Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 18

271 87 168
By night-firefly



Clover pov;

It's been four days after First left pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Dalawang araw na din siyang absent sa klase matapos ang suspension niya. I tried to ask Acid kung may balita ba siya kay First pero maging siya ay wala ding alam.

I visit her unit everyday and waited her outside her door pero hindi pa rin siya dumadating. She promised me she would come back within two days pero hindi siya tumupad sa pangako niya. It's been fucking four days and I am badly worried about her.

I tried to call her numerous times but her phone was out of coverage! Fuck!! I'm worried as hell!

"First! Where are you? You promised you would come back, pero bakit wala ka pa?"

I was sitting again outside her door telling her to come home pero wala pa ring First ang dumating. Hours after, I was about to leave and go back to my unit when I heard something broke inside.

I immediately entered her password at nalaman ko ito dahil kay Craig noong pumasok kami ng walang pahintulot niya.

Dark envelope me when I entered her unit. I can sense someone inside kaya dahan-dahan akong humakbang papunta sa switch ng ilaw. I still remember the switch because I'm the one who turn it on last time when we gave her "suhol".

Nang mapindot ko na ang on ay nagulantang ako sa nakita ko.

Basag-basag ang lahat ng gamit sa loob ng unit niya. A tiny drop of blood scattered on the floor.

Mabilis kong tinungo ang kwarto niya at nangilabot ako dahil maging doon ay kalat-kalat din ang gamit. Pinakiramdaman ko ang paligid baka may nakapasok na magnanakaw sa unit niya but a quite sob caught my attention. Lalo kong pinakinggan ang pinanggagalingan ng hikbing iyon at nahinto ang paningin ko sa isang kwarto na nakabukas ng kaunti. Dahan-dahan kong binuksan iyon at lalo akong kinilabutan sa nakikita ko sa loob. May madaming sirang bagay at basag na salaman ang nasa loob habang ang taong humihikbi ay nakayakap lang sa kanyang tuhod.

"FIRST!!" gulantang kong tawag sa kanya.

Unti-unti siyang napatingin sa akin at nanlaki na lang ang mata ko sa gulat sa hitsura niya. She's full of scratches at may dugo din sa kamay niya. Her eyes were swollen and her face was a bit red and it's because of excessive crying.

Mabilis ko siyang nilapitan at binuhat palabas ng kwartong iyon, —palabas ng unit niya dahil maski living room ay hindi na pweding upuan dahil sobra itong magulo. I carried her up to my unit. Nilapag ko siya sa sofa at kukuha na sana ako ng first aid kit but she immediately held my arms.

"Don't leave me.." humihikbi niyang pakiusap. Gusto ko siyang yakapin pero kailangang magamot kaagad ang mga sugat niya.

"I'll be back, kukuha lang ako ng gamot." I assure her but her grip tightened na parang takot na takot siyang maiwan. I pull her close at niyakap na din siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya kahit hindi ko pa alam ang nangyari. "I'm here First.. I'm here! I wont leave you.. huwag ka ng matakot.. I'm here." paulit-ulit kong bulong sa tenga niya.

Unti-unting nawala ang hikbi niya habang hinahagod ko ang buhok niya. At minuto ang lumipas, ramdam ko ang banayad niyang paghinga indikasyon na nakatulog na siya. Dahan-dahan ko siyang binuhat papasok ng silid ko at doon ko na lang gagamutin ang mga sugat niya.

Nang mailapag ko na siya sa kama ko, kinuha ko na ang first aid kit at basang bimpo para linisin ang katawan niya. May dugo pa kasi sa kamay at sa mga galos niya.

I also changed her clothes at pinasuot na lang ang tshirt ko. May mga dugo na nagmantsa sa damit niya at galing ang dugong iyon sa katawan niya. When I about to wipe her neck, nagulat ako sa pulang marka doon na pumaikot sa leeg niya. Is she tried to commit suicide? Why?!

Bigla akong nanghina at mahigpit na napahawak sa palad niya. "Bakit First? Why did you hurt yourself?" bulong ko sa kanya.

She doesn't seems to have a problem maliban doon tungkol sa Daddy niya. Matapang siya at palaban. She also always have the appetite to eat many food, —then why she wanted to end her life? Kung totoo mang binalak niyang magpakamatay. Is she depressed? For what?

