Requiem: Redemption

By sinagtala

713K 17.6K 3.1K

PART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hu... More

Foreword
Prologue
1. Innocence
2. Sweet Dreams Are Made of This.
3. Lost and Found
4. Trapped
5. Captured
6: Red Alert
7: Hunter's Mark
8: Death Deal
9: Contract
10: Into the Daylight
11: All it Takes
12: Let Slip
13: Half Truth
14: Half Lies
15: Sanctuary
16: Haggle
17: Saints and Sinners
18: Bite the Bullet
19: Say Something
20: Guilt Trip
21: Morning After
22: Second Chances
23: Mess
24: Tease
25: Haunted ( SPG private chapter)
26: Saved
27: The High Council
28: Blood Royal
29: Over the Edge (SPG private)
30: Mask of Sanity
31: Reasons
32: Listen
33: Scandals, Intrigues and Deceit
34. The Hunt
35. Roadtrip
36: Bite Me
37: The Proposal
38: The King and the Queen
39: The Other Side
40. All His
41: How He Loves
42: Nothing Else Matter
43: Her Name (SPG)
44: Heaven's a Lie
45: Wedding Crasher
46: Going Home
47: War
48: Rogues
49: Release the Moon
50: Break
51: Collide
52: Sins
53. Bless the Child
54: Reverence
55: Set Free and Go
56: Everybody Wants to Rule the World
57: Discord
58: Run Riot
59: Three Words
60: Breathe for me
61: Crash and Burn
62: Forgotten
63: Down and Under
64: Hang in There
65: Isolation
66: Unrequited
67: The Solemn Promise
68: Encounter
69: Veniality
71: Recall
72: Sweet Surrender
73: Demons
74: Anywhere
75: Sacrifice
76: Hope
77: Thoughtless
78: Before the Rain
79: Vows of Heart
80: Foreboding
81: Star-crossed Lovers
82: Unrest
83: Hold your Tears
84: Flicker
85: Hailstorm
86: Frozen
Neverending
87: Parting Skies
88: Cry for the Moon
89: Fading Light
90: Darkness Fell
91: Retribution
92: Redemption
Epilogue: Fallen Angel
Panghuling Salita
Book 3: Requiem Awakening

70: Desolation

5.6K 184 33
By sinagtala

This is not good.

Hindi kayang tingan ni Raven ang nangyayari sa kaibigan

She's in pain. Maya't maya na ang contractions nito. Parang nararamdaman niya rin kung gaano ito nasasaktan.

"Ish, breath. Kaya mo yan." Sabi niya habang hawak-hawak niya ang kamay nito.

"Shet.. Raven. Ang sakit talaga," sabi nito. Napisil nito ng madiin ang kamay niya. Masakit pero binalewala niya yon.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti kahit mukhang hirap na hirap na. "N-nagkabati na kayo ng mate mo no? M-may naaamoy ako,"

Ngumiwi siya. Dumiretso kasi siya sa kwarto ni Isabelle matapos magbihis. Ni hindi man lang siya nakapag-ayos.

"H-hala Rave, b-baka magtriplets pa yan." Tumawa pa ito. Pero napalitan uli ng kunot ng ng umatake na naman ang paghilab ng tyan.

"Ish naman. Wag ka na ngang magbiro."

"O-ok lang ako Rave. S-sayang lang at wala dito si Al... aw..." napapikit nalang ito sa sakit.

Nakita pa niyang gumalaw nang malakas ang nasa tyan nito. Parang gusto na talagang lumabas.

Sh*t.

Nadinig niyang bumukas ang pinto. Si Fritz iyon. Nakasuot na scrub suit at may dala nang gamit.

"Fritz, do something. Please."

Bumuntong-hininga ang lalaki bago sumagot.  "This is not my expertise but I'll do the best I can."

Nagsuot ito ng gloves at lumapit.Pumwesto ito sa may paanan ni Isabelle at at pinagparte ang mga binti. May chineck si Fritz sa ilalim ng damit nito na dahilan ng pagngiwi lalo ng kaibigan.

