Unexpected Royal

By AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... More

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 12: Her Highness

110 9 4
By AillexSkcy

Chapter 12: Her Highness



Nico's POV

"Kade, cancel all my appointment this coming week."

"Even your appointment with Miss Alira Bernardo?"

"No, just reschedule it."

"Should I call her manager about this?"

"Yeah sure."




Naiwan ako mag-isa sa opisina ng lumabas si Kade sa terrace upang tawagan ang manager ni Alira, last appointment ko ang puntahan ang mga model para sa fashion show na magaganap ngayon.

Kahit abala ako dito sa opisina ay hindi mawala sa isip ko kung ano na ba ang status ng lesson ni Dia sa mga oras na ito maging ang kalagayan ni Mrs. Madrigal na naka confine ngayon sa hospital.

Binuksan ko ang laptop upang icheck ang nangyayari sa Blant Styl sa mga sandaling ito. Mula doon ay nakaupo si Dia sa tabi habang nakatingin sa screen ng projector, si Shaine naman nakatayo sa unahan na tila ba pinapaliwanag ang kung anong nasa screen. Sinubukan kong izoom in ang screen ng mapansin ang litrato.
History, which means last session na ng academics.

.

.

.

Doctor Sylvia's POV

Nakaupo ako sa swivel chair habang nakatingin sa x-ray results ni Mrs. Madrigal, tatlong chart na magkakaiba ang hitsura pero iisa ang resultang lumabas.

Ayon sa resultang lumabas, stable na ang lungs, heart at artery ng pasyente ko ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring response ang kanyang katawan sa mga medicine na nakakabit sa kanya, almost one week na ang nakakalipas but she's still unconscious. Siguro dahil may edad na siya kaya mabagal ang pagresponse ng katawan niya, still looking forward to make her daughter happy and hyper again.

Pansin ko kasing pagod palagi si Dia at malungkot ang mukha sa tuwing binibisita niya ang Nanay niya, alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya ganun din naman si Alondra na nakahiga pa rin sa kama habang may limang apparatus na nakakabit sa katawan niya.

"Doctor Sylvia pinapatawag niyo daw po ako?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon, nakatayo sa bandang pinto si Adelaine na nakasuot ng uniform.

Sandali pa ay may kinuha ako sa table ko at iniabot sa kanya.

"This will be your schedule starting tomorrow." Tiningnan niya iyon pero agad na tumingin sa akin.

"Hindi na po ba bibisita si Dia dito?"

"Nope, bibisita pa rin siya pero mas kailangan niya lang magfocus sa trabaho niya ngayon." Iyon lang ang naisagot ko sa kanyang tanong, maging ako ay hindi mapakali sa desisyon na iwanan kay Adelaine ang pagbabantay kay Alondra pero pansamantala lang naman dahil kailangan ni Dia ng oras sa trabaho niya ngayon.

Maya maya pa ay pinirmahan na ni Adelaine ang papel na iyon, ibinigay naman niya sa akin ang isang copy bago umalis upang bumalik sa duty niya.

Nang makaalis siya ay binasa ko muli ang schedule ni Adelaine. Isa sa pinakabibilin ni Alondra ang mga ginagawa ko ngayon. Ayaw ko mang sundin ngunit iyon anv huli niyang sinabi bago ko gawin ang operasyon.



Flashback

Sa susunod na araw na magaganap ang operasyon kaya may kaba sa dibdib ko. Nasa emergency room kami ngayon kasama si Rawn at Cecill, bigla kasing natumba si Alondra kanina kaya dinala muna namin dito sa room.

"Hindi pa ba nakakabalik si Dia?" Napalingon ako kay Alondra ng itanong niya iyon sa akin. Si Rawn at Cecill naman ay nakaupo lang sa tabi habang inaayos ang mga gamit.

"Don't worry on the way na siya." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Pwede ba ako humingi ng pabor sayo? For Dia."

"Sure Alondra, ano ba 'yun?"

"If ever mapaaga ang operasyon sa akin pwede bang si Adelaine ang magbantay sa akin once na abala si Dia sa trabaho niya. Alam kong hindi trabaho ni Adelaine ay bantayan ako maghapon magdamag dahil may iba din siyang schedule, pero gusto ko lang na magfocus si Dia sa trabaho niya." Alam kong maging sina Rawn at Cecill ay nagulat sa sinabi ni Alondra ngunit kumibit balikat lang sila at itinuloy ang kanilang ginagawa.

"Sure ka ba na papayag ang anak mo?"

"Kilala ko si Dia, kapag passion niya ang pinag-uusupan hindi niya pinapalampas ang kahit anong oras."

"Tsaka alam kong magiging abala siya sa pagtatrabaho makabayad lang sa bill ko dito sa hospital." Dagdag niyang sambit.

"Alondra hindi naman namin kayo siningil na bayaran agad ang bill mo dito sa hospital, kaya hindi kailangang magpakasal ni Dia sa trabaho niya."

"Bell kilala ko ang anak ko kahit hindi." Nalito ako sa sinabi niya ngunit naintindihan ko din agad ng maalala ang mga tinutukoy niya.

"Sigurado ka bang sa ganitong plano?"
Napaubo pa si Alondra bago sagutin ang tanong ko.

"Yes, matagal ko ng pinag isipan ang bagay na ito. Kaya wala akong pagsisisihan kung anuman ang maging resulta."

End of Flashback


Tok tok tok!

Bumalik ako sa realidad ng may marinig na katok mula sa pinto.

"Excuse me Doc nandito po si Miss Yong."
Inilapag ko sa table ang papel na hawak ko at tiningnan ang kapapasok pa lang na si Shine.

"Shine, may problema ba?" Bungad kong tanong sa kanya.

"Good afternoon Doc, wala naman pong problema. Gusto ko lang maintindihan kung anong ibig sabihin nito." Lumapit siya sa akin at ipinakita ang isang papel, ang liham na ginawa ni Alondra para kay Dia.

"Pasensya na Shine pero 'di ko din alam ang ibig sabihin ni Alondra diyan."

"Ganun po ba? Di bale na lang po, nga pala hindi naman po ito ang pinunta ko dito. About po sa kalagayan ni Nanay, may results pa po ba?"

"Bukas pa lalabas ang resulta ng test niya, don't worry okay ang Nanay mo." Nginitian ko lang siya ng sabihin iyon. Naalala ko na may on going test pa pala ang Nanay niya.

"Sige po, pwede po bang sa inyo ko na muna iwanan ang liham na ito. Baka mamisplace ko lalo na ngayong ginagahol ako sa oras ni Karen."

"Sure." Kinuha ko naman ang liham na hawak niya.

.

.

.

Dia's POV

Kahit mataas ang score ko sa history kanina ay malungkot pa rin ang mukha ko dahil sa mga nalaman ko about Rallnedia, hindi ko inaasahan na ganun ang pinagdaanan ng Rallnedia sa mahabang taon.

"Dia huwag mo ng isipin 'yun, bawi ka na lang sa final exam mo." Nginitian ko lang si Shaine na nakaharap sa pagkain niya na kabundok na naman.

"Tama si Carson, bawi ka na lang sa final exam mo."

"Thank you po."

"Ako na mismo ang magtuturo sayo ng feasibility."

"Nakakahiya po, magtitiis na lang po ako kay Shaine." Pansin kong siniringan ako ni Shaine dahil sa sinabi ko, kaya ginantihan ko lang siya.

"Aulo grubo ko nomon." 'Yan na naman siya, nagsasalita kahit punong puno ng pagkain ang bunganga. Babae ba talaga itong nasa harap ko? Nakakunot kong tanong sa isip ko.

"Carson your etiquette." Natawa ako ng mapansin ang paglaki ng mata ni Shaine matapos siyang pagsabihan ni Ma'am Vel. Mabilis niyang nginuya ang pagkaing nasa bunganga niya sabay inom ng tubig.

"Sorry po." Nakatango niyang sambit. May good side din naman pala ang babaeng ito, parang batang lang na pinagalitan dahil sa hitsura niya ngayon, haha nakakatuwa siya. Nabura sa mga mata ko ang saya na nakikita kong ganun ang hitsura ni Shaine ng tingnan niya ako ng masama, na tila sinasabi niyang bakit ako tumatawa sa isip ko. Pa'no ba naman ang cute niya ng mapagalitan siya.

"Kumain ka na Dia, para na rin makapagpahinga ka ng maaga." Nilingon ko si Ma'am Vel at nginitian. Hiniwa ko na ang beef stew na nasa plato ko, hindi ko na lang pinansin si Shaine sa mga oras na iyon dahil alam kong usok na naman ang ilong dahil sa ginawa ko. Teka di naman niya alam ang iniisip ko ah. Hays umaandar na naman ang kabaliwan ng isip ko.

.

.

.

"Thank you po."

"Always welcome Dia, sige na magpahinga ka na maaga ka pa bukas." Nginitian ko si Ma'am Vel matapos sabihin iyon, kumuway ako sa kanya maging kay Shaine na nakatango at tahimik sa tabi ni Ma'am Vel. Haha ang cute niya talaga kapag kasama si Ma'am Vel.

Itinaas na ni Ma'am Vel ang rear door glass kaya pumasok na din ako sa tinutuluyan ko ngayong bahay. Napabuntong hininga na lang ako ng makapasok sa gate, binati pa ako ng guard pero nginitian ko lang siya hanggang makarating sa loob ng bahay. Nang maisara ko ang pinto ng kuwarto ko ay sumandal pa ako dito dahil sa pagod, ipinikit ko ang mata ko sa mga oras na iyon ngunit agad akong napamulat ng mata ng maaala si Mama, agad kong hinanap ang phone ko sa dala kong bag.

"General Medical Hospital, yes hello?"

"Hello on duty po ba si Miss Adelaine Luson ngayon?"

"Who's in the line please?"

"It's Diala Madrigal."

"Let me check it first ma'am."

"Okay sure." Rinig kong dahan dahang inilapag ng kausap ko sa table ang telepono.

"Ma'am Madrigal, she already log out this evening."

"Ganu'n po ba? Sino po ang naka assigned ngayon sa room 209?"

"It's Darell Mercado ma'am."

"Sige po, salamat po. Itatanong ko lang din po sana kung ano na ang sitwasyon ng Mama ko."

"She's fine Miss Madrigal and still under observation, any concern ma'am?"

"'Yun lang po, thank you po."

"You're welcome ma'am." Pinutol ko na ang linya matapos marinig iyon. Sa sobrang abala ko sa lesson ay ngayon ko lang naalala si Mama, halos mag iisang linggo na akong hindi nakakadalaw sa kanya tapos sunod sunod pa ang mga lesson ko this coming week.

"Miss Dia may bisita po kayo." Nagulat ako ng marinig ang boses ng babae mula sa labas ng kuwarto ko. Binuksan ko iyon at nakita si Umi na nakatayo lang sa tapat ng pinto ng kuwarto ko.

"Sino po Ate Umi?"

"Your highness." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon, nanlaki naman bigla ang mata ko ng makilala ang taong iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
2.3K 137 33
Meet the Agatha Arthurs, the Madonna of Justice.
675K 31.1K 94
Paano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung tao...
107K 2.6K 36
(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINI...