Shivani Series #1: Sereia Ver...

Bởi Peonylf

2K 517 12

1st installment of Shivani Series Xem Thêm

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 1

220 107 3
Bởi Peonylf

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. I groaned when I felt a heavy thing in my tummy. Tiningnan ko kung ano ito and I was shocked to see an arm!

Beside me is Zaiden, who is now sleeping peacefully. Ang gwapo niya pa rin kahit tulog, pero medyo maamo siya tingnan kapag ganito kumpara kapag gising siya. Aaminin kong medyo na-intimidate ako sa kaniya kahapon. Pero inuna ko ang kaharutan kaysa ang matakot sa kaniya kaya ang ending ay ito at katabi siya.

I still can't believe that I almost did it with Zaiden. If malaman ng mga kapatid at pinsan ko 'to ay baka nabatukan na nila ako. Una, dahil sa legacy ng pamilya namin. Pangalawa, ay dahil hindi ko kilala nang lubusan ang lalaking kamuntikan ko ng magawan ng milagro.

To make it short, our family has a legacy. Iyon ay alagaan ang pagiging birhen hanggang sa ikasal ka. Hindi ko alam kung kailan, saan, at sino ang nag umpisa ng legacy na 'yan pero no choice akong sundin nalang.

Kaya hanggang kiss lang ang nagagawa ko sa mga lalaking nakilala ko, kamuntikan lang talaga ang kay Zaiden.

Anyways, I'm so happy. I feel like I'm on cloud 9 while taking a bath. After bathing, nag suot lang muna ako ng bathrobe dahil wala akong extra damit. Hinanap ko ang dress ko kagabi but it was nowhere to be found now, napaisip tuloy ako kung ganoon ba kami kaharot ni Zaiden kagabi tipong nawala ang damit ko.

Nilibot ko ang buong kwarto pagkalabas ko sa banyo, it's huge. I never thought na may hotel like room ang bar na 'to. Hindi ko ganoon nakita ang buong silid kagabi dahil sa biglaang kaharutan ni Zaiden, well at least nagustuhan ko rin ang kamuntikan na pangyayari sa pagitan namin ni Zaiden. Napalingon ako kay Zaiden na mahimbing pa rin ang tulog.

He's still wearing his white sleeves and his pants yesterday. I sighed and sat beside him. Kinuha ko ang phone ko sa table na nasa gilid, bilib ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang ilagay ang gamit ko sa table habang may ginagawang kababalaghan. Umupo ako sa gilid ng kama habang kinakalikot ang phone ko.

I saw lots of missed calls and messages from my cousin, Elaila. Messages from my twin sisters. A call from my secretary and two chats from my parents. Marami pang iba't ibang messages from boys pero hindi ko binuksan kailan man ang mga 'yun. This is all Meeva's fault, lahat ng lalaking nagtatanong tungkol sa phone number niya ay yung akin ang binibigay. Only because she wants me to finally settle down.

Twenty-five na ako pero ang tanging stable lang sa akin ay ang financial, bahay at sasakyan. Hindi naman ako pine-pressure ng parents ko na magpakasal na, kung tutuusin ay strikto si Daddy kaya ang ibang lalaking sinubok kong ipakilala sa kaniya ay tumatakbo o di kaya lumalayo sa akin.

Ang ending, walang nagtagal sa akin. Wala rin naman akong paki sa kanila, hindi ko kailangan ng lalaking sa Daddy ko palang ay takot na. Hindi pa nila nakikita kung paano magalit si Mommy dahil sa maamong mukha nito. Even the twins are scary when they're mad.

Kaya tipo ko talagang mapangasawa ay ang malakas at malaki ang katawan so they can protect me and mabusilak ang puso. Plus points nalang siguro ang kapogian at kayamanan.

I glanced at Zaiden and unknowingly smiled. Malaki at malakas si Zaiden, may-ari pa ng bar ang kapatid niya so I bet he's also successful. And the way he treat me yesterday-such a gentleman!