"Still one cm," sabi ni Fritz. "I'm afraid you have to endure it for much longer, Isabelle."

"Can you just give her something to stop the pain?" Tanong niya. Alalang-alala na siya.

"Unfortunately it's no use, Angie,"

Sh*t. Alam naman niyang hindi tinatablan ng painkillers ang mga tulad nilang bampira. Nagbabakasakali lang siya na pwede iyon kay Isabelle.

May pumasok na maid sa kwarto at may inabot ito kay Fritz.

"Excuse, me Angie. I have to take this," sabi nito sa kanya bago sinagot ang phone.

"Victoria. Where are you? I need her, NOW." Lumabas na ito ng pinto para doon kausapin ang tumawag.

Who's her?

"Rave..." tawag ni Isabelle sa kanya. Medyo kumalma na ito. Humina na yata ang hilab ng tyan. "K-kung hindi ko kakayanin...ikaw nalang bahala sa baby ko."

"Ano ba Ish, wag kang magsalita ng ganyan." Saway niya sa kaibigan.

"Alam ko ang pwedeng mangyari, Rave. Tanggap ko na," tuloy-tuloy parin ito. "A-Alam mo ba kung bakit gusto kong makita si Alejandro bago ako manganak? Gusto ko siyang makita bago man lang ako mamatay. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal...kung gaano ako kasaya sa sandaling panahong magkasama kami."

"Isabelle."

"P-pero kung di niya ako maabutan. Pakisabi nalang iyon sa kanya. Pakisabi ring mahalin at alagaan niyang maiigi ang baby namin.."

"Stop saying those things Isabelle. Hindi ka mamatay. Kakayanin mo yan."

Ngumiti lang ito.

"R-Rave- salamat ha. Kahit na medyo gaga ako at pinatulan ko ang ex mo, itinuring mo parin akong kaibigan," sabi pa nito. "Alam kong napakalaki ng kasalanan ni Al sayo. Halos walang kapatawaran ang ginawa niya... pero sana.... sana."

Naputol ang pagsasalita nito ng dumaing uli. Gumalaw na naman ang nasa tyan nito.

"Ish!"

Bumukas uli ang pinto at pumasok uli si Fritz. Umiling lang ito at lumapit.

"Miss Isabelle, look at me. Listen," kinuha nito ang isang kamay ng kaibigan. "I'm going to relieve your pain for a while. Just for a while, understood? You need to rest, you need strength to get through this."

Sunod-sunod lang na tumango si Isabelle.

Pinadaan ni Fritz ang kamay sa tapat ng mukha ng kaibigan. Isang pitik ang ginawa nito at nakita niya ang dahan-dahang pagpikit. Nakatulog na ito.

"She needs to be ready," sambit ni Fritz. Tumingin ito sa kanya. Alam na niya ang gustong ipahiwatig nito. Kinagat niya lang ang labi at tumango. "You need to too."

Dahan-dahan niyang binitawan niya ang kamay ni Isabelle. Inayos niya ito sa pagkakahiga. Mahimbing ang tulog nito sa ngayon, pati na rin ang paggalaw ng bata sa tyan nito, hindi na masyadong malakas.

"Don't let her die, Fritz. Promise me. Please." Buong pag-aalala niyang pakiusap dito.

"I'm sorry. I can't promise that. You know how her condition is. It was a miracle that she lasted this long. We could have prevented this if found her earlier than this."

"What do you mean?"

"She's losing too much blood. She's been in hiding for too long. And the stress..." huminga ito nang malalim.  "I'm really sorry Angelique. All I can do is save her child. We need someone who's done this before."

"I understand," napayuko nalang siya. "Just please look after her."

Lumabas na siya ng kwartong yon na mabigat parin ang loob niya. Awang-awa siya kay Isabelle pero wala siyang magawa. 

"Rave..." Nadinig niya ang boses ni Kiel. Nakatayo lang ito sa gilid ng pinto, hinihintay siya. 

"S-she don't deserve this, Kiel. Hindi dapat nangyayari ito kay Isabelle." Agad siyang yumakap dito, isinubsob niya ang mukha sa dibdib.

 "I started this. This is all my fault."  

***

BUMUGA NG USOK si Raffy habang nakatanaw sa malaking pool. Hanggang ngayon, ramdam niya ang panginginig ng tuhod niya sa nangyari. Hindi niya maipaliwanag ang kaba.

Naalala niya kung gaano kahirap na hirap si Isabelle kanina. Lalo na yung malakas na paggalaw ng baby sa tyan nito. Alam niyang di normal yon, parang mapupunit na at bubulwak kung ano mang nasa loob. 

Kung siya siguro, di niya kakayanin.  Kinikilabutan siya kapag naiisip niya yon.

 "Shit." Mahina siyang napamura.   

Tapos nakita pa niya yung pinaggagawa ng kapatid niya kanina. Awkward talaga. Nakakahiya.

Pero parang kanina lang nagaaway yung dalawa yon. Tapos nag-make up sex agad. Malaking kalokohan yung nagawa ng Kuya Kiel niya para patawarin ng ganoon kadali. Siguro mahal na mahal din ito ni Ate Raven kaya di natiis.

Pakshet. Kakaingit. May happy ending na ang kapatid niya. Siya dito, nganga.

Sa totoo lang, wala pa siyang gustong gawin sa buhay niya. Di niya alam kung saan siya magsisimula. Bampira na siya. Para siyang pinanganak uli. Nakakapanibago nga.

Bat' kasi binuhay pa ako nung tukmol na yon?

May naramdaman siya sa paligid. May pumasok sa perimeter ng mga bakod. Trained ang senses niya sa presensya ng mga bampira. Mukang lalo lang lumakas iyon ng naging bampira na din siya.

Nakita niyang naramdaman din ito ng mga bantay doon. Agad na pinuntahan ang direksyon kung nasaan yon.

Napailing siya. Mukhang kailangan pa ng training ng mga bantay ng kapatid niya. They were looking the wrong way. Mukhang gumagamit ng psych kung sino man yon. She could feel it. Nililigaw lang nito ang mga guards.

Itinapon na niya ang sigarilyo sa isang ashtray doon. Tumayo na siya sa silya at kumilos Alam niyang busy ang iba dahil sa nangyayari kay Isabelle, wala siyang balak istorbohin ang mga iyon para lang dito. Siya nalang ang huhuli.

Nakita niyang may isang guard doong nakahandusay sa isang sulok ng garden. Buhay pa, wala lang malay. Mukhang ginamitan lang pysch para makatulog.

Napailing siya, Mukha ngang may masamang balak ang pumasok na yon. Mukha ding malakas. Agad niyang kinapa at kinuha ang baril ng tulog na bantay. Naglakad siya ng dahan-dahan para hanapin ang pangahas na pumasok.

Pakshet. Bakit ganoon? Iba ang pakiramdam ko dito?

"Elle."

Agad siyang napalingon at mabilis na itinutok ang baril. "F*ck, what are you doing here?!"

Nakatayo si Pierre, mga ilang metro ang layo sa kanya. Nakatitig ang mga mata nito na parang sabik sa sabik siyang makita.

He looked clean. Nakapag-ahit na ito. Maayos na din ang gupit ng buhok, though hindi na iyon tayo-tayo tulad ng una niya itong nakita. Naka-black long sleeved itong polo at naka jeans. Kahit malayo, amoy na amoy niya ang mabangong cologne nito.

Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan. May parte ng pagkatao niya na gusto itong barilin at tuluyan na. Yung isang parte naman na gustong tumakbo papalapit dito at yakapin-- NO. Hindi niya gagawin yon!

"How are you--"

"Hep. Hep. Dyan ka lang," aniya. itinutok pa niya lalo ang baril nang akmang lalapit ito. "Ba't ka nandito?"

Huminga ito nang malalim bago nasalita. "I wanted to see you,"

Kumalabog ang dibdib niya sa sinabi nito. Pakshet. Traydor kang puso ka. Ba't ka kinikilig.