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Bumaling din ang ulo niya sa kaliwa at bumalik na naman sa kanan at base sa emosyon sa mukha niya, natatakot siya..

"First, I'm here.. Don't be scared love. I'm here.." buong suyo kong paulit-ulit na bulong sa kanya habang yakap-yakap ko ang naninigas niyang katawan. She's experiencing an Sleep Paralysis now and I tried to calm her down and waking her from her nightmare. Unti-unti siyang huminahon at naging banayad na ulit ang paghinga niya.

Tinititigan kong mabuti ang ngayon ay maamo niyang mukha taliwas sa hitsurang nakita ko kanina. She's sleeping at peace at ang sarap pagmasdan kapag ganito ang mukha niya.

"I miss you love.. I miss the First na mataray, nakasimangot at tumatawa. I don't like you to look sad and vulnerable First. Mas gugustuhin ko pang nakikita kang nangbubully kaysa natatakot. I can't help it love.. Please come back! I'm worried as hell!"

First pov;

Tirik na ang araw ng magising ako, nasisilaw na ako sa sinag na nanggagaling sa bintana pero ipinagtaka ko, I don't open my window curtain kaya sino ang nagbukas niyon.

I was about to get up when I felt something on my tummy. At huli na ng mapagtanto kong yakap-yakap pala ako ng isang lalakeng nakahubad. When I look at his face, nagulat na lang ako.

"Clover?" nagtataka kong tawag sa pangalan niya pero pabulong lang iyon kaya siguro hindi siya nagising..

Dahan-dahan kong tinatanggal ang nakayakap niyang kamay ngunit lalo lang niya akong niyakap at dinikit sa katawan niya. Biglang nagtambol ang puso ko at nahigit ko ang paghinga ko. I feel something down there at may hinala na ako kung ano iyon. I also felt his abs na noon pa man ay binalak ko ng bilangin. —jusmeyo! Maghunos dili ka First!

Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin at para na akong naduduling kapag tiningala ko pa ang mata ko sa mukha niya kaya sa dibdib niya na lang ako nakatingin. Ang bango niya, a manly scent na masarap amuyin. His body was firm at na-eexcite ako sa imaheng nakahain sa harap ko ngayon. Jusmeyo!

I raised my hand a little at pasimpleng binibilang ang abs niya.. okay it's 6 pack! Ng matapos ako at hindi pa rin niya ako binibitawan, ang nunal naman niya sa may parteng dibdib at leeg ang binilang ko, sinama ko na din iyong may kulay brown para malibang ako magbilang.

Nang mag-enjoy ako sa ginagawa ko, I suddenly heard a soft chuckle na alam kong nanggaling sa kanya. Bigla akong napatingala sa mata niya na kaagad kong pinagsisihan dahil ilang dangkal na lang ay maglalapat na ang mga labi namin. I already felt like the hammer, hammering my heart at nag-aalala akong maramdaman niya iyon.

Ngumiti siya sa akin bago nagsalita. "Good morning Love.." bati niya.. lalo akong natameme! Feeling ko bagong gising kaming mag-asawa sa lambing ng pagkakasabi niya.

He then kiss my forehead and pulled me more close to him. Doon na ako natauhan at mabilis na bumalikwas ng bangon. Mas lalo kong naramdaman ang down there niya! My goodness!! Nakakakaba. —Baka tuluyan na niya talagang maramdaman ang lakas na tibok ng puso ko kapag lumapit pa ako sa kanya.

I don't know what's happening to me.. Baka kinakabahan lang ako sa abs niya at sa down— holy crap! Stop it First!!, —pero ang gwapo niya din infearness.. bet ko ang bagong-gising look niya.

"Where...—." nilibot ko muna ang paningin ko sa loob bago ituloy ang itatanong ko kung nasaan ako. Confirm! I'm not in my unit.. "What am I doing here Clover?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Mariin niya muna akong tinitigan bago ako sagutin.

"You knock outside my door last night at nakiusap kang makikitulog sa tabi ko." nakangising sagot niya kaya halatang hindi kapani-paniwala. Bakit naman ako makikiusap na makitulog, eh ang lapit lang ng unit ko.? At isa pa, hindi ko alam kung saan itong unit niya.

