South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.4M 744K 403K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!

Chapter 21

166K 9.1K 3K
By JFstories

"SIGURADO KA BANG OKAY LANG NA DITO MUNA AKO?"


Nakatingala ako sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha niya sa pisngi gamit ang mga daliri ko. Inayos ko rin ang bahagya niyang tumabinging t-shirt. Maging ang buhok niya na magulo ay hinaplos ko ng kamay ko. Nginitian ko siya pagkatapos.


"Sussie..." parang batang tawag niya sa akin.


"Oo nga." Kinurot ko siya sa pisngi.


Hinila ko na siya papasok sa bahay namin kahit pa noong una ay ayaw niya. Pinaupo ko siya sa sofa at saka ako madaling umakyat sa kwarto ko para ikuha siya ng bimpo. Pagbalik ko sa kanya ay pinunasan ko ang pawisan niyang leeg at pinatalikod ko siya para ilagay sa likod niya ang bimpo. Wala naman siyang angal, para siyang masunuring bata.


Tumayo ulit ako para buksan naman ang electricfan at itutok sa kanya. "Dito ka lang. Gigisingin ko si Tatay Bear."


Kilala ko si Tatay Bear, malambot ang puso niya sa mga nangangailangan kaya alam kong hindi niya matatanggihan si Arkanghel. Isa pa, naghahanap din naman kami ng uupa sa bodega namin sa likod-bahay, pwede si Arkanghel doon. Nang magising na si Tatay Bear ay ipinaliwanag ko muna sa kanya ang sitwasyon bago ko sila pinagkausap na dalawa.


Ni katiting na pagtutol ay hindi naman kababakasan si Tatay Bear nang puntahan niya sa sala si Arkanghel. "Totoy, diyan ka na muna sa sofa matulog ngayon. Bukas mo na tingnan ang bodega kapag nakabitan ko na ng bombilya."


"Salamat po, Mang Andres. Pangako po, makakabayad ako ng renta sa oras. Hindi rin po ako magiging pabigat."


Tinanguan lang siya ni Tatay Bear at saka ako binalingan. "Ikaw Susana, umakyat ka na sa kwarto mo."


Malawak ang aking pangiti. "Opo aakyat na rin po ako."


"Umakyat ka na ngayon," kahit mahina ay mariin ang tono ni Tatay Bear.


Napangiwi ako. Gusto ko pa naman sana makipagkwentuhan kay Arkanghel. "Opo, aakyat na nga po."


Hindi talaga umalis ng sala si Tatay Bear hanggang hindi ako nakikitang umaakyat kaya naman tinungo ko na ang hagdan. Pero nagnakaw sulyap muna kami ni Arkanghel sa isat-isa bago ako tuluyang pumanhik sa itaas.


Kinabukasan ay gising na agad ako kahit hindi pa tumutunog ang alarm clock ko. Mabilis akong bumangon at nagsuklay ng buhok. Nagpulbo ako kahit pa hindi pa ako naghihilamos ng mukha. Nagtanggal lang ako ng morning glory saka nagpunas ng wipes. Kailangan ko kasing mag-ayos dahil haggard ako. Ang tagal ko kasing nakabalik sa tulog kanina dahil hindi ko maiwasang hindi isipin si Arkanghel na nasa sala lang namin natutulog.


Napalabi ako nang may maalala. Oo nga pala, since dito na titira sa amin si Arkanghel ay magiging awkward na kung malalaman ni Tatay Bear na kami na. Baka biglang magbago ang isip nun. Hay, for the mean time, hindi na lang muna namin ipapaalam ang tungkol sa relasyon namin.


Saglit lang naman kaming maglilihim. Ipo-prove muna namin na kaya naming mag-aral nang mabuti at magmahalan nang sabay. Right! Kailangan naming i-prove na mga responsable kaming kabataan. Nang makabuo ng pasya ay nagtali na ako ng buhok at lumabas ng kwarto.


Nasaan na kaya si Arkanghel? Gising na kaya siya?


Masarap kaya ang naging tulog niya sa sofa namin? O katulad ko, nahirapan din siyang makatulog nang mahimbing?


