Immortal City

By Kokonoze

649K 19.2K 3K

They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen... More

Immortal City
Note
01 - Cenon Thanh
02 - Kaven Slade
03 - Zairus Demafelix
04 - Lucienne Starr
05 - Xaniel Velasco
06 - Celestine Demafelix
07 - Drake Parker
08 - Julien Ruiz
09 - Kaoru del Valle
10 - Ione Alcazaein
11 - Riley Avena
12 - Van Veridiano
13 - Luna White
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Character Design
Special Chapter: The Moon and the Fireworks
Special Chapter: Tale of Hers
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 21

8.2K 270 86
By Kokonoze

Chapter 21
Wake Up Call


"Hey."

I turn to face Kaven as he approaches me. Tatlo na kami sa meeting place sa may fountain ngayong dumating siya. Me, him, and Zairus. I still kind of feel awkward not calling him kuya.

"Is it just us?" tanong ni Kaven, though not really looking at me.

"Yeah," sagot ko, "but my brother is getting something to drink. Would you like me to ask him something for you too?"

"Don't bother."

Silence.

A minute or two had passed and we didn't talk to each other again. Napakalaki ng park para sa aming dalawa na hindi naman nagkikibuan. Bakit ba kasi kailangang si Kaven pa ang makasama ko na kaming dalawa lang? Ano namang mangyayari kung hindi naman nag-uusap ang kasama ko.

"When will you two tell us the real deal between your fake sibling act?"

Nagulat ako sa sinabi ni Kaven.

Si Kaven ba talaga ang nagsalita? Talaga? Totoo? Si Kaven na kay Luna lang nagpapakita ng interes? Wow. Kinakausap ako ni Kaven.

"You don't have to respond. I just wanted to say something," sabi niya. Pero syempre hindi ko palalampasin ang pagkakataon.

"Ngayon talaga namin balak sabihin sa inyo," sagot ko. "It wasn't an act for me though. Hindi ko talaga alam na hindi pala kami totoong magkapatid. May mga panahon na nagdududa ako, but I never really wanted to make sure of it. Ayoko kasing maging komplikado ang lahat kapag nakumpirma ko ang hinala ko."

I look at Kaven and he nods in response.

Maya-maya pa ay dumating na si Zairus dala ang dalawang frappe na binili niya. Binati niya si Kaven at nag-usap 'yung dalawa. I guess wala namang problema si Kaven sa pakikipag-usap sa lalake. Or talagang mas special lang si Luna para sa kanya?

Oh my god! Si Luna!

How could I have forgotten something so important?!

"I have to go," I abruptly say, almost panicking.

"Wait," Zairus stops me. "Where are you going?"

"Sa bahay ni Luna," I answer. "Nakalimutan ko na sabay nga pala kami dapat na pupunta dito. Siguradong naghihintay pa 'yon sa bahay nila."

"Then I'll come with you."

"No, I'm fine. Kaya ko na naman ang sarili ko at saka isa pa, walang mag-hihintay sa iba pang darating."

"Pero hindi ka pwedeng umalis ng mag-isa."

"Zairus," I say and let out an exasperated breath. "I'll be fine on my own."

"I'll go with her instead."

Napatingin kaming dalawa ni Zairus kay Kaven na walang emosyon ang mukha.

I knew it. May something siya para kay Luna.

"Then come on!" sabi ko at agad na hinigit ang braso ni Kaven bago pa maka-angal si Zairus. "Siguradong kanina pa naghihintay si Luna."

Hinila ko si Kaven papunta sa pinakamalapit na bus stop. Ilang minuto rin kaming naghintay bago kami nakasakay sa isang matino na bus. Umupo na ako malapit sa may bintana at hindi ko naman in-expect na tatabihan ako ni Kaven. Kagaya kanina, hindi rin kami nag-usap. Hindi na pala talaga dapat ako nagpasama.

Nang tuluyan na akong mabingi sa katahimikan, ako na ang unang kumausap sa tuod na katabi ko.

"Do you like Luna?" tanong ko habang nakatingin sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa movie na ipinapalabas sa TV ng bus.

Susuko na dapat ako pero bigla siyang nagsalita.

