Peculiarity In Her Eyes

By Luni_Solace

8.4K 1.5K 317

"We all have a secret we could never tell." A girl with a spectacular ability but with a miserable life will... More

Disclaimer
Peculiarity In Her Eyes
Prologue
[ 1 ] Not A Reverie
[ 2 ] Irksome Guy
[ 3 ] Nigh Demise
[ 4 ] Death Color #1: Yellow Signifies Fear
[ 5 ] Coincidence
[ 6 ] Atrocious Bruises
[ 7 ] Death Is Undisguised
[ 8 ] Inscrutable Letter
[ 9 ] Head-Scratcher
[ 10 ] Undone
[ 11 ] Bizarre Happenings
[ 12 ] The Outré
[ 13 ] The Shindig
[ 14 ] Death Is Roaming
[ 15 ] Rummaging Pieces
[ 16 ] End Of Friendship
[ 18 ] Top of the Roof
[ 19 ] Off-The-Wall
[ 20 ] Strange Vision
[ 21 ] Omit The Last Breath
[ 22 ] The Anonymous
[ 23 ] Uneven
[ 24 ] Vizard
[ 25 ] Doomed In Three
[ 26 ] What Time Is It?
[ 27 ] On One's Last Legs
[ 28 ] Outlandish
[ 29 ] Pretty Bizarro
[ 30 ] Death Color #3: Violet Signifies Luck
[ 31 ] A Sleuth's Job: Part 1
[ 32 ] A Sleuth's Job: Part 2
[ 33 ] A Sleuth's Job: Part 3
[ 34 ] A Sleuth's Job: Part 4
[ 35 ] Vendetta's Mask
[ 36 ] Unaccustomed
[ 37 ] Square of Threat
[ 38 ] Two At Once
[ 39 ] Calling On Their Way
[ 40 ] Gotcha
[ 41 ] Easily Caught
[ 42 ] Truth's Unfold
[ 43 ] Past Life
[ 44 ] Dr. Luo
[ 45 ] New Recruit
[ 46 ] Years Passed
[ 47 ] A Stole Away
[ 48 ] Newest Member
[ 49 ] The Double
[ 50 ] Her Truth Behind Why
[ 51 ] H2P

[ 17 ] Death Color #2: Red Signifies Warning

106 17 6
By Luni_Solace

Naging tahimik ang buong byahe. Nagdadrive si Devio habang ako ay nasa bintana lang ang tingin ko.

Pagdating namin sa parking lot ng mall ay bumaba agad ako pero huminto ako nung isasara ko na sana ang pinto. Marahan akong lumingon sa kanya.

"I hope you'll find Larra as soon as possible. Mag-ingat ka."

"Ikaw rin Rosel." Saka ko na sinara ang pinto at agad naman siyang umalis. Inayos ko ang pagkasukbit ng sling bag ko saka tumingin saking relos, 9:17 am.

Pumasok na ako sa mall saka nag-grocery nalang tutal may sapat na pera pa naman akong dala dito. Habang pumipili ako ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura ng tao kaya huminto ako sa paglalakad.

That person, he's very familiar to me. Nakatalikod siya sakin at nasa isang noodles stall section siya nakatayo at pumipili. He's back, his outfit, the way he stand, napakapamilyar niya talaga.

Hindi ako nagkakamali. Siya yung lalaki na nakita ko sa bintana ng room namin at saka kahapon nung nasa coffee shop ako.

Ito na ang ikatlong pagkikita namin at sisiguraduhin kong ito na ang huli. Iniwan ko muna ang trolley na dinadala ko at saka lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa balikat niya at hinarap sakin. I want to see him face to face.

Susuntukin ko na sana siya nung nagtataka itong lumingon sakin. Hindi na natuloy ang plano ko ng makita ko ang mukha niya. Nakayukom na ang kamay ko, kulang nalang sana ay lilipad na ito sa itsura niya.

"Can I help you miss?" Hindi nakatakas ang mga mata niya sakin kaya hindi ko matiis na tignan ito.

Pinagmasdan ko ng maigi ang mga mata niya. Dahil sa nakita ko ay sumalubong ang kilay ko. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya pagkatapos kong sinilip ang kamatayan niya.