Pagbaba ko sa sala ay wala na si Arkanghel sa sofa. Malinis na malinis na ang sofa at ni wala man lang bakas na may natulog doon kagabi. Nagpanic tuloy ako. Hindi kaya panaginip lang ang lahat kagabi?!


"No, hindi pwede! Andito siya bago ako matulog!" Napasabunot na ako sa buhok ko. "Arkanghel?!"


Napatakbo ako sa kusina at doon ko naabutan si Tatay Bear na nagkakape.


Alanganin akong ngumiti sa kanya dahil nahuli niya ang pagpapanic ko. "G-good morning, Tatay Bear." Hiyang-hiya ako.


Tumaas ang isang kilay ni Tatay Bear pero hindi naman nagsalita.


Napakamot ako ng ulo. "Ah, h-hinahanap ko po si Arkanghel... K-kasi ano, Tay... Uhm, baka hinahanap na siya ng parents niya..."


"Hindi siya hinahanap. Mukhang hinayaan na talaga siyang lumayas ng mga kinilala niyang magulang," sabi niya sa mahinang boses.


"Tatay Bear, dito po muna si Arkanghel, please?"


"Ano pa bang magagawa ko?" Inginuso niya ang dalawang five-hundred peso paper bills na nasa ibabaw ng mesa. "Ayan, nagdown na sa upa."


Hindi ko napigilang hindi mapangiti. "Nasaan po siya?"


"Andoon na sa bodega at naglilinis." Hindi ko na natapos ang sinasabi ni Tatay Bear dahil napatakbo na ako papunta sa pinto ng kusina namin.


Lumabas ako sa likod-bahay at agad na tinalunton ang studio-type na bahay na ginawa naming bodega. Nakabukas ang pinto niyon kaya hindi na ako nahirapang pumasok sa loob. Doon ay natagpuan ko si Arkanghel na busy sa paglalagay niya ng tinuping damit sa lumang orocan na katabi ng papag na ngayon ay may manipis nang foam na nakapatong.


"Arkanghel!"


Napaangat siya ng tingin sa akin. Nang makita ako ay mabilis na gumuhit ang ngiti sa natural niyang mapulang mga labi. "Sussie!"


"Okay ka lang ba rito?"


"Oo naman."


"Hindi ba mainit dito?"


Itinuro niya ang maliit na desk fan sa taas ng lumang orocan. "Binili ko 'yan sa bayan kanina. Four-hundred lang."


"Hayaan mo, para may dagdag panggastos ka, ifu-full hire na kita bilang business partner. Ikaw pa rin ang tagaship ng mga paninda ko sa LBC at ikaw na rin ang gagawin kong receiver ng payment sa remittance centers."


"Thank you, Sussie."


Tinulungan ko siya sa pagtapos ng paglilinis. Ang mga kahon sa bodega ay inilagay namin sa isang gilid. Dahil magkatulong ay natapos din namin agad ang gawain. Nag-alcohol kami ng mga kamay saka naupo sa gilid ng papag na ngayon ay may manipis ng foam. Nagpahangin kami sa electricfan habang minamasdan ang paligid.


"Basta kaya 'yan, okay?" Inabot ko sa kanya ang napadampot kong tuwalya para makapagpunas siya ng pawis niya. "Iipon tayo para makapag-aral ka rin ng college sa pasukan."


Napangiti na si Arkanghel. "Habang bakasyon pa, tutuloy-tuloy ko rin muna iyong pagwe-waiter ko tuwing hapon sa bar tapos gitarista ko sa gabi. Pandagdag din. Basta magsisikap ako."


Itinaas ko ang isang palad ko. "Apir!"


Matagal na tumitig lang siya sa palad ko na nakabitin sa ere bago niya itinaas ang kamay niya. "Apir!"


Pero iyong paglapat ng palad namin ay nagtagal nang tumiklop ang mga daliri niya pakapit sa kamay ko. Bago ko pa marealized ang ginagawa niya ay nahila niya na ako palapit sa kanya.


