Slept with a Stranger #Wattys...

Whroxie tarafından

31.5M 535K 37K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... Daha Fazla

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
Chapter 50
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

CHAPTER 3

866K 14.6K 1.3K
Whroxie tarafından

  Nasa may pinto si Cassandra, nakatanaw siya kay Iñigo na nag-aayos ng sasakyan. Pinapayungan ito ni Mang Bernardo. Wala daw kasing malapit na auto repair shop dito. At sa lakas ng ulan, siguradong walang gustong mag pa-service. Padilim na din.

"Aaay!" napayuko si Cassandra, ng biglang kumidlat. Bigla siyang nagtago sa likod ng pinto. Two door ito, ngunit isa lang ang nakabukas. Pakiramdam niya tatamaan sila Iñigo ng kidlat, kaya takot na takot siya para sa mga ito. Basang-basa na rin ang dalawa dahil sa lakas ng ulan.

"Mr. Galvez!" malakas niyang tawag. Pero nilamon lang ang malakas niyang boses ng malakas na ingay na namumula sa ulan. Kinuha niya ang payong para puntahan ang dalawa. Pero mukha siyang tanga na bigla na lang magtatago dahil sa kidlat.

"Kaya mo 'yan, Andra," pagpapalakas loob niya sa sarili. Binuksan niya ang payong at mabilis na tumakbo palapit kila Iñigo.

"Mr. Galvez, halika na. Hayaan mo na iyan. Basang-basa ka na," aniya hustong makalapit dito.

"Ha! Hindi pa tapos e."

"Aaayy!" sigaw uli niya na napapapikit pa dahil sa kulog at kidlat.

"Bilis na, baka tamaan kayo ng kidlat. Hayaan mo na 'yan."

"Akala ko gusto mong umuwi?"

"Hindi na, bukas na lang."

"Are you sure?"

"Oo nga, ang dami mong tano— aaayy!" Sigaw na naman ni Cassandra. Natawa ng mahina si Iñigo dito. Sinara na lang nito ang hood ng sasakyan. Saka sila bumalik ng resthouse.

"Naku! Basang-basa ka na tuloy," sabi niya pagpasok ng resthouse.

"Sorry, Cassandra, bukas na bukas magpapatawag ako nang mag-aayos ng sasakyan," hinging paumanhin ni Iñigo.

"Sige, okay lang, wag mo nang isipin 'yon."

"Akyat muna ako. Magpapalit lang ako," tumango lang si Cassandra at umalis na ito. Pero huminto uli ito at lumingon.

"Cassandra, baka gusto mong magpalit. Medyo nabasa ka rin e," alok nito.

"Wala akong pamalit."

"Meron d'yan, um.. my ex's clothes." Medyo nag-alangan si Cassandra. Pero pumayag na rin siya dahil hindi na rin siya komportable sa suot niya. At talagang basa na rin siya.

Sabay sila nitong umakyat at pinapili siya nito ng damit. Naghanap siya ng damit sa closet nito. Ano to? Grabeng se-sexy ng mga damit.. - Nasa-isip niya habang tinitignan ang mga damit.

Pinili na lang niya ang pinaka-matinong short pero maiksi pa rin. Cotton white short and yellow fitted spaghetti top ang kinuha niya. Gusto niya sana ng t-shirt and pajamas dahil sa sobrang lamig. Kaso mukhang wala naman, nahiya naman siyang hanapan pa si Iñigo ng gusto niyang isuot.

"Okay na 'to, salamat," wika na lang niya. Sinamahan siya nito sa guest room.

****

 "SIR Iñigo, handa na ang pagkain. Nasaan na si Cassandra?" tanong ni Nana Caring. Tumayo si Iñigo na nakaupo sa sofa.

"Tatawagin ko po," aakyat na sana siya pero nakita niya itong pababa na ng hagdan.

Basa ang buhok nito at suot ang damit na pinili nito. Nakatingin lang si Iñigo dito habang pababa ito ng hagdan. Parang namagnet ang mata niya dahil sa pagkakapako ng paningin dito na walang kakurap-kurap.

Kanina ay naka-jeans, t-blouse and heels lang ito. Pero ngayon bigla itong nag-transform into a seductive lady, dahil sa sobrang sexy ang suot nito. At kitang-kita lalo ang magandang hubog ng katawan nito, maging ang makinis at bilugang mga hita nito.