What I saw in his eyes was unbelievable. Isa siyang magnanakaw. May nanakawin sana siya sa isang store at mag-isa lang siya. Pero ang hindi niya alam ay may tatlong magnanakaw na paparating na ayaw na may kahati kaya agad siyang binaril. That was the cause of his death. Tinignan ko ulit siya.

Umiling ako. No, he's not the guy I saw two days ago and yesterday.

"Excuse me pero kilala ba kita?"

No, but I can tell you the cause of your death.

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. "You should stop stealing." Sa isang segundo ay halos magkasing-laki ng tarsier ang mata niya dahil sa sinabi ko.

"A-ano bang pinagsasabi mo? Adik ka ba?"

I didn't answer his question and left him, dumbfounded. Bumalik ako kung saan iniwan ko ang trolley na puno ng bilihin ko at saka ito tinulak papalapit sa isang security guard.

"Ah manong," I called his attention as his head turned to me.

"Ano yun?"

"May nakita po kasi akong magnanakaw," kumunot naman ang noo niya sa sasabihin ko.

"Saan?" Sabay luminga-linga sa paligid.

"Ayun ho," sabi ko habang nakaturo sa isang lalaking nakatayo habang nagtataka ang mukha. Hindi pa rin umaalis sa pwesto niya, ganon pa rin ang mukha niya dahil siguro sa sinabi ko.

Tatakbo na sana ito papalapit sa taong tinuro ko nang pinigilan ko siya.

"Ah manong,"

"Ano? Kasama ka ba niya?" May halong inis pa rin ang tono ng pananalita niya. Siya na nga itong tinutulungang mahuli ang kriminal, siya pa itong galit. Pinagmasdan ko muna siya saglit.

"Kailangan niyo ho ng back up dahil may pag-asa na makatakas siya."

"Ano tingin mo sakin, matanda na? 36 palang ako at kahit mataba ako ay kayang kaya ko siya." Masungit nitong sabi sakin saka lumakad na ulit. Okay, bahala siya kung hindi niya susundin ang payo ko. Pumila na ako sa counter saka mabilis na binayad lahat ng pinamili ko. Buti at may oras pa ako makahabol sa paghuli ng lalaking yun.

Lumapit ako sa dalawang security guard na nagbabantay sa Department Store. Ito na, malaki ang pag-asa na mahuhuli agad nila ang lalaking kriminal na yun kesa sa matabang security guard na kinausap ko kanina.

"Ah sir, may nakita po akong magnanakaw." bigla naman sila nataranta.

"Saan mo nakita?"

"Doon po siya lumabas," sabi ko sabay turo ng main entrance ng mall at may katabing maliit na exit.

"Talaga? Paano mo naman nalaman na magnanakaw siya?"

"May ninakaw po kasi siya sa loob ng grocery store."

"Sige, salamat bata." sumimangot naman ang itsura ko ng marinig ang salitang tinawag ng isa sa kanila sakin. Aalis na sana sila ng humarang ako sa dadaanan nila.

"Sabi ba nga ba, binibiro lang yata tayo ng batang—"

"Sa main exit kayo dumaan dahil papunta siya ngayon ng parking lot saka doon niyo siya dakpin." huling sinabi ko at saka sila iniwan na may pagtataka ang mukha. Siguro tinatanong nila kung paano ko nalaman na doon papunta ang lalaking yun.

Hindi kasi talaga maniniwala sakin ang unang security guard na sinabihan ko. Kung pinaniwalaan niya sana sa sinabi ko, na dapat ay tumawag siya ng back up edi sana ay mahuhuli na agad nila ito na walang kahirap-hirap.

Kung titigan mo palang, walang wala na si manong guard sa katawan nung magnanakaw. Malamang pa sa malamang ay kapag nakita siya nung magnanakaw ay tatakbo agad ang unang gagawin nito. I know I judge him by his physical appearance pero poproblemahin pa ba natin yan?

Dahil malapit sa main entrance ang grocery store ay hindi magdadalawang isip na doon pupunta ang kriminal kesa sa exit na lalabas ka pa ng store bago tuluyan makalabas sa main exit ng mall.

