Bad Times at Sunrise (La Fort...

By sunlithe

19.6K 918 297

Notorious as a girl who loves money more than anything in La Fortuna is eighteen-year-old Sunny Vega. So when... More

Bad Times at Sunrise
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Salamat

Kabanata 20

325 11 0
By sunlithe

Kabanata 20

Best Love

Pagdating ko sa lobby ng Fortunate Folks ay agad kong nakita si Mine na nakaupo sa sofa roon. Nasa magkabilaan niya ang mga gamit ni Sab pero wala si Sab sa kahit anong sulok ng lugar. Mine saw me and after I sensed the raging anger in her eyes, my heart pounded in nervousness.

When my encounter with Tita Sora was over earlier, I took my time in rethinking and calming myself. Gusto ko man siyang kamuhian, alam kong sa pagitan namin, siya ang tama. She had all the leverage against me and she was successful in making me feel just that. What Laurel and I did was full-blown identity theft and fraud. Tanggap ko 'yon. Alam kong sinuwerte lang kami.

Kaya nga ginagawa ko ang lahat ngayon para patibayin ang lahat ng bagay na pwedeng matupok sa pinasukan naming 'to. But if all fails and that same luck that sent me here sends me to my ruination sooner than expected, I guess I'd have to accept that. Just... not without trying. Kahit ilang subok pa, gagawin ko para lang sa buhay na 'to.

This was it, you know? This was the dream. Makukuha ko na nga ang pera, dangal, at taong mahal ko, mabibigyan ko rin ng kumportable at saganang buhay si Sab. Ang layo na ng narating ko kaya 'di ko hahayaang mawala pa 'to sa 'kin. Carrying on was my only option.

"Late ka na!" singhal ni Minerva matapos niya 'kong mahila tungong tahimik na lugar. "Ang usapan, alas nuebe, e anong oras na ngayon? Ala una!"

Mapaumanhin ko siyang nginisihan. "Pasensya na... marami kasing nangyari matapos 'yong fundraising party." Kumunot ang noo niya pero taliwas no'n ay lumiwanag ang mukha ko. Nangangati na kasi akong mag-tsismis ng mga nangyari sa kaniya. I gasped and said, "Ang hirap paniwalaan pero alam mo bang nagkita kami ni Ico sa party? Tapos inuwi niya 'ko sa summer hou—"

"Ano?!" putol niyang ikinagulat ko. Her breathing was labored and her face screamed the question, 'Tanga ka ba?'. I bit my lip, waiting for her blows. "Sunny, matanong ko nga, kanino mo ba ginagawa ang panloloko mong 'to?"

Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot. "Para kay Sab..."

She snorted. "Talaga? Kasi sa tingin ko, ginagawa mo lang 'to para sa sarili mo, e." I opened my mouth to protest but she raised her forefinger to prevent me from interrupting her. Naitikom ko ang labi ko. "Mahirap tayo pero 'di tayo sinasalat. Libre ang medikasyon ni Sab mula kay Dr. Raj Khasmi. Nakakapagbayad naman tayo ng upa. Nakakakain naman tayo ng tama. Ano pang kulang?"

My voice left me as I stared at Mine's frustrated face. Somehow, her words reminded me of how hardworking she was as a person. How she never depended on anyone. How she always made sure we wouldn't feel any less of a human being because we're poor.... and how she wasn't any less of a woman because she's a hooker.

"Mine, gusto ko lang namang maging masaya ang huling mga alaala ni Sab," paliwanag ko sa gumagaralgal na boses. I don't know but our conversation made me tear up. "Oo, nakaka-survive tayo pero sapat na ba 'yon para sa 'yo? Parang lagi tayong nasa dulo ng bangin. 'Di natin alam kung baka bukas o makalawa, mawalan ka ng trabaho, mawalan ako ng raket... Paano tayo kapag gano'n? Paano si Sab?"

Namuo rin ang mga luha sa mga mata niya. "Sa tingin mo, magiging masaya siya 'pag nalaman niya ang ginagawa mong 'to?"