Pero bilib din siya sa lakas ng loob ng tukmol. Matapos ang lahat, nagpakita pa talaga. "Umalis ka na." Utos niya. 

"Elle," sabi nito. Napapikit pa ito na parang nahihirapan. "We need to talk about this. About us. Hindi ko na kayang nagkakaganto tayo."

"Gago. Walang tayo." Kahit sabihin pang ito ang nagsire sa kanya, wala nang dahilan pa para magpakita pa ito. Niloko siya nito. Pinagsamantalahan ang kagagahan niya. 

"I understand," ramdam niya ang pait sa sinabi nito. Ang lungkot. "May kasunduan tayo, Elle. Natatandaan mo pa ba? Can you close that deal?"

Na papatayin niya ito pagtapos ng lahat? Sa totoo lang talaga pwede na niyang kalabitin ang gatilyo kung gugustuhin niya. HIndi lang alam kung bakit ayaw kumilos ng mga daliri niya.

"Please do it. Kung yon ang makakapagpatahimik sayo,"

Pakshet talaga. Nagdrama pa ang tukmol. Lalo tuloy siyang nalito.

"I know, it's not enough. Alam kong kulang pang kabayaran ang buhay ko sa mga nagawa ko. Do it Elle. I would rather die by your hands."

She heard that somewhere. Hindi niya matandaan. Hindi rin niya matandaan kung itong tukmol din ba ang nagsabi noon.

Nadinig niya ang pagbukas ng front gate. May kakarating lang na kotse at mukhang nagmamadali. Ito na yata yung asawa ni Fritz at yung mamang kamukha ni Blade. Mukhang may iba pang mga kasama- nararamdaman niya.

"Anong nangyayari dito?" Mabilis na tanong ni Pierre na napalingon din sa direksyon ng paparating na sasakyan.

"Wala ka nang pakialam. Manganganak na si Isabelle kaya umalis ka na. Dali." Ibinaba na niya ang baril. Saka nalang niya siguro tutuluyan. Magulo pa ang utak niya.

"Hindi pa oras,"

Oo alam niya. Mukhang magiging premature yung alien este baby ni Isabelle. Di pa nito kabuwanan.

"Is she doing alright?" tanong pa ni Pierre.

Parang kinurot ang puso niya. Nag-aalala parin talaga ito para kay Isabelle. "Ano bang paki mo?" 

"Please make sure na maayos ang panganganak niya. I have to go."

Akmang tatakbo na ito papalayo nang mahuli niya ang braso nito. "S-saan ka pupunta?" halos nauutal niyang tanong dito. 

"You still care about her, do you? You still love--" Di na siya nakapagtanong pa ng lumapat ang labi nito sa kanya.

Pakshet. Pakingshet. This not right. This is not f*cking right.

Kusang bumuka ang bibig niya para salubungin ang halik nito. Hindi na niya napigilan ang sarili . Sa kabila nang nangyari, ganoon parin. Walang nagbago.

Nakakainis. Kahit anong isuksok niyang dahilan, hindi niya mapigilan ang pagtibok ng puso niya.

"Elle, hanggang ngayon pa ba di ka parin naniniwala?" sambit nito nang sandaling maghiwalay sila. "Babalik ako dito. Babalikan kita."

Agad niya itong itinulak papalayo. "Ano ba! Mas mabuti pa nga kung di ka na magpakita pa kahit kailan eh."

Kung di rin naman niya magawang patayin ito dahil sa lintik na puso niya, sana di nalang niya ito makita pa. Pinahid niya ang kamay sa bibig. Mali iyon. Hindi dapat siya nagpadala dito.

"Sandali!" Sigaw niya ng makitang papaalis na naman ito. "S-Saan ka ba talaga pupunta?"

Huminga ito nang malalim at humarap sa kanya.

"Tutulungan kong makatakas si Alejandro, Elle."

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
4.8K 360 27
Surviving in a world teeming with criminals and cruelty is already challenging, but Scarlet's existence proved even more grueling. From the day she w...
5M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...
14.3M 622K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...