Tapos, sinabihan ko naman ang dalawang security guard na nagbabantay sa Department Store na sa main exit sila lalabas dahil doon pupunta ang magnanakaw. Nakita ko kasing may hawak siyang susi, I bet that he also robbed the locomotive he have now.

So ang ending ay pinalibutan lang nila ang magnanakaw. Isang security guard sa main entrance tapos may dalawa pang pumunta sa main exit para hintayin ang pagdating ng magnanakaw doon sa parking lot.

Nang makita ko sila sa labas ng main exit, nilalagyan ng handcuffs nung dalawa ang magnanakaw samantalang ang isa, yung matabang security guard ay nakatukod sa kanyang tuhod at hingal na hingal. Doon ko na kinuha ang oportunidad na lumabas. Pumara ako ng taxi at agad na pumasok.

Well, my plan worked after all.

Nang nasa apartment na ako, pagbukas ko ng pinto ay tahol agad ni Spot ang narinig ko.

"Nandyan ka na pala." bumungad rin sakin ang prenteng nakaupo na katawan ni ate sa couch habang nanonood ng TV samantalang katabi niya si Spot na tinatahulan ako.

"How's the party?" I almost drop the can goods I'm carrying but fortunately I didn't. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari.

"Rosella?"

"Y-yeah, it was fun though."

"Masaya daw pero nakabusangot ang mukha pagdating. Oo nga pala, palagi naman kasing nakabusangot ang mukha mo." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko.

"Sino ang mga dumalo?"

"My classmates, schoolmates, and of course the family of Devio."

"Ay ang dami! Sana pala ay sumama ako sayo, hindi naman siguro nila ako mapapansin sa sobrang dami ng taong dumalo." kung alam mo lang talaga ang nangyari. Ewan ko lang kung tatawa ka pa sa nakita mo.

"You'll regret it,"

"Hmm? May sinabi ka ba?"

"I said hand me those noodles." sabi ko at inabot naman niya ito sakin.

Pagkatapos namin ayusin ang mga pinamili ko ay pumasok ako sa kwarto at sinundan naman ako ni ate.

"Hindi ka magbe-breakfast?" umiling ako sabay higa sa kama ko. Ughhh, I didn't feel any hunger because I was tired. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod pagkahiga ko.

"Sige magpahinga ka nalang muna dyan. Gigisingin nalang kita kapag tanghalian na."

~*~

I woke up because of the sound of growling and grumbling thunder. Pagmulat ko ay bumungad sakin ang napakadilim na paligid. Ang nagsisilbing liwanag ay ang minsang pagtama ng kidlat mula sa bintana. Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag ko at in-on ang flashlight nito.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit kong pinindot ang switch ng ilaw namin pero hindi pa din ito lumiliwanag. Pundido yata.

Pumunta ako sa bintana at tinignan ang labas. What the ef— nakatulog ako na ganon katagal? Eh gabi na. Sigurado akong gabi na at hindi ito natatabunan ng masamang panahon. Ano bang nangyayari? Black out ba? Gabi na ba talaga?

Lumapit ako sa pinto at pipihitin ko na sana ito ng may narinig akong bagay na parang may tumitira sa bintana. Lumingon ako at doon ko tinuon ang flashlight ng cellphone ko. From the minute I saw it bato pala ito, oo nga may tumitira talaga.

Dahan-dahan akong lumapit sa bintana saka tumingin sa baba. Wala namang tao. Bubuksan ko na sana ito ng may narinig akong may tumawag ng pangalan ko galing sa likod.

Sumalubong ang kilay ko dahil ang pamilyar ng boses nito. Lumingon ako at nagulat ng makita ko ang isa sa mga kaibigan ni Shiana. Nakatayo siya sa harap ko at basang-basa. Ano nangyari sa kanya? Paano siya nakapasok dito?

Lalapit sana ako sa kanya pero halos tumigil ang pagtibok ng puso ko sa nakita ko.

May biglang lumitaw na isang lalaki sa tabi niya na hindi ko alam kung saan nanggaling, doon ako mas lalong kinabahan dahil may dala siyang baril. Sa kanya ito tumututok.

I inhaled nervously and slowly exhaled. No, this is just a dream right? Panaginip ko lang ito, hindi ito totoo.