"Anong masama rito?" Kumalabog ang puso ko sa pinaghalong irita at desperasyon. "Hindi ko kasalanang desperada si Cordelia Casagrande na mahanap si Aria! Mas lalong hindi ko kasalanang naniwala siyang ako nga ang apo niya!"

"Ba't mo siya sinisisi e siya 'yong biktima?" She shook her head and flashed a look of disbelief. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Natutuwa ka ba rito? Natutuwa kang magpanggap na pormal, elegante, at mayaman ka kahit hindi ikaw 'yan?"

Tumulo na ang mga luha ko. Hearing those was the same as hearing all my insecurities and shame combined. The thing was, I wasn't dumb. I understood people. I understood them when they thought lowly of me and when they thought I couldn't amount to anything... because after all, they were right. Their words were true. It's me who wasn't.

Akala ko wala nang mas itatalim pa ang mga salita ni Tita Sora pero ngayon, mukhang natalo na siya ni Minerva. My sister's a lot of things but a liar's not one of them. She was always true to her words. With her, there were no gray areas. She's one thing or another. No in-betweens.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi. "Ano naman kung 'di pa ako lubusang katulad ni Aria? Nagbabago naman ang tao, ah?"

"Nagbabago nga," makahulugan niyang sambit habang mataman akong tinitignan.

"Ano bang problema mo sa ginagawa ko?" tumaas ang boses ko. When her face distorted, I knew then that I crossed a line. 'Yon nga lang, 'di ko na mapigilan ang sarili kong magsalita. "Bakit ayaw mo akong magpanggap gayong gawain mo rin 'yan? You fuck disgusting old men, Minerva! Kapag ginagawa niyo 'yon, hindi ba't nagpapanggap ka lang ding nasasarapan ka kahit hin—"

Nanuot ang sakit ng sampal niya sa pisngi ko kaya agad 'yong nasapo ng kamay ko. Parehong namilog ang mga mata namin nang matanto ang nangyari. Did she just slap me?

Luminga-linga ako upang tignan kung may nakakita ba noon, lalo na si Sab, pero nanatiling tahimik ang hardin na nasa gilid ng orphanage. Napahinga ako ng maluwag at ibinalik ang tingin sa kaniya. As I stared at her deadpanned face, a new set of tears formed at the sides of my eyes.

"'Wag mong ibalik sa 'kin ang problemang 'to kasi magkaiba tayo!" singhal niya. "Oo, ginagawa ko 'yon kasama ang mga matatandang lalaki pero sa trabaho kong 'to, wala akong naaapakang tao! These rich men want pleasure and I give them that! Alam nila kung anong patakaran ko. E ikaw?" She smirked without humor. "Baka nga kahit ang totoong rason mo, ikaw mismo, 'di alam kung ano?"

"Ginagawa ko nga 'to para kay Sab!" I hopelessly clarified. "Ano bang gusto mong palabasin, ha? Na ginagawa ko 'to dahil gahaman ak—"

"Oo!"

Natigilan ako. "Oo?"

"Aminin mo na, Sunny! Ginagawa mo 'to kasi gusto mo ng atensyon! Gusto mong patunayan sa mga taong nang-iinsulto sa atin na kaya rin nating umangat. Na hindi tayo tulad ng iniisip nila! Tama ako 'di ba?" Umirap siya sa hangin. "And don't even get me started with Icarus Benavidos..."

My jaw clenched. "I hate you!"

"Because I'm right and you know it. Hindi mo mababago ang sarili mo dahil lang sa pagtahak ng landas na 'to. Your roots will give you away."

"Wala akong pakealam! Itutuloy ko pa rin ang plano!"

"Then go." She scoffed. "Huwag kang tatakbo't iiyak sa 'kin kapag nahulog ka sa sarili mong bitag."

Tinalikuran niya ako at iniwan doon. Ilang minuto ang iginugol ko sa pagpapatuyo ng mga luha kong tila gripong umagos sa pisngi ko. Ito ba ang kapalit ng lahat ng mga sakripisyo ko? Kapag nalaman ni Sab na nag-away kami, siguradong malulungkot siya. How could this happen when all I wanted was for her to be happy? For everyone to be happy?

Umugong sa tenga ko ang mga sinabi ni Mine kanina. Tama ba siya? Ginagawa ko lang ba ang lahat ng 'to para sa sarili ko? Yes, I wanted this life but my priority's still Sab's welfare. Besides, what's wrong with utilizing the opportunities I had, especially now that I was Aria? Kasalanan na ba ngayong abutin ko ang mga pangarap ko?

Alas dos ng hapon nang matagpuan ko si Sab na masayang naglalaro sa mini-park ng orphanage kasama ang ilang mga bata roon. Patungo pa lang ako sa kaniya'y tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa swing 'tsaka tumakbo tungo sa 'kin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ate!" she exclaimed. "I miss you!"

"Na-miss din kita," ngiti ko nang makakalas. Lumuhod ako upang maging magka-lebel ang mga mata namin. Inayos ko ang buhok niya habang ngiting-ngiti niya akong tinitigan. "O? Ba't titig na titig ka sa 'kin? Sobrang miss mo ba talaga ako?"

She nodded. "Siyempre! 'Tsaka excited na 'ko, Ate!"

"Saan? Sa paglipat mo sa mansiyon namin?"

It was an inside-joke, calling our small apartment a mansion. Though this time, she was going to live in a real one.

"Opo! Pati na rin po sa birthday ko, excited na ako!"

Noon ko lang natandaang malapit na ang kaarawan niya. She's going to be six by the end of summer. Sad part is, no one got the assurance that she'd still be alive by then. Sumikip ang dibdib ko dahil sa nagbabadya ko na namang mga luha. Sometimes, I would pause and tell myself I was over all this—that I finished going through all stages of grief and was now in the last stage; acceptance.

Pero habang tinitignan ko ang inosenteng mukha ni Sab, natanto kong kailanman, hinding-hindi siguro ako hahantong sa stage na 'yan. Death is such a ruthless, unapologetic thing. No one will ever know how painful it was to look at her and smile like everything was fine. Kahit halata na ang pagpayat niya. Kahit nanghihina na siya. We had to pretend she's well because personally, she was.

Nothing's changed for her, whereas everything changed for us.

I pinched her cheek then grinned. "Alam mo bang may plano ako para sa birthday mo?"

"Talaga?" Her eyes twinkled, and I died a little inside. "May kasama po bang Barbie, Ate? O kaya ice cream? O kaya cake?"

"'Di lang 'yan! Mayroong pool, maraming laruan, maraming pagkain, tapos iimbitahin natin lahat ng mga kaibigan mo!"

"Kasama ba pati si Mimi Laurel 'tsaka si Ate Mine?"

"Siyempre! Makakalimutan ba natin sila?" I gave her a convincing nod. "O, ano? Gusto mo ba 'yon, Sab?"

She smiled. "Kung anong gusto mo, Ate, gusto ko rin." Sinunggaban niya ako ng panibagong yakap. "I love you!"

It should be a happy moment but the only thing I felt was emptiness. Ang sakit. Parang ako 'yong mamamatay sa sakit. Her hug was everything to me and the thought that sooner or later, I wouldn't feel the warmth of her embrace anymore... it just... killed me.

I guess this is the thing about grief. Walang schedule kung kailan ka nito biglang tutupukin. Grief comes in waves. It recedes back into the abyss as if it's gone forever, but just when you thought it wouldn't come back, it comes crashing in again, now stronger than the last time. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko tapos na 'kong magluksa pero ang sakit-sakit pa rin pala.

Nang mag-alas singko na'y inuwi na ni Minerva si Sab. Gusto ni Mine na sa apartment muna siya kahit ngayong gabi lang kaya 'di na ako nakipagtalo. Sasama sana ako pero sa mukha pa lang ni Mine, alam kong rinding-rindi pa rin siya sa presensya ko. Sa huli'y silang dalawa lang ang umuwi samantalang naiwan akong naglalakad sa kalsada at naghihintay ng taxi.

Everything was dark at 6 PM. Malamig ang simoy ng hangin at tanging ang kaluskos ng mga pine trees na naglinyahan sa gilid ng kalsada ang bumitin sa ere. Mukha ring uulan na saktong-sakto dahil sa kalagitnaan ng paglalakad ko'y nag-breakdown ulit ako. I was honestly tired. Today was a long day filled with bitterness, grief, and shame. Ang hirap-hirap kasi sa totoo lang, nauubos na ako pero tila ba walang nakaka-appreciate ng mga ginagawa ko. I was the villain in everyone's eyes.

Pinunasan ko ang mga luha ko't suminghot ng malakas. Shit! Maliligo talaga ako pagkatapos nito! Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang mag-materialize sa harap ko ang isang pulang Ferrari. Bumaba ang bintana nito at binungad ako ng mukha ni Ico. We were at least a meter apart but his manly scent reached me. He smelled like coffee and expensive perfume combined.

"You look like you need a ride," his voice rumbled in my ears.

Umirap ako bago siya pagod na tinignan. "I think I do."

Wala pa ring nagsalita sa 'min kahit ilang minuto na ang lumipas magmula ng pag-andar ng kotse. I stayed unusually silent while roaming my eyes over his car's interior. Its sleek design made me forget about the heaviness of my heart. Well, at least until he decided to pry.

"What happened?" he asked. "Galing kang orphanage?"

Tipid akong tumango. "Oo. Sinundo namin ni Mine si Sab kasi na-approve-an na ang adoption papers niya. She's a Vega now."

"And you aren't... anymore."

"I'm a Vega at heart," I whispered.

"By the way, I, uh, talked to Dr. Khasmi about Isabel's condition earlier and I'm... really sorry..."

"Alam mo, for a doctor, you're so bad at breaking in the bad news." I cocked my head and added, "You're not trying to give me false hopes, are you?"

"No. I'd never do that."

"Good," my eyes flew outside the window, "because I'm not grieving for my sister's death twice."

Like a trigger word, the mention of death made me tear up again. Tahimik na tumulo ang mga luha kong agad ko ring pinalis. Ico glanced at me with a worried face. It consoled me a bit because at least he cared. Meanwhile, my sisters...

Laurel was probably on a vacation after the money Lola Cordelia gave her last week. Minerva was mad at me and knowing how tightly she clung onto her anger, alam kong matagal pa bago niya ako kausapin ulit ng normal. Only Sab gave me the validation I needed but when I received it, the voices in my head screamed I didn't deserve it.

Mahirap ang pangyayaring 'to para sa aming lahat. We had different ways to cope and as much as I understood them for their wrong twists and turns, sometimes, I wished I didn't. Sinampal sa 'kin ng araw na 'to na walang itinakdang parte ang mundo para sa 'kin. Where do I stand now? I was just... a kid. A lost girl. An orphan. How was I supposed to handle this?

"Best love," Ico muttered. "That's all you can give her, Sunny. Your best love..."

I smiled sadly and turned to him. "This is already my best love, Ico. Pero bakit pakiramdam ko, kulang pa rin? And sometimes... sometimes," my voice choked as tears streamed down my cheeks, "my best love makes me feel like the worst person on Earth."

***

can someone hand me a sandwich pls it's 2 am and i'm hungry :(((

btw, our online classes started yesterday, oct. 5, so it's gonna be a challenge updating from now on. will do my best, tho! 

lots of love. drink ur water. get enough sleep. ciao.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 252 37
(The Lost Souls on Tour: The Fourth Tour) What is real in this world? May katotohanan nga ba sa mundo'ng puno ng kasinungalingan? Mga tawang madaling...
108K 3.5K 48
Augustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was t...
1K 67 4
Crossroads Band Series #1 What incident five years ago drove the governor's prim and proper daughter, Remedy Genevieve Claveria, to flee the nation a...