My Naughty Girl

yourmodern_binibini

29.1K 956 94

"He wants me to be scared of him? Oh please , Not A Fucking VIENERA" -Iyana Xyra Vienera Еще

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2 ( Meeting The Cold Billionaire )
CHAPTER 3 ( Wattpadian vs Billionaire)
CHAPTER 4(The Childish Billionaire)
CHAPTER 5 (Drunk)
CHAPTER 6(Meet-up of the Billionaires)
CHAPTER 7 (Boyfriend)
CHAPTER 8(Just a Play)
CHAPTER 9 (Birthday)
CHAPTER 10(Bestfriend)
CHAPTER 11(His Past)
CHAPTER 12 (Seducing the Billionaire)
CHAPTER 13(Protecting her best friend)
CHAPTER 14 (Knowing You)
CHAPTER 15 (It's him)
CHAPTER 16 (Memories Of You)
Chapter 17 (His Queen)
CHAPTER 19 (memories to keep)
CHAPTER 20 (Choice)
Chapter 21 (Goodbye)
CHAPTER 22 ( Wedding Dress)
CHAPTER 23 (Photoshoot)
CHAPTER 24 (Wedding)
Chapter 25(Pain)
Chapter 26(Rest)
Chapter 27 (Chasing Him)
Chapter 28 (End)
Chapter 29 (Special Chapter)

CHAPTER 18 (letting you go)

565 19 3
yourmodern_binibini

Iyana's POV

" Tingnan mo ang dugyot muna" natatawang saad nito.

" I want us to be friends xyra dahil kahit hindi ako ang taong mapapakasalan mo, gusto kong manatiling isa sa mga taong poprotekta sayo" seryosong saad niya.

Wala akong magawa kung hindi yakapin siya.

"Napakaiyakin mo talaga" natatawang saad nito.

Tama siya, hindi ko kayang saktan si cyrus sa kahit anong paraan at si knight may mahal na siyang iba, may tao siyang hinihintay kaya wala akong karapatan para hindi ibigay ang kaligayahan niya para lang sa sarili ko.

" I'm sorry, namiss ko lang talaga si chenchen" saad ko at pinunasan ang luha ko

"It's still me xyra, ako parin si chenchen na kababata mo kaya sana ituring mo paring ako siya. Naiintindihan mo ba? " nakangiting saad nito. Tumango tango lang ako

Ilang sandali pa ay naging payapa ulit ang paligid kahit ang nararamdaman ko tila naalisan ng tinik pero hindi parin maaalis nito ang sakit.

Habang nakasandal sa balikat niya ay bahagya kong ipinikit ang mga mata ko.

" Ano nangyari sayo pagkatapos nating magkahiwalay? Nagkaayos na ba ang lolo mo at papa mo? " tanong ko dito habang lumalanghap ng sariwang hangin

"Pagkaalis mo siguro after a week nagkasundo rin sina lolo at papa tapos yung isla hindi na pinayagan ng lolo mong may makapasok pa pagkaalis namin kahit ako gusto ko ring bumalik pero hindi na pumayag ang lolo mo" paliwanag nito

"Naiintindihan ko, nagkikita parin kami ni lolo kahit isang beses sa isang buwan pero hindi alam ni daddy dahil alam kong magagalit siya" paliwanag ko

" Masaya akong nagkita tayo ulit, dati iniisip ko nasaan na kaya ang lampang prinsesang nakilala ko " natatawang saad nito

" Pero hindi na ako lampa ngayon at kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko" nakangusong saad ko

"Alam ko yun, alam kong magiging matapang ka" natatawang saad nito

"Salamat nalang sayo at naging ganito ako katapang" nakangiting saad ko.

"Starting from now can you please treat me like chenchen you used to know?" seryosong tanong nito

Wala ng mas masakit pa sa ituring kng kaibigan lang ng taong mahal mo ng higit pa sa isang kaibigan.

"Sure " nakanguting sagot ko.

I will accept now chenchen, I will accept the fact that I can't have you more than a friend.

Buong hapon namin pinanood ang sunset hanggang sa paglubog nito.

After 1 week

" Hala kuya dito po iyan! " sigaw ko sa mga nag aayos ng coffee shop mamaya ung library naman ang pupuntahan namin para tingnan.

1 week na lumipas at sa loob ng 1 week na iyon puro pagbili lang ng mga materyales ang inatupag namin ni knight.

After namin magkaroon ng closer tinanggap ko na rin, masakit oo pero hindi ko mapipilit na mahalin ako ng taong may iba ng mahal.

Bumalik na rin kami sa dati, xyra ang tawag niya sakin pero knight padin ang tawag ko sa kanya naiilang parin kasi ako pero kahit papaano masaya naman ako dahil nakita ko na si chenchen.

"Kuya dito po yang plants na iyan" saad ko kay kuya ang kulit kasi kanina ko pa sinabihan.

" You looked stressed xyra" natatawang saad ni knight na ikinanguso ko nalang.

Napapadalas na rin ang pagngiti niya kaya lalo akong naiinis kasi naman ang cute niya ngumiti pero bawal naman kiligin -,-

" Kasi naman ang kukulit nila kuya, nga pala kailangan ko pumunta sa library ni tita later patapos na din na naman ang pag aayos dito ung artificial grass nalang ang ilalagay at pagpapatuyo nalang ng pintura pagkatapos ok na" paliwanag ko dito

" Here" saad ni knight at ibinigay sakin ang isang cup ng hot chocolate

" Ang alam ko hindi ka mahilig sa gatas kaya hot chocolate nalang" saad nito

" Naalala mo pa yun?" tanong ko dito

" Wala naman akong nakalimutan" tipid na ngiting saad nito ay ininum din ang kape niya

"Pahiram ng book mo huh? "

seryosong saad nito at kinuha ang wattpad books na binili ko nung nakaraang araw

Natawa nalang ako. Naging instant wattpader pa si Mr. Weiller.

Ang totoo niyan siya talaga ang bumasa ng libro ayaw ibigay sakin kaya hindi ko tuloy mabasa basa -,-

Pinabayaan ko nalang ito at tinapos ang pag aarrange ng coffee shop

Pagkalipas ng tatlong oras ay sinulyapan ko si knight at ayun seryoso padin nagbabasa pero nacucurious ako kung anong story binabasa niya kasi naman no reaction talaga ,seryoso lang siya.

"Hoy! Kakain na tayo aba dinaig mo pa ko sa pagbabasa ah" sigaw ko dito .

Bigla nalang ito nag seryoso at tumango tango.

Ano kaya nangyari dito?

" Ano nangyari sayo? " tanong ko

"Yung libro na binili natin" seryosong saad nito

"Ano meron sa libro? " curious na tanong ko

" Hindi ko maintindihan ang ibang salita, ang gulo" kunot noong saad nito

"Ano naman hindi mo maintindihan?" tanong ko

" Ang sabi sa narration ng author dahan dahang kinain daw ni pedro ang tilapya nung dalaga. Hindi ko lang maintindihan the characters are on their honeymoon and cuddling on bed so where the tilapya came from? " parang batang tanong nito kaya tuluyan na akong napatawa ng malakas

"Why are you laughing? " inosenteng tanong nito.

"I don't know, Maybe I just find you so funny and so innocent " natatawang saad ko.

Bigla namang inayos nito ang sarili at sinara nag libro.

"Let's have our lunch " seryosong saad nito.

Patuloy pa rin ang pagtawa ko hanggang sa makarating kami sa isang restaurant.

At pilit na pinipigilan nung bigyan ako nito ng matalim na tingin.

"Sorry" saad ko at nagseryoso na.

Habang kumakain ay panay ang pagkunot ng noo nito.

"Ano ba iniisip mo? " tanong ko

" About the book, I don't read it funny but you are laughing at me and I find it very hard to understand" seryosong saad nito na ikinatawa ko.

Bakit niya ba siniseryoso ang ganon?

Pfft

" Well only person with deep understanding can understand that kind of book" nakangiting saad ko pero natatawa parin

" So you mean I'm not intelligent? " seryosong tanong nito na mas lalo kong ikinatawa

" Why making it a big deal Mr. Weiller? " natatawang saad ko dito.

Pano ba naman seryosong seryoso siya tungkol sa libro na yun.

