My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Breakfast

449 33 4
By HEYNEENAMOR

Rita's POV






Maayos naman akong nakatulog kagabi kahit na natulog akong masama ang loob. Wala naman kasi akong narinig na ingay mula sa kabilang kwarto kaya mahimbing akong nakatulog. Naligo at magbihis na ako bago lumabas ng kwarto para magluto ng breakfast.. Pagpasok ko ng kusina ay nakita ko ang nakatopless na si Ken na nasa harapan ng kalan. Nagluluto yata ito..















Ang aga naman yatang nagising nito?











"Nandito ka parin? Bakit hindi ka pa lumayas?" bungad na tanong ko dito. Napalingon ito sa akin at ngumiti. Pucha. Bakit ganyan yung mga ngiti niyan? Nakakalunod.












"Oh? Nakatulog ka ba ng maayos? Walang ingay kagabi hah.." sabi nito kaya inirapan ko siya.












"Ano ba yang niluluto mo hah? Mag apron ka nga! Wala ka pang suot na damit! Baka malagyan ng pawis mo yung niluluto mo hah! Eeew.."










"Kakain ka ba ng luto ko?" tanong nito.









"Hindi ako magsasayang ng gastos at pagkain. No choice ako." sagot ko dito.










"Gumawa ka na ng kape para makakain na tayo. May meeting ang buong team mo with me mamaya by 8:30am . Bawal ma-late."












"May meeting? Hindi naman kami na-inform kahapon hah?"










"Hindi naman kailangan na iinform pa kayo. Nasa office naman kayong lahat so madali na lang iyon. Sinabi ko lang sayo ngayon." tiningnan ko ito habang nilalapag ang niluto nito sa lamesa. Inilagay ko sa harap niya yung kape niya..










"Nagulat ako na Editor ka pala ng Ka-Vogue." sabi nito ng magsimula na siyang kumain.










"Bakit? Ano ba sa tingin mo yung trabaho ko?" inis na tanong ko dito.









"Sales Agent? Barker? Maingay ka kasi."











"Duuuuuh! Eh ikaw nga nagulat ako, nagtatrabaho ka pala.. Akala ko joke lang yung pagsusuot mo ng office attire.. Pang-attract mo lang sa mga babae.."









"Wow hah? May suot man ako or wala, attractive ako sa mata ng lahat ng babae.." mabilis akong umiling at sumenyas ng hindi totoo ang sinabi niya.








"Huwag mong lahatin ang mga babae Mister! May mga babae parin namang matino ang pag-iisip at hindi basta-basta na-aattract sa womanizer.."








"Thanks for that title "Womanizer" I felt honored." seryosong sabi nito kaya inirapan lo muli ito..









"Hindi ko parin matanggap na pinalitan mo si Oli sa position niya. Ang sama mo. Alam mo ba iyon?" inis na sabi ko dito.








"Oliver doesn't deserve his position." seryosong sabi nito.









"No! Magaling na GM si Oli! sa Limang taon ko sa Ka-Vogue, wala siyang ibang ginawa kundi ang masiguro ang success ng bawat Magazine na nilalabas namin! Mahusay siya!"










"Sorry for him. Ako na ang nasa position niya."











"Sana mapantayan mo manlang ang galing ni Oli." inis na sabi ko dito.








"You called him Oli. He's you boss before hah."








"Pakialam mo ba hah?? Nangengealam ka diyan! Gusto mo bang tawagin kitang "Boss manyak" sa office??" inis na sabi ko dito.









"Try it lady, na-inform mo na ba silang magkasama tayo sa iisang bahay?" No. Never kong ipapaalam iyon! Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin nila pag nalaman nila iyon. Baka pagchismisan pa ako sa office. Gulo iyon. tsss











"Kaya nga pinapalayas na kita eh! Ayoko ng gulo sa trabaho ko."












"Then mag behave ka." paghahamon nito sa akin. Inirapan ko na naman ito tsaka ako tumayo para hugasan ang pinagkainan ko..











"Hindi ka ba nahihilo kakairap mo?"









"Nahihilo ako sa presensya mo. Tabi nga diyan!" inis na sabi ko dito tsaka ko pinalo yung braso niya gamit ang dulo ng kutsara..








"Pakidamay na tong pinagkainan ko hah! Bye!" sabi nito sabay pasok sa kwarto niya, magbibihis na yata.. Kita mo yan! Iniwan yung pinagkainan at ako pa ang pinaghuhugas ng pinggan niya! Tssss..






















