Mr.saltik meets Ms.baliw

By msadiksapink

3.3K 57 2

ito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30(Last Chapter)

CHAPTER 24

75 0 0
By msadiksapink


Terrence Pov

Sana ganito na lang kami ni Trixie palagi.

Yung walang humahadlang, yung masaya lang.

Katulad ng nararamdaman ko ngayon.

Tanggap ni Lola si Trixie at ang pamilya niya.

Masaya ko sa piling ni Trixie kahit para kaming aso't pusa.

Masaya si Papa sakin dahil lagi na kong nakangiti at dahil kay Trixie yun.

Simula kasi ng mawala si mama madalang na kong ngumiti

Kaya hindi ko hahayaan na mawala siya sakin.

Isa na lang talaga ang kulang ang Bestfriend kong si May Ann.

Wala na kong balita sa kanya simula ng umamin siya sakin, hindi na siya nagpaparamdam sakin.

*KRING*KRING*

Unknown Number?

Sino naman kaya to.

"Hello?"

[Terrence]malungkot nyang sabi

"Kuya Louie?"

Si Kuya Louie ang kuya ni May Ann at mas matanda siya samin ng tatlong taon.

[Pre tulungan mo naman ako oh,si May Ann]

"Bakit po anong nagyari?"

[Isang Linggo na siyang hindi kumakain at ikaw palagi ang hinahanap niya.please puntahan mo siya dito.]sabi niya ng nagmamakaawa

"Okay sige po!"

Lumabas na ko ng bahay at hinanap si kuyang driver.

"Kuya punta po tayo sa bahay nila May Ann"utos ko sa driver ng makasakay na kami sa kotse.

"Paki bilisan po"

****

"Kuya Louie!"sigaw ko sa bahay nila

"Sr.nasa taas po kanina pa po niya kayo inaantay"sabi ng isang katulong.

Umakyat na ko sa taas.

"Si May Ann?"

"nasa kwarto niya lagi siyang nakakulong at ayaw niyang lumabas,"-Kuya Louie

Pagtungo sa kwarto niya agad ko yung binuksan.

At sinalubong niya ko ng mahigpit na yakap.

"Terrence *SOB*SOB*SOB*"

Umiiyak siya

"May Ann ano bang nangyayari sayo?''

"Terrence mahal na mahal kita *SOB*SOB*SOB*iwan mo na si Trixie"

"May Ann diba nagusap na tayo tungkol dyan?"

"Hindi ko kaya please *SOB*SOB*SOB* "

Pinaupo ko muna siya sa kama.

"Wag mo kong iwan please!"

"hindi kita iiwan pero please alagaan mo muna ang sarili mo"

Inabot sakin ng isang katulong yung isang tray ng pagkain.

Tinignan ko lang siya kumain.

Naawa ko sa kanya dahil mugto na yung mata niya at pumayat din siya.

Kapatid na rin ang turing ko sa kanya kaya ayokong makita siyang nasasaktan.

Pagkatapos niya kumain tinabihan ko muna siya ng maramdaman kong mahimbing na ang tulog niya.

Bumaba na ko.

"Kuya Louie uuwi na po ko"

Tumango lang siya kaya tumalikod na ko.

"Terrence"

Nakakailang hakbang pa lang ako ng tawagin niya ko.

Kaya napahinto ako at napaharap sa kanya.

"Terrence may sakit sa puso si May Ann kaya ayokong makita siyang nagkakaganyan makakasama yan sa puso niya"

Malungkot niyang sabi.

Bestfriend niya ko pero hindi ko alam ang kalagayan niya.

Ang sama kong kaibigan.

''Please tulungan mo siya"

Mangiyak ngiyak at nagmamakaawang sabi ni Kuya Louie.

"Para po sa ikakabuti ni May Ann"

"Salamat"

Eto na lang siguro yung pambawi ko sa pagkukulang ko bilang kaibigan niya.

"Gusto niya na nasa tabi ka niya sa araw ng Operasyon niya.gusto niya nandun ka habang nagpapagaling siya"

"Mahal na mahal ka niya. kahit ito na lang yung ibigay mong sukli sa nararamdaman niya sayo,sa susunod na linggo na ang alis niya,pupunta siya sa America para dun magpagaling,please sumama ka"

"Mga isang taon lang naman siguro ang pagpapagaling niya dun diba?"

