Falling in Reverse (Saint Ser...

By gereyzi

99.6K 3.5K 1.7K

4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two bro... More

Falling in Reverse
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 6

2.7K 124 81
By gereyzi

Chapter 6

Ice cream

"Get dressed first para makapagsimula na tayong maglibot," huling sabi ni Prof bago kami pakawalan.

Narito kami ngayon sa lobby ng hotel na tutuluyan namin ngayong araw. Prof had her short briefing. Ayon sa kaniya, our first route will be the Bucas Grande. I don't know what's in there but I am excited.

Magkakasama kaming mga babae sa kwarto at ganoon din naman ang mga lalake. Ang mga admins naman ay may kaniya-kaniyang kwarto.

"Gosh, sana makita ko ulit si Payton! Ang alam ko, may inaasikaso s'ya rito, eh," nangangarap na sabi ni Sauna habang naglalakad kami papunta sa aming kwarto.

Magkaakbay naman kami ni Hannah habang sila Vilma ay kaniya-kaniyang kuwentuhan. Nanatili naman akong tahimik dahil si Payton ang pinag uusapan nila. Hindi ko nga alam hanggang ngayon kung bakit niya ako niyaya mag surf. Bakit niya alam?

Tuluyan kaming nakapasok sa aming kwarto habang patuloy din ang kanilang kuwentuhan.

"Shawny, kailan simula ng practice n'yo?" tanong ni Suana bago nahiga sa couch na nasa mini sala ng aming kwarto.

The room looks cute and comfy. Napaka gaan sa mata ng kulay nito na dilaw at pink. Dumeretso naman ako sa katabing banyo para mag bihis. "Hindi ko pa alam. Tryouts pa lang naman yata," sagot ko.

Kinuha ko ang aking swimsuit na kulay peach saka ko ito tinabunan ng kulay itim na see through jacket. Baka mainit, mayayari ako kay Mommy kapag nagkataon.

"Pero ang cute, ano? Paano kapag bumalik si Reagan?" tanong ni Vilma na ngayon ay naka swimsuit na lang din.

Mabilis na kumunot ang aking noo. Reagan Farro. Ang ex ko na ipinagpalit ako para sa iba. Para sa pangarap niya.

"Bakit naman nadamay iyon dito? He's fine and so am I," I shrugged.

"Malay mo lang naman! Ang alam ko ay sikat iyon doon, ah? Magaling daw at single pa rin kaya kinahuhumalingan ng karamihan," she replied. Hindi ako umimik at nagpatuloy na lang sa paghahanda. Ngumisi si Hannah.

Kilala nila si Reagan. Kaklase ko kasi noong senior high si Vilma at kasama doon si Hannah. They've met Reagan dahil madalas akong sinusundo noon dati. He's a Regorian. We've been together for four long years. He graduated last year to pursue his medicine career in London. Ayos lang naman sa akin. Young love, though.

What's important here is the present time. Ayaw ko muna isipin ang mga susunod na panahon. Ayaw kong maglaho lahat.

Life should matter always. Not just because it has an ending but because we have something to fight for.

I treasure every moment in my life. I treasure every person.

Matapos naming maghanda ay pumunta na kami sa lobby kung saan ang aming meet up. Marami ang turista sa mga panahon na ito dahil malapit na ang tag ulan at mahirap nang mag gala kapag ganoon. We're here now at Bucas Grande Island. Kasalukuyan akong nakatanaw sa kulay berde na tubig. May napaka laking bato na tila nakakalula tignan.

Abala silang lahat sa pagbubulungan habang abala rin sa pag o-orient sa amin ang aming dean. We've heard the orientation already. Nasabi na iyon noong first day of school. Hindi ko alam kung anong purpose nito.

"Expect some hectic schedule after this tour of yours. You will be busy handling the whole event for the upcoming Clark Day," Dean said. Doon ako napabaling sa kaniya at ganoon din ang mga kasama ko.

"Ano pong Clark Day?" tanong ni Vilma.

Hindi ko alam na may pa ganoon pala.

"That's just like a field day. No worries," mabilis na sabi ni Prof nang makita siguro sa mga mukha namin ang pagtataka. "And your section will handle everything," she added.

"Ano po?" gulat na tumayo si Deo na kanina ay nakaupo sa bato na malapit sa tubig.

"You will have the event. The plans and the making of it," Dean smiled as if it's the most beautiful thing he had ever said.