"I don't know."

Uhmm, okay? Nag-expect pa naman ako na yes or no ang sagot niya.

Oo na, sige na. In-expect ko na yes ang sagot niya pero 'yung 'I don't know'? Ayon ang hindi ko in-expect.

Ibig sabihin ba no'n, 'I don't know if I like her or not?'

A few minutes later, bumaba na kami ng bus at naglakad papunta sa bahay ni Luna. Hindi na ulit kami nag-usap ni Kaven pero ayos na rin 'yon. Baka gumanti naman siya ng maitatanong kagaya nung tanong niya kanina sa park. Ayoko ng ulit-ulitin ang pagpapaliwanag ko.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ni Luna ay agad kong pinindot ang doorbell.

Nagbukas ang gate nila at iniluwa ang naka-dress na si Luna na may dalang pahabang bag na napaka laki. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanya.

"L-Luna? Ikaw ba 'yan?" I ask in astonishment. "Ang ganda ganda mo!"

Hindi na ako nakapag-pigil at agad kong niyakap ang best friend ko. The thing is, Luna never wears something "girly" besides our school uniform. If you would even consider that. But look at her now.

"Napilitan lang akong suotin 'to, Celestine," paliwanag niya nang kumalas na ako sa yakap. "Ang akala kasi ni Mama ay makikipag date ako. Sabi ko nga baka naloloka na siya. Sino ba namang makikipag-date sa bulag?"

"Ano ka ba, Luna! 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Kung pwede lang ako, ikaw ang pakakasalan ko."

"Sino pa nga ba? Ikaw lang naman ang papatol sa akin kung sakali. Teka, may kasama ka ba?"

Oh.

Kasama ko nga pala si Kaven.

Tinabihan ko si Luna para kaharap niya na si Kaven. Pero dahil nga bulag si Luna, sa ibang banda siya nakatingin at hindi sa lalakeng kaharap niya.

"Kasama ko si Kaven," sabi ko.

"Ahhh. Hi, Kaven," bati ni Luna. "Kinaladkad ka ba ni Celestine papunta dito? Hulaan ko, ayaw magpasama kay Zairus kaya ikaw ang hinila, ano?" sabi niya habang natatawa.

At dahil bulag nga si Luna, hindi niya nakikita si Kaven na nakaiwas ng tingin, namumula.

'Di nagtagal ay sumakay na rin kami ng bus papunta sa may park na meeting place ng Nameless Organization. Si Kaven na ang nagbitbit ng bag ni Luna dahil mukhang mabigat 'yon. Tabi kami ni Luna sa tatluhan na upuan at kagaya kanina ay sa may bintana ako pumwesto. Dapat ay hihiwalay ng upuan si Kaven pero pinilit ko siya na tabihan nalang si Luna dahil mas maganda kung kaming tatlo nalang ang makakasama. Kung hindi alam ni Kaven kung gusto ba niya si Luna o hindi, ako alam ko na.

Nagkwentuhan lang kami ni Luna buong biyahe at hindi naman nakisingit si Kaven kahit isang beses.

"Celestine," tawag ni Luna sa'kin, "tanda mo ba 'yung unang pinakilala ni Teacher Sparks na chosen twelve kagabi?" bulong niya.

"Unang chosen twelve?" ulit ko. "Ayon ba 'yung..."

Chosen twelve chosen twelve chosen twelve. Bakit hindi ko matandaan?

"Hindi ko pala maalala," sabi ko at bahagyang napangiti.

"Ah. Baka naman hindi mo naabutan. Ayon yata 'yung umalis ka. Bakit nga pala ang tagal mo bumalik no'n?"

"Ayon ba? Naghahanap kasi ako ng rest room kaya lang naka-lock lahat tapos naligaw ako sa school. Ang dilim kasi. Buti nalang nakita ako ni..."

Nakita ako ni?

Sino?

Sinong nakakita sa'kin?

Biglang sumakit ng kaunti ang ulo ko at nanlabo ang paningin ko.

'Or would you rather die, Celestine?'

No.

There's something wrong.

"Nakita ka ni?" tanong ni Luna na nagpabalik sa'kin sa realidad.