"I just want to know why you spend to much time reading this kind of book, I didn't find it interesting. Who the hell will eat tilapya while having their honeymoon? Didn't they find it gross? " nakakunot na saad nito kaya hindi ko mapigilan tumawa ng malakas

" Why are you laughing? " seryosong saad nito

" Well Mr. Weiller those kind of words has a deep meaning for a wattpadians, it's not literally pertaining to a fish" natatawang saad ko

" I see, reading this kind of book gives me a real headached."seryosong saad nito

" If the word tilapya didn't pertain to a fish the what does it mean?" tanong nito at sumubo ng pagkain, mukhang nagutom sa kakaisip

"vagina" nabilaukan ito sa sagot ko kaya binigyan ko ito ng baso ng tubig

"F-f*ck" saad nito ng mahimasmasan

" why do you need to tell me that? " seryosong tanong nito na ikinatawa ko

"I just answer your question, ano masama dun? " natatawang tanong ko

"Silly" nakakunot na saad nito na ikinatawa ko

Binigyan lang ako nito ng masamang ngiti na ikinatawa ko at nagpaloy na kaming kumain.

Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa hotel para ayusin ang dapat ayusin.

" I'll leave now babalik nalang ako mamaya, may client kasi na hindi nasipot ni mama kaya aayusin ko muna" saad nito at humarap sakin.

"Ok take care, magpapahinga na rin naman ako maya maya tatapusin ko lang ang pag aayos dito sa coffee shop" nakangiting saad ko bago ito umalis.

Dumaan muna ako sa isang fast food restaurant para bilhan ng pagkain ang mga workers bago ako bumalik sa hotel

" Kuya, kain na po muna" nakangiting bungad ko sa coffee shop

"Salamat po ma'am, napakabait niyo po" saad nito na ikinatawa ko ng bahagya

"Si kuya naman parang buong pamilya niya tong pinakain ko, natural lang po na pakainin kayo para mabawi niyo ang lakas niyo" nakangiting saad ko dito.

"Nako ma'am hindi po lahat ng mga pinagtatrabahuhan namin kasing bait niyo, ang iba po kasi wala pong pakialam kaya ung sahod namin sa isang araw nababawasan para sa pagkain po namin yung iba naman po tinitiis ang gutom para may buong maidala sa pamilya" nakangiting saad nito at kinuhaang supot na bigay ko.

"Wag po kayo mag alala hanggat nandito po ako libre po ang lunch at mirienda niyo" nakangiting saad ko

"Salamat po ma'am " nakangiting saad niyo ay nagtipon tipon sa isang sulok para pagsalo saluhan ang binili ko.

Nagsimula na akong mag ayos ng mahagip ng tingin ko ang isang babae, hindi pala basta babae kundi demonyitang kampon ni satanas.

No other than steph at ang kanyang napaka arteng assistant.

"Eto na ba iyong shop ni tita? Ang pangit naman" dinig kong saad nito.

" Hindi pa po tapos iyan Ms. Steph" paliwanag ng assistant niya.

Bigla itong napatingin sa gawi ko kaya nagtama ang paningin namin

"Oh nandito pala si Ms. Vienera na walang preno ang bunganga" nakangising saad nito at naglakad patungo sa kinaroroonan ko

"Nagkita tayo ulit" inis na saad ko

"Grabe ka naman makagreet sakin iyana parang tutuklawin mo ako ng buhay" natatawang saad nito kaya mas lalo akong nainis.

"Kung naging ahas lang siguro ako baka patay kana ngayon pero wag kang mag alala dahil kung maging ahas man tayong dalawa matitiyak kong mas nakamamatay ka" nakangising saad ko na ikinadilim ng awra nito.

"Pasalamat ka iyana may isang taong magagalit kapag pinatulan kita dahil kung hindi nako baka pati maliit na hibla ng buhok mo makakalbo" saad nito

" As if naman magpapakalbo ako sayo at tsaka wala sa ugali ng mga may class ang nakikipag sabunutan baka tambay ka sa kanto steph? Mukha kasing wala kang class" nakangising saad ko

"I-ikaw?! " saad nito sabay duro sakin

"Chill lang steph baka malunok mo ako ng buo sa galit mo steph" nakangising saad ko at tinalikuran ito.

" Nako ma'am mukhang sasabog na po ang babaeng kausap niyo, umuusok na po ang ilong" saad ng isang manggagawa sabay simpleng tumawa.