Mukha siyang ewan na nakatanga lang. Hindi naman siya ganito. Marami na siyang nakikitang babae na mas lantad ang kaluluwa kung manamit, pero ito siya ngayon at naaakit sa babaeng isang simpleng pambahay lang ang suot.

"Cassandra, akin na iyang damit mo. Lalabhan ko na, para magamit mo bukas," sabi ni Nana Caring pagkababa ng dalaga.

"Wag na po, Nana Caring ako na lang po. Sobrang abala ko na niyan sa 'yo," tanggi nito.

"Hindi. Ano ka bang bata ka, sige na akin na," kinuha ng matanda ang damit mula sa  kamay niya. Tatanggi pa sana ito kaya nagsalita na siya.

"Sige na, Cassandra, ibigay mo na." Wala ng nagawa si Cassandra. Binigay na lang nito ang damit.

"Tara na, dinner na tayo," nagpunta sila sa dining area at umupo. Pinakiusapan na rin niya ang katiwala na 'wag na munang umuwi.

Humigop agad ng soup si Cassandra. Marahil sa sobrang lamig ng panahon. Napangiti si Iñigo, hindi niya maintindihan, but he finds her cute. Cute talaga nitong tignan humigop ng sabaw, dahil sa parang aligaga ang kilos nito.

Napatingin naman si Cassandra sa kanya at napangisi ng mapansin nitong nakatingin siya at naka-ngiti.

"Sorry, ang lamig kasi," sabay higop uli ng soup.

"Ang sexy kasi ng damit ng girlfriend mo," wika uli nito.

"Hindi ka ba komportble sa suot mo?" tanong niya at humigop din ng soup.

"Hindi naman. Ayos lang, kaso ang lamig lang," sagot nito at pinagpatuloy ang pagkain. Natapos silang kumain at nanghingi si Cassandra ng toothbrush bago ito umakyat.

*****

NASA kwarto si Iñigo at kumuha ng t-shirt. Pagkakuha niya ng t-shirt ay agad siyang lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kwarto ni Cassandra para ibigay ang t-shirt. Bukas ang pinto, nakaawang ito ng kaunti kaya lumapit siya. Pero natigilan siya ng marinig itong may kausap.

"Sweetheart, sorry, I can't go home now. I promise, tomorrow morning nandiyan na ako," saglit itong tumigil at malamang ay nagsasalita ang kausap sa kabilang linya.

"Goodnight, I love you... bye," muli niyang narinig pagkaraan ng ilang minuto.

Kaya pala gustong umuwi, may nag-aantay - aniya sa sarili.

Kumatok siya at sumandal sa hamba ng pinto. Agad naman itong lumingon.

"Mr. Galvez."

"T-shirt," tinaas niya ang kamay kung saan niya hawak ang t-shirt. Kinuha naman nito na may ngiti sa labi.

"Thank you, I need it so badly."

"Sige, goodnight," he said.

"Goodnight," umalis siya at bumaba.

Pumunta siya ng mini bar at kumuha ng alak at baso. Kumuha din siya ng ice cube sa kusina bago nagtungo sa sala at umupo. Nagsalin siya ng alak at sumimsim mula sa baso. Sinandal niya ang likod niya at pinikit ang mata ng bigla siyang may narinig na malakas na sigaw mula sa taas. Agad siyang napadilat.

"Cassandra!" anas niya na nahintakutan na baka kung ano ng masaman nangyari sa bisita. Tumayo siya at mabilis na tumakbo paakyat. Nakita niya si Cassandra na nasa taas ng hagdan. Nakayuko at natatakpan ang mukha ng kamay. Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa braso.

"Cassandra, what happened?" alalang tanong niya. Pero bigla na lang itong sumigaw uli ng biglang kumulog at kumidlat. Kitang-kitang ang pagguhit ng kidlat sa labas.

Napakapit si Cassandra sa damit niya sa magkabilang gilid ng baywang niya. Nakasubsob ang mukha nito sa dibdib niya. Napahigit siya ng hininga ng maamoy niya ang natural na bango nito. Shower gel at shampoo lang at walang kahit na anong pabango. Pero parang mas mabango sa kanya ang natural na amoy nito sa ano pa mang mamahaling pabango.

"Cassandra, it was just a lightning," hinawakan na lang niya ang likod nito. Kumalas ito sa pagkakahawak sa kanya.