Seriously?! That's a big event for sure! At iilan lang kami sa aming block!

"Buong Clarcians lang naman po iyon—"

"That's open gate. And... I want The Reason to perform, Shawntelle," bumaling sa akin si Dean.

What the fuck?! Is he what?!

"Po? Hindi po kaya't mas'yadong mahirapan na doon si Shawny? Baka po p'wedeng ibang banda na lang?" Hannah then stood beside me.

"Why? Can't you sail the two river, Shawny? Thought you're smart, headstrong, and independent?" may pang hahamon na sabi ni Dean. I vulgarly rolled my eyes on him. Hindi naman siya nagalit o kung ano.

Nakakainis talaga ang isang ito. Hindi ko alam kung bakit pero ako ang dinidikdik n'ya.

Kapag nagalit siya ay wala namang mangyayare. Mas lalala lang ang sitwasyon. Nakakainis!

"I'll do it," I sighed.

Nagpatuloy ang usapan. Nauwi ang orientation sa pagpaplano para sa big event na iyon. Nakapasyal na kami sa Maasin River, Magpupungko Rock Pool, at ngayon, narito na kami sa Naked Island.

"Okay, Class, please, be responsible. I'll let you roam around and just have your time planning," sabi ni Prof matapos naming maglibot sa iba't ibang isla.

Maya maya pa ay nagsialisan na silang mga admins. May pinuntahan na kung saan habang kami naman ay narito at mga nakaupo sa puting buhangin at patuloy sa usapan.

Nakaka tempt ang asul na asul na dagat. Kitang kita rin ang ilalim nito na kulay puting buhangin. Para ang sarap sarap lumubog doon. Sana ay matuloy kami ni Payton— I mean, kami sanang buong block ay makaligo rito.

"Paano 'yan? Kailan nga uli itong event?" tanong ko saka ipinailalim ang aking paa sa buhangin. Umirap sa akin si  Hannah.

"Girl, be attentive! Pangatlong beses na iyang tanong mo!" she exclaimed kaya nagtawanan sila habang ako at napakamot sa ulo dahil hindi ko iyon natandaan.

Hays. Napaka preoccupied ko talaga palagi!

"Oo na!"

Nagpatuloy ang aming meeting. Napagpasyahan na sa isang kainan na rin ito ganapin dahil tinawag na kami ng aming prof. Kanina pa rin ako naiinis dahil mga wala yata silang plano na magsiligo. Ayos na yata sa kanila ang pa-picture-picture lang!

That's not fine! Sayang naman ang ginastos ko rito!

"So, anong activities ang naplano na ninyo?" tanong ni Dean saka ako sinulyapan at ngumisi.

Have I told you that he's just 28? Marahil, iyon ang dahilan kung bakit ako at idinidiin ng isang ito. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang cheap efforts niya! He's so full of himself!

"Mr. Galeon, I know I can do it. Chill," pagsakay ko sa trip ng isang ito. I rolled my eyes. He chuckled and shrugged.

Mabilis naman akong siniko ni Hannah dahil sa aking ginawa. Hindi ko na lang pinansin.

Natapos ang aming pagkain at doon na napagpasyahan na bumalik na sa aming hotel kaya bugnot na bugnot na ako lalo. Papalabas na kami sa restaurant nang saktong pasok naman nila Payton at ng dalawang piloto na kasama nito. Natigilan ang lahat at ang mga babae naman ay mabilis nang nagsibati. Ang mga profs at ibang admins ay nauna na sa labas. Maliban kay Dean namin.

May napansin lang ako. Sana ay mali.

Pinagmasdan ko si Payton na ngayon ay naka plain white shirt, board shorts, at itim na Islanders na tsinelas. May dala siyang cellphone at abala kanina sa dalawang piloto na kasama... na mga kamukha niya. Mabilis kong nilingon si Nazareth Horiah Galeon.

Bakit ganoon?

"Hi, Payton! Saka, hi rin Home at Damien!" kunwaring mahinhin na bati ni Sauna sa kanila.

"Good afternoon. Have you had your lunch already?" tanong ni Payton saka ako saglit na tinignan. Mabilis na tumaas ang kilay ni Hannah saka ngumisi sa akin.

Problema nito?

"Oo, Pay. Kayo?"

"Bago pa lang."

Natigil ang kanilang usapan nang umubo kunwari ang aming Dean na ngayon ay nakangisi.

"Nagawa mo na ang ipinapagawa sa'yo?" tanong nito kay Payton. Kumunot ano noo ni Payton saka dahan-dahan na tumango. Saglit uli akong nilingon.

Nagpatuloy ang usapan ng apat na lalake na akala mo ay mga magkakakilala talaga. Kami naman ay lumabas na sa kainan dahil mukhang importante ang kanilang mga usapan.

"Grabe talaga, ano? Kakaiba kapag magkakasama ang magkakadugo na iyon," sabi ni Vilma saka naupo sa couch.

Narito na kami sa aming kwarto at mukhang wala talaga silang plano na maligo sa dagat. Kating kati na ako.

"Yep. Pero halatang may boundary sa pagitan ng dean at Payton," Hannah replied.

Mabilis na kumonot ang aking noo.

"Excuse me? Magkadugo sila?" tanong ko.

Binuksan ko ang pintuan na bubog papuntang veranda ng kwarto. Tanaw na tanaw mula rito ang napakagandang kulay asul na dagat.

Gusto kong dambahin.

"Yep. Magkapatid ang mother nila."

Ah, okay. So he's Payton Andrew Galeon Meiran, huh. The name sounds powerful.

"Sila Home at Dame naman ay sa father side, ano?" tanong ni Hannah. Napanganga ako saka tumango na lang dahil sa pagkagulat.

Akala ko blockmates niya ang mga iyon.

"Swimming tayo," anyaya ko kay Hannah nang matapos ang kuwentuhan nila. Nakahiga siya ngayon sa kama.

Mabilis siyang ngumuso at umiling. " Ayaw. Sayang skin care routine ko, Sis!"

"Ah, dali na! Sayang pera ko!" angal ko. Nagtawanan sila Vilma sa aking sinabi.

"Girl, hindi ka sana nanghihinanyang sa pera kung masunurin ka lang na anak," she fired. I rolled my eyes.

"I don't want to quit my band," umiling ako. Naglakad na ako papunta sa pinto para lumabas dahil wala namang sasama sa akin.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil mga pagod na pagod na rin naman sila. Nakasalubong ko naman si Deo sa hallway kaya nagsabay na kami.

"Saan lakad mo?" tanong ko saka kami sumakay sa elevator. Hindi na ako nagpalit. Basta, lulubog ako.

Wearing his plain black shorts, without something on top, he flashed at mischievous smile kaya natawa ako at tinulak siya.

"I'll catch some fish," he winked. Hindi ko na napigilan ang matawa talaga dahil sa hitsura ni Deo.

Ang nerd na ito!

"Nawa'y hindi hipon ang makuha mo," muli akong tumawa. Mabuti na lang at walang ibang tao dito.

Nanlaki ang mata ni Deo saka umismid sa akin. "Grabe ka na sa akin, ha? Bakit, mangbibingwit ka rin ba? Ingat ka at baka ikaw ang makabingwit ng hipon," he rolled his eyes.

Bumukas ang elevator kaya lumabas na kami, at saktong nakita ko naman si Payton na papaakyat sa malaking hagdan ng hotel papasok. Bubog ang malaking pintuan. He's wearing a Hawaiian shirt together with his white cargo shorts while talking with his phone.

Ngumisi ako kay Deo. "Tingin ko ay hindi hipon ang mabibingwit ko," I whispered. Saktong nakalapit na si Payton na ngayon ay kunot ang noong nakatingin sa amin ni Deo habang nagbubulungan. Ibinaba na ang tawag.

"I was about to pick you up," Payton said while looking at Deo.

Nagulat si Deo at mabilis ako na tinignan.

"M-may... lakad kayo?" he asked, almost a whisper.

I shrugged at him saka naglakad na papunta kay Payton. "We'll go surfing."

"Wow! Kayo ba? Dating?" gulat na gulat si Deo nang magtanong. Natawa ako saka umiling.

"Hindi."

Nilingon ko si Payton na nakatingin pa rin kay Deo.

"Pero magiging kayo—"

"Just quit asking. Sige, bye!" mabilis kong sabi dahil ayaw ko ng mga usapan na ganito.

Naglakad na ako palabas habang si Payton naman ay tahimik na sumusunod. Nakakahiya pa dahil halos lahat ng mga turista na nakakasalubong namin na babae ay lantaran kung lingunin s'ya. Lahat magaganda. Eh ako? Ang alam ko, mukha lang akong stress my whole entire life.

Saktong nakababa na ako sa malaking hagdan ng hotel nang hindi na nakatiis ang mga babae. Lumapit na sila kay Payton at mga nagtanong na ng kung ano-ano. Napangiwi ako doon at tumuloy na lang sa paglalakad. Natatanaw ko na rin naman ang kulay asul na dagat. May ilan ding nag su-surf at iyon ang mas nagpasaya sa akin. Binilisan ko ang aking lakad para makakuha na kaagad ng surfing board.

"Hey..."

Napalingon ako kaagad kay Payton na papalapit habang mayroong kausap na isang tauhan ng resort, may dala na surfing board. Tuluyang nakalapit sa akin ang dalawa. Mabilis akong tumigil at hinintay kung ano bang sadya.

"In case you don't know how to surf," he shrugged. Iniabot na sa akin ang kulay itim na surfing board.

Kaagad halos kuminang na ang aking mata dahil doon.

"Don't test me, big guy," I smirked.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil napakagaan sa pakiramdam kapag ganoon siya. Pakiramdam ko ay parang katulad ng dagat na payapa kapag nangiti s'ya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ko s'ya purihin. Overrated na ba? Oo yata. Ang alam ko lang naman ay kaaway ko lang siya noong nakaraan, eh.

"Then I guess we won't be needing Kuya here," Payton shrugged and tapped the guy's shoulder.

"Nako, ayos lang ho! Ayaw ko rin ho maabala ang date ninyo," kakamot kamot sa batok na sabi ni lalake. Nanlaki ang mata ko at mabilis napatingin kay Payton na ngayon ay nakangiti sa lalake at tumatango tango pa.

"Mukha ngang abala lang, Kuya. Gustong gusto pa naman ako ma-solo ng ka-date ko."

Aba teka!

"Excuse me?!" namewang ako at nilingon si Payton na bumalik ang lahat ng kayabangan sa katawan na akala ko ay nawala na.

Ang walang hiyang ito!

"Totoo naman? Kaya nga ang bilis mong pumunta rito, eh. Tsk. Chill ka lang, Shawnybunny, I'm yours," and the brute winked.

"Funny! Kasuka!" I rolled my eyes at pumunta na sa tabing dagat dala ang surfing board.

Hinubad ko na rin ang jacket na kanina ko pang suot. May ilang napalingon sa akin na mga turista. Kaagad naman akong nailang at lumusong na sa tubig. Naramdaman ko naman na nakasunod na sa akin si Payton. Nasa bewang na ang tubig.

"Hey, your leash!" mabilis siyang lumapit sa akin.

Napaatras ako dahil sa gulat dahil hinawakan niya ako sa braso. Saka ko lang din naalala na hindi pa nga pala ako nakakapaglagay ng surfboard leash. Inilapag ko ang board sa tubig at mabilis na naupo roon. Aktong ilalagay ko na ang leash pero naunahan ako ni Payton. Marahan niya akong hinawakan sa binti at marahan na ikinabit doon ang leash. Para akong napaso.

I secretly survey him. His light brown hair, brown eyebrows, brown eyelashes. Kung ipapares kila Jacos na mga katamtaman ang kulay, kakaiba si Payton. His skin color is so white. Basta, walang nakaka intimidate sa itsura niya. Napakagaan ng atmosphere tuwing nasa paligid siya. Nakakailang lang kapag natitig siya at kung minsan pa ay nakanguso ang napaka pupulang labi. Ngayon ko lang din napansin na... he's topless. Napaiwas tingin ako roon.

Damn six packs!

"Pinsan mo pala ang dean namin?" tanong ko dahil baka makalimutan ko na namang itanong. Sayang ang chismis.

"Yeah. But we're not close, though," he shrugged. Ngumisi siya nang matapos sa ginagawa. "There you go."

"Bakit? Attitude ka siguro?" I smirked. Lantaran niya akong inirapan. Natawa ako at pinalo siya sa braso.

Isinagwan ko ang aking kamay kaya umandar ang aking board papalayo sa kaniya.

"Dali, iyon na ang first wave!" binasa ko pa s'ya saglit bago ako dumapa sa board at mas isinagwan na ang aking kamay pasalubong sa alon na tanaw ko na paparating.