"Tulungan mo ako,"

Please, if I'm really dreaming someone wake me up. Palagi nalang ba ganito ang mapapaginipan ko? Puro masasama at madidilim na panaginip?

"R-Rosella, please." pagmamakaawa niya at bigla nalang ako nakarinig ng pagputok ng baril na ikinatakip ko agad ng tenga ko.

Lumingon ako at bumungad sa harap ko ang walang buhay niyang katawan, umaagos rin ang dugo na nagmumula sa ulo niya. Napaluhod nalang ako dahil sa hindi ko makaya ang nadatnan ko. Nanginginig ang buong sistema ko.

Iniyuko ko ang aking ulo. Hindi ko gusto makita ang lahat ng ito, hindi ko kaya.

Tumingala ulit ako at nagulat na may isang babaeng lumitaw nalang bigla. Yumuyuko ang ulo niya, tinitignan ang bangkay.

Kumunot ang noo ko nang may biglang lumiliwanag sa dibdib niya.

What?

Kinuha naman niya ito mula sa leeg niya. Hindi ko alam kung anong ginawa niya dahil lahat ay biglang bumalik sa dati.

Parang binalik niya ang oras.

What the hell? How did she do that?

Ngayon ay nakatayo na ulit sa harap ko ang kaibigan ni Shiana buhay na buhay.

Isang patay na nabuhay.

Napatayo ako at hindi makapaniwalang tinignan siya. Did the girl in front of us did that? Just like that? Dahil do'n sa hawak niyang kwintas? What kind of dream is this?

"Rosella,"

Bigla ay lumitaw na naman ang lalaki at tinutukan niya ng baril ang taong humihingi ng tulong sakin, handa ulit niyang iputok ito.

Okay when the third call is up, the guy pulls the trigger. So I'll make a move on the second call.

"Tulungan mo ak—"

Mabilis pa sa alas kwatro akong gumalaw— inagaw ko mula sa lalaki ang baril. Ilang minuto kaming nakipag-agawan sa baril. But I failed. Halos mabasag ang ulo ko dahil sa ginawang pagtaboy niya sakin sa pader, pati ang katawan ko. Napangiwi naman ako dahil do'n.

What the fv— he can fight in my dream?! Is this really even a dream?!

Tumayo ako ng dahan-dahan. Shit. What the heck? Ang lakas yata ng pagkatama ko sa pader. Habang pinipilit kong tumayo ay may lumapit sakin. Yung babae yata, I'm only seeing her body, bending towards me.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil naduduling pa rin ako. I held my head as I help my body stand. Nagtaka pa ako ng may inilahad siya sakin, kahit naduduling pa rin ay kinuha ko ito. Inilapit ko naman ito sa mukha ko para tignan ng malinaw pero hindi pa rin dahil napakadilim.

As the thunder strikes, I saw it. Nakita ko ulit ito nung kumidlat sa pangalawang pagkakataon.

A.... A red paper? A red crumpled paper.

What's this? Anong ibig sabihin ng papel na 'to?

"R-Rosella—"

The third call. Dahil nawala ang lakas ko sa pagtaboy lang ng lalaking ito ay tinulak ko nalang siya paalis sa harap niya. Yun nalang kasi ang tanging paraan na pumasok sa isip ko.

*BANG!*

I gasped a lot of air as my body and mind woke up. As my eyes opened, my vision was kinda blurry. Kumurap-kurap muna ako at dahan-dahang umupo ng maayos habang hingal na hingal na parang takot mawalan ng oxygen.

Mukhang binangungot yata ako. What was that all about? I thought it was real, that was so surreal to be a dream.

And that paper. The paper who gave the girl to me. What was the meaning of it?

This ability of mine, I think it's getting stronger— I'm getting stronger. Posible kayang umi-evolve din itong kakayahan ko? Posible kaya na mas lalong lalakas ito?

Napahilamos ako ng mukha sabay himas ng aking batok at tumayo. Pumasok ako sa cr at naghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay nakipagtitigan ako saking sarili sa salamin, ang tanging ingay lang dito ay nagmumula sa walang humpay na pag-agos ng tubig sa lababo.

Inihawi ko ang aking bangs na biglang tinakpan ang paningin ko sa kaliwa at nakita ko na naman ang tinatago ko.