"H-Huh?"

"Tinatanong ko kung sinong nakakita sa'yo. Bangag ka na naman, Celestine. Sabi ko naman sa'yo matulog ka ng maaga."

"Hindi. May iniisip lang ako."

"Si Zairus na naman ba?"

"H-Hindi, ah!"

Tinawanan ako ni Luna at inasar pero hindi ko na magawang makapag-isip ng maayos.

Anong nangyayari?

Bakit parang may nakalimutan ako? Tandang tanda ko naman ang mga nangyari kahapon. Pumasok ako ng maaga. Nag-usap kami ni Luna at sinabi niya ang problema niya. Wala kaming teacher ng third period. Iniwan ako nila Ione na nauna sa cafeteria. Nakasalubong ko si Drake. Hindi ako pinansin ni Zairus. Nagpa-meeting si Teacher Sparks. Umalis ako at sinundan ako ni Zairus. Tinawag kami ni Julien. Tinabihan ako ni Kaoru. Umalis ako para maghanap ng rest room. At pagkatapos no'n... bumalik ako sa Illusion Room.

Pero parang may kulang.

At hindi ko 'yon maalala.

"Celestine," tawag ni Luna. Saka ko lang napansin na inaalalayan na siya ni Kaven tumayo. "Nandito na tayo. Hindi ka pa ba tapos pagpantasyahan si Zairus na pangit?"

"Hindi ko 'yon pinagpapantasyahan, 'no! Ano bang sinasabi mo diyan?"

Tinawanan ako ni Luna at sinundan ko na sila pababa ng bus. "Oo na," pang-asar pa niya, "sabi mo, e."

"Hindi nga kasi."

Pero tinawanan nalang niya ako at naglakad silang dalawa palayo. Iwanan ba naman daw ako? Sinundan ko nalang sila. Nakita ko na rin sila Ione sa pwesto namin kanina nila Kaven sa park. Halos kumpleto na sila at kami nalang ang kulang. Nagsama-sama kami ngayong araw dahil suggestion ni Ione na mag-bonding daw muna kaming lahat bago magsimula ang Level 1.

"Pakibilis naman po, ano?!" rinig kong sigaw ng isang baliw sa'kin dahil ako nalang ang hindi pa nakakarating sa pwesto nila. "Kanina pa kasi kami naghihintay dito, C. Ang lakas naman ng loob mong magpa-late. Prinsesa ka nga talaga."

Nang makarating na ako sa may fountain ay agad akong lumapit sa baliw. "Tae ka, Kaoru," bulong ko. "Kanina pa ako nandito. Sinundo ko lang si Luna."

Dahil mas matangkad sa'kin si Kaoru at hanggang balikat niya lang ako, yumuko pa ang loko para lang isakto ang bibig niya sa tenga ko. "Hindi ako tae, C. Prinsipe mo ako," bulong niya.

Pinilipit ko ang tainga niya at agad siyang napa-aray. "Isa kang tae, Kaoru."

"Ang sakit mo naman magsalita," sabi niya at nagkunwari pang nasasaktan. "Hindi lang sa pananalita, pati physical violence pinaiiral mo na. Hindi ko pa nakakalimutan 'yung pag-sipa mo sa Kaoru, Jr. ko."

"What?! Ewan ko sa'yo, Kaoru!"

The perv.

Iniwan ko na siya at lumapit ako kay Luna. May kani-kanyang usapan pa ang lahat. Karamihan ng magkakasama ay 'yung mga galing sa pare-parehong section. Sila-sila pa rin ang magkaka-kwentuhan. Kung titignan mo ay para pa rin kaming hindi magkakakilala dahil may ibang hindi nagpapansinan. Ilang araw na rin kaming lahat magkakasama pero hindi pa rin pala kami matatawag na isang grupo.

"Celestine," tawag ni Zairus. Hinarap ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. Hinawakan niya ang magkabila kong braso na para bang tinitignan kung may galos ako o ano. Nang makuntento na siya sa pagsigurong walang mali sa akin ay binatawan na niya ako. "Good. You seem to be fine."

"Of course, I'm fine," I say, almost rolling my eyes. "Gano'n ba talaga ako ka-lampa para mag-alala ka sa'kin ng ganyan?"

Pinanliitan niya ako ng mata at seryoso akong tinignan. "You almost tripped yourself to death when you were seven."

Oh.

"That was different. I was still a little kid back then."

"You mixed detergent with your coffee thinking it was sugar when you were twelve."

"S-Si Mama na may kasalanan no'n! Pinatong sa kusina 'yung lalagyan."

"Just last week you almost got hit by a passing truck because you were distracted."

"Ah—ano... ano kasi 'yon—"

"Celestine," Zairus breathes and his eyes soften, "you can't ask me not to care about you. It's part of me now. I won't be the man I currently am if I didn't care about you."

Great. He's making me blush.

"Okay, guys!" Ione yells from her spot and now everybody is looking at her. "Ano na ang gagawin natin?"

"Wait," Van says, looking a little confused. "Are you saying you don't have a plan?"

"I didn't say I have a plan," Ione counters.

"Pero ikaw ang nagplano nito, 'di ba?" Riley says silently. "Surely you have something in mind."

"Uhmm, hehe," Ione says sheepishly. "Ito na nga 'yon. Ito na ang something in mind ko. Na mag bonding tayo bago mag Level 1."

Halos lahat kami ay napatakip ng mukha dahil sa sinabi ni Ione. Others are ranting how they could have used their time in a more useful way. But I stay quiet. I actually like Ione's idea. Ayon nga lang wala pala kaming ibang gagawin kundi tumunganga. We can't just sit around here all day talking to each other. Besides, what can we possibly do in a park?

"I have something with me," Luna says and now all eyes are on her. "Kaven?" tawag niya at ibinigay ni Kaven ang napakalaki niyang bag. "I figured that nobody thought of what to do when we meet up that's why I brought rackets and shuttlecocks. May dinala rin akong mga snacks pero wala nga lang drinks. Okay na ba 'yon?"

Biglang tumakbo si Ione palapit kay Luna at niyakap ito.

"LUNA! ISA KANG ANGHEL!" sabi ni Ione na parang maiiyak.

"So," Kaven mutters, "shall we play?"


•—⊶◈⊷—•


"The rules are simple," paliwanag ni Luna. "It will be by pair. Paunahan lang maka-score ng 10 points. But to make this game interesting, let's make a bet."

"Nice."

"I like that."

"What kind of bet?" Drake asks.

"I think it's up to the players," Luna answers. "Let's start?"

We all agreed that Luna will oversee this bonding day since she's the one who came up with the idea of what to do with our time. Kaya naman nandito kami ngayon sa shaded part ng park kung saan may mga net para sa mga gustong mag badminton.

"Number One, Cenon and Number Two, Kaven," sabi ni Luna, "kayo ang partner. And the same sequence goes for the others.

"Number Three, Zairus and Number Four, Lucienne," patuloy ni Luna, "kayong dalawa ang partner.

"Number Five, Xaniel and Number Six, Celestine, kayo namang dalawa.

"Number Seven, Drake and Number Eight, Julien.

"Number Nine, Kaoru and Number Ten, Ione.

"Finally, Number Eleven, Riley and Number Twelve, Van."

"Wait," Lucienne interrupts. "Paano ka?" she asks, pertaining to Luna.

"I'll be fine," sabi ni Luna ng nakangiti. "Bulag ako kaya hindi ako makakapaglaro ng badminton. Aayusin ko nalang ang mga pagkain natin at uubusan ko kayo," biro pa ng best friend ko.

If I could trade my eyes for hers, I'll gladly do it. Alam kong maraming gustong gawin si Luna na hindi niya magawa dahil sa kapansanan niya. Eyesight is probably the most essential thing to have. But I'll give mine to her if it means giving the world to my best friend. Besides, I've seen enough with these eyes of mine.

Eyes.

Bigla na namang sumakit ang ulo ko at this time napahawak ako rito. My vision is getting cloudy, replaced by a bleak sight of the night sky.

'He wanted to get your eyes instead of mine.'

What was that? Whose voice was that?

What am I supposed to remember? Bakit hindi ko matandaan? Who wanted my eyes?

'They are hunters, Celestine.'

Hunters

Hunters

Hunters

Hunters

"Celestine!"

"W-What?" I blink into reality as Xaniel, my partner, calls me.

"Pay attention," he says. "Tayo nila Drake at Julien ang unang mag-lalaban."

Saka ko lang nakita na nakapwesto na sila Drake at Julien sa isang side, parehong may hawak na racket. Si Xaniel naman ay papunta na rin sa side namin kaya kumuha na rin ako ng isang racket.

"So what's the bet?" tanong ni Drake.

"If we win," sagot ni Xaniel, "you two have to buy us sweets."

"What?" angal ko. "Ayon na 'yon?"

Xaniel shrugs. "It's the best thing to gain from this game."

"But if we win," sabi naman ni Drake na nakangisi, "I'll have Celestine answer some questions for me."

"Deal," agad na sabi ni Xaniel at hindi na ako hinayaang magreklamo.

I'm guessing I really don't have a say in this.

Hindi ko alam kung bakit pero kami ang unang nag-serve. Naka-score agad kami sa unang serve palang ni Xaniel. Ang galing. Nakakabilib 'yung paghampas niya sa shuttlecock gamit ang racket niya kahit na nakaka-distract 'yung lollipop sa bibig niya. Halos hindi ko nasundan kung saan pumunta 'yung shuttlecock. Basta nakita ko nalang na nasa sahig na 'yon at hindi na naibalik ni Drake sa amin.

Wala akong alam sa badminton pagdating sa scoring pero sa tingin ko ay 4-0 ang score. Kami ang nakakalamang at lahat ng iyon ay dahil lang sa mga serve ni Xaniel.

Masasabi kong napaka-tanga ko dahil ngayon ko lang na-realize. Xaniel is using his eye ability, remaking eyes. Kagaya ng pagsira niya ng pintuan noon sa Central Building, kaya niya ring palakasin ang katawan niya para maging malakas ang tira niya.

"Xaniel," tawag ko sa kanya, "hindi ba bawal 'yang ginagawa mo?"

"There's no rule about it," he says as he shrugs and I can't help but notice the stick of the lollipop outside his mouth. Sweet tooth.

Nag-serve na ulit si Xaniel at napanganga ako sa nangyari.

Hindi lumagpas ng net 'yung shuttlecock.

As in hindi pa nangangalahati ang nilipad nung shuttlecock pero nahulog na agad!

At dahil doon ay 4-1 na ang score.

"What the hell happened, Xaniel?" angal ko.

Hindi ko mapigilang maasar dahil ang taas-taas na ng tingin ko sa kanya tapos biglang gano'n? Though I have no right to complain dahil wala pa naman akong naitutulong sa laro dahil ayaw naman niya akong mag-serve. Tinignan ko si Xaniel pero mukhang pati siya ay nagulat sa nangyari.

I look at Drake and Julien. Nag-apir pa silang dalawa at napansin ko ang sandaling pagkislap ng mga pulang mata ni Julien.

So this is where the real game begins.

"You can't use your eye ability anymore," sabi ko kay Xaniel at napatingin siya sa'kin. "Julien is using her eye ability to stop your eye ability. I guess you have to rely on your own strength from now on."

Napasimangot si Xaniel pero hindi ko maiwasang mapangiti. It's nice to see them use their eye ability in this way. Where it's just for fun and not for a serious competition.

Si Drake na ang nag-serve at nagkaroon na rin ako ng pagkakataong makapaglaro ng hampasin ko pabalik ang shuttlecock. Nagpabalik-balik lang 'yung shuttlecock hanggang makuha ng team nila Drake ang puntos.

This is turning out to be their win.

Kung ano mang strategy ang napagpa-planuhan namin ni Xaniel ay balewala lang din dahil nababasa ni Drake ang nasa isipan namin. In the end, sila ang nanalo.

"Akala ko pa naman mananalo tayo," sabi ko kay Xaniel at hindi ko maiwasang mapanguso.

Nagulat nalang ako ng ipatong ni Xaniel ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Scoring four points isn't as bad as it looks like," sabi niya ng nakangisi.

Magsasalita pa dapat ako pero sinubuan niya lang ako ng lollipop sa bibig at umalis.

Wow.

Okay na sana, e. Nararamdaman ko na 'yung friendship sa aming dalawa. Pero bakit naman niya ako sinubuan ng lollipop na may balat pa? Though I should still be grateful, buti at hindi 'yung kabilang dulo na stick ang ipinasok niya sa bibig ko.

And actually, four against ten is a bad score no matter how you see it.

Nilapitan ko si Drake at tinanong siya tungkol doon sa bet na ginawa nila ni Xaniel.

"Don't worry," sagot niya. "I'll ask whenever I feel like asking you. But if that time comes, you have to be perfectly honest with me."

What's the point in asking me to be honest if he can just read my mind? I seriously don't understand him.

Hindi ko na siya kinulit at tumabi nalang ako kay Luna na naka-upo sa picnic blanket na nilatag niya. Malaki ang blanket at kasya ang anim na tao.

"Sinong nanalo sa inyo?" tanong niya sa'kin.

"Sila Drake," sagot ko. "Ang daya nga, e. Dapat kami ang panalo kung hindi lang ginamit nung dalawa 'yung eye ability nila."

Tumawa si Luna at inabutan ako ng sandwich. "Si Xaniel ang partner mo, 'di ba? Sa tingin ko alam ko na ang nangyari kung bakit kayo natalo," sabi niya na natatawa.

"Ginamit ni Julien ang eye ability niya para hindi magamit ni Xaniel ang remaking eyes niya," paliwanag ko. "Nababasa naman ni Drake ang nasa isip namin ni Xaniel kaya wala ring silbi ang pagpa-plano namin."

"Figures."

Kinain ko ang inabot ni Luna na sandwich at tinignan ang bagong maglalaro.

"Sino na ang sunod?" tanong ni Luna.

"Si Kaven at Cenon laban kina Lucienne at Zairus."

"Oh." She sounds amused. "That's a predictable pair."

I raise my eyebrows, skeptical. "Really, now?"

"Sila Kaven ang mananalo."

Pinagmasdan ko sila Cenon na nakapwesto na sa kani-kanyang side bago ko napansin na nakatingin sa direksyon ko si Kaven.

Mali.

Hindi sa direksyon ko. Sa direksyon ni Luna.

"I don't think so," sabi ko sa best friend ko.

"At paano mo naman nasabi? Bakit? Kinakampihan mo si Zairus mo, ano?"

Napangiti nalang ako kay Luna.

She really is something. Maniniwala na dapat ako sa deduction niya na sila Kaven ang mananalo. But she's missing the most important detail to predict who will be the winner. She's missing a lot of things.

Hindi nagtagal ng limang minuto ang laban nila Kaven at Cenon kina Lucienne at Zairus. At tama ang hinala ko. Panalo ang grupo ni Lucienne.

"Talo sina Kaven? Paano nangyari 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Luna.

Nakita kong papunta rito si Kaven habang ipinapaikot ang racket na hawak niya. Umupo siya sa may blanket at kumuha ng apple na inihanda ni Luna.

Paano natalo sina Kaven? Simple lang.

He intentionally lost the game to be with Luna.

"Anong pinag-pustahan niyo, Kaven?" tanong ni Luna.

"Unnecesarry things," simpleng sagot ni Kaven bago kumagat sa mansanas niya.

"Like what?"

"I don't really care about it. I let Cenon do the bet."

Biglang lumungkot ang itsura ni Luna. "You didn't like my idea?" tanong niya at agad na napatingin si Kaven sa kanya.

Gulat ang mukha niya ngayon dahil sa sinabi ni Luna. "N-No! T-That's not what I meant. I like your idea, really. Please don't sound so sad again."

Now, this is new.

Kaven is stuttering? Kaven who doesn't give a damn about things? It seems like he's a different person when he's with Luna.

"ANG DAYA! BAKIT HINDI KO NAKITANG TINIRA MO 'YUNG SHUTTLECOCK?!"

Napasimangot ako dahil sa narinig ko. So sila na pala ang sunod. The noisy bunch. Nagrereklamo ngayon si Kaoru dahil daw hindi niya nakita na tinira 'yung shuttlecock. Now this is a pair who's unpredictable.

"Bulag ka lang talaga!" sigaw pabalik ni Van at tumawa sa sarili niyang pang-asar.

"Ione, ayusin mo naman please?" reklamo ni Kaoru.

"Bakit ako?! Ikaw nga 'tong lalampa-lampa diyan!" sigaw naman ni Ione kahit na hindi naman sila ganoon kalayo ni Kaoru sa isa't isa.

"Anong lalampa-lampa?! Si Riley ang lalampa-lampa hindi ako!" sabi ni Kaoru na siyang ikinagulat ko.

How can he say such a thing? Nasa harapan niya lang si Riley! Hindi dahil magkalaban sila ay pwede na niyang sabihin kung anong gusto niya.

"Anong sinabi mo?!" galit na bulyaw ni Ione habang pinagpapalo ng racket ang ulo ni Kaoru. "Mag-sorry ka kay Riley!"

Pero tawa lang ng tawa ang nasabihang lampa na si Riley. Para bang wala lang sa kanya ang sinabi ni Kaoru.

"Ayos lang naman sa'kin 'yon, Ione," sabi ni Riley. "Isa pa pangit naman si Kaoru kaya wala lang sa'kin 'yon."

Napansin kong natawa lang din si Kaoru na para bang nagkakaintindihan sila ni Riley.

I get it now.

They're close enough to say mean things to each other. At kapag ang dalawang magkakilala ay naging mag kaibigan, may mga pagkakataon talaga na kahit lait-laitin ka na ay biro lang para sa kanila. But how were they able to befriend each other? That close? Parang sila lang naman nila Ione ang ka-close ko sa N.O. maliban kina Luna at Zairus. Oh, and Lucienne too.

Natapos ang laro nila na si Riley at Van ang nanalo. Van used his eye ability, restraining eyes, to stop the shuttlecock midway on air. Sandali lang naman 'yon kaya hindi mo masyadong mahahalata maliban nalang kung tututukan mo talaga 'yung shuttlecock. But a second is enough for Van to strike it back.

Nang matapos na ang laro, umupo na ang lahat sa may blanket nang pabilog at nagsimulang magkwentuhan. Naubos ang snacks na hinanda ni Luna, mostly because of Kaoru and Xaniel. Well, of course the sweets were consumed by Xaniel. Almost all of it. Pansin ko ngang nahiya na 'yung iba kumuha ng sweets dahil kay Xaniel. It's like he's already marked those precious sweets as his territory.

Nang medyo tumahimik na ang lahat ay binuksan na ni Kaoru ang topic tungkol sa aming dalawa ni Zairus. I got a little nervous but Luna holds my hand in support.

"Alam na naman ng iba sa amin ang totoo sa inyong dalawa pero mas maganda siguro kung kayo mismo ang magpapaalam sa amin ng katotohanan. Ilang buwan pa tayong magkakasama kaya mas mabuti nang totoo tayo sa isa't isa, hindi ba?"

I understand what Kaoru is saying. Para sa'kin, mas magiging matatag din ang samahan namin kung totoo kami sa isa't isa.

"We're not related by blood," umpisa ni Zairus. "Iniwan ako ng mga magulang ko sa mga magulang ni Celestine. Ang sabi sa akin ng tatay ni Celestine ay mas makabubuti kung ipapaalam nila kay Celestine na kuya niya ako para maiwasan ang ilangan sa aming dalawa. Hindi na nagawang ipaalam ni Mama kay Celestine ang totoo lalo na ngayon at matanda na kami dahil baka ngayon pa magkaroon ng problema. Pero sa nakikita niyo, wala namang nagbago sa aming dalawa."

"Exept for the fact that you two were being lovey-dovey yesterday," singit ni Lucienne na nakapang disguise at siyang nagpapula ng pisngi ko.

Drake fakes a cough and laughs. "Would you care to explain that, Zairus?" he asks.

"I think the real question here is," Ione starts, "do you like her?"

"I love her."


•—⊶◈⊷—•


Inabot na kami ng gabi pero kung ano-ano lang naman ang ginawa namin. Naghabulan, tayaan, tagu-taguan. Mga larong pambata ang naisipan nilang gawin namin.

Pero wala akong ibang nasa isip kundi ang sinabi ni Zairus sa'kin.

Kung totoo ang sinabi niya, ibig sabihin ba no'n ay matagal na niyang sinasabi sa akin 'yon at buong akala ko ay bilang kapatid lang? Bakit ganito? Bakit sa tuwing naiisip ko ang sinabi niya ay hindi ako mapakali? Parang gusto kong sumigaw para mailabas ang kung ano mang nasa dibdib ko na nagpapahirap sa'kin huminga.

Anong nangyayari sa'kin?

Naghiwa-hiwalay na rin ang iba sa amin dahil magkakaiba kami ng direksyon pauwi. At dahil pare-pareho lang naman kami ng lugar nina Luna at Zairus, kami ang magkakasama sa pag-uwi.

Naglalakad kami ngayon papunta sa bus stop at pinag-gigitnaan ako ng dalawa. Madilim na at malamig na rin ang ihip ng hangin kaya medyo giniginaw ako sa suot ko.

"Incoming call from Number Nine, Number Six," biglang sabi ni Rina sa isipan ko at muntikan na akong mapasigaw.

Agad kong kinuha ang ID ko at itinapat ito sa tainga ko kahit na hindi ko alam kung may speaker ba 'to o wala.

"Goodbye, C," sabi ni Kaoru sa kabilang linya bago tumawa. "Hindi pala ako nakapag-paalam sa'yo."

"You didn't have to call just to say goodbye," I say.

"Of course, I do! You're my crush!" I laugh at his voice. He's clearly making fun of me again.

"Sure, sure. Goodbye, mister."

"Goodbye, missy."

'Goodbye, missy.'

'Goodbye, missy.'

'Goodbye, missy.'

'Goodbye, missy.'

No.

Ito na naman. Sumasakit na naman ang ulo ko. Why is this happening?! Why am I like this?! It hurts. It hurts so much.

I place both my hands on my head, ignoring my ID as it fell down on the ground. I'm trying to make the pain go away but it's no use. It hurts so much I feel like my nerves are about to burst. I can barely hear Luna and Zairus calling my name, reaching out. I want to say something but I can't respond. My head is writhing in pain.

And then I see traffic lights. All glowing in bright red.

"Goodbye, missy."

"Y-You killed him."

"Or would you rather die, Celestine?"

"B-Bakit? P-Paano? Paano nakapasok ang lalakeng 'yan sa school? The security—"

"I was hunting him. They are hunters, Celestine. Eye Hunters."

"N-No. T-Tell me I'm d-dreaming. This c-can't be h-happening."

"You have to come with me."

"Where? Why?"

My thoughts start to become vivid as I remember what I was missing.

There's more of them. Ability Users.

How Sir Takano guided me to where the rest of them is located was bleak. I can only recall fragments.

An elevator. Underground. Passageways.

"Why did you bring her here, Ryuu?!" It was Miss Yajima, our adviser. She's one of them. She also has an eye ability.

"She was attacked by a Class II, Eye Hunter."

"You should've been more careful! Letting an Eye Hunter inside school premises? You're unbelievable! First, Lucienne and now a student of mine?"

"Just hurry up and erase her memories. The sooner we deal with her, the faster I can gain information."

Miss Yajima turned to face me as her eyes went red and she looked directly into mine.

"You poor child."

No.

I need to wake up.

Wake up.

Wake up.

Wake up.

Wake up.

Wake up.

"Wake up, Celestine!"

My eyes abruptly open and I'm now wide awake. I'm breathing fast. Heart racing, hands shaking, sweat all over my forehead.

"Where am I?" I ask Luna.

"Underground," Sir Takano answers.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 8.7K 40
VOLUME 2 1 out of 4 chess pieces. 3 more left. New areas and Game Generals. New teams and players. Don't trust your eyes, Everyone is in disguise. Ea...
245K 15.9K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...
5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
594K 17.9K 58
Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa...