata aware sa paligid. "Who will pick you up? Your parents?"

Napakamot ako sa sentido ko. "Commute na lang po."

Wala siyang naging facial expression pero parang nag-iisip niya. "Delikado at gabi na.  Mahirap mag-commute pauwi at sobrang madalang na ang tricycle sa area dito."

Natigilan naman ako. Hindi ko alam na ganoon pala 'yon. Dapat talaga susunduin ako ni Mimi kaso ayoko naman ma-hassle siya dahil gusto ko na lang na diretso pahinga siya after work. Sabi ko naman makakauwi kaagad ako pero ito anong oras na nandito pa ako. Nag-chat na sila sa akin at nakapagsabi na akong pauwi na rin.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na lang kita."

"Hala, okay lang po, huwag na. Hahanap na lang ako ng kasabay." pagtanggi ko. Pero, shit, nang tumingin kami sa paligid may ilan sa mga kaklase ko nasundo na ng mga magulang. Yung iba mas maagang umuwi. Wala naman akong close, nahihiya rin ako.

"Sumakay ka na, Ella."

"Eh, lalayo pa po kasi kayo. Hassle po at gabi na."

"Let's see..." Sumandal siya sa sasakyan niya. Ikiniling niya ang ulo at tumingin sa akin. Para naman akong nailang, pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa ginagawa niya. Jusko parang hindi ko yata keri maging prof ito if ever. Baka araw-araw akong matataranta. "If your home isn't on the way, the least I can do is to let you spend the night with us."

Napailing ako. "N-nakakahiya po. Kaya ko naman po—"

"Then ihahatid na kita pauwi?" Pagputol niya sa sinasabi ko. Huminga siya ng malalim. "You clearly can't go home.  You know what, sakay na."

"Pero—"

"Miss Ella, get in may car."

Para akong pinanindigan ng balahibo sa tono ng boses niya, ang sungit!

Wala na akong choice kung hindi sumakay tulad ng gusto niya. Dinalaw na rin ako ng hiya dahil sa pakikipagmatigasan ko. Sabagay siya na nga itong nagmamagandang-loob tapos nag-iinarte pa ako. Pumasok na rin si Ate North sa driver's seat. Si West naman kusang sumiksik sa akin na parang bata, nang i-check ko ay tuloy pa rin naman siya. Amoy beer ito pero hindi naman mabaho. Sa totoo lang ay paran ang bango niya pa rin. Namumula siya pero kasi dahil ang puti niya ayos lang.

"Can I borrow your phone?" Tanong ni Ate North. Wala sa loob na naiabot ko sa kanya ang gusto after ko malagay yung password. Ang authoritative kasi ng boses niya, feeling ko tuloy teacher ko siya. "I'll call your parents. Who do you want me to call, your Mom or your Dad?"

"Kahit si Mama na lang po," sagot ko. Ewan ko kung ic-correct ko pa siya na wala akong tatay dahil dalawa ang nanay ko. Pero hayaan na lang, kung malaman niya ayos lang din naman.

Tumango naman siya. "May pang-call ka?"

"Ay, wala po. Chat lang kami."

"Alright," Kinuha niya ang sariling phone. Tiningnan niya yung cellphone ko, tingin ko kinukuha niya number ni Mama. "What's your full name?"

"Ella Tagle po."

Tumango siya. Nilapat niya ang cellphone sa tainga. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako, wala naman akong ginagawang masama. Tatawag lang naman siya. "Hello po? Is this Ella Tagle's Mom?"

Omaygad.

Napalunok ako. Hindi pa nakatulong na gumalaw sa tabi ko si West at para talagang bata na yumayapos sa akin. Maloloka ako rito. Tiningnan ko yung mukha niya, tulog talaga. Ang ganda niya tingnan, ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit.

Iniayos ko ang pagkakasandal niya sa akin at inilapat na lang ang ulo niya sa bandang balikat ko kaso feeling ko stiff neck ang aabutin niya dahil ang liit ko tapos sa akin siya nakadantay. Inalalayan ko na lang siya kahit ako ang mangangawit. Inayos ko rin ang buhok niya na medyo nagulo na.

"Okay na." Naputol ang pagtitig ko nang magsalita si Ate North. Inabot niya sa akin ang phone.

"Po?" Teka, anong nangyari? Tapos na kaagad ang tawag? Ang bilis naman?

"Napagpaalam na kita sa Mom mo. She even asked for your picture as proof na kasama kita so I sent her one. Good thing at nakukuwento mo ang kapatid ko sa kanya—at pati ako."

Kulang na lang magpalamon ako sa lupa. Anak ng, Mama naman! Binuking talaga kadaldalan ko?

Sobrang close naman kasi kami ng parents ko kaya halos lahat ay alam nila. Kilala nila si West pati na mga kapatid nito, pati yung transferee na si Julliana. Only child ako kaya sila lang ang kakuwentuhan ko kung hindi man si Val. Mabuti nga at magaan sila kausap kahit ang sungit ni Mama minsan lalo na kapag nagpupuyat ako. Kada may ganap sa akin lagi na lang sasabihin kaka-cellphone 'yan. Sisihin ba naman cellphone, nananahimik, eh.

"Ihahatid ninyo na po ako? Okay lang kay Mama?"

"Matutulog ka sa amin." Para akong nabingi sa narinig. "Ihahatid na lang kita by tomorrow morning, it's a good thing na Sunday bukas kaya hindi mo kailangan isipin ang school."

"Akala ko po..."

"Your Mom agreed to let you spend the night with us since out of the way ka." Tiningnan na lang niya ako mula sa salamin. Binuhay niya ang makina ng sasakyan. Hindi nagtagal ay mabagal na umandar na ito hanggang ma-pick nito ang tamang bilis. "Wala si East sa bahay kaya pwede mo gamitin yung kama niya."

"Okay lang po ba talaga?" Tumango siya at hindi na sumagot. "Uh, sige po. Thank you po."

Grabe, hindi ko na alam kung saan ako sisiksik dahil sa hiya. Parang kanina lang iniisip ko kung anong itsura ng bahay nila dahil may pa-wine cellar pa tapos ngayon makikita ko kaagad? Ang bilis mo naman, Lord. Wish granted kaagad. May pa-sleepover pa. Nakakaloka!

--

"West can't hold her liquor well." Kwento ni Ate North habang inaayusan si West. "Kaya nga hinahayaan ko si South na bantayan ang kambal kapag biglang iinom ng walang pasabi. Akala yata hindi ko alam mga ginagawa nila."

Nabigla naman ako na alam pala niya yung mga puslitang inom ng kambal. Ateng-ate talaga siya. Tsaka ang considerate niya, hindi man lang nagalit na umuwing lasing itong isa. Maalaga pa. May boyfriend na kaya siya? Swerte naman no'n if ever, maganda na nga mabait pa, maasikaso pa. Medyo strict nga lang.

Nilibot ko ang tingin sa kwarto nina West. Pagdating pa lang namin kanina halos mapanganga na ako sa laki ng bahay nila, ang dami kasing flowers sa magkabilang gilid pagpasok ng gate, parang garden, may patio din sila tapos table and chairs na gawa sa kahoy, pwedeng tambayan para magkape.

Pagpasok sa loob ng bahay nila kulang na lang talaga mag-explore ako. Ang lawak grabe, parang dalawang living room na namin ang katumbas—baka nga tatlo pa, eh. Light blue ang color ng walls at ang daming paintings na naka-display. Parang ang mamahalin ng lahat ng gamit dito from carpet to sofa set. Nakakahiya umupo.

Kahit itong kwarto ni West ang laki, napansin ko may pinto pa sa kabilang corner, bathroom yata nila. May dalawa ring malaking closet—siyempre dalawa sila sa kwarto. Ang linis dito sa loob, nakakahiya sa akin na minsan yung damit ko nakasabit pa sa gilid ng kama.

"Ikaw ba uminom din?"

"Hindi po," sagot ko. Tumango siya at napangiti.

Napaiwas ako ng tingin nang basta na lang niyang inalis yung suot na dress ni West. Jusko! Split second lang pero—I screamed internally. Todo pigil ako. Ate North naman, may crush ako sa kapatid mo, ba't ganyan ka. Hindi ko na mau-unsee ang nakita ko nakakaiyak.

Napapaypay ako sa sarili ko dahil parang uminit. Kunwari na lang wala akong nakita. Wala akong nakita. Walang suot na bra si West kaya—gaga ka, Ella! Wala ka ngang nakita!

Maingat at dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama ni East, todo ingat na huwag siyang masilipan ulit. Pero, shit, may dibdib naman ako pero bakit bothered ako na nakita ko yung sa kanya? Nakita ko na rin naman na kay Val, ah. Anong issue ng kay West? Ah, nakakapraning. Same-same lang naman itsura pero para akong sira.

"I'll get you some spare clothes ni West." Napalingon ako sa kanya ng kusa. Mabuti na lang at bihis na yung babaeng naglasing na nasilipan ko ng hindi sadya. Nakasuot na ito ng itim na shirt at light blue na pajama. Natanggal na rin ang make up nito. She looked peaceful tapos ako deep inside malapit na magwala. "Sa banyo ka na lang magpalit."

Napatango na lang ako. Sinundan ko ng tingin si Ate North papunta sa closet na nasa kaliwa. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang susuotin ay tinuro niya ulit ang banyo kaya mabilis naman akong pumasok para magbihis at maglinis na rin.

Paglabas ko kami na lang ni West ang nasa kwarto. Siguro magpapahinga na rin ang Ate niya. Naupo ako sa gilid ng kama ni West habang nagc-chat ako kay Mama para sabihin na nakauwi na ako. Mabilis naman niyang na-seen ang reply ko. Nag-ring ang phone ko dahil bigla siyang tumawag na mabilis ko namang sinagot.

"Hello, Ma?"

"Ella, bata ka, huwag kang magpapasaway diyan!"

"Wala pa nga, Ma!" Umungot ako. Iyon talaga bungad sa akin imbes na sabihan akong mag-ingat. "Hindi naman po ako nagpapasaway."

"Aba dapat lang! Nakakahiya sa mga tao diyan! Umuwi ka kaagad ng maaga bukas."

"Opo, Ma. Matutulog na po ako—"

"Huwag puro Wattpad! Kapag 'yang mata mo lumabo, nako malilintikan ka talaga—"

"Hindi nga po, Ma, matutulog na nga." Napanguso ako. "Matulog na rin po kayo. Good night po."

"Sya, good night."

Pinatay ko rin kaagad ang tawag at napabuntong-hininga. Si Mama hindi na kailangan i-loudspeak, ang lakas lagi ng boses. Napatingin ako kay West na hanggang ngayon ay tulog pa rin, buti pa 'to parang walang problema.

Hinaplos ko ang buhok niya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kaming matutulog ngayong gabi. Hindi nga kami magtatabi pero nasa iisang kwarto pa rin. Hindi ko mapigilan yung puso ko sa pagtibok ng mabilis, nakakahilo. Wala sa loob na itinapat ko ang cellphone sa mukha niya at mabilis siyang kinuhanan.

Makatulog na nga rin.

Paalis na dapat ako sa kama niya nang maramdaman ko siyang gumalaw. Kumunot ang noo niya. Inayos ko yung pagkakaunot niya, huminga siya ng malalim. Ang pretty talaga niya.

Parang lahat naman sa kanya maganda kahit hindi siya palangiti.

Natigilan ako nang magmulat siya ng mata. Ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na sa way ng pagtitig niya, para siyang inaantok pero parang ang lalim din. Nakakatunaw. Tumikhim ako at tatayo na sana pero hinila niya ako palapit. "West? Sorry, nagising kita."

She gave me a lazy smile. Turn ko naman para kumunot ang noo. Parang wala siya sa sarili. Lasing pa ba si West? O baka half-asleep?

"Matulog ka na ulit," sabi ko na lang. Babangon pa sana siya kaya pinahiga ko ulit ito. Habang inaayos ko ang pwesto niya ay basta na lang niyang ikinawit ang mga kamay sa batok ko. Para akong sira na muntik na maging istatwa nang haplusin niya ang buhok ko.

"Ella?" Parang nangingilalang tawag niya. Tumango ako dahil parang biglang nawala ang boses ko. Ang lapit ng mukha niya dahil hinahapit niya ako palapit, halos nakapaibabaw na ako sa kanya. Amoy na amoy ko siya at sa totoo lang, kaunti na lang ay maloloka na ako. Tumawa siya ng mahina, halata ang antok sa boses nito at obvious na may tama pa rin siya. "Hmm...antok."

"Matulog ka na," sabi ko. Babangon na sana ako pero ayaw naman niya akong bitawan. "Uy, West."

"Matutulog na," bulong niya. Gumalaw siya ng kaunti na parang inaayos ang sarili.

"Uh, sige." Awkward na tumawa ako.

Akala ko bibitawan na niya ako pero parang huminto yata ang lahat ng bagay nang inilapit niya pa ako sa kanya. Hindi na ako nakakibo nang lumapat yung labi niya—sa labi ko mismo. Wuy!

Teka, Lord, sobra naman 'to!

Nakatingin lang ako sa kanya pero nakapikit lang ang mga mata niya. Hindi ko alam ang gagawin, parang ayaw yatang mag-function ng braincells ko. Ang...ang lambot ng lips niya. Pero, shit, first kiss ko!

Ilang segundo lang ay nahanap ko na ang lakas ko at humiwalay kay West. Smack lang 'yon pero nakakapanghina, jusko. Bumitaw na siya at sinundan niya pa 'yon ng ngiti kahit nakapikit na siya. "Good night."

"G...g-good night."

Umakyat na yata sa tuktok lahat ng dugo ko. Yung tibok ng puso ko hindi rin nakatulong dahil kahit anong pagpapakalma ang gawin ko ay hindi effective. Nakatingin lang ako kay West na mukhang tuluyan nang nakatulog. Hindi ko mapigilang hindi magawi ang tingin sa lips niya.

Omaygad. Omaygad. Puro omaygad na lang yata ang kaya kong i-express. Parang hindi yata ako makakatulog ngayong gabi. Omaygad. Paano ko siya haharapin bukas? Kakausapin? Hindi ko alam! Hindi ko alam!

Ella Marie Tagle, fifteen years old—at may first kiss na.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
99.9K 3.4K 14
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1.1M 50.5K 46
"You're my betrothed." "Naliligaw ka, Miss." Inis na isasara ko na sana yung pinto ng humarang sya doon. "I don't think so. You're Terry Alcatraz ri...
2.7M 52.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...