They didn't knew about the scar in my forehead, kahit si Kylie ay hindi ko pinaalam sa kanya. But it doesn't really matter. This was years ago.

I sighed. I've been keeping a lot of secrets lately.

While staring at my reflection I was disturbed by a sound, a ringing sound. Sinara ko na ang gripo at saka pinahiran ang basang mukha ko. Lumabas ako na sumasalubong ang kilay.

Tumingin ako sa nightstand na pinapagitnaan ng dalawang kama. I saw my phone ringing, may tumatawag yata. Kinuha ko ito at tinignan. It wasn't ringing because someone is calling, it was ringing because someone set an alarm. Lumaki naman ang mata ko sa oras na tumambad sakin.

Damn! I must've been so tired that I slept 1, 2, 3... 8 hours. Yes, it's 5:08 pm in the evening. Can you blame me? I didn't have enough sleep last night. Kaya pala nung tinignan ko ang mukha ko sa salamin ay para akong zombie.

Pinatay ko na ang alarm saka binalik ang phone ko sa nightstand. Nang nilagay ko ito ay may isang maliit papel akong nakita. Kinuha ko ito at binasa, it's a note from my sister.

I was called from the office so aalis muna ako ngayon at baka bukas ng gabi pa ako uuwi. I'd set an alarm in your phone, it will ring exactly 12 pm para makakain ka ng tanghalian sa tamang oras.

Oh so she's the one who set the alarm. Well sorry sis but the alarm didn't wake me up. It was my dream who did it. And I also didn't eat lunch.

Lalakad na sana ako nang biglang tumunog ang tyan ko. Oh right, hindi nga pala ako kumain ng breakfast kanina at hindi rin ako nakakain ng lunch so double gutom ako nito. Sa kusina agad ang punta ko nang makalabas ako.

Dahil sobrang nagugutom na talaga ako na parang hindi ako nakakain ng ilang araw ay kinain ko ang mga pagkain na may takip at nakahain sa lamesa. Nang mabusog ako ay lumapit ako sa ref at binuksan ito. Kukuha sana ako ng yogurt pero wala akong may makita ni isa. Hinanap ko ito ng maigi at napaestatwa nalang ako.

Shit. I forgot to buy sweets. Ano ba yan. Well sorry I only buy the important and primary foods that we usually eat everyday.

Umikot naman ang mga mata ko saka sinara ang ref. Great. Now I'm going outside again. I don't have a choice, I really need to eat anything that is sweet or my stomach will hate me and I'll be damned.

Nagtoothbrush muna ako. Maliligo pa sana ako kaso maggagabi na kaya mamaya nalang dahil wala ng oras. Half-bath nalang ako mamaya dahil maliligo naman ako bukas.

Pagkatapos kong magtoothbrush ay bumihis ako ng ibang damit. Aalis na sana ako ng biglang may narinig akong bumabagsak. Palakas ito ng palakas, lumingon ako at nakita kong umuulan pala. Ngumiwi ako saka tinampal ang noo.

Great. This is really great. Could this day get any worse? Can I also order a dozen of luck for myself? Para naman mabawas-bawasan ang pagiging malas ko. Tss.

Padabog akong kumuha ng payong at jacket, lumabas saka nilock ang apartment. Bibili ako kahit ano pang mangyari. Masusuka talaga ako nito anytime kapag hindi ako nakakain. 

Tumuloy agad ako sa store ng makita ko ito. Bumili ako ng anim na yogurt and anything that has a sweet taste in my tongue. Mabilis lang naman ako sa loob at nagbayad agad ako. Binuksan ko na yung payong saka naglakad ulit pabalik sa apartment dala-dala ang isang maliit na plastic.

The road was empty and quiet, wala kang makikitang tao dito dahil gabi na at nakakatakot ang daan dito kapag gabi. Kahit nga nung papunta ako dito ay wala akong may nakasalubong.

Though, there's one person walking not so far away from me.

Huminto ako sa paglalakad nung huminto siya. Unti-unti niyang tinataas ang kamay niya na parang nagsusurrender habang ang tingin ay nasa kanan. Okay, what is he doing?

"W-wag po manong," para akong binagsakan ng isang malaking bagay mula sa taas nang marinig ko ang boses niya. My knees are starting to tremble. My breaths are slowly getting heavier. I literally got stamped. My heart starts to beat like fvcking fast.

"Amin na ang wallet mo,"

"M-maawa kayo manong, wala na akong pera. Mahirap lang ako."

"Wala akong pakialam sayo, akin na ang putanginang wallet mo."

Dalawang lalaki, tinututukan siya ng baril.

No. No way. This is not happening.

"M-manong, p-pwede naman sigurong pag-usapan natin ito."

"Bingi ka ba?! Akin na sabi ang wallet mo! Tigas ng ulo!"

"Pre relax ka nga lang, baka may makakarinig satin dito."

"Tumahimik ka dyan ah,"

"Manong, ma-maawa kayo sakin."

"Wallet mo lang hinihingi ko tapos magrereklamo ka pa?!" Mas lalong nilapit nung magnanakaw ang hawak niyang baril sa ulo niya.

"E-eto na po, wag n-niyo lang po ako patayin." dahan-dahan naman niya hinalungkat ang bag niya.

Nanigas ako saking tinatayuan. Hindi ako makagalaw. Bullshit. Hindi ito totoo.

My dream. It's slowly becoming real. What the hell?

"Bilisan mo!" napagitla naman siya sa sigaw nung magnanakaw. Sinara ko yung payong ko saka nagtago sa tampakan ng mga basura malapit sa labas ng store. Sumilip ako sa kanila at ganon pa rin ang sitwasyon, hinahanap niya ang kanyang wallet habang ang magnanakaw ay tinututukan siya ng baril.

"Ano ba?! Pinapainit mo ba ulo ko?!"

"H-hindi ko mahanap ang wallet ko manong."

"Akin na nga ang bag mo!" nanginginig siyang binigay ito sa magnanakaw.

Nagtago ulit ako. This is bad. Ano ang gagawin ko? Alangan naman susugod nalang ako bigla sa kanya eh ang layo-layo ko pero sapat lang na marinig ko ang pag-uusap nila. Makitid ang daan kaya maririnig mo talaga at nag-eecho pa. Damn it.

"Eh wala naman pala itong laman!" sumilip ako sa kanila at inis na tinapon nung magnanakaw na sa tingin ko ay bag pati yung wallet niya.

"Wala?" nagtatakang tanong sabi nung kasama niya saka pinulot ito.

"Wala nga,"

"S-sinabi ko na po sa inyo kanina, m-mahirap lang ako at wala akong pera."

"Aba, sinasabi mo pa na tanga ako?!"

"H-hindi manong! Hindi y-yun ang ibig kong sabibin,"

"Ah ganon?"

"O-opo—"

"Ito ang bagay sayo,"

"Ma-manong wag-!"

*BANG*

I closed my eyes as I heard the most scariest thing just got been pressed.

Habang pumipikit ako ay narinig ko ang pagbagsak ng katawan ni Marvin. 

Umiling-iling ako. Dahil hindi kaya ng konsensya ko ay lumabas ako.

"Marvin!" sigaw ko at nakita kong bumaling ang atensyon nung magnanakaw sa direksyon ko. Hindi ko makita ang mukha nila dahil may suot silang kalo at jacket.

"Wala dapat may makaalam nito." rinig kong ng isa sa kanila saka tinutukan ako. Naestatwa naman ako sa ginawa niya.

I know it was a foul move and I'm such an idiot to made that move pero gusto kong makita ang mukha nung magnanakaw nang sa ganon ay maidentify ang mukha niya dahil nung nagtatago ako ay hindi ko makita ang itsura niya pero ganon pa rin pala kung magpapakita ako.

Mariin akong pumikit when I heard he pulled the trigger. Tila, nagslow motion ang lahat.

I think, this is the end of my peculiar life.

.
.
.
.
.

Wait a second, how come I'm not dead yet? Ang tagal naman yata tumama nung bala sakin? Ilang minuto na akong nakapikit pero tumatayo pa rin ako. I opened my eyes and gasped.

The bullet of the gun stopped. Like literally stopped. Nasa harap ko ito, lumulutang at nakahinto. What the hell? Ano nangyayari? Oh right, in my dream there's a girl, she's the one who bring back the time. But she suppose to give me a red paper after this right?

It means, she's just around here somewhere. I think she's hiding. Alam kong pinagmamasdan niya kami ngayon. Unti-unti namang bumabalik ang lahat.

Bumabalik talaga ang lahat at nangyayari ito sa mismong harap ko. I'm the only one who witnesses what's happening here. Para itong movie at nirewind ito gamit ang remote. But why aren't I moving? Diba dapat ay pati ako babalik din? Sa panaginip ko, tanggap ko pa na hindi ako nadamay sa pangyayaring yun pero ngayon na gising na ako at nasa reyalidad na— strange.

Then, I heard that someone was tapping their shoes. Tumalikod ako at may nakitang babae na tumatakbo.

"W-wait!"

Pinagmasdan ko ang lumalayong katawan niya. That was her. I'm sure of it. She's the one who rewinds the time. Hindi ko alam kung paano niya ito nagawa. In my dream, she has this a clock-like necklace tapos lumiwanag yun tapos may pinindot siya yata kaya narewind niya ang oras.

As I heard someone humming a song, humarap ulit ako at nakita ko ang lumalakad na pigura niya. He's alive. He's fvcking alive. Walking down the narrow and creepy street like I did.

"Mmm, hmmm~ hey— what?! Hoy!" he yelped as I grab his pulse and we ran. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa may nakita akong madilim na eskinita kaya nagtago kami doon.

"Like duh? Sino kang tao ka ha? Bakit mo 'ko— mhph!" hinarap ko siya saka tinakpan ang bibig niya. Ang lakas-lakas pa naman ng boses niya. I hope those robbers can't find us here.

"Quiet." I whispered at nakita ko ang pagtataka ng mukha niya.

"Wohshella?" bulong niya pero hindi ako sumagot bagkus ay naging tahimik lang at pinakiramdaman ang paligid.

Habang ganon ang pwesto namin ay may narinig kaming tumatakbo na yapak ng mga paa, palapit ito ng palapit samin. Nasa gilid kami ng isang malaking trash box, sana pala ay pumunta nalang kami sa apartment ko pero iikot pa bago makarating do'n. Maririnig talaga kami at baka habulin pa kami nila. I'm not going to risk our lives to an impossible runaway.

"Shit!" sabi ng isa sa kanila sabay hampas ng pader. "Nakatakas sila."

"Paano sila nakatakbo? Nakita kaya nila tayo?" yes, I saw you two killed Marvin.

"Imposible! Eh ang dilim kaya nung pwesto natin."

"Baka alam nila ang gagawin natin."

"Puta! Tara na nga. Humanap nalang tayo ng ibang mananawakan." nang sinabi yun ng isa sa kanila ay naramdaman kong lumunok si Marvin.

Narinig ko na ulit ang pagtakbo nila at papalayo na ito samin. Dahan-dahan akong tumayo saka sinilip ang daan. Wala na sila, buti nalang at hindi kami nakita. Tinanguhan ko si Marvin, sinyales na clear na ang daan saka siya natatarantang lumabas.

"S-sino ang mga lalaking yun?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wait, what? Hindi niya namumukhaan ang dalawang yun?

"You don't know them?"

"Ano klaseng tanong yan? Of course hindi! Aba, nanakawan pala nila tayo!" seriously? Hindi niya talaga kilala? Kahit namukhaan man lang?

"Y-you really, don't recognise them?"

"No I don't. Bakit? Kilala mo ba ang mga yun?" yeah because they are the one's who killed you before all of this. I sighed.

It's official— he doesn't remember a thing before he was robbed. Hindi niya kilala ang dalawang taong tinutukan siya ng baril at pinatay.

"Paano mo pala nalaman na nanakawan pala tayo ng mga pesteng yun?"

"I didn't," sabi ko at nagsimulang lumakad. Tumabi naman siya sakin. Ugh! Look at me, I'm so wet. Maliligo talaga ako for the sake of my body. Para hindi lalagnatin.

"Weeehh?" kinamot niya ang kanyang ulo.

"Eh sino?"

"Someone,"

Of course I won't tell him the truth. Alam kong mas gugulo lang ang sitwasyon at dadagdagan niya ang mga tanong niya.

"Someone? Hindi mo kilala?" Umiling ako.

"Grabe! Ibig sabihin ay nahula niyang mananakawan tayo?!" tumango naman ako.

"Gosh! Ang galing! Baka manghuhula yun! Sana ay makita mo ulit siya tapos sabihin mo sakin dahil magpapahula talaga ako sa kanya." I rolled my eyes of what he said. Ang saya saya niya pa kahit na malapit na siyang manawakan? Or worse, baka patayin ulit siya.

And seriously? Magpapahula siya sakin? Tss.

Kamatayan mo lang ang pwede kong mahula at hindi ang future mo.

Lumabas na kaming dalawa. "Saan nga pala dapat ang punta mo?"

"Buy some sweets,"

"Ahh," sabay tango niya.

"You?"

"Pauwi na. May binisita lang akong past classmate."

Walang pakialam kong tinahak ang daan habang walang humpay ang pagbagsak ng malakas na ulan. Basang-basa na ako.

Hindi ko naman inaasahan na ngayon pala mangyayari ang panaginip ko. At mas lalong hindi ko inaasahan na magkakatotoo pala ang panaginip ko.

If it wasn't by my dream, Marvin could be dead by now. Just lying on the cold road, raindrops are pouring like cats and dogs while his blood was dripping out of his body. His demise was about to take him but thanks to my dream, Death stepped back from taking him.

Well, better luck next time Death. Kunin mo nalang siya kapag oras na niya talaga.

Wala kaming imik na tinahak ang madilim na daan nang bigla siyang sumigaw.

"Oh sweet mamma sita!" sigaw niya. Sumalubong naman ang kilay ko sa sinigaw niya.

"Huh?" nakangiwi akong sabi.

"May bibilhin pa pala dapat ako! Shocks naman! Haggardo na itong fes kooooo." he said as he palmed his face. Wait, didn't he saw the store when he walked— oh right. Wala pala siyang naaalala sa pangyayaring nakita ko kanina.

"There's a store just by this road," sabi ko.

"Talaga?!" napalayo naman bigla ang ulo ko. Kanina pa siya ah, ang sakit na ng tenga ko dahil sa kanya. Akala mo tumitili sa sobrang lakas.

"Mabuti naman kung ganon!" he said as he clap his hands.

"Sa totoo lang, akala ko cold at hindi ka namamansin." pagbubukas niya ng usapan.

"Mabait ka naman pala eh! Bakit kaya hindi yun nakikita ng iba? Siguro talagang jinajudge nila ang isang tao sa kanilang mukha at hindi sa attitude." naging tahimik na kami ulit pero iilang minuto lang ito.

"Hindi ka pala-salita 'no?" iling ang naging sagot ko sa kanya.

"Heh, taciturn." mas lalong bumusangot ang mukha ko sa sinabi niya.

Not really. It's just, I'm not fond of opening my mouth and take out my words. I won't waste my saliva just talking and blabbering about unimportant things.

"Ay ayun! Nakikita ko mula dito." tumigil kami sa paglalakad at tinignan ang store na tanging nagpapaliwanag sa madilim na paligid. Lumakad na ulit siya pero napahinto rin agad nang mapansin niyang wala ako sa tabi niya.

"Sige, una na 'ko. Salamat nga pala ah? Double ingat ka sa madadaan mo dyan."

"Thanks, you too." he waved at me and I waved him back.

Tumingin ako saking kaliwa at tinitigan kung saan nakapwesto kanina ang babaeng binalik ang oras. This is were she was, also eavesdropping at the scene where Marvin got killed. She saw that. She saw Marvin killed by those criminals. So maybe that's why she decided to bring back the time.

But the most questionable question here is, is she peculiar too?

And my answer for that.... I don't know. But I want to know pero wala akong lead kung paano siya mahanap. Only that necklace she has is the peculiar one. I sighed.

Habang tinitignan ito ay biglang kumidlat. Dahil sa kidlat ay may nakita akong parang bilog. Lumapit ako at tinignan kung saan nakita ko ang bilog. Mabuti nalang at kumidlat ulit kaya hindi ko sinayang ang pagkakataon na kinuha ito.

Wait, a paper? Piniga ko ito at tama nga ako. Papel nga. Bigla akong kinutuban.

Could it be?

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...