Please like my Fb page, nasa profile ko po sya. Doon po ako nagpo-post nang announcement and updates. Thank you. (kung gusto nyo lang powsxzh)
______________
Chapter 23
Tumaas ang kilay ko habang inabangan ang sagot nya. Though, kahit na alam kong hindi nya naman ako sasagutin ngayon. Maybe my confession is still some kind of a blow for her. Alam kong alanganin pa din sya at malamang ay iniisip nya pading nagloloko ako. Shit, kung may pwede lang akong gawin para maniwala sya. I really really like her I want her to believe in me.
Hindi sya nagsalita. Kaya, hindi na din ako nagsalita. Tinitigan ko lang sya. Bahagya nya akong tinulak sa dibdib kaya lumayo ako nang kaunte, nang mas itulak pa nya ako ay hindi na ako pumayag. Hinuli ko ang isang kamay nya at bahagyang pinisil ‘yun.
“This distance enough, Faith. Ilang pulgada lang layo mo sakin pero pakiramdam ko ang layo-layo mo padin. Wag mo na ako itulak pa palayo.” Bulong ko sa kanya.
Humulukipkip sya at kitang-kita ko ang pulang-pula nyang mukha. God, I don’t mind kung nasa ganitong posisyon lang kami habang-buhay. I don’t mind.
Naramdaman ko ang pangangatal nang mga daliri nyang nasa dibdib ko. Nalaglag ang tingin ko doon. Totoong nanginginig sya.
Pumikit ako at suminghap. “God, Faith. Your trembling fingertips are very tempting.” Ani ko. Suminghap sya at nagangat nang tingin sa akin. Bumagsak ang kamay nya sa kanyang tagiliran pagkatapos noon. She’s so cute, Dammit! She’s so cute! Kung kay Dillon o sa ibang lalaki sya magpapakita nang ekspresyon na ganyan ay baka magwala ako. I want that expression to be only seen by me. Ako lang, Fuck! Hindi ko alam kung Kaylan pa ako naging possessive nang ganito. But, I’m so sure that this is serious. Tinanggap ko na sa sarili kong gusto ko sya at ngayon, kung hindi sya mapupunta sa akin at mawawasak akong talaga. If she doesn’t like me, I’ll surely break.
Kahit kunteng pagtingin lang. kahit kunteng-kunte lang, sana, kahit kakarampot na pagasa may maaninag manlang ako sa kanya.
Nang may kumatok sa pinto ay nakita ko ang kaagad nyang pagtalon. Ngumuso ako nang agad syang umalis at lumapit sa pintuan at binuksan ‘yun. Bumungad sa amin ang nakangiting si Jen.
“Uy, anung ginagawa nyo dyan? Kain na daw tayo.” Aniya.
“Yeah.” Sabi ko.
Tumungo-tungo si Faith sa kanya. Pinanuod ko lang ang galaw nya hanggang sa makalabas sya nang pintuan, hindi na nya ako nilingon pagkatapos noon. Nilingon ko si Arlene at inayos ang kanyang kumot. Bumuntong-hininga ako at pumikit. I hope she doesn’t hate me for this, Am I being impulsive? Masyado bang mabilis sa kanya ang lahat nang ito? Fuck! Hindi naman kasi ako sanay nang dahan-dahan, hanggang may matutuka, tutukain ko. Pero pagdating sa kanya? Fuck! Maski ang pagkilos ko limitado na, Tsk! Isa pa, mukhang lito padin sya, ibig sabihin, I can’t still think that it’s a yes, right? Hindi padin? Unteng tulak pa?
Lumabas na din ako. Ako ang huling umupo sa hapag kainan. Nang igala ko ang tingin ko ay nakita kong wala nang ibang bakanteng upuan kundi ang tabi ni Clara. Tinagilid ko ang ulo ko at sinuyod si Faith, tumaas ang kilay ko nang makitang magkatabi sila ngayon ni Dillon.
“Grant, anung gusto mo?” tanung ni Clara sakin pero nilalagyan na nang kanin ang pinggan ko. Hinayaan ko sya.