Kakatapos ko lang maghugas ng mapansin kong lumabas na si Ken sa kwarto niya. Nakasuot na ito ng puting polo. Ang presko niya tingnan sa suot niya!!! Naningkit ang mga mata ko ng mapansin king nakatanggal ang tatlong butones mula sa itaas ng polo niya kaya mas lalo yata akong nawalan ng hangin at hindi na makahinga. Tumalikod ako at bumalik ng kusina para kumuha ng tubig.. Naka isang lagok pa lang ako ng mapansin kong papalapit si Ken sa akin..






Hindi ako gumalaw at nakaharap lang ako sa water despenser. Pinapakiramdaman ko kung anong gagawin niya. Hanggang sa marinig ko ang tunog ng nagbanggaang mga baso... Kumuha siya ng baso?











"Ano bang ginagawa mo diyan sa harap ng water despenser? Nag wiwithdraw? Oh baka naman umiihi ka na diyan? Naging rebulto kana? Bilisan mo dahil nauuhaw na ako!" sabi nito kaya pasimple akong tumabi para makakuha siya ng tubig.. Naririnig ko ang pag "Tsk" niya dahil sa inip. Uhaw na uhaw naman! Aaarghh..


















Halos sabay lang kaming lumabas ng bahay para pumasok sa trabaho.











"Pasuyo naman yung gate.. Pa-open.." pakiusap nito. Ayoko sanang sundin pero dahil maaga pa naman at ayoko munang mabwisit ng tuluyan ay ginawa ko nga ang utos nito.. Matapos kong buksan ang gate ay napatingin ako sa magara nitong sasakyan. Mukhang masarap sumakay sa kotse nito. Feeling ko ay mabango ang loob ng sasakyan nito at napakalamig sa loob.. Nagsimula na itong i-start ang kotse niya.. Inip akong naghihintay sa gilid ng gate dahil feeling ko ay papasakayin niya ako. Napangiti ako ng huminto ito sa kinatatayuan ko at binuksan niya ang bintana..













"Pakisara na lang ulet yung gate pagkalabas ko. Thanks." sabi nito sabay mabilis niyang pinatakbo ang kotse niya..









"Nuknukan talaga ng kagarapalan yung pagmumukha! Napakadamot! Iisang kumpanya lang naman ang pupuntahan namin hindi pa ako sinabay! Aaaagggghh!! Bwisit talaga sa umaga !!!" inis na sigaw ko pero wala namang nakakarinig dahil umalis na ito... Irita kong sinarado ang gate tsaka ako naglakad para makalabas ng Village..













Habang naglalakad ako at napadaan sa isang malaking bahay katabi ng bahay namin ay may isang matandang babaeng tumawag sa akin. Noong una ay hindi pa ako sure kung ako ba talaga ang tinatawag nito dahil ang sinisigaw lang niya ay "Neng!". Huminto ako sa paglalakad tsaka ko sinipat sa may bandang gate nila yung Lola..









"Ako po ba?" tanong ko dito at tumango ito. Nginitian ko siya tsaka ako lumapit sa kanya..








"Bagong mag-asawa kayo diba? Natutuwa lang akong makakita ng mga bagong mag-asawa.. Actually bagay kayo! Napansin ko kasi kahapon na nag-aaway kayo sa labas ng pinto niyo. Nandodoon kasi ako sa may balcony ng bahay ko at kitang-kita ko kayo.. Iha, hindi naman sa nanghihimasok ako pero ang maliliit na tampuhan ay hindi dapat pinapalaki.. Dapat mabilis na inaayos yan para hindi mauwi sa hiwalayan. Kami nga ng asawa ko, 40 years na kaming kasal at pareho parin kaming masaya hanggang ngayon. Ang sarap sarap lang mag-mahal iha.." nakailang lunok yata ako ng laway habang nagsasalita si Lola.. Gustong-gusto kong sumabat at sabihing hindi ko asawa yung lalaking iyon pero hindi ko nagawa. Halata kasi sa mukha nito ang saya habang pinapangaralan ako at halata din ang kilig nito habang hinahalintulad kami sa relasyon nila. 40 years? Ano ba ang sekreto ng masaya at mapanatag na relasyon.. Nakakatuwa naman sila Lola at ang asawa nito..








"Sige na iha, may trabaho ka pa ba? Ingat ka sa pagpasok hah! Ikamusta mo na lang ako sa asawa mo... Ay oo nga pala, anong pangalan mo?"











"Rita po."










"Okay! Nice to meet you Rita."































"Ritaaaaaaa!!! I'm so excited na kinakabahan. Ito ang first group meeting natin with Sir Ken!!! Aaaaaaaah , Okay na ba yung mukha ko? Masyado bang maputi? Yung lips ko? Okay ba? Hindi ba halatang nag liptint ako? Amuyin mo nga ako kung okay na yung nilagay kong perfume.." inirapan ko si Tosh sa sunod-sunod na tanong nito sa akin. Nandidito kasi kami ngayon sa loob ng conference room. Before 8:30 ay pinapasok ko na yung team ko dito para naman walang masabi yung Ken na iyon.. Ayaw na ayaw kasi nito ang late, isa sa golden rule niya iyon.








"Bakit mo ba pinaghahandaan yun? Tsaka akala ko ba loyal ka kay Oli? Bakit si Ken—- I mean si Sir Ken naman ngayon yung bet mo?"










"The more the merrier !!!" tili nito at natawa tuloy si Iza and Camille.










"Kumpleto ang print out ng progress report hah. Check niyo ulit.." utos ko sa kanila..








"Nakailang check na kami Rita! Ikaw nga yata tong kabado. First time mo yatang kabahan sa mga makakameeting mo hah!" usisa ni Iza.










"I have this feeling na hindi magiging madali para sa atin na pakisamahan tong bago nating Boss." seryosong sabi ko sa kanila..










"Mukha namang mabait!" sabi ni Camille












"Hindi!" agad na sagot ko.









"Ano ba kasing sinabi niya sayo during sa interview mo? Pinagsabihan ka ba niya? Sinigawan?"






"Binaboy ba niya ang puri mo?" sabat ni Tosh at hinampas ko yung braso nito.






"OA!! Tosh hah! Mahalay!"








"Eh kasi naman! Kanina ka pa stress diyan na para bang kailangan perfect ang kakalabasan ng meeting. Eh hindi pa nga natin sure kung anong pag-uusapan natin dito.. Malay mo naman, kakain lang tayo dito.. Tapos may pizza na palang pinadeliver! Hahahahah.."










"Ah basta, hindi ako dapat mapanatag. Dapat nating galingan para naman walang masabi yang bago nating boss. Mahirap na, baka bukas makalawa , ligwak na tayo sa Ka-Vogue."














Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok ito. Agaw eksena talaga tong lalaking ito lagi. Yung tipong dadaan lang siya sa harap namin ay tatahimik na kami at automatic na matutuon ang atensyon naming lahat sa kanya..










"Good Morning." seryosong bati nito.












"Good Morning Sir." sabay-sabay naming bati dito.













"Well, walang late hah. Good job." pinipigilan kong umirap dahil sa sinabi nito. Ewan ko ba, iritang-irita ako sa tuwing nakikita ko tong taong ito! Na para bang bigla bigla niyang ginagawang masalimuot ang araw ko. Grrrr..










"Nabasa ko na ang progress report niyo last week.. Nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon ay nasa 30% palang ang natatapos niyo sa magazine.."










"FYI Sir, kaka-start lang po namin nun last Month.." sagot ko dito.









"Last month. Sayo na nga nanggaling. Anong nangyari sa higit tatlong linggo? Dumaan lang?" Ay, pinipikon niya ba ako!!! Grrr..











"As stated, isang famous celebrity ang i-fefeature namin sa magazine.. Masyadong hectec ang schedule ni Ms. Anne Curtis kaya hindi namin maayos yung schedule ng ibang interview at photoshoot niya—-"











"Then bakit kayo kumuha ng superstar para ma-feature sa magazine niyo? Sa tingin mo makakaabot sa deadline ang magazine??"









"I will make sure na makakaabot kami sa deadline. Oli approved this project. We trusted him." seryosong sabi ko dito.









"Upon discussing this project with Oliver, napailing nga ako eh. Masyadong common ang projects niyo. Anong magiging pinagkaiba niyan sa ibang magazine na na-featured na din si Anne?"







"Sir Ken, I think need niyo munang mabasa ang fully finished na magazine and doon ko na lang sasagutin." napipikon na sabi ko dito.









"1 month. I will give you 1 month to finish this project." sabi nito sabay tayo at labas ng conference room. Naiwan kaming nakanganga ng team ko at hindi pa yata nag sisink-in sa amin yung sinabi nito.














One month? Anong matatapos namin sa 1 month? What if may mga out of town ganap pa si Ms. Anne!! Paano? Aaaaarghhh! Iniinis talaga ako nitong Tsinoy na to eh!!!!














❤️

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
17.2K 1.1K 36
Paano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. N...
133K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
96.8K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...