"Sorry. Can we go down? Nakakatakot dito e," hindi na nito inantay na sumagot si Iñigo. Mabilis na itong bumababa ng hagdan. Sumunod na lang si Iñigo dito.

"Pambihira naman! Hindi ba titigil ang kidlat na 'yan? Kanina pa yan eh," ani nito. Marahil ay saktong pababa ito ng makita nito ang pagguhit ng kidlat na kitang-kita sa ceiling-to-floor window glass kaya ganun na lang ang sigaw nito.

"Bakit hindi ka pa natutulog? May kailangan ka ba?" tanong ni Iñigo.

"Pwede bang humingi ng kape?" ngumiti si Iñigo.

"Sure, sandali ipagtitimpla kita."

"Naku 'wag na! Ako na lang, kaya kong magtimpla. Masarap kaya akong magtimpla ng coffee," pumunta sila ng kusina at nagsimulang magtimpla. Binigyan niya ito ng cup, pero mug ang hiningi nito dahil kulang daw dito 'pag sa cup lang.

"Gusto mo ba ng kape? try mo," alok nito.

"Hindi na, umiinom ako, pampa-antok. Tara doon tayo sa sala." Nag-tungo sila sa sala at umupong magkatabi sa mahabang sofa. Suot na rin ni Cassandra ang putting t-shirt ng binata.

"Hindi na, more than 4 years na akong hindi umiinom ng alak. Sinusumpa ko ang alak." Sabay higop ng kape.

"Talaga!? Bakit naman?" nagkibit lang ito ng balikat.

"Ilang taon ka na, Mr. Galvez?" tinaas ni Cassandra ang dalawang paa at pinasok sa malaking t-shirt na naka-bend.

"Just call me, Iñigo, 29 na ako." tumango-tango si Cassandra.

"Hindi ba mahirap magpatakbo ng isang malaking company? 'Yon ba talaga ang gusto mo or pinilit ka lang ng parents mo?" napangisi si Iñigo sa tanong na 'pinilit'.

"Medyo mahirap. Dealing with the different kind of people is a kind of big headache. Lalo 'pag mahirap ang kausap, kung pwede lang na sapakin ko na lang para matapos agad, ginawa ko na," natawa si Cassandra sa sinabi niya. Kaya maging siya ay natawa na din.

"Buti may self-control ka? Ganoon din naman pala sa trabaho ko, lalo na paggawa mo na ang layout at sinunod mo naman ang gusto nila, and then, papapalitan. Not once, kung 'di paulit-ulit, napapapikit na lang ako. Pero hindi ko naman naiisip na sapakin sila," sabi nito at natawa pa ng mahina.

"Don't worry, hindi ako mahirap kausap," napapangiting sabi niya.

"Pero enjoy naman ako sa ginagawa ko. Hindi naman ako nagsisisi, ito kasi ang pangarap ko. How about you?" she asked while hugging her knees.

"Nasanay na naman ako, ever since naman sinasanay na ako ng parents ko. This is my luck since I was born. 'Yon na ang pinamulat nila sa 'kin. Be a successor. Pero iba talaga ang gusto ko noon."

"Alam ko na. Siguro gusto mong maging artista no?" Natawa siya ng hustoo sa sinabi nito.

"Bakit? Dahil gwapo ako?" natatawa niyang tanong. She glanced at him and grinned.

"Pwede na!" she said and sipped her coffee.

"Pwede na? Hindi yes, you're awfully handsome, Iñigo." She looked at him with disbelief. Kaya natawa siya ng mas malakas sa reaksyon nito na nanglalaki pa ang mata.

"Mayabang ba? Sorry, wala kasing nagsasabi sa 'kin na pwede na. Laging ganoon ang naririnig ko," hindi naman sa nagmamayabang siya, pero totoo lang ang sinasabi niya. Tanging itong babaeng kausap lang niya ang bukod tanging nagsabi na 'pwede na'

"Okay, ikaw na gwapo!" lalo siyang natawa dahil sa may pagka-sarkastiko nitong wika. Maging ito ay natawa din.

"Ano ba talaga ang gusto mo dapat?" then she asked, after the laughter died down.

"Be a chef," he replied

"Be a chef!" she repeated, almost exclaiming. Namimilog pa ang mata nito na parang hindi makapaniwala.

"Really? A chef, as in a chef... as in nagluluto. Chef," doon na napahagalpak ng tawa si Iñigo. Dahil sa tanong nitong parang sinisigurado ang narinig. At sa reaksyon na talagang parang namamangha na hindi makapaniwala.

"Hehe! Sorry. Wala kasi sa itsura," Napangisi na lang si Cassandra dahil sa ka-o.a-han niya.

"You're so cute," natatawa paring wika Iñigo. Ang cute talaga nito para sa kanya.

"I know," ani nito at uminom uli ng kape.

"Ibig sabihin magaling kang magluto?"

"Medyo," tipid niyang sagot at uminom ng alak.

"Anyway, bakit mo naisip na artista ang gusto ko?" tumingin si Cassandra sa kanya. Ngumisi muna ito bago nag-salita.

"Pa-cute ka kasi," napaawang ng bahagya ang bibig ni Iñigo.

"Ako? Pa-cute. Seriously?" Siya naman ang hindi makapaniwala habang tinuturo pa niya ang sarili.

"Oh tignan mo, nagpapa-cute ka na naman," napahawak siya sa batok niya at natawa na napapailing pa.

"Thanks ah," he said. She looked at him, furrowed her brows.

"Kasi na cu-cute-an ka sa 'kin?" ito naman ang napaawang ang bibig.

"I didn't say that you're cute."

"Kasi sabi mo nagpapa-cute ako eh. I didn't mean to look like a cute. Pero napansin mo na cute ako. Thanks for that."

"Hay! Mr. Galvez," inubos nito ang natitirang kape at tumayo.

"Matutulog na ako. Kailangan kong makauwi ng maaga bukas," wika nito.

"Someone's waiting for you," he said.

"Yeah, kaya kailangan ko talagang makauwi. Goodnight Mr. Galvez."

"Iñigo. just call me, Iñigo."

"Okay, goodnight, Iñigo," umalis na ito at naiwan siyang mag-isa. Napangiti siya bigla. Hindi niya akalain na mapapatawa siya ng ganun sa simpleng pag-uusap nila.

****

NAKAUPO si Iñigo sa swivel chair, nakasandal at nilalaro ang ballpen sa pagitan ng dalawang daliri, at marahang pinapalo-palo sa labi niya. Nakatingin siya sa kawalan at napapangiti at tatawa ng mahina pagkwan. Naalala niya ang conversation nila ni Cassandra.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero talagang nag-enjoy siya ng hustong kausap ang babae. Hindi niya talaga maiwasan na hindi ito isipin. May mga pagkakataon diin na naiilang siya bigla sa pag-titig nito sa kanya, na kahit kailan hindi niya naramdaman sa tuwing tititigan siya ng ibang kababaehan.

Hindi man lang din siya nakaramdam ng pagkainip. Bagkos, nanghinayang pa siya ng kailangan na niya itong ihatid.

"Ehem!" someone interrupted his thought. Tumingin siya dito.

"Matthew! Kumusta?"

"Anong meron? Kakaiba ka ah. Mukha kang baliw," natawa lang siya sa sinabi nito. Matthew is working in their company as a marketing manager. May kumatok at bumukas ang pinto. Ang secretary niya ang niluwa n'on.

"Sir, na-cancel ko na po lahat ng appointment mo for today," secretary stated.

"Thank you, Vina," 'Yon lang at lumabas na uli ang sekretarya.

"Nagpa-cancel ka ng meeting? But why?" takang tanong ng kaibigan niya. Hindi kasi siya nagpapa-cancel ng meeting at ngayon lang nito ginawa iyon.

Tumayo si Iñigo. "I'll go to, Cassandra."

"Woah! Date? ang bilis mo talaga dude. Anong nangyari sa pagpunta niyo sa Tagaytay?"

"Wala. Ibibigay ko lang 'to," pinakita nito ang blue print.

"It will take a whole day para ipa-cancel mo lahat ng appointment mo," natatawang tanong ni Matthew. Hinampas ni Iñigo ang naka-rolyong blueprint sa ulo ng kaibigan niya.

"Mauna na ako," sabay alis niya. Napangisi na lang si Matthew habang sinusundan ito ng tingin.

/

****

"HI sir, good morning!" nakangiting bati ng sekretarya ni Cassandra. Titig na titig ito kay Iñigo. Kitang-kita ang kislap dala ng pag-hanga sa binata.

