Beaten Base From Its Home (Ga...

sieteclique tarafından

562 138 3

It all started from the flying ball landing into my face, until you save the first base..then run faster on t... Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 28

9 2 0
sieteclique tarafından

Pagkamulat ng mga mata ko ay ako lang ang mag-isa sa kama, napalunok ako dahil pakiramdam ko ay isang taon akong hindi nakakainom ng tubig.


"Dwaine?" Nahina kong sambit sa pangalan nya pero dahil nga nag-iisa lang ako dito ay napabango nalang ako.


"Shet," inda ko dahil bukod sa may hang-over ako ay buong katawan ko ang kumikirot lalo na ang gitnang parte ko.


Pakiramdam ko ay lalagnatin ako dahil napakasama ng pakiramdam ko, dahan-dahan akong tumungo sa banyo para mag himalos, nakakita ako ng white t-shirt sa may kama kaya naman sinuot ko iyon, hinanap ko ang underwear ko pero hindi ko makita kaya naman nagpapasalamat ako dahil bukod sa makapal ang tela ng damit ay mahaba ito.


Lumabas ako sa kwarto at nakita kong nasa salas ang mga kasama namin ni Dwaine sa beach club.


"Good morning!" Masiglang bati ni Jenny kaya naman napangiti nalang ako at itinaas ang kamay ko.


"Ahm, Si..Dwaine?" Tanong ko sakanila.


"Ay, nandoon sa labas, siguro ay nasa dalampasigan," nakangiting sagot ni Duke habang nakaakbay kay Danielle.


"Sige, salamat.." Pagkasabi ko noon ay nagpaalam na ako.


Marahan akong naglakad dahil ramdam ko parin sa loob ko kung gaano kalaki si Dwaine, napailing nalang ako sa naisip ko.


"Talaga?" Sambit ni Dwaine, may kausap sya sa phone nya kaya naman tumigil ako sa paglalakad at nasa likuran nya lang ako.


Hindi nya ata ako nararamdaman kaya naman tumayo lang ako doon at nakinig kahit na alam kong privacy nya iyon pero hindi ko maiwasan.


"Wow, hayaan mo kapag bumalik na ako dyan ay pupuntahan kita," napakunot-noo nalang ako dahil bakit naman parang ang rahan ng boses nya sa kausap nya?


Tumawa sya ng marahan at umiling ng bahagya, "Asus, babawi nga po ako.." Napakagat nalang ako sa labi ko ng makaramdam ng kirot sa aking dibdib.


Hindi kona kayang makinig kaya naman tumikhim ako, napalingon sya at nagulat nang makita ako, "Sige na, bye.." Then pinatay na nya yung call.


Lumapit sya sakin, niyakap nya ako at hinalikan, "Hi..kamusta?" Malambing nyang sabi kaya naman iwinaksi ko ang mga naiisip ko.


"Hi, hm..medyo masama pakiramdam ko," nahihiya kong saad. Tumawa sya ng bahagya ay inakbayan ako.


"Sorry, masyado ba akong naging agresibo?" Mapanuya nyang tanong kaya naman napayuko ako at kinurot ng maliit ang tagiliran nya.


"Tara na sa loob, kain na tayo..." Aya nya, balak ko sanang tanungin kung sino iyong kausap nya pero alam kong sasabihin nyang kaibigan nya lang iyon sa kabilang school na naging kalaban ng team nila kaya naman itinikom ko nalang ang bibig ko.


Nag stay kami doon hanggang alas dos ng hapon at bumyahe na dahil tumawag ang coach nila at sinabing mag handa na daw sila dahil bukas na ang alis nila, two weeks daw sila doon dahil kailangan nilang mag practice.


"I love you," napangiti ako dahil sa sinambit ni Dwaine pagkarating namin sa bahay.


"Wow, sweet naman po.." Mapang-asar kong sabi kaya naman niyakap nya ako habang nakaupo kaming dalawa sa kama ko dito sa kwarto, nagpapahinga sina lolo noong nakauwi na kami kaya naman hindi kona sila ginising pa.


"Sabi ko, I love you.." Ulit nya kaya napailing ako.


"I love you," pagkatapos noon ay dinampian nya ako ng mababaw na halik.


Tumayo na ako sa kama dahil magluluto na ako ng hapunan namin, "Halika sa kusina, magluluto ako tapos dito kana din kumain.." Anyaya ko.


Tinaas nya pa ang mga kamay nya, "Tinatamad ako," bored nyang sabi kaya naman hinila ko ang mga kamay nya at nagpahila naman sya.


Pinipilit kong maging productive ngayon kahit na masama ang pakiramdam ko, may trangkaso yata ako dahil sa ginawa namin kahapon pero hindi kona iyon pinansin, siguro ay ganon kapag first time.


Habang nagluluto ako ng pang hapunan namin ay nakatulala habang nakahalumbaba si Dwaine na nakaupo at nakapatong ang siko sa lamesa.


"Kyshilabs..sasama kaba sa paghahatid samin sa airport?" Bigla nyang tanong kaya naman hinarap ko sya.


"Siguro..isasama ko si Martin para may sasakyan ako kapag pabalik na," saad ko nalang.


Nagpatuloy ako sa pagluluto, nagsaing na ako at hinihintay na lang maluto ang mga niluluto ko kaya naman tumabi ako kay Dwaine.


"Sama ka ha? Parang ayoko na tuloy umalis, mamimiss kita e.." Malungkot nyang sabi kaya naman kinurot ko ng marahan ang mga pisngi nya.


"Aba! International game yon, kaya naman..go! Laban!" Pagchi-cheer ko sakanya at kinandong nya ako pagkatapos ay niyakap ng mahigpit.


Pagktapos kong magluto ay pinuntahan kona sina lolo sa kanilang kwarto para sabay na kaming kumain, pagkarating namin sa kusina ay nandoon si Dwaine na nag-aarrange ng mga pinggan.


"Magandang hapon po," magalang na bati ni Dwaine.


Umupo sina lola, "Maganda hapon din apo, anong oras kayo nakauwi?" Pagbubukas ng usapan ni lola.


"Kanina pong mga alas singko, medyo traffic nga po pagkatapos ay dumaan muna po kami sa bahay para magpakita," paliwanag ni Dwaine kaya naman napatango nalang si lola.


"Tara na po, kainan na.." Aya ko kaya naman nagsandok na kami ng pagkain namin.


"Alssyd, apo..bukas na pala ang pag-alis nyo diba?" Tanong ni lolo kay Dwaine.


"Ah opo, gusto ko nga po sanang isama si Kyshilabs kaso hindi naman po pwede...kaya po sana po ay pumayag ulit kayo na pasamahin nalang po sya para ihatid ako," saad nya.


"Nako! Dapat lang na nandoon si Ara, aba'y nobyo ka nya kaya naman dapat ay suportahan ka nya," masayang sambit ni lolo.


"Ky-Ky, apo...dapat ay sumama ka sa paghahatid dito kay Dwaine dahil sa ibang bansa ang punta nya, malayo iyon...hanggang kailan ka ba doon, apo?"


"Mga two weeks po, 3 days bakasyon para malibot daw po namin yung lugar tapos isang linggong practice at pagktapos po noon ay game na,"


"Ipanalo nyo ang bansa, apo.." Payo ni lolo kaya naman tumango-tango nalang si Dwaine.


"Gagawin po namin ang makakaya namin para manalo," nakangiting saad ni Dwaine.


Madami pa kaming naging kwentuhan habang nasa hapag-kainan kami habang kumakain ng hapunan at ng matapos ay nagpresintang si Dwaine na daw ang magliligpit ng mga pinagkainan namin.


"Kyshilabs?" Tawag sakin ni Dwaine kaya naman humarap ako sakanya.


"Hmm?" Himig ko dahil habang nakaupo ako ay iniinda ko ang sakit ng katawan ko.


"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nya kaya naman tumango nalang ako.


"Oo naman, medyo kumikirot lang yung ano ko..alam mona," pagkaangat ko ng paningin sakanya ay nakita ko syang nakangisi, nagpupunas na sya ng mga kamay dahil kakatapos ntya palang maghugas ng mga plato.


Lumapit sya sakin at hinalikan ang pisngi ko, buti nalang at wala na dito sina lolo dahil nagtungo na sila sa kwarto nila.


"Sorry kase malaki 'tong alaga ko," napatanga naman ako sa sinabi nya.


Binuhat nya ako kaya medyo nagulat ako, "Hoy, ibaba mo ako," utos ko pero umiling lang sya.


"Ipupunta na kita sa kwarto, alam kong masyado ka pang nanghihina..sorry kase naexcite ako, kamusta mga performance ko?" Nakagat ko bigla ang braso nya dahil napakawalang hiya ng bibig nya.


Imbis na masaktan sya ay parang ako ang nasaktan dahil ang tigas ng braso nya, inilapag nya ako sa kama at kinumutan pagkatapos ay hinalikan nya ang noo at tuktok ng ulo ko.


"Una na ako, magpahinga kana muna dahil alam kong naubos ang energy mo," natatawa nyang sabi sakin.


"Good night, I love you.." sambit nya sakin at hinalikan ulit ako.


"I love you...good night.." Nanghihina kong sabi at narinig ko ang pagbukas sarado ng pintuan ng kwarto ko at tuluyan na akong nakatulog dahil masama talaga ang pakiramdam ko.




•___•

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.3K 56 44
Stand Alone Novel Her Beautiful Taint Cashmira Delavin, was known because of her family's background. Rich, Elegant, Sophisticated, Graceful but thos...
14.1K 217 38
Jason and Bobbie fell in love at first sight, but can they overcome all trials and challenges such as Bobbie's FOUR overprotective brothers and Jason...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
86.2K 927 21
For the love of Matteo G. And Sarah G. Fast forward to 2017