“Thanks.” Ani ko. Kinuha ko ‘yun kutsarang nasa tabi ko at muling binalingan si Faith na ngayon ay nakikipagngitian naman kay Dillon. Nagigting ang bagang ko at malakas na pinatunog ang aking kutsara. Napatingin sila sakin nang dahil doon.
“Ops.” Ani ko pero diretsyo ang tingin sa kanya.
Nakita ko kung paanu nya kagatin ang labi nya nang dahil doon. Sinundan ko nang tingin ‘yun at nakita ko kung paanu pumulang parang kamatis. Ngumiti ako at inilabas ang cellphone ko sa bulsa.
Ako:
Behave Faith and please, don’t bite your lip.
Tinago ko ang cellphone ko pagkatapos noon. Ngumuso sya at nakita kong may kinuha sa kanyang bulsa, mukhang cellphone nya ‘yun. Nang mabasa nya ang text ko ay nakita ko kung paanu nya paawalan ang labi nya galing sa kanyang pagkakakagat. Ngumisi ako. My Faith is so adorable.
Panay nang bungisngisan nila Ken, Jaylord at Ron at naguusap tungkol sa kung anu-anung topic maya-maya pa ay nakita ko nang nakisali si Dillon at Thunder. Tumahimik lang ako at kumain nang kaunte, hindi naman ako gutom. Isa pa, hindi ako malakas sa kanin.
Nagangat ako nang tingin nang madinig ang malakas na mura ni Thunder. Nang tignan sya ni Faith ay nakita ko kaagad ang pagkunot nang noo nya.
“Haha. Sorry.” Depensa nya. Ngumuso ako at sumandal sa kinauupuan ko. Dumiretsyo ang titig ko kay Faith at pinanuod syang mahinhing kumakain. Baby, kung ganyan ka kabagal, baka mamaya kapa matapos. Ngumisi ako. Her small fingers is so cute, parang ang sarap halikan at hawakan nang mahigpit.
Every detail of her ay parang tanda ko na. Nakakabaliw ang ganito, maging ang paghinga nya nakakaagaw na nang attensyon ko.
“So, anung gagawin ngayon?” tanung ni Thunder at sumandal na din sa kanyang upuan. Nakita ko ang paglabas ni Sarah sa kanyang maliit na notebook.
“Pahinga nang unte, tapos maya-maya doon tayo sa study room nang mga bata. Dala natin ung mga colloring books at mga supplies diba? Tapos nun, pahinga na. Bukas nang umaga sasabay tayo sa kanila sa almusal tapos tuturuan ulit natin sila, Games tapos bago tayo umuwi ibibigay natin ung mga laruan at libro na nabili gamit ‘yun mga nakalap nating pera.” Aniya.
Tumungo-tungo kami. Ginala ko ang tingin ko. Sa tingin ko ay makakatulog naman ako dito, malinis naman kahit na mainit. Not bad.
“Yes, Busog na! Pahinga muna!” Nagunat si Dillon at tumayo na.
Tumayo nadin ang iba, tatayo na din sana ako pero nang muli kong tinignan si Faith at nakitang hindi padin sya tapos kumain, nagsitayuan na ang iba at mukhang sya nalang ang maiiwan dito. Ngumisi ako at kumuha pa nang kanin at ulam.
“Oh, Grant. Gutom kapa?” tanung ni Dillon sa akin. Tumungo ako.
“Yeah. Go ahead.” Ani ko. Tumungo sya at umalis, Nakita kong lahat sila at dumiretsyo sa isang mini sala doon para maupo sandali, kinakausap sila ni Mother Therese at binibigyan nang instructions sa mga hindi dapat nilang gawin habang narito.
“Kung ganyan ka kabagal kumain maiiwanan ka.” Kumento ko at sumubo din nung kanin na ayaw ko naman talaga. Tumingin sya sakin nang dahil doon. Ngumuso ako. What? Say something!
“Mabagal talaga ako kumain.” Yumuko sya at sumubo muli. Nangiti ako nang makita ang nanginginig nang kanyang kamay.