"Arkanghel..." anas ko nang yakap-yakap niya na ako.


"Thank you..." bulong niya habang nakasubsob siya sa leeg ko.


Napapangiting ginanti ko ang mga yakap niya. Hindi ko alam kung ilang minuto na ganoon kami, pero wala akong reklamo. Masaya ako. Masaya ako na kahit paano, natulungan ko at napagaan ko ang loob ng taong mahal ko.




"GISING NA! KAKAIN NA!" sigaw ko habang kinatok ang pinto ng bodega.


Two-am na siya nakauwi kagabi kaya malamang na tulog pa siya hanggang ngayon. Pero hindi pwedeng matulog lang nang matulog nang hindi kumakain. That's our number one house rule. And Arkanghel is not an exception to that rule.


Twelve-thirty na at mayamaya lang, papasok na naman si Arkanghel as waiter sa "Kiss Bar", ang bagong bar nina Zandra sa may Pinagtipunan kaya dapat makakain muna siya. Waiter doon si Arkanghel sa hapon at diretso na siya roon hanggang gabi bilang gitarista. Madaling araw na siya laging nakakauwi rito sa amin. Tuwing off naman niya ay siya pa rin ang taga-deliver ko ng kung anu-anong online products na binibenta ko. Siya ang tagapila sa remittance centers para kumuha ng bayad, siya rin ang nagpapadala sa LBC ng mga parcels.


Bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang pupungas-pungas pang si Arkanghel. Magulo ang buhok niya at gusot ang tshirt dahil sa pagtulog.


Hay, bakit ganoon? Kahit bagong gising, ang guwapo pa rin ng baby ko.


Ang harot ba nong baby? E kasi siya naman naglagay ng name niya sa phonebook ko na "baby" e. Syempre, ginaya ko lang.


"Hi. Good morning," paos na bati niya sa akin.


"Tanghali na po!"


"Sorry, pagoda e. Di ko na namalayan oras." Nagkusot siya ng mata.


"Kain na muna tayo. Hinahanap ka na ni Tatay Bear. Alam mo namang ayaw na ayaw ni Tatay nang kakain na hindi sabay-sabay."


Kakamot-kamot siya ng ulo. "Nakakahiya kasi, hindi naman ako nakapag-ambag sa bigas."


"Saka na iyon, ano ka ba?!" Hinila ko na siya sa pulso.


Alam naman kasi namin ni Tatay Bear na kapos na siya sa budget dahil nagpilit siyang magbigay ng balance niya sa deposit ng rent. Nagbigay rin siya para sa kuryente at ang tira sa pera niya ay tinitipid niya para pama-pamasahe sa tricycle papunta sa bar habang hindi pa siya sumasahod.


Noong nakaraang araw pala ay pumunta raw sa Kiss Bar ang kinikilala niyang papa na si Mang Kiel. Kinausap daw siya para kumustahin at alamin kung saan siya nakikitira. Sinabihan siya nito na wag na munang umuwi dahil tonotoyo pa raw ang kinikilala niyang mama na si Manang Roda. Pero bago umalis si Mang Kiel sa bar ay inabutan daw siya nito ng two-thousand pesos para pandagdag niya sa budget. Humihingi ito ng paumanhin dahil iyon lang raw ang kaya nitong ibigay dahil wala itong trabaho sa ngayon.


Humihingi rin ng paumanhin si Mang Kiel dahil hindi raw nito alam kung sino ang tunay na mga magulang ni Arkanghel. Hindi raw kasi kilala ang taong pinag-ampunan nito sa kanya.


Kahit malungkot si Arkanghel nang umagang sinasabi niya sa akin ang nangyari ay nakangiti pa rin siya. Ayaw niyang ipakita sa akin na nasasaktan siya. Hindi ko na rin inungkat pa dahil ayaw ko nang gatungan pa ang nararamdaman niya.


"Ako nang maghuhugas!" Pinandilatan ko si Arkanghel nang makipagitgitan siya sa akin sa harapan ng lababo pagkatapos naming mananghalian.


"Ako na nga."


"Ako na nga sabi!"