"Good morning. Is Ms. Lopez there?"

"Yes sir, she's here. In a minute sir," mabilis na sagot nito at agad na pumasok sa isang silid. Muli rin itong lumabas pagkaraan ng ilang sandali.

"Sir, pwede na po kayong pumasok."

"Thank you.

"You're always welcome, sir," tumuloy siya opisina ni Cassandra.

"Ang gwapo, buti hindi nalaglag panty ko," narinig niyang usal ng sekretarya at humagikgik pa. Napangiti na lang siya at tuluyang pumasok.

Pagpasok niya ay agad naman tumayo si Cassandra pag-kakita sa kanya.

"Iñigo hi," nakipag-kamay ito sa kanya.

"Dinala ko lang ang blueprint." Ibinigay niya ang blueprint dito.

"Have a seat, Iñigo. Anyway, this is Precious, my friend and a business partner as well. Preyh, he is Mr. Iñigo Galvez," tumayo ang kaibigan ang  kaibigan  nito.

"So, ikaw pala ang nakasama niyang na-stranded. The man with the most adorable half-smirk. Nice to meet you, Iñigo," inabot nito ang kamay at tinanggap naman ni Iñigo, pero medyo nag-taka siya sa sinabi nito.

SI Cassandra, naman ang parang hindi alam ang gagawin. Parang gusto niyang batukan si Precious dahil sa kadaldalan nito. Kung bakit ba naman kasi nakwento niya dito ang adorable ang half-smirk nito.

"Mauna na ako, Andra," Nagbeso ito sa kanya at bumulong.

"Hindi lang half-smile ang adorable sa kanya. Everything in this man is adorable," bulong nito.

"Siraulo!" bulong din niya at tumawa ito ng malakas. Napangiti na lang si Iñigo dahil sa pag-tawa nito.

"Bye Iñigo, hindi pa nag-la-lunch si Andra, baka gusto mong samahan," napaawang ang bibig ni Cassandra sa sinabi ni Preyh. Mabilis na kinuha ni Cassandra ang Blueprint na naka-rolyo at hinampas sa ulo nito.

"Ouch! You're brute," natawa si Iñigo at napahaplos pa sa ulo.

"Bye na," sabay alis nito.

"Naku Iñigo, pasensiya na. Have a seat." Umupo si Iñigo at umupo rin si Cassandra, sa swivel chair.

Inikot ni Iñigo ang paningin sa kabuuan ng office ni Cassandra. May katamtamang laki ang opisina niya, isang studio type lang ito. May maliit na painting sa likuran ng kinauupuan niya na nakasabit sa dingding—isang pices.

May dalawang office desk na yari sa matibay na kahoy— kay Precious ang isa. Kulay off white ang pintura ng dingding. Pero ang kabilang bahagi ng dingding kung saan nakaharap ang desk ni Cassandra ay kulay lila na may nakaguhit na maliliit at malalaking bilog.

"Nice office. Ikaw din ang nag-ayos nito?" tumingin ito kay Cassandra pag-katapos iikot ang paningin sa kabuan ng opisina.

"Oo, ako lang din," sagot niya. Nirerentahan lang niya ang space na ito.

"Anyway, two to three weeks ko bago matapos ang layout. Actually, sometimes, it took a month bago matapos pero papabilisin ko 'to."

"It's okay, take your time," nakangiti pa rin si Iñigo habang nakatingin sa kanya.

"Okay," 'yon lang ang nasabi ni Cassandra at umiwas ng tingin sa binata. Nailang siya bigla sa paraan ng pagtitig nito. Parang hinihigop ang kaluluwa niya. O.A, pero iyon talaga ang pakiramdam niya.

"Um. So, hindi ka pa daw nag-la-lunch," mabilis niyang naibalik ang tingin sa binata. At napamaang siya sa tanong nito, dahil mukhang papatulan nito ang sinabi ng kaibigan niya.

"Y-Yeah, pero 'wag mo ng patulan ang sinabi ni Preyh. Loka-loka lang talaga 'yon," sabi na lang niya na bahagya pang nabuhol ang dila niya sa pagsasalita.

"Hindi pa din ako nag-la-lunch. Would you mind if I invite for a lunch? para may kasama rin ako, hindi masarap kumain ng mag-isa eh." Napangiti na lang si Cassandra—isang alanganing ngiti.

"Libre ba o k.k.b?" Natawa ng husto si Iñigo sa tanong niya.

"Hay Cassandra, hindi naman ako kuripot. Don't worry I'll pay for it."

"Okay, naniniguro lang, baka mamaya mag-assume ako na libre mo, mapahiya pa ako," tumayo siya at gan'on din si Iñigo. Sinukbit lang niya ang kanyang shoulder bag sa kanyang braso at lumabas sila ng opisina.

"Vera, ikaw na muna ang bahala dito. Lalabas lang muna ako, mag-la-lunch lang kami. Nag-order na ako ng food for you, antayin mo na lang," bilin niya sa kanyang sekretarya.

"Wow! Finally, pumayag ka na rin lumabas with your suitor, Ms. Andra. first time ito," mapanuksong sabi ng sekretarya.

"Vera, he's not my suitor. Ano ka ba? Client!" Pinangdilatan niya ito at pinag-diinan ang huling salita. Napangiti naman si Iñigo.

"Aah! May idi-discuss ba kayong project?" tanong uli ni Vera na nakatingin kay Iñigo.

"Yeah-"

 "Wala, tapos na namin i-discuss. We're just going out for a lunch," Iñigo cuts her off. Tinignan ni Vera si Cassandra na malapad ang pagkakangiti.

"Alam ko na ang iniisip mo Vera, tumahimik ka. Sisisantihin kita diyan eh." Natawa si Iñigo sa sinabi niya, maging si Vera ay natawa din ng husto.

"Halika na nga," nagpatiuna na si Cassandra sa pintuan. Muli siyang lumingon sa dalawa. Mukhang may sinasabi si Vera kay Iñigo at ngiting-ngiti naman si Iñigo.

"Hey!" tawag ni Cassandra kay Iñigo dahil sa hindi pagkilos nito. Saka naman ito sumunod sa kanya.

NAG-PUNTA sila sa isang restaurant na malapit lang din sa opisina ni Cassandra.

"So. Is it true? This is your first time to go out with a client, na hindi involve ang business," Iñigo asked. She looked at him questioningly.

"Vera, told me before we had left," he added. Napahawak sa noo si Cassandra. Napangiti naman si Iñigo. Iyon kasi ang binulong sa kanya ni Vera kanina, unang beses daw nitong sumama sa isang client na hindi involve ang trabaho.

"I guess, I must be flattered," he said, still grinning.

"'Wag kang feeling, gutom lang ako at sayang ang libre," may pag-irap nitong sabi. lalo siyang natawa sa sinabi nito at lalo sa pag-irap nito

"Okay, sabi mo eh," nasabi na lang niya.

***

"Good morning sir, good morning madam." Kaliwa't kanan na bati ng mga tao sa building habang naglalakad ang pamilya Galvez.

The ceo Mr. Timoteo Galvez, coo Iñigo Galvez and madam Sonia Galvez the mother of Iñigo.

"Mr. President! madam Sonia good morning, I'm glad you're here." Bati ni Matthew dito at humalik kay Madam Sonia. Huminto sila sa gitna ng lobby ng building.

"Matthew! You look handsome,   parang mas lalo ka atang guma-gwapo ah." Bati ni Madam Sonia.

"Thanks tita."

"Maybe Reghie inspired you so much." Ngumiti si Matthew dito.

"Ewan ko ba dito kay Iñigo at hindi na nag-kaka girlfriend uli. Ang tanda-tanda na, gusto ko na ng apo."

"Mom, mabilis gumawa ng magiging apo mo, Mahirap maghanap ng magiging nanay ng apo mo." Inikutan lang siya ng mata nito.

"Wag mong madiliin si Iñigo Sonia." Sabi naman ni Mr. Galvez.

Napalingon ang matandang lalaki ng may bumunggo sa may paa niya. Yumuko ito para tignan ang bumunggo sa kanya, isang batang lalaki na napaupo dahil sa pagkakabangga.

"Hello young boy." Bati ng matanda at yumuko ito para itayo ang bata.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
4.5M 107K 35
Papayag ka bang mag pretend ang boyfriend mo na boyfriend ng iba? At ikaw mag pretend na girlfriend ng boyfriend ng iba? Sa madaling salita 'exchange...
10.5M 10.3K 3
Mysterious. That's the most appropriate word that would describe the eldest among the Filan brothers.
99.4K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...