Nilingon ko si Payton na nasa likuran ko na. "Careful," paalala niya na tangi ko na lang na tinanguhan.

"Anong style gagamitin mo? Use some basics first," paalala ni Payton nang papalapit na ang alon.

Lumingon ako sa kaniya at tuluyan nang hindi naitago ang tuwang nararamdaman. " I want to try Backfoot."

Saglit nag isip si Payton at kalaunan ay tumango rin.

We tried different styles of surfing. Mas napagod pa kami sa pagtatawanan kaysa sa pagsu-surf. Halos dalawang oras din ang itinagal namin sa pakikipag laro sa alon bago kami nanatili sa may mababaw at payapang tubig.

Nakatihaya ako ngayon sa board habang si Payton naman ay nakadapa at nakalingon sa akin. Hawak ang rails ng aking board para hindi mapalayo sa kaniya.

He's so sweet, I cannot!

I think... I should stop this.

Naiinis ako sa sarili ko. Ilang linggo pa lang kami tuluyang nagkakausap pero heto na kami ngayon. I don't know what's with me. Hindi ko rin alam kung bakit 'crush' daw niya ako. Halata namang trip lang niya.

Natatakot lang ako. Baka kasi hindi ko mamalayan na lunod na pala ako at wala namang sasagip.

"Bakit hindi kayo close ni Horiah?" tanong ko at saglit siyang tinignan.

He smiled bitterly. Sa braso ko na siya nakahawak ngayon dahil nabibitawan niya ang rails. I don't know, this just really feels good.

Ang payapa. Ang payapa kapag nakikita ko ang mukha n'ya.

"He's an asshole. Walang ka-close iyon sa amin," he sighed. "He's greedy, too. But I get him. He's just taking things seriously."

"And he's bully, too. Kaya siguro kayo magpinsan," biro ko na ikinatawa niya.

He's too serious kaya!

"Yeah, right!" he surrender. Umupo na siya sa kaniyang board kaya napalingon ako sa kaniya. Ang iilan na nag su-surf ay mga babae. Mga kunwaring napapadpad sa gawi namin.

Ilang beses nang may kunwaring nadanggil ang board ni Payton para mapansin. Nagso-sorry naman sila at tahimik na tatanguhan at ngingitian naman nitong isa.

Naupo na rin ako.

"Let's eat? I know a place here, " he said.

Mabilis niyang hinigit ang nose ng aking board kaya nagkasabay na kami. May iilang lalake na surfers kaming nadaanan. Napalingon sa akin ang iba. Ngumuso si Payton nang makalagpas kami doon. Akala ko ay kung ano pa ang gagawin niya pero inayos lang pala ang strap ng bra ko na nahuhulog na sa aking braso.

Naging tahimik kami hanggang sa makarating kami sa pampang. Hinanap ko pa ang jacket ko doon pero wala na. Gosh!

"Here. Wear this for a while," iniabot niya sa akin ang kaniyang Hawaiian shirt. Mabilis ko namang kinuha iyon dahil hindi ko naman kakayanin na maglakad pauli-uli rito nang naka bra at panty lang.

"You look like a Barbie, though," he said suddenly.

"Payton, ako lang 'to. " I flipped my hair. Natawa siya at pabiro akong tinulak ng mahina.

He then pouted again. Kinuha ang cellphone at itinutok sa akin. "You're just really pretty. Let me have your photograph."

"Sige lang. Pumila ka lang riyan at makakapag pakuha ka rin ng picture sa akin," I shrugged. Mas natawa si Payton.

"Dali na!" pagpupumilit niya kaya naman tumalima na ako kahit panay ang tingin sa amin ng mga tao.

Nakarating kami sa may ilalim ng puno ng niyog. Kumuha ako ng gumamela na nasa tabi at inilagay iyon sa aking tainga. Saka ako lumingon sa camera ni Payton.

"Tang ina. Ang ganda mo naman!" he shook his head after many attempts.

"Sabi sa'yo pumila ka!"

"Saan ang pila? Marunong ako pumila pero parang walang naman yatang iba na napila sa'yo," he said mockingly.  Humalakhak ang damuho. Kainis!

"Yabang!"  umiling ako at hinintay si Payton na bawiin ang sinabi pero hindi!

Gosh, he's so savage!

My pride and my ego!

Matapos akong lait-laitin ni Payton ay nakailang pictures din kaming dalawa na magkasama bago kami tuluyang nakarating sa isang restaurant.

"What's the name of the place?" mangha kong tanong habang nilalakad namin papasok ang napakaganda na restaurant.

"Bliss Restaurant. You like the place?" sagot niya saka ako inalalayan na makaupo sa napaka cute na mga upuan. Nasa terrace na parte kami. Medyo marami ang tao.

Ang ganda at ang gaan sa pakiramdam ng lahat. Ang mga upuan ay mga kahoy na maliliit. May mga malilit rin na couch.

"Yep. By the way, anong inaasikaso mo rito?" taka kong sagot.

Natigilan siya.

"May binisita lang na branch namin dito," he nodded.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa dumating ang waiter. Binigyan kami ng menu at mukhang masasarap naman lahat. Hays.

Ngumuso ako at tumitig doon. Binasa ko lahat ng nasa menus. Saglit kong sinulyapan si Payton. Nakatitig sa akin. Napalunok ako doon.

The heck is his problem?!

"Hmm... Let me have this  Fresh Gazpacho Andaluz with toasted bread," baling ko sa waiter. "Ikaw, anong gusto mo?" lumingon ako kay Payton na kanina pa nakatitig.

Ano ba 'yan?!

"Ikaw," he replied unconsciously.

Natahimik ako at ganoon din ang waiter. Awkward akong ngumiti sa waiter na ganoon din naman.

Palihim kong sinipa si Payton mula sa ilalim ng lamesa. Doon s'ya natauhan at mabilis na umiling. Nagmura pa ng sunod sunod. Natawa naman ang waiter.

"May problema ba kung s'ya gusto ko?" he asked the waiter vulgarly. Napalunok uli ako dahil parang maloloka ako sa mga sinasabi nitong si Payton.

Nababaliw na ba s'ya?!

"W-wala naman, Sir," nauutal na sagot ng waiter.

I cleared my throat. "He'll have what's mine," sabi ko nalang para umalis na ang waiter na napahiya. "You're rude."

Nanlaki ang mata ni Payton sa aking sinabi. He bit his lower lip and nodded. "I know. I was just getting into you."

"Tang ina ka, Pre," ngumiwi ako.

"What? Masama ba 'yon?"

"Oo. Mabilis dila mo." umiling ako.

Biglang ngumisi si Payton. Kinabahan ako nang bumaba ang paningin niya mula sa aking mukha, pababa sa aking dibdib, at papunta siguro sa aking ibabang bahagi kung wala lang lamesa sa aming pagitan. I gulped.

"Alam mo pa kung saan mabilis ang dila ko?" he asked with a mock. Mas nagtaka ako.

Ano bang sinasabi nito?!

"Saan?"

"Sa pandidila," he pouted and... pointed my lower part.

Doon ko nakuha ang kaniyang sinabi at mabilis siyang pinalo sa braso. He only groaned. "What's your problem?!"

"Bastos ka, gago," I shook my head. Bigla siyang tila naging inosente kaya napatiim bagang ako.

"Anong bastos doon? Ang sabi ko mabilis din ako mangdila... ng ice cream. Madumi utak mo, Shawnybunny, huh," he tsked and threw the blame on me now.

"Ewan ko sa'yo," I rolled my eyes. Natawa siya at pabiro akong sinundot sa braso.

"By the way, I have a question," he became serious. I don't buy that. He's a total jerk!

"Ano na naman?!"

"Can I court you?" he fired.

Naiwan sa ere ang sasabihin ko at gulat na gulat sa sinabi ni Payton. He looks so serious but I don't think he really is. Umiling ako. "Ayaw ko." trying to save myself from the trap.

"Awts gege, Lods," he simply replied like he asked nothing but a plain joke.

I ache at that a little. Dumating ang aming order at naging tahimik na kami parehas.

Naiinis ako. Panira ng mood.

He asked. I rejected him. He only replied 'awts gege lods' .

I hate him.

Continue Reading

You'll Also Like

33.3K 1.3K 34
Date Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng mga lalaki. Hindi marunong magseryoso at...
9.4K 647 65
Summer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he...
44.8K 1.1K 57
Ciudad de Escalante Series 1/8 Being an illegitimate daughter didn't hamper Klevoreign Carvajal's chance to experience a well-lived life until everyt...
207K 5.6K 16
WARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Nyle Davis the owner of Tigers Village, siya din ang...