"Ano ba 'yang kaguluhan niyo riyan?!" sita ni Tatay Bear na sumilip sa kusina.


Nakangiting lumingon si Arkanghel. "Wala po, Mang Andres. Huhugas lang po ako ng plato. Chill na po muna kayo."


"Oo nga po, 'Tay. Siesta na po kayo," dagdag ko naman.


"O siya pero wag kayong maingay at hindi ako makatulog!" Tinalikuran niya na kami. Plywood lang kasi ang pagitan ng ginawang kwarto ni Tatay Bear at ng kusina kaya rinig ang kahit anong ingay.


Siniko ko si Arkanghel sa tagiliran. "Ako na nga kasi sabi!" pabulong kong angil sa kanya.


"Ako na nga e. Hustler kaya ko sa paghugas ng plato," pabulong na sagot niya.


"Heh! Basta ako maghuhugas!" Itinulak ko siya.


"Sige, ako na lang magsasabon, ikaw sa banlaw!" ayaw niya pa ring patalo.


Napaisip ako at kalaunan ay pumayag na rin para matapos lang. "Deal!"


"Deal!" Nagthumbs up pa ang puro bula niyang kamay.


Hayun, nauwi sa harutan ang paghuhugas namin ng plato.


"Lagot ka kay Tatay Bear!" pabulong na pananakot ko sa kanya. "Nagkalat ka ng tubig!"


"Ikaw kaya!"


Bulungan kami at dahan-dahan dahil baka magising sa kwarto si Tatay Bear.


"Maligo ka na nga at umalis ka!" tatawa-tawa ko siyang iniwan sa kusina. Nang bumalik ako ay palabas na siya ng banyo. Bagong paligo at amoy Safeguard Green na siya. Nakapantalon na siya at black shirt pero may tuwalya sa ulo.


"Pangit mo," pang-aasar ko.


"Payat mo naman," ganti niya.


Inirapan ko siya at iniwan na ulit. Pero sa loob-loob ko, nangingiti ako. Mula nang nandito na si Arkanghel sa amin ay parang hindi na nagkaroon ng boring na sandali ang araw-araw ko. Ito na yata ang pinakamasayang summer break ng buhay ko.


Nag-aral lang ako maghapon hanggang sa mamalayan kong gabi na. Pinakain ko lang si Tatay Bear at pinapasok sa kwarto niya saka ako nahiga sa sofa. Ganito na ang siste ko gabi-gabi, ang hintayin ang pag-uwi ni Arkanghel.


Wala kasing own key si Arkanghel. Kailangan ko talagang gumising para abangan siya sa pag-uwi. Ang alam ni Tatay Bear at Arkanghel ay natutulog ako sa itaas at naka-alarm lang ng two am, ang hindi nila alam, sa hapon ako natutulog pagkatapos kong mag-aral at sa magdamag naman ako gising. As in gising na gising rito sa sofa. Ewan ko ba, excited ako na magbukas ng pinto.


Parang wifey na naghihintay sa hubby.


Nang makarinig na ako ng nag-aalis ng lock sa bakal naming gate ay iyon na ang senyales na kailangan ko nang tumayo at magsuklay. Maagap akong sumalubong para ipagbukas si Arkanghel ng pinto.


"Kumain ka na?" agad niyang tanong sa akin na akala mo ako iyong kauuwi lang at galing sa work.


Inirapan ko siya. "Ako pa ba? Saka hello? Two am na po. Nakatulog na nga ako."


Ngingiti-ngiti siyang pumasok sa sala. "Cute mo palang matulog, naka-lip tint pa."


Napalingon ako bigla sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko. "Hindi ako naka-lip tint!" nagpapanic na deny ko agad. Bwisit! Napakapal yata ang lagay ko kaya halata. Kainis!


"E di hindi na." Ginulo niya ang buhok. "Tara, ano bang pagkain? Gutom na ako e."


Lumabi ako. "Hmp! Kumain ka mag-isa mo."


Pupunta na sana ako sa hagdan nang pigilan niya ako sa pulso. "Sorry na. Ang ganda mo nga e nakakawala ng pagod."


Tiningnan ko siya nang masama. "Gatang tulingan ang ulam. Ipagsandok na ba kita?"


Nakangiting hinila niya ako at inakbayan. "Ako na. Sabayan mo na lang ako kumain."


"E isa na lang iyong isda e..." worried na sabi ko.


"Sus e di hati tayo."


Napangiti na rin ako. Kasi ang totoo, kapag madaling araw ay naboboring rin ang tiyan ko. Kahit hindi gutom, feeling gutom.


Tahimik kaming kumain, nagtitigan sa mesa, naghugas ng pinagkainan at nagtoothbrush sa lababo. Gabi-gabi na lang yata ganito. Gabi-gabi na lang yata, ang saya-saya ko.


Bago pumunta sa bodega si Arkanghel at bago ako bumalik sa kwarto ko, hinalikan niya ako sa noo.


Kinaumagahan ay maaga akong nagising para maglinis ng bahay. Ngayong araw ay walang pasok sa bar si Arkanghel kaya mahaba ang pahinga niya. Alas-dose ng tanghali nang may bumusina sa tapat ng gate namin.


"Sina Norma," nagpapanic na sabi ni Tatay Bear.


Agad naman akong napalingon sa kanya sa sofa. "Bakit nandito sila?"


"Nanghiram ako ng pera, anak."


Mula sa bintana ay nakita kong bumaba ng kotse si Hugo para buksan ang gate. Feel at home ang itlog!


Marahang tumayo si Tatay Bear gamit ang kanyang tungkod para salubungin sa pinto ang mga bisita. "Kinapos tayo dahil malaki ang kuryente noong nakaraan."


"Tatay Bear, may pera naman po ako. Sana nagsabi na lang po kayo sa akin!" nagtatampong sabi ko. Para saan pa iyong pagsisikap ko kung hindi ako tutulong rito sa bahay namin.


"Magtigil ka. Pinaiikot mo 'yan sa negosyo at ipon mo para sa pag-aaral mo, Susana." Umiling siya. "Isa pa'y ang inuutang ko kay Norma ay pandagdag din sa balak kong buksang lomihan."


Excited na napalapit ako sa kanya. "Maglolomi na tayo, Tay?"


"Oo. O siya, mag-uusap lang kami ni Norma."


Kaylawak ng ngisi ko nang manakbo patungo sa likod-bahay. Maglolomi na kami ni Tatay Bear. Tutulungan ko siya sa business na iyon! Tiyak kong papatok iyon dahil magaling siyang magluto! Excited akong ibalita kay Arkanghel ang new business venture!


"Arkanghel!!!" Malayo pa sa pinto ng bodega ay sumisigaw na ako.


Napangiti ako lalo nang makitang bukas na ang pinto. Gising na si Arkanghel!


"Arkanghel!" Agad akong pumasok sa loob.


"Huy, ingay mo!" Lumingon siya sa akin. Nagtutupi siya ng ginamit na kumot.


"Maglolomi na tayo!" Niyakap ko agad siya mula sa likod.


Humarap siya at ginulo ang buhok ko. "Baka naman malugi kasi kakainin mo iyong tubo?"


Kinurot ko siya sa tagiliran. "Anong akala mo sa akin, matakaw?!"


"Hoy wala akong sinabi." Tatawa-tawa siya habang yakap-yakap ako.


Magkayakap kaming dalawa nang mapawi ang mga ngiti namin nang magkatitigan.


Napalunok ako nang lumapit ang mukha ni Arkanghel sa akin.


"Sussie..." anas niya.


Lumabi ako. "Ikikiss mo ba ako?"


Bumaba ang kulay abo niyang mga mata sa mga labi ko.


Kitang-kita ko ang pag-alon ng lalamunan niya habang nakatitig sa mga labi ko. Iyong huling kiss namin, doon pa sa bahay nila noong birthday ni Isaiah. Minsan napapaisip ako kung bakit hindi niya na ako hinahalikan gayong maraming beses naman kaming nagkakasolong dalawa. Ramdam ko naman na gusto niya pero nagpipigil siya.


"Arkanghel?" tawag ko sa kanya.


Ipinilig niya ang ulo niya saka siya naupo sa gilid ng papag. "Kakain na ba? Sunod na lang ako. Ako maghuhugas ng mga plato."


Tinabihan ko siya at kinalabit sa braso.


Lumingon siya sa akin at nabasa ko sa mga mata niya ang paghihirap. "Sussie naman..."


"Ano ba iyon?" Ngumuso ako.


"Doon ka na muna. Susunod na nga lang ako."


Umirap ako. "Ayoko roon. Nandoon sina Mrs. Aguilar."


Natigilan siya. "Kasama si Hugo?"


"Malamang."


"Bakit nandito sila?"


"Uutang si Tatay Bear."


Napayuko siya. "Sorry."


"Bakit ka naman nagsosorry riyan?" Siniko ko siya.


"Sorry kasi nakakabigat pa ako rito sa inyo. Kahit nga iyong upa ko rito, hindi ko pa mabuo-
"


"Hindi ka talaga makakabayad ng upa kung sa pagigitarista at waiter ka lang aasa."


Sabay kaming napalingon sa bukas na pinto ng bodega. Nakatayo roon si Hugo at nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa amin.


Nagtagis ang mga ngipin ni Arkanghel.


Dinuro siya ni Hugo. "Mag-Epza ka!"


Napatayo na ako. "Hugo, ano ba?! Saka bakit ka ba nandito?!"


Hindi niya ako pinansin. Pumasok siya sa loob saka nilapitan si Arkanghel. "O kaya mag-apply ka sa Manila. Mag-call center ka, mag-abroad ka. Para naman hindi ka nakakahiya rito. Kalalaki mong tao, umaasa ka sa babae. Palamunin ka-"


Hindi niya natapos ang sinasabi dahil nasuntok na siya ni Arkanghel.


Nang makabawi si Hugo ay sumugod siya para gumanti. "Tarantado ka!"


Nasuntok niya rin si Arkanghel hanggang sa nagbagsakan na ang mga kahon sa tabi.


"Tama na!" awat ko sa kanila pero gigil na gigil sila sa isat-isa. Hindi sila tumitigil kahit nagsisisigaw na ako kakaawat sa kanila.


Hindi ko alam kung paano pa sila aawatin dahil urong-sulong ako sa paglapit sa kanila.


Nang tadyakan ni Hugo si Arkanghel sa tyan ay napaiwas ako dahil sa akin siya muntik tumilapon. Sa pangalawang pagkakataon naman ay si Arkanghel ang nanadyak kay Hugo, sa akin naman muntik masubsob. Ngayon naman ay pareho na silang gumugulong sa sahig habang nagbabanatan.


"Ano ba?! Tama na sabi!" Gusto ko nang umiyak dahil duguan na ang gilid ng mga bibig nila pero hindi pa rin sila tumitigil.


Hindi ko na alam ang gagawin para awatin pa sila kaya nanakbo na ako papunta sa banyo namin.


"Susana, ano bang ingay 'yan?!" mula sa sala ay sigaw ni Tatay Bear sa akin. Kahit si Mrs. Aguilar ay nakakunot ang noo at naghihintay ng sagot ko.


Pero wala akong panahong sagutin sila. Nagmamadali ang mga kilos ko. Kinalahati ko ang laman ng timba saka ako lumabas pabalik sa bodega. Nandoon pa rin sa sahig ang dalawa at hindi pa sawa sa pagbanat sa isat-isa.


"Hindi talaga kayo titigil, ha?!" pikong bulyaw ko sa kanila.


Kahit hirap ay pinilit kong itaas ang timba ng tubig saka ko ibinuhos sa kanila. Hayun, mabuti naman at nahimasmasan at huminto ang dalawang itlog.


Napasinghap na napalayo si Hugo. "Hoy, baboy bat ka nambubuhos ng tubig?!"


Si Arkanghel naman ay nanlalaki lang ang mga mata sa akin. Parang ngayon niya narealized ang pinagagagawa nila ni Hugo.