“Oh, you’re trembling.” Ani ko. Nahinto sya at tinignan ako. Tinitigan nya ako at syempre, wala akong ginawa kundi ang titigan sya pabalik, Damn, this is my heaven. Bakit ako bibitaw?
“Stop flirting, Grant.” Mahinang sabi nya sa kabila nang mapula nyang pisnge. Ang ganda-ganda nya at para akong nababaliw titigan palang sya.
Natawa ako “What? You’re flirting back.”
“Hin-hindi yan totoo.” Aniya at tumayo na. Sinubo ko ‘yung huling pagkain na nasa pinggan ko at sinundan syang ilagay lahat ‘yun sa sink. Tumabi ako sa kanya at humilig sa pader doon. Nakita kong tinaas nya ang kanyang long sleeveless at binuksan ‘yung gripo. Mukhang maghuhugas sya nang pinggan. Ngumuso ako at pinanuod sya. Mukhang napansin nya ang titig ko kaya nilingon nya ako.
“Pumunta kana doon at magpahinga, Grant.” Aniya.
Umiling ako. “No. I’ll stay.” Ani ko at tinagilid ko ang ulo ko dahil mainit pala talaga dito sa loob. Mahangin sa labas pero mainit dito sa loob. Ginala ko ang ulo ko at napansing wala ngang aircon dito. Binalingan ko si Faith na ngayon ay tumutulo ang pawis galing mukha papuntang leeg. Napalunok ako at nagtaas nang kilay. Fuck.
Lumunok ako. “Do you want me to wipe your sweat off?” Ani ko.
Nilingon nya ako at sa tingin ko ay nabanas sya.
“Hindi na.” Aniya at nagpatuloy sa paghuhugas.
Nanatili ako doon at wala talagang balak umalis kahit na ipagtabuyan nya ako. Pinagmasdan ko ang mukha nyang pawis na, hindi ko alam kung bakit pawis na pawis sya nang ganyan. Nang makita ko ang ilang ulit nyang pagbuntong-hininga ay tinaas ko ang kilay ko. Kinuha ko ‘yung Armando Caruso kong panyo at inilapat sa kanyang mukha. Awtomatik syang napalayo.
“Sabi ko wag na.” Aniya. Ngumuso ako, Sungit!
“Are you mad?”
“Hindi.” Aniya. Natawa ako.
“You are really different, ‘yung ibang babae nanginginig na ang tuhod titigan ko palang. Hindi mo ba ‘yun nararamdaman?”
“Anung ibig mong sabihin?” tanung nya.
“Like, hindi ba bumibilis ang tibok nang puso mo kapag nakikita mo ako?” tanung ko, nakangisi.
Nilingon nya ako.
“Kapag bumilis ang tibok nang puso ko, siguradong ikamamatay ko ‘yun.” Aniya.
Tumigil ako. Her expression seems odd. Kinuha ko ang kamay nya at inilagay saking dibdib. “Ibig sabihin, ikamamatay ko ‘to?” tanung ko.
Tumigil sya at alam kong ramdam na ramdam nya ‘yun. ‘Yung malakas na kalabog nang dibdib ko. Ung kalabog na sa kanya ko lang naramdaman. Now, Faith, do you believe me now? Hindi titibok nang ganito ang puso ko kung nagbibiro lang ako. This is not a joke anymore.
Umismid sya at binawi ang kanyang kamay. She’s being stubborn. Cute, Faith.
Nang matapos syang maghugas nang pinggan doon ay pumunta nadin kami sa salas pero wala na sila. Dumiretsyo kami doon sa study room nang mga bata at naabutan na ang iba doon. Kumaway si Dillon sa akin. Pumuntahan ko sya.
“What?” tanung ko sa kanya.
“Damn, Grant. Look.” Aniya at inilahad sa akin ‘yung madumi nyang polo.
“What happen?” tanung ko.
“Nasipa nung bata nung kinarga ko. Tss.”
“Pabida pa.” Natawa ako. Sinapak nya ako sa tiyan.
“Hindi ako nagpapabida! Nagpapabait nga ako, eh! Tss! Wait, palit lang ako.” Aniya at lumabas nang kwarto na ‘yun. Sinundan ko pa sya nang tingin bago kumuha nang isa pang coloring book at akmang ibibigay sa isang bata doon nang harangin ako ni Clara.
“Grant, pwedeng patulong doon?” Aniya at tinuro sa akin ang isang batang naka wheel chair.
“Anung gagawin?”
“Papaliguan daw, nadumihan sya dahil sa pagkain nya kanina. Kaya.. Ayun, tsaka lalaki sya eh, I need your help.” Aniya.
Bumuntong-hininga ako at binalingan nang tingin ang batang may cerebral palsy sunod kong binalingan sina Thunder, Jaylord, Ron at Ken na hindi naman mukhang busy. So, ibig sabihin, talagang hinintay nya ako para tulungan sya, huh? Umismid ako bago tumungo ako at tinulungan si Clara na dalhin sya sa banyo. Well, I’m suck at kids, baka mapaiyak ko lang ulit yung mga bata doon, kaya ok lang sigurong sa pagpapaligo nalang ako.
“Paki-check ung tubig please.” Ani ko sa kanya.
Tumungo sya sa akin at sinunod naman ako. Hinubaran ko ‘yung batang ‘yun na nasa anim na taong gulang palang. Malikot sya at nasapak pa nga ako sa mukha.
“Grant, ayos kalang?” tanung ni Clara nang makalapit sakin.
Hinawan ko ang panga ko. “Yeah.” Ani ko.
Nang subukan ko syang syang buhusan nang tubig para paliguan ay nakita ko ang iling ulit nyang pangingisay at pagtili-tili.
“Shit!” sigaw ko nang pati ako ay mabasa.
Tumayo ako at tinitigan ang damit kong basang-basa na ngayon.
Natawa si Clara at nang maglikot muli ang batang ‘yun at nabasa din sya.
“Hey young man, keep still. Mababasa kami.” Ani ko habang sinasabunan sya. Mahinhing tumatawa si Clara dahil basang-basa na din sya. Tinagilid ko ang ulo ko at gusto nang bilisan ‘to. I wonder kung anung ginagawa ni Faith, pwede ko kaya syang tulungan doon sa ginagawa nya? Pagkatapos na pagkatapos nito, sa kanya na ako pupunta.
Tumayo si Clara at nadinig ko ang kanyang patawa, basa nadin sya at bahagyang itinaas ang kanyang t-shirt para pigaan, nakita ko ang makinis nyang tiyan at pusod nang dahil doon. Kumunot ang noo ko. She knows I’m here, hindi ko alam kung sinadya ba nyang gawin ‘yun o anu.
“Clara, fix your shirt and skirt.” Sabi ko dahil basa nadin ang skirt nya and I swear, nakataas na ‘yun ngayon hanggang hita. Fuck!
“Ah, Sorry.” Aniya at ibinaba ‘yun.
Umiling ako at walang pasubaling hinubad ang aking T-shirt, pinasadahan ko ang basa kong buhok gamit ang aking palad. Damn, maliligo ako nang wala sa oras nito.
“Banlawan mo na.” Ani ko kay Clara nang makitang nakatitig sya sa akin. Pumula ang pisnge nya at sandaling tumungo-tungo. Umiling-iling ako at kinuha naman ‘yung tuwalya. Binigay ko ‘yun sa kanya pagkatapos.
“Salamat, Grant.” Aniya.
“Sure.” Sabi ko at lumabas na nang banyo. Ayoko nang magtagal pa doon.
“Uy! Hala! Bakit basa kayo?” Ani ni Jen nang dumalo sya sa amin. Hindi na ako nagsalita at hinayaan na si Jen ang magbihis doon sa bata.
I’m tired of this, she doesn’t need my help! She just want to seduce me for God sake!
Naglakad ako pabalik doon sa study room lalo na nang makitang bumalik na si Dillon doon. Sinundan ko ni Clara at hinayaan nalang sya. Panay ang tawag nya sakin pero hindi ko na sya nilingon. Tss! Annoying woman!
“Uy! Anung- naligo kayo?” natatawang sabi ni Jaylord nang makita kami.
Nilingon kami ni Thunder. “Oh.. Fuck! Grant! Sa CR, anung ginawa nyo doon!?” natatawang sabi nya.
Banas ko syang binalingan.
“It’s not what you think.” Simpleng sabi ko.
Pinuntahan naman nila Bash at Sarah si Clara na pulang-pula ang pisnge.
“Pinaliguan lang namin si Christian, eh, medyo magulo at malikot kaya ayun.. tsaka, Tinulungan ako ni Grant.” Mahinhing sabi nya.
Nilingon ko si Thunder nang humahagalpak nang tawa. “Sabay nadin kaya kayong maligo ni Clara?” suhestiyon nya. Kumunot ang noo ko sa kanya at handa na syang murahin nang lumagpas ang tingin ko at dumiretsyo sa salubong na kilay ni Faith. Tinagilid ko ang ulo ko at naramdaman kaagad ang insekto sa aking tiyan. Tinitigan ko syang mabuti. She looks pissed and.. jealous?
“Grant! Alam naming macho ka! Pero wag mo namang ibandera ang katawan mo dito! Atleast, put a shirt or something! Mag paka humble ka naman!” asar ni Ken sa akin. Natawa ako at napalingon kay Clara habang tinutulak nang kanyang mga kaibigan para bigyan ako nang tuwalya.
Mukhang nabigla sya kaya sumalampak sya sa dibdib ko. Nagulat din ako kaya wala sa sariling nahawakan sya sa magkabilang braso. Pumikit ako nang maramdaman ang pagdikit nang basa nyang dibdib sa basa ko ding dibdib. Fuck!
“Oh, my eyes!” natatawang sabi ni Dillon. Nakita ko sa gilid nang mata ko ang pagnguso ni Faith, Shit!
“Ah, sorry. M-magpunas kana, baka magkasipon ka.” Ani ni Clara sa nanginginig nyang boses. Kinuha ko ‘yung tuwalya sa kanya.
“Thank you.” Ani ko.
“Oy! Oy! Clara, punasan mo na din si Grant!” Ani naman ni Ron habang karga-karga ‘yung maliit na batang mukhang nakatulog na sa kanyang balikat. Ngumisi ako at humakbang palayo kay Clara. This is not good, huh? Lalo na’t nakikita kong mukhang sasabog na sya sa sobrang pula nang mukha.
“I think, I’ll just take shower instead.” Ani ko pero nakatingin kay Faith na ngayon ay nakayuko at kinakausap lang ang batang nasa harapan nya. Ngumuso ako. Wala syang pakialam o nagbibingi-bingihan lang?
Ngumisi ako. Is she jealous?
“Faith.” Wala sariling sabi ko.
Agad nya akong nilingon pero naka pout padin. Hindi ko talaga mapigilan ang pagngisi.
“Can you please accompany me to shower? Saan pwedeng maligo? Hindi ko kabisado ‘to eh, baka ibang kwarto ang mapasukan ko.” nakangising sabi ko. Tumaas ang isa nyang kilay. Nadinig ko ang saway ni Dillon pero hindi ko sya nilingon.
“Alam ata ni Clara.” Simpleng sabi nya sakin.
Tinagilid ko ang ulo ko at ngumuso. “Okay.. I think I’d rather find it myself.” Natatawang sabi ko. Tumikhim sya at muling yumuko. Mukhang nanghihinayang ang kanyang mukha. Nalaglag ang tingin ko sa basa at kulay pula nyang labi, kung anu-anung bagay na ang pumasok sa isip ko nang dahil doon. Tinakpan ko ang bibig ko at tumalikod na.
Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa nang magvibrate ito.
Faith:
Doon sa kwarto may CR.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon sya. Nakanguso padin sya at mapula ang mukha. Tumingala ako sa ceiling at bumuntong-hininga.
Ako:
Can I borrow you? Just for a minute? Please, I’ll be waiting.. in the room.