Hindi ko na alam kung ano pang nangyari kagabi pagkatapos kong magwala sa buong unit ko at ang maaalala na naman ang dahilan nun ngayon ay labis na naman ang sakit na dulot nun sa puso ko.

That's why I hate reading dahil hindi ko na iyon makakalimutan kapag pumasok na sa utak ko.

Mom doesn't love me as her daughter. She only see me as her creation. Created to be different and should be isolated from others. Ngayon ko lang napagtanto kung paano ako pinalaki ni Mama. Possession, obsession and depression. —ito ang naiisip kong dahilan kung bakit ako pinalaki ni Mama na iba sa lahat.— iba ang ugali sa mga normal na batang minamahal ng sariling magulang. Pinalaki akong walang pakialam sa ibang tao at si Mama lang ang tangi kong sinusunod. Nabuhay akong malayo ang loob sa ibang tao dahil iyon ang gusto niya. But there's one thing that I know..— I love her despite what she taught me!

Namatay siya ng hindi ko nalalaman ang dahilan pero nanatili ako na ganoon pa rin ang ugali sa ibang tao.

I don't know how to react or even show my emotions before, —until I meet Craig. But my life should be like Rapunzel who was lock inside the cursed castle. No one should be with me because mom doesn't allow it to happen. I was bound to be alone and whoever person wants to be with me shall be vanished. —but it's not the castle that was cursed because I was the one who had been cursed.. —by my Mom and by fate.

Kapalaran na din ang nagdiktang hindi kami pweding magkasama. Bago ko pa nalamang nakatakda silang magpakasal ni Miracle, nakatanggap na ako ng babala para sa buhay niya at doon ko naalala ang tanging bilin ni Mama. Stay away from them! You need to be alone forever.. —that's the saddest realization.

I was live because of sin. -that's what she had written in the bookmark. Posible bang bunga ako ng bawal na relasyon? Then who am I? Sino ang totoo kong magulang? At sino sa kanila ni Dad ang nagkasala?

I don't know kung kakayanin ko bang tanggapin kung hindi siya ang totoo kong ina. Ano pa ang dahilan ng pagpapalaki niya sa akin kung hindi naman pala siya ang ina ko? Natatakot akong basahin ang libro niya at baka lalo lang akong mawawasak. Ang malaman nga lang na hindi niya akong totoong minahal bilang anak ay sobra na akong nasaktan, paano pa kaya kung malalaman ko pa ang ibig niyang sabihin sa sinulat niyang nabuhay ako dahil sa kasalanan.? Baka mamatay na ako!

"Hey, what happen?"

Naputol lang ang pag-iisip ko ng magsalita si Clover. Napa-upo na naman pala ako sa kama niya ng hindi ko napapansin. Umiling lang ako sa kanya at muling tumayo, naiihi na pala ako. Gusto ko ng magbanyo.

"First." tawag niya sa akin ng talikuran ko siya.
"Where are you going?" nagtataka niyang tanong.

Tinignan ko muna siya bago ulit maglakad. "Iihi, sasama ka?" ngumiwi siya sa akin na parang nandidiri tsaka nagtalukbong ulit ng kumot niya. Nakakadiri ba ang umihi? Oa niya.

Naghilamos na din ako at nagsipilyo. Ginamit ko na 'yung sa kanya, hindi naman siya bad breath. Ang bango nga kanina eh. Napapangiti na lang ako sa naiisip ko. Pero potch! sakit ng kamay ko. Nasugatan pala ako kagabi sa kabaliwan ko. Humarap ako sa salamin para tignan ang sarili ko at napapailing na lang ako. Boplaks! Ganito ang hitsura ko kagabi ng makita ako ni Clover? —ang tanga ko! Paano kung matakot na siya sa akin? Pero bakit nandito ako sa loob ng kwarto niya? Pinuntahan niya kaya ang loob ng unit ko? —Shit!!!

Realization dawned me!

Mabilis akong lumabas ng banyo at kinakabahan siyang tinitignan. He was sitting at the edge of his bed facing the window at nakatalikod siya sa akin.