"Pasalamat pa nga kayo hindi arenola ni Tatay Bear ang ibinuhos ko sa inyo!"


"My God, Hugo!" Mula sa pinto ng kusina ay lumabas si Mrs. Aguilar na kasunod si Tatay Bear.


"Anong nangyayari rito? Hugo? Totoy? Susana?!"


Mabilis na bumangon mula sa sahig ang dalawa. Kandasulas-dulas pa si Hugo sa pagsalubong kay Mrs. Aguilar ang kaso ay nasugod na ng mommy niya si Arkanghel.


"What did you do to my son?!" Kwinelyuhan ni Mrs. Aguilar si Arkanghel.


"Mom, mom, stop!" Toto yakap naman si Hugo sa mommy niya.


"Let me go, Hugo Emmanuel! That brat, hindi ka niya dapat sinasaktan!"


"Mom, I said stop! Wag ka sumali! Away namin 'to!"


"Susana, anong nangyayari rito?!" Hinila ako sa braso ni Tatay Bear nang akma kong lalapitan ang nakayukong si Arkanghel.


"That brat, Andres! Sinaktan ang anak ko!" labasan ang litid sa leeg na sigaw ni Mrs. Aguilar.


"Pakinggan muna natin ang mga bata kung ano talaga ang nangyari-"


"Ma'am, si Hugo po ang nanguna," sabat ko nang hindi na ako makatiis.


Nanlilisik ang mga mata ni Mrs. Aguilar nang tumingin siya sa akin. "Hindi siya dapat nandito, Sussie!" Pagkuwan ay bumaling ulit siya kay Tatay Bear. "Andres! Sinabi ko naman sa 'yo, hindi mo dapat tinanggap yan dito! Hindi siya dapat nandito kasama kayo ng anak mo! Hindi siya dapat nasa buhay niyo!"


"Norma, ano ba?!" tumaas na ang boses ni Tatay Bear.


"Ikaw ang hindi ko maintindihan ang gusto, Andres!" gigil na sigaw ni Mrs. Aguilar.


"Anong gusto mo? Hayaan kong matulog sa kalsada ang bata?!" sigaw na rin ni Tatay Bear.


"Oo! Ganoon dapat ang ginawa mo! Malaki na 'yan, Andres! Kaya niya na ang sarili niya! Pauwiin mo siya sa mga magulang niya! Ibalik ko 'yan sa kanila!" Pagkasabi'y padabog siyang umalis.


Kakamot-kamot naman ng ulo si Hugo nang tumingin kay Tatay Bear. "Sorry po," magalang na sabi niya saka sinundan ang umalis na ina.


Si Tatay Bear ay walang imik na pumasok na ulit sa bahay.


Nang kami na lang ay hinawakan ko si Arkanghel sa braso. "Arkanghel..."


Hinila ko siya paupo sa gilid ng higaan niya.


"Okay ka lang ba? Wag mo nang pakaisipin iyong sinabi ni Mrs. Aguilar kanina-"


"Tama naman siya e." Pinahid niya ng likod ng palad ang dugo sa gilid ng bibig niya.


"Arkanghel..."


"Sussie, hindi sapat iyong pagsideline ko na waiter sa umaga at gitarista sa gabi. Kulang iyon. Kulang na kulang lalo kung mag-aaral ako," mapait na bulong niya. "Kailangan ko nang ibang trabaho."


"A-anong plano mo?" kinakabahang tanong ko.


Matagal bago siya sumagot. "Mag-aapply na ako sa Manila."


Napaawang ang mga labi ko kasunod ng pagtutubig ng mga mata.


Malungkot na tumingin sa akin si Arkanghel. "Sorry, pero kailangan muna nating magkahiwalay..."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

4M 239K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
66.5K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
20.4K 245 3
Kathie Zahara or known as Calipper ay isang sikat na fashion model. Opportunities were knocking on her door but she's refusing them. Bukod kasi sa pa...
16.3M 25.2K 6
Ako si Tina, isang probinsyana. Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral, para maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang. Pero dahil di sapat ang ipin...