Seven Days Of Heartbeats

By dimwitlivid

1.7M 59.3K 12.4K

Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him... More

00 : Prologue
01 : Skip a Beat
02 : Her life
03 : Break Up
04 : The Deal
05 : Day One
06 : Mysterious Guy
07 : Bestfriend
09 : Text
10 : Sponsors
11 : Day Three
12 : Day Four
13 : Camping
14 : Day Five
15 : His Name
16 : The Donor
17 : Day Six
18 : The Heartaches
19 : The Operation
20 : Wish Granted
21 : Day Seven
22 : The Promise
23 : The Letter | FINALE
01 : The Last Day | SC1
02 : A New Beginning | SC2
00 : Recommendations

08 : Day Two

54K 2K 200
By dimwitlivid


AVALYN

Noong bata ako ay matagal ko nang pinangarap na maranasan ang mag picnic kasama sina Mama at Papa. Kaso ay hindi namin magawa dahil kailangan kong manatili sa hospital. Tanging makina na lang kasi ang nagsisilbing buhay ko. Kaya nu’ng nagkaroon ako ng donor ay sobrang saya ko dahil sa wakas ay magagawa ko na ang mga bagay na pinangarap ko lang noon. Ang pinagkaibahan lang ay hindi na kasama sina Mama at Papa sa mga pangarap na iyon. Kung kailan ako gumaling ay ‘saka pa sila nawala.

Naging okay naman ang buhay ko. Minahal ako ng mga umampon sa akin nang higit pa sa inaakala ko. Hindi sila nagkulang sa akin ng oras at pagmamahal. Ibinigay nila sa akin ang mga bagay na gusto. Nagkaroon din ako ng maraming kaibigan. Naging masaya ako sa loob ng labing limang taon.

Napatingin ako sa buong tanawin habang nakatayo sa gilid ng rooftop, sa mismong bakud. Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob ko. Kitang-kita ko ang taas mula sa kinatatayuan ko. Kung sakaling mahulog ako dito ay alam kong hindi ko ikamamatay.

Itinaas ko ang magkabilang kamay ko at dinama ang ihip ng hangin na tumatama sa akin. I know I am inside my dream. Matagal na rin nang magsimula akong managinip ng ganito. Parang totoo ang lahat. Kahit alam ko kung gaano kataas ang kinatatayuan ko ay hindi ko magawang matakot. Sa halip ay nakaramdam ako ng saya. This is my first time to stand here. Kita ko ang buong sulok ng campus.

“You’re not trying to jump from there, are you?”

Napatingin ako sa gilid ko nang may magsalita rito. Naibaba ko ang mga kamay ko, gulat na napatingin sa kaniya. For the third time, I saw the guy from yesterday. Suot niya pa rin ang hindi nakabutones niyang uniporme at ang itim niyang t-shirt na ginagawang panloob. Nakaupo sa gilid ko.

“Kahit sa panaginip ko ay nandito ka,” mahinang saad ko. Hindi naman siya kumibo. Nakatingin lang din siya sa buong tanawin. Tumingin naman ako sa baba ng building.

“Kahit naman tumalon ako dito, hindi ko ikamamatay,” dagdag ko na siyang ikinalingon niya sa akin. “Panaginip ko lang ito.”

Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya bago tumayo mula sa pagkakaupo. Ngayon ay nakatayo na siyang nakaharap sa akin.

“Who knows? Baka kapag sinubukan mong tumalon mula dito ay kasabay rin ng pagtigil ng pagtibok ng puso mo sa totoong buhay.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi naman ako natatakot na mamatay. Natatakot ako na iwan ang mga taong mahalaga sa akin nang hindi man lang nagpapaalam.

“Bakit ka nga pala nandito?” pag-iiba ko sa usapan. “Imahenasyon ba kita o multo?”

It took him a minute before he replied.

“Hindi ko rin alam,” sabi niya. “Wala akong maalala.”

Nagtaka akong tumingin sa kaniya. Tumalon ako pababa sa rooftop bago siya tignan mula sa kinatatayuan niya. Ilang araw ko ring iniisip kung gawa lang ba siya ng imahenasyon ko. Parang sa akin lang kasi siya nagpapakita. Sinubukan ko kasi siyang ipagtanong kung may nakakakilala sa kaniya ay walang sino ang nakakaalam kung sino siya.

“Paanong wala kang maalala?”

Kibit-balikat lang ang itinugon niya sa akin.

“Baka isa Guardian Angel kita,” dagdag ko. Rinig ko naman ang marahan niyang pagtawa.

“Pfft. No. I am no Angel.”

Muli siyang umupo sa gilid ng rooftop pero ngayon ay paharap sa akin.

“You should forgive your parents now and spend time with them,” pag-iiba niya ng usapan dahilan para kumunot ang noo ko.

“Humiling ka na ng iba. Huwag lang iyan.”

“Alam mo, may dahilan kung bakit sila nawala sa tabi mo–”

“I know,” mahinang putol ko sa kaniya. Napayuko ako para itago ang lungkot sa mga mata ko.

“Alam ko ang dahilan kung bakit sila nawala,” dagdag ko. Ilang saglit pa ay bumuntong hininga ako bago tumingin sa kaniya.

“Narinig ko sila noon na nag-aaway. Nagsisisihan silang pareho kung bakit sila nawala sa tabi ko,” natatawang pagpapatuloy ko.

“Aksidenteng nakasagasa si papa ng isang batang babae, dahilan para makulong siya ng ilang taon. Habang si mama naman, kinailangan niyang mag-ibang bansa para tustusan ang gamutan ko at ang mga pangangailangan ni Papa sa loob ng kulungan.”

“Pero bakit?” tanong niya. “Bakit hindi mo pa rin sila magawang patawarin?”

Ilang segundo akong natahimik bago siya nagawang sagutin. Umiling ako kasabay nang pilit kong pagngiti.

“Kinuha nila ang isang mahalagang tao sa buhay ng taong mahalaga sa akin,” malungkot kong saad.

Muli kaming natahimik. Tanging ihip ng hangin lamang ang gumagawa ng ingay sa pagitan naming dalawa. Ilang saglit pa ay napabuntong hininga ako.

“Pero napapagod na rin ako. Akala ko, mahahatian ko siya sa pagiging miserable niya kung kakamuhian ko rin sina Papa na naging dahilan kung bakit siya naghihirap ngayon pero alam kong imposible nang kamuhian sila ng matagal,” saad ko pa.

“. . . Sa kabila ng lahat, sila pa rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tumitibok pa rin ang puso ko.”

NAGISING AKO nang marinig ang pumasok sa loob ng silid ko. Napatingin ako sa puting kisame. Rinig ko ang bawat paghinga ko dahil sa nakakabit na oxygen sa bibig ko at ang mumunting tunog ng vital signs monitor kung saan makikita ang kalagayan ng puso ko at ang paghinga ko.

Doon ko lang napagtantong nasa hospital na naman ako.

Naalala kong inatake ako pagkatapos kong makauwi ng bahay. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi mag-isa matapos akong iwan ni Ian sa harap ng Café. Nakita ko na lang ang sarili kong nasa harap na ako ng bahay.

Nabuntong-hininga ako. Kahit tulog ako ay rinig ko ang mga hagulgol nila habang isinusugod ako sa ospital. Muli kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman muli ang antok. Hindi ko man lang magawang lingunin ang pumasok sa silid ko.

Rinig ko naman ang pagbuhat ng isang tao sa bangko at dinala iyon sa gilid ko. Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam kong nasa gilid ko lang siya. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa kamay ko.

“Anak...” Muli ay narinig ko na naman ang munting paghikbi niya. “I-I’m sorry kung nawala ako ng mahabang panahon. Ni hindi kita naalagaan noon. Sorry kung iniwan ka namin.”

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ibinuka ang bibig bago bigkasin ang salitang . . . “Mama.”

Agad siyang napatayo. Hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

“A-Anong sabi mo? Anak, ulitin mo ulit ang sinabi mo,” naiiyak niyang saad.

“M-Ma . . . ma.”

Kahit hirap ako sa paghinga ay nagawa ko pa ring magsalita. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong sambitin ang salitang iyon nang bukal sa loob ko.

Tinakpan ni Mama ang bibig niya. Mas lalo siyang naluha dahil sa pagtawag ko sa kaniya sa salitang iyon. Para bang ang tagal niyang hinintay na tawagin ko siya ng ganu’n.

“S-Si Pa... pa?” tanong ko sa bawat paghinga ko. Halos kapusin ako ng hininga kaya’t isa-isa kong sinasabi ang bawat pantig.

“T-Teka lang!”

Mabilis siyang lumabas. Ilang saglit pa ay kasa-kasama niya si Papa. Bakas ang saya sa mga mukha nila. Itinaas ko ang kamay ko. Mabilis namang kinuha ni Papa iyon.

“N-Nandito ako, anak. Nandito ako.”

Ramdam ko ang pagtulo ng mainit na luha mula sa mga mata ko. Gusto kong kausapin pa sila ng mas matagal pero nahihirapan akong magsalita. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga sa tuwing sinusubukan ko man lang na magsalita.

Hinaplos ko ang mukha ni Papa nang ilapat niya ang palad ko sa pisngi niya.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako nangungulila sa kanila. Gusto kong pagsisihan ang mga oras na kinamuhian ko sila. Kung nagawa ko sanang sulitin ang mga araw ko kasama sila ay nagkaroon sana sila ng kahit papano ay magagandang alaala kasama ako.

Alam ko kung gaano sila naghirap sa loob ng labing-limang taon para lang sa kapakanan ko. Habang tinititigan sila ay doon ko lang napagtantong tumanda sila sa maikling panahong nakasama ko sila. Halata na ang mga puti nilang buhok. Maganda si Mama noon pero ngayon ay kitang-kita ang kulubot sa mukha niya. Maitim ang ilalim ng mga mata niya. Mukhang hindi ko siya pinatulog ng maayos sa loob ng mahigit tatlong buwan.

Parang nadudurog ang puso ko nang makita si Papa na umiiyak. Maskuladong tao si Papa dahil dati siyang sundalo. Nagretiro lang siya noon dahil ayaw niyang mapalayo sa amin. Malayo na rin sa dati ang mukha ni Papa. Mukha siyang hindi naliligo at stress na stress. Hindi na niya naaalagaan ang sarili niya. Naaalala ko dati, hindi siya umaalis ng bahay nang hindi naka-polo, makinang ang sapatos at maayos ang buhok. Makisig si Papa. Sabi nga ni Mama noon ay habulin si Papa ng babae. Ngayon ay kahit aso ay hindi siya hahabulin dahil sa mukha niya.

“Pa, d-don’t . . . cry,” saad ko. Habang sinusubukang punasan ang mga luha niya pero mas lalo pa siyang humagulgol.

“Patawarin mo si Papa, a-anak.”

Lumapit sa amin si Mama. Umiiyak pa rin siya kahit may ngiti na sa mga labi nila. Muli kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdamang bumibigat na naman ito.

“Let’s go . . . on a trip after this,” halos pabulong ko nang saad. Tumango naman sila. Napangiti ako bago hayaan ang sarili kong kainin ng antok.

Continue Reading

You'll Also Like

177K 6.6K 54
"I did my best Ma, but I think my best wasn't good enough." Starting today, I hate Graduation! PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE PUBLISHING.
527K 19.4K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...