Natawa naman ako ng bahagya at bumalik na sa ginagawa ko.

Pagkatapos kong gawin ang pag aayos ay nag paalam na ako sa mga workers para sila na ang tumapos bukas naman ay ang library na gustong itayo ni tita.

Pagdating ko sa hotel ay nag half bath na kasi maya maya ay maglalakad lakad ako sa tabing dagat, ang sarap kasi ng simoy ng hangin at napakapayapa ng paligid.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako dala ang phone at librong hindi ko pa natapos basahin.

Ang payapa ng paligid, ang sarap pagmasdan ng paglubog ng araw.

Makikita mo talaga ang ganda ng kalikasan kaya minsan iniisip ko kung bakit ginugustong manatili ng iba sa siyudad eh kung tutuusin nandito na lahat sa probinsya ang kailangan nila.

Kung sa kagaya ko na ang tanging gusto ay ang simple at payapang pamumuhay tingin ko kahit wala akong pera as long as may mga tahanan ,makakain at may ganitong kagandang tanawin sa paningin ko, sapat na iyon.

This kind of scenery makes my mind so peace and contented.

Habang naglalakad sa dalampasigan ay biglanh nag ring ang cellphone ko at nakaregister ang pangalan ni cyrus

"Hello cyrus? " panimula ko dito

"Hello xyra how are you" masiglang tanong nito sakin.

"I'm fine, naglalakad ako ngayon sa dalampasigan para magpahangin" simpleng saad ko.

Napangiti nalang ako. Napakacaring at maalalahanin ni cyrus kahit busy siya almost araw araw parin ito tumatawag.

"I missed you " saad nito na ikinangiti ko.

Ganon talaga si cyrus napaka showy sa nararamdaman niya at hindi nahihiyang sabihin ang iniisip niya.

" Ano ka ba we're talking everyday through phone pero namimiss mo parin ako hindi ba parang ang corny naman ng ganong scene? " natatawang saad ko dito kaya tumawa rin ito.

"Well, siguro ganon talaga kapag gusto mo ang tao nagiging corny ka pero I hope na kinilig ka" saad nito na ikinatawa ko

"Hmm, medyo pero ang corny parin kasi naman nababasa ko na ang mga linyang ganyan kaya medyo sanay na ko sa sweet words gaya niyan kasi simula bata palang ako mga ganyang linya na ang nababasa ko" natatawang saad nito at parang nakikita ko ito sa isipan kong nakanguso kaya mas lalo akong natawa

"sayang naman pala kung ganon kasi hindi kita mapapakilig ng todo" saad nito
na ikinatawa ko

"Sira. Sige na alam ko namang tumawag ka para kamustahin ako pero alam ko rin namang busy ka kaya sige na ibaba mo na ang phone" saad ko dito

"sige, mag iingat ka jan ahh. I missed you at pagbalik mo tatapusin pa natin ang librong binili natin" saad nito na ikinangiti ko.

"Sige, bye and take care" saad ko at pinatay ang tawag.

Habang nakatingin sa kawalan ay bigla kong naisip si knight

What if hindi ko nakilala si cyrus at hindi kami nagkalayo? May pag-asa bang magustuhan niya ako gaya ng pagtingin ko sa kanya?

Ang hirap din pala mangarap ng mala fairytale story kasi hindi lahat ng fairytale story sa reality ay happy ending dahil most of the time it can broke your heart into pieces.

What if...

The story I've dreamed  having  will end into a tragedy?








Продолжить чтение

Вам также понравится

228K 35.5K 92
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
77.5K 180 19
just some of my horny thoughts;) men dni
32.9K 671 79
In which Kim Saena is in a groupchat with a bunch of idiots Or In which Bangchan finds himself inside a groupchat with a bunch of delusional fans ~~★...
167K 6.6K 34
ထူးခြားထက် (Seme) ရွှေပုံ( Uke) Uke softဖြစ်တဲ့အပြင် intersex (ဒွိလိင်) ဖြစ်တာမို့ ကြိုက်မှဖတ်ကြပါနော် ကိုယ်ရဲ့ဒုတိယမြှောက်ficမို့ အမှားပါရင်ခွင့်လွှ...