Kung ibang lalaki 'yun, siguro ay pinagsamantalahan na nila ang pagpayag ko kahit malaman pa nilang yun ang unang beses na susubukan ko ang bagay na 'yun.

Now, my dear sister, you don't have to worry about me because I finally met someone I think is worth falling for.

Binalik ko ang tingin ko sa phone at una kong binuksan ay ang chats ng parents ko. They're just asking me to come home later for a family dinner dahil may importanteng sasabihin si Daddy, I replied an emoji saying okay and went to my twin sisters messages.

The Twin

Meeva: Ate Sevie, I heard from Ate Ley that you got yourself a boyfriend. Is that true?

Mezie: I hope it's not some fling this time. I want to have a nephew or niece :3

Meeva: Hindi umuwi means yes!

I rolled my eyes and chuckled. Nag reply lang ako sa gc ng teasing emoji before going to Elaila's messages. Tinambakan ba naman ako ng messages e. Dinaig pa ang mga magulang at kapatid ko kung mag-alala.

Sabay kaming lumaki ni Elaila, matanda lang siya ng buwan sa akin. Magkahawig daw kami sabi ng ibang tao. Hindi ko sila masisisi, kambal ang Daddy namin.

My OA couz

Ley: Couz, I saw you talking to the bartender. Don't tell me you're flirting with him. He looks so scary, don't get into trouble!

Ley: As much as I want to go to you right now, I can't ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ I am tailing my ex-boyfriend fufu

Ley: WHAT THE? SEREIA, WHERE ARE YOU?! nawala lang ako sandali, nawala ka na rin?! Worse, wala na rin dito yung bartender.

Ley: Don't tell me..

And so on and so forth. Puro tanong siya about my whereabouts and after that she kept on calling me. Sumandal ako sa headboard bago tawagan ang phone number ni Elaila, after a few rings ay sinagot niya ito.

["Seriously, couz?! Ngayon ka lang tumawag kung kailan halos mabaliw na ako kakahanap sa'yo kagabi. Kung hindi pa sinabi ng ex-boyfriend ko na nakita ka niya na may kasamang bartender upstairs ay masisiraan talaga ako ng bait!! Alam mo naman kung paano manermon si Tito Seidon!"] sunod-sunod na sabi ni Elaila sa kabilang linya. Halos mailayo ko na ang phone ko sa tainga ko dahil sa pag sigaw niya. ["Hindi nga ako sinesermonan ni Daddy but your Dad will!"] dagdag pa niya.

"You're being paranoid again, couz" natatawang sagot ko sa kaniya. Nilalaro ko ang buhok ni Zaiden habang kausap si Ley. Ang fluffy kasi.

["Of course! Ano bang malay ko kung may nangyari na sayong masama?!"] she's sweet but scary.

"Nothing happened but I think I found my man..?" hindi pa siguradong sagot ko kay Ley. Medyo pabulong pa dahil natatakot ako na baka marinig ni Zaiden kahit na alam kong impossible dahil tulog naman siya.

["The bartender? You always tell me that you like strong and big guys, plus wealthy men. Wala kang nabanggit na type mo rin pala ang mga bartenders"] pinigilan ko ang sarili kong matawa sa sinabi ni Ley. I just wish na nasa loob siya ng condo niya right now so other people won't hear her. Hindi ko kakayanin kung may makarinig sa kaniya, I'm sure everyone will laugh at her for pointing someone's type.

"Sabi mo, nakita mo kaming magkausap kagabi. Then, I assume you also saw how big his body is!" ani ko "And I assure you that he's strong and pretty wealthy" dagdag ko pa.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.

["Then at least tell me that you didn't do 'it'. Remember our legacy"] may diin nitong saad. I shrugged my shoulders and chuckled while looking at Zaiden.

["Don't you just laugh, Sevie! You know this is a serious ma-"] I cut her off. Alam ko naman ang sasabihin nito. Palaging siya ang nagpapaalala sa akin ng bagay na 'yun. Dahil siguro yung mommy niya ang unang sinermonan ng lolo namin noong nalaman na nakabuntis si Tito Cael while fiance palang sila. Hindi rin naman nakatakas ang mommy ko sa sermon na 'yun.