Tinitigan ko siyang mabuti mula sa likod. Ano kaya ang iniisip niya kagabi tungkol sa akin? Magiging katulad din ba siya ni Dad na lalayuan din ako? Dad already saw the monster inside me that's why he wants me to stay away from others. He even send me to the psychiatric hospital after I left La Carlota before at iyon ang banta niya sa akin when I was in the hospital last 2 days. He taught I was committed suicide because of my swollen neck. Hindi niya alam muntikan na akong mamatay dahil sa pagkakasakal sa akin ng taong binisita ko. Hindi ko alam kung concern ba si Daddy dahil ayaw niyang magpakamatay ako o natatakot siyang baka bumalik na naman ang akala niyang sakit ko. I have mental illness— that's what he said before. Sa madaling salita, isa akong baliw para sa kanya.

"Clover!" tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa gawi ko. "P—-pumunta ka ba sa unit ko kagabi?" lakas-loob kong tanong sa kanya. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya at may parte sa puso kong natatakot at nalulungkot kapag may sinagot siyang hindi ko gustong manggaling sa kanya. —ang maging katulad siya ni Dad.

"Uh—huh.." simpleng sagot niya at tumayo na din at naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Tinitigan ko ang mata niya at hinahanap ang reaksyong kinatatakutan ko pero isang malamlam lang na ekspresyon ang nakikita ko. Hindi ba siya natatakot sa akin? Hindi ba siya lalayo? Hindi ba siya nandidiri bukod sa pag-ihi ko? Bakit? Bakit parang naaawa siya sa akin? —ayoko ang ganoong emosyon!

"Good morning love." bati niya matapos akong lagpasan. Malambing niya iyong binanggit na pwedi akong madala kung hindi ko lang natitigan ang mata niya. —he only pitied me kaya ganito siya.

"Huwag mo akong kaawaan Clover." mahina kong sabi na tama lang para marinig niya.

"I don't pity you First. I just—- care." sagot niya. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko at pinoproseso ang sinabi niya taliwas sa emosyong nakita ko sa mata niya. He cared dahil naaawa siya.

Lumabas ako sa unit niya at hindi na siya hinintay pang makalabas muna sa banyo bago ako umalis. I got what I wanted to see from him. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng sakit sa kalooban ko. Hindi niya sinabing lalayuan niya ako pero ayokong makita ang awa galing sa kanya dahil mas lalo ko lang narerealized na wala ng pag-asa ang buhay ko.

Mabilis kong binuksan ang unit ko ngunit nagtaka na lang akong makita na wala man lang bakas ng pagwawala ko kagabi except the other things na wala sa pwesto ito nakalagay.

Am I hallucinating? Pero sigurado akong pinagbabasag ko ang lahat ng makita ko kagabi. Imposible namang nananaginip lang ako dahil nakita ko naman sa katawan ko ang mga galos at sugat dahil sa nagtalsikang bubog.

Nilibot ko ang paningin sa buong unit ko. The tv is still the same but it looks new. The sofa, throw pillows and even the tables and chairs, —still the same. Pero wala ng babasaging bagay ang nasa loob.

Napapaisip tuloy ako, baka iyon lang ang kinuha ko kagabi at hinagis sa loob ng kwarto ko kaya mabilis kong pinasok ang kwarto ko upang makita ang nagkalat ng gamit doon pero katulad ng pagtataka ko sa ayos ng living room, lalo akong nagtaka sa ayos ng kwarto ko. There is no trace of destruct. Impossible!!

I reach the door knob of my secret scream room and immediately entered it but things gets more weirder! Wala na ang lahat ng gamit na basag sa loob, —even the spots of my own blood, it also disappear. Who could it be? Sino ang nagtanggal nun? Pero ang mas nakakabahala— sino ang nakapasok sa kwartong ito?

"First!" rinig kong tawag ni Clover mula sa labas. Siya kaya?

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko siyang nakatingin din sa palibot ng unit ko. Nagtataka ang mukha niya, —nagtaka din siguro siya dahil wala siyang makitang kalat sa living room katulad ng nakita niya kagabi at it gives me the idea na hindi siya ang naglinis ng buong unit ko. Pero sino?

"What are you doin' here?" walang-emosyong tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at naglakad papunta sa kusina ko. "I will cook for you." sambit niya at naghanap pa ng maluluto sa fridge. Sinundan ko lang siya at napa-cross arm na lang ako sa tinuran niya. Is he for real? Matapos niyang makita kung anong ginawa ko kagabi ay ipagluluto niya pa ako? Tss! Marunong pala siyang magluto? —dapat ba maging mabait na ako sa kanya?! Ayst! Cut the crap First!