"Terrence yun nga ang problema hindi namin alam kung hanggang kailan siya dun,hindi namin alam kung gagaling pa siya."

"Pero kuya Louie paano si Trixie?''

"Mas uunahin mo pa ba siya na masigla kaysa sa kapatid kong malubha ang sakit ha!"

Galit na galit niyang sabi.

"Pero Kuya Louie ayoko namang iwan ang girlfriend ko."

"Uunahin mo pa ba siya ha?Kapag Hindi ka sumama papatayin ko si Trixie"Aambahan niya na ko ng suntok.

Pasigaw at galit na galit na sabi ni Kuya Louie.

Alam kong kayang kayang pumatay ni Kuya Louie dahil isa siya sa member ng Gang.

Kinabahan ako.

"Kuya gusto ko rin na gumaling si May Ann pero wag mo naman akong ipitin sa sitwasyon na to."

"Terrence buo na ang disisyon ko.kapatid ako ni May Ann kaya gagawin ko ang lahat para umayos ang kalagayan niya at maging masaya siya"

"Pero Kuya Louie-"

"Kapag Hindi ka tumupad sa usapan alam mo na ang mangyayari sa babaeng iniingatan mo!"

Tumalikod na siya at umakyat na sa taas.

___

"Ano nakapagdisisyon ka na ba?

Eto na ang huling araw ni May Ann dito sa bansa.

At ngayon ko na rin sasabihin sa kuya niya ang desisyon ko.

" pumapayag na ko basta siguraduhin mong walang mangyayaring masama kay Trixie"

Hindi ko maintindihan ang inaasal ni kuya Louie.

Oo sabihin na nating may sakit ang kapatid niya pero hindi na dapat umabot na kailangan may patayin siya.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo"

Nanahimik na lang ako dahil hindi ko alam kung makakaya kong iwan si Trixie.

"Eto nga pala ang past port mo 7:00AM ang flight natin kaya ihanda mo na ang mga gamit mo"

"Osige kuya mauuna na ko"

"Siguraduhin mong sisipot ka bukas!"

Umalis na ko,

Kailangan kong puntahan si Trixie.

Trixie POV

"GOODMORNING SA INYO GISING NA PO AKO"

kumakanta ako habang naguunat.

Tumayo na ko at nagsuklay ng mapansin kong may red stain ang padjama ko.

Syemay ! Ngayon pa nagkadalaw.

Bumaba na ko para magpalit nasa Cr kasi yung isang balot ng napkin.

*DINGDONG*

Napatigil ako papunta sa cr ng marinig kong may nag doorbell

Hala patay !may tao,baka sila mama lang yan,

"Oh saltik ang aga mo yata?"

Binuksan ko na yung gate at pumasok na siya,

Tumalikod na ko at nauna nang maglakad,

"Uy baliw bakit may?Teka may dalaw ka ba ngayon?"

Patay nakalimutan ko may red stain pala ko,

"Ha?A-ano ka-"

Tumakbo ako palayo sakanya,kasi nakakahiya,

"Uy baliw sandali!Trixie"

Narinig ko pang sigaw niya, Pumasok na ko sa cr grabe nakakahiya.

___

Terrence POV

Baliw talaga yun tumakbo kaagad,natural lang naman sa kanya yun!

Pero itong kabaliwan niya ang pinakamamimiss ko,

Umupo na ko sa sopa habang inaantay siyang makalabas.

"BALIW! MALIGO KA NA RIN HA"

Sigaw ko.

"EH!TEKA WALA AKONG DALANG TWALYA"

"sandali kukuhain ko sa taas!"

*TOKTOK*

"Oh!"

Binuksan niya yung pinto ng cr na mukha niya lang ang makikita.

Binigay ko yung twalya ng hindi tumitingin

Umupo na ko sa sopa habang inaantay siya.

Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo.

"Hoy wag kang titingin ha twalya lang nakabalot sa katawan ko."

"Oo na umakyat ka na dun"

"Hi saltik"sabi niya pagkababa niya

kumaway pa siya sakin na nahihiya.

"Halika nga dito"tinapik ko yung sopa na nagpapahiwatig na umupo siya sa tabi ko.

"Bakit namumula ka?"sabi ko ng nakaakbay sa kanya

"Kasi nakakahiya yung nangyari kanina"malungkot niyang sabi at nagpout pa siya.

"Okay lang yun sakin, kasi natural lang sa babae ang mag ka ganun."

"Talaga??"

Nagpout siya, mamimiss ko din yung maganda niyang mukha.

"Oo naman"at kinurot ko siya sa magkabilang pisngi niya.

"Weh?"

"Syempre mahal na mahal kaya kita, gusto mo ako pa bumili ng napkin mo eh! Oh kung gusto mo ako pa maglaba ng pinagtagusan mo eh!"

"Ewan ko sayo!"

"Teka asan sila Tita?'

"Obvious ba?edi umalis!"

"Tss namilosopo pa!magbihis ka na nga!"

"Eh kakabihis ko lang kaya!"

"Ibig kong sabihin magbihis ka ng pangalis!magdress ka ha!"

"Eh wala nga akong dress"

"Oh ayan!"binigay ko sa kanya yung paper bag na may lamang dress na binili ko

Tinignan niya ko na nagtataka

"Saan naman tayo pupunta aber?"

"Basta!"

"Tss!"

Sagot niya.

Bagay na bagay sa kanya yung dress na binili ko.

Color blue yun na above the knee na sleeveless at naka doll shoes din siyang blue.

Ang ganda niya, Ang sarap niya pagmasdan habang bumababa.

Hindi ko alam kung makakaya ko siyang iwan, Ayokong sabihin sa kanya na aalis ako, Dahil ayoko siyang makitang umiiyak,

Pero alam kong sa pagaalis ko masasaktan siya.

"Ano tara na?"

Sumakay na kami sa sasakyan at syempre may driver kami.

Kasi bata pa ko,kaya bawal pang magdrive.

"Baliw."

"Hmmm"

"Gising na nandito na tayo."

Bumangon siya sa pagkakasandal sa balikat ko.

"Tignan mo laway mo"turo ko sa balikat ko na tatawa tawa.

"Hoy kahit tulo laway ako matulog mabango naman yan!Hmpf"

Baliw talaga!

Nauna na siyang lumabas sakin

Masasabi kong isang paraiso toh dahil ang sarap ng sariwang hangin,tahimik at ang linaw ng tubig sa karagatan,ang puti ng buhangin.

Dito ko siya dinala para masolo ko siya.

Gusto kong gawing masaya ang araw na to bago ko umalis.

Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"Wow Terrence ang ganda"

Hinila niya ko at tumakbo kami sa dalampasigan.

"Sabi ko na magugustuhan mo eh"

"Gustong gusto ko"ngumiti siya ng matamis na ngiti.

Yun yung ngiting pinakamamimiss ko.

"Tara"

Dinala ko siya dun sa may tabi ng puno

Kung saan may nakalatag na mantel at may mga pagkain.

"Wow"

Umupo siya dun.

"Bakit mo ko dinala dito? Atsaka may paganto ganto ka pang nalalaman ha"

"Simple lang mahal kita"

"Weh?"

"Bakit pag sinasabi kong mahal kita weh lagi ang sagot mo?diba dapat I Love you too oh mahal rin kita"

"Edi I Love you too"

"Huh?ano yun?"

"I LOVE YOU TOO TERRENCE MONTEVERDE"sigaw niya

Ang sarap naman pakinggan nun mula sa kanya.

"pikit ka muna"

"Bakit?"

"Basta!"

"Hoy umayos ka! baka pagmulat ko nasa bunganga na ko ng pating"

"Baliw!pikit ka na kasi"maktol ko

Habang nakapikit siya kinuha ko yung apat na roses

Isa muna yung nilabas ko.

"Mulat na"

"Wow red rose"

"I.."

Nilabas ko uli yung pangalawang rose

"Love..."

Nilabas ko yung pangatlong rose

"You..."

Nilabas ko yung panghuling rose

"Forever"

Ngumiti siya at niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan ko naman yung nuo niya.

Pinipigilan ko yung luha ko na kanina pa gustong lumabas.

Hindi ang katulad mo ang dapat kong saktan pero gagawin ko na.

Siguro nga Hindi ako yung lalaking para sayo.

Sana sa pagalis ko madali mo na lang akong kalimutan.

"Punta tayo sa dalampasigan Tara"

Tinanggal niya yung sapatos niya at pinatanggal niya rin yung sapatos ko.

Nilublub niya yung paa niya sa tubig.

Winisikan ko siya ng tubig sa mukha.

"Umayos ka pag nabasa damit ko."

"Bleh!"dinilaan ko siya.

Nagulat ako ng wisikan niya ko at bigla siyang tumakbo.

"Hoy baliw ka talaga!"

Hinabol ko siya,para kaming mga bata na malayang naglalaro.

Nang maabutan ko siya, binuhat ko siya na parang may pasan akong baboy.

"Kyaaaah saltik!!"

"Hahaha ikaw ha!"

Inihiga ko siya dun sa mantel kaya ako na yung nasa ibabaw niya.

Tinitrace ko yung mukha niya

"Ang girlfriend kong baliw!baliw!"kanta ko

"Ang boyfriend kong may saltik!saltik!"

Kanta niya naman.

*chup*

Kiniss ko siya pero smack lang

Mamimiss ko rin ang malambot niyang labi.

"Tara kain tayo"

Pagaaya ko

Kumain kami ng kanin at ang ulam namin ay fried chicken.

Para siyang bata kung kumain.

"Baliw!may kanin ka pa sa bibig"

Tinanggal ko yun gamit ang thumb ko.

Pagkatapos kumain naglibot libot muna kami.

Nagulat ako ng bigla siyang huminto at may kinuha siyang kapirasong stick.

Nagsulat siya sa buhangin ng 'TRIXIE LOVE TERRENCE'

"Oh diba symbolo yan na dinala mo ko dito sa pinakamagandang lugar na to"

"Eh mabubura din yan"

"Edi pipicturan ko"

Kinuha niya yung cellphone niya at pinicturan ang sinulat niya.

"Tara"

Hinila niya ko at nagselfie kami katabi yung sinulat niya.

"Tara balik na tayo dun sa puno gutom na ko"

"Gutom ka nanaman?"

"Hehehe"

Bumalik kami dun at umupo ako sa mantel at humiga naman siya sa lap ko habang kumakain siya ng apple.

Para siyang bata humiga sinisway niya pa yung hita niya habang kumakain.

Sinusuklay ko naman yung buhok niya gamit ang kamay ko.

"Terrence tignan mo yung ulap hugis baby''

Turo niya sa mga ulap, kaya napatingala ako.

"Oo nga noh,"

"Terrence kung ikaw man yung mapangasawa ko sa future gusto ko yung magiging anak natin yung kasing ugali mo yung sweet,mabait,maalaga,at mapagmahal pero wag lang yung saltikin"

Ang sarap pakinggan ng sinasabi ni Trixie pero baka hindi na magyari yun o baka malabo nang magyari yun dahil ako na ang lalayo.

Gusto kong bumuo ng pamilya na siya ang kasama ko pero sa sitwasyon ko ngayon malabo na.

"Syempre dapat yung kasing gwapo ko din"

Imbis na sumagot siya pinagmasdan niya lang yung ulap.

Habang ako naman pinagmamasdan ang mukha niya at ang mga kilos niya na minahal ko na.

Para rin naman sa kaligtasan niya ang gagawin ko

__

A/N:ang tagal ko magupdate nuh,sensya na po.

Thank you po sa mga nagvote comment na lang po kayo kung pangit yung story ko.maraming thank you po sa pagbabasa.^_^

Continue Reading

You'll Also Like

273 10 24
psssttt hey newbie here so please patawarin nyo ako kung may mga mali sa story ko well supposedly kakabago kulang nah gawa tong story kaya wag kang b...
108 0 1
Sana magustuhan ninyo first story ko po ito.... Comment po kayo if nabasa ninyo na po ito ^^... Sorry kung madaming typo at wrong grammar ah...
172 3 1
please po pki support ng story na toh... at kung may mali mn po akong nsulat pki comment nlang at phabaan nlang din ang pcnsya nyo ...ty... hope you...
21 0 1
:P hello po sa inyo :D read naman po ninyo 'tong first story ko, kahit reads lang po masaya na 'ko, haha >Newbie lang po kaya pasensya na ^____^ next...
Wattpad App - Unlock exclusive features