Kahit may label na ang strikto pa rin.

"I know, Ley. Don't worry we didn't. I'll tell you the whole story later, for now I'll end the call. Bye!" hindi ko na hinintay ang sasabihin ng OA kong pinsan at binaba na ang tawag.

Nilapag ko ang phone sa side table at tinitigan lang ang mukha ni Zaiden. I traced my finger on his face, sobrang gwapo ba naman kasi at hulmang-hulma ang bawat sulok ng mukha.

Kaya naman palang gumawa ni lord ng mga ganito pero bakit nag-iisa lang? Sobrang yabang ko na ba kung makukuha ko ang lalaking kagaya ni Zaiden?

"Should I give you a photo of mine, so you can just look at it. Mag sawa ka kakatitig" napaigtad ako nang marinig siyang magsalita. His eyes are still close. "Should I?" he added, kahit ang morning voice niya ay sobrang attractive. Nakabukas na ng kaunti ang isa nitong mata.

Tumikhim ako bago sumagot.

"I don't think magsasawa ako sa gan'yang mukha" natatawang sagot ko. He smiled and woke up. Kinusot niya ang mga mata niya, his hair are messy..

Cute

He excused himself na pupunta sa banyo. I let him do his morning routine. My jaw dropped when he went out na nakatapis lang ang parte kung nasaan ang alaga niya. His abs is in full show. 8 packs, wow. Just wow!

"If eyes can fuck, hindi na virgin ang mga abs ko" natatawang asar niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin kahit ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.

Umupo si Zaiden sa tabi ko at kinuha ang phone niya sa side table na katabi ko. He is so much closer to me kaya amoy na amoy ko ang bango niya. Nakakaadik.

I saw him dial a number. Natahimik lang ako sa gilid, kahit pilitin Kong wag ihilig ang ulo ko ay hindi ko magawa. Nakakapukaw atensyon naman kasi ang abs niya, e.

"Yeah.. I don't know.. No.. I'm upstairs.. bring me some casual clothes for me and.." he stopped and looked at me. He smiled before continuing.

Hala siya, alam na alam kung paano ako pakiligin

"Bring a comfortable casual clothes for a lady. Make sure it's comfortable to wear, you're a girl yourself so I'll trust that matter to you... I'll tell you later, bye" and with that he ended the call.

Gusto ko sanang itanong sino ang kinausap niya but I chose not to. I heard he's asking for ladies clothes, para sa akin yata.

"Uh, thank you. Ayoko abalahin ang pinsan ko to bring me clothes here, OA kasi yun" nahihiyang ngumiti ako sa kaniya.

Plano ko talagang magpadala kay Elaila kanina ng damit habang magkausap kami but I told her that me and Zaiden didn't do it-which is true, pero sa sobrang OA ng pinsan ko na 'yun ay baka ma-misunderstood niya ang sitwasyon.

Umupo sa gilid ko ang half-naked na si Zaiden.

"No, I'm sorry for ruining your dress yesterday" malambing na aniya.

I felt my cheeks burning kaya naman umiwas muna ako ng tingin. Tumayo si Zaiden at dumiretso sa fridge, lumawak ang ngiti ko nang makita ang pudding doon. Tumayo ako sa kama at pumunta sa gilid ni Zaiden.

"You want something?" napansin niya ata ang katakaman ko sa pudding na nasa refrigerator.

"I'll have the pudding" excited na saad ko. He gave me the whole box of the pudding. Habang siya naman ay nag toast lang ng bread.

Favorite ko kasi ito simula bata pa ako. Mom loves to travel in Japan kaya laging may pudding na pasalubong. It feels so nostalgic tuloy, I remember sharing this to someone before pero hindi ko na maalala kung sino.

Basta all I can remember is it's a boy. Super vivid na ng mukha niya sa memory ko.

Habang nilalantakan ko ang pudding ay may biglang kumatok sa pintuan. Zaiden insisted to open the door so hinayaan ko siya. Nakasuot na pala siya ng simpleng khaki pants at white t-shirt. Ganoon na pala ako katagal mag reminisce ng memory.

I saw a short haired woman came inside the room. She's wearing a simple red fitted dress. May bitbit siyang paper bag. Our eyes met, and her eyes widened when she saw me. Para bang nakakita ng multo.

"Oh gosh!!! She's so damn pretty, like an angel!! You're lucky, Asael" matinis na sigaw nito, hindi naman masakit sa tono kaya okay lang. Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay.

Kita ko sa peripheral vision ko ang pag iling ni Zaiden. Girlfriend niya kaya 'to?

Bago pa ako magtanong kung girlfriend ba siya ni Zaiden ay naunahan na niya ako sa pagsalita.

"Hi! I'm Enora. Just like my name, I am honored to meet my cousin's girlfriend" masiglang pakilala nito.

Namula ang pisngi ko sa kahihiyan. I almost ask her if she's his girlfriend!! I'm glad hindi ko napahiya ang sarili ko sa harap ng kapamilya ni Zaiden.

Wait.. Me? Girlfriend?

I glanced back to Zaiden but he's just smirking!

"I'm Sereia, it's also nice to meet Zaiden's cousin" nakangiting bati ko pabalik. Hindi ko na inabala pang itama yung huling sinabi nito dahil kinikilig na rin naman ako.

Hinampas nang mahina ni Enora si Zaiden sa braso tapos ay binalik sa akin ang tingin. Ang cute nilang magpinsan.

"Sorry if my reaction are too much" natatawang aniya. "Ngayon ko lang nakitang may kasamang babae ang lalaking 'to. At super ganda pa! Modelo ka ba?" mabilis niyang salita. Yung huli nga lang ata yung naintindihan ko.

"She's older than you, Enora. Show some respect" maawtoridad na singit ni Zaiden.

"WEH?!" malakas na sigaw ni Enora. Napatakip pa siya ng bunganga, gusto kong matawa pero pinigilan ko nalang. "I thought we're the same age! Hindi halatang above 23 years old ka na, ate Sereia" gusto ko nang itago ang mukha ko dahil alam kong namumula na ang mga ito.

Marami na akong natanggap na compliments before pero hindi pa rin talaga ako sanay.

"You have class, right? Just give me the paper bag and go" pambabasag ni Zaiden sa katahimikan.

"Sungit. Pasalamat ka may klase talaga ako" pambabara ni Enora kay Zaiden. Bumalik ang tingin ni Enora sa akin at inabot ang hawak niyang paperbag habang nakangiti.

"May undies na rin 'yan" bulong nito sa akin. Kahit nahihiya at ngumiti ako at nagpasalamat.

Lumabas na si Enora kaya naiwan na naman kami ni Zaiden sa loob ng silid. Gusto kong magpalamon sa lupa dahil pakiramdam ko ay na-misunderstood ni Enora ang nangyari sa amin ni Zaiden. I bet she's thinking na may nangyari nga talaga sa amin.

"B-banyo lang ako" nahihiyang paalam ko. Nakita ko pa ang pagpigil niya ng tawa kaya dinalian ko na sa pagpasok sa banyo.

Black top and beige trouser ang laman ng paper bag, comfortable siya suotin. Nakita ko pa ang isang maliit na papel na nakaipit doon, I immediately smile to see Zaiden's number. Of course naroon din ang number ni Enora, she probably put it here. Ibinulsa ko muna yun at lumabas na.

Paglabas ng banyo ay nakaupo na sa dining table si Zaiden, hindi niya pa ginagalaw ang pagkain sa harap niya.

"Malamig na ata yung bread" saad ko mula sa likod niya. Nilingon niya ako, his pair of gray eyes are now looking at me. I can feel again the butterflies inside my stomach.

Aga-aga, Sereia!