"I don't want to eat kaya umalis ka na!" pagtataboy ko but he only shrug his shoulder.

"Hindi lang naman ikaw ang marunong kumain.." sarkastikong sagot niya. "You can be my audience while I'm eating if you want." ngisi niya. Aba! Lintek lang.. pagkain ko tapos kakainin niya? Wala ba siyang sariling pagkain?

Automatikong umikot ang mata ko sa sinabi niya. "Pagkain ko ang mga 'yan! Bakit mo naman kakainin at gagawin mo pa akong audience? —the heck!! Bumalik ka na nga sa unit mo.!!"

"Di ba ayaw mong kumain? Edi pamigay mo na lang sa mga nagugutom at gutom ako kaya sa akin mo dapat ibigay." kunot noong sambit niya na parang ako ang dapat makaintindi sa sitwasyon naming dalawa.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Magugutom ako mamaya kaya ayokong ipamigay 'yan!" singhal ko. That's my food.. —at mag-ngingingit ang kalooban ko kapag siya lang ang kakain nun.

Unti-unti siyang bumulalas ng tawa sa harap ko kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya. Siya ata ang baliw sa aming dalawa! Bigla na lang kasi siyang tumawa. Tss! Nahawa na ata siya sa akin.

"That looks suit you more First. The feirce in your eyes, mataray, bully, at laging galit.— mas bagay ang ganoong ugali sayo." natatawa niyang sabi habang may hinahalo sa bowl.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Sa madaling salita— masama ang ugali ko, ganon ba huh?!!" singhal ko ulit. Wala man lang siyang binanggit na magandang katangian na babagay kuno sa akin.

"Nah—uh, being gorgeous and totally beautiful is enough, kaya okay lang na masama ang ugali mo." ngiti niyang sabi. Lalo akong nainis. Mas ini- emphasize niya kasing masama ang ugali ko. I'm beautiful, given na iyon! Matagal ko ng tanggap yun pero ang marinig mula sa kanyang masama ang ugali ko..— it makes me boiled.

"Edi inamin mo ding masama talaga ang ugali ko., Now get out! Masama pala ang ugali ah! Don't eat my food jerk! Ayaw kita bigyan dahil masama ang ugali ko.!!!" sigaw ko sa kanya na kagaya kanina ay tinawanan na naman niya..

"Why you keep on laughing asshole! Nakakainis ka na huh! Am I a clown to you! Bwesit ka! Stop laughing!!" galit kong pigil sa kanya. Tawang-tawa talaga siya sa mukha kong galit at parang umuusok na dahil sa nakakainis niyang tawa..

"I—i was just happy.. Hahahha... Huwag ka ng magalit love!"

"Lab-labin mo yang mukha mo! Kanina ka pang love ng love sa akin Clover.. Nakakaintriga ka na ah! Lalo mong pinapakulo ang dugo ko."

"Why Love?" nakangiti niya pa ring sambit ngunit lumambing ang pagkakatanong niya.. "Are you fallin' for me love?" dagdag niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Stop it Clover! Huwag mo nga akong niluluko. Bilisan mo na lang magluto. Gutom na ako!" singhal ko bago siya talikuran at tinahak ang living room. —All of a sudden, magbabanggit siya ng ganoon? Kinabahan tuloy ako bigla.

Rinig ko pa ang pagtawa niya at sa di maintindihang dahilan ay lihim na lang din akong napangiti. He is such a distraction. Nawala tuloy ang pangamba at takot na nasa isip ko. —napalitan nga lang ng inis sa kanya. Tss!

Continue Reading

You'll Also Like

94K 2.2K 44
|Complete| TROUBLE SERIES 1 Liana Jacklin Mitch C Asunshun The only Princess of Asunshun Family The Trouble maker Queen on Victoria's University She'...
482K 10.3K 72
Siya si Crystal Ice Lee. Isang babaeng cold,Hindi nagpapakita ng emosyon, walang awa,brutal at kinatatakutan ng lahat. Isa siyang gangster queen at m...
1.1M 25.5K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...