Seven Days Of Heartbeats

By dimwitlivid

1.7M 59.2K 12.4K

Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him... More

00 : Prologue
01 : Skip a Beat
02 : Her life
03 : Break Up
04 : The Deal
05 : Day One
06 : Mysterious Guy
07 : Bestfriend
08 : Day Two
09 : Text
10 : Sponsors
11 : Day Three
12 : Day Four
13 : Camping
15 : His Name
16 : The Donor
17 : Day Six
18 : The Heartaches
19 : The Operation
20 : Wish Granted
21 : Day Seven
22 : The Promise
23 : The Letter | FINALE
01 : The Last Day | SC1
02 : A New Beginning | SC2
00 : Recommendations

14 : Day Five

52.6K 2.1K 239
By dimwitlivid


AVALYN

Napabuntong hininga ako matapos kong i-send kay Ian ang message ko. Nakapagpasya na akong palayain siya. Gusto kong magpaalam sa kaniya sa huling pagkakataon.

I am supposed to be with them tomorrow. Lance told me first about the camping two weeks ago. But unfortunately, Lance texted me a while ago that I can't come with them. He just told me the truth, na may isasama si Ian na ibang babae. Lance is way too honest, isn't he?

I was the one who suggested the place. I've been there with my foster Parents once. Alam kong magugustuhan din nila doon. Lumipas ang isang oras ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sa huli ay bumangon ako at nagtungo sa kabilang silid dala ang isa kong unan.

Agad namang napabangon sina Mama nang marinig ang pagbukas ng pintuan nila. Mabilis na tumayo si Mama at nagpunta sa akin.

"May masakit ba sa 'yo?" agad na bungad ni Mama. Halata sa mukha nilang kakatulog lang nila.

I know they were sleepless these past few days. Kunting galaw ko lang ay agad silang nagigising. Masyado silang takot na baka hindi na lang mamalayang hindi na tumitibok ang puso ko.

Mabilis ko siyang tinugon ng pag-iling.

"P-Pwede bang matulog sa tabi niyo?" naiilang na tanong ko. Nagulat naman sila sa tanong ko. Tumayo rin si Papa at lumapit sa amin.

"Sigurado ka?"

"Uh-hmm," tango ko.

"Pwede naman!"

Dinala nila ako sa kama nila, pinahiga sa gitna nila at sabay ipinatong ang braso nila sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit gusto kong matulog kasama sila. Gusto ko lang silang makasama ng matagal.

"Ma?" tanong ko.

"Hmm?" tanong niya. "Ano iyon, anak?"

"Gusto kong pumunta sa camping bukas," out of nowhere kong sabi. Agad naman silang bumangon dahil sa sinabi ko. Nagpalitan pa sila ng tingin bago muling tumingin sa akin.

"B-Bakit mo namang naisipan iyan?" tanong ni Mama.

"Lyn, bawal sa iyo ang mapagod. Pumunta na lang tayo kapag magaling ka na, hmm?" pangungumbinsi ni Mama.

Umiling ako sa kanila. "Magiging okay ako. Gusto ko lang kayong makasama. Kasama ng mga kaibigan ko. Gusto kong panoorin ang paglubog ng araw kasama kayo, manuod ng sine, pumunta sa amusement atsaka pumunta sa beach. Mag-road trip. Kahit saan, subukan natin lahat."

Kita ko ang mga lungkot sa mga mata nila. Iyon kasi ang pinangarap namin noon pero hindi naming nagawa dahil sa pagkawala nila. Pilit naman akong ngumiti bago nagpatuloy sa pagsasalita. ". . . Mga bagay na pangarap lang natin noon. Gusto kong gawin lahat ng iyon."

Nanginginig na ang labi ni Mama at pinipigilang umiyak. Tumulo ang isang patak ng luha mula sa mga mata niya bago tumango sa akin.

"Sige, gawin natin iyo," aniya habang nakangiti sa kabila nang namamasa niyang mga mata. Kahit kailan ay napakaiyakin niya. Saan ba ako magmamana?

"I love you, ma, pa," bulong ko. Mahal na mahal ko kayo. Lagi niyong tatandaan iyan kahit wala na ako.

"I love you too, anak."

"Mahal ka rin namin."

Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang pagbigat nito. Hanggang unti-unti akong kainin ng dilim. Sa hindi malamang dahilan, gumaan ang pakiramdam ko nang mailabas ko ang nilalaman ng puso ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

KINABUKASAN ay sinabi namin kina Hana ang plano naming pagpunta sa campsite. Agad naman silang pumayag. Sembreak namin ngayon kaya't lahat ay nakarating. Masaya ang lahat habang nasa byahe.

Hindi sila masyadong nag-ingay dahil sa pag-aalalang baka madala ako sa pagbibiro nila. Alam kasi nilang bawal akong makaramdam ng matinding emosyon. Natatawa na lang din ako. Masyado silang exaggerated.

Nagdala kami ng mga bagay na kakailanganin namin sa isang araw lang. Hangang hapon lang kami doon at kailangan na naming bumalik para i-admit ulit ako sa ospital.

Pinasan ako ni Papa sa likod niya matapos naming makarating sa baba ng campsite. Nasa taas kasi ito ng bundok. Tatlumpong minuto bago marating ang lugar.

Halo-halo ang emosyon ko habang pataas na kami. Inuukupa na ni Ian ang buong utak ko. Iniisip ko kasi ang mga sasabihin ko sa kaniya. Mukhang ito kasi ang huli naming pag-uusap.

Gaya nang inaasahan ko ay makikita ko si Ian doon kasama ng mga kabarkada niya... kasama ang babaeng gusto niya.

Nagpaalam ako kina Mama habang inaayos nila ang mga gamit naming. Buti ay hindi nila napansin si Ian dahil malayo ang pwesto nila sa amin. Hindi nagdalawang-isip na magtungo sa direksyon nina Ian na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng talon kung saan naliligo ang mga kasama niya.

"Ian..." tawag ko sa kaniya na siya namang ikinalingon niya. Mabilis siyang napatayo para harapin ako. Bakas ang pagkagulat nang makita ako.

"A-Anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong. Napatingin pa siya sa likod niya kung nasaan ang babaeng gusto niya at ganu'n rin ako. Ngumiti ako sa babae nang makitang matigilan siya nang makita ako. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

Nanatili ang ngiti sa labi ko nang ibaling muli ni Ian ang tingin sa akin.

"Sinabi ni Lance sa akin ilang araw na may camping. He invited me. Unfortunately, binawi niya kahapon," pagdadahilan ko. I thought this will be easy, but I can feel the tightness inside my chest right now. Bumuga ako ng hangin para kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang nais kong sabihin.

"Sabi ko naman mag-uusap tayo ngayon," marahan kong sabi.

Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "About what?"

Lumapit ako sa kaniya. Nagulat na lamang siya nang yakapin ko siya. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. "I just want to say my goodbye, Ian."

Bumaling ang tingin ko sa babaeng gusto ni Ian. Bakas ang selos sa mga mata niya. Muli akong ngumiti sa kaniya.

Pinapalaya ko na siya. Kaya sana ay alagaan mo siya ng higit pa sa ginawa ko. Huwag kang aalis sa tabi niya, lalo na sa tuwing pakiramdam niya ay mag-isa siya. Please make him happy.

Ilang segundo lang ang itinagal ng yakap bago ako kumalas kay Ian.

"Goodbye, Ian," nakangiting aniko. Gusto ko pang matawa sa sarili ko. Ilang araw ko nang pinag-isipan kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kapag nagpaalam na ako pero ito lang ang nasabi ko. Kainis!

Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Siguro ay nagulat sa ginawa ko. Parang noong ilang araw lang ay pinipilit ko siyang manatili sa tabi ko pero ngayon ay ako na ang lumalayo. Ito naman ang gusto niya kaya alam kong magiging masaya siya dahil hindi na siya nakatali sa akin.

Tumalikod ako sa kaniya at nagsimulang maglakad palayo. Muli ay ramdam ko ang pagluwag ng puso ko. Tila nakahinga ako ng maluwag nang makapagpaalam ako sa kaniya.

Natigilan ako sa paglalakad nang may humawak sa kamay ko. Mabilis akong lumingon. Napaawang ang labi ko nang makita si Ian sa harap ko. Naguguluhang tumingin sa mga mata ko.

"B-Bakit?" takang tanong ko sa kaniya.

Kumurap siya ng ilang beses. Tila hindi pa rin makapaniwalang nangyayari na ang bagay na pinakaaasam niya.

"G-Ganoon... na lang iyon?" mahinang tanong niya.

Tumango naman ako sa kaniya.

"Oo," marahang saad ko. ". . . Pinapalaya na kita."

Binawi ko ang kamay ko saka tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Ian, sana maging masaya ka sa piling niya. Don't ever look for me after this. Hindi ko masisiguradong magkikita pa tayo ulit. Saka ano pala, ano nga ulit iyon--" humawak ako sa ulo ko para alalahanin ang sasabihin ko.

"Ayon, huwag kang laging kumakain ng instant noodles kasi baka magkasakit ka. Sabi kasi nila unhealthy foods iyon. Tapos bawas-bawasan mo na rin ang pag-inom. Ian, please huwag ka nang mambabae kung mahal mo na 'yung babaeng gusto mo ngayon kasi alam ko na 'yung sakit kapag nakikita kang may kasamang iba."

"Lyn-"

"Gusto kong tuparin mo ang minsan na nating naging pangarap. Maglaro ka bilang National Basketball Player. Manonood ako lagi sa mga laro mo. I'll cheer you up secretly. Tapos ano, huwag mo nang patagalin mga labahan mo ng two weeks kasi bumabaho sila lalo. May malapit na laundry shop sa unit mo. Punta ka doon, kahit every week lang-"

Tumigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Agad kong pinunasan at tumingin sa kaniya nang may ngiti.

"Bakit ba ako naiiyak?" natatawang tanong ko sa sarili.

"L-Lyn..."

"Hmm?" Pinilit kong maging normal sa harap niya. Pinilit kong ngumiti kahit nahihirapan na ako.

"A-Aalis ka? Kailan ka aalis? Bakit?" sunod-sunod niyang tanong.

"Kasi kailangan. Bukas ng umaga ang alis ko. P-Pupunta ako sa malayo. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito p-pero susubukan-"

Tinakpan ko ulit ang mga mata ko nang magsimula na namang tumulo ang mga luha rito. Hindi ko mapigilan pero hindi mabigat ang pakiramdam ko. Sa halip ay gumagaan ito dahil sa mga sinasabi ko.


"Susubukan kong bumalik," pagpapatuloy ko.

Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin.

"I-Ian..."


Humigpit ang yakap niya sa akin. Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid. Parang napunta kami sa ibang dimensiyong kami lang ang tao.

"B-Bakit?" naguguluhang tanong ko. Agad namam siyang kumalas. Mas lalong lumaki ang mga mata ko nang makitang namumula ang mga mata niya.


"Bakit?" muling tanong ko.

"I don't know. I-I can't help it," saad niya. Umiwas siya ng tingin nang tutulo na ang mga luha niya. Agad tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad palayo.

Naiwan naman ako sa kinatatayuan ko. Is it possible that he still loves me?

Agad akong umiling sa iniisip ko. Hindi. Sana ay hindi na. Everything will be fine if he doesn't love me anymore.

Tumalikod na rin ako at bumalik kina Mama.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
604K 22.3K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
931K 34.1K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...