"I'm waiting for you, sabay na tayo" sagot niya sa malalim nitong boses. Tumango nalang ako at umupo sa tapat niya. Acting nonchalant pero deep inside gusto kong sumigaw sa kilig.

Even my past flings, never nila akong hinintay sa pagkain. One time nga ay nasa restaurant kami ng last guy na nag-aya sa akin ng dinner, nagpaalam lang ako na iihi sandali but the next thing I knew halos patapos na siya sa pagkain. So ang ending, hindi ako nakakain nang maayos dahil minamadali niya ako.

"Sorry, bread and coffee lang ang available. Do you want me to order something?" napabalik ako sa wisyo nang magsalita si Zaiden.

"No! I mean, it's fine. I love bread and coffee" sagot ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Why do I look like I'm so desperate not to ruin the impression that Zaiden had in me?

"Is there something wrong? Uncomfortable ba ang suot mo? I can order some clothes.." mabilis akong umiling sa sinuggest niya.

Nilabanan ko ang titig niya sa akin.

"Comfortable naman" nakangiting ani ko. "I just want to say thank you for taking care of me, baka kung ibang tao 'yun ay iniwan na ako sa loob nitong silid mag-isa" dagdag ko pa.

Totoo naman, bilang na nga lang ata ang mga gentleman sa mundong ito. Gentledog na ang karamihan.

Ewan ko ba kung namalikmata lang ako o ano pero nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon ng mukha ni Zaiden. Bumalik din agad ito sa normal kaya para tuloy akong namalikmata.

"If I wasn't the one you met yesterday, would he be the one you'll spend time here today?" may halong dismaya ang boses niya. Para siyang puppy na malungkot sa harap ko ngayon, nagha-halucinate pa nga ata ako dahil parang may tenga siya ng aso ngayon.

"Of course not! Mukha ba akong papatol lang kahit kanino?" pag dipensa ko.

May standard kaya ako!

"Of course not" puno ng kumpiyansa at nakangiting sagot ni Zaiden. Para akong nasilaw sa ganda ng ngiti niya.

I saw him smile and smirk yesterday and earlier pero this one is special!! Ang genuine ng ngiti niya.

"U-ubusin mo na nga 'yan" pag-iiba ko. Tinuon ko ang pansin sa bread na nasa harap ko. Gusto ko na talagang sumigaw sa kilig!

"Where do you live? Hatid na kita" pangbabasag nito sa katahimikan. He's now leaning in the kitchen.

Grabe ang tagal ko na naman palang nilaban ang inner self ko.

Nilapag ko ang plate sa hugasan. Ako na sana ang maghuhugas pero kinuha naman ni Zaiden agad sa kamay ko ang sabon at sponge.

"Kaya kong maghugas" saad ko habang nakapameywang na nanonood sa ginagawa niyang paghugas.

"I know, but let me" hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya.

AAAAAAAAAAAA

Habang naghuhugas siya ay sinabi ko na sa kaniya ang address ko. Not just any dummy address but my real address.

I have my own car sa parking pero I will not let this opportunity slide. If my sisters and cousin heard about this, paniguradong kukulitin nila ako buong araw. Baka nga hindi lang isang buong araw. They know me. Alam nilang hindi ako basta basta bibigay sa isang lalaki. Binigyan pa nga ako ng nickname na "The devil in angel in disguise" dahil mukha raw akong anghel pero pang demonyo ang ugali kapag kaharap ang mga lalaki.

Pili ang mga flings ko. Hindi ako basta-basta papatol kahit kanino, may standards pa rin naman ako kahit gusto ko ng mag settle down. May mga nagtangkang kunin ang pinaka-iingatan ko kaya ang tanging ending lang nila sa akin ay ang tapusin ang kung ano man ang koneksiyon ko sa kanila.

But I don't know, yesterday I really don't care if Zaiden took my treasure.

Zaiden was so gentle that I forgot about our family's rule. But of course, hindi dapat ako magpakampante.

Matapos niyang maghugas ay bumaba na kami. Tahimik na rito hindi kagaya kagabi na sobrang nakakabingi. Bilang lang ang mga customers na nagpapalipas ng oras ngayon.

Malamang, sino ba namang magpa-party nang maaga??

Si Elaila. Kaya siguro naging paboritong lugar ni Elaila ito dahil 24/7 silang bukas, kaya anytime na mag relapse siya sa ex niya ay dito ang punta niya para maglasing.

"Sure ka bang ihahatid mo ako? Sino nalang magbabantay ng bar?" tanong ko sa kaniya.

"Don't worry, babalik din agad si Enora. And, mapagkakatiwalaan ang mga staffs dito" tumango-tango nalang ako sa sinabi ni Zaiden.

Nakita ko ang pink baby Bentley ko sa dulo ng parking lot.

Babalikan ka ni Mommy, baby ko! For now hayaan mo muna lumandi ang iyong mother.

Huminto kami ni Zaiden sa tapat ng isang magandang black Bentley. Same design tulad ng sa akin!!

"Is this yours?" pinigilan ko ang sariling mag tunog manghang-mangha baka kasi ma-weird-uhan siya sa akin.

"Yes. I love Bentley" napangiti ako.

"Me too!! Look, yung pink Bentley sa dulo, that's mine!" para akong bata na nagpapakita ng laruan sa kaibigan.

Nakangiti lang siya sa akin kaya naman naramdaman ko na ang kahihiyang ginawa ko. Umayos ako ng tayo at pumasok na sa passengers seat. Inalalayan pa nga niya akong makapasok.

Bare minimum na kung bare minimum, but Zaiden's is such a gentleman.

I never encountered a gentleman before kaya lahat ng ginagawa ni Zaiden ay naninibago ako. Nasanay yata ako sa mga red flag na tao.

I bet the reason why hinahayaan nila ako is just because they think I'm too independent. But in reality, I wanna be babied! I want to experience how to be treated like a princess-yes, I experienced some princess treatment from my Daddy but this is different.

But.. what are we?

Hindi na ba kami magkikita after niya akong ihatid sa bahay? I'm not drunk yesterday, I clearly remember that he said he'll prove his worth to me. But what does he mean by that? Those past flings I had never made me think like this, I don't even know why I'm so obsessed to know or to have clarification with my relationship with Zaiden.

Are we flings? Definitely not FuBu. And I'm sure I'll definitely fall for Zaiden, who wouldn't?

He didn't took advantage of me yesterday. He knows that ladies treasure is important. Pinalaki siya ng tama ng parents niya, it's clear on how gentle he is towards me.

"Are we going to see each other, again?" pagbasag ko sa katahimikan. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe.

Nilingon ako sandali ni Zaiden bago niya ulit ibaling ang tingin sa daan. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong sistema ng katawan ko nung hawakan ni Zaiden ang kamay ko.

"We'll meet again, Sereia" he answered.

"As? Friends?" I don't care if I sound desperate. I don't want to waste someone like Zaiden, kung ibang lalaki pa siguro 'to at hindi si Zaiden ay baka hinayaan ko nalang.

Huminto na ang sasakyan, kita ko na rin ang gate ng bahay ko sa gilid.

Zaiden took off his seatbelt and leaned forward near my face. Napadiin ang hawak ko sa seatbelt, kinakabahan na na-eexcite ako sa susunod na mangyayari o sasabihin ni Zaiden.

"My imagination of our relationship are far beyond friendship, Sereia. I'll let you know when the time comes, for now, I'm letting you know that friends don't kiss" aniya at pinatakan ako ng halik sa labi. Mga tatlong segundo lamang yun kaya naman natulala ako matapos niyang humiwalay sa akin.

Zaiden Asael, the man you are!!

--

A/N:

Thank you for reading, little feedbacks will always be highly appreciated!!

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

70K 2.5K 65
Yumi WARNING: R-18 Veni, Vidi, Amavi Series #1 Here With Me ONGOING Old Title: Among The Crowds 🎭⚖️ CTTO for the background photo🤍
1M 32.3K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
69K 828 47
[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I...
666K 9.9K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA