GUNS N' ROSES (BOOK #1)

By pinkishrose02

3K 111 58

Jazz was being kidnapped by New People's Army 5years ago. She was mistakenly thought that she was the daughte... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

LAST CHAPTER

199 6 13
By pinkishrose02

—ELYAS POV—

Pag dilat ng mata ko ay si Jazz agad ang unang nasilayan ko. Kaya agad ko inabot ang mukha niya kaagad naman niyang hinawakan ang kamay ko at saka 'to nilapat sa pisngi niya.

“Akala ko, mawawala kana naman sakin.” tila naiiyak na pagkakasabi ni Jazz.

Agad naman ako ngumiti sakanya.

“Wag kana umiyak, ayaw ko nakikitang umiiyak ang mahal ko.” saad ko.

Maya maya ay narinig kong bumukas ang pintuan ng silid, at ilang saglit pa ay nakita ko ang AFP General.

Pero sa pagkakataon na yun ay hindi tingin ng isang galit na galit na General ang nakita ko sa mga mata niya. Isang tila nag aalalang ama sa kaniyang anak ang nakita ko.

“Bakit siya nandito?” seryosong tanong ko.

“Elyas----”

“Hindi pa ba sapat yung pangto-torture na ginawa niyo sakin? Gusto mo ba talaga akong patayin kaya ka nandito? Kung yun naman pala ang gusto mo bakit mo pa ako sinugod dito sa hospital na 'to?” sarcastic na tanong ko.

“Lieutenant, iwan mo muna kami.” utos ng General kay Jazz at kaagad naman sumaludo si Jazz bago siya tuluyan umalis.

Unti unti naman humakbang ang General palapit sa hospital bed kung saan ako nakahiga, habang nanggigilid ang luha sa mata niya.

“Pwede ba kitang mayakap.....anak.” naluluhang sambit ni General at tila nalito at naguluhan ako sa huling salitang lumabas sa bibig niya.

Bakit niya ako tinawag na anak? Kailan niya pa ako naging anak? At bakit ganito ang naramramdaman ko ng tinawag niya akong anak.

—JAZZ POV—

Nakasilip lang ako sa pintuan ng silid ni Elyas, halos ako ay naluha ng makitang magkayakap ang mag ama na matagal na nawalay sa isa't isa. Elyas is already 30year old, at sa unang pagkakataon mula ng mawala siya ay ngayon palang niya muling mayayakap ang ama niya.

“Bakit nakasilip kalang d'yan, hindi ka pumasok sa loob?” biglang sambit ni Technical Sergeant Bautista dahilan upang magulat ako.

“You scared me to death!” agad na bigkas ko dahil sa pagkagulat.

“*salute* pasensya na kung nagulat kita Lieutenant. Eh bakit naman kasi nakasilip ka pa d'yan? Hindi kana lang pumasok sa loob.” saad ni Technical Sergeant Bautista.

“Magkausap kasi yung mag ama doon sa loob.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Napakaliit talaga ng mundo para kila Elyas at General. Parang nakaraan lang, gustong gusto mapatay ni General si Elyas, tapos ngayon malalaman nating lahat na siya pala si Francis.” saad ni Technical Sergeant Bautista.

[2months later]

Unti unti, ay nagiging maayos na ang lahat. Hinikayat ni Elyas ang mga kasamahan niya na magbalik loob sa gobyerno at pumayag naman ang mga ito. Binigyan sila ng financial assistant na magagamit sa pagpapatayo ng negosyo. Naging maayos narin ang relasyon nila General at Elyas bilang mag ama.

Naging katuwang si Elyas ng AFP upang masugpo ang iba pang mga rebelde at mahikayat din ang iba na magbagong buhay.

“Cheers!” masayang sambit ni Technical Sergeant Bautista sabay taas ng hawak niyang wine glass.

At agad naman namin tinaas ang nga wine glass namin na may lamang red wine.

“Para sa matatag na relasyon nila First Lieutenant Vargas at Elyas. Cheers!” saad naman ni Captain Gomez at agad kami nagtawanan.

“Bakit ka ganyan makatingin sakin?” nagtatakang tanong ko at kaagad naman tumayo mula sa kinauupuan niya si Elyas saka lumuhod sa harapan ko dahilan upang mapuno ng hiyawan at kilig ang buong paligid.

“Parang alam ko na ibig sabihin niyang Lieutenant!” sigaw ni Staff Sergeant Ramos at agad nagtawanan ang lahat.

“Alam ko sobrang daming pagsubok na ang magkasama natin napagdaan, nalagpasan, napagtagumpayan at marami pa tayong pagsubok ang magkasamang haharapin. Akala ko noon, imposible sa isang tulad ko ang mapamahal sa isang babae, pero nagbago yun ng makilala kita. Ikaw yung nagturo sakin na magmahal. Binigyan mo rin ako ng pagkakataon na maranasan na mahalin. Hindi ko makakaya kapag nawala ka sakin Jazz, sobrang mahal na mahal kita. First Lieutenant Jazz Vargas will you marry me?” nakangiting pagkakasabi ni Elyas sakin sabay pakita ng singsing.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mga sandaling yun. Walang mapagsidlan ng saya ang nararamdaman ko.

“Oo naman. I will marry you, kahit saang simbahan pa yan.” naiiyak na pagkakasabi ko dahil sa labis-labis na tuwa.

Agad naman sinuot ni Elyas sa finger ring ko ang singsing. Saka niya ako hinagkan sa labi.

Nagpalakpakan naman ang lahat.

Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ng biglang dumating si Private Fernandez dala ang isang balita.

Pinapatawag daw kami ni General dahil sa isang importanteng Mission.

Agad naman kami nagtinginan apat.

“Ituloy nalang natin ang kasiyahan natin na 'to pagkatapos ng Mission natin.” saad ni Private First Class Sandoval.

—ELYAS POV—

Pasakay na ako sa C-130 ng tawagin ako ni General, ang aking ama.

“Kailangan mo ba talagang sumama sa mission na 'to anak?” seryosong tanong niya sakin.

“Kailangan. Dahil tungkulin ko rin na protektahan at pangalagaan si Jazz.” sagot ko.

“Mag iingat ka. Umaasa ako na tulad ng ibang sundalo ay buhay kang makakabalik dito.” nakangiting pagkakasabi ni General sabay tapik sa balikat ko.

“Wag kayo mag alala, makakabalik ako...ng buhay.” nakangiting pagkakasabi ko at agad narin humakbang palayo.

—CLEA POV—

Sakay ng isang C-130 ay nagtungo kami sa Marawi kasama si Elyas ang former NPA Commander.

“Pagkatapos ng labanan na 'to, mag iinuman tayo ulit ah? Nabitin ako doon sa inuman natin eh. Hindi ko pa nga nauubos yung laman ng nasa wine glass ko.” pagbibiro ni Technical Sergeant Bautista.

“Sa tingin mo ba ikaw lang? Ako rin naman eh.” mataray na pagkakasabi ko.

“Wag ka mag alala Clea, pagbalik natin sa Manila. Ikaw naman ang yayayain ko na pakasalan ako.” nakangising pagkakasabi ni Technical Sergeant Bautista dahilan upang makaramdam ako ng kilig.

—JAIRU POV—

Ilang saglit pa ay lumapag na ang sinasakyan namin na C-130 sa isang Military Air Field.

Saka naman kami sumakay sa Military vehicles patungo sa isang bayan sa Marawe kung saan sinasabing nagkukuta ang mga rebelde.

Nasa kalagitnaan kami ng aming biyahe ng bigla nalang may magpatutok kung saan kaya agad kami naalarma.

Sumabog narin ang dalawang Military vehicles sa unahan namin. Na-ambush kami ng mga rebelde.

Tila mula sa isang siniper nanggagaling ang putok ng baril.

Puro kakahuyan ang nasa paligid kaya hindi namin matukoy kung nasaan banda ang sniper.

Ilang saglit pa ay nadaplisan ng bala ng baril sa braso si Clea, kaya agad ko siyang kinoberan.

“Wag mo 'ko alalahanin, malayo sa bituka 'to.” nakangising pagkakasabi ni Clea.

Agad ko tinalian ng scarf ang sugat ni Clea para kahit papano ay tumigil ang pagdurugo nito.

—JAZZ POV—

Halos tumagal pa ng ilang oras ang palitan ng putok ng baril. Marami narin sa mga kasama naming sundalo ang namatay.

Mangilan-ngilan nalang kaming mga buhay na sundalo ang lumalaban sa mga rebelde. Nag request narin ako ng back up at paparating narin sila.

Nagulat nalang ako ng bigla ako hatakin ni Elyas palapit sakanya at bigla siya bumaril sa likod ko. Paglingon ay isang rebelde ang bumuglata sa lupa.

“First Lieutenant, pagbalik natin sa Manila. Ituloy natin ang party party.” nakangising pagkakasabi ni Clea at agad naman ako ngumiti sakanya.

At bigla nalang siyang bumagsak sa harapan namin ng matamaan siya ng ligaw na bala sa dibdib.

Halos hindi ako makapag salita ng mga oras na yun.

“Clea!” sigaw ni Technical Sergeant Bautista at kaagad niya nilapitan si Clea habang nagpalatuloy ang barilan sa paligid.

Agad nalang na binuhat ni Technical Sergeant Bautista si Clea upang ilayo at humanap ng mas ligtas na lugar.

Habang nagpapatuloy kami sa paglalakad ay bigla nalang isang putok ng baril ang narinig namin.

At paglingon ko sa likod, nakita ko si Technical Sergeant na lumalabas ang dugo sa bibig niya. Agad siyang napaluhod habang buhat buhat parin si Clea.

Kaya agad namin siya ni Elyas nilapitan.

“Mauna na kayo. Umalis na kayo.” naghihingalong sambit ni Technical Sergeant Bautista.

“Pero hindi namin kayo pwedeng iwanan dito.” saad ni Elyas

Agad naman siya napatingin kay Clea na naghihingalo narin dahil sa tama ng bala sa dibdib niya.

Nang sandaling yun ay nanggigilid narin ang luha sa mata ko.

At wala pang ilang sandali ay magkasabay na nalagutan ng hininga si Technical Sergeant Bautista at Private First Class Sandoval.

Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang dog tag ng dalawa kong malapit na kaibigan.

“Tara na, umalis na tayo dito.” saad ni Elyas.

Halos tanawin ko pa habang naglalakad palayo ang bangkay nila Jairu at Clea.

At muli ko na hinawakan ang M16 Rifle ko para muling makipag laban.

Bilang nalang kaming mga sundalo na lumalaban sa mga rebelde, paubos na ang hanay ng mga sundalo. Wala narin kaming bala ni Elyas. At napapagitnaan na kami ng mga kalaban.

Tila ay katapusan na naming dalawa, kaya agad na hinawakan ni Elyas ang kamay ko.

Hanggang sa bigla nalang ako makarinig ng putok ng baril ng dalawang beses. Pag tingin ko sa dibdib ko ay may tumutulo ng dugo mula dito. At tuluyan na nga akong bumagsak sa lupa gayun din si Elyas na halos lumalabas na ang dugo sa bibig niya.

Tumutulo ang luha ko habang inaabot ang kamay ni Elyas.

“In my next life, I will find you.” naghihingalo kong pagkakasabi habang patuloy sa pag agos ng luha sa pisngi ko.

Mahigpit naman na hinawakan ni Elyas ang kamay ko.

“Mahal na mahal na mahal kita.” nakangiting pagkakasabi ni Elyas hanggang sa tuluyan niya ng ipikit ang mga mata niya.

Bago mandilim ang paningin ko ay nakita ko pa ang papalapit na mga sundalo sa kinaroroonan namin ni Elyas.

————

“Sorry miss.” saad ng lalake na aksidente akong nabangga habang naglalakad sa isang Mall.

“Bakit naman kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. Ang lawak lawak ng daan oh.” inis na pagkakasabi ko.

“Sorry na nga diba? hindi ko naman sinasadya eh.” inis din niyang sagot sakin.

At agad ko naman siyang tinarayan saka ako nagsimulang maglakad paalis.

“Sandali lang miss!” pagpigil niya sakin kaya agad ko siyang nilingon.

“You look so familiar. Nagkita na ba tayo noon?” seryosong tanong niya sakin.

“Maganda kasi ako, kaya siguro akala mo nagkita na tayo.” nakangising pagkakasabi ko saka ako umalis.

—THE END—


Read “My Happy Ending” for the sequel.

Magkakaroon na kaya ng Happy Ending ang naudlot nilang pagmamahalan?

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 224 34
May happy ending na kaya sa naudlot na pagmamahalan ng isang NPA Commander at AFP First Lieutenant, ngayon nasa ibang katauhan na sila, bilang si Ma...
24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend